ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

Por angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Más

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 64: FORCES OF NATURE

325 29 13
Por angelodc035

Matagumpay na naisagawa nina Odessa ang kanilang plano na makaalis sa grupo ng mga militar na nakasalubong nila sa Roxas Blvd. Ito ang kauna-unahang tropa ng gobyerno na nagliligtas ng mga tao mula sa pambibiktima ng mga anak ng buwan simula ng gabing sumalakay ang mga ito sa buong mundo. Nanatiling naroroon lamang sa paligid sina Odessa at mga kasama nito para magmanman at kaagad na magbigay tulong sa oras na kailangan sila ng mga ito.

Umakyat sila sa isa sa mga mataas na gusali sa paligid ng CCP Complex para malapit lamang sila sa lugar na pinag-iiwanan nila kina Fr. Mexo at kaagad makita ang lahat ng nangyayari. Pumwesto sila sa pinakatuktok ng gusali at doon ay nagpahinga muna habang halinhinan sila sa pagmamanman sa mga militar. Hindi komportable si Odessa at Demetria sa ipinapakitang kabaitan at kilos ng mga militar kaya hindi sila kampante na ligtas sina Fr. Mexo at mga tao sa mga militar.

Ninais na manatili nina Demetria, Randy, Ceasar at Sagaway sa tuktok ng gusali para madali nilang makita ang mga nangyayari sa paligid lalo na kina Fr. Mexo na tumatayong lider sa grupo. Habang si Odessa naman ay inihahanda na ang sarili sa kanyang paglisan sa araw na iyon para bumalik na sa Sinukluban. Alam niyang ito na ang araw na kailangan na niyang bumalik sa ikatlong mundo upang simulan ng pigilan ang paglaganap ng kampon ni diyosang Bulan sa buong mundo.

Nanatiling nagmamasid naman ang tatlo sa tuktok ng gusali at minamanman ang bawat kilos ng mga sundalo na paroo't-parito dahil sa isinasagawang atensiyong medikal sa mga tao. May mga malalakas na armas na bitbit ang mga sundalo at pulis na magagamit ng mga ito upang protektahan ang mga sarili, pero hindi ito uubra sa dami at bagsik ng mga anak ng buwan na nagkalat pa rin sa paligid. Alam nilang mas kailangan nila ang kanilang tulong kahit na malalakas ang mga kagamitang pandigma ng mga sundalo, dahil alam nina Odessa kung ano ang kahinaan ng mga kalaban.

Ilang oras ang lumipas ay isa-isa ng kinausap ni Odessa ang kanyang mga kasama para magpaalam na sa kanila. Mabigat sa kanyang puso na iwan ang kaniyang mga kaibigan lalo na si Randy na kanyang kasintahan,  sa ganitong sitwasyon. Hindi niya puwedeng isama ang mga ito sa kanyang paglalakbay dahil wala ng poprotekta pa sa maiiwan nilang mamamayan sa mundo ng mga tao. Pagkatapos makausap ay nagkayakapan ang mga ito at nangakong walang mawawala o mamamatay sa kanila sa labanan na kung saan nakataya ang buhay hindi lamang sa Sansinukop, maging na rin ang nasa Sinukluban at Kalangitan kung pamumunuan ito ng mga alagad ng kadiliman.

Umusal ng mga dasal si Odessa sa harapan ng isang pader na napapalamutian ng mga makukulay na grafiti. Mahihinang pag-usal ng mga dasal para sa Pilunlualan na magbubukas para makapasok sa Sinukluban o ikatlong mundo. Kasabay ng kanyang mga pag-usal ay ikinumpas niya ang kanyang mga kamay at unti-unting nagkakaroon ng pamumuo ng liwanag sa gitna ng pader.

Halos matulala naman sina Demetria, Randy at Ceasar sa kanilang nakikitang unti-unting pagbukas ng Pilunlualan sa kanilang harapan. Maging si Sagaway ay hindi nito maiwasan ang tumingin sa ipinapakitang galing ni Odessa sa pagbubukas ng lagusan patungo sa kabilang daigdig. Maya't-maya ay maririnig mula dito ang mga malulutong na tunog mula sa pader at ang paglaki ng liwanag mula sa pinakasentro nito.

Kasabay ng huling salitang namutawi sa mga labi ni Odessa ay tuluyan ng bumukas ang Pilunlualan sa harapan niya. Isa-isang nagsilapitan ang apat sa harapan ng lagusan at manghang-mangha sa nakikita na tila sa panaginip lamang at pelikula nakikita. Sumilip sina Randy at Demetria sa Pilunlualan at kitang-kita nila ang isang napakalawak na  dalampasigan sa kabilang mundo. Sumalubong sa kanila ang hanging dala ang amoy ng dagat at kitang-kita nila ang napakalinis at bughaw na karagatan na punong-puno ng buhay.

"Yan ang isla ng Dalangan, kung saan ako mananatili muna para masiguro ko ang aking kaligtasan." ang wika ni Odessa.

"Dalangan?" ang tanong ni Demetria habang hindi nito maalis ang pagkakatitig nito sa karagatan ng Dalangan.

Nakiusyoso na rin sina Ceasar at ang napakatangkad na si Sagaway. Tanging sina Odessa at Sagaway pa lamang ang nakarating na sa ikatlong mundo kung saan nananahan ang lahat ng mga makapangyarihang elemental sa buong Sanlibutan. Sa buong buhay naman ni Demetria ay hindi pa siya nakakatapak man lang sa kahit anong lugar sa Sinukluban. Matagal na niyang pinangarap na makapunta man lang dito, pero alam niyang hindi ito ang tamang pagkakataon na gawin ito dahil may mas mahalagang bagay siyang dapat gawin kaysa sa pagpunta sa ikatlong mundo. Kailangan nilang protektahan ang mga tao dito sa Sansinukop, at iyon ang nais na mangyari sa kanila ni Odessa, at iyon din ang sinasabi ng kanyang puso.

Humarap sa kanila ang mangiyak-ngiyak na si Odessa para magpaalam na sa huling pagkakataon. Muli ay yumakap sa kanya si Randy na umiiyak din na parang isang bata.

"Di ba napag-usapan na natin to mahal? Kailangan kong gawin ang tungkulin ko bilang tagapagganap sa propesiya ng mga Babaylan at Manggagaway sa Sinukluban." ang wika ni Odessa habang nakayakap sa kanya si Randy.

"Maalis mo ba sa akin ang hindi mag-alala sa'yo? Ang mangulila habang wala ka?" ang tanong ni Randy na nakasubsob ang mukha sa balikat ni Odessa. Naramdaman ni Odessa ang mga luha sa mga mata ni Randy at sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng pagkalungkot para sa kasintahan.

"Walang mangyayari sa akin mahal, gagabayan ako ng Diyos para matigil na ang kasamaan ni diyosang Bulan at ng kanyang mga kampon sa lahat ng kanyang nilikha. Pagbabayarin din ng Mahal ni Anilaokan sa pagdukot niya sa aking Ate Laurea. Para mangyari ito ay kailangan sisimulan ko ito sa pinaka-ugat ng problema. Yun lang ang paraan para matigil ang lahat ng kasamaan sa mundo, mahal ko." ang paliwanag ni Odessa sa kasintahan.

Inialis ni Randy ang pagkakayakap kay Odessa at tumitig sa mga mata nito. "Alam ko naman iyon, pero pangako mo na babalikan mo ako, hihintayin kita kahit ano pa ang mangyari." ang may-lungkot na tugon nito kay Odessa.

"Pipilitin ko na bumalik sa'yo mahal ko at siguradong pagkatapos nito ay magiging masaya na ang ating pagsasama. Magiging malaya na ang lahat na muling magsimula ng panibagong buhay."

"Huwag mong pilitin mahal ko. Gawin mo hindi lang para sa akin, pati na rin sa kanila." ang wika ni Randy kasabay ng paglipat ng kanyang tingin sa mga kasama. "Kailangan ka namin." ang dugtong pa niya.

Tumango si Odessa at hindi na rin nito mapigilan ang umiyak. Muli siyang niyakap ni Randy at saka hinalikan sa kanyang noo, sa kanyang ilong at sa kanyang mga labi. Ninamnam iyon ni Odessa dahil alam niyang mamimiss niya iyon sa kanyang kasintahan.

"Randy, hindi naman sa naiinggit kami sa pagkasweet mo sa kasintahan mo, puwede bang kami naman ang magpaalam muli sa kaibigan namin? Mukhang sa pagkakataong ito ay totohanan na talaga sa pag-alis ang kaibigang Odessa." ang tila seryosong wika ni Sagaway kay Randy.

Napatingin sina Randy at Odessa sa mga kasama at saka nangiti.

"Oo naman. Sige its your turn guys." ang mabilis na tugon ng natatawang si Randy.

Unang lumapit si Ceasar na kaagad na kinamayan si Odessa. "Isang karangalan na makilala ka at makasama sa labanan. Sana hindi na ito ang uling pagkakataon na makasama ka sa pakikipaglaban para sa pagprotekta sa sangkatauhan."

"Isang karangalan din sa akin na makasama ka Ceasar. Sana hanapin mo si Caren para pareho ninyong pamunuan ang inyong lupon. Niyakap din niya si Ceasar bilang pasasalamat na rin sa pakikipagkaibigan sa kanya na kahit sa maikling panahon ay nakasama siya nito.

Lumapit naman si Sagaway kay Odessa. Sa taas na walong metro ay tila isa itong naglalakad na puno sa tuktok ng isang gusali. Patakbong yumakap si Odessa sa kamay ni Sagaway. Awang-awa siya sa kaibigang kapre dahil na rin sa katapatang ipinakita nito sa kanila ni Laurea. Batid ni Odessa kung gaano kamahal ni Sagaway ang kanyang ate Laurea na ngayon ay matagal ng nangungulila sa pagkawala ng diwata.
Matagal-tagal na rin mula ng dukutin ni Anilaokan si Laurea at wala na silang balita mula noon. Ni hindi na nga nila alam kung buhay pa ba o patay na ang maalamat na si Mariang Sinukuan.

Damang-dama ni Odessa ang kalungkutan at pangungulila ni Sagaway sa kapatid niyang si Laurea. Noon pa man ay minahal na ni Sagaway ang kanyang ate Laurea. Tanging siya lamang ang pinagsabihan ni Laurea tungkol sa totoong katauhan ni Sagaway. Si Sagaway ang tanging mortal na minahal ni Laurea, daang taon na rin ang nakakaraan. Si Sagaway ay si Arturo, ang kasintahan ni Laurea na pinatay ng mga tao dahil sa kasakiman ng mga ito. Bago pa man malagutan ng hininga si Arturo ay nagpatulong si Laurea kay Tandang Ursala na mailipat ang kaluluwa nito sa nag-aagaw buhay na kapre na kanilang natagpuan malapit sa puting bato sa bahagi ng bundok Arayat. Marahil ay malubhang nasugatan sa pakikidigma ang kapre ng mga oras na iyon at hindi na nakayanan ang kanyang pinsala sa katawan. Matagumpay na naisagawa iyon ni Tandang Ursula at naisalba ang kaluluwa ni Arturo gamit ang katawan ng nakitang nag-aagaw buhay na kapre, ngunit walang maalala si Arturo kahit na si Laurea. Pakiramdam ni Laurea ay bigo sila sa pagsagip kay Arturo dahil kahit siya at ang nakaraan nila ay hindi nito maalala. Pero may natatanging bagay ang nanatili kay Arturo, ito ang pag-ibig at katapatan nito sa kanyang ate Laurea. Binigay ni Laurea ang pangalang Sagaway sa kapre mula sa lenguwahe ng mg diwata na ang ibig sabihin ay Katapatan ng puso.

"Mag-iingat ka mahal kong kaibigang Odessa. Sana ay matagpuan mo na si Reynang Sinukuan para makasama na natin siyang muli." ang sabi ni Sagaway kay Odessa na nakayakap pa rin sa kanyang kamay.

"Iyon ang tiyak na aking gagawin kaibigang Sagaway." Ang tugon ni Odessa sa malungkot na si Sagaway. "Babalik akong kasama si ate Laurea ano man ang mangyari. Magsasama-sama tayong muli sa mundong ito Sagaway, ipinapangako ko iyan."

"Salamat kaibigang Odessa, hihintayin ko ang pagkakataong iyon at ako ang magiging pinakamasayang kapre sa Sanlibutan." ang masayang tugon ni Sagaway. "Huwag mo kaming aalalaanin dito kaibigang Odessa. Poprotektahan namin ang mga tao sa abot ng aming makakaya kaya walang dahilan para mag-alala ka sa amin. Ikaw ang inaalala ko kaibigan."

"Salamat kung gayon, walang dahilan din para mag-alala ka sa akin kaibigang Sagaway."

"Mayroon dahil hindi mo naman alam ang pasikot-sikot sa Sinukluban. Kaya ihahabilin ko sa'yo na hanapin mo si Daluyong pagdating mo sa Sansinukluban." ang wika ni Sagaway.

"Daluyong?"

"Isang kaibigan. Isang tapat na kaibigan na nakasama ko sa mga digmaan ng mga Kapre at Tikbalang kaibigang Odessa. Sabihin mo lamang ang pangalan ko sa kanya at tiyak na hindi magdadalawang isip na tutulong sa'yo iyon." ang sagot ni Sagaway kay Odessa. "...matatagpuan mo siya sa mga kagubatan ng Mancao sa isla ng Buria."

"Salamat kaibibigang Sagaway, maraming salamat sa pag-aalala mo. Ipinapangako ko na hahanapin ko ang kaibigan mong si Daluyong para makatulong sa akin sa paghahanap kay ate Laurea. Ipinapangako ko sayo, babalik ako kasama na si ate." ang buong pasasalamat ni Odessa kay Sagaway.

Patakbong yumakap si Demetria sa kanya. Tahimik lang siya at pilit na nakangiti para sa kaibigan. "Gusto ko man samahan kita pero alam kong hindi ka papayag dahil masyado mong mahal ang mga tao dito sa Sansinukop."

"Alam ko naman hindi mo sila pababayaan Demetria, dahil kagaya ko, ang mundong ito ang naging tahanan natin sa napakahabang panahon. Nakasalamuha natin ang mga tao at tulad nila naging tao rin tayo sa napakahabang panahon kaya nararapat lamang na sila'y iligtas at protektahan." ang sagot ni Odessa sa kaibigan. "Ngayon ay mas mapapanatag ako dahil kaantabay ka ni Randy, Sagaway, at si Ceasar kasama ang mga taong lobo sa pakikipaglaban sa kasamaan para sa mga tao."

"Makakaasa ka kaibigan at gagawin namin ang lahat sa kaligtasan ng buong Sansinukop. Hihintayin ka namin ng mga kaibigan mo, para sa mga tao, para sa buong Sanlibutan." ang tugon ni Odessa.

Mabigat sa loob ni Odessa ang paglisan dahil napamahal na siyang husto sa kanyang mga kaibigan. Lalo na ay mahihiwalay siyang muli sa pinakamamahal niyang si Randy. Baon niya ang kalahati ng Eskrihala na bigay sa kanya ng kasintahan. Pero sa taglay niyang kapangyarihan ay kailangan pa ba niya ang Eskrihala? Ngunit kung sasanayin naman niya ang sarili sa paggamit ng kanyang kapangyarihan ay baka tuluyan na siyang lukubin ng kadiliman. Kaya hangga't makakaya niya ay ang Eskrihala ang kanyang gagamitin sa pakikidigma sa mga kampon ni diyosang Bulan.

Tuluyan ng pumasok sa loob ng Pilunlualan si Odessa. Pigil ang kanyang sarili na huwag maiyak sa kanyang pag-lisan. Alam niyang walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba siya ng buhay sa mga kasama lalo na ang makakalaban niya ay mga diyos at diyosa sa dalawang mundo, ang Kalangitan at Sinukluban.

Unti-unting sumasara ang Pilunlualan habang malungkot na pinagmamasdan iyon nina Randy, Demetria at Ceasar. Nakayuko naman si Sagaway at ayaw na nakikitang unti-unting nawawala na sa kanilang harapan ang kaibigan nilang si Odessa. Hanggang sa tuluyan ng sumara ang lagusan papunta sa ikatlong mundo. Tuluyang bumigay sa kanyang pag-iyak si Randy. Humagulgol ito dahil sa alam niya sa isip niya na walang kasiguraduhan kung makakabalik ng buhay si Odessa sa kanyang pagpunta sa Sinukluban.

Isang kamay ang humawak sa kanyang balikat at pinigilan niya ang kanyang pag-iyak. Tumingin siya sa mga kamay na iyon at saka tumitig ito sa mukha ni Demetria na pilit na ngumingiti sa kanya.

"Magpakatatag ka Randy. Magtiwala ka lang na babalik siya sa'yo dahil kung ikaw rin ang nasa kalagayan niya ay iyon din ang gagawin mo para sa taong mahal mo." ang mahinang wika ni Demetria.

Tumango si Randy dahil tama ang sinabing iyon ni Demetria, dahil kung siya man ang gagawa sa tungkulin ni Odessa ay pipilitin niyang mabuhay para sa mga taong mahalaga sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon ng pag-asa sa puso ni Randy dahil iyon din ang gagawin niya para hintayin si Odessa.

"Tara na, umpisahan na natin ang pagmamasid sa paligid. Ceasar!..." Biglang tingin kay Ceasar. "...alamin mo kung bumalik na si Caren sa CCP Complex." ang utos ni Demetria.

Agad namang tinungo ni Ceasar ang hagdan pababa sa mataas na building. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay isang napakalakas na pagyanig ang kanilang naramdaman. Sa sobrang lakas nito ay hindi napigilang umupo nina Demetria, Randy at Ceasar samantalang si Sagaway ay napahawak sa tore ng signal ng radyo. Ilang saglit lang ay nagbagsakan ang tatlong katabing gusali ng gusaling kinaroroonan nila.

Sa sobrang lakas ng pagyanig ay tila pinaghahahampas sila nito sa tuwing sinusubukan nilang tumayo. Dinig na dinig nila ang mga sigawan ng mga taong nasa loob at labas ng CCP theater na takot na takot sa nangyayaring pagyanig.

Biglang nabiyak ang gitna ng daan at lumubog ang iilang gusali. Bumulwak ang tubig sa lupa habang lumalapad ang pagkabiyak ng sementadong kalsada. Sa buong buhay ni Sagaway ay ito na ang pinakamalakas na pagyanig na nasaksihan niya mula pa ng magkamalay siya bilang si Sagaway.

Patuloy sa pagyanig ang buong paligid. Nagliparan ang mga ibon mula sa mga puno at nagsilabasan ang napakakapal na mga daga at ipis sa kalsada. Mga aso't-pusa na tahimik na nakasilong sa mga abandonadong gusali ay nagsitakbuhan din at takot na takot sa mga pangyayari.

Sunod-sunod na nakakabinging pagsabog ang umalingawngaw sa paligid kasabay pa ng unti-unting pagbagsak ng iba pang gusali sa paligid. Hindi masukat ang takot na nilikha ng pagyanig kina Demetria na nasa ibabaw ng halos may apat na pung palapag na gusali. Ang mga kasamang taong-lobo ni Ceasar ay halos hindi rin makatayo dahil sa sobrang lakas ng pagyanig at nananatiling nakaupo kung saan sila naroroon.

Nakikiramdam ang lahat at nananalangin na sana ay tumigil na ang napakalakas na pagyanig. Halos lahat ng mga gusali sa abot ng kanilang mga mata ay halos gumuho at ngayon ay kanilang kinatatayuang gusali ang nagsisimula na ring gumuho sa pagyanig. Nagkatinginan sina Demetria at Randy para sa susunod na hakbang habang dinig na dinig nila ang tila kulog na ingay na nanggagaling sa unti-inting pagguho ng gusaling kinaroronan nila.

Pinilit na tumayo ni Randy at lumapit kina Demetria at Ceasar.

"Sagaway, dali!" ang malakas na sigaw ni Randy kay Sagaway na nakakapit ng mahigpit sa tore ng signal ng radyo.

Napatingin si Sagaway at pilit na lumapit sa mga kasama. Para itong lasing na pasuray-suray sa kanyang paglapit kina Randy. Bawat tapakan nito ay lumulubog at bumabagsak patungo sa ilalim ng pinakamalapit na palapag ng gusali. Nakatitig si Sagaway sa tatlo niyang kasama at kitang-kita sa mga mata ng mga ito ang labas na pag-aalala para sa kanya. Iniabot ni Randy ang kamay nito sa kanya at kaagad din niyang tinanggap sa kanyang kanang kamay.

"Alam kong ito lamang ang tanging paraan para maligtas tayo." ang wika ni Randy. Pagkahawak niya kay Sagaway ay pinakawalan niya sa kanyang katawan ang bola ng kuryente na mabilis na bumalot sa kanila. Ito ang poprotekta sa kanila sa mga tumatabon na makapal na alikabok at mga tipak ng bato mula sa gumuguhong gusali na kinaroroonan nila. Pero, nabitawan ni Randy si Sagaway kaya humiwalay ito sa kanila at nawala sa kanilang mga mata dahil sa sobrang kapal ng alikabok.

"Sagaway!" ang sigaw ni Randy sa Kapre. Naghintay siya ng tugon mula sa Kapre ngunit tanging mga gumuguhong mga pader ang kanilang naririnig.

"Sagaway!" ang sigaw ni Demetria. Walang sagaway na sumagot sa kanilang tawag.

Sinubukan nilang iginala ang kanilang paningin, ngunit wala silang maaninag kundi napakakapal na alikabok na bumabalot sa paligid.

Wala silang makita kundi ang napakakapal na alikabok na patuloy na tumabon sa kanila. Nakayakap sina Demetria at Ceasar kay Randy, pero wala na si Sagaway.

Labis na naiyak si Demetria sa kinahinatnan ni Sagaway. Imposibleng makakaligtas pa si Sagaway sa mga naglalakihang tipak ng mga konkretong pader ang kapre kahit na sabihin pang malakas at matangkad ito. Mahigit sa apat na pung palapag na gusali ang gumuho at kasama sila sa pagguho nito.

Hindi namalayan nina Demetria na pumailanlang ang bola ng kuryente at mula sa himpapawid kitang-kita nila ang lawak ng pinsala na dinulot ng napakalakas na pagyanig. Kitang-kita nila ang patuloy pa ring pagguho ng gusaling pinanggalingan nila na kung saan pinangangambahan nilang kasamang natabunan doon si Sagaway. Pero ang labis nilang ikinatakot ng makita kung anong napakalakas na puwersa ang inilikhang panganib ng pagyanig sa dagat.

Napalingon si Demetria sa may Manila Bay at takot ang kaagad na namayani sa kanyang mukha.

"Mahabaging Diyos ng langit at lupa..." ang tanging nasambit nito. Kitang-kita niya ang paparating na higanteng alon sa dagat habang walang kamalay-malay ang mga taong nagtatakbuhan sa kalsada. Nakita niya si Fr. Mexo na kasalukuyang ipinalalabas ang mga taong takot na takot dahil sa pagyanig.

Dalawang kilometro mula sa dalampasigan ng Maynila ay ang mahigit sa Tatlum-pung metrong taas na mga alon sa dagat na nakahandang hampasin ang baybayin ng Maynila.

The final installment of the ODESSA'S REDEMPTION trilogy...

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods.

Catch it here @ Wattpad!

Soon...

Seguir leyendo

También te gustarán

179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...
242K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...