Switched

Por HopelessPen

52.4K 2.1K 181

(Lost Senoritas Book 1) Noelle Madrid ran away from her controlling mother to get away from an arranged marri... Más

SIMULA
1
3
4
5
6
7
8
9
10

2

3.8K 185 6
Por HopelessPen

2


Yabang





Hinawakan ni Lukas ang balikat ko habang sabay kaming tumatakbo para makasilong. Tinutok niya sa akin ang payong habang siya ang mas nababasa sa dagsa ng ulan.

"Malapit na tayo," aniya bago ako hinila sa isang malapit na kubo. Nauna siyang tumakbo habang hatak niya ang nanlalamig ko ng kamay. Noong sumilong kami ay agad niyang hinila ang lumang kahoy na upuan.

"Sit down," utos niya. Sa sobrang lamig, pagod, at takot ay tahimik akong sumunod. Nang makaupo ako ay sabay naman niyang pagluhod sa harap ko. Tiningnan niya ang mga palad ko bago ang aking paa.

"May masakit ba sayo?" he asked as he checks on me. His jaw was moving ruthlessly but his touch was gentle. Tumingala siya sa akin kaya napailing na lamang ako.

"W-wala...pero nilalamig ako," sagot ko. Huminga siya ng malalim bago tumayo. Nilingon niya ang buong kubo. Tahimik at luma na ito. Marami na ring agiw at alikabok na nakakalat. Walang kahit na anong bakas na mayroong naninirahan roon.

"Wala bang nakatira dito, Lukas?"

"Hmmn..wala. Matagal ng namatay ang may ari ng bahay," sagot niya sa akin habang nangangalkal ng kung ano. Maya maya ay may hinila siyang lumang tela. Pinagpagan niya ito bago ibinigay sa akin.

"Bear with that. Mamaya pag uwi ay bibigyan kita ng mas makapal na kumot," sabi niya habang binabalot ko ang aking sarili. Umupo siya sa kahoy na sahig habang pinapanood ang pag ulan.

His hair was dripping wet. Dumidikit iyon sa noo at batok niya, framing the sharp edges of his face perfectly. Ginulo niya ng kaunti ang buhok niya bago huminga ng malalim. Dahil basa mula sa ulan ay mas bumakat ang hulma ng balikat niya sa damit.

I bit my lip as I watch him in awe. I don't know why my eye was fixated on him. Maybe because the only man that has ever been close to me was my dad that's why I am mesmerized by Lukas. Or maybe because there is really something, something that is rough, calloused and yet hauntingly beautiful about him.

"Bakit mo ako h-hinanap?" I squeaked. Nilingon niya ako bago supladong binalik ang tingin sa ulan. Tumaas ang kilay ko at napasinghap sa ginawa niya.

So ganun? Mas interasado siyang titigan ang ulan kaysa sa akin? Aba!

"Nag-alala si Lola kaya sinundan kita."

"Si Lola Esmeng?"

Hinarap niya ako bago mayabang na ngumisi. "Bakit may iba pa ba akong Lola?"

I rolled my eyes and stood. Bumagsak sa sahig ang telang ginamit kong pambalot bago siya nilapitan. Noong matapat ako sa kanya ay umabot lamang ako hanggang sa gitna ng kanyang dibdib. Kung todo ang pagtingala ko sa kanya bago ko pinagkrus ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib.

"Aba malay ko. Di ko naman Lola ang lola mo," pabalang ko ring sagot. His eyes turned into sharp slits as his lips curved in an amuse smile. Namulsa siya bago ako tinitigan ng mariin.

"Welcome. Hindi mo na kailangang magpasalamat dahil niligtas kita. Ulit," arogante niyang sabi. He smiled mischieviously and my blood boiled more.

"How can you even expect me to say thank you when you're such an asshole?"

Kinagat niya ang labi niya bago nilahad ang kamay sa tapat ng kanyang dibdib, tinuturo ang sarili.

"Me? An asshole? Ang gwapo ko namang butas ng pwet, kung ganoon?" hamon niya. I rolled my eyes again in disbelief.

"Ang yabang mo," sumusuko kong sabi. I raised my hands in surrender before I turned my back on him. Narinig ko ang pagtawa niya bago pinulot ang tela na nahulog ko kanina. Tinupi niya iyon at inilapag sa inupuan ko kanina.

"Halika na. Mahina na ang ulan. Nag aalala na rin si Lola, panigurado," aniya. Dinampot niya ang payong bago nauna. Sumunod naman ako sa kanya at tahimik kaming naglakad pabalik sa kanila.

The waves of the sea crashed violently on the rocks. Malakas pa rin ang daluyong ng hangin pero tuluyan ng tumigil ang ulan ng makarating kami. I looked up and saw the purple blue sky slowly calming from the storm that just happened.

The place was buzzing with insects' noise, signalling the arrival of nighttime. May iilang alitaptap na lumilipad sa paligid at mga insektong dumadapo sa kung saan. One beetle flew to my arm and crawled to my finger. Napahagikgik ako kaya nilingon ako ni Lukas.

"Noelle?"

"Yes?" I asked while playing with the beetle in my hand. Humakbang siya palapit sa akin at halos matumba ako sa ginawa niya. His face was so close to mine that I gasped loudly. The beetle in my hand got shocked to that it flew away!

"Tinakot mo yung salagubang!" akusa ko sa kanya. His face was so close to me so I stepped back. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat at panghihinayang sa lumipad na insekto. Dumiretsyo siya ng tayo bago tiningnan ang mga lumilipad na insekto na nabulabog dahil sa ulan.

"Hindi naman ah," parang bata niyang sabi. Napanguso na lang ako bago siya natawa at umiling.

"Let's go inside, kid," aniya sabay hila sa aking kamay. Nanlaki naman ang mata ko habang hinahatak niya ako.

Binuksan niya ang kanilang pinto at sumalubong sa amin si Lola Esmeng na nakaupo sa tapat ng altar at nagrorosaryo. Noong marinig kami ng matanda ay napatayo ito. Tumakbo ito papunta sa amin at niyakap si Lukas bago ako nilapitan.

"Kamusta kayong dalawa? Wala bang nasaktan sa inyo?"

Nilapitan ni Lukas si Lola Esmeng at pinaupo sa kanilang sofa. Lumapit naman ako sa matanda at hinawakan ang balikat nito.

"Maayos lang po kami, Lola," sagot ko. Naiiyak na tumango ang matanda at hinawakan ang kamay kong nasa kanyang balikat.

"Natakot ako. Akala ko ay mapapano ka na. Hindi ka pa naman yata sanay dito sa isla. Kaya nga inutusan ko agad itong si Lukas para sundan ka, Noelle. Mahirap na. Delikado na ang panahon ngayon, hija."

Ngumiti lamang ako at tiningnan si Lukas na nakatitig sa akin. I shifted uncomfortable in my spot before looking back to Lola Esmeng.

"Salamat po. Hayaan nyo po, kapag nakapagpahinga na ako ay aalis na ako kaagad. Ayaw ko pong makadagdag sa iisipin ninyo," sagot ko. Umiling si Lola Esmeng bago pinisil ang aking palad.

"Noelle, hija, hindi."

"Lola, ayos lang po. I extended my stay here already. Masyado na po akong nakakaistorbo," anas ko. Umangal pa si Lola Esmeng bago niya nilingon si Lukas na tahimik lamang sa kanyang tabi.

Dumiretsyo na ako ng tayo habang di na mapakali si Lola sa kanyang kinauupuan.

"Maghihiram na lang po sana ako ng tuyong damit. Nabasa po kasi lahat ng gamit ko kanina sa ulan. Pasensya na po." I awkwardly said. Tumango si Lola Esmeng at tumayo.

"Ikukuha kita sa kwarto, saglit lang," aniya. Noong makaalis siya ay ako na ang umupo sa sofa. Umikot naman si Lukas at umupo sa kanilang dining table, nakaharap sa akin.

"Aalis ka na?"

Tumango ako at di siya tiningnan.

"Saan ka naman pupunta?"

"Ewan. Sa ibang isla siguro," tipid kong sagot. Sinalubong ko ang mata niya na marahas na nakatitig sa akin.

"Ibang isla," aniya, medyo nanguuyam ang tawa.

"Bakit hindi ka na lang umuwi sa inyo? Sigurado akong hinahanap ka na ng mga magulang mo---"

"My father's dead and my mother's in Spain. Walang maghahanap sa akin," putol ko sa kanyang sinasabi. Nagngalit ang kanyang panga habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero may inis sa kanyang tingin sa akin. The way his jaw moves and the intensity of the sharpness of his eyes, I know that he irritated with something.

"Now I get it. Naglayas ka para kunin ang atensyon ng Mama mo, iyon ba? You're putting yourself to danger just for fucking attention," he concluded. Tumayo ako at nilapitan siya. I pointed at him before gritting my teeth, controlling my temper.

"You don't know anything about me, Lukas. Hindi mo alam kung bakit ako nandito. Hindi mo alam kung anong tinatakbuhan ko. Don't talk as if you know anything about me because you don't. Wala kang alam, Lukas," gigil kong sabi. Arogante lamang niya akong tinitigan at akmang magsasalita pa sana noong dumating si Lola Esmeng.

"Noelle, hija. Ito muna ang suotin mo. Pasensya ka na kung daster lamang ang mapapahiram ko," anas nito. Ilang sandali ko munang tinitigan si Lukas bago ko hinarap si Lola Esmeng na nagtatakang nakatingin sa aming dalawa.

"Samahan na kita. Nasa labas ang banyo namin," anas ng matanda. Tahimik lamang akong tumango bago ko ito sinundan. Noong palabas na kami ay huminto si Lola Esmeng.

"Magbihis ka na rin, Lukas. Basa ka rin," utos niya sa apo bago lumabas.

Nangigigil pa rin ako kay Lukas noong makarating kami sa banyo ni Lola Esmeng. Hindi ko pa rin maintindihan ang lalaking iyon. Sobrang talim ng dila! Ang sakit niyang magsalita na para bang kilala niya talaga ako! Porke't ba ilang beses na niya akong tinulungan ay pwede na niya akong pagsalitaan ng ganoon?! Hah!

"Nag away ba kayo ng apo ko?" basag ni Lola Esmeng sa katahimikan. Natigilan ako bago yumuko.

"Pasensya ka na sa kay Lukas. Mahirap kasi ang naging buhay sa kanya kaya marahas siyang makiharap sa mga tao. Pero mabait ang apo ko, Noelle. Bigyan mo lang ng pagkakataon na makilala."

Niyakap ko sa aking dibdib ang damit bago sumandal sa pader ng banyo. Bakit ako Lola, kahit ilang beses na akong sinaktan ay di ko kayang maging marahas? Bakit para sa apo ninyo napakadali lang?

Tiningnan ko lamang ang matanda bago alanganing ngumiti.

"Magbibihis na po ako," sabi ko na lamang. Pumasok ako sa banyo at hinubad ang basa kong damit. Mabuti na lamang at nagawa akong pahiramin ni Lola Esmeng ng pampalit na mga damit. Mabilis akong nagbihis. Iyong kulay puti niyang daster na may disenyong lilang bulaklak ay umabot hanggang sa kalahati ng aking hita. Inayos ko na lamang ito at lumabas na.

Bumalik kami ni Lola sa loob. Doon ay nakita ko si Lukas, nakasuot na ng puting sando, nakabalandra ang balikat, habang inihahanda ang hapag. Noong pumasok kami ay napatitig siya sa akin. The disdain in his face was evident once again as he stared at me wearing the white daster.

"Kumain na tayo," malamig niyang sabi. Inakay ako ni Lola Esmeng at pinaupo sa tapat ni Lukas. Si Lola ang umupo sa kabisera at nanguna sa pagdarasal. Noong matapos ay nagsandok siya para sa aming dalawa ni Lukas.

Tahimik lamang kaming kumakain. I enjoyed the fried orange fish and the toyo with calamansi as a sawsawan. Gutom talaga ako dahil kahapon pa ang huli kong kain. Dirediretsyo ang subo ko at humihinto lamang kapag kailangang uminom. Hindi ko namalayan na ubos na pala ang kanin sa aking pinggan kung hindi tumikhim si Lukas sa aking harap.

"Kanin pa?" maangas niyang sabi. Napatanga na lamang ako at si Lola Esmeng na ang nagsandok para sa akin.

"Naku, okay na po.."

"Hala, kain lang ng kain. Masarap talagang magluto ang Lukas ko, Noelle," masiglang sabi ni Lola. Nilingon ko si Lukas na nakatitig lamang sa akin, may multo ng ngiti sa mga labi.

Uminit ang pisngi ko habang iyong nasa harap ko ay natatawa. Sumubo siya sa kanyang pagkain bago ako muling tiningnan.

"Takaw," bulong niya bago umiling iling. Napasinghap naman ako at hindi na nakasagot sa sobrang pagkapahiya.

Yabang!

Seguir leyendo

También te gustarán

29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
139K 6.3K 76
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
6.7M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...