The Incognito

By MyBurning

10.6K 378 136

Because it takes a lot of blood... credits to @perksofdo for the book cover. More

The Incognito
1 : The Repossesor
2 : Possessor's Trifle
3 : Untied Bond
4 : Lost
5 : Drown me, Death
8 : Pandemonium

6 : The Sky of the Hell

801 35 18
By MyBurning

Arah's POV

Idinilat ko ang aking mga mata at kasunod niyon ay ang pagsuka ko ng tubig. May isang taong pwersahan akong ipinatagilid nang higa upang hindi ako mahirapang ilabas ang tubig na pumasok sa katawan ko.

"Ayos ka na ba, Arah?" tanong ng isang pamilyar na boses.

Hindi ako sumagot dahil patuloy lang ako sa pag-ubo. Bahagya naman akong natigilan nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ilang beses niyang hinalikan ang aking noo habang may binubulong na mga salitang hindi ko naman maintindihan.

Siya... Nandito siya. Ligtas na ako.

A-akala ko katapusan ko na kanina. Sa sobrang takot ko sa mga pangyayari ay hindi ko na napigilang umiyak. Hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin habang hinihimas niya ang aking likod.

Nang pakiramdam ko'y kalmado na ako ay inilayo ko na ang sarili ko sa kanya. Ayokong masyado kaming malapit. Baka masanay lang ulit ako. At isa pa, nararamdaman ko ring maraming tao ang nakakatitig sa amin.

Tinignan ko ang taong yumakap sa akin at hindi nga ako nagkakamali ng hinala. Si Jacob...

Pinunasan ko ang aking luha at hinawi ang aking basang buhok. Tumingin ako sa gilid at nakita sina Logan at Paige kasama ang ibang mga lalake.

"Dadalhin na kita sa clinic," sabi ni Jacob. Tumingin ako sa kanya at bakas nga ang pag-aalala niya sa akin. Ayoko na. Ayoko nang nag-aalala ulit siya sa akin. Aasa na naman ako.

Tinignan ko si Logan at pinanlakihan siya ng mga mata. Nilabi niya ang salitang 'ha?' at mas pinanlakihan ko naman siya ng mata. Mukhang nagets na niya ang nais kong ipahiwatig kaya dali dali siyang lumapit sa'kin.

"Ako na lang magdadala sa kanya doon," sabi ni Logan habang inaalalayan akong tumayo.

"Hindi. Bumalik na lang kayo sa mga kwarto niyo, ako nang bahala sa kanya," pagpupumilit ni Jacob.

"Pre ako na," seryosong sabi ni Logan habang nakatingin pa diretso sa mga mata nito kaya wala nang nagawa pa si Jacob. 

Tuluyan na akong nakahinga nang maluwag ng makalabas kami ng pool area. Dumiretso kami sa clinic ng hotel at pinahiga naman ako ng nurse sa isang kama. Inabutan rin ako ng twalya upang patuyuin ang aking sarili.

"Ano bang nangyari sayo?" tanong ni Logan. Mariin kong pinikit ang mga mata upang alalahanin ang mga nangyari.

"Nakababad lang ang mga paa ko sa pool tapos bi---"

"Where is she?"

Napadilat ako bigla nang marinig ang boses ni Mr. Lee.

Napa-'tsk' na ako ng mahina. At hindi lang si Mr. Lee ang dumating, si Ms. Darcy din pati na ang ibang mga estudyante. For sure, kalat na sa lahat na nalunod ako sa swimming pool.

"Oh my God. What happened to you Arah?" tanong ni ma'am at humawak pa sa kamay ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at sumandal na lang sa headboard ng kama.

"Paano ka nalunod? Ayos ka na ba? May masakit ba sayo?" Tuloy-tuloy lang na nagtanong si ma'am sa akin. PaAsimple akong napairap. Akala mo naman kung sinong nag-aalala sa akin, kaya lang naman siya ganyan dahil mapapahamak siya kapag nadisgrasya ang kahit isa sa mga estudyante niya. At isa pa, nandyan si Mr. Lee. Masyadong pasikat. 

Kahit papaano kilala ko na ang ugali ni Ms. Darcy. Mabait siya sa harap ng iba pero sa aming mga estudyante niya, kung tratuhin niya kami ay parang napakalaki naming salot sa buhay niya. Kasalanan ba kasi naming mapunta siya sa section D?

Nang wala akong sinagot ni isa sa mga tanong niya ay si Mr. Lee na ang lumapit sa akin. Napalunok ako ng laway. Nakakainis. Eto na naman ang pakiramdam. Nanliliit na naman ako sa sarili ko. 

"Tell us what happened," mala-otoridad niyang utos na kapag hindi pa ako magsalita ay parang mapaparusahan ako. 

"May---" 

"What?"

Napabuntong hininga ako. "N-nadulas lang ako at tumama ang paa ko sa sa handrail kaya di ko na nagawang makalangoy."

Nagsinungaling ako. Ayokong sabihin na may nagtangkang pumatay sa akin. Dahil sa oras na sabihin ko iyon, tiyak na pauuwiin nila ako at makakatakas ang salarin. Kailangan ko pang hanapin kung sino siya. Kailangan kong malaman kung bakit niya ako gustong mamatay.

Tumango tango lang sila pero nagulat na lang ako ng hawiin niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Hinawakan niya ang paa ko at iginalaw galaw iyon na parang may hinahanap.

"Wala kang pasa sa paa."

Mabilis kong nilayo ang paa ko sa kanya. "Hindi ko alam," yun na lamang ang nasabi ko dahil kung magsisinungaling akong muli ay tiyak na mahahalata niya ako.

"Arah?" Mula sa pinto ay narinig ko ang boses ni Emerie.

"Oh my gosh! Nalunod ka raw?" mala-hysterical na tanong ni Demi.

"Guys, I'm fine. Hindi ako namatay okay?" sabi ko na lang. Tumigil na silang lahat sa pangungulit sa akin at lumabas na ang iba kasama sina Mr. Lee.

Nang makita ko si Paige ay agad ko siyang binatukan. Paniguradong siya ang nagsabi sa lahat nang nangyari sa akin.

Sky's POV

"Sa tingin ko, hindi siya basta bastang naaksidente at nalunod na lang," narinig kong sabi ni West na nakasandal sa pinto.

"Paano mo nasabi?" tanong ko sa kanya.

"Nakita ko ang lahat." Ngumisi siya at lumabas na ng kwarto. Hinampas ko ang pinto pagkasarang-pagkasara niya dito. Tangina. May nanandyang lumunod kay Arah. Alam kong hindi nagsisinungaling si West. 

Paulit ulit kong iniuntog ang ulo sa pinto. Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong mahanap kung sino ang gumawa noon sa kanya. Papatayin ko siya. Papatay ako para kay Arah!

Lumakad lakad ako ng pabalik balik sa loob ng kwartong ito. Si Pierce. Tama si Pierce nga. Nakita ko silang magkasama kanina. Sinasabi ko na nga ba. Mapapahamak lang si Arah kay Pierce. Ngayon kailangan na niyang mawala sa buhay ni Arah. Sa buhay naming lahat...

Tumigil na ako sa paglalakad at lumapit sa bintana. Medyo madilim na ang kalangitan. Kailangan ko nang kumilos. "Ako ang maghihiganti para kay Arah."

Pierce's POV

"Ikaw ba?"

Nag-iwas lang siya ng tingin at pwersahang tinanggal ang pagkakahawak ko sa siko niya. "Ano bang sinasabi mo?"

"Wag mo kong gawing tanga, alam kong ikaw ang may gawa noon kay Arah!" Hindi ko na napigilan pa't napasigaw na ako.

Bigla siyang ngumisi. "Paano kung ako nga?"

Lalong kumulo ang dugo ko. Mabilis akong lumapit sa kanya at sinakal siya sa leeg.

"A-ano ba Pierce!" Pinilit niyang tanggalin ang kamay na nakapulupot sa kanyang leeg. Pero hindi! Dapat niyang magbayad, dapat niyang pagsisihan ang ginawa niya kay Arah!

Kinapa kapa niya ang aking mukha at sa pamamagitan ng matutulis niyang kuko ay kinalmot niya ako kaya naman agad akong napaatras.

"G-ganoon ba hah?" Hinihingal niyang tanong habang pinanlilisikan ako ng mata at ang isang kamay ay humihimas sa leeg. "Ganoon mo kamahal ang babaeng 'yon? Ano, papatayin mo ako? Para sa kanya?!"

"Oo!"

Isang malakas na sampal ang aking natanggap.

"Y-you!" Nanginginig niyang sabi at dinuro duro ako. "How could you do this to me Pierce? Binigay ko ang lahat sayo para ano? Ipagpapalit mo ako sa babaeng hindi ka naman mahal? Gaano ka ba katanga hah? Ilang beses ka na nga pinagtutulakan ng tanginang Arah na yun eh! Bakit ba siya? Nandito naman ako ah!" 

Nakita kong pumatak ang kanyang mga luha. Nag-iwas na lang ako ng tingin. "Matagal na tayong tapos, bakit ba ang kulit mo? Anong pakeelam mo kung para akong aso kung makahabol sa kanya? Eh bakit ikaw, kahit ilang beses kitang pagtulakan, bakit ba dikit ka pa rin ng dikit?"

Muli, sinampal na naman niya ako.

"You're imposible Pierce! Paano mo nagawa sa akin 'to?" Huminga siya ng malalim at ppinunasan ang kanyang mga luha. "You'll regret it someday Pierce, you'll regret it."

Mabilis ko siyang hinawakan sa braso nang mahigpit. "Ano na namang gagawin mo, huh?"

"Don't touch me!" Tinulak niya ako nang malakas. "Pinili mo si Arah, goodluck then."

Ngumisi siya bago lumabas nang fire exit.

Lumbas na rin ako at naglakad patungo sa kwarto namin. Hinubad ko and aking t-shirt at pumasok sa loob ng cr. Tumungo ako sa may sink at naghilamos doon ng mukha. Pag-angat ko ng ulo upang tumingin sa salamin ay bigla na lamang may lumitaw na tao mula sa likod ko at mabilis na sinaksak ang aking leeg.

"Shit!"  

Napaatras ako ngunit nadulas lamang ako. Bubunutin ko sana ang kutsilyong nakabaon sa leeg ngunit inunahan niya ako. Naghabol ako ng hininga at kumapit sa may lababo.

"A-anong ginagawa mo?" 

B-bakit? 

"Simple lang, pinapatay ka," sagot niya at ngumiti nang pangdemonyo.

"B...akit?" halos pabulong ko nang tanong dahil nahihirapan na akong huminga. Nararamdaman ko ang patuloy na pagsirity ng dugo sa aking leeg at unti unti na ring nanghihina ang aking katawan.

"Hindi ko gustong magpaliwanag sa taong pinapatay ko," seryoso nitong tugon. Nawala ang kanyang ngiti ngunit tinitigan naman niya ako nang nakakakilabot. Hindi siya ito. Ibang-iba siya sa nakikita ko kapag nasa school kami. P-paanong... nagagawa niya to?

"S-sino ka?" Tanong ko dahil hindi na siya ang taong kilala ko.

Nag-ibang muli ang kanyang ekspresyon at napalitan iyon ng ngiti. 

"I'm the sky of the hell," saka niya ako mablis na sinaksak diretso sa mata.

Continue Reading

You'll Also Like

393K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
165K 7.6K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
65.1K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023