ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

Par angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Plus

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 51: ERISE

346 21 6
Par angelodc035

Suot niya ay gunit-gunit na itim na damit at kupas na pantalong maong na halos dalawang ulit pa lang niyang nalalabhan simula ng unang lumusob ang mga anak ng buwan sa Maynila. Marungis ang dati'y makinis nitong mukha at nakatuon ang mga mata sa isang maliit na bote na hawak-hawak ng kanyang kanang kamay. Sinisipat-sipat ng kanyang mga mata ang kakaunting laman nito at maya't-maya ay napapabuntong-hininga na tila nanghihinayang. Paya't at nangingibabaw sa kanyang mukha mataas nitong cheek bone, matangos na ilong at buhok na hanggang balikat na bumabagay sa mahaba at payat niyang leeg.

Marahan ay tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at buong lakas na ibinato ang hawak na bote sa maitim na pader sa kanyang harapan. Dinig pa niya ang pagkabasag ng bote ng tumama sa konkretong pader kasabay ng pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. May taas siyang halos anim na talampakan at payat na pangangatawan na lalong nagbigay sa kanya ng higit na tangkad kung ikukumpara sa mga pinay na kasing edad niya.

May ilang buwan na rin siyang palipat-lipat ng masisilungan simula ng mangyari ang paglusob ng mga nilalang ng kadiliman. Kung hindi sana nangyari ito ay tuloy-tuloy na sana ang kanyang kasikatan sa industriya ng pag-arte sa TV at pelikula, maging sa kanyang pagrampa sa mga runway sa iba't-ibang bansa.

Kung hindi sana nangyari ang lahat ng ito, naroon sana siya sa Hollywood sa Los Angeles sa Amerika, gumagawa ng una niyang pelikula doon kasama si Morgan Jackson, ang isa sa pinakasikat na Hollywood actor ngayon sa Amerika. Siya ang kanyang magiging leading man na bibida sa pelikulang may mala-James bond ang tema. Ilang buwan din siyang nagsanay ng iba't-ibang martial arts para lang sa pelikula na iyon. Halos hindi siya makatulog dahil sa pananabik niyang masimulan na ang gagawing pelikula sa Hollywood na pinapangarap ng lahat ng mga artistang Pilipino. Napakaswerte niya na siya ang napili ng bilang leading lady ng Amerikanong aktor na personal pang bumisita sa kanya sa Maynila. Aaminin man niya o hindi ay sabik din siyang makasama ang guwapo at matipunong aktor na si Morgan na nagbibigay ng kilig sa kanya kahit doble ang edad ng lalakeng aktor sa kanya. Abot-kamay na sana niya ang pangarap na iyon pero isang araw bago ang flight niya papunta sa Hollywood nangyari ang kaguluhan sa buong mundo. Biglang gumuho ang lahat-lahat sa kanya sa isang iglap.

Namatay ang kanyang minamahal na ina ng atakihin ito sa puso habang tumatakas sila sa mga anak ng buwan sa Quezon City. Ang kanyang dalawang kapatid ay hindi na niya nakita dahil ng araw na iyon ay nagpaalam ang mga ito na manonood ng sine sa Mega Mall. Hindi niya alam kung buhay pa ba ang mga ito o hindi na dahil maging siya ay hindi na rin nakabalik sa bahay nila sa Quezon City. Pero umaasa pa rin siya na makikita pa niya ng buhay ang dalawa niyang kapatid.

Humingi siya ng malalim mula sa mga alalaanin na iyon na nagpabago sa kanyang buhay. Mula sa napakarangyang buhay sa isang iglap ay daig pa niya ang isang daga na palipat-lipat at patago-tago para lamang manatiling ligtas sa mga kampon ng kadiliman. Dati-rati ay nakahapag na sa kanyang mesa ang kanyang kakainin ngayon ay daig pa ang isang mangangaso na kailangan pang suungin ang hirap at panganib magkaroon lamang ng laman ang kumakalam niyang sikmura.

Mahigit isang buwan na rin siyang naninirahan sa gusaling ito sa bahagi ng San Marcos sa Calumpit, Bulacan. Dito lamang siya nakaramdam ng pagiging ligtas dahil may lihim na kuwarto ang gusali na kanyang pinagtataguan kapag gumagala ang mga kampon ng kadiliman para makahanap ng mabibiktima.

Aksidente niyang nahanap ang lihim na silid ng makapasok siya sa gusali para maghanap ng pagkain. Sa kanyang paghahanap ay hindi niya sinasadyang natisod ang carpet sa sahig at nakita nitong bukas ang pinto ng isang lagusan sa ilalim ng bahaging iyon ng bahay. Naaninag niya na tila may hagdan pababa ang maliit na butas na tila pintuan nito na kinukubli ng makapal na karpet sa ibabaw nito. Noong una ay takot siyang bumaba sa lagusan dahil baka mayroong nananahang aswang o bampira sa loob. Pero ng dahil na rin sa takot ay pinilit niyang pasukin ang loob ng lihim na kwarto sa underground ng bahay.

Kumpleto sa pasilidad ang kwarto. May mga nakaimbak na mga pagkain tulad ng dalawang sako ng bigas, dose-dosenang mga de lata at mga instant noodles. May mga bote rin ng tubig, flash lights at baterya, mga iilang damit na hindi naman kasya sa kanya. Mayroon din emergency lights na pinagagana ng solar powered cells na nagagamit niya para makita ang loob ng kwarto. Halos kumpleto sa gamit ang lihim na kwarto sa basement ng bahay na maaaring pinaghandaan nito ng kung sino man ang nagmamay-ari ng bahay na hindi man nito nagamit. Maaaring patay na kung sino man ang may-ari ng bahay dahil sa hitsura pa lang ng nito ay tila matagal na rin itong inabandona.

Ngayon ay halos paubos na ang supply ng pagkain kaya madalas ay lumalabas siya ng bahay para makapaghanap ng makakain tulad ng mga gumagalang mga manok at bibe at iba pang puwedeng makakain niya sa paligid ng lugar na iyon. Madalas ay mga prutas at gulay ang kanyang nakukuha mula sa mga bakuran ng mga abandonadong mga bahay sa paligid. Pero kapag may nakikita siyang ibang mga tao na nangunguha rin ng makakain ay kusa na lamang siyang umiiwas para na rin sa kanyang kaligtasan.

Sa panahong ngayon kasi ay hindi lang mga halimaw na kampon ng kadiliman ang kalaban niya para makahanap ng makakain. Mas masahol pa ang tulad niyang tao na kumakalam ang sikmura dahil kaya nitong manakit at pumatay ng mga kauri nila. Makailang ulit na rin siyang nakasaksi ng kalupitan ng mga tao sa mga katulad niyang mahina, kaya mas minabuti na niyang umiwas at manatiling nag-iisa.

Bumaba siya sa lagusan at kaagad na isinara ang pintuan ng lihim na kuwarto. Naiilawan ang lugar ng ilaw na nagmumula sa emergency light. Magulo at makalat ang kuwarto. Wala itong bintana at tanging isang mahabang tubo ang tumatagos sa pinaka itaas na bahagi ng pader ang nagbibigay ng sariwang hangin sa loob. Mayroong air-condition unit sa loob pero hindi ito gumagana dahil na rin sa hindi niya alam kung paano ito papaganahin gamit ang kuryente na magmumula sa baterya ng sasakyan na nakakonekta sa isang solar panel.

Kitang-kita niya mula sa bakal na hagdan ang lalakeng nakahiga sa isang kutson na pawis na pawis dahil sa kainitan ng kwarto. Lumapit siya sa natutulog na lalaki at naupo sa tabi nito. Kumuha siya ng balahibo ng ibon na nalaglag mula sa pugad na nakta niyang nakalaglag sa lupa kaninang lumabas siya ng bahay. Marahan ay ipinasok niya ang kulay puting balahibo sa ilong ng lalakeng natutulog saka ngingiti-ngiti na tila nakakaloko. Siya kasi ang tipong mahilig manukso at magbiro sa mga nakakasama nito, kaya siya ang itinutiring na payaso ng mga kaibigan niya. Siya ang nagpapasaya sa barkada niya may problema man o wala kaya gustong-gusto siyang kasa-kasama kaibigan man niya o kasamahan sa industriya sa pag-arte.

Nakiliti ang lalake sa ginawang iyon ng babae at pilit na niyayapos ang balahibo ng ibong ipinasok sa kanya ng babae. Tumingin ang lalake sa kanya na tila nainis sa ginawa nito sa kanya ng babae sa kanyang harapan na tawang-tawa sa kanyang naging reaksiyon.

"' Erise naman, natutulog pa ang tao eh." ang naiinis na wika ng lalake na napaupo mula sa pagkakahiga. Wala itong saplot na pang-itaas at halos maligo ito sa kanyang pawis.

"Tanghali na po senyorito, ang almusal niyo po ay kanina pa lumamig. Saka mainit na ang sikat ng araw mahihirapan na tayong makahanap ng pagkain." ang tugon ni Erise sa matipunong lalake.

Matagal sa kanyang pagkakaupo ang lalake at hahawak-hawak nito ang nananakit na ulo na pilit niyang huwag ng pansinin pa.

"Sumasakit na naman ba ang ulo mo, Joel?" ang nag-aalalang tanong ni Erise sa lalake.

Hindi na sumagot ang lalake sa tanong ni Erise bagkus ay marahan nitong hinagod ang magkabilang sentido. Lumapit si Erise at pinalitan niya sa paghagod sa sentido ang lalake.

"Pasensya na hindi ko naman sinasadya." ang paghingi ng paumanhin ni Erise kay Joel pero may ngiti sa kanyang mga labi.

Dahan-dahan ang paghagod ni Erise sa ulo ng lalake. Napapikit naman si Joel dahil naibsan ng kaunti ang pananakit ng kanyang ulo. Maya't-maya ay biglang nakaramdam ng sampal sa mukha nito ang lalake kasabay ng malulutong na tawa mula kay Erise na mabilis na tumayo at kaagad na inakyat ang pintuan ng kuwarto.

"Aray!" sabay hawak sa kanyang kanang pisngi. "Bakit mo ako sinampal?"

" Sinuswerte ka naman senyorito, ipinaghanda na nga kita ng almusal mo at mamasahiin pa kita sa lagay na yan." ang pangungutya ni Erise sa lalake.

Hindi na umimik pa si Joel at pilit na pinipigilan ang sarili sa pang-iinis sa kanya ni Erise. Hawak-hawak nito ang kanyang pisngi at medyo nakalimutan ang pananakit ng kanyang ulo.

"Ang mabuti pa maligo ka para naman mawala ang amoy mo dito sa kwarto ko. Tutal marami naman kasya sayo sa mga damit dito. Bilisan mo at lalakad pa tayo."

"Opo. Boss!" ang tugon ni Joel sa sinabi ni Erise.

"Sige, pag tapos ka na hintayin kita dito sa sala." ang wika nito na ngingiti-ngiti pa rin bago siya tuluyang umakyat sa hagdan.

Pagkapanhik ay muli niyang binuksan ang pintuan sa harapan ng bahay. Muli ay umupo siya sa harapan ng pintuan at muling inalala ang mga linya sa mga nagawa niyang pelikula.
May mga pagkakataon na muli niyang inuusal ang mga ito na buong emosyon na tila may kaeksena sa harapan ng kamera.
"Sana, sa tuwing maiidlip ka at ipikit ang iyong mga mata, makikita at maaalala mo pa rin ang mga kahalayang ginawa mo sa aking pagkatao...sana, kahit kaunti maalala mo rin na minahal kita ng buong tapat kahit ni minsan ay hindi mo nakuhang suklian ito..." ang wika nito at ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagdaloy ng luha sa kanyang kanang mata. Kuha ang mga linyang iyon sa kanyang huling pelikula na pinamagatang 'Kung Umibig ka't Masaktan" na kung saan na nominado siya bilang Best Actress sa FAMAS.

"Ang galing-galing mo talaga, Erise, hindi ka pa rin nagbabago sa galing mo sa pag-arte!" ang malakas na wika nito at halos mapalundag sa kanyang kinatatayuan habang pumapalakpak ito. Muli ay umusal siya ng mga linya sa kanyang mga iba pang naging pelikula at buong husay na sinambit ang mga ito na tila may kaeksena sa kanyang harapan.

Nakailang dialogue rin siya sa mga dati niyang pelikula bago niya napansin na hindi pa umaakyat mula sa lihim na silid si Joel. Kaagad ay tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at mabilis na tinungo ang sahig na mismong pintuan ng kuwarto. Gamit ang kanyang paa ay kinatok niya ng malakas sahig para marinig siya ni Joel na nasa loob pa rin ng kuwarto.

Sandali! Heto nagbibihis na!

Ang sigaw ni Joel na may kahinaan dahil na rin sa pagkakakulob ng kinaroroonan nito. Tila nang-iinis naman na muling kumatok ng malakas si Erise at saka tatawa-tawa.

Andiyan na! Nakuuu ang kulet!

"Ang bagal mo kasi eh!" ang tugon niya at sinimulan na ring ihanda ang sarili sa kanilang pag-alis.

Ilang saglit lang ay lumabas na rin ng kuwarto si Joel. Nakamaong ito na medyo hapit sa kanyang mga paa at kulay pulang T-shirt na hapit din sa malaki nitong katawan. Balbas sarado si Joel, mga ilang araw na rin kasi itong hindi nakakapag-ahit mula ng makilala nito si Erise.

Malaki ang utang na loob ni Joel kay Erise. Utang niya ang buhay nito sa kanya dahil kung hindi kay Erise ay baka namatay na siya ng tuluyan sa kamay ng mga aswang. Gumising siya na nasa harapan na niya si Erise, wala siyang maalala kung ano ang nangyari sa kanya. Wala siyang matandaan kahit man lang ang pangalan niya. Inalagaan siya ni Erise ng ilang araw bago siya gumising mula sa mahabang pagkakatulog. Sabi niya ay natagpuan siya nito na walang malay habang ninanakawan siya ng isang lalake. Hinubaran siya ng magnanakaw at isinuot nito ang kanyang damit at pang-ibabang kasuotan. Hahayaan sana siya nito ng makitang akmang ipupukol ng lalake ang malaking bato sa kanyang ulo para tuluyang patayin. Kaya hindi na nagdalawang-isip si Erise na iligtas siya nito. Napatay ni Erise ang lalakeng magnanakaw na suot ang damit ni Joel at malapit daw sa kanila ay ang bangkay din ng isang hubad na babae na mukhang banyaga. Sa tingin daw ni Erise ay pinatay ng lalakeng gusto ring pumatay sa kanya.

Pilit na inaalala ni Joel ang mga pangyayari na baka may kaugnayan siya sa babaeng banyaga. Pero kahit na anong pilit ang gawin niyang pag-alala ay sumasakit lamang ang ulo nito. Marahil ay hindi pa handa ang kanyang isipan para makaalala sa kanyang nakaraan.

Nang magkaroon ng malay ay binalikan nila ni Erise ang lugar kung saan siya nito natagpuan. Nagbabakasakaling may maalala sa kung sino siya at baka naroroon pa ang katawan ng babaeng banyaga at ang lalakeng magnanakaw na bumiktima sa kanya. Ngunit, pareho ng wala roon ang katawan ng dalawa.

Sabi ni Erise sa kanya na matindi ang pagdurugo ng gawing likuran ng kanyang ulo na marahil ang sugat na iyon ang dahilan kung bakit wala siyang maalala. Pero malaking pasasalamat niya na iniligtas at inalagaan siya ni Erise kahit na napakahirap para sa kanya na gawin ito dahil na rin sa napakahirap na sitwasyon at panganib sa mga kampon ng kadiliman.

Pinangalanan siyang Joel ni Erise dahil kamukha raw niya ang kanyang kapatid na lalake na marahil ay patay na rin dahil sa mga malalagim na kaganapan simula pa ng unang umatake ang mga aswang sa Maynila. Madalas ay masungit sa kanya ang dalaga pero hindi na lamang niya ito pinapansin dahil utang nito ang kanyang buhay sa kanya.

Paglabas niya sa kuwarto ay kitang-kita niya na nakatingin sa kanya si Erise. Humarap sa kanya ang babae at inilagay ang kanyang mga kamay sa magkabilang beywang nito.

"Aba, sa lagay ng porma na 'yan kuya parang magmomodelo ka sa isang runway sa Makati. Baka nakakalimutan po ninyo maghahanap po tayo ng makakain. Panlaman sa kumakalam nating sikmura." ang matigas na wika ni Erise na nakataas pa ang kaliwang kilay.

"Bagay ba?" ang tugon ni Joel, sabay tawa.

"Bagay? Bagayin mo mukha mo, dapat makarami tayo ngayon dahil inubos mo ang nakaimbak kong pagkain. Ang lakas mong kumain kaya nararapat lang na pagtrabauhin mo ngayon para mapalitan mo!" ang tugon ni Erise sabay bato kay Joel ang may kalakihang eco bag na paglalagyan nito ng mahahanap na pagkain.

Mabilis naman ang reflex ni Joel kaya kaagad nitong nasalo ang eco bag. "Opo, masusunod po." ang natatawang wika ni Joel. Pinipilit niyang huwag mapikon sa kanya kaya kahit pilit ay dinadaan na lamang niya sa kunwaring pagtawa.

Kuwento ni Erise sa kanya na isa itong sikat na artista na madalas napapanood sa TV ng hindi pa naging masalimuot ang sitwasyon. Pero hindi ito maalala ni Joel kahit anong gawing kwento ni Erise sa kanya. Siguro nga totoo ang kuwento nito sa kanya dahil maganda ang hitsura nito. Kung magkakalaman lamang ang mukha ni Erise, maaring isa nga itong sikat na artista sa telebisyon at modelo sa mga pampagandang produkto.

Sa iilang araw pa lamang niya itong nakakasama ay alam niyang isang matapang at palabang babae si Erise. Matatag ito hindi kaagad na sumusuko. Madalas ay masayahin din naman ito pero madalas ay masungit ito sa kanya at iyon ang gusto nitong alamin.

"O ano? Tatayo ka na lang ba diyan? Alam kong nagagandahan ka sa akin at inaasahan ko na yan. Pero ang pakiusap ko lang sa'yo ay huwag na huwag kang maiinlove sa akin, kundi yari ka!"

"Huh?!" ang tanging naging reaksiyon ni Joel na hindi namamalayan na kanina pa nga pala siya nakatingin sa dalaga.

"Isara mo nga ang bibig mo at punasan ang laway mo! Kadiri ka!" ang sigaw nito kay Joel at saka palihim na ngingisi-ngisi pagtalikod nito kay Joel.

Isinara nga ni Joel ang nakabuka nitong bibig at pinunasan gamit ang harapan ng kamay nito ang tumulong laway sa kanyang bibig. Tila nakaramdam ng hiya si Joel kay Erise.

"Tara na para makarami tayo!" ang muling sabi ni Erise kasabay ng paglabas nito sa harapang pintuan ng bahay na kanilang tinutuluyan.

Tahimik namang sumunod sa kanya si Joel habang inaayos ang dala-dala nitong eco bag. Itiniklop niya iyon at saka iniipit sa likurang bahagi ng kanyang pantalong maong.

---------------
Ginising ng malakas na huni ng uwak si Claudius. Pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang maliit na silid ito at pilit na inaalala kung paano siya nakapunta roon. Ang huling naalala niya ay ng biglang nagkaroon ng napakalakas na pagyanig ng lupa at nagsimulang gumuho ang lahat ng nasa paligid niya sa kagubatan. Doon ay nawalan siya ng malay at akala niya ay iyon na rin ang kanyang katapusan.

Pinilit niyang tumayo pero hindi pa kaya ng kanyang katawan. Kailangan niyang makainom ng sariwang dugo para lumakas. Kailangan niya ng dugo para manumbalik ang malakas niyang kapangyarihan at pagbayarin ang lahat ng nilalang kung bakit naging miserable ang buhay niya lalo na si diyosang Bulan. Kailangan niyang lumakas para tulungan at protektahan ang kanyang anak sa kapahamakan na tanging iyon na lamang ang kanyang magagawa para mapatawad siya nito.

Wala ng bisa ang kapangyarihan ng katas ng Myrho sa kanya. Matinding pagkauhaw ang nararanasan niya ngayon kaya siya labis na nanghihina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit na dulot ng Eskrihala sa kanyang sunog na katawan na ngayon ay nababalutan ng sariwang tela. Sinong nilalang ang nagbigay malasakit sa kanya para iligtas siya sa panganib at gamutin pa ang kanyang mga sugat?

Sinimulan niyang pagmasdan ang lahat ng nasa loob ng kuwarto pero walang ibang nilalang ang nasa loob kundi siya lamang. May narinig siyang huni ng uwak kani-kanina lamang. Iniligtas ba siya ng matalik niyang kaibigan na si Morgana? O nagmula sa labas ang huni ng ibon na kanyang narinig kani-kanina lamang?

Nanginginig ang kanyang mga kalamnan dahil sa sobrang kagutuman. Kung hindi pa siya makakatikim ng dugo ng tao ay mararanasan niya ang kintatakutan ng lahat ng bampirang Sangre, ang inumin ang kanilang sariling dugo hanggang sa siya mismo ay hahanap-hanapin ang sariling dugo, ang dugo ng Sangre. Kapag nangyari iyon ay hindi na dugo ng tao ang kanyang hahanapin, kundi dugo ng katulad niyang Sangre.

Gusto na sana niyang mamatay, pero hindi niya alam kung paano siya mamamatay. Ayaw na niyang nakikita ang sarili niya sa kondisyon niya ngayon, isang nilalang na nabubulok ang laman ng buo niyang katawan. Walang hanggang sakit at paghihirap na marahil ang kabayaran sa pagyakap niya sa kasamaan.

Sa kanyang pagpupumilit na makatayo ay bumagsak siya sa sahig ng kuwarto. Sobra-sobra na ang kanyang paghihirap at gusto na niyang tapusin na ito. Dumapa siya sa sahig at doon ay tumangis.

Mula sa bintana ng kuwarto ay narinig niya ang mga tunog ng pagpagaspas ng pares na pakpak ng isang ibon. Dumapo iyon sa pasamano ng bintana at ipinako ang mga mata nito sa kanya.

Caw! Caw! Caw!

Ang malakas na huni ng uwak na nagpaangat sa ulo ni Claudius. Gumuhit ang ngiti sa sunog na mukha ni Claudius pagkakita niya sa puting uwak sa na nakadapo bintana.

"MoMorgana?" ang di makapaniwalang wika nito at lalong napahagulgol ng makasigurong ang kaibigan niyang si Morgana ang nasa harapan niya.

Lumipad sa harapan ni Claudius ang puting uwak at mabilis na nagpalit ng anyo sa kanyang harapan. Umupo ito sa tabi niya at saka hinaplos ang kanyang naglalangis niyang sunog na mukha. Pagkatapos ay sa pamamagitan ng mahaba at matalim na kuko nito ay sinugatan ni Morgana ang kanyang kaliwang pulsuhan at itinapat niya ito sa bibig ng kaibigan.

"Sipsipin mo ang aking dugo na magbibigay sa'yo ng panibagong buhay, mahal kong kaibigang Claudius." ang wika ni Morgana at ipinaubaya na ang kanyang dugo sa matalik niyang kaibigan.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

Adrasteia Par CG

Fantastique

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
16.2K 698 38
Highest rank: #997 IN FANFICTION _________________________________________ This story is pure taglish. _________________________________________ One...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...
249K 5.9K 69
(COMPLETED) Isang binibini na ang nais lamang ay mamuhay ng mapayapa ngunit ng inilipat siya ng kanyang mga magulang sa isang paaralan doon na nagsim...