"My Vanilla"(COMPLETED)

De Kea0810

317K 8.3K 220

Leandra Nicolette Conrad Lavoisier - kinaiinisan si H na isang mysteryosa, happy go luck, tambay sa condo ni... Mai multe

"Author's Note "
Prologue
V - 1
V - 2
V - 3
V - 4
V - 5
V - 6 (PG)
V - 7
V - 8
V - 9
V - 10
V - 11
V - 12
V - 13
V - 14
V - 15 (SPG)
V - 16
V - 17 (SPG)
V - 18
V - 19
V - 20
V - 22
V - 23
V - 24
V - 25
V - 26
V - 27
V - 28
V - 29
V - 30
"Epal again & again"
V - 31 (PG)
V - 32
V - 33
V - 34
V - 35
V - 36
V - 37
V - 38
V - 39
V - 40
V - 41
V - 42
V - 43
V - 44
"Epilogue"
"Author's Note"

V - 21

5.1K 147 0
De Kea0810


Leandra's P.O.V


Na meet ko ang isang tauhan ng client ko na nag mamay-ari daw sa Isla Puerto Ferrar. Gusto daw nila ang agency ko ang gumawa ng endorsement para sa pinapaayos nitong resort at pagnagustuhan daw ng kanilang amo ay malaking investment ang i-invest niya sa company ko.

Umuwi muna ako saglit ng condo dahil may nakalimutan akong importanting documents na inuwi ko kahapon na galing sa office.

Ng nasa parking lot na ako ay diko nahanap agad ang susi ng car ko.

Ng tuluyan akong makapasok ay agad kuna itong pinasibad paalis sa gusali na iyon.


****

Ngayon ang pagkikita namin ng future investor ko at ang gusto ay sa condo daw niya kami magkikita.

Nag dalawang isip naman ako kasi bakit sa isang condo pa.

"Mitch saan ba daw condo kami magkikita?" Tanong ko sa kanya.

"Sa may K & B's condominium po miss Lee." Sagot niya.

"Ha? Kung saan ako nakatira ay doon?" Gulat na tanong ko.

"Opo, pamilya daw nila ang nag mamay-ari ng buong building." Paliwanag niyo. "Kaya safe po kayo miss." Biro pa nito na may kasamang hehe sa dulo.

"Ok." Sagot ko na lang.

"Matutuwa din po kayo miss...." bitin nitong sabi. "Dahil sa tabi mismo ng unit niyo ang unit niya."

Diko alam pero bakit ang lakas ng tambol na naman ng dibdib ko.

Pakiramdam ko may mangyayari na kakaiba sa araw na ito.

So, makikita ko na din ang isa sa may-ari ng building na tinitirhan ko.

Si atty. Ramirez lang ang nakakasalamuhan namin na siyang nagpapakita sa mga client nila.

Dito na ako sa pintuan ng unit niya. Diko alam bakit ako kinakabahan. Ang bilis talaga ng tibok ng heart ko. Bago ako mag doorbell ay may tumawag sa akin.

"Baby Lee!" Si Sonya at apat na naman silang magkakasama.

Tsk!

"Ano ginagawa mo jan eh andun ang pintuan ng condo mo?" Pa malditang tanong ng isa.

Kilala niyo naman itong hindi nagbabagong buhay sa kamalditahan na si Cloe.

"D-dito daw kami magkikita ng new client ko." I stammered.

"At kailan pa nagkaroon ng deal sa isang condo?" Pamaldita din na sabi ni Kea.

"Bakit ka pumayag Lee?" Di papahuling tanong din ni Yuu.

"Safe ang boss ko." singit ni Mitch sa mga tanong nila. "Una, sa isang babae siya makikipagkita. Pangalawa ay ito ang may-ari ng building. Pangatlo, andito kayo para samahan kami hehe kasi bigla akong kinabahan." Paliwanag niya na nakangiwi.

Hay akala ko naman kung gaano ako ka safe pero utro din pa lang kinakabahan. Hahaha

"Ok, we'll come with you. At pag na meet na namin ang client mo ay saka na kami tutuloy sa unit mo." Pagputol ni Sonya sa kakadaldal namin kaya siya na ang nag doorbell.

Agad agad sumungaw ang isang guapo at matikas ang pangangatawang lalaki na halatang may lahi.

"Miss Lee, come in." Sabi niya na niluwagan ang pagkakabukas ng door.

Pero bago pa ako magtanong if pwede ko ba isama sa loob itong mga asungot na ito ay sila pa ang naunang pumasok kaysa sa akin.

Napatingin ako sa lalaki na may paghingi ng paumanhin sa ginawa ng mga kasama ko.

"I'm sorry mr?" biti na tanong ko dahil diko alam ang name.

"David miss, and ok lang po." Aba marunong managalog ang mukong.

"Thank you David" at pumasok na din ako.

Nasa loob pala si Danizze. Na siyang na meet ko para sa deal na ito.

"Welcome miss Lee and take your set," paanyaya niya sa akin dahil ang apat ay prenting naka upo sa pangunguna ni Sonya at Cloe..

"Miss Hillarda is still on her room." Sabi nito na may ngiti sa labi.

"Can we wait for her?" Tanong pa nito.

"Ah-ahm yes of course." Sagot ko dito na kinakabahan. Heto na naman itong kaba ko.

"Btw, my cousins Sonya and Kea. My two bff, Cloe and her wife Yuu." Pagpapakilala ko sa kanila. "And Guys si Danizze ang executive secretary ng client ko and Daviiiid?...."

"My husband," si Danizze "and personal butler of our lady boss." Sabi nito na nakangiti.

May nakahain na din na makakain sa center table na halatang pinaghandaan ata ang pagdating ko.

"Times two or three ang laki ng unit ng client mo compare sa unit mo Lee ah." Puna ni Cloe at doon ko pa nailibot din ang paningin ko.

Nakita ko si David na pumunta sa kitchen ng unit na ang lawak tapos sa taas may tatlong pintuan na sa tingin ko mga kuwarto iyon at isa sa baba.

Kahit itong sala nila ay sobra ang lawak nito at may napakagandang chandelier sa taas na mukhang mamahalin.

Actually lahat ng furnitures dito ay halatang mamahalin.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan sa baba at iniluwa doon ang isang dyosa na nag mamay-ari ng dalawang pares magagandang mata. Kulay abo ito na para kang hinahatak sa mga titig niya.

Lahat kami nagulat at walang gumagalaw sa amin. Nakatutok lang ang mga mata namin sa isang dyosa na papalapit sa amin.

Paulit-ulit akong napapalunok sa suot niyang off the shoulder mini dress na kulay puti.

Nahagod ko siya ng paningin mula ulo hanggang paa.

She's stunning sa suot niya. Ang shoulder niya na nakalabas na parang ang sarap papakin.

Ang perpektong kurba niyang katawan at lalo nagpainit sa katawan ko at ang makinis niyang legs.

Napa lip lick at napapakagat ako sa aking labi dahil para akong natutuyuan sa nakikita ko at ang init bigla samantalang malamig naman pagpasok namin kanina.

"Like the view?" Sabi ng taong bigla kong pinagpantsyahan na naka pokerface. Nasa harapan ko na pala ng diko namamalayan.

"Iyong heart ko nahulog na ata paki pulot." Iyon ang namutawi sa bibig ko habang nakatitig pa din ng matapos siyang magsalita.

"¿que?" (What) nakanunot na turan niya.

Ha?

Ano daw?

"Ahem!"

Tikhim ng balasubas ng panira sa pagtitig ko sa isang dyosa.

"Miss Lee," pukaw ulit niya na ikinalingon ko. "Our lady boss Miss Hillarda Thunder Karlsson Blanchard." Sabi pa ni Danizze at doon nag sink in sa utak na siya pala ang client ko.

"So you're Miss Lee of Lee's Advertising Agency." Sabi ng kaharap ko at inilahad ang kamay ko, "quae pulchra viventem (what a beautiful creature). Dugtong niya na diko naintindihan dahil latin ang pagkakasabi.

Tinanggap ko naman ang pakiki pagkamay niya na kahit wala pa din ako sa sarili ko ay tinanggap ko ito.

Iyong kuryenting naramdaman ko ng una ko ma meet si H ay mas naging triple ata ang naramdaman ko.

Pero bigla din niya itong binitiwan at hinarap sina Sonya para makipagkilala sa kanila.

Para akong tuod na nanginginig at nanatiling nakatitig sa kamay ko na hinawakan niya.

This feeling.... siya at siya pa din ang kayang gumawa nito sa akin.

"H...."

at biglang tumulo ang luha ko ng diko na mamalayan.

Napalingon ulit sa akin si Hillarda at....

"You know Hailey?" Pormal nitong sabi na nakataas ang kilay.

Bigla akong natumba at isang bisig ang sumalo sa akin ang huli kong natatandaan.

Hindi niya ako kilala?

Pero bakit?

*****


Nicolette0810




Continuă lectura

O să-ți placă și

464K 8.7K 29
Si Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nya...
618K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3K 56 6
Previous Title: Bato-Bato sa langit Ang Matamaan Huwag Magagalit Maiinlove at magtatagpo hindi dahil kay cupid kundi dahil sa isang batong tumama sa...
210K 3.9K 21
Dice and Madisson