Sab's POV
Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame. Naguguluhan ako. Hindi ko na alam gagawin ko.
Nakaramdam ako na parang may basa na tumulo sa mukha. Wala namang butas ang kisame. Wala rin namang butiki doon kaya imposibleng wiwi ng butiki tong nasa mukha ko. At isa pa, umiihi ba ang butiki?
Hinawakan ko ang mukha ko. Bwisit. Bakit umiiyak ako?
Ang kaninang isang patak lang ng tubig ay nadagdagan ng isa pa.. at isa pa.. at isa pa hanggang sa nagtuloy tuloy na.
Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit talaga ako umiiyak. Siguro dahil sa narealize ko na ang selfish selfish ko. O kaya dahil sa naprepressure na ako sa nasa paligid ko. Naprepressure ako sa lahat.
Ayoko naman kasing makipagbalikan agad sa kanya. Oo, gusto kong magkabalikan kami pero kapag nakaayos na ang lahat. Nandun pa rin kasi yung takot.
Nagfail na ang relationship namin dati. Ilang beses kami nagcool off. Ilang beses kami naghiwalay ng saglit. Ayokong maging ganun ulit karupok yung relasyon namin.
Nakakatakot na kasi. Sobrang hirap na mangyari ulit yung nangyari dati. Yung puro away. Puro tampuhan. Puro bangayan. Bihira yung sweetness. Ngayon kasing magkaibigan lang kami ni Josh mas nakakaramdam ako ng sweetness galing sa kanya.
Habang magkaibigan kami, pakiramdam ko parang sobrang importante ko. Parang lagi niya akong pinapahalagahan. Parang takot siyang mawala ako. Parang winiwin back niya ang puso ko kahit hindi ko naman binawi yun sa kanya. Parang nililigawan niya ako kasi hindi naman niya nagawa yun dati.
Natatakot ako na kapag nagkabalikan na kami, baka mawala lahat. Mawala yung sweetness. Mawala yung importansya. Mawala yung halaga. Mawala yung effort. Baka i-take for granted na naman niya ako. Baka pabayaan na naman niya ako kasi alam niyang hindi ako mawawala. Baka hayaan niya lang ako mag-isa kasi alam niyang sa kanya ako.
Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam gagawin ko.
Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng kwarto. Kakatok na sana ako sa kwarto ni Zoe pero ayoko naman siyang istorbohin. Gabi na rin. Baka tulog na 'yun.
Napabuntong hininga ako at tumalikod. Nagulat na lang ako na makitang nakasandal si Zoe sa gilid at may hawak pang baso habang nakatingin sa akin.
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Nah. A few seconds ago. Kumuha lang akong tubig sa baba. Bakit hindi mo tinuloy?" Tango niya sa may pinto.
Napailing na lang ako at nginitian ko siya, "Sige. Balik na ako sa kwarto."
"Pasok na." Sipa niya sa akin at binuksan ang pinto ng kwarto niya.
Sumunod ako at humiga sa kama niya. Nakikipagtitigan na naman sa kisame.
"Bakit ka umiyak?"
Napahawak ako sa mukha ko. Napansin pa niya yun?
"Nanuod akong movie." I lied.
“Spill.” Sabi ko nga hindi ko siya maiisahan. Napaupo ako sa kama niya at tumabi siya sa akin, “Ano na?”
“Naguguluhan na ako. Gulong gulo ako.”
“Sa inyo ni Josh?” tumango ako. Napabuntong hiniga siya at humiga, “Well that sucks.”
“I don’t know what to do. Nakokonsensya ako kasi pakiramdam ko nasasaktan ko siya sa set up na ganito pero natatakot akong pumasok sa relasyon na hindi ko pa kayang panindigan.”
“Kung ayaw mo pa, huwag ka munang pumasok sa isang relasyon. Kung mahal ka ni Josh, magagawa ka niyang hintayin kahit gaano katagal.”
“Pero Zoe, nakakainis na rin e. Parang naprepressure ako. Parang prinepressure ako. Parang lahat kayo ineexpect na magkakabalikan agad kami. Parang lahat kayo umaasa na sa happy ending ang uwi naman. Kaya lang hindi ko magawang maibigay sa inyo ang expectations niyo. Hindi naman dahil sa hindi ko na mahal si Josh. Hindi pa lang talaga ako handa. At saka nandun yung takot. Parang sa akin tuloy ang sisi kung bakit ganito pa rin ang estado namin.”
Napaupo siya at tiningnan ako saka ako binatukan, “Ganyan na pala ang tingin mo sana sinabi mo na noon pa lang. Sorry kung ganyan ang dating ng mga sinasabi namin sa ‘yo. Sorry kung sa tingin mo ikaw ang sinisisi namin. Maybe we’re just too judgmental. We can’t get what we want that’s why we chose someone to blame. Come to think of it, none of this is your fault. Ikaw na nga ang nasaktan, ikaw pa ba ang masama?”
She smiled at tinuloy ang sinasabi niya, “Sorry, Sab kung naprepressure ka dahil sa amin. Wala naman kaming karapatan na iparamdam sa ‘yo ‘yun. Syempre madali para sa amin ang sabihin na makipagbalikan ka kay Josh kasi hindi naman ako ang nadisappoint niya dati. Hindi naman kami ang natook for granted. Hindi naman kami ang nakaranas ng lahat ng pinagdaanan mo.” Sabi pa niya at natawa ng bahagya, “Tao nga naman. Mabilis maghanap ng masisisi. Mabilis manghusga. Paano kasi palaging isang side lang ang nakikita. Kaya thank you Sab sa pagsabi nito sa akin. At least kahit papaano, nabuksan yung utak ko.”
“Ano bang dapat kong gawin, Zoe? I still love him, pero hindi ko alam kung handa na ba akong magcommit sa bagong relasyon sa kanya.”
“What does your heart says?”
Napangiti ako ng mapakla, “Our heart isn’t always right.”
“Ganito na lang, parehas ba ng sinisigaw ang puso at utak mo?”
Umiling ako, “Hindi pa sa ngayon.”
“Alam mo ba kung paano mo malalaman na tama ang desisyon mo? Ayun ay kapag naging isa ang sinisigaw ng utak at puso mo.” Nginitian niya ako at tinapik, “I’ll help you figure out what you really want.”
Hindi ko nagets ang sinabi ni Zoe pero napatango na lang ako. Nagpasalamat ako sa kanya at lalabas na sana ng kwarto ng pigilan niya ako. “Dito ka na lang matulog kwentuhan pa tayo.”
It’s really nice to have someone you can count on. Yung hindi ka iiwan masaya o malungkot man.
***
Kinabukasan, nag-usap usap kaming girls tungkol sa naging usapan namin ni Zoe kagabi. Napalo at nasabunutan pa nga ako ni Ayu at Yannie kasi hindi ko raw agad sinabi sa kanila ang nararamdaman ko. Kasalanan ko rin siguro na napressure ako. Kasi hindi ko agad kinausap ang mga kaibigan ko tungkol dito.
“Gaga ka talaga. Sabihin mo agad kapag ganun na ang nararamdaman mo. We never meant to pressure you in any way.”
“And sorry na rin kung ganyan ang nararamdaman mo. Hindi kasi kami ang nasa posisyon mo kaya madali para sa amin ang magsalita.”
And things were settled just like that. Ganoon naman kapag magkakaibigan. Hindi na pinapalaki ang usapan. Kapag kaya agad, solusyunan, edi i-solve na agad.
Matapos ng usapan namin ay nagpunta na kami sa school para mag-enroll for second sem.
Nang matapos naman sa enrollment ay napagpasyahan namin na kumain sa isang fastfood. Habang si Ice at Zoe ay umalis agad at hindi sumama sa amin. Malamang magdedate lang yung dalawang ‘yun.
“Bwisit.” Napatingin ako kay Josh na bigla na lang nagbwibwisit sa tabi ko.
Nakakatuwa na kahit feeling ko medyo hindi kagandahan ang nangyari sa aming dalawa kagabi, parang wala na lang ‘yun ngayon. Nag-sorry naman kasi ako agad sa kanya kanina ng makita ko siya.
“Para saan?” tanong pa niya sa akin.
“Kasi feeling ko pinapahirapan kita sa set-up na ‘to.”
Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko, “Sisiw lang sa ‘kin ‘to. Kunyari na lang kabayaran ‘to sa naging paghihirap mo sa akin noong mga panahong tayo pa.”
“Josh!”
“Pinapagaan ko lang loob mo. Parang ewan naman ‘to. Umayos ka nga. Ano bang kinain mo kanina at ganyan ka? Nawawala na ba ang malokong Sabrina na kilala ko?”
“Asa ka pa.” sagot ko sa kanya at binelatan siya.
And back to the present.. “Anong problema mo?” tanong ko sa kanya.
“May emergency meeting daw mamaya ang varsity.”
“O, anong problema dun?”
“Tinatamad ako magpunta.” Sagot lang niya at binalik na sa bag ang phone niya.
Napangiti ako kahit hindi ko alam kung tama ba ‘tong nararamdaman ko. Para kasing ngayon hindi na sa basketball lang umiikot ang mundo niya.
“Josh!” napalingon kaming anim sa sumigaw. Yung ka-varsity ni Josh. “May meeting daw mamaya.”
“Nabasa ko nga. Tinatamad akong umattend.” Bored na sagot ni Josh.
“Loko mo! Umattend ka bro. Kapag kulang paniguradong papahirapan na naman kami ni coach.”
“May sakit kamo ako.”
“Hoy maawa ka sa amin! Kami ang magkakasakit sa parusa niya kapag kulang tayo.”
Tiningnan kami ni Josh. Tinanguan siya ni Ken, “Umattend ka na. Tatambay lang kami sa No Name mamaya. Doon ka na lang sumunod kapag tapos na kayo.”
Napatango si Josh at tumingin sa akin. Kailangan pa ba ng permiso ko? Hindi ko alam pero ngumiti at tumango na lang ako. Varsity siya at obligasyon niyang umattend ng meeting nila. Ayoko namang bumalik kami sa dati at ikulong ko siya sa sarili ko at ipagdamot sa teammates niya.
Wala ka namang karapatan. Girlfriend ka ba? Kaibigan ka lang ‘di ba?
Peste! Paano ba magpatanggal ng konsensya?!
Matapos kumain ay naglalakad lakad kami ng barkada minus Josh, Ice at Zoe papuntang No Name. Susunod na lang daw ang tatlo.
Napahinto kami ng may babaeng huminto sa tapat namin. May kasama siyang isang lalaki. Ito ata yung kavarsity ni Josh na lumapit sa amin kanina.
“Hi. You’re friends with Josh ‘di ba?”
Napatango kami sa kanya, “Nasaan na siya? Umattend ba siya ng meeting? We’re just worried baka kasi hindi nga siya umattend.”
“May babae sa varsity team?” tanong ni Xander dahilan para kurutin siya ni Yannie. “E natatakot siyang baka hindi umattend si Josh. I assumed ayaw din niyang maparusahan. Pwede ba yun? May teammate silang babae?”
Napafacepalm na lang kami kay Xander. “No. I’m just friends with the varsity team and syempre worried ako na baka nga maparusahan sila.”
“Umalis na siya. Nasa meeting na.” sagot ko sa kanya.
“Oh. Okay.” Lumingon siya sa kasama niya, “Mukhang wala kayong parusa. Pwede ka ng umattend ng meeting.”
Tumango ang lalaki at lumingon sa amin, “Thanks. Una na kami.”
Naunang maglakad ang lalaki at iniwan yung babae, “Bastard.” Bulong nung babae. Nainis atang iniwan siya.
“Sachi, susunod ka ba o maiiwan diyan?”
“Ugh!” lumingon siya sa amin, “Thanks. Bye!”
Naiwan kaming nakatayo at nanunuod sa kanilang dalawa. They are weird.
“Sinong tinitingnan niyo?”
Napaharap kami sa narinig na boses. Bakit nandito si Ice at Zoe? Akala ko ba susunod na lang sila?
“Bakit nandito kayo?” tanong ni Ayu.
“Nakita lang namin kayong naglalakad kaya pinuntahan na namin kayo. Bakit ba mga nakalingon kayo dun?” tanong ulit ni Zoe.
“Ah. Tinitingnan lang namin yung teammate ni Josh pati yung isang kasama niyang babae. They’re weird.”
Tiningnan ni Zoe ang hindi pa kalayuang teammate ni Josh, “Oh. Sila Sachi.”
“You know them?” tanong ni Yannie.
“Yung lalaki hindi masyado. Pero si Sachi kilala ko. Cheerleader kasi siya. Nakausap namin dati ni Ice habang nanunuod sa laro ni Josh.”
“May something ba sa kanila?” tanong ko. Hindi ko kasi mapigilang maging chismosa. Paano ba tanggalin ‘to?
Natawa si Zoe at umiling si Ice, “Bestfriends sila.” Sagot ni Ice at nag-aya ng magpuntang No Name.
Napangiti ako. At least may nakita akong isang babae at isang lalaki na magkasama at magkaibigan lang.
***
When tweeting please use #TeenClash2 Thanks for reading. :)