BROKEN STRINGS (COMPLETED)

SweetKitkat द्वारा

16.2M 249K 42.4K

COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Ple... अधिक

WARNING:
PROLOGUE
NEW BS #1: MOMENT WITH HIM
BS #2: TRUST ISSUE
BS #3: A NIGHT WITH HIM
BS #4: THE 'B' WORD
BS #5: POSITI--- WAIT! WHAT?!!
BS #6: THROWN AWAY
BS #7: WAKE UP
BS #8: WRIGHT
BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE
JUST WANNA KNOW
BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND
BS #11: CHERRYPOP
BS #13: PIGGY BACK RIDE
BS #14: DESPERATE ASSH-LE
BS #15: AYAW PA
BS #15.5: COLD AS ICE
BS #16: KWARTO NIYA
BS #16.5: MANIWALA KA, PLEASE
APAT NA HINAING!
BS #17: PIECE BY PIECE
BS #18: NO WRIGHT, NO REID (1)
BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)
BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE
BS #21: LIP-LOCKING
BS #22: TAKE ME BACK, BABY!
BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE
BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT
BS #25: MAKE UP YOUR MIND
BS #26: SEVEN DAYS
BS #27: SURRENDER
BS #28: PAK!
BS #29: PAYONG KAIBIGAN
BS #30:LET'S MAKE UP
BS #31: WALA NA SIYA
BS #32: IT BURNS MY HEART
BS #33: LIVED HAPPILY EVER AFTER?
BS #34: SORRY FOR THE BURDENS
BS #35: ICE PACK
BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU
BS #37: H.I.M.
BS #38: CHASING HAPPINESS
BS #39: ROAD TO HAPPINESS
BS #40: MY GIFT
BROKEN STRING (EPILOGUE)
SK NOTE:
SPECIAL CHAPTER(1)
SK NOTE:
ATTENTION:
SPECIAL CHAPTER (2)
SPECIAL CHAPTER (3)
NEWS
GREAT NEWS!

BS #12: MORNING SUPRISE

388K 5.3K 886
SweetKitkat द्वारा

BS #12: MORNING SUPRISE

----------

MELISSA QUIZON

Nakatulala lang ako hanggang sa makapunta na kami ni Eugene sa bahay namin. Binuksan ni Eugene ang pinto ng passenger seat atsaka ako tinulungang makababa ng sasakyan. Nararamdaman ko pa rin ang panghihina ng tuhod ko nang makatayo na ako. Paniguradong namumutla pa rin ako hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung kailan susuko si Wright. Bakit ba gustong-gusto niyang angkinin ang anak ko? Hindi ko siya maintindihan! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit hindi ko makalimutan ang labi nito? Bakit parang hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko ang mga haplos niya?! Nakakainis!

Hindi ako makapaniwala, nangyari ang lahat ng ito sa isang araw lang?! Ipinagpasalamat ko nalang na dumating Eugene sa oras. Dahil hindi ko alam ang mangyayari kung maabutan pa ako ni Wright.

"Magpahinga ka na. Kailangan mo iyon." Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya. Nanghihina pa ako. 

Kumatok kami. Sumilip muna si Minerva sa bintana bago kami papasukin. Natuwa naman ako, mapagkakatiwalaan ko talaga ang babaeng ito. Agad akong umupo sa sofa at dumukot ng Five Hundred Pesos sa wallet ko at ibinigay kay Minerva. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ito at umuwi na. Tinanggal ko ang sapatos ko atsaka itinaas ang mga tuhod ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa ibabaw niyon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lola.. Ano po ba talaga ang tama? Bakit ba kasi kinuha agad ng Diyos ang Lola ko kung kailan kailangan ko ng masasandalan. Naging masama ba talaga akong ina kaya nangyayari sa akin ito? Kaya binabawi sa akin lahat ng mahal ko sa buhay?

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Naramdaman kong may umupo rin sa tabi ko at hinihimas ang likod ko. Si Eugene nalang ang natitirang tao na masasandalan ko. Ayaw ko na mawala siya sa akin. Humarap ako sa kanya at pinaikot ang mga braso ko sa leeg nya. Sumiksik ako sa dibdib niya. Mas lalong lumakas ang mga hikbi ko. 

"Eugene.." Nanghihina kong sabi.

"Hmm?"

"Pwede bang.. dito ka nalang matulog?" Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Pinunasan nito ang luha na patuloy na dumadaloy sa pisngi ko. "A-Ano.. Kasi.."

Ngayon ko lang siya patutulugin dito sa bahay namin. Hindi ko alam ngunit kapag alam kong naririto ang presensya ni Eugene ay nagiging panatag ako. Parang alam ko na hindi niya ako sasaktan o kaya'y ipapahamak. Siya talaga ang protector namin ni Reid. Napakaswerte ko at nakilala ko ang isang tulad niya.

Ngumiti ito. Ngunit naroon pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya. "Saan ako matutulog?"

Nag-isip ako. Ayokong matulog ito sa sofa dahil hindi naman ito kasya dito. Hindi siya magiging komportable. "Uh.. Sa kwarto ko nalang. Sa kwarto nalang ni Reid ako matutulog."

Napapalatak ito. "Woman! You're going to torture me."

Napalunok ako. Oo nga pala. Mahirap sa mga lalaki ang magtimpi kapag naamoy nila ang babae at mas lalo na kung sa kama iyon. "Eh, saan kita patutulugin?"

"Okay na ko dito sa sofa. May electricfan naman, e."

Kumunot ang noo ko. Hindi siya kasya dito. Kahit na may electricfan, hindi pa rin siya magiging komportable. "Hindi ka kasya. Sa kwarto ko nalang."

"Sa kwarto ni Reid."

Naisip ko. Malaki nga pala ang kama ni Reid.

"Okay." Niyakap kong muli ito. Lumalaki na talaga ng utang na loob ko kay Eugene. "Thank you, Eugene."

Lumabas muna si Eugene para raw kunin yung extra niyang damit sa kotse. Ako naman ay pumasok na sa kwarto ko at nagpalit na rin ng pajama. Terno kami ng pajama ni Reid. May tatak ng Lightning McQueen ang suot naming pareho. Kumuha ako ng dalawang unan at naglabas ng kumot para kay Eugene.Nang lumabas na ako ay nadatnan ko itong binubuksan ang pinto ng kwarto ni Reid. Nakabihis na rin ito ng puting t-shirt at boxer short.

Nag-iwas ako ng tingin dahil ngayon ko lang nakita ng ganito ang ayos ni Eugene. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago pumasok sa kwarto ni Reid. Nahihiya akong napayuko para itago ang pamumula ng pisngi ko. Mukha akong teenager na ngayon lang nakakita ng hita ng lalaki. 

Pumasok ako sa kwarto. May munting liwanag na nanggagaling sa lampshade ni Reid. "Extra pillows."

Lumapit ito sa akin atsaka kinuha ang mga kumot at unan. "Salamat."

Inayos nito iyon sa gilid ni Reid. Kaya malaki ang kama nito ay dahil sobrang likot niyang matulog. Magigising nalang ako isang gabi ay nakahalik na ito sa sahig ng kwarto niya. Umupo ako sa gilid nito at hinalikan ito sa noo. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang anyo, kamukhang-kamukha niya talaga ang tatay niya. Napansin kong yakap-yakap nito ang medyo may kalakihang teddy bear na bigay ni Eugene noon. Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang anak ko na nasa tabi ko. 

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Tinulak ako ni Eugene pahiga at nagpadala naman ako. Umusog ako para may space din siya sa gilid ko. Nakahiga ako sa braso niya at kapwa kami nakatingin sa kisame. Nilalaro ng kamay nito ang buhok ko.

I feel so safe. So damn safe.

Huminga ito ng malalim. "But oh, can't you see. That no matter what happens. Life goes on and on. So baby, just smile. Coz I'm always around you. And I'll make you see how beautiful. Life is for you and me."

Napangiti ako nang magsimula itong kumanta. Hindi ko alam na.. Wala pala siyang talent sa pagkanta. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Although, alam ko na ginagawa lang niya iyon para pagaanin ang loob ko. Humarap ako sa kanya at saka niyakap ito sa tagliran.

Tinuloy niya ang pagkanta kahit na alam niyang wala siyang telent doon. "Take a little time baby. See the butterflies' colors. Listen to the birds that were sent. To sing for me and you. Can you feel me. This is such a wonderful place to be. Even if there is pain now. Everything will be all right. For as long as the world still turns. There will be night and day. Can you hear me. There's a rainbow always after the rain."

Natawa ako nang pumiyok ito sa bandang dulo. Binaba niya ang tingin sa akin at nahuli akong nakangiti. Hinaplos ng libreng kamay nito ang  baba ko. "Nakangiti ka na rin. Sa wakas." 

"Napag-isip-isip ko kasi. Mas malaki pa pala yung problema mo kaysa sakin." Biro ko rito.

"Sobra 'yun." Nagtawanan kami ni Eugene. Hindi ko napansing may isa pa nga pala kaming katabi.

"Ang ingay." Reklamo ng katabi namin. Napaharap ako sa gawi nito. Umikot ito para tumalikod.

"Oh!" Hindi ko naagapan ang pagkahulog ni Reid sa kama. Basta-basta nalang kasi itong umiikot. O kami lang talaga ni Eugene ang may kasalanan. Napabangon kami pareho ni Eugene at sumilip sa kinahulugan ni Reid.

"Naman, e!" Nagsimula na itong ngumawa. Mabilis kaming tumayo ni Eugene at nilapitan ang umiiyak kong anak. Hindi ko alam pero hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. At ang may gawa ng ngiting iyon ay si Eugene.

Binuhat ni Eugene si Reid at inilagay sa ibabaw ng kama. Nasa magkabilang gilid kami nito. Hanggang sa makatulog muli siya. Dahan-dahan kong umalis sa tabi ni Reid. 

"Good Night." Mahina kong sabi.

"Good Night." Hindi na ito makatayo dahil nakapalupot ang hita ni Reid sa bewang niya.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at nagpunta na sa kwarto ko.

----

EUGENE FUERTES

Nagising ako na may nakadagan sa tiyan ko. Nag dumilat ako ay nakita ko agad ang isang paa na nakapatong sa may tiyan ko. Saka ko lang na-realize na nasa ibang bahay nga pala ako natulog at si Reid itong katabi ko. Nakabaligtad ito ng higa kaya sa akin nakaharap ang paa niya. Talaga ngang malikot na siyang matulog. Naaalala ko pa nung sanggol palang siya, umiiyak siya kapag ako ang humahawak sa kanya at saka lang tatahan kapag binuhat na siya ng nanay niya.

Masungit talaga ito noon pa, lalo na sa ibang manliligaw ng Nanay niya. Sa akin lang ata siya mabait dahil ako ang kinamulatan niyang kasama ni Melissa. Ang alam lang niya ay magkaibigan kami ng Mama niya, hindi pa kasi ako makatiyempo kung kailan ako magpapaalam sa kanya para ligawan ang Mama niya.

Bumangon ako at tumingin sa Wall clock. Malapit ng magala-sais. Kailangan na nitong bumangon dahil may pasok pa siya ngayon. "Reid, wake up. Baka ma-late ka na."

Umungol lang ito. Mas nilakasan ko pa ang pagyugyog paa magising ang diwa nito. Bumangon ito at kinusot ang mga mata. Humikab din ito bago tumingin sa akin. Hindi talaga mapagkakaila ang pagkakamukha nila ni Wright. Kailangan niya ng ama, pero na kay Melissa pa rin ang desisyon. Wala akong dapat pakielamanan sa desisyon niya. Ang tanging magagawa ko lang ay bigyan ito ng advice.

"Masakit pa ba yung likod mo?" Sabi ko rito. Sumakit kasi iyon kagabi dahil sa pagkakahulog niya sa kama. Osige na, kasalanan na namin ng nanay niya.

Umiling ito. "Ang likot nyo po kasi ni Mommy kagabi. Nahulog tuloy ako."

"Sorry.. Tara na, ipagluluto pa kita. Puyat ang Mommy mo." Tumayo na ako at dumiretso sa CR para sa hygiene. Kasabay kong nagtu-toothbrush si Reid. Magkakulay ang toothbrush namin. Nakikita ko rin ang bawat pagsulyap nito sa akin. Pasikreto akong napapangiti kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

 Parang may kung anong humaplos sa puso dahil para kaming mag-ama ni Reid. Sana nga ako nalang.. Kung nauna lang sana ako ng kaunti. Pero wala na akong magagawa bukod sa maghintay kung kailan magiging handa si Melissa.

Dumiretso na kami sa kusina pagkatapos. Ito ang nagprisintang magbalat ng sibuyas na puti. Marunong daw siyang maghiwa n'un. Nagkakagalit pa kami dahil ayaw kong ibigay yung malaking kutsilyo. Pero dahil mas matanda ako, nakinig siya sa akin.

"Aray!"

Ibinaba ko ang kaldero kong hawak at mabilis na pumunta sa gawi ni Reid. Dumudugo ang hinlalaki nito. Nagmamadali kong hinawakan iyon. Lagot ako kay Melissa.

"Hala!" Hinatak ko ito papunta sa lababo. "Itapat natin sa gripo."

Nang tumigil ang pagdurugo niyon ay kinuha ko ang first adi kit nila na nasa banyo atsaka pinahiran iyon ng gamot. Hindi ako gumamit ng alcohol dahil alam kong mas hahapdi iyon. Ayokong nasasaktan si Reid. Kahit na alam kong hindi siya umiiyak, alam kong mahapdi yung sugat niya. Paano pa kaya kung alcohol ang gagamitin ko.

"Tito, can you make my Mommy happy?" Napatingin ako sa kanya at natigil ang paglalagay ko ng betadine sa sugat niya. Tinitigan ko ang nagtatanong na mga mata nito.

Ngumiti ako. Nagsisimula na siyang mag-open up sa akin. "Yes.  Why?"

Ngumisi ito. "Nothing."

Hindi ko na ito pinatulong pa dahil baka magkasugat pa uli siya. Tiningnan lang niya ako habang binabalatan ko yung patatas. Nakatuntong ito sa upuan at nakapewang na nanunuod.

"Ganito pala yung feeling kapag may Daddy."

Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong ito. Pero hindi naman masama kung sasabihin ko. "Gusto mo bang makilala ang Daddy mo?"

Umiling lang ito at humalukipkip. "Ayaw. Galit ako sa kanya. Ayoko sa mga taong sinasaktan ang Mommy ko."

Pinili ko na lamang na manahimik para hindi na mabuksan ang kuryosidad ni Reid. Pinanuod niya lang ako hanggang sa maluto ko na yung cornbeef.

"Tikman mo nga kung okay lang." Hinipan ko muna iyon at saka inumang sa kanya ang kutsara.

Sinubo nito ang kutsara na may lamang Cornbeef. Lumawak ang ngiti nito. "Ang galing mong magluto, Paps!"

Para akong napako sa kinatatatyuan ko nang marinig kay Reid ang mga katagang iyon. "What.. What did you just call me?"

Napatakip ito ng bibig. Siguro ay narealize niya kung ano ang salitang binitawan. Tumalon ito  para makababa sa upuan.

"Beats me." Mabilis nitong sabi at saka mabilis na tumakbo palabas ng kusina.

--

UNEDITED! PASENSYA NA SA MGA ERROS!

Bigyan naman natin ng moment si Eugene! :3

YES. BITIN. BITIN PO DAHIL ITO AY "ON-GOING"! MAG-A-UPDATE AKO KUNG KAILAN GUSTUHIN NG UTAK KO. DAHIL SA TOTOO LANG PO, GASGAS NA SIYA. HA. HA. HA. HA. HA.

Bigyan niyo naman po ako ng COMMENT na worth reading for. Hay..

UPLOADED: MAY 19, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

3.8M 106K 53
"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be y...
Crushmate (COMPLETED) Aleeza Mireya द्वारा

सामान्य साहित्य

31.1K 1.5K 21
Spin-off of My Not So Ideal Man Classmates Series Book 1 Noong high school ay may crush si Owen kay Jeraldine, hence, the "Crushmate" endearment. Per...
123K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
10.3K 213 4
DELICIOUS TROUBLE (Kitchen Lover Series 1) Famous designer Charlie de Vera promised not to look back to the old life that she had. But when her mento...