Diary ng Panget

Par ThatBoyIsMine

2.4M 15.9K 5.5K

dear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akon... Plus

Diary ng Panget
1.The first Day
2.New friend?
3.WAFWAF
4.Disappointed
hello sayo :))
4.2 Disappointed part two!
5.The who?
6.new friend again :)
Chapter 7
8.OMG
9. OMG part 2
Chapter 10
Chapter 10.1
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
CHAPTER 15 (MAY EXTRA STORY)
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (UNTIL AN)
Chapter 21
Chapter 22
Lets Have a Game
Chapter 23
As promise (Merry Christmas)
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author : if you love me you'll read this (you can hate me now)
Chapter 40
Broken
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44.1
Chapter 44.2
Chapter 44.3
Chapter 45
Game
The Reason
Chapter 46
Chapter 47
Diary Ng Panget?
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Please
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Reason
Update
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71

Chapter 66

1.4K 30 29
Par ThatBoyIsMine


Ano nanaman gusto niya? Papatulong nanaman ba siyang manligaw, alam ko tumigil nako mula nung inaya niya ko sa ball hindi na kami ganong nag-usap

Ano bang dala niya? Wala balloons, bear at may dala pa siya bouquet ng red roses, for sure papatulong mang-surprise ang loko alangan naman sakin yung dala niya diba?

Nag bihis naman ako ng disente dahil naka malaking tshirt lang ako isipin pang wala akong shorts

Pagbukas ko ng gate ngumiti ang loko

"Hi" bati ko sa kanya, bwiset na ngiti niya bakit ang gwapo niya?!

"Hindi mo ba ako papasukin?" Balik poker face niyang tanong, he's back

"Ay sorry, tuloy ka pala" sabi ko

Pagpasok namin ng bahay isa isa nyang binaba yung dala niya tapos doon ko na realize ang dami niyang dala, paano niya nadala yon ng mag-isa? May cake, may paper bag, may bear, may balloons may bouquet 😳

"So bakit nandito ka, Wala dito si KC" sabi ko, nang feeling ko nakahinga na siya sa dala niya hahaha

"Hindi naman si KC ang pinunta ko dito eh." Sabi niya sakin ng naka tingin sa mga mata ko

"Don't tell me papatulong ka nanaman manligaw?" Sabi ko aba ang bilis niya magpalit ng nililigawan ah

"Ang totoo niyan noong una naguguluhan ako, alam ko gusto ko si KC pero habang tumatagal doon ko nakita yung ugali ng taong gusto ko ngayon, maski ako hindi ko expect na magkakagusto ako sa kanya" sabi niya tapos yung itchura niya alam kong seryoso siya

Lumambot naman yung puso sa pag-amin niya at least alam niya sa sarili niya ano ba yung gusto niya.

"Totoo naba yan? Baka dahil binusted ka lang ni KC kaya nagustuhan mo yang sinasabi mo, alam mo ba na masakit maging option?" Sabi ko sa kanya sana dama niya yung pinaramdam sakin ng loko

"Hindi, sigurado ako na gusto ko siya, actually kaya hindi narin kita kinulet about kay KC non kasi nga may gusto nakong iba, kaya nga inaya kita nung ball" sabi niya

"So kaya inaya mo ko nung ball kasi tinurndown ka din ng babaeng gusto mo ngayon?" Sabi ko ng nakataas ang kilay wala ng awkwardness dahil siguro sa mga revelations niya

"Kaya kita inaya noon ng ball dahil ikaw ang gusto ko" sabi niya ng walang kakurap kurap

Habang ako kurap ng kurap hindi ma process ng utak ko, nag buff bigla ang utak ko tapos loading hanggang sa nag crashed na, hindi kinaya

"Hahahahahaha" ako yan wala nabaliw na ang lola niyo

"Anong nakakatawa?" Sabi niya habang poker face lang siya

"Alam mo kasi Marion nakakatawa talaga eh... I'm sorry" bigla akong sumeryoso ng makita ko seryoso na siya hindi siya poker face lang

"Ang hirap naman kasing maniwala sa sinabi mo, ang totoo niyan kaya hindi rin ako pumayag nung inaya mo ako sa ball dahil nasaktan ako, totoo. Bago mo ako ayain nag text sakin si KC na tinurn down ka daw niya maka date sa ball, para makadate niya kuya ko. Tapos bigla mo kong inaya non, naisip ko na ano ako option? Na pag ayaw ng iba, sakin ang punta? Alam ko naman na hindi ako kasing ganda ni KC, pero hindi ko deserve yung ganon, I deserve more than that" sabi ko sa kanya na kalmado parin pero sana dama niya yung pain ko no 😭

"I didn't ask her to be my date" sabi niya sakin with the same face

"What?!" Nabiglang tanong ko

"Hindi ko siya tinanong nung ball, ikaw lang yung tinanong ko" sabi niya sakin

"O bakit sinabi niya sakin nag no siya sayo?" Sabi ko sabay hinanap ko yung text sakin ni KC

"Ito o tignan mo ang text niya" sabi ko ng makita yung message

"She's lying" sabi niya

"Hindi naman siguro magsisinungaling si KC" sabi ko

"So ako yung nagsisinungaling?" Sabi niya nakita ko sa mga mata niya yung pagkadisappoint

"Hindi naman sa ganon" sabi ko at napa yuko

"If mapatunayan ko sayong hindi ko nga siya inaya, would you believe me na ikaw talaga yung gusto ko?" Sabi niya napatingin ako bigla sakanya hawak niya ang phone niya

"Hello KC" sabi niya

Sh*t tinawagan niya si KC

"Anong sinasabi mong inaya kita noon sa ball?"

"Tinawagan mo ko para dito?" Narinig ko ng boses ni KC

"Ang pagkakaalala ko humingi ako sayo ng tulong na ayain sa ball si CJ, wala akong maalala na ikaw ang inaya ko" sabi ni Marion

"So?" Naiiritang sabi ni KC

"Akala ko ba ayaw mo sa akin, bakit mo pinagkakalat na inaya kita?" Sabi ni marion habang naka tingin sakin

"Fine! Hindi na ako ang inaya mo at hindi rin naman ikaw ang dinate ni CJ so anong pinagpuputok ng butchi mo?!" Sumisigaw na si KC

"Thank you" sabi lang ni Marion at binaba na niya yung phone

"So naniniwala kana sakin?" Sabi niya

Ako? Naka nganga padin hindi ako makapaniwala na ganon, pero bakit, bakit sinabi yon ni KC? May mapapala ba siya sa ginawa niya? Hindi ko maintindihan

At alam din ni KC na nasaktan ako sa ginawa ni Marion noon nakwento ko kasi sa kanilang dalawa ni Kyle since pareho naman nilang alam na crush ko siya....

"I'm sorry" yon lang ang nasabi ko

"Okay lang kasalanan ko naman, hindi naman kita masisisi kung hindi ka minawala agad sakin, sino nga bang maniniwala kung noong una nagpapatulong lang ako sayo ngayon ikaw na yung nililigawan ko" sabi niya tapos ngumiti siya

Wait ano daw? May narinig bakong ligaw?

"Ligaw?" Tanong ko

"Oo gusto kitang ligawan at patunayan sayo na ikaw talaga yung gusto ko" sabi niya

Sh*t talaga ano bang nangyayare?

Yung puso ko nagwawala na, possible bang pati utak ko tumitibok nadin ? Sakit ng ulo ko eh

"Haha wala akong masabi I'm sorry " sabi ko tapos tumakbo ako sa kusina kinuha ko ang pitchel hindi nako nag baso straight ang inom ko

"Jusko ano bang nangyayare?" Sabi ko at pinukpok ang ulo ko sa ref, baka nananaginip lang ako

Bumalik ako sa sala at nandon parin siya jusko totoo ito at hindi panaginip lang.

"Sorry nabigla lang ako, maupo ka muna" sabi ko

"Okay lang" sabi niya

"Ang totoo niyan hindi ko talaga alam ang sasabihin ko o gagawin bago lahat sakin to, pinaprocess pa ng utak ko" pag amin ko

"Hindi mo naman kailangan sumagot ngayon gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko at simula ngayon liligawan kita kahit na ayaw mo" sabi niya

"Hindi mo naman kailangan gawin yon" sabi ko

"Sa ayaw at sa gusto mo" yan lang ang sinabi niya sakin at inaabot ang bouquet ng red roses

"Hindi ko ata matatanggap ito" sabi ko sabay upo sa may sofa nanlalambot ako sa mga nangyayare

"Ibinibigay ko sayo lahat ng ito, nasasayo na kung anong gusto mong gawin, gaya nga ng sabi ko hindi mo naman kailangan sumagot ngayon, pag-isipan mo muna yung mga sinabi ko sayo maghihintay ako ng sagot mo" sabi niya at binaba yung bouquet sa mesa

"Sana bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko, aalis na ako pasensya na sa abala" sabi niya tapos tumalikod na siya sakin at nagsimulang maglakad

"Happy Valentines Carlyn" sabi niya bago tuluyang isinara ang pinto

Tinignan ko lang yung mga iniwan niya sa mesa

"Anong gagawin ko neto?" Tinatanong ko ang sarili ko

Tapos biglang nag vibrate ang phone ko

Tumatawag si Kuya Reid

"Baby" bati niya agad pag sagot ko sa phone

"Baby?" Sabi ulit niya hindi ako makasagot

"Hello baby, naririnig mo bako? Nandyan kaba okay ka lang?" Sunodsunod na tanong niya

"Hmm kuya oo okay lang ako" sabi ko

"May nangyari ba? Okay ka lang ba talaga?" Tanong nanaman niya

"Oo kuya okay lang medyo inaantok lang" palusot ko

"Hindi kapa ba nakakatulog baby? Akala koba kanina pang 12 tapos exam mo?" Tanong niya

"Bakit alam mo?" Ako naman ang nagtanong

"Sinabi mo baby" sabi niya

"Liar ni hindi na nga tayo nagkikita tapos sasabihin mong sinabi ko sayo?" So ano lahat ba magsisinungaling na sakin?

"Baby sinabi mo sakin noong prelims pa diba nagpalitan tayo ng mga schedule noon?" Sabi niya

Tapos naalala ko na noong prelims nagpalitan nga kami ng schedule ng mga kuya ko

"Oo nga pala sorry kuya" sabi ko naguilty ako kasi pinaghinalaan ko sila, sobrang gulo kasi ng nararamdaman ko ngayon

"Okay lang baby I miss you" sabi niya

Tapos napangiti ako

"Namiss ko din kayo kuya, kailan ba tayo magkikita kita? Siguro may mga dinadate kayo kaya ang bi-busy niyo" pagbibiro ko

"Wag kang mag-alala baby magkikita na ulit tayo, and we'll make it up to you!" Sabi niya

"Totoo ba yan?" Sabi ko na naexcite

"Oo nga baby mamayang 4:30 susunduin kita sa inyo magpaganda ka ah" sabi niya

"Oo na alam ko na panget nako!" Sabi ko

"Hindi ka baby! Ang gusto kong sabihin sa magpaganda mag-ayos ka mag bihis ng maganda" sabi niya ng natatawa pa

"Oo na baba ko na at mahirap magpaganda" sabi ko

"Sige baby see you" sabi niya

"4:30 wag kang papalate ah" pag reremind niya sakin para naman lagi akong late!

Binaba ko na ang phone ko

"Sh*t" sabi ko nanaman ng makita yung oras 4:02 na eh, tinaggal ko sa pagkasilent ang phone ko, para pag tumawag si kuya Reid

Tumakbo agad ako sa kwarto at nagshower wala pang five minutes tapos nako

Jusko anong susuotin ko? Halos nilabas ko na halos laman ng closet ko

"Pwede nato" sabay kuha ng powder blue na dress para hindi mahirap partneran tsaka yung white na heels.

4:15 na umupo ako sa tapat ng mesa ko at nag lagay ng make-up mga tinuro sakin ni tita Ja

4:20 na ng magtext si Kuya Reid

"Baby naflatan ako nasa may school nako sandali lang" sabi ng text niya

Kinuha ko yung hair dryer ko at pinatuyo ko yung buhok ko

4:31 na wala padin si kuya Reid

"Saan kana?" Text ko sa kanya

Tapos may text agad ako bilis ng reply baka nasa baba na siya

"Ms. Austria I want to talk to you please see me at the Faculty now, I'll be waiting -Mrs. Santiago" sabi ng text na unknown number

Hala anong meron? Bakit ako gustong makausap ng prof ko?

Tapos nag ring nanaman yung phone ko si kuya Reid

"Hello baby ang traffic sa may school sandali nalang ah"

"Ah kuya magkita nalang tayo sa may school may kailangan lang akong gawin sandali" sabi ko

"Saan sa school?" Siya

"Oo gusto daw ako makausap ng prof ko ngayon" paliwanag ko

"O sige sa loob na ng school tayo magkita" sabi niya tapos binaba ko na

Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng bahay

Ano bayan ngayon pa talagang naka high heels ako doon walang mahanap na tricycle arggghhhh!!!!!

Buti nalang wala nang masyadong araw kaya hindi mainit.

Habang naglalakad ako papuntang school pinagtitinginan ako 😭 malamang sinong hindi pagtitinginan bihis na bihis ako tapos naglalakad lakas tama pa ako sa high heels na suot mo gaga! Feeling mo nyan maganda ka?

Sinampal ko yung sarili ko sa utak ko KJ eh sorry no parang baliw ko na, ang dami lang kasing tumatakbo sa isip ko

Tsaka ano naman gusto ng prof ko? Tapos na yung exam niya kahapon pa eh, anong kailangan niya hindi naman ako nangopya kaya hindi naman niya siguro ako papatawag ng dahil sa cheating no?

Pagdating ko sa school narealize ko wala pala akong ID

"Kuya wala po akong ID" sabi ko agad sa guard hindi niya ako papapasukin eh huhu

"Okay lang po ma'am maganda ka naman eh"sabi niya tapos ngumiti siya sakin

Ngumiti nalang din ako hahaha palabiro si kuyang guard hahahaha

"Salamat po" sabi ko tapos pumasok nako

Nung naglalakad nako papuntang faculty may isang babaeng kumukuha ng atensyon ng lahat. nakayuko siya at balikbalik na nag lalakad habang nasa likod niya yung dalawa niyang kamay

Naka black offshoulder dress siya tapos naka black scarpin siya, yung buhok niya naka messy bun ba tawag don? Pero yung perfect messy bun tapos may parang hindi naipit sa gilid ng mukha niya na kinulot? Sorry I'm bad at describing things

Tapos inangat niya yung ulo niya sh*t ang ganda niya himinga siya ng malalim at shinake niya yung kamay niya, kinakabahan siguro siya?

Lahat ata ng tao nakatingin sa kanya para siyang artista, sobrang paghangga ko nakalimutan kong may kailangan pala akong puntahan kung hindi lang nag ring yung phone ko

"Hello" pag sagot ko

"Ms Austria where are you?" Boses ni Mrs Santiago

"Papunta napong faculty mam" sabi ko at nag start ng maglakad habang papalapit ako sa babae doon ko siya nakilala si EJ yung babaeng laging naka black hindi ko lang agad nakilala dahil hindi siya naka dark lipstick naka nude lipstick niya at parang halos wala mang make-up pero ang ganda niya lalo na ng malapitan

"Bilisan mo!" Sabi na ma'am at binabaan ako

"Oh" sabi niya ng mapatingin siya sakin at may turo pang kasama

"Hi" bati ko tapos ngumiti ako

"Hi" sabi niya at ngumiti sh*t nasilaw ako ang ganda din ng ngiti niya , yung ngipin niya lahat maganda

"Anong ginagawa mo dito?" Ewan ko din bakit yon ang natanong ko eh

"Ah may hinihintay kasi ako" sabi niya tapos may tinignan siya isang black na box sa may bench, regalo? binigay siguro ng boyfriend niya.

"Boyfriend mo?" Tanong ko pa

Nagblush siya at ngimiti lang

"Ah sige mauna na ako may pupuntahan pa ako" sabi ko kasi totoo naman tsaka baka nakakaabala nako sa kanya

"Ah sige" sabi niya at ngumiti siya

Ngumiti din ako at naglakad na

"Sandali lang" narinig kong sabi niya ng malampasan ko na siya kaya tinignan ko ulit siya

"May tatanong sana ako" sabi niya

"Ano yon?" Nagtatakang tanong ko

"Naalala mo noong american pie?" Sabi niya, tumango lang ako

"Naalala mo yung lalaking binato ko?" Siya yan

"Ah si kuya OJ ba?" Sabi ko

"OJ pala yung pangalan niya" bulong niya tapos ngumiti siya

"Bakit pala?" Tanong ko pa

"Ah alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" Tanong niya

"Pasensya ka na abaala kapa" sabi niya

"Ah hindi okay lang, sandali tignan ko" sabi ko tapos kinuha ko yung phone ko saktong tumatawag si kuya Reid

"Baby nasan kana nasa school cafe ako"

"Ah kuya nasa school nadin sandali nalang, pero may tanong ako alam mo ba nasaan si kuya OJ?" Tanong ko

"Ha? Bakit natanong mo?" Si kuya Reid

"Sagutin mo nalang muna mamaya kona papaliwanag" sabi ko tapos tinignan ko si EJ na naka tingin din saakin

"Nasa school pa siguro alam ko 4:45 palang matatapos exam non" sabi ni kuya Reid

"Sige salamat" sabi ko at binaba yung phone

"Baka nasa school pa siguro si Kuya OJ, sandali tawagan ko lang no?" Sabi ko tapos dinail ang number ni Kuya OJ

"Hello bakit ba nag-e-exam ako!" Nairitang sagot niya

"Ah sorry kuya sige mamaya nalang" sabi ko at binaba ko na din agad

"Nasa school pa siya, bakit mo pala natanong?" Sabi ko kay EJ

"Ah hinihintay ko kasi siya" sabi ni EJ

"Bakit may ginawa ba sayo yung kuya ko?" Tanong ko

"Ah hindi wala naman, may gusto lang akong itanong sa kanya" sabi niya sakin

"Ah ganon ba..." tapos nag ring nanaman ang phone ko si Mrs Santiago nanaman

"Ano kasi kailangan ko na talagang umalis, kung mahihintay mo siya, abangan mo lang dyang sa building nayan at paniguradong dito siya dadaan, pero kung gusto mo ibibigay ko nalang ang number ko tapos itext moko if may tanong ka di ko kasi mabigay number niya papatayin niya ko" sabi ko

"Ah sige" sabi niya at inabot agad niya yung phone niya wow hindi talaga siya mahilig sa black kasi yung phone niya Iphone 6 plus matte black lang naman, customized? Alam kong hindi pa iphone 7 to wala pang 7 eh hahaha

"Ayan text mo nalang ako, bye na talaga" sabi ko pag kaabot ng phone niya sabay takbong papunta ng Faculty

Pag dating ko sa Faculty hinanap ko agad si Mrs Santiago kahit hinihingal pako

"Finally" sabi niya sakin

"Bakit po mam?" Tanong ko

"Nagcheck ko na ang mga test paper Ms Austria at nag pa-finalize nako ng mga grades niyo, unfortunately nawawala ang test paper mo" sabi niya

"Po?!" Nabiglang tanong ko

"Nag take kaba ng exam that day?" Tanong ni Mam

"Oo naman po mam sa gitna pa nga po ako sa seatplan" sabi ko

"Well anong gagawin natin hindi ko makita ang exam paper mo?"

Tapos nagring yung phone ko, kinancel ko at hinayaan ko na muna

"Mam nag take po ako ng exam that day at nagpass po ako ng paper on time" paliwanag ko

"Pero hindi ko nga makita yung paper mo" si mam na parang naiinis pa

"So pano yon zero ka nalang?" Si mam

"Mam naman nag take po ako ng exam at nag pass ng paper" sabi ko

"Eh bakit nga hindi ko makita yung paper mo!" Sinigawan nako ni mam

Tapos ako maluhaluha na dahil pinagtitinginan ako ng mga professors

"Excuse me but I think its not right to blame her for the lost of her paper" sabi ng boses sa likod ko tapos tumigin ako

Si EJ naglalakad papunta samin dala dala yung black box niya

"Who are you to intervene?!" Sabi ng nahihighblood na si Mrs Santiago

"It doesn't matter who Am I, may seatplan kayo that day right? Nag sign din ba kayo ng attendance?" Sabi ni EJ tapos tumingin sakin

Nagpunas ako ng luha at tumango

Yung ibang mga professors naka tingin lang pero yung iba lumapit na saamin

"Nasaan ang attendance sheet niyo Ms....argh whoever you are" sabi niya nasa harap na namin siya si Mrs Santiago nakatingin lang sa kanya

"Sandali lang hahanapin ko yung attendance sheet nayan at papatunayan kong hindi nag take ng exam ang babaeng to!" Sabi ni mam tapos ginulo niya ang lahat ng papers na nasa harap niya mahanap lang yung attendance sheet

"Ha! Eto nahanap ko din humanda ka ng bumagsak" sabi ni mam tapos ako mas naiyak na talaga ako

"Ano nga kasing section mo!" Pasigaw ng tanong sakin ni mam

"Mrs Santiago hindi mo naman kailangan sigawan yung bata" sabi nung isang prof

Tapos si EJ magsasalita nanaman pinigilan ko nalang binaba nalang niya yung dala niyang bulaklak at nag crossarm

"A-121 po" sabi ko

"A-121.....A-121" paulit ulit na sinabi ni mam habang hinahanap yung attendace sheet

"Nahanap ko rin!" Sabi niya tapos kinuha yung papel at binigay saamin

"Ayan sige icheck niyo" sabi niya tapos kinuha ni EJ

"Carlyn? " siya na naiinis narin

"Carlyn Jamess Austria" sabi niya tapos tumango ako

"Stop crying" sabi niya tapos binaba yung paper sa may table

"There is her name affixed with her signature. Carlyn can you sign again near your name for comparison of signatures incase your inconsiderate terror professor will state that your signature is forged" sabi niya sakin tapos kumuha siya ng pen sa bag niya at inabot sakin

Ginawa ko yung sinabi niya

"There is the proof of her presence that day, now apologize to her." sabi niya na binalik yung attendance sheet kay Mrs Santiago

"Bastos karing bata ka" sabi ni Mrs Santiago at nilukot yung attendance

"I'm sure pwedeng pag-usapan to ng mahinahon" lumapit na yung isang professor at inawat sila

"Napatunayan na nagtake pala ng exam yung bata baka naman na missed place lang yung test paper Susan, huminahon ka" sabi nung umawat

"Hindi ko nga mahanap kaya nga pinatawag ko siya eh" sabi ni mam

"Iparetake mo nalang" sabi ng isang professor

"No" sabi naman ni EJ

"Bakit ba sabat ka ng sabat" ayan nanaman si Mrs Santiago

"Hindi kasalanan ni Carlyn na nawala yung test paper niya, the moment na binalik ng student ang paper sa proctor hindi na niya ito reponsibilidad, kaya hindi mo dapat sinigaw sigawan ng ganyan ang estudyante ng dahil sa kapabayaan niyo, tapos ngayon aabalahin niyo pa ang tao ipaparetake niyo ang exam ng dahil nawala niyo ang paper ng estudyante? No hanapin mo yung nawawala niyang paper" sabi ni EJ

"Ah EJ tama na ireretake ko nalang" sabi ko ng matapos nalang to

"No you won't! Hahanapin nila yung paper mo, now if bumagsak ka ng dahil dito we will take legal action, are we clear?!" sabi niya naparang hindi lang saakin kung hindi saaming lahat, tapos kinuha na niya yung box niya

"Lets go" sabi tapos tapos kinuha niya yung kamay ko at hinila palabas ng faculty

"Are you alright?" Tanong niya agad sakin paglabas namin

"Kinakabahan ako baka ibagsak ako" sabi ko

"Don't worry I'm serious when I said we'll take legal action if necessary, stop crying and can you hold this for me" sabi niya tapos inabot sakin ang black box na dala niya, velvet yung box tapos may kinuha sa bag niya at nag labas ng black na panyo mula na bag niya at inoffer sakin, kinuha niya ulit yung black box at may ginawa sa phone niya

"Evidence" yun lang ang sabi niya hindi ko magets, tapos naglakad na kami

"Thank you" sabi ko tapos yung panyo niya sobrang lambot habang pinupunas ko sa mukha ko, at ang bango pa

"Pero sana hindi mo nalang ginawa yon, professor pa din yon" sabi ko

"I know I'm sorry nauna yung temper ko, naalala ko kasi nung ako yung sinigawsigawan , hindi ako lumaban non pero sobra na kasi minsan dahil alam nilang may power sila over us inaabuso tayo, hindi ako nagpapabully" sabi niya

"Pero salamat padin" sabi ko sakanya

"Pero bakit pala nasa faculty ka?" Tanong ko

"Ah hindi ko kasi nakuha yung name mo kaya sinundan nalang kita at hindi pako nakakapag thank you" sabi niya sakin

"Ah buti nalang pala sumunod ka kung hindi baka zinero nako ni mam" sabi ko

"Teka paano mo nalamang Carlyn ang name ko kanina, kung hinabol moko dahil hindi mo to nakuha?" Nagtakang tanong

"Wala yon tsaka yung number mo kasi kulang kaya hinabol kita, narinig ko lang yung prof na tinatawag kang Ms Austria at hinanap yung surname mo sa seatplan at sinabi ko lang yung First name for confirmation na ikaw nga yon" sabi niya ng naka ngiti na

"Ah kaya pala, amina tignan ko ulit yung number ko" sabi ko

Tapos inabot niya yung phone niya , instead na phone number ko lang ang ibigay ko pati number na ni kuya OJ binigay ko, bahala na kung patayin nako non.

"Ayan number ko at number na ni Kuya OJ ibinigay ko sayo, hindi ko alam kung ano bang gusto mong itanong sa kanya pero mukhang napaka importante at hinabol mo pa ako wag mo nalang sabihin na ako nagbigay no?" Sabi ko sakanya pagbalik ko ng phone niya

"Thank you, pero hindi mo naman kailangan ibigay, ako mismo ang kukuha kaya wag kang mag-alala" sabi niya nung nasa may boulevard nakami nag ring nanaman yung phone ko

"Sandali lang ah" sabi ko kay EJ at sinagot ko yung phone

"Hello nasan kanaba?" Sabi ni kuya Reid

"Nasa may boulevard kuya, ikaw ba?"

"Sa cafe wag kang aalis dyan hintayin mo nalang ako dyan" sabi tapos binabaan nako ng phone

"Upo muna tayo habang naghihintay ka" sabi ko kay EJ tapos umupo kami

"Ano ba yung tatanong mo kay kuya OJ?" Sabi ko diko talaga mapigilan sarili ko

"Okay lang kung ayaw mong sagutin" sabi ko ng makita kong parang nag-aalangan siya

"Ang totoo kasi niyan.... wag kang tatawa no!" Sabi niya sakin

"Oo promise hindi ako" sabi ko

"Hindi ko talaga alam kung ano yung gagawin ko, kung paano ko siya hahanapin, hindi ko alam kung nandito ba siya, ni hindi ko nga alam yung pangalan niya eh, basta pumunta nalang ako dito umaasang sana makita siya" sabi niya

"Eh bakit naman hindi mo kilala si Kuya OJ e sikat siya sa school?" Tanong ko

"I'm not from here, Manila talaga ako pero lilipat nako dito kaya nung nililibot ko yung campus sakto may event I saw him singing korean I felt him, too bad I wasn't able to get his name when he was introduced and I wasn't able to finish the contest that day, then I saw him again on the american pie, I was so happy I left him my hanky together with my calling card hoping that he'd call me, but he never did" sabi niya na para bang kinikilig pa siya habang inaalala

"I was invited to your ball, I came because I wanted to see him again, siguro kahit hindi ako invited baka nag gate crash ako, but thankfully I was invited. I was there, I saw him and I even got on stage if you remember and sang in front of many people, baka sakaling mapansin niya ko and he did ☺️ he even clapped when I was done, tapos nung sayaw na after you danced with him pinuntahan ko agad siya at sinayaw nabigla nga ako pumayag siya eh" sabi niya tapos yung ngiti niya diko maexplain

"Anong nangyare after?" Sabi ko kasi ang naalala ko nalang after ng sweet dance eh party song na tapos nawala na siya

"I asked him what is his name he didn't answer me instead he called me Blacky" sabi niya tapos umasim yung mukha niya na para bang naiinis ang qt niya

"Mula kasi ng makita ka namin lagi ka nalang naka black, bakit nga ba?" Tanong ko

"Favorite color ko" sabi niya sakin, alam ko naman na favorite niya, obvious kaya haha

"Gusto mo ba si kuya OJ?" Tanong ko

"Baby!" Biglang may tumawag tapos sabay kaming napatingin sa lalaking nakatayo ngayon sa gilid namin tapos tumayo kaming pareho ni EJ

"Kuya Reid!" Sabi ko tapos natawa ako sa itchura niya, hindi lang pala ako ang nsstarstruck kay EJ pati siya! Hahahaha

"Uy kuya!" Sabi ko inalog ko siya

"Oh baby kanina pa kita tinatawagan eh" sabi niya sakin

"Ah sorry kasama ko kasi siya" sabi ko tapos tango lang siya totoo ba to? Ang kilalang matinik na si kuya Reid naspeechless?

"Eh EJ si kuya Reid nga pala, Kuya Reid si EJ" sabi ko

"Hi I'm EJ please to meet you, have we met before?" Sabi ni EJ tapos nilahad niya yung kamay niya

Nakipagshakehands siya at Tumango lang si kuya Reid

"Really, where?" Si EJ

Tapos tumango lang ulit si kuya Reid tapos shinashake padin yung kamay ni EJ hahaha ang epic lang

"Ah eh kasi barkada namin siya EJ if naalala mo lagi namin siyang kasama" paliwanag ko

"Oh I see, ikaw lang kasi at si OJ yung naalala ko I'm sorry" sabi niya

"Ah yung kamay ko pala" sabi pa niya

Tapos si kuya Reid nakatingin lang sa kanya at naka ngiti sh*t love at first sight?

"Uy kuya Reid?" Sabi ko walang epekto

Sinikmuraan ko

"Aray ko naman" sabi niya habang naka hawak sa sikmura niya

"Sorry kuya ang weird mo kasi" sabi ko

" bakit ba nananakit ka?" Sabi niya sakin

" ayaw mo kasing bitawan kamay ni EJ nakakahiya na sa kanya" sabi ko

"Nangttrip lang naman ako eh" siya yan, neknek niya nangttrip niya mukha niya

"Sorry did I scare you?" Sabi niya kay EJ

"No, its fine" sabi ni EJ

Wow english pansin niyo? Patuyo na yung dugo sa utak ko 😭

"Ano tara na?" Sabi ni kuya Reid pero naka tingin kay EJ

"Ah kuya kasi hinihintay ni EJ si kuya OJ may itatanong daw, hindi paba siya tapos mag exam?" Ako sabay tapak sa paa niya naiilang na ata si EJ sa kanya

"Si OJ, Hindi ko alam, bakit anong itatanong niya?" At finally tumingin na siya sakin pero sandali lang at bumalik yung tingin niya kay EJ

"Gusto ko sanang siya nalang mimso yung tanungin ko" sabi ni EJ tapos ngumiti siya na parang nahihiya

Nilabas ni kuya Reid yung phone niya

"Hello OJ nasan ka?" Tinawagan niya pala si kuya OJ

"School bakit ba?" Sabi ni kuya OJ naka loud speaker

"Ah nasa school kapa, dumaan ka ng boulevard may naghihintay sayo" sabi ni Kuya Reid

"Ah...." ang tagal bago siya sumagot

"Hindi ako pwede diba sabi ko namang may date ako" sabi ni kuya OJ

"What?!" ako

Nabigla ako pero mas nabigla ako sa black box na hawak ni EJ na biglang bumagsak sa floor. Wow ang laman ng box niya ay dark violet na roses na parang black na pero hindi.

"I'm sorry" sabi EJ tapos umupo para kunin yung mga bulaklak na lumabas sa box may lupa pang kasama fresh yung dala niyang bulaklak, umupo din bigla si kuya Reid para tulungan siya, tumulong din ako

"Hello, Reid?!" Si kuya OJ

"Thank you" sabi ni EJ nung nalagay na yung lahat ng bulaklak sa box tapos tumayo kami inalalayan kami ni Kuya Reid

"Okay ka lang? Here" offer ni kuya Reid sa panyo niya dahil nadumihan ang kamay ni EJ sa lupa

"Okay ka lang?" Tanong ko

"Thank you, but I think I should go" sabi lang ni EJ hindi man niya kinuha yung panyo tapos nag start na siya naglakad

naiwan kami ni kuya Reid nagtinginan lang kami

"Napano yon?" Si kuya Reid na naka tingin na ngayon sa palayong si EJ

"Nasaktan siguro siya nung marinig niyang may date si kuya OJ" sabi ko

"Bakit naman masasaktan?" Si kuya Reid

"Galing pa siyang Manila pumunta lang dito para makita si kuya OJ tapos maririnig lang niyang may date si kuya OJ?" Sabi ko, pareho lang namin tinitignan si EJ habang naglalakad palayo saming dalawa ni Kuya Reid

Tapos bigla siyang nag stop sa tapat ng building na para bang may hinihintay na bumaba ng hagdan at meron nga si kuya OJ na parang nag mamadali at nasa tenga ang phone niya

Hinarang siya ni EJ

"Date me" sabi niya

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
48.8K 1.6K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...