Pregnant by my Boss

נכתב על ידי Aver_Cris

11.9M 203K 6.3K

STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contain... עוד

Happy 12M
Pregnant by my Boss (old version)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Ang Pagwawakas
Special Chapter
Heart Note
Good News

Chapter 5

372K 7.1K 138
נכתב על ידי Aver_Cris

“What?” I asked, almost breathless. He averted his gaze at me and held his nape.

“Forget what I said.” tumalikod na siya matapos niyang sabihin 'yon. “How's your things? Ayos na?”

“Oo.” pinanood ko siyang maglakad na papasok ng bahay.

Nilingon niya ako at nakita ko ang pagtaas ng kanyang isang kilay. “Anong ginagawa mo pa dyan? 'Di ka susunod sa'kin?” 

“Ah, susunod”

Tumalikod at naglakad siyang muli. Napabuga ako ng hangin at sumunod na. “Teka, Sir— I mean, Ken... 'Yong panga mo, ayos lang ba? Hindi na ba masakit?”

“Hindi na.”

“Ba't 'di mo siya sinuntok pabalik? Bakit mo hinayaan sarili mo na masuntok lamang?”

“Because real men don't fight like that. It's cheap. We used values as our weapon.”

“Pero hindi ka pinalamon lang ng parents mo para magpasuntok! You're not also a punchingbag!”

“He's drunk. Hindi ako nalaban sa lasing. Kapag pinatulan ko, parang pinakita ko sa'yo na wala akong utak.”

“Ken...” wala na akong matatanong pa. Na amaze ako kahit papa'no kaso hindi ko kaya masyado ang mga pinagsasabi niya. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay agad niyang kinuha 'yong mga gamit ko na. “Teka! Hindi pa ako naligo!”

“Sa condo ko na lamang ikaw maligo.”

“Ayaw ko nga!”

“Fine. Hintayin kita sa labas.”

Nang makalabas na siya dala ang mga gamit ko'y do'n lamang ako nagtungo sa banyo. Hindi ko na sinara pa ang pinto dahil nasa labas lamang siya. Isa pa, walang magtatangkang pumasok din sa loob ng bahay. Mabilis lamang ang pagligo na nagawa ko dahil alam kong may naghihintay sa'kin kaya 20 minutes lang eh tapos na ako.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan na nando'n si Sir Ken. He was standing there like a statue and when his gaze locked mine, I felt stupidity. Basa-basa ang buhok, 'di gaanong nagpunas ng katawan at may tuwalyang nakabalot. Ano kaya ang itsura ko ngayon? Not hot, kung 'di panget! I'm sure mukha akong suman ngayon!

Wet look didn't suit me well, I know that.

He suddenly averted his gaze and held his nape again just like what he did earlier. “I'm sorry...”

“Ah...” ano ba ang dapat sabihin? Ah, alam ko na! “Anong ginagawa mo dyan?”

Imbis na sagutin niya ang tanong ko, iba ang kanyang sinabi. “Hurry up, Ali. Go to your room now. Bukas ang pinto, oh! Someone might saw you in that look too.” aniya habang nanatiling nakatalikod sa'kin.

“Ah, sige.” at nagmadali na akong pumuntang kwarto.

Pagsara ng pinto ay napahawak ako sa'king dibdib. Grabe ang bilis ng pagtibok ng aking puso! I sighed bago magbihis. Isang simpleng pink t-shirt and a maong short ang suot ko. Magtsitsinelas na lang din ako mamaya kasi nakakotse naman.

“Tara na.” wika ko nang makalabas sa'king kwarto. Hindi na ako nagsuklay muna at balak ko eh sa kotse niya na lamang gawin 'yon.

Nilingon niya ako— nanatili pa rin kasi siyang nakatalikod. Kumunot ang kanyang noo at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Ganyan lang ang suot mo?”

Napakunot-noo rin ako. “Eh, ano ba dapat?”

Nawala ang pagkakunot-noo niya't ngumisi. “Bra and panty sana. Okay lang?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi!”

He just shrugged his shoulders. “Change your clothes. May pupuntahan pa tayo bago sa condo ko.”

“Sa'n naman?”

"Basta! Magbihis ka na lang ulit!”

“Fine!” pumasok na ako muli sa loob ng aking kwarto.

Hindi pa sinabi kung saan kami pupunta eh anong susuotin ko? Mamaya magkamali pa ako ng maisuot! Ang lalaking 'yon talaga!

Kinuha ko 'yong dress na blue na may long sleeves at 'yon ang aking sinuot. Since maganda ang suot ko, naglagay ako ng light make-up. I don't care kung may naghihintay sa'kin. Kung kanina ay nahihiya ako sa kanya, ngayon eh hindi na!

“Hurry!”

“I'm done!”

Pinagdikit ko ang aking mga labi kasi naglagay ako ng lipstick. Bahala na ang ayos ko ngayon sa kung saan man kami pumunta ngayon. Lumabas na ako ng kwarto. “Oh, okay na ang ayos ko?”

Tumingin siya sa'kin while unbuttoning his polo, nakatupi na ang sleeves hanggang siko. “Okay na.” I felt his hot stare looking at my body, para niya akong hinuhubaran. “Mas bet ko kung wala kang suot na damit talaga.”

“Baka pag naghubad ako mismo ngayon, iba ang gawin mo sa'kin.”

“Ofcourse.” at umarko pataas ang gilid ng kanyang labi. “Ba't nag-ayos ka pa ng ganyan?”

“Kasi gusto ko.”

“Okay na 'yong wala kang ayos kanina, tsk.”

“Eh, nakadress ako, ano! Pag maayos ang damit na suot, nakaayos din ang itsura!”

He didn't speak for a minute and just heaved a sigh. “Tara na. Isara mo nang maayos 'yong pinto ng bahay mo.”

“Alam ko ang gagawin ko.”

Siya ang unang lumabas bago ako. Isinara ko na ang pinto at nilock ng mabuti. Narinig ko ang pag-andar ng engine ng sasakyan niya. Nang matapos ay 'yong gate naman ang sinarado ko bago pumasok sa kotse niya.

“Ba't dyan ka uupo?” he asked while looking at me in the rearview-mirror. Naupo kasi ako sa likod niya, nagmukha siyang driver ko.

“Sa tabi ko ikaw umupo!” he commanded. Sumimangot ako't lumabas ng kotse para umupo sa kanyang tabi. Pagsara ng pinto ng kotse ay nag-seatbelt agad ako. Pinaandar na niya ang sasakyan palayo sa lugar na 'yon.

***

“Restaurant?” I murmured, asking myself for the better.

“Yeah.” he answered. Hindi ko akalain na maririnig niya 'yon, oh well.

Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng resto. Maya-maya pinaandar niya muli ang kotse at nagpark sa parking lot mismo.

“Bakit sa restaurant?” akala ko sa Mall kami pupunta kanina. 'Yon ang nasa isip kong pupuntahan namin habang nasa byahe.

“'Di pa ako kumakain.”

“Dapat sinabi mo sa'kin!” 'di ko mapigilan ang hindi mapasigaw. “Para habang naliligo ako, kumakain ka na. May pagkain pa ako ro'n, eh.”

“Malay ko.”

“Sadyang malay mo talaga.nHindi kasi nagsasabi.” at napalabi ako. Sayang din ang pagkain do'n, 'di ko nailigpit. “Teka, anong ginagawa mo nga pala kanina ro'n sa tapat ng banyo?”

“Hinihintay kang matapos. Iihi ako.”

“Ah.” kaya pala. Buti at mabilis akong maligo no'n. “Ikaw na lang ang kumain. Nakakain na ako, eh.”

“Kumain ka ulit.”

“Busog na ako.”

“It's my treat. Besides, walang pagkain na nakastock sa refrigerator ng condo. Bukas pa ako maggogrocery so you better eat again. Tara.”

Nauna siyang lumabas and to my surprise, pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Nice, gentleman ka pala Boss!” pang-aasar ko.

“I just want to show you that chivalry is not dead, natutulog lamang 'yon.”

“Natutulog?”

“Ang mga lalaki now a days, tamad maging gentleman, pinapatulog ang chivalry. Real men do chivalry and I believe that being a chivalry guy can get a woman's heart in just a second." and he looked at me straight to my eyes. “So, if I get your heart now, sabihin mo lang sa'kin.”

“Why? Ibabalik mo rin kung sakali?”

“Hindi, syempre. Ipapalit ko lang 'tong puso ko para fair, 'di ba? What do you think, hmm?”

I held my breathe. Hindi ako umimik. Sa banat niya ngayon, paniguradong pinamulahan na ako.

המשך קריאה

You'll Also Like

512K 11.5K 35
LOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamu...
55.7K 1K 56
Jerk at maattitude ang tawag ng marami kay Kai Alejandro, isang babae na lumaki sa bansang Spain ngunit kinalaunan ay pumunta ng Pilipinas upang iwan...
35.4K 2.2K 25
Ace Series #1 ¦ Ramille Ramirez, the vocalist Most envied by everyone for having their ultimate perfect relationship, ngunit ang sabi nga ng iba, lah...
762K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.