Marrying That Stranger

Von yellahrae

374K 8.6K 556

COMPLETED... (Previously Published as I Think We're Married) Anong gagawin mo kung malaman mong i... Mehr

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6.5: Off
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 8.5: A Day with Them
Chapter 8.9: A Day with Them
Side Story: You and Me
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11.2: Honeymoon?!
Chapter 11.5: Honeymoon?!
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Side Story: My First Love
*Special Chapter: My First Love Part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.5: Who's that Girl?
Side Story: Medicine
*Special Chapter: Operation Make Him Fall Inlove
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Side Story: I'm Hurting
*Special Chapter: Their Untold Story
*Special Chapter: Their Untold Story Part 2
Chapter 25.3: Second Sem
*Ellice Chapter: Collide
Chapter 26: Third Person
Chapter 26.5: SNIAP
Chapter 27: The Girls
Chapter 28: University Ball
This is not an UPDATE
Chapter 28.9: Who are You?!
Chapter 29: Everything has Changed
*CynYan Chapter: Callsign
Chapter 30: Crashing Down
Chapter 31: She's...??
*Lancely Chapter: Talk
*Lancely Chapter: Talk Part 2
Chapter 31.3: She's Bearing....
Chapter 32: Fight? or Let Go?
Pasingit MOMENT
Chapter 33: The Pain You Feel is Your Answer
Chapter 34: Revelation
Chapter 34.5: Plans
Chapter 35: Hello Italy
Chapter 35.3: The Surprise!!
Chapter 35.9: Kidnapped
Chapter 36: The Unknown Culprit
Chapter 37: Two Days
Chapter 38: Hidden Agenda
Chapter 38.5: Hidden Agenda
Chapter 39: Pictures to Burn
*Side Story: The Twit Bitches
Authors Note
Chapter 40.1: Save the Best for Last
Chapter 40.2: Wedding Dress
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE...
Author's Final Note
*BONUS SPECIAL #1: She Died?
*BONUS SPECIAL #2: Gonna Make Love
MARRYING THAT STRANGER TO BE SELF-PUBLISHED
BONUS CHAPTER ON SELF-PUB BOOK

Chapter 6

9.6K 210 18
Von yellahrae

Chapter 6

September 9

Cyntie

Sabay kaming papasok ni Heira ngayon sa school ngayon kaya papunta na ako sa kanila ngayon. hindi naman ganun kalayo ang bahay nila sa amin kaya namang lakarin kung hindi ka tinatamad, kaya madali akong nakarating sa bahay nila.

Ako nga pala ang nag-iisang bestfriend ni Heira simula highschool at classmates din kami ngayon, iisa lang kasi ang course na kinuha namin, pangarap na kasi namin noon na makapagsuot ng white gown kaya nursing ang napili kong kurso, luckily pareho kami ng gusto kaya hindi na kami nagkahiwalay kahit pa college na kami.

Pagdating ko sa bahay nila bumungad sakin ang isang black mate na Mercedes, na ngayon ko lang nakita. Woah! Ito kaya yung regalo ng Lolo nya? in fairness maganda saka mukhang pang sosyal.

Pumasok na ako agad ng hindi kumakatok, syempre feel at home ang lola mo. Hindi naman sa makapal ang mukha ko, kilala na kasi nila ako dito lagi naman kasi ako ditto tambay e.

Tapos sa may main sala sa baba ay may lalaki lang naman na nakatayo there, hindi ko masyadong tanaw ang mukha nya gawa ng masyadong pagsikat ng araw. Kaya naman nilapitan ko Omo!! Ang gwapo pala nito talaga lalo na sa malapitan!

Cyntie! Chill wag na yan! Hindi ba sinabi ko sayong taken na yan! Okay? Grabe, for the first time in forever kabog ako ni Heira ah. Wala pa kasi akong boyfriend na ganyan, I mean fiance. Pero parang ganun na rin yun kasi di pa naman sila kasal.

"Ehem... Ehem..." Ako yan feeling feeling may tb, syempre para makita ako, kanina pa kasi akong nakatayo sa may gilid nya pero hindi naman ako napapansin

Tumingin lang sya tapos bumalik ulit ng tingin sa may hagdan.

"Susunduin mo si Heira?" Energetic na tanong ko

Kaya lang wala naman akong nakuhang sagot sa kanya. Hello tao rin kaya ako. Grabe ha may lahi pala 'tong snobbers eh. Haay... Siguro ganun talaga kapag gwapo, suplado. Parang sa mga napapanood sa tv, grabe akala ko sa tv lang talaga yung mga ganito pati pala sa totoong buhay.

Nice talking naman sa kanya. Iniwan ko na lang tuloy sya there then gumora na ako sa taas para tawagin na si Heira.

*knock.. *knock..

"Heira!! Heira!! Buksan mo yung pinto Heiraaaa!!" Sigaw ko

Naghihisterical na ako, tapos nung pinihit ko yung door knob *click bukas naman pala, nagwawala-wala effect pa ako, sayang effort pft.


Clyde

Susunduin ko si Heira ngayon para sabay na kaming pumasok sa school, ngayon ko lang din kasi nalaman na pareho pala kami ng University na pinapasukan, sabi nga din kasi nila Mama cling to each other daw, kahit tutol naman kami dun sa idea na yun ay wala rin naman kaming magagawa kung hindi sumunod na lang sa kanila, kapag hindi daw kasi kami sumunod ay malilintikan kami, iba magalit si Papa at alam ko kapag sinabi nya gagawin nya.

Naalala ko nung dati, hindi ako sumunod sa utos nya e, kinidnap ako tapos iniwan ako sa isang desserted island na mukhang libingan ng kung ano sa sobrang tahimik ng lugar, dahil na rin siguro sa ambiance noon.

Kaya ito ako ngayon sunod-sunuran, takot ko lang matrap ulit doon. Pero bago pa kami sumunod at makapag-isip ng gagawin inunahan na nila kami. Paano? Paano malalaman kung sumusunod kami sa utos? Kung pwede naman naming hindi gawin? Simple lang... Meron lang naman silang pinapasunod na P.I sa amin, taga kuha daw ng litrato para malaman kung ano ang ginagawa naming dalawa, kung magkasama kami, kung nag-eenjoy daw kaming magkasama or kung ano pa, remembrance na rin daw yung pictures ng bonding moments daw namin tapos ilalagay nila sa scrap book. At ipapakita daw sa magiging anak namin, as if naman may plano akong bigyan sila ng apo sa kanya.

Malala na talaga sila. Ganun na ba sila ka-obsess sa pagpapakasal ko? Parang dati lang ayaw nila sa ex-girlfriend ko.


💍💍💍💍💍💍

Sa paghihintay ko kay Heira, naabutan ako ng isang babaeng kaibigan nya siguro. At tinanong nya ako kung balak ko daw bang sunduin ang kaibigan nya. Dahil medyo bad mood ako at dahil ayaw ko naman talagang gawin 'to ay hindi ko na lang sinagot ang tanong nya, hindi ko din kasi trip makipag-usap sa taong hindi ko kilala at lalo na, sa babae pa.

Mabuti naman at iniwan na ako ng isang 'to, malamang tawagin na nya yung babaeng yun. Anak ng pota kanina pa kasi ako nagaantay dito.

"Heiraaaaaa!!" Rinig kong sigaw sa taas.

Teka baka kung ano na ang nangyari dun! Mahirap na kargo ko pa kung may masamang mangyari, kaya agad-agad naman akong umakyat sa taas

"Anong nangyari?" Tanong ko sa babaeng kaibigan nya. Eh sa hindi ko alam ang pangalan eh.

"Wala dito si Heira nawawala sya."

Pagkatapos nilibot ng mata ko yung buong kwarto gulo-gulo ang lahat, grabe hindi obvious na kahit sa cabinet hinanap nya si Heira

Pagkatapos, biglang bumukas yung pinto ng cr.

"Eh-h... A--andito naman pala sya eh." Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, sino ba namang lalaki ang hindi magkakaganito kung makakita ka ng babaeng nakatapis lang ng twalya tapos medyo basa pa ang buhok nya.

Makinis ang balat at balingkinitan ang katawan. Sh*t! baka hindi ako makapagpigil. *gulp

"Ah... S-sige. l--lalabas mu-muna ako."


Heira

Ang ingay naman ni Cyntie rinig hanggang sa loob ng cr eh, narinig ko rin ang paglagabag ng mga kung ano-anong bagay sa kwarto ko, ano ba ang trip ngayon ng babaeng yun?

Nagmadali na tuloy akong magbanlaw para makalabas na agad ng mapahinto yun, pero paglabas ko naabutan ko naman ang kwarto na sobrang kalat as in gulong-gulo ang lahat ng bagay, at hindi lang si Cyntie ang naabutan ko, dahil andun din si Clyde.

Si---si Clyde?!

Sh*t! nakakahiya!!! bakit ba kase sila andito? Hindi ko na muna inintindi ang gulo ng kwarto ko, ang inaalala ko ay si Clyde...

Leche! Wala na ata akong mukhang maihaharap pa sakanya. Nakakahiya talaga! Buti na lang at nakalabas sya agad kasi pakiramdam ko namumula yung mukha ko.

"Ano bang ginagawa ni Clyde dito?" Tanong ko kay Cyntie kami na lang ulit kasi ang nandito sa loob

"Eh, bestfriend sorry ha. Kasi akala ko flumay away ka na somewhere eh, napasigaw ako tapos gumora here si Fafa Clyde na super worried sayo."

"Ba't ka ba kasi nakasigaw? Yan tuloy napasugod sya dito, nako bes malamang sa malamang naingayan lang yun sayo kaya nagmadaling pumunta dito para patahimikin ka,"

"Hay... Nako bes, talaga. Ayaw mo pang maniwala na may care sya sayo. Nako stepping stone na yan siguro sa pagkakagusto say kyaah!"

"Ano? Stepping stone?! Ano naman yun? Mauuna pa munang magunaw ang mundo bago magkaroon ng care yun sa paligid nya. Trust me." Nagbihis na muna ako at saka pinagpatuloy ang usapan namin.

"Ofcourse not. Susunduin ka pa nga eh."

"Weh? Bestfriend end of the world na ba?"

Binatukan ba naman ako "Haay... Ewan ko sayo!"

Pagbaba namin ay dumiretcho muna ako sa library dahil dun ko naiwan yung gamit ko pamasok. Titignan ko rin sana kung nasa workroom si Dad kasi magpapaalam ako sakanya kasi nga papasok na ako.

Nahagit ng mata ko ang isang sticky note na nakapin sa maliit na cork board malapit sa may table. Kaya agad ko namang nilapitan yun

"Hi princess, I just want to tell you na pinagday-off ko muna yung mga tao dyan kaya walang tao sa bahay. and you're lolo and I won't be home soon. Si Clyde na muna ang bahala sayo. Call me if you need anything.

- Dad"

Hindi ko naman na-gets yung sinabi ni Dad na si Clyde na daw ang bahala kaya naman lumabas na ako sa sala para puntahan si Cyntie nandun pa rin pala si Clyde.

"Tara ng umalis, malalate na tayo" Clyde

"It's not like pareho tayo ng pinapasukang school?"

"Hindi pa ba?"

Medyo matagal bago nag-sink in sakin yung sagot nya. Eh seryoso, hindi nga? Kasi hindi ko naman kasi sya nakikita doon saka hindi ko rin sya kilala. Baka naman binibiro lang ako nito.

"Ano sasakay ka ba o tutunganga ka na lang dyan?!" Iriitableng tanong nya

"Ah eh, pwede pasabay ako?" Sabi ko kahit nahihiya ako kasi naman diba wala dito yung mga tauhan namin wala tuloy sakin maghahatid

"Tch... Susunduin naman talaga kita eh." Clyde

"Ah.. ako rin pwede pasabay?" Cyntie

Nagtuloy-tuloy lang si Clyde, at pumasok na kami sa kotse nya. Dun ako sumakay sa likod since ayokong sumakay sa shotgun seat katabi nya in short mukhang driver namin sya.


💍💍💍💍💍💍

Pagdating naman ng school wala pa rin nagpapansinan tahimik pa rin kaming lahat.

"Eh??! Dito ka rin talaga pumapasok?!" Tanong ko kay Clyde

"Hindi, taga service lang talaga ako tch... Malamang, saan pa ba ako mag-aaral eh pag-aari namin 'to." Sabi naman nya

"Ano hindi ka pa ba bababa? Sarap na sarap ka sa pag-upo sa kotse ko ah" Clyde

Talaga ba?? Bakit hindi ko yun alam? Pero hindi ko na sinabi yan sa kanya kasi baka batukan na nya ako, medyo nagbubuff pa nga yung utak ko sa mga impormasyong ngayon ko lang nalaman. Kaya medyo natagalan bago ako nakarecover at bumaba.

"Bes, totoo ba yung sinabi nya?' Bulong ko kay Cyntie

"Oo bes, shunga ka bang talaga at hindi mo sya kakilala?"

"Eh sa busy ako masyado sa lessons natin."

Pagbaba namin pinagtitinginan lang naman kami sa paligid nagbubulungan pa nga eh.

"Sino kaya yung mga yun? girlfriend nya kaya?" *Girl #1

"Malabo no! baka kapatid lang nya." *Girl #2

"Uwaahh!! I love you Prince Clyde!" *girls

Sigawan yung mga tao, este yung mga babae pala. Ngayon ko lang napag alamang popular pala 'tong nilalang na 'to. Never ko pa kasi talaga syang nakita sa University.

Kami naman ni Cyntie ayun syempre nag-iba ng way, ang hirap kayang dumaan sa maraming tao baka maapakan kami ng mga nagwiwild na fan club ni Clyde. Isa pa magkaiba naman kami ng building kaya sobrang weird naman kung susunod pa rin kami sa kanya ano kami alalay?

Pagdating sa classroom sa wakas at wala pa dito yung prof namin ayos na ayos! Safe ako kasi kung nalate man kami ay huhuntingin ko talaga si Clyde at saka reresbakan. Kaso lang hindi naman ako nakaligtas sa mga classmates kong babae

"Oh my gosh! Hindi mo na naman sinabi na kayo ni Clyde!"

"Paano kayo nagkakilala?! Ikwento mo naman yung lovestory nyo!"

"Kaya pala hindi ka nagpapaligaw kasi may boyfriend ka na."

Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa mga 'to, mabuti na lang at andyan si Cyntie para i-rescue ako.

*Lunchbreak

Nakatanggap ako ng text message mula kay Dad.

From: Dad

Heira, your lolo, tita & tito (Clyde's Parents) & I went on a trip together. Naextend din pala yung day off ng mga tauhan natin sa bahay at ginawa ko ng week off, so they can rest ng mas matagal. And since wala ka na ring makakasama sa bahay, I've decided na dun ka na muna mag-stay kila Clyde. Don't worry may nakapack ka ng gamit dun. Di ka naman papabayaan nun eh. Kung uuwi ka no use din kasi nakalock na yung bahay natin, ipinalock ko kay Manong Fred pagka-alis nyo. Chance nyo na 'to para makapagbahay-bahayan este to get along. Bye princess, I love you.

Ngayon ko lang naintindihan yung nakalagay sa note ni Dad kaninang umaga, so ang ibig sabihin ng si Clyde ang nahala means sa kanila muna ako titira. Hindi ko talaga alam kung Dad ko ba talaga sya oh ano.

Teka matutulog kamo kami sa iisang bubong?! No way!

Ay... Andyan naman si Cyntie, hindi naman malalaman kung sa kanila ako tutulog, saka isa pa si Cyntie lang naman ang mag-isa sa bahay since parehong nasa ibang bansa yung parents nya. Kaya bago pa man mas lumala ang sitwasyon ay kinausap ko na siya.

"Bes.." Tawag ko

"Oh bakit?" Sabi nya

"Amm.. Ano kasi pwedeng doon muna ako sa inyo tumira? Kasi nag-out of town sila Dad tapos walang tao sa bahay nilock daw nila yung bahay eh." Sabi ko

"Oo naman no! Ikaw pa ba, saka~" Hindi nya naituloy ang sasabihin kasi biglang nagring yung phone nya

"Wait lang bes ha." Sabi nya tapos lumayo sa akin

Lumabas sya ng room bago yun sinagot. Ganun ba kaimportante yung pag-uusapan kaya bawal marinig?? Hmm...

And after a minute bumalik na rin sya meaning tapos na syang makipag-usap

"Sino yun?"

"A—ahm... Si Mama, ano bes. Hindii pala pwede samin kasi ano... Yung tita ko uuwi sa Pinas eh miss na daw nya kaming magpipinsan kaya dun daw muna kami makitulog sa bahay nya. Sorry bes, next time na lang ha."

"Aa... Ah sige, ganun ba? Uuna na muna ako hahanapin ko lang si Clyde."

Pumunta na ako sa Management Dept. para hanapin si Clyde, dahil first time ko pa lang pumasok doon ay hindi ko alam ang pasikot-sikot ng building kaya naman nag-umpisa na akong magtatanong tanong sa mga tao.

Medyo ilang nga akong makipag-usap kasi hindi ako masyadong marunong makiusap sa ibang tao

"Excuse me alam nyo ba kung nasaan si Clyde?" Yan lang naman ang tanong ko sa mga taong dumadaan.

Puro hindi naman ang sagot nila. haay, paano ko ba sya makikita?? Tapos may mga lecheng babae pa akong naririnig na nagbubulungan.

"Kung makasabi naman ng Clyde akala mo naman close sila" *Girl #1

"Oo nga." *Girl #2

Hilahin ko kaya ang mga buhok ng mga lecheng yan?! Excuse me andito lang ako oh! Naririnig ko kayo. Ang sarap talagang pagbubuhulin nung mga buhok nila, hindi naman mga kagandahan tch...

"Heira, hinahanap mo si Clyde?" Sabi nung gwapong lalaking lumapit sa akin

"Oh! Si Luke bakit nya kinakausap yung babaeng yun?" *Girl #1

"Paano nilandi nya." *Girl #2

Hmm... Konti na lang talaga at sasabunutan ko na 'tong mga babaeng 'to!

"Ah... Eh? Kilala mo ako?"

"Oo. Don't you remember me? Ako si Luke. I was at your debut oh engagement party pala by the way pinsan ako ni Clyde."

"Ah, sorry kung di kita nakilala. Hehe... Medyo marami din kasing tao nun." Nahihiyang sabi ko

"You're cute, I like you."

"Hehe... Hindi naman."

"Nandun nga pala si Clyde sa tambayan nila?"

"Huh?" Nawala sa isip ko na hinahanap ko pala si Clyde. Kasi naman nakakadistract yung kagwapuhan ni Luke.

"Hinahanap mo sya hindi ba?"

"A--aa... Oo. Muntik ko na malimutan"

"You're really funny." Tapos ginulo nya yung buhok ko

"Tara samahan kita."

"Okay" And finally nakarating na ako sa tambayan nila, medyo pasikot-sikot ang dinaanan namin kaya mahirap nga hanapin kung saan nandoon si Clyde paano kasi lalabas ka pa nung building nila at ang ending malapit lang pala sa building namin yun. Leche! Nagpagod lang ako at muntikan pa kong makipag-away sa mga babaeng andun.

"Ah, Luke thanks ha. Kung di ka pa dumating baka napaghihila ko na yung mga buhok ng mga babae kanina."

"No problem, anytime basta ikaw. Wag ka nga lang pala makikipag-away, kasi alam mo na."

"Okay sige bye. Ingat"

"Bye. See you again some time."

Heira gosh! Pwede na bang kiligin? Muntikan na nga akong sumayaw sa may corridor eh. Sana sya na lang yung fiancé ko. Teka tambayan nila 'to? Sa labas pa lang ang ganda ganda na eh. paano pa kaya sa loob? Ngayon ko lang nakita 'tong kwarto na 'to eh.

"Hoy! Heira!! Hah..." Humahangos na sabi ni Cyntie.

"Oh san ka nanggaling? Hinga, hinga inhale, exhale."

At ng medyo nakarecover na sya "Eh... Kasi kanina pa kita hinahabol eh. Tawag ako ng tawag sayo hindi mo naman ako pinapansin."

"Ah kaya pala may naririnig ako kaninang tumatawag ng pangalan ko. Akala ko kasi may kapangalan ako dito eh. Sorry bestfriend huh."

At kinwento ko na nga sa kanya ang mga nangyari sa paghahanap ko kay boots na kaibigan ni Dora. Este kay Clyde pala.

"Talaga? Mga gagang yun wag sila papakita sakin talagang makakatikim sila!" As usual ganyan talaga yan sakin over protective parang nanay ko nga yan e. Or let me say dinaig nya ang nanay ko diba? Kaya love na love ko yan eh.

"Eh? Bestfriend sabihin mo nga sakin yung totoo ikaw ba ang totoo kong Nanay?"

"Gaga!"

"Ayy.. Heira ano gwapo ba yung si Luke huh? Pakilala mo naman ako oh. Para magkaroon na din ako ng lovelife." siya

"Huh? Eh,.. Ako nga walang lovelife eh."

Binatukan nya ako "Loka loka ka talaga! Ikakasal ka na nga tapos wala ka pang lovelife nyan 'te?"

"Eh? Hindi naman counted yun. Wala naman kaya kaming feelings para sa isa't isa. Saka never akong magkakagusto dun no!"

"Wag kang magsalita ng tapos. Baka mamaya kainin mo yang sinasabi mo. Saka malay mo naman mafall kayo sa isa't isa kasi diba titira na kayo sa iisang bahay tapos you'll have plenty of time to get to know each other."

Pinunasan ko yung ilong ko "OMG! Bestfriend straight english. Tignan mo dumudugo na yung ilong ko oh." Sabi ko sabay punas kunwari ng dugo

"Hayy... Ewan ko sayo, ang galing galing mong manira ng moment. Seryoso kaya ako."

"Sorry naman."


Cyntie

Ang swerte naman talaga ng bestfriend ko paano ba naman may Clyde na may Luke pa. Tapos, ako nganga. Kasi naman ang bagal kong tumakbo di ko tuloy naabutan si Fafa Luke sayang 'de sana kinikilig na rin ako ngayon tulad nyang si Heira.

Kung tinatanong nyo pala kung paano ko nalamang hahanapin ni Clyde si Heira ay dahil sa tumawag sa akin kanina.

Flashback...

"Hello.. Ay opo si Cyntie po ito." Sagot ko sa kabilang linya

(Ah.. Cyntie ano kasi nag-out of town kami ng parents ni Clyde, pati yung mga katulong namin sa bahay ay pinagday-off I mean week off ko kasi alam mo na apo, gusto ko na magka-apo sa tuhod kaya sana kung tatanungin ka nya na makitulog sa bahay nila eh, tanggihan mo ha.) Lolo Edward

"Ay... Opo nasabi nga po nya sa akin. Naka-oo na nga po ako Lo, pero ako na po ang gagawa ng paraan sige po. Ingat kayo dyan bye po."

"Sorry bestfriend kung magsisinungaling ako sayo, ngayon lang naman 'to eh. Promise. Haay... ang hirap magpaka-cupid" Nasabi ko na lang sa sarili

Kaya ayun, kahit ayaw kong magsinungaling ay gumawa na lang ako ng palusot. Malakas din kasi sa akin si Lolo Edward, buti na lang at napaniwala ko si Heira sa sinabi ko haayy... Ang hirap kayang lumusot.

Back to Reality...

"Uyy... Ano tara na?" Sabi ni Heira, Ay... Oo nga pala kasama ko pa pala sya.

"Okay G."

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

69.8K 1.4K 31
"Ang pahihiganti ay para lamang sa mga duwag." Pero hindi para sa isang Katrina Agustin.
20K 791 13
Ibinigay na ni Maige ang ang kuwintas kay Lex kung saan singsing ang ginawa nitong pendant. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita iyon sa ka...
338K 3K 59
ito ay storya batay sa dalawang taong nagmamahalan ngunit mapupunta lamang sa DIVORCE? Ohhhh myy Gossshhh, NO!
244K 4.6K 63
"16-18 years old girls are allowed to join the search for the bride! Sign-up now! Only 8 girls will be chosen!" IKAW? SASALI KA BA? Are you willing t...