DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN D...

Par Vanessa_Manunulat

68.5K 1.8K 51

Shelley thought her life was perfect. She had a business that was doing well, good health, and the perfect, l... Plus

Prologue - Mrs. Filomino
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Epilogue - Mrs. Filomino

Chapter 9

6.6K 192 12
Par Vanessa_Manunulat

Chapter 9

"Please, Olivia. Sit down."

Napabuga ng hangin si Marcus, sabay alis sa kamay ng babae sa kanyang balikat. Parang gusto na niyang mapikon dito. Kanina pa niya sinabi ritong hindi niya kailangan ng masahe.

Wala sa loob na inisa-isa niya ang mga blueprint na nakalatag sa mesa niya. Wala naman doon ang kanyang atensiyon.

"You were saying something?" Noon lang niya naalalang may sinasabi nga pala sa kanya ang babae. Magulo ang isip niya. Walang laman iyon kundi si Shelley.

"I said I would drop Rori here later. Naglalambing ang anak mo. Gusto raw magpa-treat sa 'yo. Nakuha siyang cheerleader, remember?"

"Of course. Susunduin ko siya ulit mamaya sa school."

"Great. Hindi na kita aabalahin, mukhang busy ka. I-text mo na lang ako mamaya, susunod ako sa inyong mag-ama."

Tumango na lang siya at lumabas na ito doon. Pinabayaan na niya ang sariling isipin si Shelley.

It had been a week since he last saw her. It was the night when he stepped out of her house and decided to once and for all forget about the two of them. They had come full circle. Ganoon na ganoon din naman ang nangyari noon. Ang kaibahan lang ngayon ay nakita niya mismo kung paano nito pagsalitaan si Rori.

Iniwan niya roon si Nanang Doring at sa tuwinang kukumustahin niya ang lagay ni Shelley ay ito ang kanyang tinatawagan. Ayon sa matanda ay maayos naman daw ang babae, lang ay tila malungkot parati.

Tinanong din siya ng matanda kung bakit daw ba hindi na siya nagtutungo roon. Ang sabi lang niya ay abala siya.

Ang totoo, balak naman niyang bumisita doon pero hindi pa marahil ngayon. Malinaw pa kasi sa isip niya ang nasaksihan niya. At kasabay ng pagkadismaya ay labis na kalungkutan sa nangyari.

Dapat na siguro niyang tanggapin na sadyang wala nang pag-asa. Ang hirap dahil nadarama niyang may pagtingin ito sa kanya, mahal din niya ito, ang kaso ay ang hirap makisama dito ganoong alam niya kugn ano ang tingin nito sa anak niya. Iba ang anak, iba ang babaeng minamahal.

Sa loob ng nakaraang linggo ay araw-araw niyang sinusundo si Rori sa eskuwelahan. He needed to remind himself that she was the reason why he had to stay away from Shelley. Para kasing minsan ay nalilimutan na niya, sa tuwing nais niyang puntahan ang babae sa gitna ng gabi, o tawagan ito.

Hindi rin naman magiging patas kay Shelley kung pipilitin niya itong pakisamahan ang anak niya, kung hindi naman nito magawa. He guessed some people could never like each other. Nakakapanghina lang ngang malaman na sa lahat naman ng tao sa mundo, sina Shelley at Rori pa iyon.

Nang humapon ay umalis na rin siya sa opisina at sinundo ang anak. Naaawa pa rin siya rito minsan kapag naaalala niya ang sinabi rito ni Shelley. Ang paliwanag nito ay naabutan ito ng babae sa nursery na inaayos ang pangalan ng magiging anak nila ni Shelley. Gusto lang daw nitong mas itaas iyon dahil parang mababa. Naabutan ito ni Shelley at hayun na, pinagsalitaan na ito.

Sorry ito nang sorry sa kanya, inaako ang kasalanan. Lalo na siyang naawa rito.

Agad itong humalik sa pisngi niya. "Hi, Dad!"

"Hello, sweetheart. We're gonna have dinner. But first, let me buy you the stuff you need for cheerleading."

"Awesome."

Masaya na rin siya kahit paano na hindi na ito gaya ng dati na ang mga barkada ay mga masasamang impluwensiya. Ang sabi ni Olivia, may ilang buwan na rin daw na hindi tumatawag sa bahay ng mga ito si Anthony, ang nobyo nito noon at kasama noong maaksidente ito.

Alam niyang delikado pa rin ito. Nasa stage pa rin ito kung saan nalilito ito sa mga bagay sa paligid nito. Dumaan din siya doon, at alam niyang ang kailangan nito ngayon ay atensiyon.

They shopped and then afterwards went to a restaurant. Nakinig lang siya sa mga kuwento nito.

"Hello? Are you there?"

"Huh?"

"I asked if you're going to call Mom."

"Oh. Sure."

"You're missing her, aren't you?"

"Shelley? No."

"Don't lie, Dad."

"I do miss her. But you're here, that's what matters."

"Naisip ko lang, bakit hindi n'yo ulit subukan ni Mommy? You've been friends forever anyway."

"That's all we'll ever be. I know that's hard for you to hear but I believe you're mature enough to understand that me and your mother, we're not ever going to get married or have another child. And that's not because she is a bad person or anything like that. When you fall in love, you'd understand."

"Puwede mo namang subukan, 'di ba, Dad?"

"Sinubukan ko na dati, Rori. It didn't work."

"Bakit hindi mo subukan ngayon? Mas mature na kayo pareho ngayon, 'di ba?"

"It won't work out."

"Bakit kay Tita Shelley, subok ka nang subok?" Nabahiran ng pagtatampo ang tinig nito.

"Because I think I'm never ever going to love any woman more that I love her." The truth just came out of his lips and then he shrugged. "Pero malas ako, eh. Malas ang Daddy mo. Don't worry, everything's going to be okay."

Hindi na ito umimik. Nabahala naman siya. Agad niya itong tinapik sa kamay.

"Sweetie, are you all right?"

"Daddy, I am the reason why you can't be with her, right?"

"No, you're not. The reason why I can't be with her is that I can't stand her hatred for the lady I love so dearly. It's not your fault, sweetie."

Tipid itong ngumiti sa kanya. Alam niyang iyon pa rin ang laman ng isip nito pero wala naman siyang maisip na sabihin pa rito. Hanggang sa yayain na niya itong umalis doon.

"Alam mo, Dad, naisip ko dati na puwede pa ninyong subukan ni Mommy."

"I'm sorry, sweetie."

"Masyado ba akong immature, Daddy, na hindi ko naintindihan ang bagay na 'yon agad?"

"Of course not."

"Would you hate me if I told you I think we should go to Sweet Homes right now because I owe Tita Shelley an apology?"

"You don't owe her anything."

"But I do... Oh, I hate myself!" Sukat bigla itong humagulgol doon.

SHELLEY smiled listening to a musical rattle playing "Twinkle, Twinkle Little Star." Naroon siya sa nursery at doon nagpasyang ubusin ang oras niya. Hindi siya makatulog. Ilang gabi na siyang hindi makatulog. It felt different sleeping in her room without Marcus there. Kahit naroon si Nanang Doring ay iba ang kabahayan ganoong wala si Marcus. May kulang.

Muli niyang pinihit ang knob ng rattle at naupo sa lapag habang nakatitig doon.

"Twinkle, twinkle little star... How I wonder what you are..." she sang.

"Up above the sky so high... Like a diamond in the sky..."

Agad siyang napalingon sa pinto. There stood Marcus. Marahan itong lumapit sa kanya, naupo sa likod niya at niyakap siya. Hindi niya agad nagawang magsalita. There was so much tenderness in his touch that it touched her so.

Kinintalan nito ng halik ang balikat niya. "I love you, Shelley."

"M-Marcus... what are you doing here?"

"Dito ako nakatira, 'di ba?"

"Marcus---"

"Shelley, mahal na mahal kita. I'm sorry for not believing you. I hope you understand I was in a very difficult place."

"You b-believe me now?"

"Yes. Rori told me everything."

"She did?" Mangha siya. "What made her?"

"What I told her, I guess---that I think I'm never ever going to love any woman more that I love you."

Sukat napaiyak na lang siya doon.

Agad siya nitong niyakap nang mahigpit. "Will you forgive me and my daughter?"

"Of course." Muli siyang tumingin dito. "What about Olivia?"

Kumunot ang noo nito. She told him what Olivia told her when. Biglang nagsalubong ang kilay nito.

"So that explains it. That's why you wanted me to leave... Hindi siya ang kausap ko noong nag-I love you ako. It was Rori. Fact is, I never told her I love her. Because I never fell for her." Bumuntong-hininga ito. "I will talk to her. We never had an on and off relationship. You know that. I told you that before. Maybe she was threatened by you. Parati kong sinasabi sa kanya na pakakasalan na kita kapag naayos na natin lahat. I told her what I told you. She's a friend. 'Di ko naman naisip na ganoon pala ang gagawin niya... You believe her?"

"I did."

"And now?"

Bilang tugon ay hinagkan niya ito sa labi. Banayad na banayad ang pagtugon nito, mapagbigay.

"Will you marry me, Shelley?"

"Oh, but I would look horrible in a gown."

Natawa ito. "Civil muna."

"Okay." Natigilan siya, unti-unti pa lang tumimo sa isip ang sinabi nito. And then she hugged him tight. "Yes! Yes, I will marry you, Marcus! I love you so much."

"And I love you, too."

She enjoyed being in his arms. They listened to Twinkle, Twinkle Little Star until he said, "There's someone downstairs waiting for us, by the way. Rori wants to apologize."

"At hindi mo agad sinabi?"

"Nawala sa loob ko. Let's go?"

"D-do you think it's okay?"

"Of course. She said she really likes you. It's just that she thought she could make me get back together with Olivia. Please understand her. You know how teens could be."

She nodded and they went downstairs. Doon nga ay humingi ng paumanhin sa kanya ang dalagita. Iniwan muna sila doon ni Marcus. Rori looked sincere enough. At sa pagkakataong iyon ay totoong namasa ang mga nito at tila pahiyang-pahiya sa kanya na halos hindi makatingin sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay nito nang mukhang hahagulgol na ito. "Rori, it's okay. I understand. Ang importante ngayon, alam nating pareho na may similarity tayo: we both love Marcus so much. Plus we're both pretty. Hindi bagay sa ating umiyak."

Sukat napangiti na ito habang pinupunas ang mga mata. "Thank you. I know my mom owes you an apology, too. I know what she told you 'cause she told me."

"When you fall in love, you'd understand. And I do understand her."

"F-friends?" Inilahad nito ang kamay.

"Friends." Itinabi niya ang kamay nito at niyakap ito.

She was filled with so much joy.

Silang dalawa pa ni Marcus ang naghatid dito sa nursery. At nang magkasolo na sila sa kanilang silid ay agad siya nitong hinagkan.

"I don't believe I told you this: the first time I saw you---you were gardening then---I told myself one day I'm going to marry you."

"Pero ang pangit ko noong una tayong nagkita! I was sweaty and dirty."

"But still so damned pretty."

"Oh, Marcus..." She smiled and let him kiss her.

They got married the very next day. Olivia was there. She knew, while she looked at her in the eye, that she had accepted the fact that she had Marcus now. She congratulated her, and uttered a simple, "I'm sorry for everything I said."

That was enough for her.

:o

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

760K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
240K 5.7K 23
"I wanna marry her and put her up on a pedestal if only she'd let me." Maraming pagkakamali sa buhay si Kristina. Isa na roon ang wala sa panahong pa...
6.4K 175 5
Alexis and Casey met and fell in love in college. They were young and uninhibited. They were passionate about each other and about their dreams. They...
83.4K 2.6K 29
WG Sydney - The Singer Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at n...