Retired Playboy

De JFstories

13.5M 385K 136K

Macario Karangalan Sandoval Mai multe

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 3

447K 13.1K 4.7K
De JFstories

"NANANAKIT AKO KAPAG NAGSE-SEX TAYO!"


"Ha?" Nalanghap ko ang mabango at mainit niyang hininga, at gusto kong kutusan ang aking sarili tila nag-iba bigla nag pakiramdam ko.


Hinagod niya nang mainit na tingin ang aking dibdib na bahagyang lumitaw dahil sa mga nabaklas na butones ng suot kong blouse.


Kumabog ang dibdib ko nang magtama ang aming mga mata. Tila walang nagbago sa klase ng titig niya sa akin tuwing mangyayari ang ganito sa pagitan namin.


Napakurap ako. 


Ganitong-ganito rin niya ako titigan noon.


Noong mga panahong mahal na mahal ko pa siya. Noong mga panahong baliw na baliw ako sa lalaking ito. Noong mga panahong hindi ko pa nakikita kung gaano siya kawalang-hiya. At noong mga panahong ako pa ang paborito niyang nilalang sa mundo. Noong mga panahong akala ko ay mahal niya rin ako.


Nakagat ko ang aking labi nang bahagya pa siyang yumukod sa akin. Napakalapit ng kanyang mukha sa aking mukha.


No. Hindi puwede ito. Hindi ako puwedeng mahulog ulit sa lalaking ito!


"N-nasisiraan ka na ba ng bait?" mahina kong sabi. Kahit ang bibig ko ay hindi makapagsalita nang maayos.


Hanggang ang kanyang mga mata ay bumaba na sa aking mga labi. Lumapit pa ang kanyang mukha habang nakatitig siya sa aking bibig.


Bahala na. Kapag hinalikan niya ako ay saka na ako manlalaban. Wait. Paano kung madala ako sa halik niya? Magaling pa naman humalik ang gagong ito. Lalo na iyong hurricane tongue niya tinatawag. Mas matindi pa raw iyon sa tornado tongue.


Kailangang mapigilan ko siya. Ang kaso ay ayaw naman kumilos ng katawan ko dahil nakaibabaw sa akin ang kabigatan niya.


"Expecting something?"


Napadilat ako. Saka ko lang namalayan na wala na pala siya sa ibabaw ko. Na kanina pa pala ako nakapikit. Pagmulat ko ay nakatingin siya sa akin habang nakaupo na lang siya sa tabi ko.


"Bakit ka nakapikit? Feeling mo siguro hahalikan kita, ano?"


"Ha?"


"Well, sorry to disappoint you. Hindi mo na ulit matitikman ang killer kiss ko." Sabay ngisi ng tarantado.


Napabalikwas ako ng bangon. Namula ang aking pisngi. "Ulol! Nakatulog ako dahil ang boring mo!"


Napahalakhak siya. "If I know you're expecting me to kiss you, right?"


Tumayo ako at sinuntok ko siya sa dibdib.


Tigas talaga! Magkasingtigas talaga ang dibdib at bungo ng lalaking ito.


"Kapal ng mukha mo!" Bulyaw ko sa kanya. "Hindi ba pwedeng nakatulog ako sa baho ng hininga mo?"


Inamoy niya ang kanyang hininga. "Excuse me?"


"What if kung saksakin kita ng kutsilyo? Dukutin ko iyong bituka mo at ilampaso ko sa sahig, saka ko ibalik dyan sa tiyan mo. Palabasin natin sa korte na ako yung nananakit kaya gusto mo ng makipaghiwalay, papasa na ba yun?"


Napaatras siya. Namutla siyang napatingin sa kanyang tiyan. "Let's think of another way." Hindi na siya makatingin sa akin.


Humihingal ako sa galit na pumunta sa kanyang wardrobe at kumuha ako dun ng shirt niya. Ibinato ko iyon sa mukha niya. "Next time na kausapin mo pa akong nakahubad ka, totohanin ko iyong sinabi ko kanina!"


Napayakap siya sa kanyang sarili.


Tinalikuran ko na siya at nagmartsa na ako palabas ng pinto niya.

...

"SORRY, Honey, I'm late." Umupo si Donald sa harapan ko. Fresh na fresh at halatang bagong paligo. Mamasa-masa pa ang kanyang buhok.


"Okay lang." Mapait akong ngumiti. Halos isang oras ko siyang hinintay dito sa isang restaurant.


Medyo pa-espesyal talaga siya. Pero at least ay di babaero.


"Are you hungry?" masuyong tanong niya.


Umiling ako. "Busog ako." Pero ang totoo ay kumakalam na ang tiyan ko.


Napatitig siya sa damit ko. Mayamaya pa'y may kinuwit siya dun. "May sinulid." Pinitik niya iyon.


Pilit akong ngumiti. Hindi siya napapakali kapag may nakita siyang kahit katiting na mali o magulo sa akin.


Unlike Macoy, walang pakialam kahit anong itsura ko.


"By the way," May hinugot siya sa kanyang coat. Isang box iyon na maliit.


Napatutop ako sa aking bibig. "Oh my God..." Naluluha ang aking mga mata.


This is it! Mukhang bibigyan na niya ako ng engagement ring. Finally, makakatanggp na ako nito. Finally, ikakasal na talaga ako.


Noon kasi kay Macoy ay parang binusabos lang ang wedding namin. Biglaan kasi, 'tapos wala man lang kaming inimbita. Ang masaklap pa, sa kotse lang kami nag-honeymoon ng walanghiyang iyon.


Binuksan niya iyon kaya malawak akong napangiti. "Yes... yes, I will marry–" Natigilan ako.


Paano iyong laman ng kahon ay—


"Panyo?" Napanganga ako.


Tumango siya at ngumiti nang matamis. "Yes. It's a handkerchief."


Nanlumo ako. "P-panyo, right?"


"Yes, panyo."


"A-anong gagawin ko sa panyo?"


"Look at this." Ipinakita niya sa akin ang brand niyon. "Sandoval."


So what?


"This worth 20, 000."


Nanlaki ang mga mata ko. "Ang mahal namang panyo niyan!"


"Of course, it's Sandoval brand."


Kung sa bagay, iyong pinakamurang bag nga ng brand nila ay nagkakahalaga ng 100, 000. Hitsura pa nun ay parang purse na lang. Ito pa kayang panyo.


"Guess what?"


"What?" dismayado kong tanong.


"Since we're launching this new label, we're looking for models."


Nanlaki ang mga mata ko. "'Tapos?"


Nagulat ako nang ilahad niya sa akin ang kanyang mga kamay. "You're one of them."


"A-ako? M-mag-mo-model ako?"


Sunud-sunod siyang tumango.


Napasigaw ako sa tuwa, pero agad ko ring sinupil ang sarili ko. "Thank you. Thank you. Thank you." 


"You're welcome, honey."


This one is big. At isa pa, pangarap ko talaga magmodel ng isa sa pinamalaking produkto dito sa bansa. Kumpara kasi sa ibang minomodel ko na produkto. Kung hindi kasi tabo, kung minsan pa ay eskoba. Tsk. Hindi bagay sa beauty ko. Para saan pa't inalagaan ni Ate ang kutis ko?


Ilang sandali pa'y tumayo ulit si Donald. Tila ba may nakita na naman sa akin. Doon siya nakatingin sa aking butones.


Inayos niya iyon. "Tabingi kasi."


Nginitian ko na lang siya.


"How's my gift?"


Humawak ako sa kamay niya. "Thank you. Sobrang happy ko. Finally, magiging model na ako ng Sandoval brand."


"That's not what I'm talking about."


"Ha?"


"Niregaluhan kita ng underwear, right? It's Sandoval brand kaya mahal iyon. Ginagamit mo na ba?"


Napasintido ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ginawang basahan ng ni Macky ang panty na regalo niya sa akin? Humanda talaga sa akin ang batang iyon pag-uwi ko!


...

ANO ITO?


Bakit bukas ang pintuan ng bahay ni Macoy? Pumasok ako pero mukhang walang tao. Kanina pa ako nagtatawag sa pinto ngunit walang sumasagot.


Nasaan na naman kaya ang lintek na yun? Tuluyan na akong pumasok para hanapin siya. Wala akong nakita kahit ang anino niya.


Sinilip ko ang kanyang kwarto. Wala siya doon. Wala din siya sa shower room at terrace. Bakit kaya niya iniwang bukas ang pinto?


Hindi ko maiwasang mamangha sa paligid. Kahit maloko ang mokong na iyon ay malinis naman ito sa bahay at gamit. Wala rin akong nakikitang alikabok kahit saan.


Isa ito sa masasabi kong okay na ugali niya. Hindi siya balahura.


Pinakialaman ko ang kanyang cabinet. In fairness nakatupi at maayos na nakasalansan ang kanyang mga boxers. Kahit saang drawer ang buksan ko ay organized, ultimo necktie at panyo.


Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ba parang humahanga pa ako sa hinayupak na iyon? Dapat ay gumagawa na ako ng paraan para mawala na sa landas ko ang lalaking iyon. Lalo na ngayon na nangupahan pa siya dito sa tapat ng bahay namin. Tumaas tuloy ang chance na mabuko kami.


And the only way para madispatsa ko na siya ay maayos na namin itong annulment. Pero nasaan na nga ba ang mayabang na iyon?


Nakarinig ako ng lagabog mula sa baba. Akma na sana akong lalabas ng pinto nang makarinig ako ng boses ng babae.


Babae?


Narinig ko rin ang baritonong boses ni Macoy.


May kasama siyang babae? At mukhang paakyat sila dito sa kwarto!


Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mabilis kong sinilip ang bintana.


Ang taas!


Tatalon ba ako? Pihadong malulumpo ako nito.


Nang marinig ko na sila sa pinto ng kwarto ay agad akong nagtago sa ilalim ng kama.


Lumundo ang kama nang bigla silang nahiga. Parang palundag pa yata ang paghigang ginawa ng dalawa. Kandauntog tuloy ako rito sa ilalim.


Bwiset talaga ang lalaking ito!


Maya-maya ay nakarinig ako ng tila nagsisipsipan ng laway. Mukhang naghahalikan na sila. At mukhang sarap na sarap iyong babae sa halik niya!


Well, magaling talaga humalik ang hayop na 'yan.


"I love you, Macoy," sabi ng babae, naririnig ko.


"I love you, too, Pamela."


Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? Pamela?


Narinig kong sinampal ng babae si Macoy. "Bakit lagi mo na lang bukang bibig ang ex mo?"


Bakit kilala ako ng haliparot na babae nitong si Macoy?


"Lagi mo na lang binabanggit ang pangalan niya!" Tili ng babae.


Lagi?


"Sorry." Malambing na alo naman dito ni Macoy. "Akala ko kasi Pamela ang name mo–"


"It's Emerald. Not Pamela!"


Emerald? Aba at nambabae pa pala ang pesteng ito! Ikakasal na siya kay Pearl pero nakuha pang mag-sideline.


"Magkatunog kasi ang pangalan niyo. Pamela, Emerald, di ba magkatunog?" Pang-uuto ni Macoy dito.


Ang ang tanga naman, nagpauto rin. "Oo nga, magkatunog..."


"See?" Pagkalambing-lambing ng boses ng babaero. "So why don't we proceed, my Emerald?"


Mayamaya ay halikan na naman nila ang naririnig ko.


Badtrip! Kailangan kong makaalis dito!


Gumapang ako nang matanaw ko ang pinto. Kailangang makalabas ako doon.


Bago pa lang ako makakalabas sa ilalim ng kama nang may tumilapon na panty sa harapan ko.


Shit talaga!


Lumiko ako sa ibang direksyon. Dito ako lalabas sa paahan nila. Gumapang ulit ako. Nang makalawit na ang aking ulo ay nasapol naman ako ng bra sa noo.


Balik ako sa ilalim ng kama.


Minuto lang ay narinig ko na namang magsalita ang babae. "Baka mahal mo pa ang ex mo, ha?"


"Sino? Si Pamela?"


Excuse me. Hindi lang po ako ang ex nyan! Sampung dosena kami!


"Oh, ano? Mahal mo pa, ano?"


Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit kulang na lang ay idikdik ko ang aking tainga sa ilalim ng bedframe.


"Mahal mo pa?" gagad na tanong ng babae.


"No way!" Galit pang sagot ni Macoy.


Kailangan talaga galit?


"Eh, bakit lagi mo siyang bukang-bibig?"


Bukang-bibig?


"Ah, kasi..." Ang tagal niya bago nakasagot. "Kasi naman, palagi ko siyang nakikita. Diyan ba naman siya nangungupahan sa malapit sa apartment ko. Papansin masyado. Hindi ko tuloy napapansin na nababanggit ko ang pangalan niya."


"So, siya lang ay may gusto sa 'yo pero ikaw wala nang gusto sa kanya?" tanong ng uto-uto.


"Of course! Actually, until now ay naghahabol pa rin sa akin ang Pamela na yun. But I have you, kaya wala na akong pakialam sa kanya. Ikaw na ang lahat-lahat sa akin ngayon, Pame— I mean Emerald."


Napikon na ako. Hindi ko na kaya.


Galit akong lumabas mula sa ilalim ng kama at pinamewangan ang dalawang hubo. "Pakiulit nga ang mga kasinungalingang pinagsasa-sabi mong lintek ka!"


Agad na nanamlay ang bandera ng bruho.


Napatigagal si Macoy nang makita niya ako.


JF

Continuă lectura

O să-ți placă și

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
3.8M 177K 56
AUDITION GONE WRONG! Macey Ela Sandoval aspires to be a singer. Instead, she ends up in The Search for 7 Wives- a harem reality game, designed by the...
Dream Love De Pinky

Ficțiune adolescenți

3.6M 29.5K 6
MBLAQ Thunder as Skyler Knox Shinwoo SNSD Taeyeon as Riana Gale Buenavista 2NE1 CL as Shanice Chan Book cover © @milkalattae
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...