Battles Of The Gifted Ones

_SilentPrince_ tarafından

2.6K 146 15

Never. Never risk something that you don't want to lose. Daha Fazla

PLEASE READ
×Prologue×
×CHAPTER I: Save The Day×
×CHAPTER 2: The Bad Hero×
Chapter 3:
Chapter 4: The Start of the Nightmare
Chapter 5: Despair
Chapter 6: The Kiss and the Trap
Chapter 7: The Killer
Special Chapter : The Story of the Puppeteer
Chapter 8: The Revelation
Chapter 9: Girl on the Rooftop
Chapter 11: Lyra Denaia
Chapter 10: Joker
Chapter 12: Class Picture
Chapter 13: Operation: Blackmail
Chapter 14: Lipsticks
Chapter 15: Infinity
Chapter 16: Library
Chapter 17: Secret's Room
Chapter 18: The Meeting
Chapter 19: Section War
Chapter 20: The War Begun
Chapter 21: Mistakes
Chapter 22: Lies behind Him
Chapter 23: Bloodbath
Chapter 24: Liers go to hell
Chapter 25: What She Really Is
Chapter 27: Their Return and their Death
Chapter 28: Lost Memories; The Truths and the Secrets
Chapter 29
Chapter 30
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter: A Sacrifice
ANNOUNCEMENT
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 26: The Principal's Secret

42 2 0
_SilentPrince_ tarafından

Jameson's P.O.V.

Lunchtime. Nasa canteen ako at balak ko ng kumain pero... Shit! Nautusan akong magdala ng mga files sa principals office kaya naman no choice ako. Muka akong mabait pero gago rin ako. Nasa 1st floor ang principal's office kaya ngayon, nasa elevator ako. Anong kayang itsura ni Principal Silver Grin? Sosyal ang pangalan niya kaya paniguradong mayaman siya. Sa pagkakaalam ko wala pang nakakakita sa kanya. Ni mga teacher ay walang ideya kung ano ang itsura niya maliban sa isa.... kay Madam Slaughtery.

"Sir?" Kumatok ako sa pinto ng kanyang opisina pero mukhang walang tao sa loob. Sinubukan kong buksan at wala itong lock kaya pumasok na ako ng walang paalam. Nagmamadali na kasi ako, gutom na kasi. Wala namang tao sa loob kaya dire-diretso ako papasok.

Malaki ang kanyang opisina pero wala masyadong furniture sa loob, pang isang tao lang talaga. Ipinatong ko sa isang table ang mga files na aking dala-dala at balak ko na sanag umalis pero mapansin kong bukas ang isang drawer sa ilalim ng lamesa.

"Wala naman sigurong masama kung sisilipin ko, diba?" Bulong ko sa sarili. Lalo ko pang nilakihan ang pagkakabukas nito at tinangnan ang nasa loob. "Litrato?" Tanong ko. Tiningnan ko ito ng maayos at.... Nagmamadali akong lumabas ng kwartong 'yon dahil sa takot. Hindi lamang nag-iisa ang litrato kundi napakarami pa.

Mga litrato iyon ng mga babae, mga babaeng nakabikti at duguan. Binugbog siguro sila bago ibikti at sa tabi ng bawat babae ay may isang matangkad na lalake... nakangiti at parang masaya na kinuhanan siya ng litrato. Sigurado akong mga estudyante ng school na'to ang mga babaeng iyon dahil sa suot nilang uniform. Sino siya? Sino ang pumatay sa kanila? Ang nakapagtataka pa, nasa opisina ito ng aming principal. Hindi ako makaimik dahil sa takot na aking nararamdaman. Tatakbo akong pumasok sa elevator pero bago pa magsara ang pinto isang lalakeng nakauniform ang aking nasulyapan. Nakatayo siya malapit sa may opisina ng principal at nakatingin sa akin. Nakita kaya niya? Sana hindi. Hindi ako mapakali sa kaiisip kung ano ang aking gagawin. Bahala na! Dapat kasi hindi nalang ako nautusan!

Bumalik na ako sa classroom ng parang walang nangyare. Hindi na ako nakakain, nawalan na'ko ng gana. Natapos na ang lunchbreakb at nagsimula na ang klase pero malalim parin ang aking iniisip at dama ko pa ang takot dahil sa aking nakita.

Natapos ang klase ng hindi ko namamalayan at lahat sila ay nakalabas na pero hindi ako makatayo sa aking upuan dahil pakiramdam ko na may nagmamasid sa akin kaya hinayaan ko munang lumipas ang oras at di nagtagal... Isang lalake, na aking kaklase, ang pumasok sa classroom at may kasama siyang babae. Pansamantalang nawala ang aking takot dahil may kasama ako.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila pero hindi sila sumagot bagkos ay parehas silang may kinuha sa kanilang mga bulsa.

"Teka?! Anong..." Hindi ko na nagawang ituloy ang aking sinasabi dahil... tadtad na ng mga bala ang aking katawan at sa tingin ko ay unti-unti nang humihina ang aking paghinga. Sila ba ang dalawang killer? Hindi ako makapaniwala.....

"Patay na ba siya?"

"Ang hina naman niya."

"Barilin mo rin siya ulo pagkatapos, kukuhanan ko na siya ng litrato."

"Tapos itatapon na natin siya. Tulungan mo akong linisin 'tong classroom, ang daming dugo sa sahig."

"Gross!"

"Ang arte mo talaga... Hindi ko talaga alam kung bakit naging gilfriend kita.


The day after...



Zac's P.O.V.

Pagkapasok ko pa lamang ng aming classroom ay nakita ko na aking mga kaklase at mukhang may pinagkakaguluhan sila sa unahan. Lumapit ako sa kanila upang malaman kung ano mang nangyayare.... At tumambad sa akin ang mga litratong nakadikit sa whiteboard, litrato ni Jameson na nakaupo at tadtad ng bala mula ulo hanggang paa, walang awang pinatay sa baba ng litrato ay may nakasulat na...

Our first victim in this class. You can be next, becareful.

Hindi na ako gaanong nagulat sa aking nakita, nasanay na siguro akong nakakakita ng ganito.

"Ang dalawang killer kaya?" Tanong ng isa sa amin.

"Siguro." Sagot ng isa pa.

Ibigsabihin ba nila na ang dalawang killer ang pumatay kay Jameson? Ano naman kayang sekreto ang natuklasan niya? Hindi ko maiwasang mapaisip dahil sa mga litratong iyon. Maya-maya ay isang tunog, gawa ng pagbukas ng pinto, ang aking narinig...

"Kamusta kayo?" Tanong ng isang babae.

"Good morning po, Madam Slaughtery." Sabay na sabi ng ilan sa amin.

"No need to be formal." Muli niyang sabi.

"Ano namang ginagawa ng head teacher dito?" Mataray na tanong ni Haize.

"Gusto ko lang sabang itaning kung nag-eenjoy kayo." Sambit niya.

"Well, to tell you the truth nag-eenjoy ako. Ewan ko lang kung ganoon din sila."

"So nag-eenjoy ka ba sa mga nangyayare, na isa-isa kaming pinapatay?! Masaya ka na ba?" Sigaw ni Charlotte kay Haize.

"Oo. Masaya ako." Sagot niya.

"You're such a freak! Freak!" Muli niyang sigaw.

"Alam mo Charlotte, ang mga babaeng katulad mo.... Madaling mamatay." Sambit ni Haize.

"Wag na kayong mag-away. Im sure na magsisimula na ang klase ninyo. I'll go now. See you, brats." Sabi ni Madam Slaughtery ng nakangiti sabay lakad paalis sa amin pero hinabol ko siya pakabas at pinigilan.

"Binabawi ko na ang hiling ko." Sambit ko.

"Sorry... Ang hiling na aking natupad na ay di na kailanman pwedeng bawiin. Iyon ang ginusto mo kaya.... ENJOY."

Hindi nagtagal ay bumalik na ang lahat sa kani-kanilang mga upuan. Nagsimula ang klase na parang walang mga nakita. Naging normal naman ang lahat...



Aral....



Lunchtime....



Aral ulit....



Tapos labasan na....



Umuwi na ako sa dorm. Nag-aral... Kumain... Tapos natulog na.



Kinabukasan, akala ko magiging normal muli ang araw na ito pero pagpasok ko ng classroom nagtipon na naman sila sa unahan... may tinitingnan sila sa whiteboard, lumapit ako para makita ito ng mabuti. Isang litrato na naman, litrato ni Charlotte habang nakahiga sa kama. Sa unang tingin, mukhang natutulog lamang siya pero mapapansin sa litrato ang mga kutsilyo sa kanyang dibdib at kulay dugo na ang kanyang higaan.

"Mukhang pinatay siya habang natutulog." Sambit ko.

"So, tama pala ako na ang mga babaeng katulad niya ay madaling mamatay." Sabi ni Haize na parang tuwang-tuwa pa sa pagkamatay ni Charlotte. Nakakatakot siya.

She's the second victim in the class. Becareful, you can be next. Nakasulat sa baba ng litrato. Gawain na naman ito ng dalawang killer.

Balang araw... Malalaman ko rin kung sino sila.


Umupo na ako sa aking upuan, dumating na kasi ang substitute teacher namin. May kasama siyang dalawang babae na mukhang kambal. Transferees? Tinanggal niya ang litrato ni Charlotte mula sa whiteboard at inilagay sa drawer sa ilalim ng kanyang lamesa. Wala siyang pakialam sa litrato pati narin sa amin.

"Magpakilala na kayo..." Sambit niya sa dalawang babae.

"Hi! I'm Lea Anne Royalis."

"I'm Lei Anne Royalis."



............

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

3.2K 176 44
Bonnie is a diligent and kind person, she prefer to work independently than to work with others. Sa gantong paraan niya lang kasi nararamdaman na hin...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
5.6K 176 53
"Don't utter the words that you can't handle... woman." - Trod Villan Hasmina's life's journey has twists and turns. From nothing until living with e...