Things to Remember

Da aishiteruhachi

436K 3K 505

Mga dapat mong malaman. Nakuha ko kung saan saan. All credits to the respective owner. 'Yong iba kasi sobrang... Altro

Tips para hindi masaktan.
TOP 10 REASONS TO SMILE.
Top Ten Steps in Letting Go
Letting go..
College 101.
A guide to incoming freshmen college students:
Top reasons kung bakit SINGLE ang SINGLE:
Reasons Kung Bakit NBSB ang isang Babae
Ang tunay na chicks.
5 Facts.
5 Players.
5 THINGS GIRLS LOVE ABOUT BOYS
7 Mistakes That Prolong The Misery Of A Breakup
10 quirky facts about kissing!
12 signs to know if you haven't moved on yet.
Bakit iniiwan ng mga lalaki ang babae?
Why Guys Love Girls:
15 things.
10 Most Obvious Signs To Know If He Is Serious In A Relationship
10 Signs That It's Time To Break Up
Pseudo Relationship
EIGHT LIES OF A MOTHER.
Misery of A BREAK-UP.
Alam niyo kung bakit?
10 random sweet things a guy can do for a girl:
Heartbreak.
TIPS PARA HINDI KA MAGSISI SA HULI.
Keep her happy.
60 Things Guys Should Know About Girls.
50 most romantic things that you can do to your boyfriend/girlfriend ♥
Tribute For Us Girls.
Pag may ganito kang boyfriend...
27 WAYS TO MAKE A GIRL SMILE
ANG PINOY AT ANG STARBUCKS.
How to have fun with him at the movies:
Moving on is a process, it takes time.
Writer's Block.
HOW TO MEND A BROKEN HEART?
Whitening your underarm.
Pimple Help :)
20 Things I Should Have Known at 20.
Your Complete Makeover Plan.
Heartbreak.
TEN THINGS YOU WANT TO SAY TO TEN DIFFERENT PEOPLE RIGHT NOW.
BESTFRIENDS
PAASA
ALAK. INUMAN. Ahh.
Smile. Dance. Cry. Kiss. Laugh. Frown. Apologize. Hug. Live.
There's a Taylor Swift song for that.
Music taught me how to live.
Mga bagay na kinakainisan mo:
10 reasons why we love summer.
Heartbroken? Best places to visit after a sad breakup
Top 10 Rules of Boozing

Iba't ibang klase ng babae

7.7K 81 19
Da aishiteruhachi

Iba't ibang klase ng babae

1. Pa-conyo: sila yung super vain na kala mo everyday is “foundation day.” Magaling mag-ingles, hindi umiinom ng house water sa fastfood at kung magbihis e kala mo parating may party. Sila rin yung aakitin ka, pero hindi bibigay….agad. Kailangan ng matinding humor kung talagang trip na trip mo sya iuwi.

2. Top-of-the-line sosyalera: Sila yung mga pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Lumaki sa aircon, straight English kung magsalita pero mahilig din silang magmarunong na magaling silang mag-Tagalog pero ang sama talaga pakinggan. Di nakakarelate sa mga kanto jokes, nagtatawanan na ang mga tao di pa din nila nagegets yung joke. Lumaki raw sila sa kalye playing street games. Pero alam nyo kung ano yun? Street hockey, soccer, baseball, etc. Pffft! Batang kalye nga. Mahirap abutin. Pero kung masusungkit, pwede rin!

3. Feeling or Illusionaries: mga mahilig mag-ilusyon na magaganda sila at may sinasabi sa buhay. Pinsan si ganito, kilala si ganyan, may lupain sa hibok-hibok para ma-impress lang ang kausap. Sila ata ang tinutukoy ng Parokya sa kanta nilang, “Silvertoes.” Madaling kausap at minsan, isang sabi lang, gora na yan… walang paliguy-ligoy pa. 10/11 ang drama, sa sampung sinabi labing-isa mali. Dagdag-bawas magkwento kaya ingat lang lalo na kung kiss and tell sila.

4. One-of-the-boys: Sila yung “ideal bestfriend.” Cowboy ba… Pwedeng biru-biruin, masarap kasama sa inuman, naiintindihan ang kalokohan at kaberdehan ng kalalakihan, madalas gumamit ng “tsong” at “pare” pag kausap mo. Pero sila rin yung hindi nagsasalita sa totoong nararamdaman nila. Ingat din ang mga boys sa mga ganitong girls- lalo na pag nahuhulog na pala sa inyo. Kawawa sila pag nasaktan. Hmmmm…

5. Girlfriend-material: Sila yung sa unang tingin pa lang ng boys, abot-langit na ang respeto. Sila yung mga simpleng babaeng matipid ngumiti, makikipag-kwentuhan pero hindi may mystique pa rin. Na-c-curious ang mga lalaki kung anong meron sa kanila that they keep on looking for more of that person. Minsan ang hirap kausap dahil pabago bago ng isip. Usually, sila ang naliligawan, sinusuyo hanggang mapa-oooohh… OO.

6. Man-hater: Sa una, mapagkakamalan mo silang tibo dahil sobra silang “boyish.” Defense mechanism nila yun dahil galit sila sa past experience nila with an EX. Takot na daw sila masaktan. Mahirap din silang getlakin dahil matatakot ka sa kasungitan nila. Ang hindi mo alam, kulit lang ang katapat. Bibigay din yan. Pero syempre, sa mga lalaki, dapat armed ka with sympathy, timing and humor. Kahit hindi ka masyadong pogi, basta meron ka nito- malaki na ang chance mo.

7. Pa-Girl: OA sa pagka girl, mayat-maya ang retouch inaabot ng 30mins sa CR kahit nasa mall kayo suklay ng suklay ng buhok, mayat maya nananalamin. Super freak-out sa kaarteyhan. Malakas mag react ng “yuck!! Or eewwww” kapag nakakarinig ng mga maseselang usapin. Di nila gets o maapreciate ang ibang mga bagay bagay. Di mo alam kung makitid lang talaga utak nila o talagang slow sila makagets.. Basta ang hirap nila ispelengin!!! Ang masama eh kung 30 yrs old na pagirl pa din… awts!

8. Super Friendly: By the word itself, friendly siya sa lahat. Napakabait, Napakadaling i-aproach napakalawak ng pang-unawa on things. Masarap hingan ng payo. Pero minsan namimisinterpret ng iba. Aakalain ng guy na may gusto sa kanya si super friendly. Lalo na sa pagmimisinterpret sa kanila ng girls dahil pinagchichismisan sya ng masama, siguro kinaiinggitan kasi. Ang hirap din minsan ng masyadong mabait.

9. Doble-Kara: Eto yung matino or mataray pag normal, pero pag nakainom eh bigla na lang sasayaw sa ibabaw ng mesa, or iiyak ng walang malinaw na dahilan, or magiging robot na hindi na alam ang nangyayari, gumagalaw lang pero di nagrerespond sa kapwa, meron ding biglang nang aaway pa. Nakakatakot sila painumin kasi nakakahiya sila kasama pag nalasing.

10. Ms. Know-it-All: Gusto nilang i-impress ang lahat ng tao- especially ang mga kalalakihan, thinking na ma-g-getsung nila ito. They think na mas matalino sila sa guy at kaya nila itong paikutin. Pero wag ka. A good guy can recognize a smart girl. Boys, ingat sa mga tulad nila dahil yung pagka-Know-it-all ay pwedeng mauwi sa paninira sa ibang tao at mga buhol-buhol na kasinungalingan.

11. Problematic: Sila yung mga girls na kala mo kailangan lagi ng karamay o mag-aalaga sa kanila. Pa-emo minsan.. Hanap lagi yung instant Knight-in-Shining-Armour. Dapat mag-ingat ang mga girls na ganito dahil pag problemado sila, mas madaling nakaka-score ang mga kalalakihan lalo na yung magagaling mambola.

12. Babaeng-Bakla: Isa sa pinakagusto kong personality ng babae. Tipong laughtrip lagi pag kasama mo.. Hindi maarte, bulgar kung bulgar magsalita pero nasa timing. Punong puno ng humor. At minsan kung pikon ka maiinis ka sa pang-ookray niya pero ok lang yun lambing lang niya iyon.

13. Silent but deadly: Maria Clara ang datingan, Di sila masyadong palakibo, or masalita. Kung magsasalita man eh parang sila lang nakakarinig sa sinasabi nila. Pero wag matahin… Nasa loob ang kulo nila. Talagang mabibigla ka sa matutuklasan mong ibang side ng girl na ito….

14. Camwhore: Wala naman kinalaman to about sa pagkarir, share ko lang.. Sila yung kahit saan mapunta eh magpipicture ng sarili niya maya’t maya. Kahit di na sa kanya yung celfone puro mukha na nia ang laman. Iba-ibang anggulo pa pero magulo naman karamihan ng kuha. Pipiliting iphotoshop pero lalo lang sumasama. Tapos yung karamihang kuha naman eh nakaside lang yung mukha. Nakakapeke kasi ang ganung posing, nakakapagpaganda. Tapos di pa makukuntento may mga kuha ding nasa taas yung cam and nakaside pa din. Kasi nakakapayat yun, diba? Uuuyyy gagawin na nila yan lagi hehehe.. Daming picture sa fs, fb or multiply na puro mukha lang naman… na naka-side.

15. Flexible: Eto yung girl na akala mo sa unang tingin, di mo mareach mukhang snobbish, and maselan, pero pag nakuha mo ang loob at nakilala mo ng husto eh di pala maarte co-boy din sya na hindi one of d boys. Kahit saan nakakarating mula Rockwell hanggang Divisoria. Walang arte, Kakain kahit saan mapa Fridays or fishbolls sa kalsada. Ang sarap magkaroon ng girlfriend na tulad nila.

16. Flirt: In tagalog, Malandi, Syota ng bayan…. game! Kadalasang sila yung mga liberated, bombshell na talagang pansinin manamit, magsalita, at kumilos. Madaling pumatol lalo na kung gwapo or mayaman.

:)

Continua a leggere

Ti piacerà anche

478K 9.4K 31
#78 in random (01/01/18) #77 in mystery/thriller (16/01/18) I'm sure your used to the typical Story where the billionaire thinks his wife is cheating...
263K 5.9K 57
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
223K 1.1K 199
Mature content
250K 12.7K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...