TIPS PARA HINDI KA MAGSISI SA HULI.

7.2K 23 4
                                    

By Godysh/yshespulgar

Kadalasan, manghihingi sila ng advice sakin. Tas pag mali na advice ko, aba sila pa magagalit?! HAHA. Advice nga eh, it’s still your decision kung susundin mo o hindi. Nasasayo pa din un. Right? :)

TIPS PARA HINDI KA MAGSISI SA HULI:

* Kung di ka willing masaktan, habang nanliligaw pa lang sha e patigilin mo na. Kakambal ng pagmamahal ang sakit at sakripisyo. Mas maganda kung ienjoy mo muna ang buhay single. Mahirap na bumalik sa mundo ng single ng hindi ka injured. Suportahan mo kami. NO TO BOYS! :))

* Isipin mo ang history ng manliligaw mo. kung mabilis sha magpalit at magsawa noon, Nako. Magisip ka na. Di tayo mga damit na kapag madumi na e magpapalit lang.

* Pwede ring itanong mo yung dahilan ng break up nila ng ex niya. Mas maganda kung alam mu yung panig nilang dalawa. Malay mo nagsisinungaling yung isa. Db? Haha. Dun mo malalaman kung good boy talaga sha o hindi.

* Kung first ka man nya, siguraduhin mo na mature enough na sha para sa commitment. Hindi lang kasal ang bawal iluwa pag mainit. Tandaan mo yan. (Oh wag kang green. HAHA)

* Siguraduhin mo na nakapag move on na talaga sha sa ex niya ha! Nako. Wala akong masabi sa mga lalaking ganito. ><

* Wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi niya. Sabihin mo na ipakita niya by actions hindi sa mga mabulaklak na salita lamang. ELELS.

* Hindi porke pinagkakagastusan ka niya ng pera at oras niya ngaun e mahal ka na niya. Ulul! Magisip ka nga. Baka di mo alam ang pera at oras na masasayang mo kapag iniwan ka nyan. HAHAHAHAHA!

* Di porke pinili ka niya ngaun e ikaw na talaga ang mahal niya. Siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya. :P

* Wag kang magbibigay ng alam mong pagsisisihan mo lang. Wag mong ibigay ang mga bagay na di mo na mababawi kelanman. Wag mong ibigay lahat. In short, tikim tikim lang. :))

* Magingat sa mga libre at bigay sayo. Baka pag tapos na ang lahat sa inyo at magsumbatan kayo, e magulat ka na lang na loan pala yun at kelangan mong bayaran. May tubo pa. Patay ka teh.

* Kung nagiisip ka ng pwedeng iregalo sa kanya, tip ko sau e picture nio. ung malaki ha. Yung happy kaung dalawa. Ung PINAKA maganda niong pic ever. Para kapag naghiwalay kau at sa tuwing nakikita niya un e manghihinayang siya sau na tipong masasabi niya sa sarili nia, ”SAYANG pinakawalan ko pa itong perfect girl na ito.” Oh well. Haha. Nagawa ko to, tamo, bumalik sha sakin. HAHAHA.

* Bumili ka ng katalinuhan. Oo, tanga ka pero wag mong abusuhin ang prebilehiyo ng pagiging tanga. sayang naman ang paghihirap ng magulang mo kung magpapakatanga ka sa walang kwentang lalaki.

* Magimbak ka ng kahihiyan at awa sa sarili mo. Kelangan un.

* Wag akuin ang di mo kasalanan. Kapag nasanay sha, Aabusuhin niya un. Magmumukha kang kawawa. Eww. Trust me. Napagdaanan ko na to.

* Lagi mong tandaan na kung mahal ka talaga niya, hindi kailanman sasagi sa isip niya na saktan ka. Kung tunay syang lalaki, may paki sya sa nararamdaman mo at sa relasyon niyo.

Things to RememberWhere stories live. Discover now