Brat Boys Beyond (JaiLene Fan...

Από imnotkorina

438K 8.4K 2.1K

Περισσότερα

Brat Boys Beyond
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
AUTHOR's note
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 53 (pt. 2)
AUTHOR's Note
CHAPTER 54 (pt. 2)
CHAPTER 55 (pt. 2)
CHAPTER 56 (pt. 2)
CHAPTER 57 (pt. 2)
CHAPTER 58 (pt. 2)
CHAPTER 59 (pt. 2)
CHAPTER 60 (pt. 2)
CHAPTER 61 (pt. 2)
CHAPTER 62 (pt. 2)
CHAPTER 63 (pt. 2)
CHAPTER 64 (pt. 2)
CHAPTER 65 (pt. 2)
CHAPTER 66 (pt. 2)
CHAPTER 67 (pt. 2)
CHAPTER 68 (pt. 2)
CHAPTER 69 (pt. 2)
CHAPTER 70 (pt. 2)
CHAPTER 71 (pt. 2)
CHAPTER 72 (pt. 2)
CHAPTER 73 (pt.2)
CHAPTER 74 (pt. 2)
CHAPTER 75 (pt. 2)
CHAPTER 76 (pt.2)
CHAPTER 77 (pt.2)
CHAPTER 78 (pt.2)
CHAPTER 79 (pt.2)
CHAPTER 80 (pt.2)
CHAPTER 81 (pt.2)
CHAPTER 82 (pt.2)
CHAPTER 83 (pt.2)
CHAPTER 84 (pt.2)
CHAPTER 85 (pt.2)
CHAPTER 86 (pt.2)
CHAPTER 87 (pt.2)
CHAPTER 88 (pt.2)
CHAPTER 89 (pt.2)
CHAPTER 90 (pt.2)
CHAPTER 91 (pt.2)
CHAPTER 92 (pt.2)
CHAPTER 93 (pt.2)
CHAPTER 94 (pt.2)
CHAPTER 95 (pt.2)
EPILOGUE

CHAPTER 52

4.5K 89 32
Από imnotkorina

“Jairus…Jairus…” tawag niya dito pero hindi ito lumilingon. Ito ang batang si Jai na nakayakap sa kanya palagi noon, pero naglalakad na itong palayo sa kanya ngayon.

Lumingon pa ito muli sa kanya at kumaway.

Bakit ito nagpapaalam? Bakit ito naglalakad papunta sa madilim na bahagi na iyon?

She wanted to run before him to stop him, but she can’t move…

Parang nakatali siya.

Biglang naalimpungatan si Sharlene. Nararamdaman niya ang sakit ng braso niyang nakatali sa likod niya. May busal sa bibig niya kaya nahihirapan din siyang huminga. Madilim ang paligid at may mga nagkalat na kahon at crates. Para siyang nasa bodega at ang nagsisilbing ilaw lang doon ay isang bombilyang nasa gitna.

“Gising ka na pala.”

Pinikit-pikit pa niya ang mata niya para maaninag ang nagsalita. Isang matangkad na lalaki na pamilyar sa kanya ang hitsura. Alam niyang nakita na niya ito noon. Hindi niya lang…

“Nagkita ulit tayo.” Lumuhod ito sa harapan niya para magpantay ang mga tingin nila. “Ako nga pala si Alfred. ‘Yung muntik tumalon sa building ng JSA noon.”

Tama! Ito nga iyon! Iyong naabutan niya noong bagong dating pa lang siya sa JSA na mapapakamatay sana.

Inalis nito ang busal niya sa bibig. “Ano’ng kailangan niyo sa’kin?” tanong niya.

“Wala. Pero kay Jairus meron.”

Nagulat siya nang makita ang sumunod na nagsalita. “Bj!?” Ano’ng kinalaman nito dito?

Tumingin lang ito sa mga mata niya habang prenteng naka-upo sa silya na nasa tapat niya. Iba ang Bj na nasa harapan niya ngayon. Hindi ito ang taong tumutulong sa kanya sa JSA. Ibig sabihin tama ang hinala niya noon pa lang tungkol dito.

“Gaganti lang kami sa lahat ng atraso niya sa’min at makaka-alis ka ng ligtas dito.” Patuloy pa nito.

“Bj! Ano ba ‘to! Bakit mo ginagawa ‘to!?”

Naglabas si Bj ng panyo at lumapit sa kanya. Pinunasan nito ang mukha niya na alam niyang basing-basa na ng pawis. Nagulat siya dahil nagawa pa nitong gawin iyon sa kabila ng lahat-lahat.

“Maintindihan mo sana Sharlene. I’m doing this for my friend. I’m doing this for all the people he had caused pain.”

Delikado si Jairus oras na pumunta iyon doon. Nakikita niya ang mga baseball bats na maayos na nakahilera sa gilid at ilang paddle. Natatakot siya para dito. Buti na lang at alam niyang hindi ito pupunta doon dahil sa lahat ng mga sinabi niya dito. May mabuti din naman palang maidudulot ang masakit na pagpapaalam na iyon.

“Maghihintay lang kayo sa wala.” She smiles sheepishly. “Hindi ‘yon pupunta dito.”

May lumapit na lalaki dito at parang may ibinulong. Tumayo si Bj at bumalik sa kinauupuan nito. He has a triumphant smile pastered on his face. Mukhang may hindi inaasahan ang nangyari ngayon.

“Nagkamali ka Sharlene.” He raised his hand. “He’s here.”

And with that cue, the door opened revealing The Jairus Aquino.

Gusto niyang ihilamos ang kamay niya sa mukha niya kung hindi lang iyon nakatali. Jairus! Ano’ng ginagawa mo dito! Maling-mali ka talaga kahit na kailan!

Naka-bantay ang dalawang kasamahan nila Bj sa magkabilang gilid ni Jairus habang naglalakad ito papasok doon. Nakatingin ito sa mga mata niya at kita niya pa rin ang sakit doon. Pero lumambot din ang ekspresyon nito nang mabaling ang tingin ni Jairus sa nakatali niyang mga kamay.

“You’ve got me. Pakawalan niyo na siya.” sabi nito.

Tumayo muli si Bj at hinarap ito. “Hindi pa tapos ang papel niya dito. Lumuhod ka.” Utos nito kay Jairus.

Lumipat ang tingin ni Jairus kay Bj. Napalitan ng galit ang mga mata nito. Nakakatakot. Iyon ang mga matang hinding-hindi mo gugustuhing banggain.

“Ano’ng sinabi mo?” tanong nito kay Bj.

Oo nga, ano’ng sinabi ni BJ?

“Lumuhod ka.”

“Huwag mong gagawin ‘yan Jairus! Sasapakin talaga kita! Dapat hindi ka na pumunta!” sigaw niya dito. Sobra na kasi ang inuutos ni Bj kay Jairus.

Nasasaktan din siya na sa ikalawang pagkakataon ay makikita niya ang kinatatakutang si Jairus na lumuhod at magmukhang mahina. Pero pinili pa rin nitong gawin ang sinabi ni Bj.

Sa ikalawang pagkakataon ay lumuhod itong muli sa harapan niya. Para iligtas siya sa kabila ng lahat ng masasakit na salitang binitawan niya dito.

“Kumusta naman Jairus? Kumusta ang pakiramdam na wala kang magawa? Kumusta maging mahina sa harapan ng iba?” hinila ni Bj ang buhok nito. “ Malayo ka na sa JSA. You’re no longer in your comfort zone.  Dito kami ang hari. Dito kami ang batas.”

Pinalis ni Jairus ang kamay ni Bj. “Gawin niyo na ang lahat ng gusto niyong gawin sa’kin. Pakawalan niyo na si Sharlene.”

Hinila si Jairus patayo ng mga lalaki na nandoon. “Gagawin din namin ‘yan, huwag kang excited. Pagkatapos naming maghiganti.” Sinenyasan na ni Bj ang mga nandoon at pina-ikutan nila si Jairus. “Huwag kang lalaban dahil sa oras na iniwasan mo ang gagawin nila, hindi ako magda-dalawang isip na saktan si Sharlene.” Lumipat si Bj sa tabi niya habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg niya.

Pero hindi siya natatakot para sa sarili, natatakot siya sa kung ano’ng gagawin ng mga ito kay Jairus dahil walang kalaban-laban ito sa mga kasamahan ni Bj.

“Sandali lang. Bago niyo gawin ‘yan, hayaan niyo akong kausapin si Sharlene.” Sabi ni Jairus habang naglalakad palapit sa kanya.

Bahagya itong bumaba upang magpantay ang mga tingin nila. Inilapit nito ang mukha sa tenga niya.

“I will never let them hurt you. I’ll stay here with you and I will protect you. Magtiwala ka sa’kin. Hinding-hindi ako bibitiw.” Bulong nito sa kanya bago siya nito hinalikan sa pisngi at pumuwestong muli sa gitna ng mga lalaking may kanya-kanya nang hawak na baseball bat.

Napaluha siya sa sinabi nito. Wala siyang magawa para protektahan si Jairus sa mga taong gustong manakit dito. Duwag siya. Hindi niya ito makayang ipaglaban habang ito ay kayang ibigay ang sariling buhay para sa kanya.

“Simulan niyo na!” sigaw ni Bj bilang hudyat sa pagbugbog ng mga ito kay Jairus.

Napahinto siya sa pag-iyak at napatingin na lang kay Jairus habang pinagtutulungan itong bugbugin ng mga lalaki. Mayroong hinahampas siya. Sinusuntok siya hanggang sa mapaluhod na lang itong muli sa sementadong sahig. Dumudugo na ang gilid ng labi nito maging ang bahagi ng noo nito ay dumudugo na rin.

“Jairus! Tama na!” sigaw niya. Humahagulgol na din siya sa iyak. “Tigilan niyo na ‘yan!”

Nang akmang tatayo si Jairus ay hinampas siya ni Alfred ng baseball bat sa katawan at napaluhod muli ito sa sahig.

“Itigil niyo na ‘yan!” nanghihina na si Jairus. Nakatingin lang ito sa kanya habang pinipilit na imulat ang mga mata. “Huwag kang pipikit Jairus! Huwag kang pipikit!” alam niyang magiging delikado para dito sa oras na mahimatay ito.

Pinunasan ni Jairus ang gilid ng labi nito. “Tapos na ba kayo?” tanong ni Jairus sa mga ito.

Nagtangka na naman itong tumayo. Hindi makapaniwala sila Alfred na nagagawa pa rin nitong magsalita at kumilos sa tindi ng ginagawa ng mga ito kay Jairus.

Naramdaman niya ang pag-kilos ni Bj sa gilid niya kaya nalipat ang atensiyon niya dito. Naka-tingin ito kay Jairus.

Unti-unti itong humakbang palapit doon sa upuang inuupuan nito kanina. Hinawakan nito iyon habang nananatili pa ring naka-tingin kay Jairus.

“Kasalanan mo ang nangyari sa kaibigan ko.” Iniangat na nito iyon sa tapat ni Jairus. “ Ikaw ang dahilan kung bakit nag-iisa na lang din ako ngayon.”

Ihahampas sana nito iyon kay Jairus pero naging attentive siya kaya tumayo siya kaagad mula sa kinauupuan para iharang ang katawan kay Jairus.

Gumapang ang matinding sakit sa balikat niya. Nauubo din siya sa lakas ng impact ng pagkakahampas ni Bj sa kanya. Nahihilo na siya pero kung iaalis niya ang katawan niya sa pagkaka-protekta kay Jairus alam niyang pupuntiryahin na naman ito nila Bj.

Biglang bumukas ulit ang pintuan ng bodegang iyon.

“Sharlene!” naaninag niya si Nash kasama nila Francis at Paul. Sa likod ng mga ito ay may mga Pulis.

Lumapit si Francis kay Bj at pinaulanan ito ng suntok. Ganoon din ang ginawa nila Paul at Nash.

“I knew it!” sabi ni Francis kay Bj habang hawak-hawak ito sa kuwelyo. “Ikaw ang may kagagawan ng lahat!”

Lumipat ang tingin niya kay Jairus. Nakatali pa rin ang mga kamay niya kaya hindi niya makita ang mukha nito na nakasandal lang sa balikat niya.

“Jairus… Jairus…” naiiyak niyang tawag dito. Gaya no’ng sa panaginip niya. “Jairus gumising ka, kausapin mo ‘ko please.”

 Nararamdaman niya pa rin ang pananakit ng katawan niya gawa ng pagkakahampas ni Bj sa kanya ng upuan kanina pero hindi na muna niya ininda iyon. Mas matindi ang nangyari kay Jairus.

“Sharlene…” lumapit sa kanya si Nash pero hindi na rin niya kinaya ang sakit na nararamdaman.

 And before she surrenders from the unbearable physical pain she’s feeling at the moment, she kissed Jairus’ head.

“Thank you.”

Bigla na lang nagising si Sharlene. Hindi pa siya pamilyar sa lugar na nabungaran niya kung hindi lang nagbalik sa kanya ang lahat ng mga nangyari. Napabangon siya at nakaramdam siya ng sakit sa kaliwang balikat niya. Ngayon lang niya napansin na may cast pala doon. Nahihirapan siyang gumalaw.

“Sharlene. Anak.” Lumapit ang mama niya sa kanya. May kasunod na itong doktor.

“Prevent yourself from moving hija, nagkaroon ka ng fracture sa balikat. Lalong sasakit ‘yan.” Sermon kaagad ng doktor sa kanya.

“Si Jairus po?” tanong niya sa mama niya.

Tinitigan siya nito ng matagal bago nagsalita. “Kahapon ay nasa ICU pa siya. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon ospital inilipat ng mama niya.”

T-Teka? Ano’ng ICU? Bakit nandoon si Jairus?

“Ano po bang kondisyon ni Jairus?”

Nahalata niya ang pagiging aligaga ng mama niya nang tanungin niya ito. Gamit ang isa niyang kamay ay inabot niya ang kamay nito.

“Ma, please…” she begged. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman ang kondisyon ni Jairus.

Umiling ang mama niya. “Kritikal si Jairus, anak kaya kinailangan siyang ilipat sa mas magandang ospital. Noong dalhin kayo dito ay nag 50-50 na siya. Comatosed si Jairus ngayon.”

Bagsak ang mga balikat niya sa mga narinig niya mula sa mama niya. Ang panaginip niyang pamamaalam ni Jairus sa kanya, ito na ba ‘yun?

Kaya sa kabila ng namamanhid niya pang katawan ay pinilit niyang tumayo. Inalis niya ang suwero mula sa kamay niya at mabilis na naglakad palabas ng kuwarto.

“Sharlene!” sigaw ng mama niya sa kanya na hinahabol na siya.

“Jairus! Jairus!” sigaw niya. Kahit alam niyang wala na ito doon. Wala siyang pakealam kung nagdudugo na naman ang mga sugat niya o maputulan man siya ng braso sa ginagawa niya.

Sa mga oras na ito ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang makita si Jairus na ligtas.

“Jairus! Jairus! Jai!!!” patuloy na naman sa pagtulo ang luha niya. Sa balikat niya pa ito nakasandal nang mawalan ito ng malay. Sinaktan niya ito bago sila magkahiwalay.

Napa-upo na lang siya sa sahig. Ang bigat ng semento ng balikat niya at nagsisimula na ring mamanhid iyon.

Nakita niya si Francis na papalapit na sa kanya.

“Sharlene, bakit nandito ka?” tanong nito sa kanya habang tinutulungan siyang tumayo.

“Nasaan si Jairus?” sagot niya dito.

He brushed her hair with his fingers. “’Wag kang mag-alala, he’ll suvive. Kaya ni Jairus ‘to. He’ll be okay.”

Bakit ganyan? Bakit walang sumasagot sa tanong niya? Bakit walang makapagsabi sa kanya na ayos ito at buhay si Jairus.

Bakit walang makapag-sabi sa kanya kung nasaan ito?

Jairus…

                                                        -END of PART I-

--------------------------------------------->>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<------------------------------------

Spread the LOVE JaiLene Minions, SharCis, NashLene, PauLene, FrancElla, NLex, KoPhia  :)) 

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
"I Love You Nerd Part 1" Από Yukina

Εφηβική Φαντασία

1.5M 20.8K 41
Hindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mism...
Fall (Book 2 Of TCPG) Completed Από Rein

Εφηβική Φαντασία

69.4K 1.2K 58
This story is composed of inappropriate words. You can see what love is when it comes in family, love in a special girl, Sacrifice for love and for f...
1.4K 65 17
Ken Suson, a member of the boy group named "SB19" went to his hometown to have a vacation where he met Valeriana Morales an SB19 hater who have work...