The Millionaire's First Love...

Galing kay iamanncollins

7.8K 428 40

"Your brain may forget but your heart won't." Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
ái

Chapter 8

138 9 1
Galing kay iamanncollins

"Can you give me your heart?"

"I-Ivan..."

Walang makapa na kataga si April kundi ang bigkasin lamang ang pangalan ng lalaki.

Ngumiti ito. Masuyong hinahaplos ang kanyang kamay.

"It's okay, hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko. May hihilingin lang sana ako..." tumigil ito at umangat ang tingin sa kanya. "Pwede bang, hayaan mo akong kilalanin ka? I want to know you more."

Sinuklian niya ito ng ngiti at tango.

"Thank you, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya." Madamdaming wika ng lalaki. Inangat nito ang kamay niya at hinalikan.

"Utang ko sa'yo ang buhay ko. At hindi naman kalabisan ang hiling mo. At..." yumuko siya dahil sa nahihiya. "At gusto rin kitang makilala." Pag-aamin niya.

Tumayo si Ivan at lumapit sa kanya. Ingat nito ang mukha niya gamit ang daliri. Akala niya'y sa labi na tatama ang labi nito. Iyon pala ay sa noo niya. Nahiya naman siya sa naisip.

"Kailangan mo nang magpahinga para makabawi ka ng lakas." Hinaplos ni Ivan ang pisngi niya.

It felt familiar. Parang... parang. Ewan ba niya! Siguro ay dahil nahaplos na rin noon ng lalaki ang mukha niya kaya familiar na sa kanya ang init ng palad nito.

Ibinaba ni Ivan ang kama para maging komportable ang pagtulog niya.

"Sleep. Dito lang ako, hindi kita iiwan."

"Okay lang naman ako dito, baka masyadong naka-abala na ako sa'yo. Pwede mo naman akong iwan."

"No!"

Nabigla siya sa matigas na tinig ng lalaki. Napansin naman nitong natigilan siya.

"I'm sorry, I didn't mean to scare you. It's just-" tumingala ito at hinilamos ang palad sa mukha. Pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya. "I can't leave you like this. Paano kung balikan ka ng lalaking 'yon? At tuluyan ka nang magawan ng masama? I can't let that happen, I'll go crazy if he-"

"Ivan..." kinuha niya ang kamay nito at pinisil.

"Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan. Mabubulok na siya dun. 'Wag ka nang mag-aalala, okay na naman ako. Makakalabas na nga ako bukas 'di ba?"

"Please, come home with me."

Natigilan siya, napabitaw sa lalaki saka umiling.

Nakita niya kung paano dumaan ang pagkabigo sa gwapong mukha nito.

"I'm sorry, alam kung nabigla kita. Masisisi mo ba ako kung ganito ang nararamdaman ko? Gusto kong masiguro na ligtas ka. Gusto kong nakikita ka ng mga mata ko."

"Ivan, hindi. Hindi ako ang asawa mo."

Natigilan ang lalaki sa isinagot niya. Hindi siguro inaasahan nito na iyon ang sasabihin niya. Kapagkuwan, tumango ito ng mabagal saka ngumiti ng may lungkot sa mga mata.

"I'm sorry."

Lihim siyang napailing. Alam naman niya na ang tingin sa kanya ni Ivan ay si Veronica. Na-curious siya kung ano ang hitsura ng babae. Obvious naman kasi na mahal na mahal ito ng lalaki.

"Go, take a rest a now. Nasa labas lang ako."

Tumalikod ito at lumabas ng silid.
Humugot siya nang malalim na paghinga bago ipinikit ang mga mata. Nagugulo ang puso niya pati na rin ang isiapan. Ano ba ang dapat niyang maramdaman? May bahagi kasi ng puso niya na nais tulungan ang lalaki ngunit may bahagi rin ng utak niya na tatakot.

Kinapa ni April ang dibdib. Kahit kailan hindi niya nadama kay Omer ang malakas na tibok ng puso ngunit kay Ivan. Kahit papalapit pa lang ito ay tila kilalang-kilala na nang puso niya.

MAINGAT NA BINUKSAN ni Ivan ang pinto ng silid ni April. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang tulog na ang babae. Dahan-dahan siyang lumapit rito. Naupo sa upuan na nasa gilid ng kama.

He took her hand and gently stroking it. A lot of questions playing on his mind. He was torn between many whys and maybe.

He closed eyes and brought April's hand on his cheeks. It stayed there, feeling the so familiar warm of the skin.

After awhile he took his wallet out. Tracing the beautiful face of the woman he love in the picture and the same face with the person who's lying on bed. He couldn't be wrong. His heart tells the truth and he knew it.

His thought was interrupted by the vibration of his phone.

The face of his princess popped out in the screen. He stood and walk near the window.

"Sweetheart, how are you?"

"Daddy, I missed you. Can you come over, please?"

Sinulyapan niya ang babae sa ibabaw ng kama.

"After my work, daddy will fetch you there. I miss you too, princess."

"Really, daddy?" She was sounded joyful. Napangiti siya.

"Yes sweetie, and I have a surprise for you."

"Oh! When will you fetch me up, daddy? I'm excited with your surprise."

"Soon, sweetie. May inaasikaso lang si daddy, be good to auntie Mindy okay?"

"Yes, daddy!"

"I love you, sweetheart."

"I love you too, daddy."

"George can I talk yo your dad for a while?" Boses iyon ng kapatid.

"Yes, auntie. Bye, daddy. Aunt wants to talk to you."

"Alright, sweetie."

"Kuya?"

"Alli..."

"I heard from Brent about the woman na iniligtas niyo, is that true na kamukha ni Veronica ang babae?"

"Yes..."

"H-how? I mean what she really look like is?"

"Wala silang pinag-kaiba ni Veronica."

"Kuya... hindi kaya-"

"I know, malakas din ang katob ko. Oh God! I found her, Alli."

Humikbi ang kapatid sa kabilang linya. Pati siya'y namasa din ang luha.

"I'm happy for you, kuya but you should at least ready the possibility na baka nga magkamukha lang sila ni Nica. Of course I'm happy that my best friend is alive. What I'm worried and concern about you and Georgina is to get disappointed."

"I know, and I understand. I will bring her home soon."

"Payag  ba siya?"

"Hindi ko pa alam, I mentioned her earlier but she rejected. I have to convince her again, ayokong malagay ulit sa panganib ang bahay niya."

"Whatever decisions you have, I'm on your side. Supporting you, just take care, kuya."

"Thank you, Alli."

Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap nila ni Mindy. Nagpapasalamat siya sa kapatid dahil hindi siya iniwan nito noong mga panahong lunod na lunod sa sakit. Palagi itong nasa tabi at dinadamayan siya kahit na ito man ay nawalan ng kapatid at kaibigan.

Pinakawalan niya ang malalim na buntong hininga bago bumalik sa tabi ni April. Kinuha niya muli ang kamay nito at dinala sa dibdib. Pumikit siya hanggang sa lamunin ng kadiliman ang kamalayan.

NAGISING si April sa mainit na hanging tumatama sa kamay. Maayos na ang pakiramdam niya hindi katulad nang unang gising niya kanina.

Gumawi ang tingin niya sa gilid ng higaan. Naroon si Ivan, hawak-hawak ang kamay niya. Kaya naman pala nakaramdam siya ng init. Ang hininga pala nito ang tumatama sa balat.

Naipikit niya ang mga mata nang maramdamdaman na parang maiihi siya.

She pulled gently her hand. Not wanting to disturb the man from a deep sleep. Nagawa niyang maka-upo sa kama. Ang problem ay nangangalay ang binti niya.

Inayos niya ang hospital gown. Doon niya nalaman na wala pala siyang panloob. As in wala! Shit! Mabilis ang kilos niyang bumaba sa kama.

"Hey..." ang malamyos na tinig ni Ivan. Umikot ito sa kabilang side kung saan siya bumaba para daluhan.

"Magbabanyo lang ako."

"You should wake me up." Ivan said and looked worried.

Walang babala na pinangko siya nito papasok sa loob ng banyo. Inilapag siya malapit sa toilet bowl.

"Kaya ko na, salamat."

"Call me when you need anything, nasa labas lang ako hihintayin kita."

She nodded and he went out. After she pee. Tumayo siya at pinakatitigan ang sarili sa salamin. Wala siyang galos sa mukha maliban sa mga pulang marka sa braso gawa nang pagkakahatak sa kanya nang walang hiyang si Omer.

Kapag naaalala niya ang pangalan nito. Kumukulo ang dugo niya. Paano ba niya naatim na tumagal nang anim na taon ang relasyon nila ng lalaki gayong hindi naman talaga niya ito mahal? Naguguluhan siya. Maraming tanong ang nasa isipan na hindi niya kayang sagutin.

Ramdam niya na parang may kulang sa pagkatao niya. Hindi niya maintindihan. Basta parang hindi siya buo. May kailangan siyang malaman at hindi niya alam kung ano iyon.

Gusto niya ng kalinawan sa isipan.
Pero paano? Saan niya hahanapin ang  mga sagot sa tanong niya?

Si Ivan. Parang may connection siya rito. Sa dinami-dami ng babae, bakit siya pa ang naging kamukha ng asawa nitong nawawala?

Oh God!  Naguguluhan siya.

"Are you okay?" tinig ni Ivan mula sa labas ng pintuan ng banyo.

"Ouch!" Napabalik siya ng upo sa toilet bowl nang biglang sumakit ang paa.

Pinulikat yata siya. Malamig kasi ang silid.

"Are you alright, can I come it?"

"Uhm... y-yes."

Biglang bumukas ang pinto kaagad siyang dinaluhan nang nag-aalalang mukha ng lalaki.

"What happened?"

"Pinulikat yata ako."

"Alright, I carry you just hold on."

Pinigilan niyang huwag lumipad ang dulo ng hospital gown dahil nga wala siyang suot na panloob.

"Your mother will bring your things tomorrow." Ani Ivan at may pag-iingat na inilapag siya sa higaan.

"Thank you."

"My men, has reported me na may mga taong umaaligid sa bahay niyo."

Kinilabutan siya sa sinabi nito. Nag-aalala siya para sa kaligtasan ng ina at kapatid.

"Don't worry about your mother and sister. I have my men 24 hours keeping an eye over them."

"Sino sila at anong kailangan nila?"

"Inaalam pa ng mga tauhan ko kung konektado sila sa ex boyfriend mo."

"I-Ivan..."

"Don't be scared. I'm at your side, I won't leave you. You're safe with me as I've promised."

Sabay silang napalingon sa pinto nang may kumatok.

"Sir?" Tinig ng tauhan ni Ivan.

"Excuse me." Tumayo ito at pumunta sa pintuan.

"May nagpapabigay po kay ma'am Vero este April. Sorry sir."

"Its okay. Kanino galing ito?"

"Ipinaabot lang daw ho, sir."

"Okay, thank you." Tinapik niya ang tauhan sa balikat.

Kumunot ang noo niya sa maliit na box. Siguro ay galing sa isa sa mga kaibigan ng babae.

"Ano 'yan?"

"May nagpapabigay daw sa'yo."

April furrowed her brows. Wala siyang natatandaan na maaaring magbigay sa kanya ng regalo. Gipit nga rin ang kasamahan niya sa pawn shop na pinagtatrabahuan.

"Buksan mo para malaman mo."

Tinanggap niya ang maliit na box nang iabot iyon ni Ivan.

Nakatatlong balot ng papel ang box, nagtaka man ipinagpatuloy niya ang  pagbubukas, at ng makita ang laman, naitapon niya iyon at napasigaw bigla.

"Shit! Who the hell did this stupid prank?!"

Dinaluhan ni Ivan ang babae na kinababakasan ng takot. Niyakap niya ito, gumanti naman ng yakap ang babae.

He took his phone and dialed his men number.

"Get inside and take the dead rat out of here." He turned off the mobile phone and put back inside the pocket.

Bumukas ang pinto.

"Trace the idiot who sent that! Malakas ang kutob ko na nasa paligid lamang ang kung sino man ang gumawa nyan."

"Yes, sir!" Pinulot ng tauhan ang box at lumabas na.

"You're shivering." Puna ni Ivan sa babae na humihikbi  sa dibdib niya.

"Hush... everything will be alright. I'm here, I won't leave you." He cupped her face. "Do you trust me?" He wiped her tears.

She nodded and buried her face over his chest. He slid his fingers in her back, rubbing it up and down.

His lips stayed in her hair. He could feel the unstable beating of her heart as her chest pressed over his.

"You're not safe if you insist to go home. Sumama ka sa'kin, I will make sure na magiging safe ka sa bahay. Papayagan kitang umuwi kapag nalaman na natin ang may kagagawan ng lahat. I'm sure na konektado din ito sa lalaki."

"Paano kung ikaw naman ang mapahamak nang dahil sa akin? I don't think I can afford that."

"My house is more safer, and I can handle myself. You have nothing to worry about me."

She tightened the hug. He brought his palm on her arms and gently rubbing it.

"Is it a yes?"

"Ha?"

"Payag ka nang sa bahay tumira?"

"Nakakahiya."

"Don't be. Wala kang dapat na ikahiya. My sister will be glad to meet you and so my daughter."

"Ilang taon na ang anak mo?"

"She's 9."

"Malaki na pala."

"Yeah."

"Hindi ba siya naghahanap sa ina- I'm sorry."

"That's okay." Ivan pressed his lips on her forehead. "She, always asking her mother."

"Baka mapagkamalan niya akong mama niya."

"That'll be nice."

"I-Ivan..."

"Sshh... rest now. Maaga pa ang alis natin bukas."

"Paano si inay at ang kapatid ko?"

"Nakapag-usap na kami kahapon ng inay mo and she agreed to me na sa'kin ka muna dahil iyon ang sa tingin niyang makakabuti sa'yo."

"Hindi ka ba natatakot na baka gulo lang ang dala ko sa bahay mo?"

"Then be my beautiful mess, I don't care. Handa akong suongin ang gulo ng buhay mo hanggat nasa tabi kita. Just stay... stay and don't leave me, again."

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

211K 4.5K 24
in which a girl moves to the city and falls for somebody she least expects to fall for. 𝐑𝐄𝐘𝐄𝐒𝐂𝐓𝐑𝐋 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍.✰
72.8K 1.7K 19
╰┈➤ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 eliana mason fell pregnant at sixteen with cole walter's baby, got sent away for ...
1.5M 135K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
9K 328 24
Scarlett forced herself to marry Attorney Charles Arthur Dela Vega in order to please her father.