Nandito kami ngayon sa cafeteria ng University na pinaglipatan namin... Infairness naman sa Cafeteria nila ha! SOSYALIN!
Maraming table at yung upuan hindi sya basta basta na monoblock chair lang,maganda rin ang upuan yung para nakikita mo madalas sa restaurants,At bongga may chandelier pa!
"Ano sayo?"
"Annyeonghaseo."
"Ano ba!...Kanina ka pa Keisha ah!"frustrated na sabi ni Nancy habang pinapadyak-padyak pa ang paa sa sobrang inis...Napangiti nalang ako
"What!...What did I do?"pa inosente kong tanong
Sarap talagang bwisitin si Nancy...lumulobo yung pisngi eh pag nagagalit...Ang cute lang!
"Pini-pilosopo mo ko eh!"inis parin nyang sagot
"Sa paanong paraan?"nakangising tanong ko"Binati mo ko kaya binati rin kita...nakakabastos naman kung di kita binati diba?"dagdag ko saka sya nginitian ng pagkalaki-laki
"What's your order?" In-english para makaiwas sa pamimilosopo ha...
"Gusto ko ng fishball at kwek-kwek"sagot ko habang tumitingin sa menu nila
Nubayan Walang na ngang fishball wala pang kwek-kwek!
"Gaga! Wala dito nun"singhal nya pinagtinginan tuloy kami ng mga tao
"Gaga ka din! Eh yun nga ang gusto ko"singhal ko rin at ipinagsawalang bahala ang mga matang nakatingin
Tinalikuran nya ako at nagsimulang umorder
"Excuse me..Uhm two slices of Chocolate Cake and two non-fat drink"sabi nya dun sa babaeng nasa counter
"1,501 pesos po lahat Ma'am"nakangiting sabi nung babae
Bigla naman akong nilingon ni Nancy at agad na inilahad ang kamay kaya takang taka naman akong nakatingin sa kanya
"Credit card"sabi nya at nilahad ulit ang kamay
Napa-irap nalang ako at kinuha ang card ko sa wallet...Tss lakas ng loob mag-order di naman nagbabayad
Eto lang ata ang school na credit card ang ginagamit pambayad sa in-order
Tig-isa kami ng tray na hawak habang naghahanap ng table,actually medyo marami rami ang tao ngayon dito pero di naman kami nahirapan maghanap ng bakanteng table
Umupo kami sa pang-dalawahang tao na lamesa at nagsimula nang kumain
"Geez.I feel uncomfortable"bulong ni Nancy habang umiiling
"Why?" I asked before taking another sip on my drink
"Look around and you'll see"sagot nya
I unconsciously roam my eyes on the whole cafeteria...okay now I know kung bakit sya naging uncomfortable
Nakatingin lang naman samin lahat ng students na nandito ngayon sa cafeteria,meron pang eksena na may papasok tapos biglang mapapahinto pag nakikita kami,at hindi lang basta tingin! Kundi Titig!
Napaisip tuloy ako bigla kung ganon ba talaga ako o kami maganda para titigan nila
"So what do you want me to do?" I asked sarcasticlly
Umismid lang sya sa tanong ko
Seriously ngayon pa sya mahihiya sa tagal tagal na panahon na puro kahiya-hiya ang mga pinag gagawa namin!
"Sa pakikipag-away sa mall di ka nahihiya,ngayon wala tayong ginagawa tsaka ka nahihiya...Tindi mo lang po!"prangka kong sabi bago sumubo ng chocolate cake na in-order nya
Tapos na kaming kumain pero may natitira pa namang oras kaya naisipan namin libutin ang buong university
Bukod pala sa limang naglalakihang buildings na nakikita namin ngayon na nakita rin namin kahapon
May mga bench ka rin na makikita sa pagitan ng kada building
May garden din sila na puno ng white,pink and red na roses at may fountain sa gitna,may bench din sa silong ng mga puno...Ang peaceful lang tignan
Meron din napakalaking field,sa tabi nito ay ang malaki at maluwang na gym
"OMG!! We're late na!"biglang tili ni Nancy habang naglalakad kami sa field
Akmang hihilahin nya na ako para tumakbo pero di ako nagpahila at tinabig ang kamay nya
"Late na nga tayo bakit ka pa magmamadali?"simple kong sabi habang naglalakad habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa
"Atleast hindi tayo sobrang late kung dumating man tayo dun!"sagot naman nya habang naka cross arms
"Pero late parin naman tayo."sagot ko habang tinatanaw ang nakakasilaw na sinag ng araw
"Aish!.Ewan ko sayo"sabi nya at umirap muna bago tumalikod at naglakad...Napailing nalang ako
Mas nauuna sya sakin maglakad kaya nasa likod nya ako.Nakatingin lang ako sa likod nya ng bigla syang huminto at humarap sakin ng nakangiti bago pumunta sakin at tsaka nya ko inakbayan
"Sabagay may point ka!...I'm pretty sure hindi naman sila magagalit sa magandang tulad ko"sabi nya habang nakangiti...napangiti rin tuloy ako
"Push mo yan!...Sino pa bang magsasabi sayo nyan kung hindi ikaw lang"biro ko tinutukoy ang pag puri nya sa sarili nya
Lakas lang magbuhat ng sariling bangko eh!
"You're so mean."nakapout nyang sabi
"Wag ka ngang gumanyan! Nagmumukha kang pato!"natatawa kong sabi
"Pato?...Magandang pato naman!"sagot nya sabay hila sakin patakbo dahil malapit na kami sa building ng room namin
Kada building may apat na palapag pero may elevator naman kaya walang problema!
Pagpasok namin ng elevator agad kong pinindot ang button 3 at close button
Pero bago sumarado ang elevator may nahagip ang mata kong isang napaka-familiar na tao
Napailing nalang ako nang napagtanto ko kung sino yun...baka naman namalik-mata lang ako
*Ting!*
Nanatiling nakakunot ang noo ko nang makalabas na kami sa elevator
"Oy! Ayos ka lang?"tanong ni Nancy nang mapansin ang ekspresyon ko
"I'm okay...Parang nakikita kasi ako ng alagad ng demonyo kanina"sagot kong nakakunot-noo
"Tsk.Wag mo na pansinin yon baka namalik-mata lang ako,Tara na nga!"dadag ko tsaka sya hinila para mahanap na ang room namin
Room 201
Yan ang nakapaskil sa pintong nasa harap namin
"Sure ka bang dito ang room natin?"tanong ko kay Nancy na Tinitignan ang cellphone nya
"Yup,I'm sure dito yun look!"sagot nya tsaka nilahad sakin ang phone nya
Naka save pala sa notes nya ang mga schedule namin...Actually parehas lang kami ng schedule ni Nancy walang pinagka-iba
We're taking up Business Management and we're already on our third year
Kumatok ng tatlong beses si Nancy agad naman tong bumukas at bumungad ang isang babaeng nasa late thirties,kapansin-pansin ang ID na naka-pin sa suot nyang uniform...So she's our professor
"Transferees?" Tanong nya habang nakangiti...Right now based on her actions I can tell that she's not a terror professor
Well maganda narin yun makaka sundo namin sya pag ganyan!
They always say treat someone how you want to be treated,But to me,Nope treat them how they treat you
They can't expect me to treat them right if they ain't acting right
Tumango kami ni Nancy bilang sagot pinapasok nya kami sa room
Nilibot ko ng tingin ang buong room may iilan na nakangiti,nagbubulungan,may iilan din walang reaksyon
Pero isang tao lang ang nakakuha ng atensyon ko yun ay ang lalaking nakaupo sa last row tabi ng bintana
He has this messy hair na di ko alam kung sinadya o talagang ganun na ang ayos nun
He look so neat in his uniform para syang isang simple ng estudyante not like the last time we meet.Yesterday.
"Class we have new transferees"anunsyo nang prof
"Introduce yourself."sabi nya samin dalawa ni Nancy
Nakangiting tumango naman si Nancy habang ako ay nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha
"Hi!..Nancy Aisha Maniego.19"simpleng pagpapakilala ni Nancy habang nakangiti at kinaway pa ang kanang kamay
Pero di ko yun binigyan pansin dahil nanatili and atensyon ko sa lalaking yun
Di ko akalain na magkikita kami rito...So he's still studying huh?
He's looking at me right now with he's creased forehead maybe trying to remember me
At siguro nakilala nya na ko dahil biglang nagsalubong ang kilay nya...Napangisi nalang ako
Pano ba yan mukhang araw araw na sya mabi-bwisit nyan!
Natigil lang ako sa pag-isip ng bigla akong sikuhin ni Nancy sinamaan ko naman sya ng tingin pero di sya natinag
"Ikaw na!Lumilipad nanaman yang utak mo!"impit nyang bulong dahil hanggang ngayon ay nakangiti parin sa lahat
"Keisha Zane Lim.19"pokerface kong sabi
"You may now take your seat in any vacant chair"sabi nung prof pagka tapos kong magpakilala
Naglakad agad kami papapunta sa likod dahil dun nalang naman ang vacant seats,Actually tatlong upuan nalang ang bakante
Dalawa sa tabi nung lalaki at isa sa harap ng upuan na tabi nung lalaki
Umupo ako sa tabi nung lalaki habang si Nancy naman ay umupo narin sa tabi ko
So bale may isa nalang na bakante ng upuan at yun yung nasa harap ko
"Huy! Diba yan si Mr.Sy?...yung sa mall kahapon?"bulong agad sakin ni Nancy habang pa simpleng dumudungaw sa katabi ko
"Yup."nakangisi kong sagot
"Namumukhaan nya kaya tayo?"curious na tanong nya
"Tanungin mo sya"sagot ko
Agad naman nyang akong pinalo sa braso bago umirap at tumingin nalang sa harap
Mula sa gilid ng akong mga mata nakita kong nakatingin sa akin si Mr.Sy
So I guess I'm right that he's still young and were at the same age...
"I'm sorry,I'm late Ma'am!"siga ng isang napaka-familiar na boses sa harap
Napabaling tuloy ang atensyon ko sa harap at sigurado akong ganun din ang dalawang katabi ko.
Biglang nag bago ang ekspresyon ko nang nakita ko kung sino o kanino galing yung boses na yun
At tama nga ako,hindi ako namalik-mata nung nakakita ako ng alagad ng demonyo kanina bago sumara yung elevator!
"Nag hahanap talaga ng sakit sa katawan tong babaeng to!"nang gigigil na bulong ni Nancy
"Sabi ko na nga ba nakakita ako ng alagad ng demonyo kanina.Tsk.tsk.tsk."umiiling na bulong ko rin
Habang ang isa ko naman na katabi ay napabuntong-hininga nalang
Well ang magma may-ari lang naman ng boses na yun ay walang iba kundi si Tamara
Remember the girl from the bookshop yesterday...Sa kasama ang palad sya ngayon ang nasa harap namin
Sa mga mangyayari ngayon mukhang hindi magiging boring ang pag-stay namin dito sa university nato
Napangisi nalang ako sa mga naiisip kong mangyayari sa mga susunod na araw
*****
So how was it?...Sorry for the long wait!
Vote and Comments are highly appreciated!