Stella Royal Games

De StarryKyamii

62.5K 2.5K 538

Which kingdom will shine the brightest? Mais

Stella Royal Games
Royal 1
Royal 2
Royal 3
Royal 4
Royal 5
Royal 7
Royal 8
Royal 9
Royal 10
Royal 11
Royal 12
Royal 13
Royal 14
Royal 15
Royal 16
Royal 17
Royal 18
Royal 19
Royal 20
Royal 21
Royal 22
Royal 23
Royal 24
Royal 25
Royal 26

Royal 6

2.1K 86 7
De StarryKyamii

Royal 6

Meteor’s POV

“Good evening and welcome to the Dark State Underground Battle,” narinig ko yung hiyawan ng mga wizards sa underground matapos silang i-welcome ng emcee. “Are you ready for the next battle?”

Parang dumagundong dito sa stadium sa sobrang lakas ng sigaw nila. Kala mo mga nakawala sa hawla eh. Hanggang dito sa kwarto, rinig na rinig yung hiyawan nila.

“Kaya niyo yan Master Azure! Ipaghiganti niyo kami sakanila,” sabi nung kambal na sina Tyrone at Cyclone na nakathumbs up pa. Remember? Natalo sila ng mga challengers ng Snow White Gang? Kaya nga napasugod kami dito sa underground ng wala sa oras.

“Sure. I’ll save your asses from humiliation,” balewalang sagot ko.

“Ang hard mo naman Ate Mete—este Ate Azure. Pero wag kayong mag-alala. I’ll spread cuteness in the stadium,” I gave Alice a killer look. Muntik na siyang madulas sa pangalan ko. Hindi pa naman alam ng kambal na isa akong prinsesa ng isang kilalang kingdom—err empire pala.

Ako lang naman kasi ang may nag-iisang pangalan na Meteor dito sa Stella World. Si Alice, wala namang problema kung tawagin ko siya sa pangalan niya, hindi lang naman siya ang Alice sa mundo.

“Nako Alice! Pigilan mo ko mamaya please. Gumagana nanaman ang radar ko sa mga papables. Dama ko na girl! Damang-dama ko na ang kanilang hotness. Owmygad,” madramang sabi ni Leona na matching hampas-hampas pa sa dibdib niya. Ge. Push mo.

“Just make sure you already have your plan. Kayo ang attacker ng grupo and Alice, you’re my right hand. They really expect something from you,” paninigurado ko. Bilang kaibigan, ayokong mapahiya sila sa harap ng maraming wizards. Baka isipin nilang humina kami after 2 long years of disappearance. Whatever happens, we need to defend our spot.

Bawat grupo ay may limang miyembro. Nahahati sila sa tatlo: two as the challenger, two as the attacker and the leader of the group. Sa ngayon, kung hahamunin ng  isang grupo ang isa pang grupo, kelangan munang matalo ng challenger ng grupong iyon ang challenger ng isa pang grupo. Kapag nangyari iyon, pwede na nilang kalabanin ang attacker at kapag natalo ulit ang attacker, ang leader naman ang kakalabanin nila.

Katulad lang ito ng mangyayari sa amin ng Snow White Gang. Dahil natalo ng challenger nila ang challenger ng grupo namin na sina Tyrone at Cyclone, ang attacker naman ng gang nila ang kakalaban sa attacker namin na sina Leona at Alice. Nasa attacker din ang kanang-kamay ng grupo. Kapag nanalo naman ang attacker namin, awtomatikong magsesettle na lang sa safehaven ang Snow White gang at retain ang spot namin.

In short, pataas ng pataas ang level ng kapangyarihan mula challenger hanggang leader.

“Ateng~ sige na, yun na lang ang suotin mo please. Ni-ready ko ng bongga yun para sayo,” pagmamakaawa ni Leona. Ginawan niya kasi ako ng gown na bagay talaga sa kapangyarihan ko. Ewan ko ba dyan, kelangan hanggang pakikipaglaban, maganda pa rin daw ako.

Kanina niya pa ako kinukulit kaya sinunod ko na lang siya. Kung sabagay, mas lalong komportable na ako sa gown na iyon kesa sa suot ko kanina. Para ngang wala akong suot sa sobrang light lang nung gown.

Nauna nang maglakad palabas sina Alice. Naiwan ako doon sa kwarto at kinausap yung kambal.

“Stay alert. Kumuha kayo ng anggulo na makikita niyo ng husto yung labanan. Siguraduhin niyong hindi sila mandadaya. If ever na mangyari yon, you’re free to join the game,” seryosong sabi ko.

Nagsalute naman sila sakin. “Aye aye, Captain Azure!”

Lumabas na ako ng kwarto at dire-diretso sa Stadium. Sinalubong ko sina Alice at Leona na naghihintay sa bench malapit sa battle ground. Nasa kabilang dulo naman ng stadium yung Snow White Gang.

“Here comes the fourth shadow! Azure!,” walang tigil sa kakasigaw at kakapalakpak yung mga wizards. Yung totoo? Gusto ba nilang mapaos?

“Now, are you ready to start the Dark State Underground Battle? ‘Cause we are going to have the tag-team attackers of Snow White Gang, Rai and Silver!” natapat yung spotlight sa kabilang dulo ng stadium at lumabas doon ang isang lalaki at isang babaeng kasing tangkad ni Alice. Parehas silang nakamaskara.

“And now, the attackers of the 4th Shadow. Give your big hands to Leona ang Alice!,” lumabas na yung dalawa na all smile pa at pakaway-kaway pa. Si Alice, nagpapacute samantalang si Leona, nagpapaka-model. Seriously? Sana nagfashion show na lang silang dalawa. We’re in a battle for solar's sake.

Pinatunog na yung gong. Well, let’s get the battle started.

I watched closely. Guess the report about them was right. Isang shape-shifter si Silver samantalang nature controller naman si Rai. Napagplanuhan na ito ng dalawa, Alice against Silver while Leona against Rai.

Nagshape-shift si Silver sa isang dragon, while Alice summoned two 8-foot tall gorillas. Nagsisimula pa lang ang labanan, malalakas na agad ang nilabas nila. They should’ve warmed up a bit.

Unang sumugod ang dalawang higanteng gorilla at nagbigay ito ng magkakasunod na suntok sa dragong palipad-lipad at pilit silang iniiwasan. Alice moved the other one at nahawakan ng gorilla ang buntot ng dragon, which made the other gorilla slammed the dragon's head at walang-awang binabalibag ang katawan nito. In just a matter of seconds, both gorillas were set on fire. Perhaps nakakuha ng fire-breath mula sa dragon.

Alice didn’t end there, she grabbed the chance at tumakbo mula sa buntot ng dragon up to its head. It’s too late when the dragon noticed it, masyadong busy sa pagbubuga ng apoy sa dalawang higanteng gorilla. The next thing happened, Alice was trying to control the dragon’s head.

That was one of our aces, having Alice in our group means no wizard can fight us using animals. May controller kami for solar’s sake. Bago pa man mautusan ng wizard na to ang hayop na ipanglalaban niya against us, Alice already took control of it. Isa pa, may nananalaytay na royal blood kay Alice kaya di hamak na mas malakas ang kapangyarihan niya. We, royals, are always one step ahead from common wizards. Even the greatest commoner wizard only has a slight chance of winning against us.

Meanwhile, Leona was having a hard time against Rai, the nature controller. Hindi niya siguro inakala na limitless ang pagpapalabas at pagcocontrol sa iba’t ibang vines at halaman. Nagagawa naman itong lantahin ni Leona with her potions pero mukhang magkukulang ito.

Napakunot ang noo ko nang makitang napapalibutan na ng vines ang iba’t ibang parte ng katawan ni Leona. Pilit siya kumakawala dito but Rai was too powerful. Dinagdagan niya ng dinagdagan ang bilang ng vines na umiikot kay Leona.

Pero bakit ba ako mag-aalala? He’s Lionel Devon for solar’s sake! The baklang Illusionist Wizard. He or perhaps She could turn everything upside down.

Umilaw ang mata ni Leona kasabay ang pag-ilaw ng mga kolorete niya sa katawan. Ngumiti ng nakakatakot ang loka, ayun na coma silang dalawa ni Rai. Nasa frozen state sila which means, nasa ibang dimension na ang dalawa na ginawa ni Leona. And there, Rai has no chance of winning especially when she’s trapped at Leona’s illusion.

To think na gagamit si Leona ng illusion, di ko akalaing mahihirapan siya sa kalaban niya. For the past years na lumalaban kami dito, nagamit niya lang ang illusion niya noong naka-Dark State Underground battle na and we’re aiming at the Shadow spot. Simula noong makuha namin tong spot, potion na lang ang lagi niyang ginagamit unless nahihirapan na talaga siya.

“Unfair! I hate you! Why do I need to fight those cute magical creatures? Awww~,” nagmaktol na parang bata si Alice. “I can’t even lay a finger on them! They’re so cute!”

Napaface-palm na lang ako. One weakness of Alice? Cute stuffs. Nawawala siya sa concentration niya kapag nakakakita ng ganito. At lalo na siguro nawala sa katinuan tong batang-isip na to dahil may unicorn sa harap niya na nagsha-shining shimmering splendid pa.

That Silver guy! Great tactics.

Mabilis na nakapag-shapeshift si Silver sa isang tigre at hinampas ng malakas si Alice palipad sa ere. Parang laruan lang itong hinahagis hagis ni Silver, hampas dito, lipad dyan. Kapag tatayo na si Alice at magcou-counter-attack, magshe-shapeshift naman si Silver pabalik sa unicorn kaya ang ending, hindi siya pwedeng tirahin ni Alice.

Bakit ba kasi ganyan pa ang weakness ni Alice eh -_-

Lalo akong napafacepalm nang pinagtatawanan na lang ng wizards yung labanan ng dalawa. Damn! Alice looked so helpless.

Tumayo ako mula sa bench at lumapit sa railings na boundary between sa audiences at sa battle ground.

“Alice,” I growled at naramadaman ko ang mainit na liwanag sa likod ko. As expected, manghang reaksyon ang nakuha ko mula sa wizards.

“One more laugh and I’ll burn all of you down,” pagbabanta ko sa mga pinagtatawanan si Alice. Buti naman at natahimik.

Right then and there, I saw Alice’s eyes twinkle. Show them what royals got.

I got surprised when I heard the sound of breaking glass. It’s a sign of Leona’s illusion breaking. And what more surprised me? Parehas pa ring nakatayo ang dalawa when in fact, dapat si Leona lang ang nanalo.

Tumingin si Leona kay Alice at tinanguan ito. Perhaps eto na yung final attack na sinasabi ni Leona sakin. Just one shot at panalo na daw kami.

Lumuhod si Leona at hinawakan ang lupa ng stadium. Ipinatong naman ni Alice ang dalawang kamay sa balikat ng illusionist.

What are they planning? Illusion plus animals.. Illusion plus animals.. Illusion plus—mukhang alam ko na.

Nagdilim sa buong stadium. Hindi ko maaninag kung anong nangyayari but I can sense great amount of power.

I heard screams of horror from the wizards nang mawala ang dilim. Now this is what they’re talking ‘bout.

At tama ang hula ko.

Sa isang iglap, dinala kami nina Leona at Alice sa isang dimensyong no one expects this world exists. The world made of nothing but fear.

Isang dimensyong punong-puno ng mga hayop na namumuhay lang noong sinaunang panahon. Mga higanteng crossbreed sa iba’t ibang hayop. Kahit ang pinakamalaking dragon ay walang katapat dito. It was a world full of monsters.

“Do not mess with us,” sabay-sabay na lumusob ang mga halimaw kina Silver at Rai. Wala na silang kawala pa di—

“Time’s up! Since we have both teams standing, therefore it is a draw between the two groups!,” biglang sigaw ng Emcee. Nawala na lang bigla ang mga halimaw pati ang dimensyon at bumalik ang stadium.

Damn it. Hindi man lang napalasap nila Leona at Alice ang kapangyarihan namin. Damn that timer. Nakakainis.

Nanlulumong bumalik ang dalawa sa bench.

“Sorry Ate Azureee~ Nakalimutan naming may timer. Nakakainis naman ee~ Nyaaah~,” nagtantrums na naman si Alice. “I hate myself! I hate that guy! Grr~”

“Ateeeng~ nasayang ang beauty ko. Sayang ang powers. Huhuhu~ I’m broken. OMG!” paiyak-iyak pang effect ni Leona.

Bumuntong-hininga na lang ako. “Forget about it. At least we have a draw.”

“Ang galing niyo Kuya Leona, Alice! You’re the best! Sayang at hindi namin nakita si Master Azure na lumaban,” sabi naman nung kambal. Aba’t gusto pa nila akong palabanin. Binatukan ko nga.

“So let’s clap our hands for the ending of Dark State Underground Battle! Still, Azure would be entitled as the 4th Shadow and her group would retain their spots. Meanwhile, let’s greet our new Shadow, the Snow White leader called Blizzard and his team having the 5th slot and the safe haven!,” announce nung emcee. Kapag draw naman ang labanan, panalo pa rin kami though mas maganda talaga pag natalo sila. Lalo na yung aroganteng Blizzard na yon.

“Tara na ateng~ makikipag-handshake daw,” excited na sabi ni Leona. Parang kanina lang, ang lungkot niya. Ngayong sinabing makikipag-handshake, natuwa masyado. “Gooosh~ makakadaupang-kamay ko na ang mga papables~”

“Pero sayang talaga yung last shot. Grrr~” nagcross naman ng arms si Alice. Pinat ko na lang siya sa ulo niya. “It’s alrigh, Alice. We have our spot. Let’s go nang matapos na to.”

Bago kami makaalis, may bigla akong naalala.

“Leona, diba sabi mo, all boys ang group na yon? Bakit may babae silang attacker?”

“Yun nga yun ateng. Nagtataka din ako. Pero tsaka na natin problemahin yon, lezz celebrate munaaa~”

Nagpunta kami sa gitna ng stadium at naabutan na don ang iba pang Shadow na kino-congratulate ang bagong miyembro ng grupo.

Umakbay sakin si 2nd Shadow at hinila ako papalapit kay Blizzard, yung leader ng Snow White Gang at ang bagong 5th Shadow.

“Hehe. Sayang at hindi kayo nagkalaban. Yun pa naman ang inaabangan ko,” sabi ni 2nd Shadow at nag-agree naman ang iba pa.

“Nga pala, Blizzard. Meet the unica hija prinsesa ng Shadows, si Azure. Mas lalaki pa sa lalaki,” segunda naman ni 3rd Shadow. Sinapak ko nga.

“Masanay ka na sa pananapak nito, Blizzard. Hot-tempered palagi eh,” si 5th Shadow dati, yung tinalo ni Blizzard kaya ngayon, nasa 6th na siya.

“Batiin mo naman siya Azure,” pangungulit sakin ni 2nd Shadow.

“Congrats.” Bored kong sabi. “Welcome sa tropa.”

Tinitigan niya lang ako. Ramdam ko namang sakin lang siya nakatingin kay may maskara siya eh. Parang gusto ko na tuloy lumubog dito at lumayo sakanya. Ano ba kasing problema nito?

Umiwas na lang ako, “Ge. Alis nako. Gusto ko nang matulog.”

“Aww~ di ka sasama sa celebration?,” tanong ni 3rd Shadow.

“Hindi eh. Tinatamad ako. Ge, una nako.”

“Ingat Azure—ay mali. Ingat sila sayo,” pagbibiro ulit ni 2nd. Sinapak ko din para parehas sila ni 3rd Shadow na meron.

Niyaya ko na sina Leona at Alice para umuwi. Bago tuluyang maka-alis, tinawag ko yung Emcee.

“Emcee! Can I ask a favor?”

Kinuha niya yung microphone at masayang tumingin sakin, “Anything for you, Master Azure.”

“Thank you,” biglang nagliwanag ang nasa tabi nila.

The next thing they knew, the timer turned into ashes.

~~~**~~~

“Kamusta ang Underground?,” bungad ulit sakin ng isa pang ako—si Casey.

Bumagsak ako sa kama at hinayaan siyang bihisan ako ng pantulog. “Na-retain ang spot. Pero kasali na sa Shadows ang Snow White gang. 5th Shadow si Blizzard.”

“Blizzard?”

“Yung tawag sa leader ng grupo ng Snow White. Blizzard.”

“Anong sabi niya sayo?”

“Wala.” May dapat ba siyang sabihin?

“Eh bat ang lungkot mo? Ikaw pa rin naman ang 4th Shadow. Na-retain naman ang spot niyo. What’s with the lukot face?,” naguguluhang tanong ni Casey. Lumayo muna siya sakin at nagtransform pabalik sa dati niyang pagmumukha.

“Hindi kami naglaban ni Blizzard eh. Hindi niya pa ako nababayaran.”

“Huh? Pinautang mo siya ng pera?”

“Tss. Hindi yon. Nakakadalawang halik na siya sa pisngi ko at hindi niya pa yon nababayaran. Hell. Pinaalala mo nanaman.”

“WEH?! NAHALIKAN KA NIYA?!” sige lakas pa. Ang ingay kainis.

“Shut up, Casey. Inaantok nako. Wala akong sa mood.”

She tucked me in my bed. “Sige na, magpahinga ka na. Nga pala, may nagpadala nito sayo kani-kanina lang. Mga bago ka dumating,” Binigay niya sakin ang isang sulat. Mm? Kanino naman nanggaling to?

“Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka. Night Princess. Sweet dreams.” lumabas na si Casey sa bedroom ko. Binuksan ko naman ang sulat.

Meteor,

          Friendly battle. Underground forest. Tomorrow. 11 am. I want to see you. Let’s have a gamble shall we?

Blizzard

Pupunta o hindi? Syempre pupunta. This time, I’ll make him pay for it.

Continue lendo

Você também vai gostar

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...