The Kissing Game Series 6 - 6...

By itsELISHIA

6.6K 150 6

The Kissing Game Series 6 60 Seconds to Heaven "Please open the door. Alam ko nasa loob ka. Hindi ko na kaya... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5

Chapter 4

927 29 1
By itsELISHIA

"Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang?" Minsan, daig pa ni Jinnie ang nanay ko kung makapagtanong.

"Pasensya na, nakatulog kami kaya di ko sya agad nahatid." Napalingon ako kay Drake nang magsalita sya bigla sa likod ko.

"Tulog?! Tulog lang ba talaga ang ginawa nyo!? Baka may iba pa!?" Pinanlakihan ko sya ng mga mata sa sinabi nya. I can't believe na pinapalabas nya na may ginagawa kaming iba!

"Tsk! Wag ngang madumi ang isip." Umupo si Drake sa sofa kahit na hindi pa namin sya pinapaupo. "Nagugutom kami, may pagkain ba dyan?" Alam ko naman na magkasundo ang dalawa pero hindi ko akalain na ganito na kakomportable si Drake.

"Ang kapal mo ha? Di man lang kayo nag take out ng pagkain bago umuwi dito."

"Eto kasing kaibigan mo eh, minadali ako. Tatalakan mo nga raw sya. Totoo pala." Balewalang sabi nya. Napatingin tuloy ako sa kanya at pinanlakihan ng mga mata para patigilin sya.

"Ang gago nito. Bahala ka sa buhay mo! Bumili ka ng pagkain mo kung gutom ka! Ang yaman mo pero pagkain lang namamalimos ka pa!" I don't know what's with these two. Alam kong ayaw ni Jinnie kay Drake pero hindi ko alam na ganito nya pala ito kausapin.

"Tsk! Come 'ere." Umisod sya sa inuupuan nya at pinapaupo ako doon. Kinunutan ko lang sya pero tumalima rin ako nang pinilig nya ang ulo nya.

Automatic na inakbayan nya ko. Hinayaan ko nalang sya pero masinsinan kaming tiningnan ni Jinnie kaya inirapan ko nalang sya. Hindi ko alam kung bakit inis sya kay Drake.

"Mag order ka nalang ng pagkain. Padeliver mo nalang." Utos ko kay Drake. Gutom na rin kasi ako at mukhang hindi nagluto si Jinnie.

Tumalima naman sya at umorder ng pizza. Habang hinihintay namin, tahimik lang kaming nanonood ng TV. Si Jinnie naman ay nakahalukipkip sa pang isahang sofa. Kakausapin ko sya mamaya kung bakit ganon ang mood nya.

"Hmmm..." napaurong ako nang bigla nalang sinubsob ni Drake ang mukha nya sa leeg ko saka umungol. "Bango." Kinilabutan pa ko nang ikiskis pa nya ng mga labi nya.

What is he doing? Hindi ba nya alam na pulang pula na ko at ang lakas na ng tibok ng puso ko? Saka isa pa, ang sama na ng tingin ni Jinnie sa amin! Bigla tuloy akong umisod paalis sa akbay ni Drake.

"The hell!?" Inis na sabi nya dahil muntik na syang masubsob. Narinig namin ang munting tawa ni Jinnie. Napapailing nalang ako habang si Drake ay tiningnan ng masama ito.

Sakto namang may nag doorbell kaya tumayo na si Jinnie para kunin ang delivery.

"Ano bang meron dyan sa kaibigan mo? Badtrip na sya. Sa susunod hindi na kita iuuwi." Tinampal ko lang ang braso nya at naiiling ako sa mga sinasabi nya but deep inside me, kinikilig ako dahil ibig lang sabihin nito ay talagang gusto nya ko. "Girlfriend na kita kaya may karapatan na ko sayo."

"Ano!?" Napapahumindig na tanong ko. Magre-react pa sana ako pero tinawag na sya ni Jinnie para bayaran ang delivery boy.

Tumayo na sya at sya na ang kumuha sa inorder nya saka na nya kami niyaya sa kusina.

Tahimik kaming tatlo habang kumakain pero panaka naka kaming sinusulyapan ni Jinnie.

"Hoy! Ikaw!" Napatingin kami kay Jinnie nang bigla syang magsalita at dinuro si Drake. May laman pa nga ang bibig nya kaya pareho kaming napangiwi ni Drake sa asal nya. "Wag mong paiiyakin yan ha?"

Kinibit balikat lang sya ni Drake. Hindi ko naman kasi alam kung seryoso pa talaga sya sa akin o hindi kahit pa sinasabi nya na girlfriend na nya ko. Lagi nalang kasing pang aasar ang mga ginagawa nya noon sa akin.

"Kailan mo ba sya sinagot? Bakit di ko alam na nanliligaw sya? Sabi mo noon inis ka dito?" Diretsong tanong nya sa akin. Halos mabulunan ako dahil hindi ko alam kung paano ako sasagot.

"Mind your own business." Masungit na sabi ni Drake sa kanya. Kahit naiinis, pinalampas lang ni Jinnie ang hindi ko pagsagot.

"I knew it!" Nang gagalaiting sabi ni Jinnie. Pag kaalis kasi ni Drake kanina, hindi na ko tinantanan ni Jinnie sa kakatanong kung paanong naging kami. "Ang lalakeng yon! Ang alam ko may girlfriend sya eh." Napahumindig ako sa sinabi ni Jinnie.

"Anong... Anong ibig mong sabihin?" Medyo kinabahan ako sa sinabi nya at kahit papaano, may kirot akong naramdaman.

"Friends ba kayo sa facebook?" Tumango lang ako sa tanong nya. Ang tagal ko ng hindi nag o-open ng facebook ko. Wala naman kasing exciting na makikita doon.

"Yung profile picture nya may kasama syang babae at ang sweet-sweet nila. Kaya kung ako sayo, iwasan mo na sya habang maaga. Masasaktan ka lang. Kaibigan kita kaya ayaw kong makita kang masaktan." I can hear concern in her voice. Ilang beses na ba nya kong binalaan sa mga manliligaw ko? At lahat ng mga sinabi nya ay totoo.

"Anong gagawin ko?" Nababahalang tanong ko sa kanya.

"Eh di iwasan mo sya! Hindi na tayo pupunta pag may inuman sa condo ni Madi." Napatango nalang ako sa suggestion nya.

Nang gabing yon, biling baliktad ako sa higaan ko. Ilang beses nag text at tumawag si Drake pero hindi ko tinugon ang mga to.

Everything that happened these few days were so surreal. Ang bilis ng mga nangyari. Ngayong nakapag isip isip ako, nahihiya ako sa mga nagawa ko. Para akong naging sunudsunaran kay Drake. Lahat ng mga sinabi nya ay ginawa ko kahit na hindi malinaw noon na boyfriend ko sya. And when he declared na boyfriend ko na sya, i did not even protest. After all, ako ang babae. Ako dapat ang magsasabi kung kami na nga ba o hindi dahil ako ang magdedesisyon non.

Umiwas nga kami ni Jinnie tuwing nagyayaya si Madi sa condo nya. Pagkatapos ng pangatlong invite nya at hindi kami pumunta, nanghinala na sya at nagtampo. Grabeng paghingi pa ng paumanhin ang ginawa namin ni Jinnie bago nya kami pinatawad talaga. Then we explained to her kung bakit.

Medyo nalungkot sya sa nalaman at the same time nanghinayang na rin. She said she was shipping for me and Drake. Pero anong magagawa ko? Yung pinsan kasi nya salawahan. Ang daming babae, tapos sinama pa ko sa mga yon. Pinangalandakan pa sa facebook!

"Isabel! Paki set naman ang table. Luto na to. Kain na tayo." Hindi na ko nagdalawang isip pa nang utusan ako ni Madi. Bilang parusa daw sa amin, pinag luto nya kami sa unit nya. And as she promised, kami lang tatlo nila Madi at Jinnie.

Magana kaming kumakain at nagkukwentuhan nang tumunog ang doorbell nya. Bigla nalang binundol ng kaba ang dibdib ko.

Tumayo si Madi para tingnan sa peephole kung sino ito. Tulala lang sya at kitang kita ang pagdadalawang isip nya kung bubuksan ba nya ito o hindi.

"Madi! May tumatawag." Inabot ni Jinnie ang cellphone nya kaya lang sya nahimasmasan.

"Hello?"

"Where are you? Nasa labas ako ng unit mo." Ni-loud speaker nya pala to kaya dinig na dinig namin kung sino ang nasa kabilang linya at kumpirmado ang kutob ko kung sino ang nasa kabila ng pinto.

"Please open the door. Alam ko nasa loob ka. Hindi ko na kaya. Mababaliw na yata ako. I miss her so much. I miss my Isabel."

Natulos ako sa kinatatayuan ko at kakaibang kaba ang nararamdaman ko. How can he say those things kahit ayaw kong mag assume, alam kong ako ang tinutukoy nya.

"I... Ah..." nagpapasaklolong tumingin sa akin si Madi. Alam kong naiipit sya ngayon sa amin ng pinsan nya.

Napatango nalang ako at huminga ng malalim. He is still her cousin. Sya ang mas may karapatan na pumunta dito.

Bago pa nya mabuksan ng pinto, i thought of hiding in her room. Pero what's the use pa? Magkikita at magkikita pa rin kami.

"Ang tagal m---" nabitin ang sasabihin nya sana nang magtama ang paningin namin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang alam ko lang, lalo akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan.

The room smells of awkwardness. Lahat kami ay nagpapakiramdaman kung ano ang sasabihin o kung ano ang gagawin. I've made this awkwardness. Kasalanan ko to. Kung sanang hindi ako bumigay sa mga flirtations nya.

"May bisita ka pala?" Sya na ang bumasag ng katahimikan bago inalis ang tingin sa akin.

I felt hurt when he did not even acknowledge me. Pero sino ba naman ako para masaktan? Ilang linggo ko syang iniwasan tapos mag iinarte ako ng ganito?

"Si--sige. Akyat nalang ako." Lumabas na sya at sya na ang kumabig ng pinto para isara ito bago pa man may makahuma sa amin.

Gusto kong umiyak. So ganito pala ang nararamdaman nya kung totoo man ang mga narinig ko kanina. Maybe worse pa dahil mas higit pa dito ang mga ginawa ko.

Ilang minuto din akong natulos sa pagkakatayo ko. The moment is so awkward neither Jinnie nor Madi said anything. Kahit yata sila ay walang maapuhap na sasabihin.

"I... Ahh... I need to go." Sinamantala ko ang pagkakatulala nila at nagmadali akong umalis. Muntik ko na ngang makalimutan ang bag ko sa pagmamadali.

Nagmadali akong lumabas ng unit ni Madi at wala sa sariling tinungo ang elevator.

Napatda lang ako nang makita kong nandoon sa harapan ng elevator si Drake at nakatulala lang.

Lumingon sya sa akin at namungay ang mga mata ng makita ako. Yumuko nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Should I say 'hi' to him? Pero bakit pa di ba? It was my decision na iwasan sya. Kung mag he-hello ako sa kanya ngayon, parang balewala lang ang mga ginawa kong pag iwas.

"Are you coming in or what?" Napaangat ang tingin ko at nakita ko syang nasa loob na ng elevator at hawak ang pinto para hindi magsara.

Nag dalawang isip pa ko kung sasakay ba ko o maghihintay nalang  sa isa. Pero napaka childish ko namn kung gagawin ko yon.

Marahan akong pumasok ng nakayuko at sinulyapan sya at tumango. Bigla akong kinabahan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung anong iaakto. I can't act normal around him. Atleast not anymore. Masyado nang lumaki ang gap namin sa isa't isa at para na syang estranghero.

Limang beses nya kong sinulyapan at kada sulyap nya may kasamang buntong hininga. Oo, binilang ko. Sa gilid ng aking mga mata, kitang kita ko ang frustrations nya.

Paglapag ng elevator sa ground floor, nauna na kong lumabas sa kanya. Kahit nangangatog na ang mga tuhod ko, binilisan ko pa rin ang mga hakbang ko.

"Ganyan mo ba ko kinasusuklaman kaya kahit hindi pa tuluyan bumubukas ang pinto ay lumabas ka na?" Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita sya sa tabi ko.

Gusto kong pumihit paharap sa kanya pero hinayaan ko lang na nakayuko ang ulo ko.

I wanted to scream in frustrations. I wanted to cry even. Ano bang nangyayari? Bakit ba nagkaganito?

Bakit ba kasi ng mga lalake ay hindi makuntento sa isa? He said he loves me but his actions said otherwise.

Nang makahuma ako, itinuloy ko nalang ang paglabas ko ng building at naghanap ng taxi. Nagpalinga linga ako dahil desperada na kong makalayo sa kanya.

Any moment now, tutulo na ang mga luha ko. And I don't want that. Ayaw kong ipakita sa kanya ang mga luha ko. I don't need any more sarcasm.

Right this very moment, I am in a vulnerable state. Hindi ko na kakayanin pa kung magsasalita pa sya.

"Ano ba?!" Napapiksi ako nang hawakan nya ang braso ko at kaladkarin ako patungo sa sasakyan nya. Ngayon ko lang napansin ang sasakyan nya kung di pa nya ko dinala dito.

"Bitiwan  mo ko!" Napapatingin na ang mga tao sa amin pero wala na kong pakialam. Mas may pakialam ako sa luhang nagbabadya sa mga mata ko.

"Tsk!" Sapilitan nya kong pinasok sa sasakyan nya. Halos buhatin na nya ko para lamang makapasok ako. Sya na rin ang naglagay ng seatbelt ko pero binigyan ko sya ng hard time sa kakapiglas ko.

"Stop it!" Saway nya sa akin at nailagay din nya ang seatbelt saka nya sinara ang pinto pero mabilis kong inalis ang seatbelt pero hindi nya ko kasing bilis dahil nakuha nya pa ring i-central lock ang kotse nya bago ko pa mabuksan ang pinto.

Tumigil nalang ako at tumingin sa labas ng bintana saka pasimpleng pinahid ang mga tumakas na mga luha ko.

"You have the guts to cry samantalang ikaw tong inaptsapwera lang ako." Pinagtagis ko ang mga bagang ko dahil sa sinbi nya. I don't want to hear this. I don't need this right now.

"Please, open the door."

"Really?! Tangna! Inuubos mo ang pasensya ko! Anong klaseng girlfriend ka!? Paasa ka naman eh!" Narinig kong pumiyok ang boses nya at napakislot pa ko nang hampasin nya ang manibela. Tumunog pa nga ang busina nito kaya pati ang mga tao sa labas ay nagulat.

"Ano pa bang hindi malinaw sayo?" Saad ko sa kanya.

"Lahat. If you wanted to break up with me, you should have said it straight to my face. Hindi yung para akong tanga na asa ng asa."

"Then," hinarap ko sya at tiningnan sa mga mata. Kahit sya ay titig na titig sa akin. "I'm breaking up with you."

Alam kong inaasahan na nya yon pero kitang kita ko pa rin ang gulat sa mga mata nya. I didn't even know kung tama nga ba yung nakita ko. After that, all I saw was coldness.

In-start na nya ang sasakyan saka ako hinatid. Wala kming imikan habang byahe at nang bumaba na ko, hindi na ko nagpaalam sa kanya.

Itong gabi na to ang pinaka malungkot na gabi ko. And this night, i cried myself to sleep.

Continue Reading

You'll Also Like

133K 7.1K 43
Porcia Era Hart x Chrisen
9.5K 143 34
Atticus Cale Gruber | Violette Pastrach The hardest part in a relationship is when you are not able to see each other for a long time. No convos. No...
27.7K 541 26
Nine years. For nine years Nadine had stuck by her arrogant boss' side until one day, she decided that enough is enough. But he did not make it easy...
38.8K 162 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...