Ang Mutya Ng Section E

Par eatmore2behappy

135M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... Plus

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 59

1M 42.7K 50.5K
Par eatmore2behappy

Author's Note: Si Michael Aries Fernandez po ay nasa dulo.. Sorry po sa matagal na paghihintay.

Supply

Jay-jay's POV

"Hindi nyo po talaga nakita?" Tanung ko ulit sa maid.

"Hindi po talaga. Pasensya na po Miss Jay." Sagot nya sakin at lumabas na ng kwarto ko.

Kanina ko pa hinahanap yung Batman vs. Superman na T-shirt ko. Binili ko dati yun at dahil sa sobrang pagpapahalaga ko dun, once in a blue moon ko lang kung suotin.

Nailabas ko na lahat ng laman ng kabinet ko pero wala pa rin. Feel ko pa naman ipagmayabang ngayon yun. Andyan na naman kasi yung grupo ni Aries sa Sala.

Hindi ko alam kung anu yung Monkey business nila pero wala si Kiko me'crush.

Me'crush nalang! Hindi na Loves!

At wala rin akong balak lumabas ng kwarto ng hindi ko suot yung Batman vs. Superman kong T-shirt. Pinagtawanan kasi nila tong suot kong bulaklakin na ewan kanina nung makita nila ko.

Kaya kailangan kong magyabang. Habang naghahalungkat may nakita akong pamilyar na short shorts. Favorite ko dati, kaya na-excite akong tignan.

Denim short yung design pero preskong suotin kaya naging paborito ko.

Humarap ako sa salamin at sinipat-sipat yung short habang nakapatong sa harap ko. Muka kasing lumiit na.

Naisipan kong suotin at tama nga ako. Sobrang liit na sakin. Nagmukang cycling shorts na dahil sa ikli.

"Miss Jay..." Tawag sakin nung isang maid. "...May naghahanap po sa inyo sa baba. Classmate nyo daw po. Pinapasabi din po na bilisan nyo at ayaw po nila ng naghihintay."

Parang kilala ko na. Mainipin, mukang si Keifer kumag na naman. Umalis na yung maid kaya sumunod ako. Hinayaan ko na yung short na suot ko.

Feeling sexy ako sa short ko!

Napahinto ako sa may Sala ng makitang kumpleto na yung grupo ni Aries. Kasama na si Kiko at Freya'ng bruha.

"Hoy! Lalabas ka ng ganyan?!" Iritang tanung sakin ni Aries.

Tinignan ko yung sarili ko. Wala namang problema. Except sa maikli kong short.

Pero sexy ako dito!

"Wala namang problema----"

"Ang ikli ng suot mo! Palitan mo nga yan!" Utos nya.

Dinilaan ko lang sya at mabilis na naglakad palabas. Bahala sya! Basta sexy ako dito sa short ko.

Paglabas, hindi lang pala si Keifer ang naghihintay sakin.

"Witwiw!" Pito ni Kit ng makita ako.

Sabay sabay pang napatingin sakin yung iba. Si Keifer agad na napataas ng isang kilay. Si Eman naman, hindi malaman ang magiging reaksyon.

"Sexy!" Tawag sakin ni Ci-N habang nakatawa.

"Puti ng legs!" Sabi ni Eren.

Nag-uumpisa na kong makaramdam ng hiya. Pare-pareho na kasi nilang pinag-mamasdan ang legs ko. Sumobra yung ka-sexy-han ko.

"B-bakit kayo nandito?" Tanung ko.

"Bibili tayo ng supply. Sabi mo sakin tutulungan mo ko." Sabi ni Eman.

"Ay oo nga..." Tinignan ko sila Ci-N. "...bakit kasama pa sila?"

"Gusto naming sumama." Sabi ni Kit.

Nahagip ng paningin ko si Keifer. Para syang naiinis na hindi maintindihan habang nakatingin sa legs ko.

"Okay... Bihis lang ako." Paalam ko sa kanila pero pinigilan nila ko.

"Ganyan ka nalang!" Sabi ni Ci-N at pilit akong sinakay sa kotse.

Toyota Hiace ang gamit nila. Mukang kay Eman to dahil sya ang may hawak ng susi.

"T-teka lang... Hindi pa ko nag-papaalam!" Sabi ko.

Hindi nila ko pinansin at nagsisakay na. Si Keifer ang katabi ko sa kaliwa. Samantalang si Ci-N naman ang sa kanan.

Si Kit ang nasa passenger seat at si Eren solo ang pwesto sa likod.

Ang muka ni Keifer hindi pa rin maipinta. Nag-uumpisa na kong matakot sa kanya.

Sa Mall kami dumiretso. Nakaramdam ako ng hiya sa suot ko. Bukod kasi sa maikling short. Medyo manipis tong bulaklakin kong blouse.

Bakit ba ko nag-blouse?

Pagdating sa Mall, nagpa-una na yung tatlo. Nag-aasaran pa sila habang tumatakbo. Si Eman ang kasabay ko samantalang nasa hulihan si Keifer.

"Department store tayo." Sabi ni Keifer.

Hindi naman kumontra si Eman kaya duon muna kami nagpunta. Nawala na sa paningin namin yung tatlo.

Akala ko didiretso kami sa mga Kitchen wear. Pero bigla nalang akong hinawakan ni Keifer sa braso at kinaladkad papunta sa Ladies Section ng mga damit.

"A-anu tayo dito?" Tanung ko sa kanya.

Nawala na rin si Eman. Mukang nahiwalay na samin.

"Ibibili ka ng damit." Sagot nya.

"Wala akong pera. Tsaka marami akong damit sa bahay."

"Then why did you choose to wear that?!" Irita nyang tanung.

Pinagtinginan kami ng agad ng mga taong malapit samin. Eskandaloso kasi tong Kumag na to.

"Pambahay kaya to! Kaya nga sabi ko magbibihis ako!"

Nagsalubong ang kilay nya. "You wear that in front of Aries? At wala man lang ginawa ang bobong yun?!"

Grabe naman to sa Bobo!

"Hoy! Pinsan ko pa rin yun!"

"Alam ko may bisita kayo, at hinayaan ka nyang ganyan ang suot sa harap nila?!"

"H-hindi naman... Ngayon ko lang kasi ulit to sinuot."

"Kung ganyan lang din ang balak mong suotin, wag ka ng magdamit!" Galit na sermon nya sakin.

Agad kaming pinag-bulungan na ikina-irita ko.

"Protective si Boyfie."

"Seloso yata."

"Ganyan din yung bf ko sakin, kapag maikli suot ko."

Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanilang hindi ko boyfriend ang hayop na to.

Wag na! Sayang effort!

Mabilis na nag-ikot si Keifer at kumuha ng kung ano-anong damit. Pagbalik nya, pinahawak nya sakin yun at pilit akong tinulak sa loob ng fitting room.

"Makatulak naman to!" Sigaw ko sa kanya na umagaw ng pansin ng iba.

"Choose and wear it immediately!" Utos nya.

Sa totoo lang, naiirita na ko sa kanya. Masabi-masabi! Abnormal! Sa dami ng kinuha nya, bumagsak ako sa ripped jeans at t-shirt.

"Okay na?!" Sarkastikong tanong ko sa kanya paglabas ko ng fitting room.

"Next time na isuot mo pa ulit yan. Pupunitin ko yan habang suot mo." Banta nya sakin.

Punit agad?! Grabe talaga tong Hari ng mga ulupong. Ganyan din sinabi nya sakin nung nasa clinic kami at nag-aaway. Mahilig sigurong mamunit ng damit to.

Dumiretso sya sa cashier at binayaran ang suot ko. Binalot din nila yung pinalitan kong damit.

Nakita namin si Eman na nakatayo malapit sa mga appliances. Mukang tinatawagan nya kami dahil binaba din nya yung phone nya nung matanaw nya kami.

"Change outfit?" Tanung nya sakin.

"Yan kasi!" Sabi ko sabay turo kay Keifer na nagpa-una sa paglalakad.

Kumuha kami ng mga gamit pang-kusina. Kasirola, kawali, sandok at kung anu-anu pa.

Pinag-usapan din namin kung kukuha ba kami ng mini ref. Pero itatanung pa daw namin yun sa buong Section E. Papalitan din ni Eman yung rice cooker na nasa room, maliit daw kasi yun at magdadala sya ng mas malaki.

Pagkatapos sa Department Store dumiretso kami sa Grocery Store. Andun na sila Ci-N at mukang kanina pa pa-ikot ikot habang nakasakay sa push cart.

"Bumaba ka nga dyan Ci!" Sita ko sa kanya.

Bumaba naman sya at tinignan ako mula ulo hangang paa. "Change outfit?"

Hindi na ko sumagot. Mukang nagmamadali si Eman, kaya sumunod agad kami sa kanya.

"Jay... Dumiretso kayo ni Keifer sa dry goods." Utos ni Eman.

Pumunta naman kami dun at dumanpot ng mga de latang pagkain.

"Panu pala yung utang ko sayo?" Tanung ko kay Keifer habang naniningin ng mga bibilhin.

"Edi ipag-baon mo pa rin ako o kaya ikaw ang magluto ng kakainin ko."

Hassle naman yun. Iba pa yung kakainin nya sa kakainin nung iba. Ang daming arte nito!

Sandaling nag-ring ang phone ni Keifer. Sinagot nya yun at hinayaan ko syang makipag-usap. Patuloy lang ako sa pagtingin ng may bahagyang bumangga sa push cart ko.

Hinintay kong mag-sorry yung nakabangga pero hindi sya nagsasalita kaya tinignan ko nalang.

Woah!

Si Kuya'ng blue eyes! Naka-smirk sya at nakatingin sakin. Pinagtaasan ko sya ng kilay. Hangang dito ba naman?!

"Hey..." Bati nya.

"Hoy..." Sagot ko at bahagya syang tumawa.

"Small world." Sabi nya.

"Sige nga... Ganu kaliit?" Pamimilosopo ko.

"Enough to bump your push cart."

Tinignan ko yung pwesto nya at kung gano kalaki yung daan. Gusto kong sampalin tong lalaki na to.

Kasya pa tatlo push cart!

"Talaga lang ah?" Sagot ko sa kanya.

Tinulak ko ulit yung cart at naningin ng mga pwede pang kunin. Pero nakasunod pala sakin si Kuya'ng blue eyes.

"Boyfriend mo ba yun?" Tanung nya.

"Sino?"

"Yung lalaking kasama mo na may kausap sa phone." sagot nya habang nakaturo sa pwesto ni Keifer na medyo malayo na sakin.

"Hindi noh! Napulot ko lang sa tabi-tabi yan!" Sabi ko at muling naglakad.

"So pwede pala kitang ligawan."

"Hindi." Mabilis kong sagot.

"Why?"

"Why ka dyan. Hindi po kaya kita kilala." Paglilinaw ko.

Tumawa sya at sandaling tumingin sa pwesto ni Keifer.

"Bakit sya napulot mo lang pero sumama ka?" Tanung nya.

Ay bopol!

Akala ba nya totoo yung sinasabi ko na napulot ko lang si Keifer. Kakaiba!

"Bangag kaba? Malamang joke lang yun."

"Hahahaha... I know, I'm just kidding too."

Sandali akong napatingin kay Keifer na may kausap pa rin sa phone. Bumalik ako ng tingin kay Kuya'ng blue eyes. Hawak na nya yung phone nya.

"Tsk! Bad news, i have to go." Sabi nya.

"Great news sakin yun!" Sabi ko at napag-appear ang kamay ko.

Tumawa lang sya at naglakad na paalis. Sakto namang lapit sakin ni Keifer.

"Hinahanap na tayo nila Eman." sabi nya at tinulak na yung push cart.

Sa cashier na kami nagkita-kita. Habang nakapila, pinaliwanag ni Eman na sa kanya muna lahat supply at aagahan namin ang pasok para maayos ang room.

Kailangan pa nga pala naming linisin yung room. Alisin yung mga karton at yero sa likod.

Pagkatapos makuha lahat ng pinamili namin. Sa saksakyan na tinuloy ni Eman ang paliwanag. Kailangan din daw naming maningil sa Section E. Baka masanay ng libre! Mahirap na!

Ako ang unang inihatid nila. Pagpasok sa gate si Aries agad ang sumalubong sakin.

"Asan na yung suot mo kanina?" Tanung nya.

Inabot ko sa kanya yung paper bag. Akala ko titignan lang nya pero nagulat ako ng maglabas sya ng lighter at sinindihan yung short sa harap ko.

"B-bakit?"

Sayang yung short!

"Para hindi mo na masuot pa ulit." Sabi ni Aries at hinintay maabo yung short.

Hanep yan! Baka naman si Keifer at Aries talaga ang magkalahi. Pareho pa silang naiinis sa short ko. Hindi naman sila inaano.

Kawawang short. Sumalangit ka nawa!






Author's Note: Si Michael Aries Fernandez----sungit!

++Don't forget to Vote, Comment, and Share. 😉 ++

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

239K 4.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
80.4K 3.3K 6
This story is inspired by the movie, How To Lose a Guy in 10 days. Isang linggo pag-ibig yarn? Char. ===== Alcantara story.
9.7K 800 4
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...