Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Por Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Más

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

VI : Snooze

81.5K 3.9K 2.4K
Por Serialsleeper


VI

Snooze

Cielo's POV



"Saan ka galing?"


Nang marinig ko ang boses ni Raze ay agad akong napalingon sa direksyon nila. Sa tono pa lang ng pananalita sino ang kausap niya, si Harper na kababalik lang sa silid.


"I just gathered some stuff." Mahinang sambit ni Harper na mahigpit ang hawak sa strap ng backpack na nakasukbit sa kanyang likuran.


"Titingnan ko—" Bago pa man mahawakan ni Raze ang backpack ay bigla na lamang napaatras si Harper at tinaasan ng kilay si Raze.


"I'm on your side." Giit ni Harper, she's dead serious and I don't know if she's been really good at lying but the look on her eyes, it's as if she's telling the truth. I'm not a truth detector or anything, I'm not good at reading actions either, but the years I've spent with having harper as a friend is enough for me to know that despite for her wrongful decisions, there is still goodness within her even if it's located deep within her callus.


"Edi ipakita mo sakin ang laman ng bag mo." Giit naman ni Raze.


Imbes na makinig sa pagtatalo nila, napatitig na lamang akong muli kay Shem na wala paring malay hanggang ngayon. Doctors said he'll be okay and we only have to wait for him to wake up pero siguro mapapalagay lang ako kung magigising siya.


Napatingin ako kay Axel na abala sa cellphone niya. Hiningi niya kanina yung number ni Mira para ibigay sa kapatid niya kaya ang kapatid niya siguro ang ka-text niya. Para siyang naiinis na ewan kaya naman bahagya kong sinundot ang balikat niya.


"What are you doing? Caps locking your sister to death?" Tanong ko pero napabuntong-hininga na lamang siya at napahawak ng mahigpit sa cellphone niya.


"Sinabihan ko siyang tanungin sina Mama sa exact address ng villa para kina Mira, ibibigay niya daw kay Mira. Tinanong ko siya kung nabigay na niya pero nag-reply siya sakin ng emoji na sobrang saya, iba-ibang emoji pero lahat masasaya. Pagkatapos nun hindi na siya nagre-reply o sumasagot ng tawag. Sinusubukan ko ring kontakin yung mga kaibigan kong malapit rin sa kanya pero hindi rin sila nagre-reply." Iritadong sambit ni Axel kaya nakunot ang noo ko.


"I've been kept in total isolation for three years; I know what emojis are pero may iba na ba 'tong meaning nito ngayon? Happy emoji's should nothing to be worried about right?" Naguguluhan kong tanong.


"Puro kalokohan at lakwatsa ang nasa isip ng kapatid kong 'to. Sa isip niya puro pag-eenjoy lang ang importante. Akala niya laging nakakatuwa ang pagiging makulit." Sa sobrang frustration, napakamot si Axel sa ulo niya, "Baka bigla 'tong sumama sa kanila, ilang buwan narin kasi niya akong kinukulit na magpunta doon lalo't laging busy ang mga magulang namin."


"Then tell your parents to keep an eye on her..." Suhestyon ko dahilan para bahagya siyang matawa.


"Ba't di ko naisip yan... Dapat—" Nagtaka ako nang hindi natapos ni Axel ang sinasabi niya. Bigla siyang napatitig sa direksyon ni Shem kaya kahit ako'y napatingin rin dito.


"Si Shem!" Bulalas ko at dali-dali kaming lumapit sa kanya nang makitang unti-unti na niyang idinidilat ang kanyang mga mata. Kahit sina Raze at Harper ay natigil rin sa pagtatalo at dali-dali ring nagsilapit kay Shem.


Animo'y gusto ni Shem na bumangon sa kabila ng labis na panghihina kaya naman dali-daling hinawakan ni Raze ang balikat nito upang manatili itong nakahiga.


"Tinotoo mo na ba talaga yung tukso sa'yo noong highschool na Water Bender?" Biro ni Raze kay Shem. Raze looked relieved seeing Shem okay, atleast ngayon nagawa na niyang ngumiti sa unang pagkakataon matapos mamatay ni Dana.


"S-si Dana..." Wala mang halos boses na lumalabas mula sa bibig ni Shem, pilit niyang iginagalaw ang labi gamit ang kakarampot na lakas.


Naupo ako sa bakanteng upuan para maging malapit sa mukha niya't magkarinigan kami ng maayos, "Churchill and Mira are with her. You don't have to worry... Look I know you want to help but you have to tap out now okay? You have to stay here and rest. We'll call your parents once we leave, hindi narin kami pwedeng magtagal dito." Paliwanag ko pero umiling-iling lamang si Shem. Hindi ko maintindihan bakit pero mukha siyang takot, pero sa kabila nito ay


"N-nakita ko siya..." Gamit ang kakarampot niyang lakas at boses, nagawa parin niyang magsalita.


Otomatiko akong napatingin sa direksyon nina Harper, narinig rin nila ang sinabi ni Shem.


"Nasa park, magkasama sila ni Pip. S-sobra siyang nilalamig..." Natigil sa pagsasalita si Shem at muling nagpumilit na bumangon kaya naman imbes na pigilan ulit ay inalalayan na lamang siya nina Raze at Axel na kapwa naguguluhan.


"Baka naman nanaginip ka lang?" Tanong ni Raze pero umiling-iling ang hinang-hina paring si Shem.


"Teka before anyone could make a wish, dapat munang mamatay. Paano namatay si Dana?" Tanong sakin ni Harper pero kahit ako, hindi walang alam.


"I died before her... Last time I saw her was before I jumped off the bridge and into the water—No wait! She was soaking wet when she made the wish! She could've fallen off the bridge too!" Bulalas ko.


Harper snapped her fingers as if may napagtanto siya, "Dana died by falling off the bridge and drowning. All of us woke up from our own deaths but she never did, so technically she died and went to hell after jumping from that bridge. What if when Shem died the same way she died, the same place she died! Connected him to her hell?"


"Napunta siya sa hell ni Dana?" Naguguluhang sambit ni Axel.


Lalong lumapit si Harper kay Shem, "Shem, did Dana seem week, depressed or sad?"


Huminga ng malalim si Shem at tumango-tango, "Magkasama sila ni Pip sa park pero mukha siyang wala sa sarili, namamaga ang mata at may pasa ang mukha. Binangga siya ng mga skater kaya nalaglag ang gamot niya." Naguguluhang sambit ni Shem.


"Did you talk to her?" Tanong ko. Naguguluhan parin ako kung totoo ngang nakapunta si Shem sa impyerno ni Dana o kung nananaginip lang ba siya pero pag-asa nalang ang meron ako ngayon at lumalakas ito dahil sa sinasabi ni Shem.


"S-sinubukan ko siyang lapitan pero lumalabo ako... yung kamay at paa ko, lumalabo na para bang unti-unti akong naglalaho. Pinilit ko siyang sundan kahit nahihirapan akong kumilos, basang-basa ako ng tubig nun. Pauwi na yata sila nun kaya sumigaw ako ng sumigaw para makuha ang atensyon niya pero biglang sumulpot si Wacky.... Hindi ko alam pero mukhang hindi na siya si Wacky." Paliwanag pa ni Shem.


"Wait Astaroth saw you?! What did he do?!" Bulalas ni Harper na para bang nabahala sa narinig.


"Gusto niyang umalis ako. 'Wag raw akong magulo, 'wag daw tayong manggulo o papatayin niya tayo." Huminga ng malalim si Shem at napahilamos sa kanyang mukha gamit ang nanginginig na mga palad, "Parang naapektohan natin si Dana. Nilalamig siya dahil sa ice box na pinaglagyan ko sa kanya at ang pamamaga ng mukha niya... sinabi sakin nina Mira na nalaglag ni Churchill ang bangkay ni Dana at bumagsak ang mukha nito sa sahig."


"What happened to you next?" Tanong ko.


"Hindi ko alam paano pero sa sobrang takot ko nagawa kong makatakbo. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa water station namin, natanaw ko ang sarili ko... Nakasuot rin ako ng yellow helmet. Sinubukan kong muling lumapit kaso muli na namang nanlabo ang mga kamay ko hanggang sa namalayan ko nalang yung mga paramedics na nakapalibot sakin.. Sumusuka na ako ng tubig."


"Oh shit..." Biglang bulalas ni Harper kaya muli kaming napatingin sa kanya. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya, "They need to be warned. Astaroth could come for them." Aniya pa at dali-daling tinawagan si Mira.


"Magiging ligtas sila kung pupunta lang sila sa villa namin." Sabi ni Axel kaya sa kanya kaming lahat napatingin.


"It's a demon, how could—"


"Mula pagkabata lagi nang nagpapakita sakin si Astaroth, lolo at lola ko lang ang naniniwala sakin kaya gumawa sila ng paraan para 'wag na siyang makalapit ulit sakin. Ang lumang villa na 'yon ang naging kanlungan at tahanan ko sa napakatagal na panahon, nagawa niya lang makapagpakita magsialisan kami doon matapos pumanaw ang lolo at lola ko." Paliwanag pa ni Axel.


All my life akala ko nababaliw ako dahil sa mga nakikita ko mula pagkabata, the visions about Astaroth and the fergullos, I thought back then that none if them were real. Pero ngayon, pagkatapos ng mga nalaman ko mula kay Harper at Axel, alam ko nang si Astaroth ang may gawa nito sa umpisa pa lang. He was trying to reach us, odds are, baka nga sinapian niya ang lolo ko kaya naging ganun kasama. Baka sinadya niya talagang gawing mahirap ang buhay ko para lang magawa kong humiling at mapakawalan siya.


"Mira?!" Nagulantang kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Harper, "Guys what's going on?! Mira! Mira sumagot ka! Anong si Wacky?! Mira!"


"Anong nangyari?" Agad na tanong ni Axel.


"Wacky got to them!" Bulalas ni Harper at dali-daling nagtatakbo palabas kaya kahit kami ay dali-dali naring nagsitakbuhan.


"Teka sandali! Hintay!" Napasigaw si Shem kaya naman lahat kami nagsilingon sa direksyon niya. Hinang-hina man at hirap pang gumalaw, pilit na tumatayo si Shem kaya walang magawa sina Axel kundi alalayan ito.


"Isama niyo ako kung ayaw niyong lagyan ko ng laxative ang mga tubig niyo!" Pagbabanta pa ni Shem.


****


MIRA'S POV


Panay ang pag-ubo ko dahil sa nagkakapalang usok na nalalanghap ko. Para akong sinasakal sa sobrang usok, pakiramdam ko tuloy masusuka na ako sa sobrang pag-ubo. May nararamdaman akong mahapdi sa noo ko kaya unti-unti akong napahawak dito kasabay ng unti-unti kong pagdilat.


"Pusanggalang hinayupak!" Hindi ko na alam anong mura ang lumabas mula sa bibig ko dahil sa sobrang hapdi ng noo ko. Pero dahil sa hapdi, parang nawala ang hilo ko't naging malinaw sa akin ang lahat... Kung paano sinubukan ni Churchill iwasan si Wacky kaya dumiretso kami ng salpok sa isang puno.


Dali-dali akong napasulyap sa tabi ko at nakita ko si Wena na unti-unti nang nagkakamalay. Nakasandal siya sa upuan habang hawak ang kanyang baba.


Napasulyap naman agad ako kay Churchill at nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakasandal pa ang pagmumukha niya sa airbag na nag-deploy matapos kaming bumangga. Hindi ko alam kung nawalan ba siya ng malay o nag-eenjoy sa lambot nito. Leche, ba't si Churchill lang ang may airbag?! Teka si Dana kaya, kamusta—


"Dana!" Napasigaw ako ng maalala ko siya. Labis na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba lalo na nang maalala ko ang huling sinabi ni Harper... Wacky could be coming for us and he did... He wants Dana and we can't let him take whatever's left of our friend.


Para akong lasing na hindi makatayo ng maayos. Parang nanginginig ang mga paa ko't walang lakas kaya imbes na lumabas ng van ay dumaan na na lamang ako sa mismong gitna. Tutal wala rin namang malay sina Gino at Pinky, hindi ko na sila iniwasang mahakbangan makarating lang sa kinaroroonan ng cooler.


Napasinghap ako sa sobrang sakit ng katawan nang tuluyan kong marating ang cooler. Dali-dali kong tinanggal ang mga gamit na inilagay sa tuktok nito ngunit nang akmang bubuksan ko na ang takip nito ay bigla kong naramdaman ang hampas ng hanging dala ng pagkabukas ng pinto mula sa likuran ko.


Naramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat lalo na nang makita ko mula sa gilid ng mga mata ko na nasa kani-kanila paring mga pwesto ang mga kasama ko. If they're still at their seats, then that means....


"H-hi?" Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at unti-unti akong napalingon sa kung sino mang nagbukas ng pinto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung tatakbo ako, sisigaw, magwawala, mananakit o magpapakita na naman ng alindog bilang distraction. Pero lecheng buhay naman eh! Demonyo daw ang sumanib kay Wacky, isang halakhak lang ng demonyo siguro sabog na ang puso ko sa takot.


Mula pagkabata, lagi akong binabansagan ng kung ano-anong kademonyohan bilang tukso. Manananggal, Binibining Tiktik, Mangkukulam, Malnourished na bampira—Kung ano-ano ang tukso sakin dahil nakatira ako sa tabi ng sementeryo at marami daw akong nalalaman sa kabalaghan pero ang totoo interesado lang naman ako sa genre bobo lang sila kasi lakas maka-stereotype. Lagi kong dinarasal noon na makakita ng multo para adventure, kung pwede ko lang talagang masapak ang dating ako...


Nakilala ko lang si Wacky nang araw ng birthday ni Church pero sa kabila nito ay marami na akong narinig na kwento mula kay Churchill. Hindi ko masasabing kilala ko nga si Wacky pero itong lalakeng amboy na nasa harapan ko, alam kong hindi na ito si Wacky. Sa pawang kulay itim pa lang niyang mga mata, alam ko na kung ano siya.


"Mukhang ikaw ang Buena mano ah." Ngumisi siya at animo'y ipinagmayabang sa akin ang hawak niyang kutsilyo.


"S-she's dead and ugly, wala siyang pakinabang." Hindi ko alam kung narinig niya ba o naintindihan ang mga nasabi ko dahil sa sobrang utal ko.


"At ganun ka rin." Nakita ko siyang mas humakbang pa papalapit at bumwelo ng animo'y saksak kaya naman ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinintay ang pagbulwak ng dugo mula sa katawan ko. Umasa ako ng sakit na dulot ng saksak, bagkus, sakit na dulot ng pagbaksak lang ang naramdaman ko. Itinulak niya ako kaya humampas lamang ako sa likuran ng upuan at muntikan pang matumba patungo mismo kay Gino at Pinky, una ang ulo sa sahig.


Naguguluhan ako kasi wala akong nararamdamang hapdi kaya naman unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.


Hindi ako nakakilos. Hindi ako nakapagsalita. Naiwan lamang na nakaawang ang bibig ko dahil nakikita.


Si Dana... Bahagyang nakabangon mula sa cooler. Basang-basa at nanginginig dahil sa labis na lamig. Nakadilat. Humahangos. Humihinga at buhay na buhay.


Nagbaba ako ng tingin sa kamay niyang nanginginig at tuluyan akong naluha nang makitang hawak na ni Dana ang kutsilyong ako sana ang tatamaan... She pushed me away and managed to get a grip on the knife with her bare hands.



END OF CHAPTER 6!

Note: To confirm, ang sinabi ni Shem na nakita niya habang namatay siya ay yung nangyari sa book 2 nang nasa park sina Dana at Pip.

Bakit hindi namention sa book 2 na nasa park rin si Shem noong chapter na nasa park din sina Dana at Pip? Malamang ayokong ma-spoil ang twist sa book 2 at essence ng events sa book 3 haha.

Bakit nagising si Dana eh hindi pa siya nare-rescue nila Cielo?! Mapapaliwanag rin ang lahat kaya kalma lang hahaha.

Will update as soon as I can. Sa ngayon busy lang talaga ako sa trabaho so I hope you guys will understand. Salamat lalo na sa lahat ng mga matyagang naghihintay, you guys are the best! :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Seguir leyendo

También te gustarán

Runaway Por Reynald

Misterio / Suspenso

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...
106K 8.3K 98
A MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's...
100K 6.1K 60
Tarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and s...