XXII. CHRISTMAS BALL
Pagkatapos ng Charity events naging extra sweet at caring sa akin si Mark. Nalulunod ako sa pag aalaga niya sa akin kaya naman lalo ko siyang minamahal at sana dumating din yung time na masabi niyang mahal niya ako. Di ko tuloy maiwasang mapangiti pag naalala ko ang mga kasweetan ni Mark.
*flashback*
Nasa kalagitnaan ako ng klase ng bigla itong kumatok sa classroom ko.
"Yes Mr. Fuentabella?" nakangiting bungad ng prof ko sa kanya.
"Ma'am pwede po ba munang makaistorbo saglit may importante lang po akong iaanounce." abot hanggang tenga ang ngiti nito.
"Sure Mr. Fuentabella at mukang hindi ka rin naman mapipigilan." nagpasalamat ito at tumuloy na sa classroom namin, lahat ng mata ay nasa kanya lalo na ang mga babae. Hindi rin kaila sa buong campus ang relasyon namin ni Mark yun nga lang ang alam ng iba eh fiance ako ni Mark at hindi asawa.
"Hi everyone!" masiglang bati nito sa lahat at yung mga fan girls niya kuntodo kilig naman.
"I’m here in front of this class to make an very important announcement." tumigil ito saglit bago nagpatuloy pero nakapako ang mga mata nito sa akin.
"Gusto ko lang po malaman ninyo na this is the best year of my life, as you all know that Janine Faye is my fiance." kinakabahan ako sa mga pinagsasabi ni Mark pero hindi rin mapigilan ang kilig na umuusbong sa pagkatao ko.
"Janine, thank you for understanding me in times of trouble, thank you for taking care of me, thank you for coming into my life. I don't have any regrets for loving and choosing you." muli ito tumigil, tumatak sa isip ko ang sinabi niya loving me?
"I promise to take care of you and to love you with all my heart my dear wife. Sorry for the bad times i hope you forgive me. This is for you babe, i love you!" nagsigawan ang mga classmate ko at inulan ako ng pang aasar. Pumasok din sa room ang isang kaibigan ni Mark which is Ben with guitar at may dalang bulaklak, inabot nito ang bulaklak kay Mark and he start playing the guitar at mukang haharanahin ako ni Mark. Kanina ko pa pinipigilang umiyak sa sobrang saya finally sinabi nya na rin ang three magic words na matagal ko ng hinihintay na sabihin niya.
i remember so well
the day that you came into my life
you asked for my name you had the most, beautiful smile
my life started to change i'd wake up each day feeling alright,
with you right by my side,
makes me feel things will work out just fine
Lumakad ito at pumunta sa upuan ko, hinila ako nito patayo at dinala sa harapan, hindi ko na magilang umiyak dahil sa sobrang saya ko. Pinunasan niya ng luha ko at hinalikan ako nito saglit sa noo at nagpatuloy ito sa pagkanta habang nakatingin sa mga mata ko na para bang kami lang ang tao sa mudo.
how did you know
i need someone like you in my life
that there was an empty space in my heart
you came at the right time in my life
i'll never forget, how you brought the sun to shine in my life
and took all the worries and fears that i have
i guess what i'm really trying to say
it's not everyday that someone like you comes my way
no words can express how much i love you.
"I love you Janine." inabot niya sa akin ang bulaklak at muling pinunasahan ang luha ko.
"I love you too Mark." I tip toed to give him a quick kiss on his lips, mukang nagulat ito sa ginawa ko pero nakangiti ito at he also gave me a smack kiss on my lips. Lalong nag ingay ang mga classmate ko sa pangunguna ni Anne, para naman akong nahiya dahil pagtingin ko sa labas ng pintuan marami rin palang estudyante ang nanonood sa amin.
"So my dear wife would you be my partner for upcoming Christmas ball?" nakangiting tanong sa akin ni Mark.
"Do i have a choice husband? Of course ikaw ang partner ko." Kung pwede lang akong magtatalon sa sobrang saya ay ginawa ko na. Finally!
"Mr. Fuentabella kanina ka pa wife ng wife kay Ms. Gonzales. Mga kabataan talaga kakaiba na." singit ng prof namin pero nakangiti din nman ito.
"Oh that!" mukang may naalala ito, may kinuha ito sa bulsa nito nagulat ako ng tuluyan niyang ipakita ito sa akin, ang wedding ring namin.
"Regarding on that Ma'am, We're married for four months na po technically po Fuentabella na ang surname niya. And babe i want us to wear this ring forever." isinuot nito sa daliri ko ang singsing at ganoon din ang ginawa ko sa kanya and he kissed me again.
Halata ang gulat sa mukha ng mga nakapaligid sa amin sa revelation ngayon ni Mark. Sobrang saya ko kasi hindi ko dapat pang itago ang totoong estado ng relasyon namin ni Mark, pero mas masaya ako ng malamang mahal nya din ako.
*End of Flashback*
"So you're awake huh, what's with your smile babe." naramdaman kong tumabi sa akin si Mark sa kama.
"Hindi pa rin kasi makapaniwala na mahal mo ako." nilingon ko siya sa tabi at napalunok ako ng makita kong half naked ito. Hinaplos nito ang hubad kong likod na naghatid naman ng bolta boltaheng kuryente sa aking katawan.
"Manhid ka lang kasi." bulong nito sa akin at hinahalik halikan nito ang leeg ko.
"Kailan mo narealize na mahal mo ako?" tanong dito at pilit na nilalayo ang sarili ko sa kanya pero lalong humigpit ang pagyakap nito sa akin, he planted soft kisses on my face.
"Bago mo pa narealized na mahal mo ako." sagot nito at sinakop na ng labi nito ang labi ko. nilipad na ng hangin ang mga dapat ko pang itanong dito.
"Babe how do i look?" tanong ko kay Mark pagkababa ko sa sala. Nakita ko sa mga mata nito ang paghanga.
"Wow! You look stunning babe, wag nalang kaya tayong pumunta sa Christmas ball. Dito nalang tayo sa bahay." anito at niyakap ako.
"Bakit naman?" pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito, he is really a man with full of authority idagdag mo pa ang gwapong mukha nito I really love this man.
"Marami nanamang titingin sayo dun, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko ang mga iyon." Possessive ito pagdating sa akin, may tumingin lang sa akin nagagalit na ito, kulang nalang hamunin niya ng suntukan ang bawat lalaking tumitingin sa akin.
"Silly! I’m yours babe at ikaw kahit gaano pa karaming babae ang tumingin sayo mamaya you're mine okay!" pinisil ko ng may pang gigil ang pisngi nito.
"Of course!" hinawakan nito ang nasaktang pisngi dulot ng pagkakapisil ko.
We went together sa school, at as expected head turner talaga kaming mag asawa. Alam na sa buong school na mag asawa kami ni Mark, may nainggit, may natuwa at may mga kinilig din naman.
Everyone is enjoying the party may mga lumalapit sa akin para yayain akong mag sayaw pero tingnan palang ni Mark ang mga ito ay umaatras na din.
"Jealous my dear husband?" I teased him kasi hanggang ngayon nakasimangot pa rin ito.
"Sabi ko naman kasi sayo babe dapat hindi na tayo pumunta, baka makapatay pa ako ng mga lalaki dito na halos hindi na alisin ang mga mata sayo." Lalo ko siyang minamahal sa pagpaparamdam niya sa akin kong gaano niya ako kamahal, kahit seloso ito.
"Babe, hanggang tingin lang naman sila." Humilig ako sa balikat nito.
"Okay, so let’s dance babe." inalalayan ako nito pagtayo hanggang sa makarating kami sa dance floor.
"You're so beautiful wife." bulong nito sa akin habang marahan kaming sumayaw.
"Gwapong gwapo ka rin naman babe eh." Puri ko sa kanya, natuwa naman ito sa narinig.
"Hey you! Slut!" napalingon kami sa sumigaw we saw Abby, mukang lasing ito at may hawak pang baso na may lamang wine.
"Mang aagaw ka! Inagaw mo si Mark sa akin! Pinikot mo siya para pakasalan ka. Akala mo kung sino kang mahinhin, you bitch!" parang wala ito sa sarili.
"Abby stop it!" pigil ang pagsigaw ni Mark dito.
"Inagaw ka niya sa akin" akmang susugod ito ng may lumapit dito para pigilan siya it was Drei.
"Wala siyang inagaw sayo Abby. I love her so itigil mo na ito!" hinila palayo ni Drei si Abby.
"Hindi pa tayo tapos! Babalikan ko kayo sisirain ko kayo!" parang baliw ito, tumatawa pa ito habang inilalayo ni Drei sa amin.