Last Known Surrounding

Від FriagneAglia

3.1K 57 2

If all the memories are gone, who can I trust? Більше

Prologue
LKS 1: Scared and Lost
LKS 2: Getting closer
LKS 3: Once again
LKS 4: Fragments and recognition
LKS 5: Love and Trust
LKS 6: Verity
LKS 7: Devora
LKS 8: Going back to my real home
LKS 10: Coming back to senses
LKS 11: Do the right thing
LKS 12: Epilogue

LKS 9: First human I've ever noticed

145 2 0
Від FriagneAglia

"Isa siya sa nahuli namin, mahal na reyna."

Nadapa sa harapan ko ang isang ginang na kinaladkad ng mga kawal pagkahuli nilang tinataboy paakyat sa ibabaw ng dagat ang mga endangered species na pilit naming pinaparami rito sa Proserpina.

"Paano mo napapalabas ng sacred bubble ang mga isda na iyon?" tanong ko sa babae na umiiyak sa harapan ko. Ang sacred bubble ay ang mas malaking bula na sumasakop sa buong kastilyo at sa nakapaligid dito upang protektahan ang mga sirens sa panganib at ganoon na rin ang mga prinoprotektahan naming mga yamang dagat na nanganganib ng mawala at kakaiba sa lahat. Isa itong malaking barrier upang kapag may nagawing tao o kung anupamang magdudulot ng kapahamakan sa Proserpina ay walang makikita kundi dagat lamang.

Ilusyon lang kumbaga tulad ng pagkakakilala ng mga tao sa mga sirens o mermaids. Ang pagkakaalam nila ay magaganda at kahali-halina ang mukha ng mga katulad namin ngunit hindi iyon totoo. Kakaunti lang sa lahi ng mga sirena ang may itsura at karamihan pa roon ay dugong bughaw tulad ko at ni Gordon. Totoong nakikita ng mga tao gamit ang kanilang mga mata na magaganda sa pisikal na anyo ang mga sirena ngunit ilusyon lamang iyon. Isa iyon sa mga kakayahan ng mga sirens na napansin ko dahil kahit ako minsan ay nalilinlang noon.

"Hindi ko po alam ang sinasabi nila, mahal na reyna! Ako po ito si Vienna--"

"Manahimik ka! Mahiya ka sa iyong mga kasinungalingan sa harapan ng reyna!" galit na turan ng kararating lang na si Gordon. Napailing ako at hinayaan na si Gordon na magpasya sa gagawin sa traydor. Patuloy naman itong umiiyak at nakatingin sa akin. Tinitigan ko lang siya.

"Dahil sa ginawa mo ay inaakusahan kang isa sa mga traydor sa ating kaharian at dahil doon ay nararapat ka ng maglaho." salita pa ni Gordon. Dumating naman sa gilid ko si Paloma at tinanguan lang ako bilang pagsang-ayon.

"M-mahal na reyna! Maawa po kayo!" Iyak ng babae na iyon at nagtatakbo papalapit sa akin. Nayakap niya ang mga paa ko at kaagad naman siyang nailayo ng mga kawal sa akin.

"Mahal na reyna," natingin ako sa nagsalita at bumukas ang pintuan ng kastilyo. Tatlo ang mga sirenang dala-dala ng mga kawal at ang nagpalaki ng mga mata ko ay ang huling pumapasok na si Gideon na walang malay.

"Heto na po ang mga traydor at ang kanilang kasamahang tao."

"A-anong nangyari sa isang iyan?" turo ko kay Gideon na hawak-hawak ng dalawang kawal.

"Nawalan lamang ng malay dahil sa pwersa ng tubig dito, kamahalan."

Kaagad akong gumawa ng bubble mula sa aking bibig at pinalipad iyon papunta sa ulo ni Gideon nang sa ganoon ay makakuha siya ng oxygen doon.

"Devora..." Gordon hissed at me. I looked at him.

"I can't let him die easily, Gordon."

"Mahal na reyna! Wala po kaming kasalanan!" Iyak ng mga babaeng bagong dating at tinawag ang pangalan noong kanina pa nagmamakaawa sa akin.

"Magsitahimik kayo! Nahuli na kayo't lahat ay magsisinungaling pa kayo sa reyna? Lapastangan!" sigaw naman ni Paloma. Iginitna na ng kawal ang babaeng nagngangalang Vienna at pilit kinuha ang kwintas nito sa leeg. Panay naman ang palahaw ng mga kasamahan niyang traydor.

"Mahal na reyna, maawa ka sa kanya!"

"Inosente siya sa lahat ng ito, mahal na reyna!"

"Tanggap ko na ang mangyayari sa akin ngunit sana naman mahal na reyna ay malaman mo kung sino talaga ang tunay na may pakialam sa'yo at tunay na nagmamahal..." She said it while looking at my eyes. The guard slapped Vienna on her face that made her sat on the floor. Doon naman binuhos ng kawal ang buong tubig sa paa nito kasama ang pulang likido. Ilang minuto lang ay nangingitim na ang buntot niya, paunti-unti hanggang sa magkulay itim na ng buo at natuyo na ang kanyang balat. Napapikit ako ng dahan-dahan na siyang naglaho na parang ashes na nahanginan. Lumakas ang iyak ng ibang sirena.

"Ilagay na ang susunod sa gitna."

"Gordon," pagpigil ko at binukas ang mga mata. Hindi ko na nagawang tumingin sa mga sirena na iyon dahil nakakaramdam ako ng awa na hindi naman dapat. "Sa susunod na sila. Pansamantala muna silang ilagay sa kulungan."

Pagkasabi ko noon ay umalis na ako ng court room dahil mabigat ang loob ko sa pagkamatay ng Vienna na iyon. Naaalala ko ang mga mata niyang may pinaparating at ang huli niyang sinabi na hindi ko maintindihan. Napailing na lang ako at nagtungo na lamang sa aking kwarto.

-----------------

May dalawang pagkamatay sa mga sirena: una ay ang pagkamatay sa sakit, sa sugat o sa saksak ng mga matalim na bagay tulad ng sa mga tao. Pangalawa ay ang paglaho at pagiging sea foam ng karagatan.

Ilang araw na ang lumipas pagkaraan ng pagkamatay ng Vienna na iyon ngunit hindi ako makatulog sa gabi ng maayos dahil napapaginipan ko ang nangyari sa kanya at ang mga sinabi niya. Napabangon ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng aking silid. Madilim ang hallway ng kastilyo ngunit hindi ko iyon ininda. May naaninaw naman ako kahit papaano. Gusto ko lang maglakad lakad upang mawala ang napaginipan ko.

Napunta ako sa court room kung saan ako araw-araw na naglalagi. Kahit nasa akin na ang mga traydor ay may mga sirens pa ring ayaw sa akin. Siguro ay kailangan ko na talagang tanggapin ang alok na kasal ni Gordon kahit hindi ko pa naaalala ang lahat.

Napakunot noo ako ng may marinig na iyak ng bata mula sa left wing ng kastilyo. Naglakad ako papunta roon at nakitang nakabukas ang pintuan nang palaging nakasarang silid bago ang sa kwarto ni papa. Nagtaka ako dahil doon nanggagaling ang iyak ng isang sanggol.

Pumasok ako sa loob ng marahan dahil kinkabahan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang loob ng kwarto ay naglalaman ng isang kabibe lamang sa gitna. Nilapitan ko iyon at nakita ko ang isang batang babae na umiiyak. My eyes got teary as I looked at the baby.

Kukuhanin ko dapat ang bata ng biglang umilaw ang nasa leeg nito at napapikit ako sa sobrang liwanag....

"Hindi ito tama. Pumatay ka!" takot kong saad kay Gordon ng patayin niya gamit ang kanyang lanseta ang matandang mangingisda na nagawi sa lugar namin.

"Para sa ikabubuti natin iyon. Para sa ikabubuti ng lahi natin..." sagot niya at lumangoy na pailalim ng dagat. Sinundan ko naman siya.

"Pero hindi iyon tama!" salita ko sa isip niya. Mabilis naman siyang sumagot. "Kung hindi tama ang ginawa ko, ano ang sa tingin mong tama? Muntik na niya tayong patayin, akala mo ba! Pasalamat ang babaeng kasama niya at nakaligtas kung hindi..."

"Sasabihin ko ito sa aking ama. Hindi ko kayang manahimik na lang!" sigaw ko pa sa kanya sa isipan. Huminto ako sa paglangoy at ganoon din siya. Nilingon niya ako ng itim niyang mga mata na nagsasabi ng kapahamakan. Kumalabog ang dibdib ko.

"Sige, sabihin mo sa ama mo nang ikaw naman ang isusunod ko!"

Nang sabihin ko iyon sa aking ama ay nagalit pa siya sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Kami naman talaga ang mali noon ngunit pinatay pa rin ni Gordon ang matandang lalaki.

"Naaawa ako sa mga tao, papa. Hindi dapat sila namamatay ng dahil sa atin."

"At ano? Tayo ang mamamatay sa kamay nila? Mag-isip ka nga, Devora. Kagayang kagaya ka ng iyong ina, napakalambot ng puso kung kaya't inabuso ng mga tao ang karagatan! Kung hindi niya hinayaang manguha ng manguha ang mga sakim na tao na iyan ay hindi mauubos ang mga yamang dagat! Hindi tayo madidiskubre ng mga tao, hindi nila tayo hahanapin at ibebenta sa kung saan saan!"

Napayuko ako sa sinabi ni ama. Noon ay malayang nakakalangoy ang mga lamang dagat sa kung saan parte ng karagatan dahil sa utos ng aking ina, kung kaya't naging sagana ang pangingisda ng mga tao sa karagatan. Sa paglipas ng taon ay nauubos ang mga isda at ang iba pa dahil na rin sa hindi marunong maghintay ang mga tao sa pagdami ng mga isda at iba pang kinakain nilang lamang dagat. Ang iba pang tao ay gumagamit ng mga dinamita na nakakasira ng coral reefs kung saan tumitira ang mga isda.

Sa kagustuhan ng aking ina na mailigtas ang mga natitirang lahi ng mga yamang dagat ay nag-utos siya ng mga kawal na magdadala pabalik sa mga ito sa Proserpina. Ang lugar kung saan ligtas ang mga nabubuhay sa dagat dahil sa sacred bubble na pumapalibot sa buong kaharian.

Sa kasamaang palad ay bago pa makalayo sa abot kayang matanaw ng mga tao sa karagatan ay nakita ang imahe ng lahi naming kalahating tao at kalahating isda. Doon nabuo ang konseptong sirena at naging laman na iyon ng mga usapan sa lupa. Nagkaroon tuloy ng galit ang mga kapwa ko sirena sa mga tao dahil sa kasakiman at pang aabuso sa karagatan, at mas lalo iyong nag-alab ng may mahuling sirena ang mga tao at ginawang katatawa sa tinatawag nilang perya at pinagpapatay.

Kung hindi dahil sa kapabayaan ni ina noon ay baka walang gulo na nangyayari ngayon. Hindi ko naman masisi ng lubos ang aking ina dahil ginawa lang naman niya ang tungkulin niya bilang reyna hindi lang ng Proserpina kundi ng buong karagatan.

Ang mga sirens ay taga alaga ng dagat at hindi tagapaslang ng mga tao. Naniniwala ako na hindi naman lahat ng tao ay sakim at mapang abuso kaya ang laki ng pag-alma ko sa inuutos nila ama na akitin ang mga naglalayag sa karagatan ng nakakahalinang boses ng mga sirena upang ikapahamak ng mga tao at ikamatay. Mas mabuti na raw na ang mga tao ang maubos kaysa kaming nasa dagat. Hindi naman ako sang-ayon doon.

Kung sana lang ay buhay pa si ina ay alam niya ang gagawin. Siya pa rin sana ang namumuno at hindi ang aking ama na kaparehas na rin nang sinasabi niyang mga tao na sakim at makasarili. Makasarili ang mga desisyon niya. Hindi naman dapat umabot pa sa pagpatay ng mga inosenteng tao ang solusyon sa problema niya.

Lumangoy pa ako ng lumangoy papunta sa ibabaw ng dagat hanggang sa naririnig ko na ang boses ng mga sirenang umaawit sa ibabaw ng bato. Tuwing hatinggabi ay ganoon palagi ang ginagawa ng isang babaeng sirena dahil sa utos ni ama.

"Papatunayan ko sa tamang panahon kay ama na hindi lahat ng mga tao ay masama." salita ko pa at lumangoy sa may pampang. Walang tao sa tabing dagat dahil siguro tulog na ang mga tao. Nang makarating ako sa pampang ay tinignan ko ang mga bituin at ang buwan sa kalangitan. Takas lang ang pagpunta ko rito sa ibabaw ng dagat ngunit sulit naman iyon. Ang ganda pala ng kalangitan kapag gabi.

Nakarinig ako ng yapak ng mga paa kaya kaagad akong lumangoy papuntang dagat kung saan natatakpan ang buntot ko. Paalis na dapat ako ng may makakita sa aking isang lalaki. Takot ang nasa sistema ko.

"Miss, are you okay?" Ang boses ng lalaki ay nag-aalala at napaisip kaagad ako. Bakit siya mag-aalala sa isang katulad ko? Isa siyang tao...

Kung ganoon ay hindi naman lahat ng tao ay masama di ba? Ngunit kailangan ko pa ring mag-ingat. Baka mamaya ay pagpapanggap lang ang pag-aalala niya. Panay ang layo ko sa kanya ng dahan dahan siyang lumublob sa tubig.

"Huwag kang matakot. Hindi kita sasaktan..." mahinahon ang boses niya at nagsusumamo. Napailing ako at aalis na dapat ng bigla akong makaramdam ng hilo.

"Miss, okay ka lang? Miss--" iyon ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. Nagising ako ng nasa tabing dagat na muli ako. Nasa gilid ako ng mga bundok at nakasandal sa isang malaking bato. Ang buntot ko ay nadadampian ng alon na nakakarating ng pampang.

"Ayos ka na ba, miss?"

Nanlaki ang mata ko ng lumabas sa may malaking bato ang lalaki at naupo sa tabi ko. Aalis na dapat ako ng hawakan niya ako sa braso. Napapitlag ako.

"Huwag kang maingay, baka makita ka ng mga mangingisda."
Nanlaki ang mga mata ko at mas pinasandal pa niya ako sa malaking bato. Doon ko naman narinig ang boses ng mga taong malapit sa kinaroroonan namin. Kabang-kaba naman ako.

"Muntik pa tayong mapahamak ng mga sirena na iyan! Mga salot talaga sa karagatan!"

"Hayaan mo at mawawala rin ang mga iyan. Magpahinga na tayo ng bukas ay may makuha pa tayo ng maaga."

Katahimikan ang sumunod na bumalot sa buong isla at doon ako napahinga ng malalim. Akala ko ay mamamatay na ako.
"Anong pangalan mo? Ako nga pala si Gideon." salita ng lalaking tumulong sa akin. Tinignan ko lang ang kamay niyang nakalahad. Napatawa siyang ibinaba iyon.

"Hindi ba kayo nagsasalita? Sayang naman."

"Hindi ko maaring sabihin ang pangalan ko." mahina kong turan. Bawal sabihin ng mga sirens ang pangalan nila sa mga tao dahil kataksilan iyon sa aming lahi. Napatango siya at napaisip.

"Kung ganoon, ako na lang ang magpapangalan sa'yo. Okay lang ba?" Napakunot ang noo ko sa kanya. He laughed. "Serafina. Iyon na lang ang pangalan mo rito sa lupa, sa tingin mo?"

Hindi ako umimik. Serafina...

"Kailangan ko ng umalis, ginoo."

"Gideon. Gideon ang itawag mo sa akin."

Tumango ako ng bahagya. "Salamat, Gideon sa kabutihan mo."

"Walang anuman. Bumalik ka ha. Hihintayin kita."

Hindi na ako nagsalita pa at lumangoy na palayo sa tabing dagat. Nang nasa malayo na ako ay nilingon ko ang lalaki at nakatayo siya habang pinagmamasdan ako. Napailing na lang ako at sumisid na pababa ng dagat.

Hindi ko alam kung bakit simula ng gabing iyon ay nakasanayan ko ng tumakas sa kastilyo at pumunta sa pampang upang makausap ang lalaking nagngangalang Gideon. Sa araw-araw naming pag-uusap ay mas nakilala ko siya at marami akong nalaman tungkol sa mga taong katulad niya.

"Hindi naman lahat ng tao ay masama. Mayroon ding likas na mabuting tao, nagpapakabuti, nagbabago. O kaya naman ay halo ng kabutihan at kasamaan. Iba-iba ang ugali ng tao, Sera." pagkwento pa niya. Napatango na lang ako. Nasa may tagong lugar kami ng tabing dagat ng sa ganoon ay walang makakita sa akin.

"Pero sa tingin ko ay mabuti kang tao, Gideon."

Tumaas ang sulok ng bibig niya at napatingala sa kalangitan. "Siguro. Ayoko namang mag-angat ng sariling bangko."

Nangiti lang ako. Tumingala rin ako sa kalangitan. Marami na namang mga bituin. "Nga pala, Sera, totoo bang nagkakaroon kayo ng mga paa?"

"Oo." Tumango pa ako sabay taas baba ng buntot ko na nagpatalsik ng tubig sa pwesto ni Gideon. Natawa ako ng napasimangot siya dahil nabasa ang damit niya.

"Sana kahit minsan makapagpalit ka naman para maipakita ko sa'yo ang ganda rito sa lupa, Sera." sinabi niya iyon ng nakatitig sa akin. Napayuko naman ako at nawala ang ngiti sa labi ko.

"Matagal pa bago ko makuha ang kwintas, Gideon. Iyon kasi ang paraan para magkapaa ako. Dalawang taon pa bago ibigay sa akin ni ama." Madali ko naman ng nasasabi sa kanya iyon dahil kilala ko naman na siya at magkaibigan na kami ng matagal.

"Kung ganoon maghintay tayong dalawa, Sera hanggang sa magkapaa ka na. Ipapakita ko sa'yo ang mga magagandang tanawin bukod sa dagat." Sinabi niya iyon ng para bang hindi ako iba sa kanya. Na para bang tao lang din ako katulad niya. Hindi ko akalain na makakakilala ako ng isang tao na katulad niya. And I am happy. So happy to met him unexpectedly and he turns out to be my first friend, first love.

Продовжити читання

Вам також сподобається

Acacia's Fate Від shlisara

Підліткова література

1.6K 88 19
Kaya mo bang magmahal ng isang taong mahirap mahalin? Noong una pa lamang makita ni Rosalind Luna Concepcion si Winston Nash Ravalez, nakaramdam na a...
Alpha Omega Від Yam

Фентезі

10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...