A Wife's Cry

barbsgalicia tarafından

48.7M 494K 123K

Twenty-four-year-old hotel heiress, Vanessa Rio Perez was never loved by her husband, Allen Travis Fajardo, c... Daha Fazla

Author's Note: Wattpad Originals
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 31
Chapter 32 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 46 [SPECIAL CONTENT: HIS SIDE]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE

Chapter 7

1.1M 14K 6.2K
barbsgalicia tarafından

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

"TANGINA MO, ANONG ginagawa mo rito?" Sinugod agad ni Allen si Zian at akmang sasapakin ito, pero buti na lang humarang kaagad si Leila.

"Hep, hep!" Dinipensa ng pinsan ko ang magkabila niyang mga kamay.

Natigilan naman si Allen. Pero kitang-kita ko pa rin ang gigil niya dahil sa panginginig ng kamao niya.

Kinakabahan ako! Ngayon na lang ulit ako kinabahan at natakot nang ganito. First was when Allen caught me and Zian. And now, this! Kaming tatlo na naman. Bakit ba kasi kailangang sumulpot ni Zian sa ganitong pagkakataon!

Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Nag-aalala ako sa maaari nilang gawin sa isa't isa, lalo na ni Allen. Alam kong napakalalim pa rin ng galit nito kay Zian. I want to run to him now and calm him down because I know he won't be able to control himself. Kaso natatakot ako na baka ako ang masaktan niya.

Si Zian naman, hindi ko siya matingnan nang diretso. Pero bakas ko ang pag-aalala sa kanya nang tingnan niya ang itsura ko mula ulo hanggang paa. Hindi naman ako baldado o ano, pero kung tingnan niya ako ay parang malubha ang kalagayan ko. Balewala nga lang sa kanya ang ginawang pagsugod sa kanya ni Allen.

"Get this asshole out of here," biglang utos ng asawa ko kay Leila. Nakapikit nang madiin ang mga mata niya na para bang hindi niya maatim na makita ang dating kaibigan.

Ang bilis namang nag-react ni Zian. Ngumisi ito. "'Asshole'? Are you referring to yourself, Allen?"

"Tangina, anong sinabi mo?!" Kinwelyuhan ni Allen si Zian at gigil na gigil na hinigit!

"Tama na!" Bigla namang sabat ni Leila at hinila palayo ang asawa ko. "Pwede ba, kung mag-sasapakan kayo, do'n kayo sa labas! Wag dito. Mahiya naman kayo kay Vanessa. Na-ospital na nga, ganyan pa ang mga asal niyo!"

Pero katulad ng inaasahan ko, hindi nakinig si Allen. Tinanggal lang nito ang pagkakahawak ni Leila at kasunod no'n ay tinulak niya nang malakas si Zian sa dibdib.

Napaatras si Zian nang bahagya, pero bumawi kaagad at tinulak din ang asawa ko.

"Woah, easy guys!" Muling pumagitna si Leila sa dalawa.

"Puta wag ka ngang makialam!" sigaw na ng asawa ko.

Natigilan tuloy si Leila at halos mapanganga.

"Ikaw!" Tinuro ni Allen si Zian pagkatapos. "Umalis ka na. Bago pa magdilim ang paningin ko at kung anong magawa ko sa'yo."

Pero parang hindi naman natinag si Zian. Ngumisi pa ulit ito, tapos tumingin sa 'kin. "Ito ba ang lalaking pinakasalan mo, Vanessa? Look at you. You're here at this place because of this man."

Mas nanginig sa galit ang asawa ko lalo na nang magsimula nang maglakad sa Zian papunta sa 'kin.

Allen shut his eyes tight to control himself. "One more step and I'll kill you."

Sinenyasan ko na si Leila para pigilan na ulit ang asawa ko at sinunod naman niya. Hinila niya paatras si Allen sa braso. "Tama na."

"No, Leila. Let him," maangas na sabat naman ni Zian habang nakatingin na ulit kay Allen. "Kasi kahit naman patayin pa niya ko ngayon, hindi na no'n mababago ang katotohanan na minsan ding naging akin ang asawa niya."

Pinanlakihan ako ng mga mata!

Tumindi ang pagkapikon ni Allen. Muli nitong hinigit si Zian sa kwelyo. "You're really an asshole! You're full of talk shits. Lumaban ka nang patas. Lalaki sa lalaki!"

"Sige!" Agad na inalis ni Zian ang pagkakahigit ni Allen sa kwelyo niya at tinulak ito sa balikat. "Tara sa parking lot, ano?"

"Tangina, akala mo uurungan kita?" Tinulak din ni Allen si Zian sa dibdib.

"Oo, tama!" Sumabat naman ulit ang pinsan ko. "Do'n kayo sa labas! Ang tatapang niyo, ah? Sige, magpatayan kayo hangga't gusto niyo. Pero wag dito. Nakakahiya kayo. May mga pasyente sa kabilang kwarto, sigawan kayo nang sigawan! Lumabas kayo, labas!"

Napahilot na ako sa noo ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga pinaggagawa nila.

Is this really happening? Kung ganito lang pala ang mangyayari sana hindi na muna ako nagising. They're doing all these in front of me! Parang hindi ako makapaniwala. Parang hindi totoo.

Si Zian ang unang umatras. Inayos nito ang suot na damit at saka inangasan ang asawa ko. "Hihintayin kita sa labas."

Sinundan ko lamang siya ng tingin habang naglalakad ito palabas ng silid.

Diyos ko, ang tapang niya para hamunin ang asawa ko nang gano'n! I've witnessed them duel many times before at kahit kailan hindi siya nanalo kay Allen. My husband was stronger and tougher than him. Ano bang nagpapalakas ng loob niya ngayon?

Nalipat ko ang tingin ko sa asawa ko. At kinabahan na lang ako nang makita na ang sama ng titig niya sa 'kin. Para bang sasaktan o sisigawan niya ako ano mang oras.

Buti na lang hinarangan agad siya ni Leila. "Oh, anong tingin 'yan, Allen? Walang kasalanan si Vannie rito, ha. Hindi siya ang kaaway mo. Ando'n." Tinuro nito ang direksyon kung saan lumabas si Zian.

Doon lang tila natauhan ang asawa ko. Pumikit ito nang madiin bago ako muling tiningnan nang matalas. "You stay here." Tapos mabilis na ring lumabas.

Napabalik na lang ako ng higa rito sa kama. Gusto kong pakalmahin ang sarili ko, pero hindi talaga ako mapakali!

Hindi ko na lang namalayan na napaiyak na naman ako. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Patong-patong na. Ang totoo, hindi naman talaga si Zian ang sumira sa buhay namin ni Allen eh. Ako. Dahil lang sa kasalanan ko, kailangan pa silang umabot sa ganito. Humikbi ako at tsaka ko naramdaman si Leila na lumapit sa 'kin.

Hinaplos niya ako sa buhok. "Relax lang, Vannie. Everything will be okay."

Tiningnan ko siya. "Bakit mo naman sila hinayaan nang gano'n? Ikaw pa 'tong naging promotor."

Napabuntong-hininga siya. "Hayaan mo na sila."

"No! Sana pinag-usap mo na lang silang dalawa. Ayokong masaktan pa si Allen. Asawa ko pa rin siya kahit na anong mangyari."

"Ano bang ine-expect mo? Na magsisigawan lang sila hanggang sa may mag-walk out? Syempre hindi. Mga lalaki 'yong mga 'yon. Mas pipiliin nilang magsuntukan para mailabas ang mga galit nila."

"You really don't know my husband. You don't have any idea what he can do! Baka mapatay niya si Zian, eh. Alam mo naman kung gaano kagalit 'yon sa kaibigan niya."

"Mag-relax ka nga lang. Kanino ka ba talaga concerned ha, kay Zian o sa asawa mo?"

Nabigla ako sa tanong niya. Kinunutan ko siya ng noo. "What kind of question was that? Syempre sa asawa ko!"

"Fine. Okay, okay." Tinaas niya pa ang magkabilang kamay na parang umaarteng suko na siya.

Pumikit na lang ako nang madiin at muling hinilot ang ulo ko. Imbis na gumaling ako ay parang mas lumala pa yata ang bigat ng pakiramdam ko.

I took a deep breath. "Papaano ba kasi nalaman ni Zian na nandito ako? Sinabi mo na naman ba? Ikaw din ba ang nagbigay ng number ko sa kanya at ng bago naming address?"

Hindi siya sumagot kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Ikaw nga, 'no?"

Napabuntong-hininga rin siya. "E anong magagawa ko? Ang kulit niyang Zian na 'yan. Ilang beses ko rin 'yong tinanggihan no'ng hinihingi niya ang address niyo at ang number mo. Kaso ayaw talagang magpapigil. Did you know that he even threatened me?"

"W-what?"

"Oo! Sisiraan niya raw ako sa mga kliyente ko para hindi na ulit ako makatanggap ng projects. Ganoon ba talaga siya ka-obsessed sa'yo, Vannie? My God!"

Medyo nabingi yata ako ro'n. Threatened?

I couldn't believe Zian did that! Pero imposible rin namang magsinungaling sa 'kin ang pinsan ko. Kahit ako kasi nagawang i-blackmail ni Zian—na siyang pinagtataka ko.

He's not like that before. I don't know what happened to him now. Ganoon rin ba siya nasaktan sa mga nangyari sa amin noon? Sa pangbabaliktad sa kanya ng asawa ko? Nakakaya niya na ngayong gumawa ng mga bagay na hindi niya maatim gawin noon.

Mas lalo tuloy akong nag-alala at kinabahan para kay Allen.

Kung ganoon na pala kalalim at katindi ang galit nila sa isa't isa, mas lalo ko silang dapat pigilan. Tutal, napapa-paranoid na rin naman ako. Ayokong pumirmi lang dito sa kama, habang sila ay nagbabasagan na ng mukha sa labas. I have to do something to stop them.

Walang takot ko nang inalis ang swerong nakatusok sa kamay ko at pinilit na bumangon ng kama.

Nataranta naman si Leila sa ginawa ko. "My God! What do you think you're doing?" Pinigilan niya ako sa pagbangon.

"I can't just lay here," sabi ko. "Pupuntahan ko sila."

"What! Are you crazy? Bawal kang lumabas dito sa kwarto."

"Hindi ako pwedeng manatili lang dito, Leila!" Tuluyan na akong bumangon ng kama at inayos ang suot kong puting hospital gown.

Pero mabilis pa rin akong hinarangan ng pinsan ko. "Woah! Don't you dare leave. May sakit ka. Tsaka hindi ka nila kailangan do'n. Baka madamay ka pa."

Tiningnan ko na siya nang masama. "Akala ko ba kakampi kita? Bakit mo ko pinipigilan? E kung samahan mo na lang kaya ako."

Natigilan siya. Parang ang tagal nag-sink in sa kanya ng inasal ko. Maya-maya lang ay umalis na rin siya sa pagkakaharang sa 'kin. "Fine."

Wala na akong iba pang sinabi at agad na akong lumabas ng kwarto. Nakasunod lang sa 'kin si Leila.

Napansin nga agad kami ng mga nurse dito sa floor at gusto pa nila akong awatin, pero hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ako. Halos tumakbo na ako papuntang parking lot, habang hawak-hawak ang balikat ko. Wala na akong pakialam sa itsura ko, sa kung sinong mabangga ko, at sa mga nakatingin sa 'kin. Basta pupuntahan ko ang asawa ko.

• • •

PAGKARATING NAMAN NAMIN ni Leila sa parking lot, tila nanigas na lang ako sa naabutan ko.

Napatulala lang ako at wala akong ibang naririnig kung 'di ang mga pagmumura at tama ng mga suntok ni Zian sa mukha at sikmura ni Allen.

"Zian!" sigaw na ng pinsan ko. "Tama na!"

Doon lang ako nabalik sa sarili.

Nakatakbo na pala si Leila kay Zian at pilit na itong hinihila palayo kay Allen.

Agad na rin akong tumakbo papunta sa asawa ko. Halos malimutan ko nang namamaga at masakit ang balikat ko.

Sumalampak ako sa sementong sahig sabay hinagkan ang mukha niya paharap sa 'kin. "Allen, h-hey, hey."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko na ang itsura niya. Saglit akong napapikit nang madiin. Hindi ko yata siya kayang tingnan sa ganitong ayos.

Putok ang labi niya at nagdudugo ang mga galos niya sa mukha. Hindi ko alam ang gagawin! Takot ako sa dugo. Ni hindi ko nga alam kung saan ko ipi-pwesto ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung anong una kong hahaplusin—kung yung mukha niya ba na puno ng sugat o 'yung sikmura niya na yakap-yakap niya dahil namimilipit na siya sa sakit.

Napaiyak na lang ako sabay lingon nang pagalit kay Zian. "What did you do? Look at him!"

"Tama lang 'yan sa kanya. Kulang pa nga 'yan sa lahat ng mga pananakit niya sa'yo."

"You don't have to do this to him. He is still my husband! Tigilan mo na lang kasi kami, pwede ba?"

"Husband?" Tila natawa pa siya. "You call him your husband, but he never treated you as his wife."

Pasagot pa lang sana ulit ako, pero hindi ko na nagawa dahil naramdaman ko 'tong si Allen na parang tatayo na.

Inalalayan ko siya. Pero pilit niya naman akong tinutulak palayo.

"Allen, no," sabi ko sa kanya. "Hindi mo na kayang lumaban."

Si Zian naman, hindi pa rin tumigil. Dinuro nito ang asawa ko na hinang-hina na ngayon. "Alam mo ba kung bakit ka pinagpalit ni Vanessa? Kasi wala kang kwentang tao! Alam mo ba kung gaano naging miserable ang buhay niya nang ipakasal siya sa'yo?"

"Zian, please!"

Pero nagpatuloy pa rin ito. "Simple lang naman ang gusto ni Vanessa, pero hindi mo naibigay. You didn't love her, and I did! Wala ka naman talagang ibang alam gawin kung 'di ang saktan siya. Tapos ngayon sasabihin mo sa 'king mahal mo siya. Fuck! You don't destroy the person you love!"

"Zian, tama na kasi, ano ba!"

Naaawa na ako sa asawa ko. Call me a martyr all you want, but my husband doesn't deserve this kind of pain.

Allen's entire body is trembling now, I could feel it. Halos yakapin ko na nga siya para kumalma siya. "Shh. . . tama na," bulong ko sa kanya habang hinahaplos siya sa balikat

"Nagsisisi nga si Vanessa na pinakasalan ka niya," dagdag pa talaga ni Zian. "Alam mo ba, sinabi niya sa 'kin noon na sana ako na lang daw ang pinakasalan niya at hindi ikaw!"

Pinanlakihan ako ng mga mata! I couldn't believe he said that! Hindi ko sinabi sa kanya ang mga bagayo na 'yon para gamitin niya ngayon laban sa asawa ko. Sa ginagawa niya, pati ako sinasaktan niya.

Lumipat ang tingin ko kay Allen nang mapansin kong nakatitig na ito sa 'kin. Bakas ko ang lungkot at galit sa mga mata niya, na para bang ang bigat-bigat ng loob niya.

"Is that true?" seryosong tanong niya sa 'kin.

Nabigla ako at hindi nakasagot. Tumingin muna ako kay Zian, tapos muling binalik ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung papaano ko siya sasagutin.

"Answer me."

Napapikit na ako. "Allen, I-I didn't mean it that way—"

Hindi niya na ako pinatapos sa pagsasalita. Umiwas siya ng tingin at dahan-dahan na lang na tinanggal ang mga kamay ko na nakakapit sa kanya. Ang bigat sa pakiramdam na unti-unting dumudulas ang mga kamay ko palayo sa kanya.

"Allen naman . . ." Halos pumiyok na ako nang sabihin ko 'yon. Kumapit ulit ako sa kanya, pero inilayo niya lang ulit ang mga kamay ko.

"I'm tired, Vanessa. If you want to go with him, then go."

And just like that, he stood up and walked away.

Naiwan akong nakatulala. Matagal bago tuluyang nag sink-in sa utak ko ang sinabi niya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kalungkot. Gusto kong humagulgol. Gusto ko siyang habulin at yakapin. I even tried to call him, but there's no voice coming out of my mouth. Wala na akong ibang magawa kung 'di ang tumitig na lang sa likod niya habang siya naman ay hinang-hinang naglalakad palayo sa 'kin.

Naramdaman kong humaplos na si Leila sa likod ko. May sinasabi siya sa 'kin, pero hindi ko na maintindihan. Parang wala na akong naririnig.

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko pinamimigay na ako ng asawa ko?

• • •

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
189K 6.1K 11
Rebelde at walang patutunguhan, yun ang tingin ng lahat sakin. Reckless at black sheep, as what my mom will often call me. So what? They can call me...
121K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...