Unusual Dream (lesbian love s...

נכתב על ידי pangxx09

385K 3.9K 138

Sabi nila make your dream come true. Well isa ako sa mga swerteng tao na nagkatotoo ang dream. By dream I mea... עוד

lesbian love sex romance(still thinking about the title)
Chapter 2 - She knows my name
Chapter 3- Who the hell is she?
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 19

12K 144 3
נכתב על ידי pangxx09



Shane's POV

The next day may usapan ang barkada na manonood ng movie at kakain sa labas.

"Wake up na babe. Morning." sabi ko na ginising si Gheys.

"Hmmm..Morning babe. Aga mo nagising. Ala pa naman tayong pasok ah." sabi ni Gheys na nakapikit pa.

"Kasi po manonood tayo ng movie kasama ang barkada. Bangon na dali. 10 am na kaya anong maaga pa?" sabi ko tapos hinalikan ko siya para gumising na talaga.

"Ehh nahihiya ako sa friends mo. Kayo na lang. I'll wait for you sa dorm." sabi ni Gheys.

"No. Sasama ka. Alam nilang sayo ako happy kaya ano mang nangyari wala na yun. Dali na. Malelate tayo eh."

"Opo. Eto na nga babangon na. Pero pakiss muna." sabi ni Gheys.

Hinalikan ko namani si Gheys tapos bumangon na nga siya. After namin nagayos nagpunta na kami sa bayan to meet the barkada.

Nauna sila sa mall kaya nakita kong nagulat sila ng makitang kasama ko si Gheys. Hinatak nila ako palayo kay Gheys.

"Okay na kayo?" sabi ni Jovs.

"Ay hindi pa. Kasama ko nga siya diba?" pilosopong sagot ko.

"Sigurado ka?" sabat ni Rina.

"Sapakin kaya kita dyan. Ang bilis naman na okay na kayo agad?" sabi din ni Joc.

"Okay na nga. Naipaliwanag na sa akin. Wala siyang kasalanan. And I know in my heart na totoo yung mga sinabi niya sa akin. So please treat her well. I'm happy na oh." paliwanag ko sa kanila.

"Okay. Kung masaya ka na okay na kami." sabi naman ni Jovs.

Buti talaga my friends are very understanding. At lumapit na kami pabalik sa kinatatayuan ni Gheys.

"Tara na bili na tayo ng tickets. Haba na ng pila oh." sabi ni Joc.

"Okay lang ba na nandito ako?" bulong ni Gheys sa akin.

"Bulong bulong ka pa diyan. Okay lang na nandito ka. Kung masaya si Shane happy na din kame. Pero paiyakin mo pa ito ipapasalvage ka na namin." natatawang sagot ni Joc na narinig pala yung sinabi ni Gheys.

Kamot ang batok na tumango si Gheys wearing her nahihiyang smile.

"Cute mo babe. Tara na." tapos hinalikan ko siya sa pisngi.

"Corny ninyo. Tara na!" sabi naman ni Rina.

"Eto na nga nay." sagot ko naman.

Nakabili na kami ng tickets at pumila papasok sa movie room. Daming gustong manood ng Despicable Me 2 ah. Sa totoo lang ang tagal ko din naman hinintay yung part 2 nito. Haha.

Then after the movie we out in a restaurant. Pinili namin yung group meals ng Shake's para sulit yung mga pera namin. Alam niyo naman tight ang budget ng mga unemployed na katulad namin. :)

After namin lumamon. As in lamon. Ang dami kasi nung order namin. Nagsiuwian na kame. Dumaan muna kami ni Gheys sa dorm niya para kumuha ng mga gamit niya.

"Babe dali mo ah. Para makauwi na tayo."

"Yep babe. Mabilis lang."

At nakuha na niya lahat ng kailangan niyang gamit para sa bahay ni siya manggagaling pagpasok kinabukasan.

"Thanks at sinamahan mo ako babe. I'm happy. Okay na ang barkada."

"Kahit anong hilingin ng babe ko."

"Aww..Touch naman ako. Lika nga kiss kita."

And I kissed her. Sobrang saya ko talaga. We slept early para hindi mahirapang gumising ng maaga kinabukasan.

----

At school sobrang gaan ng pakiramdam ko kasi nga okay na kami ni Gheys compared to the previous weeks.

Nahalata iyon ng lahat. Panay ba naman ang recite ko sa mga subjects namin ang I volunteered pa to be a leader sa isang activity na hindi ko naman ginagawa dati.

After our subjects we went to the pantry to eat our lunch ng may biglang lumapit sa akin.

"Hello. Shane right?" sabi nung babae. Ganda ng lola mo ha. She has this brown hair tapos yung eyes niya black like raven and kitang kita talaga kasi naman ang puti niya.

"Yes. And you are?"

"I'm Jasmine. Kasama mo ako sa gazette. Pinapasabi pala na may meeting tayo later. See you sa office." yun lang at umalis na siya.

"Sino yun?" sabi ni Rina.

"Malay. Tinanong ko nga kung sino diba. Kasi active listening din kapag may time." sabi ko na natatawa.

"Baliw. Narining ko. Kilala ka baka kilala mo din." sagot niya after niya akong hampasin sa braso.

"Kasama ko nga daw sa gazette. Ngayon ko lang nakita yon." sabi ko at sabay subo ng pagkain ko.

"Ganda ha." sabi ni Jovs.

"Alam ko. Kita ko nga how you checked on her. Haha!" sabi naman ni Joc.

"Oy may girlfriend ka na remember." sabi ko naman.

"Mga baliw! Sinabi ko lang naman na maganda. Aminin mo tingignan mo din naman siya ah." palusot niya.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami sa room for our next subject. At nakita ko nanaman yung si Jasmine. Third year pala siya at sa kabilang room lang ang room na gagamitin nila.

"Oy Shane may dalaw ka!" sigaw ng classmate ko.

"Sino?" sabi ko naman.

"Ayun sa labas."

Paglabas ko ay nakita ko si Gheys. Niyakap ko siya. Kakamiss agad itong babaeng ito eh.

"O bat nandito ka?" sabi ko.

"May pinuntahan lang kame sa library. Naisip kong dumaan na dito."

"Buti alam mo yung room ko?"

"Kasi tinignan ko yung sched mo kanina. So ayun. " sabi niyang nakasmile. May inabot siya sa akin.

"Wow. Doughnut! Thanks babe." sabi ko tapos I kissed her sa cheek.

Namula naman yung mukha niya. Cute ng babe ko kapag nagba-blush. Doon ko napansing nasa labas pa rin si Jasmine at nakatingin sa amin. Nginitian ko siya tapos bigla siyang pumasok sa room nila. Ano kayang problema nun?

"Ayan na prof ko. Later pala may meeting ang gazette. So late na ako makakapunta sa dorm mo ha. Pasok na ako. I love you."

"Aryt babe. I love you too. Laters." at umalis na siya. Sakto namang umalis siya ay lumabas ulit si Jasmine. Nakasimangot pero nung makita ako ay biglang nagsmile. Lakas ng tama ng isang yun ah sabi ko sa isip ko.

Super boring pa ng subject ko. Kahit na inspired ako e walang epekto. Yung tipong gusto mo ng hatakin yung time para lang matapos. After 10 years natapos na rin.

Hindi na kami nagpalit ng room since major subject ang last sched ko. Lumabas lang kami ng barkada to breath fresh air. Haha. Talagang fresh air pano ba naman nasa atmosphere pa yung bored feeling na dala nung last prof namin. Tambay lang saglit at sumabak nanaman sa last subject for the day.

"O guys una na kayo. May meetng daw eh. Ingat!" paalam ko sa barkada.

"Okay! Yung Shane pakilala mo ako dun sa Jasmine. Dapat close na kayo para makilala ko rin." biro ni Jovs.

"Loko! Sumbong kita kay Jho!" sabi ko naman.

"Joke lang. Ito hindi na mabiro. Bye na." sabi naman niyang natatawa. World war 3 kapad nagsumbong ako sa girlfriend niya. Haha!

After nilang umalis dumiretso na ako sa office ng gazette. Si editor in chief lang nandun at si Jasmine. Akala ko naman meeting talaga ng buong staff.

"Akala kong may meeting tayo?" sabi ko kay March na editor namin.

"Nauna na yung iba. 4 kasi yung meeting talaga. Eh 5pm pa pala ang uwian mo. So nasabi ko na sa kanila yung ime-meeting natin. Itong si Jasmine na lang ang magsasabi sayo. Kailangan ko pa kasing habulin yung dean ng AB english eh. Sige kayo ng bahala. Eto pala yung spare key natin. Tig isa tayo." mahaba niyang paliwanag at umalis na.

"Shyness naman naiwan ka pa tuloy." sabi ko kay Jasmine.

"Okay lang naman. I insist na ako na ang maiwan." sagot niya with a cute smile.

"Ahh sige. Ano palang napag-usapan?"

"Naidistribute na yung articles natin. So may sarili kang column sa paper. You can write anything. Tapos dahil malapit na yung sports fest ng buong school may kanya kanya tayong news article. Sa main event ka daw. Yung cheerleading competition."

"Ahh...so yung column kahit ano. Kaya na yun, pero yung isa malaking event yun. Ako lang mag-isa ang gagawa?"

"Ahm..actually kasama mo ako. Tayong dalawa ang gagawa. So sa opening and main event dapat magkasama tayo para in sync yung article. Ako na kukuha ng mga pictures kasi yung photo journalist natin may event na ico-cover."

"Ahh...buti naman. Sobrang haggard kung ako lang then first time ko pa lang ito. Haha."

"Okay lang yan. So let's work together ha. At para maging at ease tayo sa isa't isa lets have a bonding. Agree?" sabi niya na nakasmile nanaman.

"Ahm.. That's a good way to start our partnership." sabi ko naman.

"Alright. Tara labas tayo ngayon." aya niya.

"Ahh hindi kasi ako pwede ngayon. May lakad ako. Sorry."

"Sayang naman. Pero wait I remember tayo pala ang toka sa decoration ng office natin. Nasaakin na yung budget. We have to buy na the materials kasi gusto ni EIC na bukas simulan na natin."

"Ahh..so wala pala akong kawala." sabi ko na nakasmile.

"Ganoon na nga. So tara na. "

"Wait just need to call someone."

"Siya ba yung kasama mo kanina?"

"Yep. Wait ha."

"Okay." yun lang ang sinabi niya at napansin kong nawala yung sigla ng boses niya.

So tinawagan ko si Gheys at sinabing malelate ako sa pagpunta sa dorm niya. Ipinaliwanag ko ang dahilan at sabi niya na sasama siya para tulungan ako. So I agreed kasi based on the list na kailangan naming bilin hindi namin makakayang dalin yun lahat ni Jasmine.

"Ayun okay na. I hope you don't mind may kasama ako para tulungan tayo."

"Kaya naman nating dalawa yun!" sabi niya na medyo napalakas yung boses.

Nabigla din ako sa inasal niya. Pero I just smiled. "Ahm..kung ayaw mo okay lang."

"Sorry. Sige isama mo na siya." at napansin ko nanamang nawala yung pagiging cheerful ng mga mata niya.

"Tara na." aya ko sa kanya. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya kaya binitbit ko yung bag niya at hinawakan siya sa kamay para makalabas na kami ng office.

"Lock ko lang ito tapos tara na." sabi ko with a smile.

Tumango lang siya. Tapos hinawakan niya yung kamay ko and she smiled. May bipolar ata itong babaeng ito sabi ko nanaman sa isip ko.

Nagpunta na kami sa school supply shops and some paint shops para sa mga kailangan namin. Kwentuhan lang kami ni Gheys at si Jasmine naman ay tahimik lang. Madalas pang nakasimangot. Siguro hindi nakainom ng gamot niya. Haha.

So after we bought all we need ay nagyaya si Gheys na kumain na muna. Ang ikinagulat ko talaga ay pumayag si Jasmine na sumama. We went to KFC and ate. The whole time na kumakain kami napansin kong madalas ang pagsulyap ni Jasmine kay Gheys. Nainis ako kasi nagseselos ako. May nagkakagusto nanaman sa babe ko. Gwapo na kasi maganda pa. Sabi nga 2 in 1 si Gheys. Tapos ang sarap pa kasama.

Nagpaalam na kami kay Jasmine. Dinala niya yung ibang pinamili namin at yung iba naman ay ako na ang magdadala. Pagdating namin sa dorm ni Gheys nagpalit na ako ng pambahay. Yep dito naman ako matutulog ngayon. Mas malapit sa school at tutal wala naman si mama sa bahay.

Pagkatapos namin magpahinga at magsiligo humiga na kami ni Gheys.

"Babe may crush ata sayo yung si Jasmine. Palagi siyang nakatingin sayo eh." sabi ko na nakapout. Paano ba naman nagseselos pa rin ako.

"Babe sayo siya may crush hindi sa akin. Kaya wala ka dapat ipagselos diyan." sabi niya na nakahug sa akin.

"Wee sayo eh. At hindi ako ngseselos!" sabi ko at tinago ko yung face ko sa chest niya kasi naman buking ako na nagseselos.

"Asus...hindi daw. Seselos ka e sayo nga may gusto yun!" sabi naman niyang natatawa.

"Wala siyang gusto sa akin. Sayo nga panay ang sulyap."

"I saw how she looked at you. Kulang na lang maglaway siya at sambahin ka noh. Ako nga ang dapat magselos. Palagi mo pang kasama sa gazette ninyo."

"Wala siyang crush sa akin."

"Whatever. Basta I love you ganda." sabi niya at yumakap pa ng mahigpit sa akin.

"Hmp. Tulog na nga tayo." at nakatulog na nga kami.

End of chapter.

המשך קריאה

You'll Also Like

815K 21.9K 52
This is a gxg story and if you are not comfortable with that it will be okay :) Gazelle is a type of girl na mahiyain pero masungit siya. Mahiyain pe...
11.6K 1.6K 53
There's nothing wrong in love :)
396K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
464K 8.1K 30
isang taong tahimik ang buhay pero bigla nalang may susulpot na tao pero magkaiba ang ugali nila....paano kaya sila magkakasundo? sasabog kaya ang mu...