Indulgent Geoff (TTMT #3)

Por FGirlWriter

4M 110K 10.1K

Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kany... Más

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Ten

128K 3.4K 347
Por FGirlWriter

CHAPTER TEN

MAG-IISANG ORAS nang umiiyak si Zoey nang walang patid. Geoff got alarmed. Lalo na at hindi na siya nagsalita. Hindi niya na kayang magsalita.

Suminghap-singhap siya habang balong pa rin ng luha ang mga mata. Her heart was aching, all the painful memories she'd been through was playing in her head.

"Zoey, what's happening to you?" Geoff frustratingly asked while caressing her face. Kanina pa nito iyon tinatanong. Mukhang ang lahat ng pagod nito sa biyahe ay nahulas dahil sa pag-iyak niya.

She hugged herself. Lumayo siya rito. What if Geoff would hurt her, too?

Nanginig sa takot si Zoey at tinulak ito. "Leave me alone!" sigaw na lang niya bigla. "Leave me alone! Leave me!" Tinadyakan niya ito pero nakaiwas agad.

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat.

Lalo itong nagtaka. "Zoey? Makakasama sa baby ang ginagawa mo. Ano bang nangyayari? Anong matutulong ko sa'yo? Tell me. You wanted me to help you, right, darling?" masuyong sabi nito at saka dahan-dahan ulit na lumapit sa kanya.

Oh, no... her baby... Sorry, baby, hindi ko kaya...

As much as she wanted to stop from crying, she just can't! Having bipolar sucks. 

Imbes na siya ang kumokontrol sa emosyon, ay iyon ang kumokontrol sa kanya. Iyon ang nagpapagalaw ng buong sistema niya.

Kahit anong isip niya, once her depressive episode will occur, she just wanted to die from over sadness and pain...

"Don't touch me!" she horribly screamed when Geoff tried to hold her.

Nahilamos nito ang mukha. "What's wrong with you?!" he bursted out.

Lalong natakot si Zoey sa sigaw nito. Lalo siyang napahagulgol. 

Lumayo ito mula sa kama at saka napahilamos ng mukha. Halatang galit at iritado na dahil hindi siya maintindihan.

Napayuko si Zoey at nanginig na naman sa pag-iyak. Hindi na... hindi na siya mamahalin ni Geoff... Galit na sa kanya ito. He will hate her.

Paano na ang baby niya? Nakapa niya ang puson.

How can she fight this freaking emotion?! Hindi na siya puwedeng uminom ng gamot na iniinom niya noon. It will harm her baby...

But because of your state now, Zoey, you will really harm your baby. It will die... Nangilabot ang buong sistema niya. Nasabunutan niya ang sarili at napaiyak nang malakas.

No, her baby can't die!

"Don't hurt yourself," ani Geoff sa mas malambot na tinig. Ngunit nagpatuloy siya sa pagsabunot sa sarili.

"Stop that!" saway nitong muli at saka kinuha ang kamay niyang sumasabunot sa sariling buhok. "Zoey, please!"

"Geoffrey! Anong nangyayari dito?! Anong ginagawa mo kay Zoey?!" dumagundong ang malakas na boses ni Lolo Gus. Kasunod niyon ay ang mas malakas na singhap ni Lola Mina.

Natigilan si Geoff at napalingon. Natigil na rin siya sa pagsabunot sa sarili pero hindi sa pag-iyak.

"L-Lola Mina..." tawag niya sa matanda na parang nanghihingi ng tulong.

Nagsalubong ang dalawang kilay ng matanda at parang umusok ang ilong nang balingan si Geoff. Malalaki ang hakbang nito at malakas na binatukan ang apo.

"Ouch! Grandma! What was that for?" angal ni Geoff.

"Ganyan ba kayong mga Pranses? Namimilit ng babae? Aba't layuan mo si Zoey! Ganyan ba ang pagpapalaki sa'yo ng mga magulang mo?!"

"What the hell?"

Bibig naman nito ang hinampas ng kamay ni Lola Mina. "Kung ayaw ng babae ay huwag pilitin!"

Napanganga si Geoff. Maya-maya ay parang nakuha na nito ang ibig sabihin ng matanda. "Grandma, iniisip mong pinupuwersa ko si Zoey na makipag-sex?"

Natigilan si Zoey sa pag-iyak. Pero sumisigok-sigok pa rin. Gusto niyang matawa sa maling akala ni Lola Mina. Kaso, hindi niya kaya.

"Aba't itatanggi mo pa ba gayong halos hubo't hubad ka na?"

Naka-boxers pa rin kasi si Geoff dahil dapat ay matutulog lang ito kanina.

Pinalo ito ni Lola sa puwet. "Hindi porket mapapangasawa mo na si Zoey at magkaka-anak na kayo ay pipilitin mo siyang gawin ang bagay na iyon."

"I was consoling her, Grandma. Hindi ko siya pinipilit na—"

"Magdadahilan ka pa!" Piningot nito ang apo sa tainga.

"Ouch, ouch, ouch!"

"Gustavo! Pagsabihan mo 'tong apo mo! Santisima! Tignan mo ang Zoey natin, umiiyak na sa pagmamakaawa."

Gusto sanang itama ni Zoey ang maling akala nina Lola Mina. Kawawa kasi si Geoff. Kaso hindi na siya makapagsalita. Suminghot-singhot siya.

"Grandma, hindi ganoon iyon! Mali ang iniisip mo." 

Mukhang tuluyan nang naubusan ng pasenya si Geoff.

Malakas itong napabuga ng hangin at bumaling na lang sa Lolo nito. "Grandpa, Zoey was upset and I don't know why! I'm trying to calm her. Kanina pa siya umiiyak. Hindi ko siya maintindihan! Hanggang sa sinasabunutan niya na ang sarili niya. Pinipigilan ko siya. I don't want her to harm herself. Madadamay pati ang baby."

Kumalma na ang itsura ni Lola Mina at napatingin sa kanya. 

Nagawang tumango ni Zoey para patotohanan ang sinabi ni Geoff. Kahit naman depressed siya, medyo matino pa rin siyang kausap.

Napahilot ng batok si Geoff. "I was trying to get some sleep when I arrived." Nagsuot na ito ng puting bathrobe na nakasabit sa pintuan. "Naalimpungatan akong ganyan na si Zoey. She won't stop crying!"

Tinapunan siya ng tingin nito. Halatang suko na sa kanya. Napailing ito at saka lumabas ng sariling kuwarto.

Napasinghot ulit si Zoey. Naaawa siya kay Geoff, halatang pagod na pagod na nga, pinilit pa siyang aluin kanina pa, at napagalitan pa ng lola dahil sa maling akala.

Naiyak siya. Kasalanan niya ang lahat.

Lagi naman. Kasalanan niya lagi. Sana hindi na lang siya nabuhay. Sana hindi na lang siya pinanganak ng Mama niya. Kung magiging ganito rin pala siya.

 Magpapamana na lang sa kanya ang ina niya, ang sakit pa nito sa isip ang nakuha niya.

She has bipolar disorder like her mother.

And it's a very very messy and a terrible mental illness. It's not curable. Habambuhay niya nang kasama ang sakit na iyon kahit ano pang gawin niya.

Napapitlag siya nang haplusin ni Lola Mina ang buhok niya. "Tahan na, hija. Pagpasensyahan mo na si Geoff. Baka hindi niya pa alam na kapag buntis ay nagiging hindi balanse ang hormones."

Nakagat ni Zoey ang ibabang labi. 

Yeah, right. Iyon na lang ang dahilan niya. Hormones dahil sa pagbubuntis. Hindi niya pa kayang aminin na mas malala pa sa hormones ng buntis ang hormones ng isang taong may bipolar disorder.

"Tahan na. Nandito na si Lola..." malambing pang sabi ni Lola Mina at saka siya niyakap.

"Lola..." she cryingly whispered. She never experienced having a grandmother. Lalong mas kumurot ang puso niya sa lahat ng kakulangan niya sa buhay.

"Susundan ko si Geoffrey at kakausapin," ani Lolo Gus. "Ikaw naman kasi, Germina, pinagbintangan mo at pinag-isipan agad ng masama ang apo natin. Nagtampo tuloy."

Lola Mina looked guilty. "Pasensya na. I was just shocked seeing Zoey like this. Hindi ako sanay na hindi ngumingiti ang future granddaughter-in-law natin. Huwag kang mag-alala. Madadaan naman si Geoff sa lambing. Go on, talk with him."

"T-this is all my fault," ani Zoey nang sila na lang ni Lola Mina. "I'm always wrong..."

Ang tigas kasi ng ulo niya. Kampante na kasi siyang wala na si Auntie Lucille sa buhay niya. Kampante siyang hindi na muna magpatingin ulit sa psychiatrist na sinasabi ni Ate Trisha sa email nito.

Mula nang umuwi siya sa Pilipinas, itinigil niya ang pag-inom ng gamot niya. Nagsinungaling pa siya sa OB tungkol sa mental health niya. Ngayon, hindi lang siya ang magsa-suffer. Pati ang mga tao sa paligid niya.

They will never understand her.

"Sshh... it's not your fault. It's just your hormones talking. Huwag kang mag-alala at hindi galit si Geoff sa'tin. Wala lang siyang pahinga. Tahan na..." 

Mula sa personal refrigerator ni Geoff sa kuwarto ay kumuha ng tubig si Lola Mina. Pinainom nito iyon sa kanya at saka siya pinahiga ng maayos sa higaan.

Sobrang lungkot pa rin ni Zoey bagamat hindi na umiiyak. 

Hanggang kailan kaya ang depressive episode niya? Ang pinakamatagal na sa kanya ay five months. Huwag naman sana.

Her baby can't survive a total sadness. Marami siyang nabasa na articles na kapag depressed at stressed ang nanay ay puwedeng malaglag ang baby...

Zoey burst out crying again. She's helpless. Ang tigas ng ulo niya, damay pati ang baby niya.

"Don't cry, hija... Don't be upset now. Nandito lang si Lola, ha? Bababa rin ang hormones mo mamaya. Ganyan talaga kapag buntis. Tahan na, hija."

Kahit gustong mapanatag ni Zoey sa mga sinasabi ni Lola Mina, she can't.

Pinunasan nito ang mga luha niya. She closed her eyes. She tried to sleep. Sana paggising niya, she's shifted to her happy self again.

Hindi alam ni Zoey kung gaano siya katagal nakatulog.

Pagkagising niya ay sobrang kalungkutan pa rin ang nararamdaman niya sa dibdib.

Nagmulat siya ng mga mata pero hindi kumilos. 

Lanta ang buong katawan at pakiramdam niya. The colors of her world faded.

Nakatitig lang sa kisame si Zoey. Nag-uumpisa nang mangilid ang luha sa mga mata niya nang bumukas ang pinto. Pumasok si Geoff na mukhang nakabawi na ng pahinga at bagong ligo pa.

Zoey wanted to appreciate his handsomeness. She wanted to get "kilig" all over. 

He was wearing a nice white shirt and cotton shorts. Papalapit ito sa kanya nang may tipid na ngiti sa mga labi.

She was hoping that it could shift her back to her happy mood. 

But it didn't.

Umupo ito sa gilid ng kama at tinitigan siya. "I'm sorry about earlier, darling. I was very tired. I don't know how to handle you..." he apologetically said. "Ngayon, alam ko nang normal lang pala iyon sa mga kagaya mong buntis."

Dahan-dahan nitong pinagapang ang kamay nito papunta sa kamay niya. Parang tinatantiya kung ayos lang sa kanya na magpahawak rito. Nang hindi niya nilayo ang kamay ay humigpit ang hawak nito roon.

"Nabasa ko nga sa isang article sa internet, pregnant women can really be irrational, too emotional, and get irritated a lot of times." Geoff smiled at her. "So, I promise to be more patient with you. I promise not to leave you even though you cry on me without any apparent reason."

Hindi lang umimik si Zoey. She wanted to cry, again. Masabi pa kaya iyon sa kanya ni Geoff kapag nalaman nito ang totoong rason kung bakit siya ganoon ngayon? Na dahil hindi lang sa pagbubuntis?

"Y-You will do that even though you don't l-love me?"

He intensely stared at her. "I will do everything for you and the baby, Zoey. Regardless of what I feel, I will take care of you."

Nag-init ang mga sulok ng mga mata niya. Binalot ng takot ang puso niya na kapag nalaman nitong may bipolar disorder siya, bawiin lahat nito ang mga sinabi.

Yumuko si Geoff at kinintilan ng mabilis na halik ang labi niya.

Zoey started crying, again. Kahit gusto niyang maging masaya sa sinabi nito na aalagaan siya kahit ano pang mangyari, it's depressing that negative thoughts clouded her already.

Humiga si Geoff sa tabi niya. Tumalikod siya ng higa rito. She cried silently. 

From her behind, Geoff hugged her by the waist. Hindi na ito nagtanong kung bakit siya umiiyak na naman. Niyakap lang siya nito nang mahigpit at masuyo siyang hinalikan sa balikat.

"Iyak ka nang iyak... hindi ka ba nagugutom?"

"N-No..." she sobbed.

Pilit siyang pinaharap rito ng higa. Nang magtagumpay ay napasubsob lang siya sa malapad nitong dibdib. Hinaplus-haplos nito ang likod niya. "Kapag tapos ka nang umiyak, saan mo gustong kumain?"

"Hindi ako n-nagugutom..."

"Mamaya magugutom ka na. Kayong dalawa ng baby."

Hindi siya umimik.

"May gusto ka bang kainin mamaya?"

"W-Wala... Wala talaga." Napahagulgol na naman siya.

Hindi na ito nangulit. Mas humigpit ang yakap nito sa kanya. At kahit basang basa na ang shirt nito ay hindi ito kumibo. He just hugged her tightly.

"Everything's going to be alright, darling."

"H-how can you say that? You don't know what's happening to me..." You don't know what is really happening to me...

Banayad na hinaplos nito ang pisngi niya. His thumb shoving her tears away.

"A wise friend once told me, God promised that whatever bad happens in our life, it's going to be alright."

Dinantay nito ang noo sa noo niya at pinikit ang mga mata. "Through whatever pain or sadness—even when we can't understand, even when we can't find the reason why, even when we can't see, and we can't feel, God is working it out. And I hold onto that. So, everything's going to be alright. I don't know when but I know it will happen."

Napalunok si Zoey at nang dumilat si Geoff ay nagsalubong ang mga tingin nila. Napasinghap siya dahil parang kung tumingin ito sa kanya ay alam nito kung ano talaga ang pinagdadaanan niya ngayon.

Sa kabila ng lahat ng negatibong bagay na nararamdaman niya ngayon, may kakaibang umusbong sa puso niya na dapat ay hindi naman niya nararamdaman. But she just did.

"You're going to be alright, darling." He assured her with an undescribable intensity of emotion from his eyes.

She felt it. Kahit sandali lang...

Hope.

He had given her hope amidst all the negativity she's battling inside.

Sumubsob siyang muli sa dibdib nito at umiyak.

He held her tight like he's never going to leave her alone, never going to let her go.

He whispered, "I'll wait until you smile, again... Mommy Zoey."

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter 

Seguir leyendo

También te gustarán

1.2M 18.5K 23
I never had any experience dating men. Never had the chance to enjoy my life on my own. Never experienced to be an ordinary girl. Parties. Dates. Fir...
3.1M 82K 33
Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang...
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
943K 19.4K 43
| COMPLETED | 30 March 2017 - 27 June 2019 | Stonehearts Series #5 | Just like how her birthstone is coveted by royalty, Emerald Charisma Vinluan is...