Sigaw Sa Dilim

بواسطة Drawde-eys

116K 2.3K 191

Sumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal... المزيد

---
1 - Maricor
2 -
3 -
4 -
5 -
6 -
7 -
8 -
10 -
11 -
12 -
13 -
14 -
15 -
16 -
17 -
18 -
19 -
20 -
21 -
22 -
23 -
24 -
25 - Marco & Maristella
26 -
27 -
28 -
29 -
30 -
31 -
32 -
33 -
34 -
35 -
36 -
37 -
38 - Maricor
39 -
40 -

9 -

3.2K 63 2
بواسطة Drawde-eys

---------------------------

Sa kabilang banda naman, si Laila ay nagtatago sa hilera ng mga estatwa sa harap ng mansyon na nasa loob parin ng bakuran. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay niya habang nakahawak sa binte ng estatwa.

Gustuhin man ni Laila na tumakbo palabas ng mansyon ay naisip niya na baka mas maraming halimaw doon. Naisip niya din na paano kaya nakapasok ang halimaw sa loob ng mansyon na wala silang kamalay-malay.

Maya't maya ang tingin niya sa paligid kahit naman kadiliman lang ang kanyang nakikita. Nandyan yung sumasagi sa isip niya na baka bigla na lang siyang gulatin o bulagain ng halimaw katulad ng napapanood niya sa mga movie. Kaya naman dapat handa siya at maging alerto. Lalaban siya kung kinakailangan, ayaw naman niyang pakiramdaman lang ang sarili na unti-unting pinapatay. Mas maige na yung lumaban kahit na alam mong hindi pangkaraniwan ang makakalaban mo.

Naku, kapag lumapit sa akin ang halimaw na 'yun, tatanggalin ko talaga itong batong espada ng estatwa. Usal niya sa sarili habang nakatingin sa estatwa.

Totoo ba talagang nangyayari ang mga bagay na ito? O baka naman isang panaginip lang?
My goodness! Kung totoo nga ito, sana mabuhay ang mga estatwa at ipagtanggol kami. Para na siyang tanga sa kakaisip ng kung anu-ano.

"Psssst.." parang awtomatikong napalingon siya nang marinig na may sumitsit.

"Sino 'yan?"

"Laila, ako 'to si David."

"Nasaan ka? Paano mo ako nakita? eh, ang dilim-dilim."

"Naririnig kitang nagsasalita.." Ani Divid. Naramdaman na lang ni Laila na may humawak sa kanyang dibdib.

"Bastos ka! Dibdib ko 'yan." Singhal niya.

"Ay, akala ko pisnge." Biro ni David.

"Bastos ka talaga!"

"Sorry naman, madilim nga di ba?"

"Oo na! Huwag ka na lang maingay baka makita tayo ng mga halimaw." Aniya.

"Halimaw lang sila.. Hindi nila matatalo ang dalawang pusong nagmamahalan." Biro ni David na sinamahan ng mahinang pagtawa.

"Mukha mo nagmamahalan!" Bulyaw niya dito. Pinigilan niyang matawa.

"Laila, paano kung huling gabi na natin ito sa mundo?" Seryosong sabi ni David.

"Ayoko ng ganyang usapan."

"Hindi mo man lang ba ipagtatapat ang nararamdaman mo sa isang tao, kung sakali ngang ito na ang huling gabi mo?" Ani David.
Kahit na madilim ay naaaninag niya ito, hindi niya nga lang kita ang mukha ni David. Hindi niya tuloy alam kung seryoso ang anyo nito o nagbibiro.

Gusto niya ang binata kaso, alam niyang playboy ito at isa pa, idinadaan kasi nito palagi sa biro ang lahat. Kaya naman kahit gusto niyang bumigay sa mga sinasabi nito ay pinipigilan niya. Ayaw niya kasing maloko ulit at masaktan.

"Anong ibig mong sabihin?" Mayamaya'y wika niya.

"Laila, alam kong gusto mo rin ako.." Natigilan siya. Matagal bago nakapagsalita.

"Paano mo ba mapapatunayan sa akin na gusto mo talaga ako?"

"Basta, makikita mo.. Ipagtatanggol kita sa mga halimaw." Si Divid.

"Naku, baka kapag nandyan na ang halimaw magtago ka pa sa likod ko." Biro niya.

"Hindi ah, makikita mo.."

Nasaganoon silang sitwasyon nang bigla na lang sumigaw si David.

"AHHHHHHHH!"

"David, anong nangyari?" kinakabahang usal ni Laila. Bagamat madilim ay hindi niya alam kung bakit ito sumigaw. Sa tono ng sigaw nito ay alam niyang may hindi magandang nangyari.

"L-laila, tumakbo ka na!" Sa narinig nasabi ni David ay mabilis na nilukob ng takot si Laila. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang mapuna ang nasa likuran ni David. Kahit na may kadiliman ay naaninag niya ang bulto na nasa likuran nito. Ang taong paniki! Napalunok si Laila at kagyat na pinagpawisan ng malapot habang hindi maawat ang lakas ng kabog sa dibdib.

"Tumakbo ka na!" pagkasigaw ni David ay agad siyang binuhat ng taong paniki at pahagis na binalandra sa mga estatwa.

"Aaahh!" Hiyaw ni David pagkabagsak. Hindi niya magawang tumayo agad dahil sa sakit ng pagkakahagis sa kanya ng taong paniki. Parang sumikip ang kanyang paghinga.

Samantala, si Laila naman ay lalo pang binalot ng matinding takot. Hindi niya alam kung anong gagawin.

"T-tumakbo..kana! T-takbo na Laila!" Narinig niyang usal ni David. Parang hirap na hirap na ito.

"Mga hangal! Hindi na kayo makakaalis ng buhay sa lugar na ito! Hindi kayo makakalampas sa aking teretoryo! Lahat kayo ay hinihintay na ni kamatayan!" wika ng taong paniki na isang matandang babae.

"L-laila.."

Pagkarinig muli niya sa boses ni David ay agad siyang tumalima upang mabilis na tumakbo. Tumakbo pa siya palabas ng mansyon.

Takbo lang ng takbo si Laila sa kadiliman ng gabi. Gusto man niyang sumigaw ng tulong ngunit naisip niyang baka halimaw ang lumapit sa kanya. Hindi niya alam, hindi niya alam kung puro taong paniki ba ang nakatira sa lugar na napuntahan nila.

Tuloy-tuloy lamang siya sa pagtakbo hanggang sa mapagtanto niyang parang papalapit siya sa ilog. May naririnig siyang lagaslas ng tubig.

Pinakiramdaman ni Laila kung saan ang direksyon papunta sa ilog. Hindi pa siya nakakarating doon nang mapansin niyang lumiwanag. Tumingala siya. Nakita niyang unti-unti nang sumisilip ang buwan mula sa likod ng ulap. Napangiti siya sapagkat makikita na niya ang mga halimaw kung sakaling naroon lang ito sa paligid. Sa pagkakataong iyon ay alam niyang mas malaki na ang chansa niyang makatakas.

Patuloy lamang siya sa pagtahak sa masukal at nakakatakot na lugar na iyon. May mga nadadaanan siyang malalaking kawayan at malalaking bato na mistulang mga lamesa ang laki. Hanggang sa matunton na niya ang ilog.

Agad naman siyang sinalubong ng napaka-lamig na simoy ng hangin na tila yumayakap sa kanya. Mula sa liwanag ng buwan ay kapuna-puna ang ganda ng tanawin. Pakiwari niya'y napaka-linis na tubig ang dumadaloy sa ilog. Iginala niyang ang paningin, para siyang nasa loob ng isang tagong paraiso.

Sa kabilang bahagi ng ilog ay napansin niya ang maraming bulaklak na pinatingkad ng magandang pagkakapwesto ng mga puno na hindi ganoong kalaki. Parang mga punong bonsai. Inilusong ni Laila ang mga paa sa ilog. Gusto niyang pumunta sa kabilang banda.

"Whoa! Ang lamig." Aniya nang maramdaman ang tubig.

Hindi alam ni Laila na may lalaking naliligo sa ilog na natatakpan ng may kalakihang bato. Natigilan ang lalaki nang maramdaman ang presensya niya.

Maya-maya lang ay nagulat na lang si Laila nang marinig na may nagsalita.

"Binobosohan mo ba ako?"

"Halimaw! Ahhhhh!" sigaw ni Laila.

Napamaang ang lalaki. "Ano kamo? Halimaw? Sa gwapo kong ito tinawag mong halimaw." usal ng lalaki. Pero si Laila ay patuloy parin sa pagsigaw.

"Halimaww!" si Laila habang nakatakip ang mga kamay sa mukha.

"Kapag hindi ka tumigil matutunton talaga tayo ng halimaw!" Bulyaw ng lalaki sa kanya. Dahil dun ay natigilan si Laila.

Dahan-dahan niyang inalis ang ang mga palad sa mukha. Napansin niyang umakyat ang lalaki sa ibabaw ng bato. Dahil dun ay nakita niya ang katawan nito.

"Aaahhhh! Porno! Porno!" muling sigaw niya.

"OA mo! Naka-boxer ako!"

Sandali niyang tinitigan ang lalaki. Normal na tao ba siya? Naku Laila, huwag kang magtiwala sa kanya, isa din siyang halimaw! Aniya sa isipan.

"Hindi ako halimaw. Huwag kang mag-aalala, hindi kita sasaktan." Anito. Mind reader ba siya?

Napansin ni Laila napapunta ito sa kanyang kinaroroonan.

"Huwag mo akong sasaktan. Parang awa mo na..huwag mong kainin ang aking katawan, angkinin mo na lang.." Aniya. Jusmiyo Laila, anong pinagsasabi mo? Naiwika niya sa sarili. Narinig niyang tumawa ang lalaki.

"Huwag kang lalapit.."

"Nandiyan na ako.." Tila pananakot pa ng lalaki.

"Huwag..please.."

"Aangkinin ko 'yang katawan mo.." ngingiti-ngiti ang lalaki sa pagbibiro nito.

"Huwag.."

"Ayan na 'ko.. Akin na ang katawan mo.." patuloy ng lalaki.

Napapikit na lang si Laila. Tila nawala ang lahat ng tapang niya sa katawan. Hindi niya maintindihan ang sarili. Parang nasa ilalim siya ng mahika ng lalaki. Siguro ang powers nito ay nasa pagitan ng pagsasalita nasa oras na marinig mo ay mapaparalized ka nalang.

Lumipas ang ilang minuto na tila kamatayan na lang ang kanyang hinihintay. Nang bigla ay may naramdaman na lang si Laila na parang may labing dumampi sa kanyang labi. Hinalikan ba siya ng lalaki? Dahil dun ay nagmulat siya ng mga mata. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Pamilyar na pamilyar ang mukha nito. Kilalang-kilala niya! Mula sa liwanag ng buwan ay nabanaag ni Laila ang mukha ng lalaki.

Ang pamangkin ng matandang babae sa mansyon.

Agad siyang nagtaka dahil alam niyang kasama rin nila ito sa loob ng mansyon kanina. Paano ito napunta sa ilog?

"Jhael?" Sambit ni Laila.

...........

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.1M 47.9K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
458K 20.8K 26
"I've seen a lot of ghosts, but this one is different" A story about a girl who keeps seeing ghosts since she was a kid. She never paid attention to...
470K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
132K 9.9K 74
A Paranormal-Love Story *** Sa mundong lahat ay posible. Harapin ang takot. Tuklasin ang natatagong lihim. Sa mga katanungan na hahanapan ng kasag...