Tropa

נכתב על ידי mykisnotreal

12.8K 404 51

Isang reunion ang pinlano ng mag-asawang Raisa at Tommy sa isang restaurant. Di nila inaasahan na makikita ni... עוד

Author's Note
Chapter 1 - Mga Tao sa Litrato
Chapter 2 - Macario Sandoval
Chapter 3 - New Day Begins
Chapter 4 - Ang Babaeng Nakapula
Chapter 5 - Advance Gifts
Chapter 6 - Days With Raisa
Chapter 7 - Ang Hinagpis ni Tommy
Chapter 8 - Macario vs. Mr. Abuyen
Chapter 9 - K.A.T
Chapter 10 - Pekeng Sulat
Chapter 11 - Cream of the Crop
Chapter 12 - Tommy's Secret Admirer
Chapter 14 - THE S.W.A.G TEAM
Chapter 15 - Tsinelas
Chapter 16 - Kwintas sa Mahal Kong Babae
Chapter 17 - Ang Rason at mga Dahilan
Chapter 18 - Ang Sikretong Lugar
Chapter 19 - Ang Lihim ni Ferdinand
Chapter 20 - Ako Ang Salarin
Chapter 21 - Confrontation
Chapter 22 - The Bully's Message
Chapter 23 - Stepdad
Chapter 24 - Ang Desisyon ng Ina
Chapter 25 - Mr. Rogers and Peppers
Chapter 26 - Ang Kuwento ni Henry
Chapter 27 - Kiss
Chapter 28 - Ang Tunay na Nararamdaman
Chapter 29 - Graduation Speech
Chapter 30 - Tommy's Motivation
Chapter 31 - Ang Aking Mahal
Epilogue - Tropa
What's New?

Chapter 13 - Chumie

174 10 0
נכתב על ידי mykisnotreal

“Chumie?!”

Pumamewang si Maylin ng marinig ito kay Tommy.

“Kuya Tommy naman eh! Puwede bang tigilan mo ako sa kakatawag sa pangalang yan? Parang pinapaalala mo parin kasi sa akin kung gaano ako kataba noon eh,” 

“Okay, okay—Maylin!” sigaw ni Tommy.

“Kuya Tommy!” tuwang sagot ni Maylin. Tumakbo siya sa kanyang pinsan at niyakap ito ng mahigpit. Natuwa naman ang principal habang pinagmamasdan silang dalawa.

Nang kumalas na si Tommy, nagsimula na siyang magtanong kung anong ginagawa ni Maylin dito. 

“May problema kasi sa probinsiya eh kaya ako kinuha ng mama mo dito daw para mag-aral. Akalain mo yun? Lagi na tayong magkikita araw-araw?” sabik na tono ni Maylin.

“Ganun ba?” tuwa naman ni Tommy. “Kung dito ka mag-aaral, anong grade mo?” dagdag niya.

Mukhang ito ang tanong na hinihintay ng principal kung kaya’t siya na ang sumagot ng mga tanong na ito ng binata.

“Mag-aaral si Ms. Acas dito bilang Grade 11 katulad mo. Sabi sa akin ng nanay mo, isang taon lang naman siyang mag-aaral dito.”

“Grade 11? Eh mas matanda po ako dito eh, nag-accelerate po ba siya?” tanong ni Tommy.

“Hindi. Request sa akin yan ng nanay mo. Gusto niyang maging Grade 11 rin si Maylin dahil gusto niyang alagaan mo siya habang nandito siya hanggang sa malutas ang problema nila sa probinsiya. Kaya i-guide mo ang pinsan mo para di siya mahuli sa mga lessons niya,” paliwanag pa ng principal.

“Saan po siya matutulog?” 

“Since nakikita kong laging mong kasama si Raisa, napagdesisyunang kong ipagsama silang dalawa sa isang kuwarto. Kaya Tommy, maari mo na bang ihatid si Ms. Acas sa kanyang kuwarto?” utos ng principal.

Tumango naman agad si Tommy. Kinuha niya ang maleta ni Maylin at inalalayan niya itong lumabas ng pintuan. Nang makalabas na sila, dali-dali silang pumunta sa dorm building habang nagkakamustahan at nagkukuwentuhan tungkol sa sitwasyon ng kanilang  lolo at lola.

Nalagpasan na nila ang fountain kung saan manghang-mangha si Maylin ng makita ang mga goldfish. Maya-maya, umakyat na sila sa third floor patungo sa mga dorm rooms  ng mga Grade 11. Dumaan sila sa girl’s hallway kung saan huminto sila sa harap ng kuwarto nila Raisa. Kumatok si Tommy sa pintuan at bumungad sa harap niya ang dalaga.

“Good afternoon Raisa,” bati ni Tommy.

“Oh Tommy. Anong meron? Bakit ka napunta dito—at sino siya?” tanong ni Raisa habang nakatingin kay Maylin.

“Ay—ito ang dahilan kung bakit ako napunta dito. Diba sabi mo sa akin kaninang umaga na kulang kayo ng isa dito sa kuwarto niyo? Sa katanuyan niyan, siya yung dadagdag. Siya pala si Maylin—pinsan ko,” sabi ni Tommy.

Nagulat si Raisa pero binati parin niya si Maylin.

“Wow! Nice to meet you... ako si pala si Raisa,” 

“Hello,” malambing na sagot ni Maylin na may kasama pang kaway.

“Sige, ikaw na bahala sa pinsan ko. Balik na ako sa kuwarto ko at gagawa pa ako assignment. Kita nalang tayo bukas,” pero bago lumayo si Tommy, nag-iwan muna siya ng huling salita kay Maylin. “Chumie—” biglang sumimangot si Maylin. “—este Maylin, bukas ng umaga, pupuntahan ulit kita dito. Sabay tayo kakain ng almusal kasama si Raisa at papakilala rin kita sa mga kaibigan ko. Sige, pahinga ka na...”

Sinunod ni Tommy ang kanyang sinabi kinabukasan. Tulog pa sila Hubert at Ferdinand ng umalis siya sa kanilang kuwarto at kumatok sa pintuan nila Orli, Pierre at Armand para samahan siyang pumunta sa kuwarto nila Raisa. Di na niya naisipang katukin si Macario sa kanyang kuwarto dahil naisip niyang baka kung anong gawin sa kanya ni Joey. Naisip niya rin kapag nagising naman si Macario, alam niyang sa canteen lang sila matatagpuan.

Nang kumatok si Tommy sa pintuan nila Raisa, isang di kilalang babae ang humarap sa kanya. Agad namang sinabi ni Tommy na si Raisa ang hinahanap niya kaya binuksan pa ng babaeng ito ang pintuan kung saan nakita nilang kakagising lang din nila Maylin.

“Good morning—Tara na,” ngiti ni Tommy.

Tumayo naman agad sila Raisa at Maylin at nagtulungang ayusin ang kanilang higaan. Ilang sandali lang, lumabas narin sila ng kuwarto para makipag-kita kanila Tommy.

Pagkalabas na pagkalabas ni Maylin, agad siyang nakita nila Armand, Orli at Pierre. Sa ganda niya, di imposibleng mamangha ang mga ito sa mukha niya. Napanganga sila at napahinto sa kanilang kinatatayuan na para bang nakakita ng isang anghel na bumaba mula sa langit.

“Ang ganda...” ang tanging salitang nabanggit nilang tatlo. Napatingin naman sa kanila si Maylin at nagbigay ng isang maaliwalas na ngiti. Mas lalong napanganga sila Armand.

“Hello,” bati ni Maylin.

“Hello!!” sabay-sabay na bati ng tatlo.

Napatingin naman si Tommy sa mga kaibigan. Di na siya nagulat pa sa mga kinikilos nito dahil mukhang inaasahan na niyang ganito ang mangyayari. Pinutol niya nalang ang eksenang ito nang imbitahan na niya ulit sila para sabay-sabay kumain ng almusal sa canteen.

Ang buong akala ni Tommy ay matitigil na ang pagkamangha nila Armand, Orli at Pierre kay Maylin sa mga sandaling ito. Pero imbes na matigil, mas lalo pang lumala. Lumala dahil mas marami pang lalaki ang nakakita kay Maylin sa canteen.

“Maylin,” lang ang tanging salitang nasasabi ni Maylin dahil paulit-ulit ang tanong sa kanya ng kanyang pangalan.

“Puwede po bang hayaan niyo po muna siyang kumain? Salamat po,” sabi naman ni Tommy para itaboy ang mga lalaking lapit ng lapit sa kanyang pinsan. “Wag mo silang pansinin, ako bahala sa’yo,” dagdag niya.

“Oo nga! Wag mong papansinin ang mga lalaking yun! Papansin kasi sila!” sigaw naman ni Orli dahil nagseselos siya sa mga ito.

“Kami rin bahala sa’yo wag kang mag-alala!” sang-ayon ni Armand.

“Hayaan mo! Magiging guwardiya mo kami—”

“Guys, guys. Unang araw palang ng pinsan ko dito, hinaharass niyo na agad eh. Tumigil nga yung mga lalaki kaninang tanong ng tanong, kayo naman tong sumunod na kumulit... siya nga pala Maylin, may gusto ka pa bang kainin?” sabi ni Tommy.

 “Di na. okay na ako dito,” sagot naman ni Maylin.

“Di. Wag kang mahiya. Ako naman ang magbabayad eh. Sige na. Minsan lang to eh,” anyaya ni Orli.

Nanlaki naman ang tenga ng dalawa pa.

“Hoy! Anong ikaw magbabayad? Sino ka para gawin yun?” tanong ni Pierre kay Orli “Ako magbabayad! Gusto mo ako bahala sa tubig mo Maylin? Puwede kitang orderan ng isang galon! Gusto mo?” sabi ni Pierre.

Walang masagot si Maylin. Ngiti lang na may halong pagtataka ang kaya niyang isagot dahil nabibigla siya sa mga kinikilos nito.

“Ako naman bahala sa dessert! Ayos lang sa akin kahit na bilhin ko lahat ng pagkain dito basta para sa’yo!” sabi naman ni Armand.

Natawa si Maylin. “Sige. Kung yan ang gusto niyo,”

Sa sagot ni Maylin, sabay-sabay sila Armand, Orli at Pierre na tumayo sa kanilang kinauupuan. Umagaw pa sila ng atensiyon sa mga ibang estudyante kaya pinagtitinginan sila. Dumaretso silang tatlo sa counter para bumili ng pagkain para kay Maylin.

Mas lalong natawa si Maylin dito habang napakamot ng ulo si Tommy dahil sobra niyang kinahihiya ang mga kinikilos ng kaibigan.

“Pagpasensiyahan mo na yang mga kaibigan ko ah. Ganyan talaga sila eh,” sabi ni Tommy.

“Ano ka ba Kuya Tommy. Ayos lang! Hayaan na natin sila,” sabi ni Maylin.

“Hay naku Maylin. Bata palang tayo, ganyan na ganyan na ang mga lalaki kapag nakikita ka. Walang pagbabago,” sabi ni Tommy.

Si Raisa na kanina pa nananahimik dahil sa di pagtigil ng pagsasalita nila Armand, Orli at Pierre, ay nakahanap na ng tiyansa simula ng umalis silang tatlo.

“Uhmmm—Puwede ba akong magtanong kasi kagabi, tinawag ka ni Tommy na ‘Chumie.’ Gusto ko lang sana malaman kung anong ibig sabihin nun?”

Sa tanong na ito, agad napatingin si Maylin kay Tommy. May halong suspisyon ang mga mata niya dahil narinig niya na naman ang salitang ayaw na ayaw niyang marinig.

“Ah—ganito kasi yun. Puwede naman sigurong ikuwento no?” tanong ni Tommy kay Maylin. Tumango ang dalaga. “Kasi nung bata pa kami, sobrang taba niya. As in sobrang taba. Kain siya ng kain tapos ang taba! Sa sobrang taba, ang laki ng pisngi kaya mataba! (“Kuya Tommy naman oh!” reklamo ni Maylin) Ok—Kapag may lalaking nakakakita sa kanya noon, nilalait siya, nilalayuan siya, inaaway siya...kaya kapag umuuwi siya ng bahay, lagi siyang umiiyak,” tawa ni Tommy. Sumimangot naman si Maylin.

“Hanggang sa school noon, di siya tinitigilang asarin kaya ang tawag sa kanya, ‘Chumie.’ Short for Chubby Maylin. Dapat nga ‘Chumay’ pero parang ang pangit eh kaya ginawang ‘Chumie.’”

“Paano siya pumayat ng ganyan?” tanong ni Raisa.

“Sa katunayan niyan, sobrang pribado...sa tingin ko, siya na ang bahalang magsabi sa’yo—”

“Nagkaroon kasi ako ng crush,” sabi agad ni Maylin.

Agad umupo ng maayos si Raisa. Mukhang interesadong-interesado siyang marinig ang kuwentong ito ni Maylin.

“Nagka-crush ako sa sobrang guwapong lalaki noon sa school namin. Sa sobrang guwapo niya, halos mamatay na noon ang mga kababaihang maabot siya—kasama na ako doon siyempre. Naiingit nga ako kasi sobrang ganda nila, sobrang sexy, sobrang nakakaselos. Kaya nung bakasyon noon, ginawa ko lahat para magpapayat, magpaganda para lang sa kanya... hanggang sa isang araw, nakamit ko na kung anong gusto ko. Yung mga nanlalait sa akin, tumigil na. Imbes, nagsimula na silang magustuhan ako.

“Tapos nun, nung pasukan ulit...kung saan tinitingalaan na ako ng marami at pinupuri na ang itsura ko, saka naman umalis yung crush ko sa school. Pumunta siya sa States at sabi nila dun na daw siya mag-aaral,” kuwento ni Maylin.

Nalungkot ang itsura ni Raisa. Naging apektado siya sa kuwento ni Maylin. Para siyang nanonood ng love story movie na naging marumal at pangit ang ending.

“Iba talaga nagagawa ng pag-ibig no?” sabi ni Raisa.

“Oo nga eh,” sagot ni Tommy habang nakatingin kay Raisa.

“Talaga Ate Raisa. Kaya nga kung gusto niyong dalawa ni Kuya Tommy na tumagal ang relasyon niyo, kailangan niyong magmahalan ng tunay...”

Lumabas sa ilong ni Tommy ang tubig na kanyang iniinom habang si Raisa naman ay natulala mula sa kanyang kinauupuan. Di nila kinaya ang salitang sinabi ni Maylin.

“Hindi—hindi—hindi! Mali ka ng inaakala,” tanggi ni Tommy.

“Ah? Anong pinagsasabi mo kuya?” taka ni Maylin.

“Hindi—hindi...hindi kaming dalawa. Kaibigan lang kami,” 

Napahawak sa bibig si Maylin. Nagulat siya sa balitang kanyang nalaman. Agad naman siyang humingi ng dispensa sa una niyang sinabi kanina.

“Naku pasensiya! Akala ko kayo! Pasensiya na Ate Raisa di ko alam! Akala ko kasi kagabi, girlfriend ka ni kuya...pasensiya na po! Yung paraan kasi kung paano kayo mag-usap, nakakakilig pakinggan kaya akala ko kayo...sorry,” 

“A-ayos lang,” nahihiyang sagot ni Raisa.

Maya-maya lang, ay dumating na sila Armand, Orli at Pierre mula sa counter na may dala-dalang sandamakmak na pagkain. Lahat sila papunta sa direksyon kung saan nakaupo si Maylin.

“Ito na Maylin!” sabay-sabay na sabi ng tatlo. Natawa naman sila Raisa at Tommy.

“Saglit lang... bakit wala pa si Macario? Late na naman bang natulog yun kagabi?” tanong ni Raisa.

“Ay oo nga pala no!” sabi ni Tommy. “Nahiya kasi akong katukin ang kuwarto nila dahil alam mo naman...si Joey,”

“Macario?” tanong ni Maylin.

“Yun? Isa pa naming tarantadong kaibigan...,” sagot ni Tommy.

“Bakit naman tarantado?” tanong ni Maylin.

“Tarantado kasi—kasi kapag walang magawa yun, minsan di mo aasahang basta nalang sisigaw yun ng walang dahilan—”

At tama nga ang hinala ni Tommy. Sandali lang matapos maputol ang kanyang sasabihin ay biglang may narinig silang isang malakas nga na sigaw mula sa labas ng canteen: 

Sunog! Sunog!

Agad napalingon ang mga estudyante sa pintuan. Sa una ay di pa nila masyadong naintindihan ang sigaw dahil medyo malayo pa ang distansiya nito. Maya-maya lang, isang malakas na Bam! ang biglang gumimbal sa kanila—nakita nila si Macario sa entrance ng canteen na pawis na pawis at hingal na hingal.

“Sunog! May sunog sa eskuwelahan!” sigaw ni Macario.

Napahinto ang mga estudyante sa paggalaw. Maski ang mga crew ng canteen ay napahinto rin dahil lahat ng atensiyon nila ay napunta kay Macario.

“Di niyo ba ako naririnig? Sabi ko—SUNOG!!!”

AHHHHHHHHHHHHHHH!!!! Nataranta lahat ng mga tao sa canteen kung kaya’t sabay-sabay silang lahat na nagsitayuan at tumakbo papalabas. May iba pa ngang nadadapa dahil sa sobrang takot at kaba. May iba namang nagkaka sugat-sugat na dahil nabubunggo sila ng lamesa o kaya naman ay nagagasgasan ng tinidor.

Sa kanilang pagtakbo, nagsikalat lahat ng mga pagkain, tubig, at kung ano-anong gamit nila sa sahig. Di na sila nag-abala pang balikan at kunin ito o pulutin dahil ang tanging iniisip nila ay maligtas ang kanilang buhay.

Nanatili si Macario sa kanyang puwesto. Gusto niya kasing makasiguro na lahat ng mga tao ay nakalabas at ligtas na. Pero sa panipis na panipis na bilang ng mga tao, unti-unti niyang natanaw sa di kalayuan sila Tommy, Raisa, Armand, Orli at Pierre kasama ang isang di niya kilalalang babae na nananatili lang sa kanilang mga kinauupuan; nakabukas ang mga bibig at nakadilat ng husto ang mga mata nila habang nakatingin sa kanya.

Nang humupa na ang gulo at ang ibang mga estudyante at nakalabas na, kitang-kita na ngayon ni Macario ang buong paligid. Di na ito makilala dahil sa sobrang kalat at rumi. Para itong dinaanan ng isang napakalakas na ipo-ipo at sampung bagyo.

Naisip ni Macario kung anong ginawa niya. Parang tumagal muna ng ilang minuto bago talaga siya bumalik sa kanyang sarili. Nang matanaw niya sila Tommy kanina, agad siyang napalunok ng laway at sinabing, “So—Di talaga totoong may sunog diba?”

Nasa labas ngayon ng principal’s office ang buong tropa kasama parin si Maylin. Nakasuot na sila ng school uniform at bitbit-bitbit na ang kanilang mga bag. Nanatili lang silang nakaupo at nakatulala sa pader na katapat nila. Pinatawag kasi si Macario kani-kanina lang kung kaya’t pinapunta siya rito. Tutal at ayaw niyang madamay sila Tommy, sinabi niya sa mga ito na maghintay nalang sa labas. 

Pero kahit sabihing nasa labas sila, rinig na rinig parin nila ang sigawan at sermon kay Macario sa loob ng office.

“MACARIO SANDOVAL!!!!! LOOK WHAT YOU HAVE DONE!!!” malakas na sigaw ng principal. “DI MO BA NAISIP KUNG ANONG GINAWA MO?! DI MO BA NAKITA KUNG ANONG MGA DISGRASYA ANG NANGYARI?! ANO BANG GUSTO MONG GAWIN AH! BAKIT KAILANGAN MONG IDAMAY ANG IBA!!!”

“Eh sir, di ko naman po sinasadya,” sagot ni Macario.

“DI MO SINASADYA??!! SUMISIGAW KA NG ‘SUNOG! SUNOG!’ KAHIT WALA NAMAN TAPOS SASABIHIN MONG DI MO SINASADYA?! ANO BANG TUMAKBO SA UTAK MO AT GINAWA MO YAN?!!”

“Sir, di ko talaga sinasadya. Siguro yung pagsigaw, kasalanan ko—pero yung nadisgrasya na sila at nadapa, di ko na po kasalanan na tanga sila,” kampanteng sagot ni Macario.

“ANO??!! SASABIHAN MO SILA NG TANGA??!! SILA PA ANG TANGA??!!” galit pa ng principal.

“Eh sir, kapag tumakbo ka at nadapa—o nagasgasan, anong tawag sa’yo—”

“DI YUN ANG PUNTO MACARIO!! DI SILA MADADAPA KUNG DI KA SUMIGAW!!” dagdag ng principal. “SAGUTIN MO NGA MUNA ANG TANONG KO, BAKIT KA SUMISIGAW NG PAGKA AGA-AGA?!”

“Eh kasi po....pagkagising ko po kaninang umaga, ang init-init,” sagot ni Macario.

“ANOOOO??!! DAHIL LANG SA ‘MAINIT’ KAYA KA GUMAWA NG ESKANDALO??!” 

“Sige nga po sir, magising kayo ng mainit...tignan natin kung di po kayo magreklamo—”

“LABAS!!” at sa isang utos palang ng principal ay sumunod na agad si Macario. Lumabas siya ng principal’s office at nakita niya ulit ang mga kaibigan niyang kanina pang naghihintay.

Magsasalita palang sana si Macario para ipaliwanag ang lahat, ay nagsalita na agad si Tommy, “Ok na, ok na. Narinig na namin lahat.”

“Siya nga pala, sino pala to?” biglang turo ni Macario kay Maylin na katabi ngayon ni Raisa. 

“Siya ba? Siya si—”

“MAYLIN!” biglang singit nila Armand, Orli at Pierre.

“Kayo na pala siya?” sabi ni Macario sa tatlo. “—Ay siya nga pala, ako si Macario,” sabi ni Macario habang inaabot ang kamay kay Maylin. Gusto niya kasing makipag-kamay dito.

Bago pa man iabot pabalik ni Maylin ang kamay niya ay bigla niyang naalala ang ginawa ng binata kanina sa canteen. Ang pagsigaw ng ‘sunog, sunog!’ at pagkabalik sa sarili na animo’y kakagising niya lang sa isang panaginip. Kinabahan tuloy si Maylin dahil iniisip niya sa puntong ito na baka nasisiraan na ng ulo si Macario o kaya naman ay dati itong adik.

Di rin nagtagal ay nakipag-kamay na si Maylin. Pero sa kalagitnaan ng kanyang pakikipag-kamay, ay parang may naramdaman siyang kiliti sa kanyang dibdib, lalo pa ng ngumiti bigla sa harapan niya si Macario...

Sandaling nawala sa paligid ng dalaga ang pinsan niya at mga kaibigan nito. Ang tanging nakikita niya lang sa ngayon ay si Macario habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Nararamdaman niya kasi sa ngayon ang gaan at lambot ng mga daliri ng binata sa kanyang mga palad. Naisip niyang imposibleng maging adik ito lalo na kung may ganito siyang kakumportableng mga kamay.

Isa pa niyan, mas lalong nawala ang takot at kaba ni Maylin kay Macario dahil sa mga ngiti nito. Di kasi itsura ng isang taong nasisiraan ng bait ang kanyang nakikita kung hindi isang maaliwalas at walang kaproblema-problemang itsura ng anghel. Ramdam na ramdam rin ni Maylin sa pagkakataon na ito na totoo lahat ng ngiti ni Macario at halatang di niya ito pinepeke.

Dito lang din napagtanto ni Maylin na talagang parte na siya ng Don Diego’s Academy. Na sa lahat ng mga estudyante at taong nakita niya simula kagabi hanggang ngayong umaga, at kahit mga nangungulit pa sa kanya kanina pa katulad nila Armand,  naramdaman niya lang ang buong pagtanggap sa kanya ng eskuwelahan na ito simula ng makilala niya si Macario.

Pero isa sa mga pinagtataka niya ngayon, kahit una niya palang nakilala si Macario, ay parang may kakaiba na agad siyang naramdaman na naramdaman niya na noong nagkaroon siya ng ultimate crush sa dati nilang eskuwelahan ni Tommy.

“Nice meeting you,” sabi ni Macario. “Ganda mo ah,” dagdag niya pa.

Nanlaki tuloy ang mga mata ni Maylin sa sinabi ni Macario. Parang may nagsindi ng mitsa sa loob-loob niya at gusto niyang sumigaw sa tuwa. Biglang nanlamig at nanginig ang mga kamay niya ng kalasin niya na ang hawak sa kanya ng binata.

“S-salamat,” nahihiyang tono ni Maylin.

“Ay siya nga pala Maylin. Ito yung tinutukoy kong kaibigan kong tarantado. Diba sabi ko naman sayo? Kanina palang, kita mo na?” sabi ni Tommy. “Sige, pumanta na tayo sa room...,”

Di na agad maganda ang bati kay Macario ng pumasok sila sa una nilang classroom. Bumungad na kasi agad sa kanila ang mga nakasimangot na itsura ng kanilang mga classmates habang nakatingin sa kanila. Mukhang karamihan kasi sa mga estudyanteng nandito ngayon ay kasama sa mga estudyanteng nagsitakbuhan kanina papalabas ng canteen. May iba pa ngang may mga band-aid sa mukha, sa kilay at sa kamay.

Umupo ulit silang anim kasama si Maylin sa lagi nilang puwesto simula kahapon, sa likod. Hinintay nila ang kanilang guro na dumating naman limang minuto ang nakalipas. Tinawag naman nito si Maylin na magpapakilala raw sa harapn dahil mukhang kakasabi lang sa guro kanina ng principal na mayroon siyang panibagong estudyante.

“Good morning, ako nga po pala si Maylin Acas, 15 years old. Uhmmm, kakalipat ko lang po dito pero sana maging magkaibigan tayong lahat,” nahihiyang sabi ni Maylin

Pero mukhang walang nakikinig kay Maylin lalo na ang mga kalalakihan dahil halos lahat sila ay nakatulala sa dalaga. Tanging si Tommy nalang ata at si Macario ang mga lalaki ngayon sa buong classroom ang nananatiling matino ang utak. Ang iba kasi lalo na sila Armand ay patay na patay sa ganda ni Maylin.

Di nagtagal ay nagsimula narin ang klase. Katulad parin kanina, lahat ng atensiyon ng mga lalaki ay nakatuon parin kay Maylin. Wala sa kanilang nakatingin sa harapan at wala ring nakikinig dahil abalang-abala sila na tumingin sa likod at pagmasdan ulit ang dalaga.

Si Maylin naman, di ito pinapansin. Katulad nila Tommy, Macario, Raisa at ibang mga kababaihan sa classroom ay nakikinig nalang siya ng mabuti sa tinuturo ng guro na kalaunay napansin narin ang kakaibang ikinikilos ng kanyang mga kalalakihang estudyante. Nang mahuli niya ang mga ito, dali-dali siyang sumigaw na kinabigla naman ng lahat.

“Umayos nga kayo ng upo niyo kung ayaw niyong mapugot ko ang mga ulo niyo!!”

Kalauna’y natapos narin ang klase niya at lumabas na ang mga estudyante papunta sa susunod nilang guro na si Mrs. Caeg.

Katulad kahapon, isang masungit ulit na umaga ang kanilang naranasan dahil kakapasok palang nila ay nagsisigaw na naman ang guro kay Macario tungkol sa ginawa nito kanina sa canteen. Halos trenta minutos ito nagsisisigaw-sigaw hanggang sa kalahating oras nalang ang natira para makapag-klase sila. Nag-iwan ito ng takdang-aralin para kanilang sagutan.

Sa canteen, sabay-sabay silang pito na kumain para sa kanilang recess. Para daw makahabol sa klase, dinala ni Pierre ang kanyang libro para magbasa-basa. Sila Armand at Orli naman ay wala parin tigil na yayain si Maylin ng kung ano-anong pagkain. Natatawa man si Tommy at Macario sa ginagawa ng kanilang mga kaibigan, ay sila rin namang dalawa ay kumakain ng mga pagkain ni Maylin.

Pagkatapos kumain ay dumaretso na ulit sila sa susunod nilang klase, kay Mrs. Ison. Inubos nila ang oras sa pagdidiscuss tungkol sa bartending, different kinds of bartending drinks at tools for bartending. Katulad parin noon, wala paring gana si Macario na makinig sa guro kung kaya’t natulog nalang ulit siya hanggang sa maubos ang isang oras.

Natapos narin sa wakas ang dalawang subject at nagsimula na ang kanilang lunch. Umorder si Macario ng paborito niyang pagkain, ang laing. Niyayaya niya man ang mga kaibigan niya na kumain nito, kahit isang kutsara, ay di sila kumuha. Tanging si Maylin lang ang tumikim habang kinain naman ni Tommy lahat ng pagkain binigay sa kanya nila Armand, Orli at Pierre.

“Hoy di sa’yo yan! Wag mo nga kainin yan!” sigaw ni Orli.

“Eh bakit ba? Pinsan ko naman si Maylin ah,” sabi naman ni Tommy.

Pumasok na sila sa huling dalawang subject para sa araw na ito. Mabuti nalang at wala silang schedule para kay Mr. Abuyen. Makakahinga pa sila ng malalim para sa muling pagpapahiya nito kay Macario. Masaya pa sila dahil magiging payapa rin ang unang araw ni Maylin sa Don Diego’s Academy.

Pagkatapos ng klase at oras na naman ng uwian, nagpaiwan muna si Macario sa huling classroom na kanilang pinasukan para mag-ayos ng gamit. Nauna na sila Tommy, Raisa, Pierre, Orli, Armand at Maylin na bumalik sa kani-kanilang mga dorm.

Maya-maya habang nag-aayos si Macario ay may narinig siyang bakas ng paa mula sa pintuan. Nang lumingon siya, nakita niya si Maylin.

“Oh, akala ko ba sumunod ka na sa pinsan mo?” tanong ni Macario.

“Uhmmm, m-may naiwan lang akong gamit,” sagot naman ni Maylin.

“Ah ganun ba?” sagot naman ni Macario. Pinabayaan niya nalang na pumasok ulit si Maylin sa loob para hanapin raw ang nawawalang gamit nito.

Pero ang totoo niyan ay nagsisinungaling lang si Maylin. Wala talaga siyang naiwang gamit sa loob. Kunwari nalang ay tumingin siya sa upuan niya at may dinampot raw na kung ano. Para di siya mahuli ni Macario na nagsisinungaling, dali-dali niya binulsa ang gamit na ‘naiwan’ niya daw.

Ang tunay lang naman na dahilan ni Maylin ay ang makasabay si Macario at makausap narin. Simula kasi ng kamayan siya kanina nito, parang may kung ano na sa loob niya na parang gusto niya lang laging makasama at makita ang binata.

Nang matapos na mag-ayos, kinamusta naman ni Macario si Maylin.

“Ano, tapos ka na ba?” tanong ni Macario.

“Oo,” sagot naman ni Maylin.

Sinuot ni Macario ang bag niya sa kanyang likod. “Ano, sabay na tayo bumalik sa dorm?” tanong niya.

“S-sige,” nahihiyang sagot ni Maylin. Dali-dali naman siyang tumabi kay Macario at sabay silang lumabas ng classroom. 

Dahil sa unang beses pa lang makilala ni Macario si Maylin, may mga tanong parin sa utak niya na gusto niyang sagutin ng dalaga. Di niya pinalampas ang pagkakataong ito habang naglalakad silang dalawa.

“Gaano na pala kayo katagal mag-pinsan ni Tommy?” 

“Matagal narin. Nasa tiyan palang kami ng magulang namin, magpinsan na kaming dalawa,” sagot ni Maylin. Napahinto naman si Macario sa paglalakad at tinitigan ang dalaga. Maya-maya ay tumawa siya ng malakas.

“Ha-Ha-Ha! Nahuli mo ako dun ah! Akala ko malulusutan kita eh,” ngiti ni Macario.

“Akala mo lang. Ginaganyan na kasi ni Kuya Tommy lalo na nung bakasyon kaya alam na alam ko na kung saan pupunta yang hirit mo,” tawa naman ni Maylin.

“Buti nalang at na-train ka na ng kuya mo,” sabi naman ni Macario. Patuloy silang naglakad hanggang sa makababa na sila ng hagdan.

“Ako naman may tanong,” sabi ni Maylin.

“Ano yun?”

“Pansin ko simula kaninang umaga, iba na ang tingin at trato sa’yo ng mga classmates at teachers natin. Bakit ka nila ginaganun?” pag-aalalang tono ni Maylin.

“Kasi, sa school na to, tinuturing akong masama,” sagot ni Macario.

“Masama?” 

“Oo. Masama as in demonyo. Tinuturing nila kasi akong isang karumaldumal na magnanakaw dito,” sabi ni Macario.

Napahinto si Maylin sa narinig. Agad namang napalingon sa kanya si Macario.

“Wag kang mag-alala, di naman totoo yun eh. Pinagbintangan lang naman nila ako,” sabi pa ni Macario.

“Bakit di mo ipaglaban ang totoo?” pag-aalala pa ni Maylin.

“Di mahalaga yun dito lalo na kung walang maniniwala sa’yo dahil mga mga taong nagtutulak na ako nga talaga ang magnanakaw,” sabi ni Macario. “Si Joey, yung ka-dormmate ko, isa yun sa mga kumakalaban sa akin. Parang ngang gagawin niya na ang lahat mapabagsak lang ako eh. Yung isa naman, si Mr. Abuyen. Suwerte mo nga dahil di mo siya na-meet ngayong araw eh...kung hindi—”

“Kung hindi ano?”

“Never mind,” sabi ni Macario.

Pumasok na sila sa dorm building ng makalagpas na sila sa fountain. Pagdating nilang dalawa sa third floor, naghiwalay na silang dalawa dahil dumaretso na si Macario sa boy’s hallway. 

Pero bago niya ulit iwan si Maylin, tumalikod muna siya para tignan ang dalaga at nagsalita sa mahinahong boses, “Kita ulit tayo bukas—beautiful.”

Biglang napangiti si Maylin. May kung anong kuryenteng tumama sa katawan niya na hindi niya maipaliwanag. Hanggang maya-maya, nawala na sa paningin niya ang binata.

Masayang nagpatuloy sa paglalakad si Maylin sa girl’s hallway papunta sa kanilang dorm. May nakakasalubong siyang mga kapwa estudyanteng tumitingin sa kanya. Di niya malaman kung anong dahilan o dahil sa baka naiinsecure lang sila dahil sa loob lang ng isang araw, si Maylin agad ang naging topic ng mga usapan lalo na sa kalalakihan. 

Imbes na dumaretso sa dorm ay dumaretso siya sa banyo. Gusto niya lang kasi makita ang sarili niya sa salamin dahil hanggang ngayon ay di matanggal ang ngiti sa mukha niya pagkatapos siyang tawaging “beautiful” ni Macario. 

Di pa man nakakapasok sa loob ng banyo si Maylin ay napahinto siya ng saglit. May narinig kasi siyang boses di kalayuan sa kanyang kinatatayuan malapit sa boy’s c.r. Isa itong makapal na boses na galing sa taong di niya pa nakikilala. Di na siya nagkaroon pa ng interes na lapitan at alamin kung sino ito. Sa puwesto niya palang kasi, malinaw na malinaw na sa kanyang tenga ang mga salitang sinasabi nito.

“Siguraduhin mo lang, magagawa mo ang pinaplano mo,” sabi ng boses.

Dahil sa di makarelate si Maylin sa usapan, di niya nalang ito pinakinggan pa at tuluyan nalang siyang pumasok sa loob ng c.r.

Next Update: June 18 2013 (Wednesday)

המשך קריאה

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
3.5K 550 42
Sakura Furuka, is a first year college student who recieves letter from herself five years from the future, telling her biggest regrets which has som...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
6.6K 846 26
Medicus | Completed | Major Revise ⚤ "An atmospheric historical mystery that will captivate you to the end." C...