10270171127D

بواسطة MyBurning

243K 6.6K 1.6K

Labing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutieg... المزيد

Prologue
1 : Who's the killer?
2 : Letter
3 : New friend
4 : Names
5 : Alden
7 : Missing
8 : Nightmare
9 : Next victim
10 : Escape
11 : Agony
12 : The other side
13 : Confused
14 : An angel
15 : Hopeless
16 : Clues
17 : Explode
18 : Video
19 : The killer?
20 : Secrets will reveal
21 : Real Identity
22 : Secrets
23 : The witness
24 : Second to the last
25 : His side
26 : The last stand wins
Epilogue
Announcement (sa interesado)

6 : CR

8.6K 240 55
بواسطة MyBurning

Hara's POV


Usap-usapan kami ng mga estudyante ngayon. Hindi pa kami nakakauwi mula kagabi. 

Saka lang dumating ang mga pulis kasama si Apple samupung minuto matapos bawian na ng hininga si Alden.

"Bakit siya namatay? Bakit siya pa?" hindi matigil sa pag-iyak si Apple simula makita niya ang katawan ni Alden.

"Mukhang sanay ng pumatay ang killer" sabi ng isang pulis.

"Nagawa niyang putulin ang signal sa paaralang ito at walang kahirap-hirap na naidala ang biktima sa science lab na nasa pangalawang palapag ng gusali" pagpapatuloy niya.

"Ang sabi niyo, humingi kayo ng tulong sa mga nag-dodorm ngunit tinangggihan kayo nila?" at tumango naman kami ni Eron.

"Maaaring isa sa mga estudyante na nagdo-dorm ang killer dahil madali nalang silang makakalibot sa school."

"Sabihin niyo, paano kayo naka-lusot mula sa mga guards kung mahigpit na pinagbabawal ang pagi-stay ng mga estudyante sa school kung hindi sila nagdo-dorm?"

"Hindi namin alam. Basta sa building ng mga first year kami tumambay dahil doon ang pinaka-dulong gusali at naisip namin na hindi kami mahuhuli ng guards doon" paliwanag ni Daryl.

"At sinabi mong nakita mo ang isang guard sa isang kwarto ng mga fourth year?" tanong sakin ng pulis kaya tumango ako.

"Kung ganun, pinatay muna ng killer ang mga guards habang nag-iikot ito sa buong school. Pinatay niya agad ito bago kayo makita ng mga guards dahil sa oras na mahuli kayo ng guards, ay pauuwiin kayo agad nito. Masisira ang plano ng killer. Sino lang ang nakakaalam na mag-iinuman kayo sa loob ng school?"

"Kaming magkakabarkada lang ang nakakaalam pero niyaya ni Irene si Hara" sabi ni Trisha.

Binigyan naman nila ako ng mapaghinalang tingin.

"Yun lamang sa ngayon." at umalis na ang mag pulis at dinala ang bangkay ni Alden para sa gagawing eksaminasyon.

"Hara!" lumingon ako sa likod at nakita ko si Sean na tumatakbo palapit sa akin. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at naramdaman ko ang pag-aalala niya.

"Ayos ka lang ba Hara? Pinag-alala mo ako, alam mo bang tinawagan ako ni manang at hinahanap ka niya sakin? Di ko alam kung saan ka hahanapin tapos nabalitaan ko pa ang nangyari dito..." humiwalay ako sa yakap niya at nakita ko ang mga luhang tumulo sa mga mata niya.

"Ayos na ako Sean. Wag kang umiyak please..." at pinunasan ko gamit ang aking daliri ang kanyang mga luha.

"Alam mo namang mahal kita eh. Paano kung nadamay ka? Paano kung pinatay ka ng killer?"

"Wag ka ng mag-alala. Hindi naman ako nasaktan ehh" at niyakap ko nalang siya ulit.

Bigla namang ako nahiwalay kay Sean ng may humatak sa buhok ko at kinaladkad ako hanggang sa masubsob ako sa sahig.

"Ikaw ang killer hindi ba Hara? Ikaw ang pumatay kay Alden!" galit na galit na sabi sakin ni Apple.

"H-hindi ko alam yang sinasabi mo..." naiiyak kong sabi. Nagkanda sugat narin ang tuhod ko dahil sa pagkagasgas nito sa semento.

"Ikaw lang ang nakakaalam sa gagawin namin ng gabing iyon. Bakit mo pinatay si Alden? Ano bang ginawa niya sayo ha?!" at hinatak na naman ang buhok ko at sinabunutan. Imbes na may tumulong sa akin, pinagtulungan pa ako nila Irene at Trisha.

"Yo're so evil bitch!" at sinampal ako ng malakas ni Irene. Nagulat naman ako ng biglang kwinelyuhan ako ni Karl kaya napatayo agad ako.

"T*ngn* ka! Sabi na nga ba ikaw ang killer eh!" sabi ni Karl sa akin ng may matatalim na tingin.

"Itigil niyo na yan! Nakita niyo namang kasama natin si Hara kagabi diba? Hindi pwedeng siya ang killer" pag-awat samin ni Eron ngunit nanatiling naka-pamwelyo sakin si Karl.

"Hindi mo ba naiisip Eron? Na maaaring may kasabwat si Hara. Magkasabwat sila ni Jaja! Ipaliwanang mo nga kung paano nalaman ni Hara na papatayin si Alden? Hindi ba't dahil kasabwat siya ng killer?" at bigla namang napayuko at natahimik si Eron.

Sa di malamang kadahilanan ay nasaktan ako sa pagkatahimik ni Eron. Naniniwala siyang kasabwat ako ni killer...

"Kayo ang killer Hara! Umamin ka na!" akmang susuntukin na sana ako ni Kaarl ng itinulak siya ni Sean at pinag-susuntok.

Nagkagulo na ang lahat. Lumapit si Daryl sa kanila ngunit imbes na awatin sila ehh sinuntok niya din si Sean.

Pinagtutulungan nila si Sean...

"T*ngn* mo! Sino kayo para pagbintangan si Hara huh?" galit na galit na sabi ni Sean habang pinagsusuntok sila Daryl at Karl.

"Tama na! Itigil niyo na yan!" hagulgol ko habang nakikita ang pagsusuntukan nila.

Ang mag estudyante, wala man lang ginawa upang awatin sila. Napaka-sama nilang lahat...

Itinulak ko ang likod ng uniporme ni Karl papalayo kay Sean at pinagsasampal ko siya.

"Ang sama sama mo! Bakit niyo dinadamay si Sean..." sabi ko sa pagitan ng pag-hikbi.

"Ano ba! Tigilan mo ako! Mamamatay tao ka!" at bigla niya akong itinulak kaya napaupo ako ulit sa sahig.

Nanghihina na ako... ang sakit sakit na...

"T*rantado ka! Wag na wag mong sasaktan si Hara!" at bingyan pa ulit ng isang malakas na suntok ni Sean si Karl bago ako buhatin at lumayo sa kanila.

Isinakay ako ni Sean sa sasakyan niya at inihatid ako pauwi.

"Jusko! Saan ka ba galing Hara? Nag-alala ako sayo?" salubong samin ni manang pagka-pasok namin ni Sean sa bahay.

"B-bakit may dugo ang damit mo?" gulat na gulat na tanong sakin ni manang ng mapansin ang duguan kong damit.

"Pagpahingain muna natin si Hara manang" sabi ni Sean.

"O sige, pero kumain ka muna Hara"

"Wag na po manang. Pagod na pagod na po ako" sabi ko at inilalayan nila akong dalawa paakyat sa kwarto ko.

Naiwan kaming dalawa ni Sean dito. Hinaplos haplos niya ang buhok ko habang naka-hawak sa isang kamay ko ang kamay ni Sean.

"Hindi ka naniniwala sa kanila diba? Hindi ka naniniwalang kasabwat ako ng killer?" desperadong tanong ko.

"Kilala kita Hara. Alam kong hindi mo kayang gawin yun" at napangiti naman ako sa sagot niya. Kahit papaano, pinaniniwalaan parin ako ni Sean.

"Pero ano bang nangyari Hara? Ano banag nangyari kagabi?" 

Ipinaliwanag ko na sa kanya lahat lahat. Pati ang ipinadala saking sulat at letrato. Ipinaliwanag ko rin na anak ng mga nasa picture ang pinapatay ng killer.

 "P-pwede ko bang makita ang sulat?" bumangon muna ako sa kama at iniabot kay Sean ang sobre. Binuksan niya iyon at nanlaki ang mga mata ng makita ang sulat.

"Anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko din alam Sean."

May bigla naman akong naalala...

Tumingala nalang ako at nakita ko ang orasan sa dingding.

 

Saktong tumapat sa 11:28 pm ang oras. 


"11:28 pm" sambit ko.

"Huh?" agad kong kinuha ang sulat at pinagmasdan ang mga numero.

11270171127D

1127D

"1127" naibulong ko.

"Sumakto sa 11:28 ang oras pagtingin ko sa orasan kagabi. Ibig sabihin, hindi 11:28 pm namatay si Alden kung hindi 11:27 ng gabi." sabi ko kay Sean.

"Hindi kita mainindihan"

"Tingnan mo Sean. Baka mga set ng numbers to na pinag-isa. At ang ibig sabihin ng 1127 ay ang oras ng pagkamatay ng mga biktima ng killer." paliwanag ko sa kanya.

"Eh anong ibig sabihin ng 1027017?"

"Hindi ko pa yan alam. Pwedeng mga oras din. O kaya telephone number. Basta! Ang mahalaga, alam ko na ang ibig sabihin ng 1127" naka-ngiti kong sabi.

Para akong nanalo sa lotto sa kasiyahang nararamdaman ko. Nakalimutan ko ang masamang nangyari kagabi ng madiskubre ko na ang ibig sabihin ng ibang numero.

"Wala ka bang pasok Sean?" tanong ko.

"Wala akong ganang pumasok. Dito nalang ako, babantayan kita" naka-ngiti niyang sabi sakin kaya napangiti na din ako.

"Pero kailangan mong pumasok. Sige na, ayos na ako. Nandito naman si manang ehh"

"Pero.."

"Wag ka ng umangal! Sige na. Masyado kang matalino para umabsent. Haha" atsaka itinulak ko si Sean papalabas ng kwarto ko.

"Sige na. Papasok na. Pero tawagan mo ako pag na-miss mo ko ha?" tumango naman ako sa kanya.

Inihatid ko muna sa si Sean sa gate namin bago magpaalam.

"Sige na, papasok na ako" 

"Bye. Ingat ka"

Tumalikod na si Sean sakin ngunit muling humarap at mabilis na hinalikan ako sa aking labi atsaka tumakbo papalayo.

"Bye na Hara. I love you!" muling lingon sakin ni Sean habang kumakaway ng nakangiti. Ako naman tong hindi makagalaw ngunti hindi ko maitatanggi na may ngiti sa aking labi.

----

Lumipas ang dalawang araw. Halos lahat ng estudyante dito, pinagbibintangan kaming magkasabwat ni Jaja at kami ang pumapatay. Nasasaktan ako sa mga panghuhusga nila samin ngunit wala akong magawa. 

Si Jaja, hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero napapansin kong nagbago siya. Isa siyang masiyahin na babae ngunit ngayon, lagi siyang nakayuko at tahimik. Kapag lalapitan ko siya, bigala siyang tumatakbo papalayo at ganun din kapag may ibang lumapit sa kanya. Parang takot na takot siya sa mga tao. Hindi ko tuloy mapigilang mag-hinala kay Jaja na baka may alam siya tungkol sa patayang nangyayari.

Apple's POV

 

Haiiistt, naalala ko na naman si Alden. Naiiyak na naman ako.

"Cheer up girl. Pumapangit ka kakaiyak" sabi sakin ni Trisha.

"Pero hindi ko padin makalimutan si Alden. Bakit kailangan siya pa..." tanging sila Irene at Trisha lang ang nakakaalam na may malalim akong pagtingin kay Alden kaya ganun nalang ako naapektuhan sa pagkamatay niya. Hindi ko pa nasasabi na mahal ko siya pero nawala na siya agad sakin.

"Maghihiganti tayo" napatingin naman kami ni Trisha kay Irene na naka-tingin sa salamin dito sa cr.

"Paano?" tanong ko.

"Sila Hara at Jaja ang killer diba?" at sabay kaming tumango ni Trisha.

"Pwes, ipapakita natin kung gaano tayo kalakas." at biglang ngumisi si Irene samin kaya napangiti narin ako sa ideya niya.

Tama. Maghihiganti ako. Di ako papayag na matapos nilang patayin si Alden ay hindi sila mapaparusahan.

Nanlaki naman ang mga mata naming tatlo ng lumabas si Elisha sa isang cubicle at tumabi samin para maghugas ng kamay.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Trisha. Narinig niya ba ang usapan namin?

"Sumagot ka!" ngunit nanatiling tahimik si Elisha.

Lumapit sa kanya si Irene at tinanggal ang earphones sa tenga ni Elsiha.

"Ano ba!" biglang itinulak ni Elsiha si Irene kaya napa-upo ito sa sahig.

"OMG Irene!" lumapit kami ni Trisha at tinulungan makatayo si Irene.

"Bitch ka! Wag mo kong kakalabanin ha! Hindi mo ako kilala" pagbabanta sa kanya ni Irene.

"Kilala kita. Kayo ang di nakakakilala sakin" at binigyan niya kami ng isang ngiti na nakakakilabot bago ibinalik sa tenga niya ang earphones at lumabas sa cr.

"What's witjh her?" naiiritang tanong ko.

"N-narinig ba niya ang pag-uusapan natin?" tanong ni Trisha.

"Wala siyang narinig. Nakita niyo namang naka-earphones siya diba? Hindi niya alam ang plano natin." at napangiti na kaming lahat sa sinabi ni Irene.

Ngunit mas napangiti kami ng biglang pumasok dito sa cr si Jaja.

Jaja's POV


Nagulat ako ng makita sila Irene dito sa cr. Akala ko wala ng tao.

Papalapit silang tatlo sakin kaya tatakbo na sana ako ngunit hinila ni Irene ang buhok ko at iniuntog sa lababo. 

"OMG sis. Dumudugo ang ulo niya" narinig kong sambit ni Trisha.

Nahilo ako sa pagkauntog ko.

"Nah... bagay lang sa kanya yan!" at iniuntog niya ulit ang ulo ko.

"Are we gonna kill her?" tanong ni Apple.

"Hindi natin siya papatayin. Papahirapan lang natin siya" at patuloy siya sa pag-untog sa ulo ko

Nagsituluan ang dugo sa sahig at napuno ang uniporme ko.

Pinagsasabunutan at pinagsasampal nila akong tatlo.

"T-tama na! Maawa kayo sakin" naiiyak kong sabi.

"Bakit naawa ka ba ng pinatay mo si Alden?" galit na galit na sabi sakin ni Apple.

"H-hindi. Hindi ako ang pumatay sa kanya"

"Ah ganun? Sige sabihin mo! Sinong pumatay sa kanya?! Sino pa ang mga kasabwat niyo ni Hara?!" at pinagsisipa niya ako. Ang sakit ng mga ginagawa nila sakin...

"Maawa kayo..."

"Shut up!" at itinulak ako ni Trisha sa pader at sa lakas ng pagkaktama ko, bigla akong nanghina kaya nabagsak nalamang ako sa sahig.

Hilong-hilo na ako... Patuloy padin sa pagdagak ng dugo sa ulo ko...

"A-anong ginagawa niyo?" tanong ko ng biglang itinali nila ang dalawa kong kamay sa likod at ganun din sa mga paa ko.

"Pakawalan niyo ako!" 

Patuloy ako sa pagmamakaawa ngunit para silang si Satanas na patuloy padin sa pinaggagawa nila. Ni hindi man lang sila nanginginig sa pinag-gagawa nila sakin. Mga wala silang puso. Ang sasama nila...

May inilabas na tape si Irene sa bag niya at idinikit iyon sa labi ko kaya di na ako nakapag-salita pang muli.

"Mabulok ka diyan! Tingnan nalang natin kung may tutulong pa sayo!" at lumabas na silang tatlo at may narinig akong ingay ng mga kadena.

Pinilit kong tumayo at tumalikod saka sinubukang buksan ang pinto ngnit naka-kandado na ito.

Ikinulong nila ako sa loob. Wala na akong magawa kung hindi umiyak na lamang.

Hindi totoo ang mga sinasabi nila. Hindi ako ang killer. Hindi kami ni Hara. Inosente ako...

*flashback*

Napabangon ako sa kama ko dahil naiihi ako. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko para di ko magising ang mga dorm mates ko.

Pumunta ako sa cr at pabalik na sana ako sa kwarto namin ng makarinig ako ng sigaw ng lalaki.

Sinundan ko ang ingay na yun at napadpad ako sa likod ng building ng dorm at may nakita akong lalaki na sinasaksak ng taong nakabalot ang buong katawan ng itim na tela kaya hindi ko masigurado kung babae ba iyon o lalaki. Tinakpan ko ang bibig ko upang di makagawa ng ingay atsaka nagtago sa gilid.

Nakita kong hila-hila na ng taong naka-itim ang lalaki. Dala ng kuryosidad, pasimpleng sinundan ko iyon at napadpad kami sa classroom namin. Sumilip ako sa bintana ng classroom at halos masuka na ako sa ginawa ng taong naka-itim.

Chinop-chop niya ang katawan ng lalaki.

Pagkatapos niya putol-putulin ang katawan na iyon ay inilagay niya sa isang bag ang hiwa-hiwalay na parte ng katawan ng lalaki. Ipinatong niya ang bag sa teacher's table atsaka mabilis na nilinis ang mag dugo na nag-kalat sa sahig.

Kung titignan, parang walang nangyaring pagputol ng katawan sa classroom dahil magaling ang pagkakalinis ng killer.

Nakita kong hinubad niya ang itim na tela sa mukha niya at pinunasan ang mga pawis niya. 

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya, siya ang killer...

Halos mapaatras ako ng magtama ang paningin namin at mabilis siyang lumabas ng kwarto. Kitang-kita ko ang mukha niya. Kilala ko siya.


Bigla siyang ngumisi na parang walang katakot takot na nakikita ko ang itsura niya at napnsin kong humigpit ang pagkakawak niya sa kutsilyo niya.

Bahagyang umatras ako. Parang sasabog na ang puso ko sa bilis ng pagkakatibok nito. 

"B-bakit mo siya p-pinatay?" pautal utal kong tanong ngunit binigyan niya lamang ako ng isang demonyong ngiti.

"Alam mo ang bang... sa bawat makakaalam ng sikretong to, ay katumbas ng buhay mo at ng inosenteng mga tao?" lalo akong nakaramdam ng takot sa sinabi niya. 

"P-papatayin... mo a-ako?"

"Hmmm... pagbibigyan kita sa ngayon. Hindi ko muna kukuhain ang buhay mo, pero sa oras na nagkaroon ako ng pagkakataon... mararanasan mo ang pagka-demonyo ko" at ngumisi siya.

Tumakbo na ako ng mabilis papalayo sa kanya at bumalik sa kwarto ko. Itinalukbong ko ang sarili ko sa kumot atsaka paulit ulit na bumulong

Hindi to totoo. Panaginip lang to. Hindi ako mamamatay...

*end of flashback*


Takot na takot ako. Gustuhin ko mang magsumbong pero natatakot ako. Naaalala ko ang mga sinabi niya sakin nung gabing iyon.

"Alam mo ang bang... sa bawat makakaalam ng sikretong to, ay katumbas ng buhay mo at ng inosenteng mga tao?" 


Kapag nalaman niyang nagsumbong ako, papatayin niya ako at mandadamay siya ng mga inosenteng tao.

Nakarinig ako ng ingay sa labas at nakita kong may bumukas ng pinto.

"Hmmmmmm-----" sumigaw ako ng tulong ngunit dahil sa tape na nakadikit sa bibig ko ay hindi ko ito naibigkas ng maayos.

Ang akalang kong pag-asa na may tutulong sakin ay naglaho.

Akala ko, may dadating na taong tutulong sa akin makalabas dito sa cr pero halos tumaas ang lahat ng balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya...

"Oras  mo na... Jaja" 

At nakita ko na naman ang demonyo niyang ngiti.

Napapikit na lamang ako at nanalangin....

----

Vote and comment po kayo ^^

 

Irene sa side.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

9.9K 216 12
Alam natin na ang diary ay ang sulatan ng sikreto. Mag ingat-ingat dahil walang sikretong di nabubunyag.
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]