The Lost Heiress #Wattys2016...

Od empredite

346K 5.9K 100

He's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until f... Více

The Lost Heiress
TLH: Chapter 2
TLH: Chapter 3
TLH: Chapter 4
TLH: Chapter 5
TLH: Chapter 6
TLH: Chapter 7
TLH: Chapter 8
TLH: Chapter 9
TLH: Chapter 10
TLH: Chapter 11
TLH: Chapter 12
TLH: Chapter 13
TLH: Chapter 14
TLH: Chapter 15
TLH: Chapter 16
TLH: Chapter 17
TLH: Chapter 18
TLH: Chapter 19
TLH: Chapter 20
TLH: Chapter 21
TLH: Chapter 22
TLH: Chapter 23
TLH: Chapter 24
TLH: Chapter 25
TLH: Chapter 26
TLH: Chapter 27
TLH: Chapter 28
TLH: Chapter 29
TLH: Chapter 30
TLH: Chapter 31
TLH: Chapter 32
TLH: Chapter 33
TLH: Chapter 35
Author's Note

TLH: Chapter 34

9.7K 142 1
Od empredite

Eunica's POV

"Ouch!"

Muli nanaman akong napahagikgik ng kurutin ko nanaman sa ilong si Ivan. Ewan ko ba pero gustong gusto ko yung ilong niya. At eto nanaman siya, nakasimangot na at hinihimas-himas yung ilong niyang namumula. Ang cute lang!

"Ooopss. Sorry" mahinang sabi ko

Napa-iling nalang siya. Nandito kami ngayon sa condo niya. Sinundo niya ako kanina na talagang ikinagulat ko. Akala ko kase nagbibiro lang siya. Pinaalam pa niya ako kila Mama na didito muna ako sa condo niya kahit ngayong gabi lang at siguro dala na din ng kaantukan at pumayag na din sila. Nagulat pa nga ako eh. Akala ko hindi sila papayag kaya sobrang lumuwag yung pakiramdam ko nu'ng pumayag sila.

"Are pregnant women like you?" Iritang tanong ni Ivan kaya natawa ako. Nagkibit-balikat nalang ako. Eh kase first time ko lang naman magbuntis ano.

"Hindi ko alam. Siguro."

At muli ko nanamang kinurot yung napakatangos niyang ilong! Perfect curve! Bigla naman akong napasigaw ng hapitin niya ako sa bewang.

Nakahiga kasi kami ngayon sa kama niya. Alam ko masamang mapuyat ang mga buntis pero kase hindi pa ako inaantok eh. At saka kakagising ko lang ano! Kanina din, buti nalang napakain ko si Ivan. Naaawa na nga ako dito eh, pagod na pagod nalang palagi at hindi na nakakakain ng maayos. Tinitigan ko yung mukha niya. Medyo may eyebags na siya at halata mong hindi na din siya nakakapag-shave. Medyo pumayat din ng kaunti pero okay naman sa kanya kaso nga lang, nababahala ako kung ayos lang ba 'yun.

"Why?" tanong nito ng makahalata sigurong tinititigan ko siya ng maiige.

Nalipat yung tingin ko sa mga mata niya. Those dark gray eyes are very attention-hacker. Bumibilis nanaman yung pagtibok ng puso. Sana makuha iyon ng magiging baby namin yung magaganda niyang mga mata. Pakiramdam ko yun ang dahilan kung bakit gustong gusto ko siya. Ay mali! Mahal na mahal ko pala siya.

"Okay ka lang ba?"

Nangunot naman yung noo niya. "What do you mean? Of course I am okay."

"S-Sigurado ka? Is everything okay?" alalang tanong ko pa din sa kanya. Hindi kasi ako makuntento sa sinabi niya eh. Parang may mali talaga.

Nakatitig lang siya sa akin. Hindi alam kung sasabihin ba niya sa akin o hindi. May pag-aalala sa mga mata nito. At pakiramdam ko tama yung kutob kong may mali nga. Hinawakan ko yung mukha niya. Napapikit naman siya at hinawakan yung kamay kong nasa mukha niya. Pakiramdam ko naman maiiyak ako.

"Ivan, nandito lang ako. Puwede mo ako sabihan ng problema mo." marahang tanong ko sa kanya.

Napadilat siya and there is sadness in his eyes. And fear..

"Eunica, if anything happens please don't leave me"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. I didn't see that coming. I can see hope in his eyes while waiting for me to answer. Ngumiti ako dito.

"Oo naman. Bakit mo naman nasabi 'yan?"

I keep the energy in my voice to lighten the atmosphere between us. Kasi kahit ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang anytime puwedeng mawala sa akin si Ivan. At hindi ko kakayanin iyon.

Mukha namang nakahingang maluwag si Ivan sa sinabi ko nakita ko na yung totoo ngiti niya lalo na sa mga mata niya. I somehow felt relieved. Siguro iyon lang yung gusto niyang marinig.

Umiling-iling siya at dinala ang kamay ko na nakalapat sa mukha niya sa mga labi niya at hinalikan ito.

"I just can't take it if someone's gonna take the both of you away from me." Sabay nu'n ay paglapat ng kanyang kamay sa tiyan ko. Medyo may baby bump na din ako.

Napangiti ako sa kanya.

"Hinding-hindi ka namin iiwan. Right, baby?" Pinatong ko na din yung kamay ko sa kamay ni Ivan na nakapatong sa tyan ko.

I heard him laugh. His real laugh. Gumaan naman yung pakiramdam ko ng marinig ko yung tawa niya.

Tinapik ko naman yung kamay niya sa tiyan ko na alam kong ikinagulat niya. Natawa naman ako sa expression niya.

"Ivan, laro tayo." Masayang sabi ko sa kanya.

Nagtataka naman yung mga mata niya. Hindi siguro ako naintindihan.

"Are you serious, babe? And it's already midnight. You should be sleeping right now." Seryoso niyang sabi sa akin. Napasimangot naman ako. Eh sa hindi pa ako inaantok. Hindi pa tayo inaantok 'di ba, baby?

Umiling naman ako dito. "Sige na, Ivan. Please?" nakanguso kong sabi ko sa kanya.

Napailing din naman siya. Bigla naman bumagsak yung mga balikat ko. Parang laro lang eh. Tatalikuran ko na siya ng mapatigil ako sa sinabi niya.

"Fine. Fine. What game are you up to, lady?"

Ngumiti naman ako sa kanya. Isang matamis na ngiti. Hahaha

"20 questions game." Sabi ko

Nagtataka naman siyang tinignan ako. Hindi ba niya alam 'yun?

"What? Why? What for?"

Ang dami namang tanong! Pero sige, i-eexplain ko sa pogi na 'to yung 20 questions game.

"20 questions game, 'yun yung magtatanong ako sayo tapos magtatanong ka---"

"I know that game, Eunica. What I meant was, para saan?" s

Napanguso naman ako. Tss! Alam naman pala eh!

"Hm.. eh wala lang. Gusto ko lang may malaman tungkol sa'yo." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Totoo naman kasi 'yun. Gusto kong may malaman ako sa kanya. Tsaka kakaunti lang naman yung mga alam ko.

Nag-iisip pa siya kung anong isasagot niya. Tss. Ang tagal naman! Naiinip na ako! Masama paghintayin ang buntis!

"Okay fine. But after this, we're gonna sleep." Sabi nito

Lumiwanag naman yung mukha ko. Yes!

"Deal! Okay. Ako mauuna. Anong paborito mong pagkain?"

Napatawa siya saglit. Anong nakakatawa sa sinabi ko?! Tinignan ko siya ng masama.

"Chicken curry." At binigyan niya ako ng makahulugahang tingin.

Bigla naman ako pinag-initan ng mga pisingi. Bakit parang may meaning 'yun?

I heard him chuckled. And it is so sexy! Oh my gosh! Eunica! Buntis ka na ganyan ka pa din sa tatay ng magiging anak mo! Ay, ayiiieee! Tatay daw ng anak ko. Hihi.

"My turn, what's your motto in life?"

Natawa naman ako sa tanong niya. "Interview po ba 'to, sir?"

"You're cheating. Just answer my question."

"Hm... Everything happens for a reason." Simpleng sagot ko dito.

Napatango-tango naman siya. "Why?"

"Hoy! Ikaw madaya eh!" At pinalo ko pa siya sa braso niya

"Na-ah! You answered me with a question earlier. You're left with 18 questions" Confident na sabi pa nito. Tsaka ko lang narealize 'yun.

"Hmph.. Ahmm.. kasi naniniwala ako na ang lahat ng mga nangyayari sa mundong ito ay may dahilan. Kasi hindi naman mangyayari yun kung wala lang 'di ba? At saka ako kasi yung tipo ng tao na iniintindi ko muna yung mga nangyayari bago ako manghusga. Kaya ayun. Everything happens for a reason."

Mahabang sabi ko dito. Totoo naman kasi yun para sa akin. Mukha namang namangha itong si Ivan sa akin. Siguro kung interview ko 'to sa kanya, pasok na agad ako!

"My turn!" Ginaya ko siya. "Bakit ako? I mean, bakit ako, Ivan?"

Napatingin naman siya akin. At ngumiti. Ngiting nakakatunaw!

"Because you're the only one who captured my heart the moment you spilled coffee on my favorite shirt."

Simpleng sagot niya pero ang mas ikinagulat ko eh yung huling sinabi niya. Favorite shirt niya yun?! Ay, ang clumsy mo talaga Eunica! Nahihiya naman akong napayuko at ngumiti sa kanya.

"Hehe. Sorry." Sabi ko dito

"It's okay. My turn." Nakangiting sabi nito

"Shoot!"

"Will you marry me?"

"Yes!" WAIT, ANO!?

"YES! Finally!" Masayang sabi nito at napasuntok pa sa hangin!

"Teka! Teka! Ano! S-Saglit.. Ivan!" sigaw ko dito dahil ayaw akong pakinggan nito! Ang daya!

"What?" Masiglang sabi nito at hindi maalis yung ngiti sa mukha niya.

"A-Ano.. kasi..." Hindi ko alam sasabihin ko! Hindi pa kasi ako ready!

"Babe?"

Huminga akong malalim at hinarap siya. "A-Ang daya mo! Hindi kasama sa game natin 'yan!" sabi ko dito.

Natawa naman siya. "First of all, it's a question , babe. So, anong mali du'n?"

Napatigil ako. Oo nga naman! Eh kase ang objective ko lang naman dito is malaman ko yung mga small details tungkol sa kanya! Argh. Hindi ko naman inakala na ganyan yung itatanong niya.

"E-Eh kase...H-Hindi pa ako ready, Ivan." Mahinang sabi ko dito

Nakita ko namang malalim niya akong tinitignan. Hindi naman kasi sa ayokong magpakasal sa kanya, in fact, pangarap ko nga yun eh. Kaso kasi, hindi pa ako ready. At saka, hello! Gusto ko din naman ng proposal kahit simple lang! That's every girl's dream.

Ngumiti siya sa akin. "I know, babe. And I'm sorry kung sa tingin mo minamadali kita. Ayoko lang husgahan ka nila and I just want my child to be legally mine."

Na-touch naman ako sa sinabi niya. At least alam ko na gusto niya kami maging legal sa mga mata ng mga tao. I suddenly felt my tears that is starting to pour pero pinipigilan ko lang.

Hinawakan ko yung mga kamay niya. "Ivan, hindi ko naman iniisip na minamadali mo ako. Gusto ko lang na handa na talaga ako na pakasalan ka."

Tumango-tango siya sa akin. Masuwerte ako dahil naiintindihan ako ni Ivan. Atsaka, ayokong magpadalos-dalos sa mga desisyon ko. Oo, alam ko na nagpadalos ako ng bigla kong ibinigay ang sarili ko sakanya, pero masisisi niyo ba ako? Ginusto ko din naman.

"I promise, the next time I'm gonna ask you to marry me? You'll gonna say yes to me." Sabi nito at napangiti ako sa kanya.

Ang suwerte ko talaga kay Ivan, gwapo na, maaalalahanin pa, marunong pang umintindi. At higit sa lahat, mahal na mahal ako.

"Thank you, Ivan. Atsaka sa susunod, lumuhod ka naman sa harap ko!"

At tinawanan niya ako. Bakit kahit pagtawa niya, ang gwapo pa din?! Kainis ka, Ivan!!! Ang puso ko, hinahyper nanaman! Hehe

"Don't worry, I'm gonna make a proposal you won't ever forget." Sabi nito at binigyan nanaman ako ng pamatay niyang kindat.

Bigla naman may pumasok sa utak ko. Tinitigan ko siya ng seryoso at nahihiya naman ako. Itatanong ko ba? Ah, bakit kasi pumasok sa utak ko yun.

"Uhm, a-ako naman magtatanong!"

"Spill." Simpleng sagot niya naman.

Kinakabahan talaga ako, itatanong ko ba? Baka kasi, magalit siya eh. Bakit naman kasi tinamaan nanaman ako ng pagka-curious ko. Tinignan ko siya at mukhang naghihintay siya ng sagot ko. Huminga akong malalim. Eto na 'to, Eunica. Walang bawian.

"S-Sino si K-Kara?" mahinang sagot ko

Nakita ko namang natigilan ito. At unti-unting nawala yung mga ngiti niya sa labi nito. Para naman gusto kong lamunin nalang ng lupa sa tinanong ko!

Matagal bago siya nakasagot at tila yung puso ko eh, parang nakakain ng sobrang daming sweets ata ayaw tumigil sa pagtibok ng mabilis.

"Uhmm.. 'w-wag mo sagu-"

"She's my ex. My first secretary and first love."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ayan kase! Panindigan mo yan, Eunica! Hindi naman ako makagalaw sa sinabi niya. At worst, hindi ko alam sasabihin ko!

"Why do you want to know?"

Napatingin ako sa sinabi niya. Wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa mga mata niya.

"Uh... n-narinig ko lang kasi na pinag-uusapan niyo iyon ni sir Mike. Pero... pero matagal na yun! Hehe. I-Ikaw na magtanong" Sabi ko nalang

"I already asked you." Simpleng sagot niya at nakatitig lang siya sa akin.

"Hmmm.."

Hindi ko alam yung itatanong ko bigla. Parang naubusan ako ng mga tanong sa katawan ko about him. EH BAKIT NAMAN KASI PUMASOK PA SA UTAK KO YUNG TANONG NA 'YON! Argh. Minsan shunga ka, Eunica!

Nagpalinga-linga ako sa kwarto. Nadako ang tingin ko sa orasan sa may bedside table niya. At nakita ko namang malapit na mag-2 in the morning.

Nginitian ko ito "Hmmm.. tulog na tayo? Inaantok na din ako eh. Good night" Sabi ko

Hinanda na yung sarili ko sa pagtulog. Pumwesto na ako ng higa at tumalikod na sa kanya at pumikit. Hindi ko alam kung bakit tumalikod ako. Ewan ko, pero nahihiya ako sa kanya. Alam ko namang privacy niya 'yun at pakiramdam ko, ayaw niyang pinag-uusapan si Kara. Pakiramdam ko lang base sa narinig ko kung paano sila mag-usap ni Sir Mike noon.

Naramdaman ko naman napahinga ito. Pinatay niya yung lampshade at umayos na din ng higa. Nagulat naman ako ng maramdaman kong niyakap niya ako kahit nakatalikod ako at hinalikan ako sa buhok ko. Hinayaan ko nalang siya at nagsimula ng matulog. Ang pasaway ko namang buntis, nagpuyat ako ngayon. Sana walang mangyari sa baby ko.

"My world was all about Kara that time."

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya at parang tinutusok yung puso ko. Para naman akong maiiyak sa sinabi niya. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita or should I say, pagkukuwento.

"She's was my everything. Given the fact that she was my first love that time. Nagkakilala kami nu'ng una kong hinandle yung CLS. She was my first secretary as I've said earlier. I was also the one who interviewed her. And I think I've fallen for her for the first sight."

Nakaramdam ako ng nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang sakit pala. Ang sakit na nagkukuwento yung mahal mo tungkol sa dati niyang mahal. Hindi ko maiwasang mainggit. Lalo na nu'ng malaman ko na siya pala nag-interview kay Kara. Humigpit naman yung yakap niya sa akin at hinalikan ako muli.

"Everything was perfect. I made her fall in love with me. Not until my parents knew about her. Tutol sila sa relasyon namin at sinasabi lang nila na pera lang ang habol sa akin ni Kara. Hindi ko sila pinakinggan. Until one day, I saw her with one of the BOD of CLS. They were talking about money. Money which they were stealing from my company and after that they make out. Kitang kita ko sa dalawang mata ko yung ginawa nila. And then I just realized what my parents told me that it was true. Pinatalsik ko yung member ng BOD na 'yun and broke up with Kara. Nagmakaawa siya sa akin pero hindi ko pinagkinggan. I was so stupid that time. At simula noon iba na ang trato ko sa mga naging secretary ko."

Nakaramdam ako ng hinanakit sa tono ng pagkukuwento niya. H-Hindi ko akalain na may matinding pinagdaanan pala si Ivan kung bakit ganon siya. Ngayon sa nalaman ko, mas lalo kong naiintindihan ito. Kahit na nasaktan ako sa mga sinabi niya nu'ng una about kay Kara, napalitan naman ito ng awa. She has taken him for granted. Siguro kahit ako, masasaktan ng sobra kapag nangyari sa akin iyon. At baka hindi ko kayanin.

"Babe.. I-I'm sorry if I have treated you so bad back then."

Ramdam ko naman yung sincerity sa boses niya. Hinarap ko na siya na siyang ikinagulat niya. Akala niya siguro tulog na ako.

Nginitian ko siya. "Okay lang. Naiintindihan ko na."

He kissed me on my forehead at pinagdikit niya yung mga noo namin.

"Thank you, babe."

Pero may isa pa din katanungan sa isip ko. Humugot ako ng malalim.

"S-Si Kara, nasaan na siya?"

Tinitigan niya lang. "After I left her, I have not yet heard any news from her until now."

"M-Mahal mo pa siya?"

Alam ko ang stupid ng question ko! Eh sa 'yun yung lumabas sa bibig ko eh!

Nabigla ata siya sa sinabi ko. Nahiya naman ako bigla. Kahit ang tanga tanga ng tanong ko, pakiramdam ko masasaktan ako sa isasagot niya.

"I have never loved so much aside from you." Simpleng sagot niya

Kahit hindi direktang sinabi niyang "Hindi", sapat na siguro ito para sa akin.

Ngumiti ako dito at ganu'n din naman siya. "C'mon, let's sleep. It's way past your bed time, woman."

Tumango nalang ako sa kanya at pumikit na. Tsaka naman ako biglang dinapuan agad ng antok at ang bigat ng agad ng mga mata ko. Unti-unti akong pumikit.

"Good night, babe. I love you. Only you" Sabi nito at hinalikan ako sa noo.

"Hm.."

Iyon nalang ang sinagot ko sa sobrang kaantukan ko.

****

4 months later....

I'm already on my 5 month of pregnancy. Four months more at makikita na namin yung baby namin Ivan. Hindi ko mapigilang ma-excite sa nararamdaman ko. Malapit na din naming malaman yung gender ng baby ko at pakiramdam ko, babae siya.

Sa nakalipas na apat na buwan, hindi madali para makapag-adjust ako. Lalo na sa first trimester ng pagbubuntis ko. Tuwing umaga nagsusuka pa din ako. At kung anu-anong kinakain ko. Grabe! Para na tuloy akong bola sa sobrang laki ko ngayon! Pero buti nalang at hindi pa din ako pinagpapalit ni Ivan. Nagpapasalamat naman ako doon. Mas nararamdaman kong, mahal na mahal niya talaga ako.

Kasama sa apat na buwan na 'yun ay nalaman na sa buong CLS na may relasyon na kami ni Ivan bago pa lumaki yung tyan ko. S'yempre, lahat sila nagulat at nagtataka. Lahat sila hindi makapaniwala. Yung iba masaya para sa amin at s'yempre yung iba naman hindi maiiwasanag manghusga. Pero hindi ko pinapansin iyon mga yon. Ma-s-stress lang ako sa kanila!

Sa apat na buwan na 'yun, lalo akong nag-aalala kay Ivan. Halos hindi na siya nawawalan ng trabaho. Kaliwa't kanan ang mga meetings niya. Kaliwa't kanan din ang datingan ng mga paper works niya. At ako na secretary niya, nakikita ko iyon dahil lahat ng 'yun ay dumadaan muna sa akin at ni-hindi ko alam kung saan mga nanggagaling 'yun. Oo, secretary pa din niya ako. Pinipilit na nga niya ako na mag-resign pero ayoko, kailangan ko pa din kumita ng pera para naman may nabibigay ako kila Mama galing sa paghihirap ko. Ayoko naman umasa kay Ivan. At sa awa ng Diyos, may naiipon na ako kahit papaano. At may bank account na din ako sa wakas.

Hindi na nga din nakakain ng tama si Ivan at palagi na din mainit ang ulo niya. Hindi ko alam pero sa nakalipas na apat na buwan, madalas yung pag-aaway namin. Mga petty fights lang naman iyon pero hindi lumulubog ang araw ng hindi kami nakikipag-patawaran.

Dahil nga sa sobrang dami ng ginagawa niya, minsan ako nalang yung pumupunta sa OB ko. Nakakapunta naman siya ang kaso nga lang tapos na ako magpa-check up at hinahatid na niya ako bahay at balik nanaman sa opisina. Iniintindi ko nalang siya dahil nga sa dami ng ginagawa niya.

Ang maganda kay Ivan, ay yung nakakabawi pa din siya sa akin. Sapat na sa akin yun at masaya na ako du'n. At least nakikita kong nag-eeffort pa din siya sa amin ni baby.

Nagsasama na din kami sa wakas ni Ivan pero hindi sa condo niya. Kundi sa bahay mismo ng parents niya. Sa sobrang pangugnulit ni Ivan at pagsusuyo niya kila Mama, napapayag na din niya sila.

At hindi kayo maniniwala, napilit niya din ako na magpakasal kami. Yes, I am officially Mrs. Eunica Valdez-Clarkson. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. At tinotoo nya nga yung proposal niya na hindi ko daw makakalimutan. Simple lang yung wedding namin. Civil nga lang kasi wala ng time para magprepare. Kokonti lang ang dumalo. Ang pamilya ko, sila Veron, Jem, Patrick, Dave, Ricky, Clarisse, Luke, Mike, Yanna at Madi. Wala sila Tita Celine at Tito Felipe. Nakakalungkot lang. Kasi simula ng malaman nila na buntis ako, nag-iba na yung turing nila sa akin. Masakit man pero kinakaya ko. Para ito sa baby ko, sa baby namin. Dahil gusto ko siya bigyan ng buo at masayang pamilya. Kaya lahat titiisin ko.

Kasalukuyan akong nasa desk ko at nagtatrabaho. Mag-lulunch na din kaya naisipan ko ng puntahan yung asawa ko. Ayiieee. Asawa ko daw. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako.

Tumayo na ako at lumapit sa pinto niya. Kumatok muna ako at binuksan na yung pinto. Naabutan ko siyang tutok na tutok sa mga papel na binabasa niya. Lagi siyang ganyan. Nagprisinta na nga din ako na tulungan ko siya kaso ayaw niya dahil masama daw magpagod ang mga buntis. Kaya wala akong nagawa kundi sundin nalang siya.

Nilapitan koi to at hinawakan sa kamay na nagpatigil sa kanya. Umangat ang tingin niya sa akin at nginitian ko naman ito.

"Babe, kain na tayo."

Nagulat ako ng binalik niya yung tingin niya sa mga papeles. Napabuntong-hininga ako. Hays. Ayan nanaman siya. Ganyan siya kapag ayaw magpa-istorbo.

"Mauna ka na, babe. Tatapusin ko lang ito."

"Pero Ivan, kailangan mo ng kumain. Magpapalipas ka nanaman ba?"

Napabuntong hininga naman siya. "Susunod din ako sa'yo. Sige na."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napunta naman ang tingin niya sa laptop niya.

"Puwede mamaya na 'yan, babe? Please sabayan mo na ako." Pagpilit ko pa din

"Eunica, mauna ka na please? Sandali nalang ito." Sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa laptop niya.

Nag-iinis na ako. Palagi nalang siyang ganyan. Concern lang naman ako sa kanya. Pumapayat na siya! Pero hindi naman gaano. At saka gwapo pa din naman siya.

Lumapit ako sa laptop niya at sinara ito. Hindi siya titigil hanggat dito. Kilala ko na 'yan. Nagulat naman siya at nangunot yung noo niya.

"Shit! Eunica!"

Nagulat naman ako sa pagsigaw niya. Ngayon niya lang ako sinigawan ng ganyan. Kapag ginagawa ko naman iyon, hindi siya nagagalit o ano. Umakyat naman lahat ng dugo ko sa ulo ko.

"Kakain tayo sa ayaw at gusto mo!" sigaw ko din sa kanya.

"I told you na mauna ka na! This is important! Shit!" naiinis na sabi nito at dali-dali binuksan yung laptop niya.

Naiinis na talaga ako. "Ivan!"

Tumingin siya sa akin. Kita mo yung inis sa mukha nito. "What?! Can't you see I'm working?! Sabi ko mauna ka na!"

Hindi ko na napigilan yung luhang nagbabadya sa mga mata ko. Anong nangyayari? Hindi naman ganyan si Ivan kapag inayaya ko siya kumain. At saka importante? Mas importante pa yun kesa sa amin? Niyaya ko lang naman siyang kumain ah! Nag-aalala lang ako sa kanya. Bakit ba siya nagagalit?!

"Bakit ka ba nagagalit?!" sigaw ko din sa kanya

His jaw clenched. "Because you're disturbing me!"

Para akong binuhusan ng yelo at nanigas ako kinatatayuan ko. So ganu'n? Istorbo pala kami sa kanya ng anak niya?! Dati naman hindi siya ganyan eh!

Hindi ko na napigilan at tumalikod na ako sa kanya at dali-daling lumakad papunta sa pinto niya. Pagtingin ko ulit sa kanya, nakatututok pa din siya sa laptop niya. Lalo akong nasaktan. Akala ko pipigilan niya ako. Akala ko aamuhin niya ako pero hindi. Bumalik lang siya sa ginagawa niya at para lang akong hangin na hindi niya pinansin.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas na. Hindi ko mapigilang lumuha. Anong nangyayari? Bakit ganu'n si Ivan? Hindi siya ganyan dati eh. At ngayon niya lang ako sinigawan.

"Hi Eunica! Hey, why are you crying?"

Napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita. Nagulat naman ako at agad na pinusan yung mga luha ko. Kita ko yung pag-aalala sa mukha niya.

"A-Ah. Wala."

"Are you sure? Did Ivan hurt you?"

Nanlaki naman yung mga mata ko. "H-Hindi ah!"

Hindi nga ba?

Mataman niya lang akong tinignan. "Kumain ka na ba? It's already lunch time."

"Uh.. hindi pa. Kakain sana kami ni..."

Napatigil ako sa sasabihin ko ng maalala ko nanaman yung nangyari kanina. At heto nanaman yung mga luha ko, nagbabadya nanamang tumulo. Hays! Pregnancy Hormones!

"I think I know the answer. C'mon, samahan na kita."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Naku, Mike. 'Wag na. Okay lang. Pupuntahan mo ba si Ivan? Sige, pasok ka na."

Pagkatapos ay nginitian ko siya at maglalakad na sana pero bigla niya akong hinawakan sa braso ko kaya napatigil ako.

"No. He can wait. Samahan na kita. Nagugutom na din ako eh. Tara?"

"O-Ok lang sa'yo?"

Ngumiti ito ng matamis sa akin. "Oo naman. Basta para sa inaanak ko." Sabi nito at kinindatan pa ako.

"Hm.. sige na nga." Sagot ko at sabay na kami naglakad papunta sa elevator.

Bago magsara yung elevator, tinignan ko muli yung pintuan ni Ivan, nagbabasakaling buksan niya ito pero pasara na yung elevator at wala pa din nangyayari hanggang sa tuluyan na itong magsara. Hindi ko naman maiwasang maalala yung nangyari kanina.

"It's gonna be alright. Babawi din sa'yo 'yun."

Napaangat ang tingin ko sa kanya and I can see an apologetic smile on his face. Nginitian ko nalang siya.

Dinala ako ni Mike sa isang restaurant malapit lang sa CLS. At habang papunta kami parang lumulutang yung isip ko. Hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kanina. Nakakahiya man kay Mike, inintindi niya nalang. Buti pa itong best friend ni Mike, nasasamahan ako kahit busy din ito. Pero yung asawa ko, hays.

"Eunica, what do you want to eat? My treat"

Napatingin ako dito. Hay lumilipad nanaman yung utak ko. Nakakahiya naman ako sa kasama ko.

"Uh.. kahit ano nalang."

Napabuntong hininga naman siya at tumingin sa waiter na naghihintay pala sa order namin. Sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayan na may waiter na pala sa table namin. Hay Eunica! Nadala lang ng galit 'yun. Babawi din sa'yo yun.

"We'll have the same order just add some chicken salad." Sabi ni Mike sa waiter at agad naman itong umalis.

Nagulat naman ako ng hawakan ni Mike yung kamay ko. Ngumiti ito sa akin.

"Don't stress out yourself. Masama sa'yo yan."

Napabuntong hininga ako. Tama si Mike. Makakasama pa sa baby namin ito.

Dumating na yung pagkain namin at nakumbinsi na din ako ni Mike na kumain. Nawalan kasi ako ng gana kumain dahil sa nangyari sa amin ni Ivan kanina. Sa lahat ng away namin, ngayon niya lang ako sinigawan ng ganon.

"So? Do you already know the gender of your baby?"

Ngumiti ako dito. "Hindi pa. Pero malapit na. A few weeks more nalang bago yung check-up ko ulit."

"Well, that's good. Have you figured out the names already?" Sabi naman nito

Ngayon lang pumasok sa isip ko 'yun. Oo nga pala hindi pa namin napag-uusapan yun ni Ivan.

"Wala pa naman. Siguro kapag nalaman na namin yung gender ni baby."

"Do you want a boy or a girl?"

"Girl sana. Pero kahit ano naman basta healthy siya."

"I think you're gonna be a great mother to her." Nakangiting sabi nito

"Thank you."

Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa CLS. Hinatid pa niya ako sa desk ko ulit. Nagpasalamat naman ako kay Mike sa lunch namin. Pagkaalis nito, bigla akong nalungkot ng maalala ko nanaman yung nangyari. Pero kahit ganun, nag-aalala pa din ako kung kumain na ba siya. Mabuti nalang at nagpa-take out ako kanina para naman may makain siya.

Tumayo na ako at binitbit yung take out ko para kay Ivan. Kumatok ako at binuksan na yung pinto pero nagulat ako ng makita kong wala ito sa desk niya. Nangunot naman yung noo ko. Asan naman nagpunta yun?

Nilapitan ko yung desk niya baka may note yun pero wala. Napayuko naman ako. Saan ba nagpunta si Ivan? Hays. Nalipat ko yung tingin ko desk niya at nakita ko yung wedding picture namin. Kinuha ko ito at tinitigan. Ang saya-saya namin nung araw na yun. Kahit wala yung parents ni Ivan, nandun naman yung ibang pamilya ni Ivan. Sapat na sa amin yun.

Bigla naman bumukas yung pintuan. Pumasok si Ivan at nakakunot ang noo. Nagulat siya ng mapansin niya ako pero mas nasaktan ako ng dinaanan niya lang ako ng tingin. Binalik ko na yung picture frame namin sa desk niya at nilipat ang tingin sa kanya.

"Pinag-take out kita." Sabi ko dito ng makaupo na ito

Tinignan niya ako at sa paper bag na dala ko. "Kumain ka na ba?"

"Oo."

"Good."

Iyon lang at bumalik na siya sa trabaho niya. Ni hindi man lang niya pinansin yung dala ko. Tumalikod na ako at maglalakad na ako ng tawagin niya ako.

"Eunica"

Hinarap ko ito at ngumiti sa kanya. "Bakit?"

"I'll be coming home late. Mauna ka na umuwi."

Iyon lang ang sinabi niya bago binalik ang tingin sa ginagawa niya. Para naman akong sinaksak. Akala ko, mag-sosorry siya sa ginawa niya. Akala ko maglalambing siya katulad ng dati pero nagkamali ako. Malungkot na lumabas ako ng office niya at nanghihinang bumalik sa desk ko.

Ano na bang nagyayari?

"Babawi din sa'yo yun, Eunica." Kumbinsi ko sa sarili ko.

Hinimas ko yung maumbok ko na tyan. Baby pagpasensyahan mo na si Daddy ha? Madami lang talaga siyang ginagawa pero babawi siya sa atin. Promise ko yun sa'yo.

****

Katulad nga ng sabi ni Ivan, nauna na akong umuwi. Hinatid ako ni mang George sa mansion nila Ivan. Sa mansion pa din kami nakatira. Ewan ko ba pero ayaw ni Ivan na magkaroon kami ng sariling bahay. Tsaka na daw kapag nakapanganak na ako. Sa ngayon, kailangan ko pa daw ng guidance galing sa parents niya.

Napangiti ako ng mapait. Guidance? Guidance nga ba yung ginagawa nila?

Pumasok na ako sa loob at naabutan ko sila Tita Celine at Tito Felipe sa sala at may kausap ito.

Napatingin sila sa akin. "Good Evening po."

"Buti naman at nand'yan ka na. Come here." Si Tita Celine

Sinunod ko naman ito baka kasi pagalitan ako nito. Pagkalapit ko ay naupo ako sa isang one seater sofa.

"Eunica, this is Atty. Lorenzo. Atty. Lorenzo, this is Eunica. My son's wife."

Kita ko mukha ni Tita Celine na parang napilitin siyang ipakilala ako kung sino ako sa buhay ng anak nila. Hindi ko nalang pinansin iyon. Sanay na ako sa kanila.

Tumingin ako kay Atty. Lorenzo. Nginitian koi to at ganun din naman siya. Halos ka-edaran lang ni Atty. Lorenzo sila Tita Celine at Tito Felipe.

"He's here to discuss to you some agreement." Tito Felipe

"A-Agreement? About saan po?" Naguguluhang tanong ko

"Agreement between you, your child and Ivan."

Para namang akong nanigas. Aggreement na agad? Ni-hindi ko pa nga naipapanganak yung baby ko, may agreement na agad? Hindi ko maiwasang mainsulto sa ginagawa nila.

"Don't worry, hija. This is just a simple agreement." Si Atty. Lorenzo

"We've agreed that after birth to your child, ipapa-DNA Test namin ito. If it's positive, we will take the baby. If not, I want you and your child to stay away from us. Especially Ivan." Si Tita Celine

Napayukom ang mga kamay ko. Hanggang ngayon hindi pa din sila naniniwalang anak ni Ivan itong dinadala ko. Kailangan pang ipa-DNA Test nila ang baby ko. At ang anak ko lang ang kukunin nila? Anong tingin nila sa akin? Na ipinapa-ako ko itong batang dinadala ko sa anak nila? Hindi ako ganon!

"P-Pero Tita, kasal kami ni Ivan. K-Kailangan po ba talaga ng agreement?"

Tumaas ang kilay ni Tita Celine. "We can always file an annulment, dear. And don't worry, bibigyan ka namin ng malaking halaga kapag nagging positive ang DNA Test."

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko! Hindi ko akalain na ganito pala sila! Oo, mahirap lang kami pero hindi kami mukhang pera! Nangingilid yung luha ko dahil sa inis ko.

"If you just sign these then it's done. We just wan to make it legal." Tito Felipe

Nakatitig lang ako sa papel at ballpen na nasa harap ko. Hindi ko kinakaya ito. Tumayo ako na ikinagulat nila.

"I'm sorry pero hindi niyo ako mapapapirma."

Matigas na sabi ko at tumalikod na. Aakyat na sana ako sa kwarto naming ng pigilan ako.

"Where do you think you're going?! Hindi pa tayo tapos! Pirma lang ang kailangan namin sa'yo. Huwag kang bastos!" Tita Celine

"I'm sorry, Tita pero hindi po ako pipirma."

"Bakit? Natatakot ka ba sa magiging resulta?"

Huminga ako ng malalim. "Kahit bali-baliktarin man po ang mundo, anak namin ni Ivan ito."

Naningkit ang mga mata ni Tita Celine at akmang sasampalin na niya ako ng pigilan siya ni Tito Felipe.

"That's enough, Celine! Pagpahingahin mo na siya. We'll just give her time."

Inirapan ako ni Tita Celine at binitawan na. Bigla nalang siyang nag-walk out at naunang umakyat sa akin at pabalibag na sinarado ang pinto sa kwarto nila ni Tito Felipe.

"Magpahinga ka na." Malamig na sabi ni Tito Felipe at kinausap na muli si Atty. Lorenzo.

Agad naman akong umakyat sa kwarto namin ni Ivan at du'n ibinuhos lahat ng luhang naipon sa mga mata ko. Ang sakit sakit. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Mas nasasaktan ako para sa anak ko. Hindi pa siya nabibigyan ng chance na mabuhay sa mundo, hinuhusgahan na agad siya ng sariling pamilya nito. Tatanggapin ko na ako nalang ang husgahan nila pero 'wag lang ang anak ko. Inosente siya at hindi siya dapat ginaganito.

Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iyak ko ay nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa tabi ko at nangunot naman ang noo ko ng makita kong wala pa sa tabi ko si Ivan. Hindi pa siya umuuwi? Napatingin ako sa orasan sa bedside table at nakita kong mag-alas dose na.

Bakit wala pa si Ivan?

Bumangon na ako, kinuha yung phone ko sa bag ko at bumaba para kumuha ng makakakain. Pagkababa ko, tinawagan ko agad si Ivan pero walang sumasagot sa phone nito. Ilang beses ko ito inulit pero wala talaga. Kumuha ako ng makakain sa ref.

"Eunica?"

Napatalon naman ako sa gulat sa nagsalita. Paglingon ko, si manang Remy lang pala.

"Manang! Nakakagulat naman kayo."

"Bakit gising ka pa, hija? Anong oras na. Masama sa'yo ang magpuyat."

"Ah, eh. Nagugutom po kasi ako eh."

"Ah ganun ba? Teka, ipaghahanda kita. Maupo ka nalang d'yan."

Si manang Remy ang mayordoma sa mansion nila Ivan. Siya na palagi ang nag-aalaga sa akin. Hindi niya ako pinapabayaan. Para ko na din siyang pangalwang ina. Naisip ko bigla si Mama, namimiss ko na sila.

"Hija, nand'yan na ba ang asawa mo?"

"Iyon na nga po ang pinagtataka ko eh, wala pa po siya." Nakangusong sabi ko.

Tinawagan ko ulit si Ivan pero wala talagang sumasagot. Nag-aalala na ako.

"Sa totoo lang hija, napapansin kong palaging pagod ang asawa mo."

Napatingin naman ako kay manang Remy at napabuntong-hininga. "Oo nga po eh, hindi ko po alam kung saan nanggagaling yung mga ginagawa niya."

Inilapag na sa harap ko yung hinandang pagkain ni manang Remy. Unang tingin ko palang, natatakam na ako. Agad ko namang nilantakan yung mga pagkain sa harap ko.

"O' siya, mauuna na ako ha? Ilagay mo nalang sa lababo yung pinagkainan mo at ang mga katulong na ang bahala d'yan."

"Sige, Manang. Tulog ka na. Pasensya na po sa istorbo."

"Naku, wala iyon. O'siya sige."

Tumango ako kay manang Remy at ngumiti. Tinapos ko na agad yung pagkain ko. Pagtapos ko ay hinugasan ko na yung pinagkainan ko. Sakto naman ng may marinig akong bumusina sa labas. Agad naman akong pumunta sa pinto para pagbuksan ito at nagpapasalamat naman ako ng nakauwi na si Ivan. Kita mo yung pagod sa mukha niya.

Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Ivan? Bakit ngayon ka lang?"

Hindi niya ata ako napansin kaya nagulat siya ng napatingin siya sa akin. "Why are you still up?"

"Nagutom ako eh. Kumain ka na ba?"

"Yeah. Tapos na."

Pagtapos ay umakyat na siya sa kwarto namin. Sinundan ko naman siya. Pagkarating sa kuwarto naming agad siyang nagbihis at tinapon nalang kung saan saan yung mga damit niya. Napabuntong-hininga nalang ako at ako na yung naglipit sa mga gamit niya.

"I-Ivan, okay ka lang ba?" alalang tanong ko dito

Napahinto siya at tumingin sa akin. "Eunica, I'm tired. Can we talk about this tomorrow?"

Nanigas ako at hindi ko alam kung bakit. Ganun-ganun nalang 'yun? Matapos ng sagutan namin kanina, parang wala nalang sa kanya yun? Dati, nilalambing pa niya ako. Dati, sinusuyo pa niya ako. Pero bakit?

Nahiga na siya sa kama naming at mukhang magsisimula ng matulog.

"Ivan. May sasabihin ako."

Napadilat siya. "Eunica, I told you. Bukas nalang iyan."

"Pero importante 'to.."

"Eunica please! I just want to go to sleep! I'm fucking tired, okay?!"

Nagulat nanaman ako sa sinabi niya. S-Sinigawan nanaman niya ako. Hindi naman siya ganyan dati eh. Nag-iinit nanaman yung mga mata ko. Ayan nanaman yung mga pesteng luha ko.

Pagkatapos niyang sabihin ito ay nagtalukbong na siya at mukhang matutulog na.

Bakit Ivan? Bakit nagbabago ka na?

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

863K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
29.9K 187 14
I am Rory Llamer, 18 years old, and I am PHILOPHOBIC. I have this rare mental abnormality which is characterized the carrier scared of falling in lov...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
260K 7.6K 73
What does it feel like to be in a relationship with the ultimate heartthrob namely Dashed Calderón de García? |GOT RANK #1 IN TEEN FICTION| xxstart:...