All I Ever Wanted

Von ranneley

207K 5.4K 490

All I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first... Mehr

i n t r o
• 1 •
• 2 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 18 •
• 19 •
• 20 •
• 21 •
• 22 •
• 23 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 32 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 42 •
• finale •

• 27 •

3.7K 129 13
Von ranneley

Dumiretso kami sa dining room para kumain. And as we ate, Mom kept on telling that the food was good. Pati na rin si Alvin. Si Dad naman, kahit di nagsasalita, mahahalata mong nagustuhan din nya ang pagkain. So I ended up saying Kale cooked everything.

Mom gave me a curious stare. Maybe, she was still thinking of what I've said earlier-na ako ang nagluto. I just gave her a sheepish smile then my puppy dog eyes afterwards. She shook her head at me disapprovingly.

Kale must've seen our exchange that he helped me. He told them it was all my idea and though I didn't cook, I did a lot in preparation. Sinabi rin niya na ako lang ang bumili lahat ng ihahanda, which is true. With that, I know Mom did forgive me for lying to her a while ago.

After the lunch, we stayed in the living room. Ang mga magulang ko kinakausap si Kale habang ako, nastuck kina Alvin at Suzy. Dad and Kale seemed to go along well which is very unusual to Dad. Normally, he'd play the strict Dad part to my guy friends. Well now, I see, there's an exception. And somehow, I'm glad that it's Kale.

Kung okay si Kale sa parents ko, kabaligtaran naman ito pagdating kay Alvin. Ewan ko ba kung bakit ayaw ni Alvin kay Kale. Dahil ba pinagkamalan niyang dognapper ito? Hindi ba ipinaliwanag ko na, na hindi ganun si Kale?

Nakatingin pa rin ako sa kabilang bahagi ng living room nang maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko. Tumingin ako sa gilid at nakitang nakasimangot sa akin si Alvin.

"Mai!" medyo naiinis niyang sabi.

"Bakit?"

"Kanina pa kita kinakausap eh. Hindi mo ako pinapansin," sabi niya. "Ano bang tinitingnan mo dun?" tanong niya sabay turo sa puwesto ng mga magulang namin at ni Kale.

"Wala," sagot ko habang umiiling.

"Talaga?" tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay pagkatapos ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Parang nalungkot at sinamaan ako ng tingin at sinabi, "Baka naman si dognapper!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Alvin, hindi no! At isa pa, sinabi ko na sayo, hindi siya dognapper."

Inirapan niya ako. "Hmp. Basta, dognapper pa rin siya!"

Hay. Ang kulit!

Maya-maya pa, lumapit si Kale sa amin.

"Hey," sabi niya sa akin. Nginitian ko naman siya. "Hi Alvin," bati niya sa kapatid ko pero nag 'hmp' lang si Alvin.

I glared at my brother. Si Kale naman natawa lang sa ginawa ng kapatid ko. Bumalik ang tingin ko sa puwesto nina Mom kanina pero nakapagtatakang wala na sila dun.

"Nasaan si Mom at Dad?" tanong ko kay Kale.

"Pumunta ng kitchen, magkakape raw," sagot niya.

I just nodded. Kale sat down next to me which made Alvin growl.

"Wag ka dyan sa tabi ni Mai!" sabi niya kay Kale.

Kale creased his forehead. "Huh?"

"Sabi ko wag ka dyan sa tabi ni Mai!" ulit ni Alvin.

"Alvin, he's older than you! Show some respect," sabi ko sa kapatid ko.

He pouted.

"Alvin ha," ulit ko.

He whined. "Mai naman eh!"

Papagalitan ko na sana siya ng marinig kong tumawa si Kale. Mahina at sandali lang yun pero narinig ko pa rin. Pagkatapos umalis siya sa tabi ko at umupo naman sa tabi ni Alvin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alvin.

"Alvin," I said, using my warning tone.

Kale smiled at him. "Sabi mo ayaw mo ako sa tabi ni Mai, kaya nandito ako."

Huh? Mai? At nakigaya pa sa kapatid ko.

"Pero ayaw din kita sa tabi ko!" malakas na sabi ni Alvin.

Aba! Sumusobra na itong kapatid ko.

"Eh saan mo ako gustong umupo?" tanong ni Kale kay Alvin.

Hindi naman nakasagot ang huli.

Nagtanong ulit si Kale kay Alvin, "Bakit ba ayaw mo sa akin?" And he was looking so serious.

"Kasi inaagaw mo si Suzy!" sagot ni Alvin.

Umiling si Kale. "Hindi naman eh. Tinutulungan ko lang ang ate mo na alagaan si Suzy," paliwanag niya. "Ayaw mo ba nun? Di nahihirapan si Mai."

I rolled my eyes at Kale. At nag-enjoy talaga siyang tawagin ako ng Mai.

Nanahimik si Alvin pansamantala pero bigla na lang niyang sinabi, "Argh! Mainapper ka!"

My eyes widened. Mainapper? At saan nakuha ni Alvin ang salitang yun?

Kale looked shocked too but he immediately replaced it by a serious façade. "Anong Mainapper?"

"You're stealing Mai from me! Gusto ko ako lang ang lalaki sa buhay ni Mai!" sagot ni Alvin.

"Eh paano yung Dad niyo?"

"Eh dalawa kami ni Dad. Kaming dalawa lang. Ayokong may iba pa!" sabi ni Alvin.

"Paano kapag nagkaboyfriend si Mai?" tanong ni Kale.

Lumingon sa akin si Alvin. "Hindi ka magboboyfriend hindi ba, Mai?"

Nagulat naman ako sa biglang tanong ni Alvin kaya di ako makasagot ng maayos. "Ha?... Eh..."

Kale laughed. Fudge! Nagawa pa kong tawanan.

"Mai?" tawag ni Alvin.

Umiling ako sabay sabi, "Hindi Alvin." Hindi. Hindi muna, sa ngayon.

Ngumiti naman si Alvin at tumingin ulit kay Kale at sinabi, "O diba. Di siya magboboyfriend."

Kale turned his eyes on me and gave me a look like he was doubting my answer. Then he smirked at me. I scowled at him but he turned his gaze to my brother.

He shrugged and said, "Okay, sabi ni Mai eh. Pero Alvin, di ako Mainapper. Kaibigan lang ako ni Mai, di ko siya inaagaw sayo. Kung gusto mo, pwede din tayong maging magkaibigan."

"Eh paano kung ayaw ko?" sagot ni Alvin.

Oh my! Ang mean talaga ng kapatid ko.

I couldn't help but to smile though. Naalala ko kasi nung mga unang araw ko dito, kung gaano kahirap kaibiganin si Kale. And now, he's experiencing the same way I felt before. Kale gave me a curious look but moved his eyes to my brother again.

"Do you love to play?" he asked hopefully.

"What game?"

"Anything you like, may Wii ako sa bahay," sabi ni Kale.

Bigla namang naexcite si Alvin. "Talaga? Pwede akong maglaro ng Super Mario Galaxy?"

"Sure,"sagot ni Kale.

"Mai narinig mo yun, maglalaro ako ng Super Mario!"

At ngumiti lang ako. Wow. Ang bilis mag-shift ng mood ng kapatid ko. Nakarinig lang ng laro eh.

"Halika na?" aya ni Kale kay Alvin.

"Sige, sige!" Masaya niya pa ring sabi. "Mai, dyan ka muna ah!" sabi niya sa akin at sumama na siya kay Kale.

Hay. Anong nangyari?

At nang umalis na sina Kale at Alvin, sakto namang nilapitan ako ni Mom at tumabi sa akin. I smiled at her and asked Dad to her. Nasa kuwarto ko daw, natutulog, sagot ni Mom. Late na pala umuwi kagabi si Dad dahil tinapos lahat ng gawain para sa business namin para makasama ngayon dito.

I just nodded and remained in silence.

"What do you think of him?" Mom suddenly asked.

I furrowed my eyebrows. Sinong tinutukoy niya?

"Sino po?"

She rolled her eyes before answering, "Si Kale. Sino pa ba?"

Oh! Si Kale pala. Bakit niya kaya natanong?

"Um, he's fine," sagot ko. "Actually, he cooks for me everyday and he's done a lot para mabawasan ang pagkalungkot ko po dito. He's a good friend."

"That's good to hear," my mom said. "And he's good looking too, ah."

I narrowed my eyes at that. Seriously? Of all characteristics Kale has, that was what Mom noticed.

"Mom," I whimpered.

"What?" she asked smilingly. "Don't tell me you're not attracted."

I gulped. Did my mother just say that?

"Mom, I thought you don't want me to have a boyfriend."

Tumawa siya. "So you think of him as a boyfriend?"

Agad akong umiling. "No!"

"Really? Eh bakit parang yun ang gusto mong sabihin?"

"Eh kasi kayo po eh," I said defensively.

"I'm just saying attracted. Hindi naman masamang magkacrush ka, anak," sabi niya. "But you seem have something else in your mind."

Then she gave me a knowing look. I am flustered. And dang! Parang nawalan pa ako ng dila. Di tuloy ako makasagot.

"Kale's a nice guy," Mom stated. "And I am glad that you guys are friends. Just be patient with him, though and be understanding. He has a rough past."

Rough past?

"Anong ibig niyo pong sabihin?"

Mom looked at me curiously. "Wala pa bang nasasabi sayo si Kale tungkol sa past niya? About his family?"

Well, meron, yung tungkol sa heartbreak niya nung freshman siya. But about his family? Wala.

Umiling ako.

"Oh," Mom said.

And I am more curious than ever right now. Anong alam ni Mom sa past ni Kale? At bakit parang kilalang-kilala niya ito?

"Mom, what is about Kale's past? His family?"

She pursed her lips. "Maybe it's much better if he's the one who'll tell you that."

Oh my! Ano ba talagang meron sa family ni Kale na kahit ang sarili kong nanay ayaw sabihin sa akin?

"Okay," sagot ko. Kahit na gustung-gusto kong malaman ang tungkol dun, alam ko namang di ako sasagutin ni Mom eh. "Just one last question. Paano mo po nalaman ang tungkol sa past ni Kale?"

"Remember his aunt?" Mom questioned.

"Yes. Yung officemate mo po."

"Well, she's not just an officemate," Mom said. "But a good friend, too, of mine and your Dad. Everytime she'd go to Manila, she'd invite me. Kaya kapag dinadalaw niya si Kale, kasama ako. Dun ko nakilala si Kale. Kaya naman, kahit alam namin na lalaki ang magiging kapitbahay mo, um-okay kami dahil kilala ko naman si Kale."

Ah kaya pala, hindi nagtanong sina Mom and Dad tungkol sa kapitbahay ko. At di na sila nagulat nang makita si Kale kanina. Now, it all makes sense. Ang kailangan ko na lang talagang malaman ay ang tungkol sa family ni Kale.

It was six in the evening and my parents decided to head back to Cavite. Monday na kasi bukas, trabaho na ulit ang aatupagin nila.

Well, pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mom. Nagbond pa kami hanggang sa magising si Dad. Si Alvin naman, kinalimutan na si Suzy at kay Kale lang nakadikit kahit nang matapos silang maglaro. Tingnan mo nga naman, nung una ayaw niya pa kay Kale pero ngayon, parang naging buntot na siya nito.

Nandito na kami ngayon sa labas ng gate kung saan nakapark ang van. Nakapagpaalam na ko sa mga magulang ko at nasabi na rin nila ang kanilang mga bilin. Kay Alvin na lang ako hindi pa nakakapagpaalam dahil kanina pa niya kinakausap si Kale.

"Kuya Kale ah, yung usapan natin," sabi ni Alvin pagkatapos yumakap kay Kale.

At ngayon, nagkukuya na rin siya. At naging mabait si Alvin kay Kale nang dahil lang sa Wii? Mga bata talaga.

Tumawa si Kale tapos tumango. "Sige. Pero tanungin mo muna si Mai kung okay sa kanya yun."

"Okay yun! Basta akong magsasabi, laging okay kay Mai," masayang sagot ni Alvin.

Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? At bakit nadamay pa ang pangalan ko?

Maya-maya pa lumapit na rin sa akin si Alvin at niyakap ako. "Bye Mai. Mamimiss kita," sabi niya pagkatapos akmang aalis na pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Ano yung usapan niyo ni Kale?" tanong ko.

Ngumiti siya. "Bawal. Pang boys lang."

Aba! At kailan pa natutong maglihim sakin si Alvin?

"Anong bawal? Narinig ko ang pangalan ko eh. Eh di ibig sabihin tungkol sa akin yun."

"Ehhh Mai. Si Kuya Kale na lang ang tanungin mo."

"Ha? Eh ano kas-"

At naputol ang sasabihin ko sa sigaw ni Mommy, "Alvin! Halika na. Magpaalam ka na sa Ate Maika mo."

"Tinatawag na ako ni Mommy. Bye Mai!" sabi ni Alvin at patakbong pumunta ng van pero bago pa siya makapasok sumigaw siya ng, "Bye Kuya Kale!"

At sumara ng pinto at umandar na ang van papalayo.

Ano kaya yung sinasabi ni Alvin? Itanong ko kaya kay Kale? Sabihin naman kaya niya sa akin?

"Pasok na tayo," aya ni Kale. Nauna naman siyang naglakad at sumunod ako sa likuran niya.

Akala ko babalik siya sa bahay pero nakita kong naglakad siya papuntang porch niya.

"Um, Kale, saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay, magpapahinga. Pinagod ako ni Alvin eh," sagot niya.

Tumango ako. Maglalakad na sana ulit siya nang magsalita ako. "Kale pwedeng magtanong?"

"Sige. Ano yun?"

"Ano yung sinasabi ni Alvin na usapan niyo?"

I saw Kale's lips twitched on the side as he arched his eyebrow up. "You really wanna know?"

Tumango ako.

He breathed out. "Well... Sabi ni Alvin pumapayag na siyang magboyfriend ka," he trailed off. Ano namang kaugnayan ni Kale sa pagboboyfriend ko? Si Alvin talaga kung anu-ano ang iniisip. Magsasalita na sana ako nang dugtungan ni Kale ang sinasabi niya, "Basta..." huminto siya ulit.

Anong basta?

Nagtaas ako ng kilay, hinihintay siyang sumagot.

"Basta," ulit niya pagkatapos ay ngumisi ng tuluyan at sinabing, "ako ang magiging boyfriend mo."

And my jaw dropped. Like I was sure it hit the floor.

Nakatayo lang ako doon, tulala pa rin. Di ko alam ang sasabihin. Sinabi ba talaga yun ni Alvin? Ano namang naisip ng kapatid ko at nagsabi ng ganun kay Kale. Argh!

I was out of my thoughts when I heard Kale chuckle. I managed to put my mouth together. Nakakahiya. Kanina pa ako nakanganga.

I swallowed hard. Di pa rin ako makarecover sa sinabi ni Kale nang magsalita ulit siya.

"Goodnight," Kale said then smiled this wonderful smile that made me caught my breath on my throat and made my knees slightly weak then he added, "Mai."

And with that, he walked inside his house.

#

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

5.3K 360 29
She will never escape his trap. She'll be forever lured in his new and arrogant ways even if she should stay away. Like glitter, finding the friction...
4.8K 90 20
Jez is a girl who is willing to go to any length to get her crush, Hans, to notice her, but will she be able to keep chasing him and following his fo...
1.1M 25.5K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...