Sakit ng Kahapon

Von CindyWDelaCruz

113K 1.3K 351

Maagang namulat si Ginny sa katotohanang hindi na siya babalikan ng lalakeng kanyang minahal ng buong puso. S... Mehr

Sakit ng Kahapon
Chapter Two - Positive...
Chapter Three - Ang Paglalayas
Chapter Four - Start of Something New
Chapter Five: Paradise Resort
Chapter Six: Namumuong Pagkakaibigan
Chapter Seven: Sa Ilalim ng mga Bituin
Chapter Nine: Pagpapanggap
Chapter Ten: Hacienda Dela Fuente
Chapter Eleven: Dapithapon
Chapter Twelve: Umagang kay Ganda
Chapter Thirteen: Pagsisisi, Pagtanto at Pagmamahal
Chapter Fourteen: Ang Nakaraan sa Kasalukuyan
Chapter Fifteen: Sapat na ang Minsan
Chapter Sixteen: Isa pang Pagkakataon
Chapter Seventeen: Villa La Paz
Chapter Eighteen: Isang Baliktanaw sa Nakaraan
Chapter Nineteen: Matinding Atraksyon
Chapter Twenty: Makita Kang Muli
Chapter Twenty One: Mga Tinatagong Sikreto
Chapter Twenty Two: Mga Hadlang
Chapter Twenty Three: Lakas ng Loob
Chapter Twenty Four: Mga Sugat ng Nakaraan
Chapter Twenty Five: Tuluyang Paghilom

Chapter Eight: Binabagyong Puso

2K 40 16
Von CindyWDelaCruz

     Maagang nagising si Ginny nang araw na iyon, iyon na ang huling araw nila sa isla ng Cagbalete kaya naman nais niyang magkaroon ng ilang oras na makapagisip-isip nang mag-isa. Mamayang tanghali ay babalik na silang muli ni Jordan sa Cavite, babalik na siya sa realidad pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang susunod na hakbang. Nakapagpahinga ng kaunti ang kanyang puso't isipan pero alam niyang tumatakbo ang oras, at alam niyang kailangan na niyang ipagtapat sa kanyang Lola ang lahat. Ilang araw na lang din at darating na ang kanyang Ina at hindi niya maitago sa sarili ang takot na nararamdaman sa maaaring sabihin nito. Sigurado siyang lalabas ang mga salita ng kabiguan katulad ng mga narinig nito nang nagsipag-asawa ang kanyang mga ate. Nakapagtapos ng kolehiyo ang nakatatanda niyang mga kapatid pero nag-asawa din ito kaagad at hindi na nakatulong pa sa pamilya. Madalas niyang marinig ang sumbat sa bibig ng kanyang Ina, na mag-isa na nga lang siyang tumataguyod ng pamilya, hindi pa magsikap ang kanyang mga anak. Nangako si Ginny sa kanyang Ina na makatapos lang siya ng kursong nursing ay pagpapahingahin na niya ang kanyang Ina sa pagtatrabaho, pero mukhang malayo nang matupad pa ang pangarap niyang maging isang nurse. 

     Naalala niya ang mensaheng pinadala ni Lorenz, hindi pa pala niya ito binubuksan. Binuksan niya ang cellphone at ang mensahe sa kanyang inbox. 

Kumusta ka na Ginny? Pag-isipan mo sana ang mga sinabi ko sa'yo. Kaya kitang sustentuhan, pero hindi ko maiiwan ang pamilya ko.

     Tila ba isang patalim ang sumaksak sa puso niya. Hindi niya alam kung nasaktan siya para sa sarili o para sa magiging anak o kaya ay para sa pamilyang niloloko ni Lorenz. Sino bang nagsabi na iwan ni Lorenz ang pamilya niya? Minura ni Ginny si Lorenz sa kanyang isipan kahit hindi naman talaga siya sanay na magmura. Katulad ng nakararaming lalake, sumama rin sa iba ang kanyang Ama. Nakita niya ang pagdudusa ng kanyang Ina at pagpapakahirap ng kanyang Lola kaya naman sinabi niya sa sarili na kahit anong mangyari ay hindi siya papatol sa may asawa. Mataas ang respeto niya sa kasal, siya ang tipo ng babaeng naniniwala sa soulmates at sa destiny. Pero nilinlang lamang siya ni Lorenz, nagpauto siya, nagpakatanga. Ang tanga tanga niya. Sana nag-usisa man lang siya sa lalake kung bakit hindi man lang siya ipinakilala sa mga kaibigan o sa pamilya nito. Sana nagtanong siya kung bakit sa madaling araw lang siya puwedeng kitain ni Lorenz. Sana... napakaraming sana! Pero huli na ang lahat.

     Kung tatanungin siya ngayon ay hinding hindi niya matatanggap na tumayong ama ito para sa kanyang magiging anak. Hangga't maaari ay ayaw na niya itong makita pang muli. Nagpasya siyang hindi sumagot sa mensaheng iyon ni Lorenz. Makakalimutan rin kita Lorenz, hindi man ngayon pero gagawin ko ang lahat. Manloloko ka... iniyak ni Ginny lahat ng kanyang maiiyak habang sa bandang silangan ng isla ay pasikat ang araw. Hawak hawak niya ang kanyang puso at ang kanyang tiyan. You'll be fine baby, we will both be fine. Hindi ka papabayaan ni Mommy. 


     "Nandito ka lang pala Ginny. Kanina pa kita hinahanap, nilibot ko na ang buong resort. Hey, umiiyak ka ba?" 

     "Naaalala ko na naman kasi ang lahat ng katangahan ko Jordan, naaalala ko ang lahat ng kabiguan. Para akong mamamatay k-kung hindi ko ito ilalabas." Tuluyan na ngang humagulhol si Ginny. "Hindi ko alam kung paano ko siya makakalimutan." Niyakap ni Jordan si Ginny, inalo ito at hinimas ang mahabang buhok, iyon lang ang kaya niyang gawin sa mga oras na iyon. Nanatili sila sa ganoong puwesto hanggang sa tuluyan nang tumaas ang araw. Habang unti unting tumataas ang alon ng dagat, ay nakatitig naman ang dalawa sa kawalan, nilalasap ang mga emosyong umaalpas sa puso ni Ginny. Sa ilang sandaling pagyakap na iyon ni Jordan ay nagkaroon ng kapayapaan sa puso ni Ginny, hindi niya alam kung papaano pero siya tila ba napagod na lang ang kanyang baga sa pag-iyak. "Masasanay ako sa yakap mo Jordan."

     "Ayos lang 'yan, mag-schoolmates naman tayo. 'Pag sa tingin mo ay kailangan mo kayakap, i-message mo lang ako."

     "Siraulo ka talaga."

     "You guessed it right, I'm crazy."

     "Na-inlove ka na ba dati?"

     "Hindi ka naman maniniwala sa isasagot ko sa tanong mo na 'yan."

     "Ano nga?" Umiling lang ito. "Hindi ka pa nai-inlove?"

     "Sa totoo lang, never."

     "H-hindi ka naman bakla?"

     "Wala pa rin akong nagiging crush na lalake so sure akong babae ang gusto ko. But the feeling of being in-love? Crush siguro meron, yung nakikita ko sa TV."

     "Mukhang mataas ang standards mo ah."

     "Simple lang naman ang gusto ko, yung masarap kausap. Alam mo kung bakit? Kasi ang hitsura ng tao nagbabago at pagtanda niyo, kapag nagawa niyo na lahat ng bagay na gusto niyo at naabot na lahat ng pangarap niyo, wala nang matitirang puwedeng gagawin kung hindi ang magusap."

     "Naniniwala ka ba sa soulmates?"

     "Wow deja vu ba 'tong tanong na ito?"

     "Just answer my question, please." 

     "Ngumiti ka muna? Kanina ka pa nakasimangot eh. Sa oras na ngumiti ka, sasagutin ko 'yang tanong mo." Sa wakas at sumilay na rin ang ngiti sa mga labi ni Ginny sa unang pagkakataon sa araw na iyon. "Ayan, ngingiti ka rin naman pala eh."

     "Ngumiti na ang tao, kaya sagutin mo na ang tanong ko. Do you believe in soulmates?" 

     "You've been fooled! Hindi ko sasagutin ang tanong na 'yan!" Nagsimulang tumakbo palayo si Jordan. "Halika, habulin mo muna ako! Come on Ginny bebe! 'Pag nahabol mo ko saka na kita sasagutin." pangaasar ni Jordan. Walang nagawa si Ginny kung hindi ang humabol sa mapangasar na lalake. 

     "Sa oras na mahabol kita ay pagsisisihan mo!" 


     Matapos magimpake ng dalawa ay pumunta na sila sa may reception. Nandoon si Aida na kasalukuyang nanonood ng telebisyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay unti unting nagdidilim ang paligid at nagsisimula na rin ang pag-ambon. Lumalakas ang ihip ng hangin na tila ba isang bagyo ang parating. "Signal no. 2 na pala, hindi ligtas na bumiyahe pa kayo. Tingnan niyo ang balita, may papalapit na bagyo sa Pilipinas." Napatingin ang dalawa sa telebisyon, isang sikat na weather forecaster ang kasalukuyang nagbabalita tungkol sa bagyong Ising. 

     "I guess we're stranded here mahal na kamahalang Ginny." 

     "Libre na ang gabing ito para sa inyo, tutal masama naman ang panahon. 'Wag na muna kayong tumuloy, ipagpabukas niyo na lamang ang pa-Quezon niyo." pag-aalok ni Aida. 

     "Naku, salamat po ate Aida. Hindi na po kailangan ang libre, may pera pa naman po kami dito." sabi ni Ginny. Mura lang naman isang gabi sa resort na ito lalo na at low season naman. 

     "Basta dito na kayo ngayong gabi kung ayos lang sa inyo. Kung aalis pa kayo ay mag-isa na lang ako sa resort na 'to. Aba eh takot na takot ako sa kulog at kidlat, hindi ko kayang mag-isa." sincerong sabi ni Aida. 

     "Ate Aida sige po dito na lang po kami ngayong gabi hanggang sa umalis na ang bagyo." tugon ni Jordan. 

     "Oo nga ate Aida, wala naman pong problema."


     Tumaas hanggang sa signal no. 4 ang warning signal para sa Cagbalete Island nang hapong ding iyon. Hindi nagtagal ay namatay ang kuryente at nawalan ng signal ang kanilang mga telepono. Mabuti na lang at may hinandang flashlight si Aida. Napagdesisyunan ng tatlo na manatili sa common area ng resort kung saan naroroon ang reception, kusina at kainan. "Ate Aida ako na lang ang magluluto ng hapunan natin." alok ni Jordan na hindi naman hinindian ni Aida. 

     "Sige ba, walang problema basta sarapan mo ha!"

     "Walang problema, ngayong gabi ako na muna ang chef sa resort na ito. Sisiguraduhin kong masasarapan kayo sa iluluto ko." pagyayabang ni Jordan na sinabayan ng kulog. Humagikhik naman ng tawa si Ginny. 

     "Tingnan mo, hindi sangayon ang langit sa'yo!"

     "Baka 'pag natikman mo ang luto ko ay hanap hanapin mo na ako Ginny. Mai-inlove ka sa akin, sinasabi ko sa'yo."

     "Wala ba talaga kayong relasyon? Bagay sana kayo eh. Mga bagay tulad ng pag-ibig ay hindi na dapat pinatatagal ang panliligaw." sabat ni Aida. 

     "It's complicated po ate Aida, at hindi po niya ako nililigawan. Magkaiba po kami ng gusto, hindi po siya naniniwala sa soulmates at aminadong never pang na-inlove, samantalang ako ay nabuntis ng lalakeng inakala kong ako lang ang mahal." tugon ni Ginny. "Siguro sa susunod na lifetime na lang, kung magkaiba ang serkumstansya, ay bakit hindi po?" Natahimik ang lahat sa sinaad ni Ginny. "Hindi ko pa nga alam kung anong sunod kong gagawin sa buhay ko, sa totoo lang ay ayaw ko muna pumasok sa isang relasyon. Gusto kong ayusin muna ang sarili ko at ng magiging anak ko."

     Napabuntong hininga si Jordan at sa halip ay pinagpatuloy na lamang ang ginagawa sa kusina. "Ay siya nga, komplikado nga ang sitwasyon mo ngayon Ginny. Pero kahit anong mangyari, ay 'wag na 'wag kang susuko. Kapag naiayos mo na ang buhay mo ay saka ka umibig muli, pero sinasasabi ko sa'yo, 'pag tumibok na 'yang puso mo ay wala ka nang magagawa."

     "Sana nga po ate, sana po dumating ang panahon na tumibok ulit ang puso ko."

     

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
87.1K 2.4K 22
Gailyana was from a well-off family. She was used of getting things she wanted no matter how. Until something withering took place. Her dad died and...
12.2K 441 52
Lahat ng tao nangangarap magmahal at mahalin. Sino nga naman ang ayaw ng lovelife di ba? Pero maraming tao ang natatakot sumubok dahil natatakot masa...
4.6K 138 12
Sunod-sunod ng kinakasal ang mga kaibigan ni Coffee at siya ni boyfriend ay wala. Bente-otso na siya pero hanggang ngayon NBSB pa rin. As in zilch, z...