What's wrong with Monday?

Por a31_0u

30 4 0

April 13, 2024 Más

Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 1

16 3 0
Por a31_0u

Nakasimangot akong lumabas sa faculty 1. Gusto ko sanang isara ng padamog ang pintuan ng faculty ngunit hindi ko ginawa sa takot na baka maguidance ako ng mga Master teacher na naroon. Wala akong magawa kung hindi ang sarilinin nalang ang nararamdamang inis ngayon.

Paano ba naman kasi bigla nalang silang nag announced ng recognition practice ngayon! Hindi pa nga nag kukuhanan ng card sa HUMSS tapos bigla nalang silang mag aannounced na meron na daw ranking ang school!

Kahit isang subject teacher sa HUMSS hindi pa nag gi-grade reveal kasi hindi pa sila tapos sa pag compute! Tapos ngayon malalaman ko sarado na OMG!

Relax, Monday.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Napatingin ako sa gymnasium kung saan puno ng mga awardees. Wala na akong na gawa kung hindi ang pumunta sa pila nang mga hindi pa mga natatawag na awardees. 

Ang pila ay base sa average mo. Hindi naman mababa ang grade ko. Pero inis na inis ako nung malaman na 94 lang ang average ko ngayong first semester. Isa nalang at hindi pa ako naka pasok sa With High Honors ng school.

Nauuna ang mga naka kuha ng average na 90. Kagaya ng inaasahan hindi talaga nag papatalo ang mga humanista. Napaka daming naka pasok sa honor na HUMSS Student. Hindi naman bago ito dahil mataas talaga ang expectation ng school pag dating sa HUMSS Student.

HUMSS Student din ang naka kuha ng With Highest Honor ngayon sa Grade 12. Kaya hindi na ako magugulat kung  HUMSS Student padin ang maka kuha ng With Highest Honor sa Grade 11. Sa batch namin.

Pag dating palang sa mga organization, society at club. HUMSS Student na ang nangunguna kaya impossible na makuha pa ng ibang strand ang titulo ng pagiging mataas sa buong school sa batch namin.

Mag wewelga talaga ako kapag may ICT na nakapasok sa With Highest Honor.

Hindi naman sa minamaliit ko ang mga ICT Student. Pero dito kasi sa school namin mababa lang ang tingin sakanila. Dahil na din siguro hindi sila pala sali sa mga organization, society, at club ng school kaya naman mismong school ay minamaliit sila.

Apat na strand lang ang meron ang school namin. Ito ay ang HUMSS, GAS, HE, at ICT.

Madalas na nag lalaban ang HUMSS at GAS. Samantalang ang dalawang natitirang strand ay parang hangin lang. Wala man lang paramdam sa school. Kahit isang achievements yata wala pa silang na ibibigay.

Ang mga ni lalaban nga sa robotics HUMSS padin. Ganyan talaga dito may sariling mundo ang ICT at HE. Wala silang pakialam.

"Monah Dayana Evasco." Tinuro ng nag aayos na teacher yung uupuan ko. Agad naman akong umupo sa upuan na kanyang tinuro. Kahit lapag sa kalooban ko ay doon ako umopo. Pinigilan ko pang mag kamot ulo matapos akong makaupo.

Halos kalahating minuto din ang lumipas bago na tapos ang pag aayos ng mga teacher sa mga upuan ng awardees.

"Huwag nyong kakalimutan kung ano ang number nyo ngayon. Kung ano ang kinauupuan nyo ngayon ay yan din ang upuan nyo bukas." Saad nung teacher na nag aayos ng mga uupuan ng mga estudyante kanina. Napaka dami nyang sinabi hanggang sa mag isang parada kami na practice.

Isa isa kaming aakyat sa stage. Kung ano daw ang ginawa namin ngayon ay yun din daw ang gagawin namin bukas. Ang kinaibahan lang ay bukas meron ng awards na ilalagay. Antok na antok ako sa sobrang boring nung line na nang inuupuan ko ang tatayo para umakyat sa stage.

Nang tumayo ako at nag lakad ay isa isa kung tiningnan ang mga estudyanteng naka upo sa likuran ko. Familiar ang mga naka upo sa likuran ko. Halos lahat naman kasi ay HUMSS Student.

Nakuha ang atensyon ko ng isang lalaki na naka suot ng bucket hat crochet na color yellow at design pa nito ay bibe. Hanggang leeg ang buhok nya. Naka yuko ang ulo nya sa upuan. Ginawa nyang unan ang dalawa nyang kamay. Hindi ko malaman kung lalaki ba sya o babae dahil sakanyang buhok.

He's wearing a white oversized blue corner shirt. Kitang kita ko ang tatak ng blue corner sa gilid ng kanyang braso. Ang kinis ng kanyang kamay. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakayuko nga sya. Mukhang inantok na sya sa sobrang tagal ng pag usad nitong recognition practice.

Nakaupo sya sa upuan sa pinaka dulo. That means sya ang pinaka matalino sa batch namin ngayon. He's not familiar. Maybe because he's a nerd. Ngayon ko lang sya nakita. Sa apat na buwan ko dito sa Greenhigh ngayon ko lang sya nakita.

Hindi sa nag mamayabang ako ay kilala ko halos lahat ng estudyante ng HUMSS. Bilang HUMSS Representative na din siguro ng student council kaya halos kilala ko silang lahat. Marami din akong kilala sa ibang strand dahil sa hilig kung sumali sa mga organization, society and club.

There's something with this guy na parang naka kuha ng atensyon ko. Hindi ko alam kung anong meron pero hindi ko mapigilang mapatitig sakanya hanggang sa madaanan ko na sya. Nananatili pa din syang naka yuko. Halatang wala syang pakialam sa mga taong dumaan sa paligid nya.

"Monah Dayana Evasco, With Honor." Tawag ng teacher na emcee sa taas ng stage. Kahit practice palang ito ay hindi na ako nag dalawang isip na ngumiti. Maligaya akong umakyat sa stage na para bang hindi labag sa kalooban ko kanina na nag karoon ng biglaang recognition.

Hindi pa nga ako nakaka pag pasa ng portfolio ko kasi akala ko week 7 palang! Tapos biglang nag recognition na agad!

Nag sigawan ang mga kakilala ko sa baba ng stage na para bang may artista na naka tayo sa harap nila. Para silang mga nanay na proud na proud sa kanilang anak nung nakipag kamayan ako sa teacher na nag aayos ng upuan kanina. Pag tapos kung makipag kamay sa teacher ay agad akong yumuko sa harap ng kapwa ko estudyante.

Sign of respect na din.

Hindi ko mapigilang mapatingin sa pinaka dulong upuan matapos akong yumuko. Kagaya kanina ay nakayuko pa din sya at mukhang natutulog. Agad akong nag lakad pababa sa stage. Balak ko na sanang bumalik sa kinauupuan ko kanina pero hindi ko na nagawa nung bigla iharang ni Aga ang katawan nya sa harap ko.

"Canteen tayo." Nakangiting saad nya. Napataas ang kilay ko nung makita sya sa harap ko. Hinila ko sya sa gilid dahil naka harang kami sa awardees na babalik sa upuan. "Anong ginagawa mo dito. Tapos kana ba?"

"Hindi pa. Mamaya pa ako. Matagal pa."

"Ilan pala average mo?"

"97 lang." Kibit balikat na saad nya. Napasinghal ako sa sinabi nya at nag simula ng mag lakad papunta sa canteen. Matagal pa nga sya. Marami rami ang With High Honor at mukhang aabutin pa ito ng 20 mins bago sya matawag.

HUMSS din si Aga katulad ko. HUMSS 11-A ako samantalang sya naman ay HUMSS 11-C. Sya ang pinaka close ko sa student council. Kasi nga mag kalapit lang ang classroom namin. "Wala pala akong dalang pera. Naiwan sa bag ko." Nakapila na kami dito sa canteen. Ang daming estudyante ang narito. Mukhang na uhaw sa recognition sa gymnasium.

"Bayaran mo yan ha. Hindi kapa naman nag babayad ng utang." Pag bibiro nya. Kahit ngayon palang talaga ako nangutang sakanya. Bumili kami ng turon, ginataang mais, at tubig. Dito na kami sa canteen kumain. Nag usap lang kami tungkol sa mga teacher na nag bigay sa amin ng mababang grade.

Kanina lang nag bigayan ng card sa amin. Nung nag announced na may recognition ay doon lang sila nag release ng card. Halatang minadali ang ginawang grade. Matapos ko kasing kumuha ng grade ko ay inisa isa ko na ang kada faculty. Para tanungin kung saan ako bumaba.

At may tatlo akong teacher na nag kamali sa grade ko! With High Honor dapat ako!

Sarado na yung OMG kaya next semester na daw nila yun maayos.

Nang matapos kaming kumain ay exsaktong line na nila Aga ang aakyat sa stage. Bumalik naman ako sa kinauupuan ko kanina. Wala man lang ako machismis dito kasi andoon sila sa unahan. Yung mga close friend ko. Si Aga naman ay malayo layo sa akin. Natatakot din akong lumingon dahil feel ko hinuhusgahan ako ng mga katabi ko kapag gumalaw ako. Mga seryoso kasi sila.

Umakyat si Aga sa stage. Gusto ko sana syang i-cheer kagaya ng ginagawa ng mga kaibigan namin sa harap pero dahil wala akong ka same vibes dito sa inuupuan ko ay nanahimik nalang ako. Nang makababa si Aga ay tumingin nalang ulit ako sa phone ko.

Wala naman kasi akong makakausap dito! Kahit pa makipag close pa ako sa mga katabi ko at gamitin ko ang pagiging friendly ko sakanila ay mukhang hindi pa din nila ako papansinin dahil abala sila sa kaniya kaniya nilang phone habang ang kanilang mukha ay napaka seryoso!

Hindi ko na napansin ang oras dahil naging abala na din ako sa hawak kung phone. Napaangat nalang ako ng tingin nung biglang nag palakpakan ang halos lahat ng estudyante.

"With a stunning average of 98.44! Let's give a round of applause to your fellow students, who were the only ones to receive the highest honors during this first semester! Please welcome Abcd Eleazar!" Isang nakaka basag na sigawan at tilian ang nag hari sa gymnasium nung umakyat ang pinaka huling awardee.

Nalaglag ang panga ko dahil sa gulat nung makita ang lalaking nag lalakad paakyat sa stage ngayon. I can't believe it!

B-Bakit! B-Bakit! Bakit ganito!

Upon closer inspection, the boy on stage presents himself with striking features. His long, black hair cascades gracefully below his neck, framing his face and accentuating his silhouette against the backdrop.

The color contrast between his raven locks and his pale, white skin adds to his unique appearance, creating an almost ethereal aura around him. His red lips pop vividly against his pallor, making his mouth an inviting focal point.

His eyes, often lost behind the curtain of his hair, hold a depth of emotion and intensity that further enhances his captivating charm. Standing tall with poise and confidence, he exudes an air of creativity and artistry that commands attention and admiration from all who gaze upon him.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matulala habang nakatitig sa lalaking nasa stage ngayon. Kahit malayo sya sa akin ay kitang kita ko ang mukha nya. Para may liwanag sakanyang mukha habang nakatitig ako sakanya ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction ko ngayon habang nakatitig sakanya.

M-Maybe!

M-Maybe! Maybe because he's an ICT!

Yes he's an ICT! Siguro kaya ako napanganga sa gulat ay dahil hindi ako makapaniwala na may ICT ng naka tayo sa harap namin habang hawak ang pinaka mataas na awards. Parang sampal ito sa aming mga humanista dahil sa nangyari. Anong nangyari bakit nag kaganito! After so many years bigla nalang na putol yung legacy ng HUMSS?!

I can't believe this is happening!

"Matalino daw talaga Ma'am si Abcd. Sabi nung mga friend ko sa ICT." Pag kukwento ni Cypres sa adviser namin sa Student council. Naka duty kami ngayon. At dahil wala namang masyadong ginagawa ay na gawa pa naming mag kwentuhan. Pauwi na din si Ma'am Faith kaya nag liligpit na din sya ng kanyang mga gamit. "Familiar yang bata na yan. Ano nga ulit apelyedo nya?"

"Eleazar ma'am."

"Eleazar? Sila ba may ari ng kabilang school?"

"Siguro ma'am!" Ngiting ngiti na saad ni Aga na para bang naka hanap sya ng bagong target. Napahalukipkip ako. "Ngayon ko lang sya Ma'am nakita. Sabagay hindi naman masyadong nag lalabas sa room ang mga ICT." Kibit balikat na saad ko. Tiningnan naman nila ako na para bang may mali sa sinabi ko.

"Ilang taon na nga ulit ya--" Hindi ko na pinatapos si Ma'am Faith at agad na akong nag salita. "Siguro ma'am bente ayos na po! Mukha syang matanda eh!" Agad na saad ko. Nakita ko ang pag kunot ng nuo ni Aga at Cypres dahil sa sinabi ko.

Si Ma'am Faith naman ay mukhang hindi na dinig ang sinabi ko dahil sa biglang pag tawag sakanya ng co-teacher nya sa labas ng office. Tumayo naman si Ma'am Faith para batiin yung teacher na tumawag sakanya.

Naiwan naman kaming tatlo ni Cypres at Aga dito sa office.

"Ang pogi ni Eleazar 'no? Bakit kaya ngayon ko lang sya nakita." Ngiting ngiti na saad ni Aga. Kung makakita sya para bang may masama syang gagawin sa lalaki. "Hindi naman daw kasi yun nag papasok. Pumapasok lang yun kapag may quiz, exam, or kailangan talagang activity. Swertehan mo na nga lang daw makita yun na pumasok ng isang buong lingo eh!"

"Pamysterious pala sya?"

"Oo. Siguro dahil Eleazar sya. Pero base sa mga search ko hindi sya kasama sa family tree ng Eleazar. Kaya baka same lang sila ng apelyedo ng mga Eleazar na kilala natin."

"Baka anak sa labas kaya hindi kasama sa family tree."

"Baka nga. Hawig nya yung mga Eleazar na kasing age nya. Kaya baka illegitimate child sya." Pag kukwento ni Cypres at Aga sa lalaki. Hindi na ako nakinig sa usapan nila. Niligpit ko na yung mga gamit ko. Si Eleazar ang talk of the town ngayon dahil na din siguro sa wakas na bali ang sumpa sa mga ICT.

Nakaka gulat naman kasi na biglang may makaka With Highest Honor kaagad sa strand nila!

Baka naka tsamba lang!

Or baka may source!

Nag paalam ako sakanila pati narin kay Ma'am Faith. Nag lakad na ako palabas ng office. Kanina pa uwian ang mga grade 11. Napa sarap lang ang tambay namin sa office kaya medyo na tagalan din ako sa pag uwi. Pang umaga kaming mga grade 11 samantalang ang mga grade 12 ay pang hapon. Alas siete pa ang uwian nila kaya hindi mo mahihintay kung may boyfriend/ girlfriend ka na grade 12 tapos grade 11 ka.

Nang makababa ako sa gymnasium ay natanaw ko ang mga estudyante na nag labasan sa comlab. Nakita ko kaagad ang naka talking stage ko sa ICT 11-A. Mukhang uuwi palang sila. Alas tres na ng hapon pero ngayon palang sila uuwi?

Ala una ang uwian ng mga ICT samantalang ang tatlong strand naman ay pare parehas na 11:40 ngayong sem. Mukhang may experiment pa silang ginawa. Ang adviser at last subject kasi nila ay kilala sa pagiging strikto. Last subject nila ay research kaya siguro ay na huli sila ng uwi ngayon. Tama kayo may research na kami ngayong semester. Hindi naman pala ganoon kahirap.

Oa lang siguro ng mga estudyante.

Nalaman ko pala ang mga impormasyon na yun sa naka talking stage ko sa section na ICT 11-A. Halos lahat ng ICT 11-A ay lalaki dalawa lang yata sakanila ang babae sa pag kakaalam ko. Kaya halos lahat ng lumabas sa comlab ay mga lalaki.

Hindi ko na tiningnan muli ang mga ICT 11-A at nag patuloy na sa pag lalakad. Nag lakad na ako papunta sa out scanner ng school namin. Diko alam kung yun ba ang tawag. Basta kailangan mo iharap yung mukha mo dito kapag lalabas kana. Sa kabilang gate naman yung scanner kapag papasok kana.

Attendance yata 'to.

Out at In scanner ang tawag namin dito. Ewan ko ba kung sino nag pauso. Nakisabay nalang ako.

Itutok ko na sana ang mukha ko para mag out pero hindi ko na nagawa nung may lalaking na una sa aking nag out!

"Sorry. I'm in a hurry." Mahinang saad nung lalaking bigla nalang lumitaw sa harap ko at walang lingon lingon na nag lakad palayo sa akin. Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa ginawa nya. Hindi nya ba alam ang tawag sa na una at pila?! May pila kaya tapos bigla nalang syang sisingit!

Ang kapal naman ng mukha nya! Hindi ako papayag na ganon ganon lang yun!

Sisigaw sana ako para tawagin yung lalaking sumingit at pag sasabihan ko sya ng mahinahon at maayos. Oo! Mahinahon at maayos kahit naiinis na ako ngayon sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa ginawa nyang pag singit! Nag mamadali din naman ako! Nag madali naman ako pero never kung ginawa ang pag singit!

Hindi ko na nagawa ang balak kung pag sigaw nung biglang may tumawag sakanya. "Eleazar! Pumasok ka bukas ha!" Natatawang biro nung mga lalaki sa likuran ko na mukhang ICT 11-A.

Napatayo ako sa kinatatayuan ko. Bigla syang lumingon sa gawi ko. Alam ko na hindi ako yung dahilan ng pag lingon nya pero bigla akong napatayo ng tuwid nung makita ko nanaman ang mukha na hindi ko maintindihan at maikumpara sa kahit kanino.

As I stand amidst the crowd, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa lalaking nakatayo sa harapan ko ilang hakbang ang layo sa akin. Naka suot nanaman sya ng oversized white blue corner t-shirt with a pair of black jogger pants. He's so simple. Ganito din ang suot nya nung nakaraan. Nung nag recognition naman ay naka black pants at white polo sya.

Wala syang kasamang umakyat sa stage. Sya lang mag isa. But he's eyes tells to everyone that his so proud to him self na mag isa lang syang umakyat sa stage.  Kaya hindi sya dapat kaawaan na mag isa lang sya na umakyat sa stage .

I remember nung nag recognition ganitong ganito din ang reaction ko habang nakatitig sakanya na pinaparangalan. From where I am right now, sariwa pa sa isip ko ang nangyari nung recognition day. Kagaya ng nakikita ko sakanya ngayon ganoon din ang nakikita ko sakanya nung recognition day.

I can see the intricate details of his appearance kahit medyo malayo sya sa akin ngayon. Ganitong ganito din ako nung recognition day habang nakatitig sakanya. The way his hair seems to dance as he moves, the flush of excitement on his cheeks, and the determination in his eyes. Ganitong ganito ang mukha nya nung recognition day. I don't know why i compare him to his self right now kahit parehas namang sya yun.

I find myself captivated by his presence, as if he is the embodiment of a character from a romantic novel or a mysterious protagonist from a gothic tale. Isang lingon nya lang bigla nalang ako nag kaganito. Pakiramdam ko ako yung tinititigan nya kahit hindi naman ako yung dahilan ng pag lingon nya.

Every blink of his eyes, pakiramdam ko ay kaya ko yung bilangin habang nakatitig ako sakanya ngayon kahit nakatayo sya sa harap ko. Kahit na malayo kami sa isa't isa. Despite the distance between us, I feel connected to him, hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngayon.

Parang kanina lang ay naiinis ako sakanya habang pinag uusapan sya nila Aga at Cypres sa office. Tapos ngayon hindi ko na magalaw ang dalawang paa ko ngayon. Kakasabi ko palang sakanya na baka matanda na sya. Kaya naging With Highest Honor sya tapos ngayong nasa harap ko na sya.

I can't even move my feet because of the man in front of me. Because of Abcd Eleazar. Pakiramdam ko ay isa na akong paralitiko!

What's wrong with you Monday?

Seguir leyendo

También te gustarán

43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
11M 255K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
3.9M 162K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
90.4M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...