MAFIA BOYS SERIES #2 : LUKE W...

inkypendy tarafından

5.1K 201 25

MAFIA BOYS SERIES #02 destiny create a way for them to meet their past and make clear all things that they ne... Daha Fazla

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 10

214 8 0
inkypendy tarafından


NANG matapos na ang klase, ay hinatid ko na ang mga bata sa gate para masigurado kung safe ba sila. Hindi narin ako kaagad umalis para mabantayan ko pa ang mga batang wala pa ang sundo.

3:40 pm na pero hindi ko pa naisipan na bumalik sa classroom.

"Teacher Lil, uuwi na kami" paalam sa akin ni Mrs. Ibarra, kasama ang iba pa naming co-workers, sina Mrs. Curazon, Mrs. Dela Cruz, ang pinaka-matanda saamin.

At si Ms. Valdez, ang bagohang teacher dito sa paaralan. And I think meron itong galit saakin. I don't know why she don't want to talk to me. She always ignore me everytime na may itatanong lang ako.

Tumango ako at kumaway sa kanila "sige po, ingat" paalam ko rin sa sakanila, bago inilipat ang tingin kay Ms. Valdez na ngayoy walang emosyong naka tingin saakin.

Nakatayo rin si Ms. Valdez sa labas, mukha atang may hinihintay. Sino kaya hinintay niya? does she have a boyfriend? or maybe she is already married? Pero bakit wala siyang sing sing? Or baka naman nobyo lang.

Babalik na sana ako sa loob, nang biglang may pamilyar na sasakyan ang huminto sa harapan ni Ms. Valdez. Sobrang Pamilyar talaga ng sasakyan na naka parada. Napahinto ako at piniling alamin kung sino ang hinihintay ni Ms. Valdez.

Bigla akong nanlumo sa nakita ko kung sino ang lumabas sa sasakyan. B-bakit sila magkakilala? M-meron bang namamagitan sa kanila? Siya ba ang kinikita niya kaya hindi siya masyadong umuuwi?

"KIANA? why are you here?" Bungad ni Luke nang makababa na siya sa sasakyan.

"Obvious naman. Ikaw? What are you doing here? It's been a while"

"I'm here to pick up my girl—" natigil silang dalawa dahil nakarinig sila ng yakap papasok sa loob ng gate. Natahimik sila, pero binasag iyon ni Kiana "so, si Ms. Archer pala?" Tanong  nito.

"Yeah, sorry but I have to go" ani ni Luke bago nag madaling pumasok sa gate para sundan si Lily.

TAHIMIK lang na nag liligpit ng gamit si Lily habang iniisip kung anong namamagitan kina Luke at Ms. Valdez.

talagang mas sinalubong niya pa 'yon kesyo's saakin? Grabe harap harapan. So, baliwala lang pala sa kaniya lahat lahat na nangyari sa saamin. Possible ba na... Bf ni Ms. Valdez si Luke?

"Ly?" tawag ni Luke kaya napalingon ako sa pinto-an kung saan andoon si Luke.

"bakit ka nandito?" Tanong ko at ipinagpatuloy ang pag liligpit.

"I'm here to pick you up" aniya.

"Sinabi ko ba?" Iritadong tanong ko. Halata naman kasing palusot niya lang ito para marami pang gabi na magamit niya ako.

"No, I'm just—"

"Mas gusto ko mag commute, hindi ako sanay na may sumusundo saakin" putol ko sa sasabihin niya at tinapos na ang ginagawa ko.

"why are you mad?" tanong niya.

"wala, umalis ka dyan isasarado ko na" sabi ko sa kaniya, buti naman at hindi nag matigas at nakinig naman siya.

"what the hell is wrong with you?" Tanong niya saakin, pero patuloy parin ako sa pag lalakad hanggang sa makalabas na kami sa labas ng gate.

Wala na pala si Ms. Valdez.

Pero kahit na, nag mamatigas parin akong sumama sa kaniya at piniling mag hintay ng sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Huwag mong hintayin na mag bilang pa ako para sumunod ka saakin" aniya, pero hindi parin ako nakinig sa kaniya. "Parang mas bata ka pa kung umasal" bulong niya.

Mga ilang segundo akong naka talikod sa kaniya. Nang may naramdaman akong kamay na humawak sa braso ko at doon niya na ako hinila papasok sa loob ng kotse.

Never na rin akong umangal kasi nagugutom na ako, at sobrang dilim na para mag hintay pa ako ng masasakyan. Buti nga mataas ang pasensya ni Luke at hindi ako iniwan dito.

"Ano bang problema mo? Kung nag seselos ka sabihin mo lang" aniya kaya napabaling ako sa kaniya.

"Hoi! Kahit mag chuk-chakan pa kayo sa harapan ko wala akong pakialam" mabilisan kong sagot sa kaniya.

"What is chuk-chakan?" Tanong nito saakin.

Talaga namang!

"Alam mo na yan, bahala ka sa buhay mo" dahil sa inis ko, mas pinili ko nalang manahimik hanggang sa makarating at makapasok na kami sa bahay.

HINDI ko parin siya pinansin hanggang makarating na kami sa bahay.

"Lil, what's wrong?" tanong nito. Pero hindi ko parin siya pinansin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paharap sa kaniya, kaya napabaling ako sa kaniya.

"Okay, kung tungkol ito kay Kiana, you don't have nothing to worry about. She's my ex and that's it! We don't have any communication kaya nagulat ako na nakita ko siya ulit dito" paliwanag niya.

"Ahhh, wala nang communication? Kaya siguro ang ganda ng usapan nyo no? Kaya siguro pangiti-ngiti kang kausap siya kanina kasi namiss mo siya"

"come on, it's not like that"

"then what, Luke?"

"Wala akong namiss sa kaniya, okay? We ended up our relationship with a closure. And after that wala na kaming communication because we respect our new journey without eachother"

Tumango-tango nalang ako, dahil doon palang sa part na nag karoon sila ng closure, lugi na ako. Aalis na sana ako, pero pinigilan ako ni Luke.

"wait" aniya. Pero pinilit ko pading kunin ang kamay ko na hawak hawak ni Luke.

"Okay na, na-iintindihan ko na" Ani ko, nang tuloyan ko nang makuha ang kamay ko. Tatalikuran ko na sana siya, pero may pahabol pa siyang sinabi.

"guilty kaba? nag throwback ba sayo yung ginawa mo dati kaya hindi moko magawang kausapin ngayon?"

hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy na akong naglakad papuntang hagdan. Pero talaga namang ayaw ako tan-tanan ni Luke.

"Luke, tumigil ka n–"

pinutol agad ako ni Luke "No! Let's talk about this" aniya at hinila niya nanaman ang kamay ko dahilan kaya mapaharap ulit ako sa kaniya.

"Ano ba!"

"let's talk, bigla-bigla ka nalang nagagalit nang walang dahilan. Okay, kung tungkol ito  kay Kiana, then let's talk about her"

"Wag na! dahil alam kong Ipapamukha mo lang saakin kung gaano ako kasama dati"

"What?"

"Forget about Kiana. Let's talk about the past, diba gusto mo pag-usapan yun? Diba this is the reason why you're here" tapang kong sinalubong ang galit nito sa kaniyang mga mata.

"Sige, linawin mo kung bakit moko iniwan?" galit na tanong saakin ni Luke.

Hindi pa ako nakapagsalita ay bigla nang inunahan ng mga luha ko "May dahilan Luke! Hindi kita iiwanan kung walang dahilan! I love you, and I'm happy being with you. But I'm afraid... Natatakot akong mapahamak ka nang dahil lang saakin. Mas okay pa saakin na malayo sayo, wag ka lang mawala"

"wha—I don't understand" pagtataka ni Luke.

Tumango-tango ako. Of course, hindi niya maintindihan kasi pati ako nagugulohan. Hindi ko alam kung anong takbo nang buhay ko dati, kaya siguro sinuko ko nalang lahat.

"I know" ani ko sa kaniya bago siya iniwan na nagugulohan. Kasi hanggang ngayon, I don't know kung paano ipaliwanag ang lahat. Mabigat parin kasi sa loob kung aalahanin ko pa ang nakaraan.

NAISIPAN kong hindi muna pumasok ngayon. Dahil until now, masama parin ang makiramdam ko dahil sa pangyayari kagabie. We're both out of mind. And until now mabigat parin ang pakiramdam ko.
Kaya naisipan kong pumunta sa kung saan ako sasaya, kung saan alam kong gagaan ang pakiramdam ko.

Pero bago ako pumunta sa pupuntahan ko ay naisipan kong huminto muna sa Restaurant para kumain.  "Nayyy!! Andito si Lily!!" Pag-iingay ni Rosalie nang makita niya akong papasok na.

"Oh! Neng!, kumain kana? Kain kana dito dali mainit-init pa 'to" ani ni Manang Paula na galing pang kusina at bitbit-bitbit ang isang lagayan ng ulam.

"Bakit parang malungkot ka? Nag away ba kayo ni Mr. Pogi?" Tanong saakin ni Rosalie.

Nginiti-an ko lang siya at namili nalang ng ulam.

"Dae! Ano? Kasi nung pumunta siya dito may kasama siyang babae dit—aray!!" ani ni Rosalie na hindi na natuloy dahil pinalo siya ni Manang Paula ng spatula at suminyas pa siyang huwag maingay.

Napahinto ako sa aking ginagawa. I can't believe na after sa pagtatalo namin, nagawa niya nang makipagkita. Well, hindi ko namana kontrolado lahat ng mga gagawin niya, baka nga gawain niya na 'to bago kami mag kita ulit.

"Nako eneng, wag mo nang pakinggan si Rosalie, nasobrahan lang iyong sa pagiging chismosa, malay mo baka kamag-anak lang nung Luke yung babae"

umiling ako "Manang, wala akong pake alam kung sino pa dadalhin niya dito. As long as may maganda kayong kita, okay na 'yon"

"talaga bang okay ka lang? Gusto mo damihan ko ng sabaw yung o-orderin mo?"

Tumango ako at ngumiti "talagang alam na alam nyo po kung anong mag papasaya saakin"

"Oh siya! Mag hintay ka lang doon at ipaghahanda kita" aniya bago bumalik sa kusina.

NANG nabusog na ako ay agad na akong nag paalam at pumunta sa 3F farm para doon mag pakalma sa sarili ko, medyo ambigat ng pakiramdam ko, sa subrang bigat sasakit na ang ulo ko.

"Ma'am ito na po yung cake na inorder mo" ani saakin nung waitress at inilapag ang cake na inorder ko. Nginiti-an ko lang siya at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng Nobela.

Mga ilang segundo ay biglang tumunog ang cellphone ko. At tumatawag nanaman ang lalaking mag papakulo ng dugo ko.

"Bakit?" tanong ko agad sa kaniya.

"wala bang "hello" man lang? Anyways, I have a Bad and Good news" aniya.

"Okay"

"I'm going home, next week"

"And the good news?" tanong ko dito.

"Wha—grabe ambastos. Parang ayaw mo talaga akong makasama no? Tapos may paiyak-iyak kapa nung paalis ako nang pilipinas"

napatawa ako sa sinabi nito.

"Okay okay, let's go sa bad news?"

"Gusto mo malaman yung bad news?" balik nitong tanong saakin.

"Oo, antagal" sagot ko.

"Ang bad news, wala kang pasalubong saakin" aniya sabay patay sa call. Grabe, nag tatampo nanaman yun.

After sa tawag ay sinubokan kong ibalik ang atensyon ko sa pagbabasa, pero hindi na ako maka-focus kaya inubos ko na yung cake ko bago lumabas para tumambay doon sa garden.

Medyo napa gaan naman ng mga bulaklak ko yung pakiramdam ko. Pero sa tuwing naaalala ko yung binigyan ako ni Luke ng bulaklak, napapangiti ako nang wala sa oras.

"that kind of flower should be given to the people that it's already part of your life, and that someone you don't want to lose from your sight"

Totoo ba talaga yung sinabi niya?

Grabe, I can't believe na after sa mga nangyari sa past, nagawa ko parin isuko at ibigay sa kaniya kung ano man ang natira saakin. I can't deny na until now, sa kaniya parin umiikot yung mundo ko, kaya siguro.

Nag Deja vu nanaman ako. Buong akala ko malalampasan ko 'to, pero pinipilit parin akong ibalik nang tadhana sa past life ko. Unti unti kong na f-feel na parang pinaglalaro-an lang ako nang tadhana.

Nag labas ako ng mabigat na hangin bago maisipan na umalis na sa lugar na 'yon. Naisipan kong pumunta nang bar at mag walwal. Baka siguro pag nalasing ako, makakalimotan ko sandali yung lalaking nag bigay nanaman nang hinanakit sa buhay ko.

NASA bar na nga ako, and hindi ko alam na ganito kaboring pag ikaw lang mag isa sa bar. Nakakatakot pag wala kang kasama. Hindi tulad nung dati na kasama ko sila Elodie, Peony, Yara at si Seba.

Pero kahit takot ako, di ko parin mapigilan lumaklak ng alak. Nag-iisip ako nang masamang mangyari saakin ngayon while drinking alcohol.

"Hi" bati saakin nitong lalaking di ko naman kilala.

"hi, need something?" agarang tanong ko dito.

"wala naman. want me to buy you a drink?" tanong niya saakin.

"Ikaw, basta wala ka naman sigurong hinihihing kapalit?" Balik kong tanong dito, mas maganda na kung sigurado.

"Nahh just, you know" pangiti-ngiti niyang sagot.

"Alam mo, no thank you. Uuwi na ako" sabi ko dito, na f-feel ko na kasi na lasing na akong, kaya para iwas disgrasya. Uuwi na tayo habang kaya pa.

pagkarating at pagkarating ko sa labas ay doon ko nadatnan si Luke na naninigarelyong naka harap saakin. Na para bang hinihintay niyalang akong makalabas.




...

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

3.3K 253 52
HIRING A MAID BUT ENDED UP LOVING EACH OTHER HOPE U LIKE MY STORY:<♡
224K 11.3K 90
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
243K 37.4K 97
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
12.6K 940 15
Even if the world ends today, I will always keep you in my heart. Date Started: November 3, 2020 Date Ended: November 7, 2020