Endless Harmony (The Runaway...

Door kemekemelee

142K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... Meer

Endless Harmony
Intro
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 1

4.4K 86 38
Door kemekemelee

Help

Simon Griffin Benitez.

January 17 ang birthday niya kaya ibig sabihin Capricorn siya! He is 6 feet tall. Grade 12 ABM student at madalas din na tumutugtog sa mall, sa restobar, at sa mga birthday party. Marunong din sa halos lahat ng musical instrument at higit sa lahat, single siya!

Kanina pa nangangati ang kamay ko na pindutin ang follow button sa Instagram account niya pero parang hindi yata kakayanin ng hiya ko na mag-first move. Hindi naman naka-private iyon kaya madali ko ring makita kung may bago ba siyang post o story.

“Darlene, isang beses lang naman. Ngayon ka lang naman magfa-follow ng lalaki kaya sige na lunukin mo na ang pride mo,” I closed my eyes and clicked the follow button.

Agad kong naitapon ang phone ko sa kama bago ako tumili. Bumuntong hininga ako at tinitigan ang kawawang phone ko na dumausdos sa unan ko. Pakiramdam ko pagpapawisan ang kamay ko dahil sa sobrang kaba!

Hindi niya naman siguro iisipin na crush ko siya diba? Marami naman kaming nasa followers niya at saka pinsan ako ng kaklase niya kaya wala naman sigurong masamang makipagkaibigan.

Pinikit ko ang isang mata ko habang kinukuha ko ang phone ko sa kama. Nanliit ang mata ko at halos ipikit ko na iyon habang sinusubukan kong tingnan kung nag-follow back ba siya sa akin.

sgbenitez

19 posts      5,902 followers       33 following

musician. equinox.
equinoxmusic@gmail.com

Sumimangot ako nang makita kong nasa followers niya lang ako! Hindi man lang nag-follow back sa akin kaya padabog kong pinindot ang following niya. Ano bang requirement para mapasama sa following niya at parang ang kaunti naman no’n?!

Bandmates niya lang ang nasa following niya at ang natitirang following ay parang mga kapwa artist niya habang ang iba naman ay yung mga kilalang banda.

Walang babae sa following niya kaya kahit papaano napangiti ako.

“Ma’am, may pasok pa po kayo. Hinanda ko na po yung almusal niyo,” paalala sa akin ni Manang Ethel kaya binaba ko na lang ang phone ko.

“Susunod na po ako, Manang. Anong oras po pala umalis sila Mommy at Daddy?”

“Hindi po sila umuwi. Baka sa hospital na lang po sila nagpahinga,” sagot pa ni Manang.

Bumuntong hininga na lang ako at tahimik na naglakad pababa. Sobrang laki ng mansyon pero parang wala rin dahil sobrang tahimik naman. Nagiging maingay lang sa mga piling okasyon kaya mas gusto ko pa na umaalis ng bahay kaysa manatili dito.

At times, it’s fun to be the youngest in the family, but it’s equally painful to witness everyone’s growth while I remain here, alone, as they pursue their individual paths, leaving me with no right to intrude.

Wala naman kasi akong magagawa kung hindi ang suportahan sila kahit pa ibig sabihin no’n ay maiiwan akong mag-isa dito.

“Manang, baka gabihin po ako mamaya. Pupunta na lang po ulit ako kina Nathan,” paalam ko pa.

She nodded. “Sige po, Ma’am. Magsabi na lang po kayo kapag magpapasundo na po kayo para masabihan ko po ang driver.”

Pagkatapos kong kumain, naghanda na rin ako dahil may pasok pa ako. Mabuti na lang nga at maayos ang schedule sa school na pinapasukan ko. Hindi masyadong maaga pero hindi rin masyadong late.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa byahe. Napangiti naman ako habang pinapanood ko ang story ni Kuya Adam. Picture iyon ng dalawang anak niya, ang kasunod naman na video ay dinner date niya kasama ang asawa niya, habang ang huling story naman ay picture ng sarili niyang clinic.

Sunod ko namang tiningnan ang story ni Kuya Caleb. As usual parang powerpoint na naman iyon sa sobrang dami. Ang ilan sa story niya ay puro pagpa-party niya lang pero meron ding mga picture na kasama niya ang girlfriend niya pati na rin medicine related. Sa huling story pa naka-post ang itlog niyang score sa exam.

I decided to reply to his story. Gusto ko na rin kamustahin dahil masaya talaga kausap itong si Kuya Caleb kumpara kay Kuya Adam. Siguro dahil may asawa na si Kuya Adam habang si Kuya Caleb naman ay nag-aaral pa kaya kahit papaano mas magkakaintindihan pa kami.

Caleb Aidan Alcazar

ang itlog inuulam hindi ginagawang score

pakyu saka mo na ako angasan kapag hindi ka bumagsak sa basic calculus

nakakabastos ka na grabe : ((

how’s our baby? ayos ka lang ba?

iww. ayos lang naman ako kuya.

uwi ako sa weekend. love u.

pasalubong, ha? love u.

sure, aral mabuti bunso. huwag kang pagago-gago d’yan.

I broke into a slight smile upon reading Kuya’s message. Although it was just a casual conversation, it made me happy. I miss my family so much that even a message like this has lessened the longing I’m feeling right now.

Magaan ang pakiramdam ko habang naglalakad ako papunta sa classroom namin. Ayos na sa akin iyon kahit si Kuya Caleb lang ang kasama ko. Naiintindihan ko naman kasi na may pamilya na si Kuya Adam kaya hindi siya laging available.

There are times when it remains painful, but with age, I’ve grown accustomed to the idea that my family may not always be with me on my birthdays. Mas mahalaga ang buhay ng ibang tao kaysa sa buhay ko. While jealousy crossed my mind initially, I’ve matured and realized that getting upset would be unreasonable. Hindi naman sila wala dahil lang sa mga walang kwentang rason. They’re just fulfilling their responsibilities and I learned to accept it.

“Darlene, may gawa ka na ba sa Biology? Ngayon daw pasahan sabi sa akin ni Zero,” Euphony approached me as soon as she saw me.

Nilapag ko na lang muna ang bag ko sa upuan ko at hinalungkat ko yung drawing na ginawa ko para sa assignment namin.

I clicked my tongue while checking my folder. “Teka lang hinahanap ko pa. May gawa ka na ba?”

“Meron kaso mukhang ginusot ng sampung demonyo. Tangina ang hirap i-drawing ng reproductive system!” reklamo ni Euphony habang nilalatag sa harap ko yung drawing niya.

Humagalpak naman ako ng tawa habang tinitingnan ko yung drawing niya. Kahit papaano naman nakikilala ko pa yung ibang parts pero halatang nahirapan pa siya dahil kitang-kita ko yung mga bura.

Inangat ko naman yung papel. “Ito yung gawa ko. Minadali ko na kagabi kasi antok na antok ako kaka-stalk sa poging nakita ko sa debut.”

“Minadali pa iyan sa lagay na iyan?!” bulalas niya. “E tangina mas mukha pang minadali yung gawa ko kaysa sa gawa mo!”

“Huh? Sinasabi mo d’yan? Maayos naman drawing mo, ah? Mukhang langka,” I chuckled.

She glared at me. “I-close na lang ang mouth, pwede?”

Natahimik na lang ako dahil dumating na rin yung teacher namin. My parents were firm about me choosing the STEM strand in senior high school, hoping that I would walk the same path as them. They also want me to become a doctor—a gynecologist to be specific.

They want to uphold the legacy of our family name, known for its lineage of doctors. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko. Wala naman akong pangarap para sa sarili ko kaya sinunod ko na lang ang gusto nila.

“Tomorrow, we don’t have any classes, but you need to attend the career guidance session. Please pay close attention, as it will be highly beneficial if you’re still undecided about what to do after completing this strand,” our adviser announced this while handing out the booklet for tomorrow’s career guidance session.

Kumunot ang noo ko habang binabasa ko ang nilalaman noon. Nag-angat ako ng kilay nang makita ko ang mga topic na pwede naming pag-usapan bukas. Hindi naman siguro masama kung pupunta ako. I’m sure it will be helpful in deciding whether I should follow my family’s footsteps or not.

“Papasok kayo bukas?” tanong ni Zero habang sabay kaming naglalakad palabas ng campus.

Euphony nodded. “Ako pupunta ako. Ang interesting ng topics saka undecided pa ako kaya baka makatulong iyon.”

“Pupunta rin ako,” I said.

“Ang sisipag niyo naman. Hindi naman required ang attendance d’yan, ah?” giit pa ni Zero.

“Wala ka bang pangarap?” tanong naman ni Euphony sa kaniya.

Zero paused for a minute. “Hindi ko pa iniisip iyan ngayon,” iritado niyang sagot. “Ah, bahala kayo! Basta ako maglalaro na lang ako bukas.”

Nauna namang maglakad si Zero kaya kami na lang ni Euphony ang naiwan. Nagkibit na lang ako ng balikat at hinayaan si Zero dahil parang wala naman siyang pake sa future niya. Puro online games lang naman ang inaatupag niya.

“Nakakairita talaga iyon si Zero,” wala sa sariling nasabi ni Euphony. “Ang tamad amputa. Akala mo mauubusan kapag isang araw siyang hindi nakapaglaro.”

“Sus pero crush mo naman,” ngumisi ako.

Euphony rolled her eyes. “Shut up baka marinig ka nila!”

Kinuha ko naman ang phone ko dahil naramdaman kong nag-vibrate iyon. Nasa parking lot na kami nang makita ko ang driver namin na naghihintay sa akin.

kumikinang inang nathan

hoy pupunta ka raw dito?

patambay lang. boring dito sa bahay.

ganda ng timing mo gago. pupunta dito si simon eh. may groupings kami.

ay shet tangina ganito ba talaga kapag favorite ni lord 😇

tanga hindi ka tanggap sa langit

whatever. see u na lang.

Napangiti naman ako dahil sa nabasa kong message galing kay Nathan. Hindi pa nga ako nagawa ng move pero parang sinasadya yata na magkita kami ni Simon.

Bumuntong hininga naman ako. Kung sakali ngang nandoon si Simon mamaya, ano namang gagawin ko? Nakakahiya naman na bigla na lang siyang kausapin baka maisip pa niya na weird ako. Bahala na nga! Ang mahalaga makikita ko siya mamaya.

“Laki ng ngiti, ah. Sino iyang kausap mo?” sinubukan naman ni Euphony na silipin yung phone ko pero agad kong tinago iyon.

I shook my head. “Wala naman. Pinsan ko lang iyon. Puro patawa kasi.”

“Seryoso ba? Baka mamaya may ka-talking stage ka na naman ha!”

“Tanga wala kaya!” agaran kong sagot. “Ayoko pa saka may iba akong crush ngayon.”

“Sino naman?”

Ngumisi ako. “Secret muna.”

Tinapik ko na lang sa balikat si Euphony bago ko nilapitan yung driver namin na kanina pa siguro naghihintay sa akin. Sinipat ko pa ang sarili ko sa front camera ng phone ko. Hindi pa naman ako mukhang haggard kaya pwede pa akong humarap kay Simon.

I glanced at our driver. “Manong, pahatid na lang po ako sa bahay nila Nathan. Magpapasundo na lang po ako around 8 PM.”

“Nagpaalam po ba kayo kay Sir Francis?” the driver asked me.

“Safe naman po kina Nathan saka kapatid naman ni Daddy si Tita kaya sa tingin ko ayos lang naman po.”

“Baka kasi mapagalitan ako Ma’am. Pasabihan na lang po sila Sir Francis para maihatid ko na po kayo,” I can sense the nervousness in his voice leaving me no choice but to text my father.

Daddy

hi dad. tambay lang po muna ako kina nathan. i’ll go home around 8 pm. thanks and i love you.

Inangat ko naman ang phone ko at pinakita ko iyon sa driver namin. Tumango naman siya bago siya nagsimulang magmaneho. I let out a loud sigh and distracted myself by checking Simon’s Instagram highlights.

I noticed that it was mostly some of his guitar covers. There are also screenshots of the comments and likes he received from the artists he admired. Cute. It looks like he’s truly dedicated to his craft.

“Putangina ang bobo!” napamura naman ako nang aksidente kong napindot ang like button sa highlight niya.

Now, he’ll find out that I’ve been checking and stalking his Instagram account!

“Ma’am, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong sa akin ng driver namin.

Umiling naman ako. “Just drive, Manong. Ayos lang po ako.”

Nahilamos ko na lang ang palad sa mukha ko habang dine-deactivate ko ang Instagram account ko para hindi mag-notif sa kaniya yung ginawa ko. Kailangan ko na talagang maging maingat ngayon. Ang dali dali na nga lang tapos mahuhuli pa ako sa kagagahan ko. Nakakairita!

I frowned the entire time. Our driver kept throwing glances at me, so I responded with a cold stare to let him know that I wasn’t in a good mood. Mukhang naramdaman niya yata iyon dahil nakita ko ang pamumutla niya habang nagmamaneho.

“Dito na lang po, Manong. Pasundo na lang po ako mamayang gabi,” diretso kong sinabi bago ako bumaba ng kotse.

Ngumuso ako nang mapansin kong kahit dito tahimik din ang buong bahay. Si Krishna naman may sariling condo kaya ligtas ako sa nakakairita niyang aura. Si Nathan lang ang makakasama ko dito pati na rin si Kuya Samuel.

“Good afternoon po, Ma’am Darlene. Wala pa po si Sir Nathan dito. May gusto po ba kayong kainin?” tanong sa akin ng kasambahay nila.

Sandali akong napahinto. “Nandito po ba si Tita?”

“Yes po. Nasa kusina po si Ma’am Precy. May ipapasabi po ba kayo?”

“Pupuntahan ko na lang po,” sagot ko.

Binaba ko na lang muna ang lahat ng gamit ko. Malapit na rin naman yung uwian nila Nathan kaya alam kong any minute from now nandito na iyon. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kusina pero mukhang alam ko na agad ang ginagawa ni Tita.

Hindi nga ako nagkamali nang makita ko siyang nagbi-bake ng cookies!

“Hi, Tita!” I greeted her.

“Oh my Darlene!” mukhang nagulat pa si Tita kaya natawa naman ako. “Parang napapadalas ka dito, ha? May kalokohan ba kayong ginagawa ni Nathan?”

I shook my head. “No, Tita!” agad kong sagot. “Bored na bored lang po ako sa mansyon kaya dito na lang po ako para may kausap ako.”

“Kung sa bagay masyado nang busy iyan sila Matilda at Francis. Nakalimutan na yata na may bunso pa sila,” bulalas pa ni Tita habang may panibagong sinasalang sa oven.

“Naiintindihan ko naman po. Wala naman po akong magagawa kasi gano’n naman po talaga kapag doctor diba?”

Pinagmasdan ko naman si Tita na maghulma at magdesign ng mga cookie na ginagawa niya. Ilang segundo lang din bago ako nagdesisyon na gayahin ang ginagawa niya.

“Responsibilidad nga nila iyon pero may responsibilidad din naman sila sa’yo. Sana hindi nila makalimutan iyon,” she pointed out, trying to guide my hands from molding the cookies.

I sighed. “Maayos na po ba itong gawa ko, Tita?”

Sandali niya namang tinitigan ang ginawa ko. Napapalakpak pa si Tita pagkatapos niyang makita ang lahat ng ginawa kong design sa mga cookie. Mommy and I used to bond by baking cookies, and now it’s rare for her to find time to do it with me. I think the last time we did this was two years ago.

Madalas ko naman silang makita pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na makaramdam ng sobrang pagka-miss sa kanila. Napailing na lang ako. Masyado na naman akong naaapektuhan sa mga iniisip ko.

I should continue to show them that it doesn’t bother me at all. I need them to know that I am always happy, because that’s the image they’ve always had of me.

Basta si Darlene hindi marunong malungkot.

“You’re quite good at this, you know. I saw your drawings last year, and you have a talent,” komento pa ni Tita bago niya sinalang ang mga cookie na ginawa ko.

“I enjoy it, Tita.”

Sasagot pa sana si Tita nang marinig ko na ang ingay galing sa living room. They’re here! Nakauwi na si Nathan at ibig sabihin no’n ay kasama niya na rin si Simon. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sobrang excitement.

“Ma!” narinig kong tawag ni Nathan. “Ma, nagsabi sa akin si Darlene na pupunta raw siya dito. Nandito na ba siya?”

“She’s here with me,” ani Tita sabay ngiti sa akin.

“Nasa kusina ako bobo,” humalakhak naman ako.

Hindi na rin ako nagulat nang biglang pumunta si Nathan dito sa kusina. Mukhang hindi pa nakakabihis dahil suot niya pa rin yung uniform nila.

“Kasama ko na yung crush mo,” he informed me.

Ngumisi naman ako. “Nasaan na si Simon?”

“Nakaupo sa sofa, nagpapahinga. Kasama ko rin pala si Clark, yung ex-crush mo.”

“Like I care about him? Si Simon na yung crush ko ngayon!” nangingiti kong sinabi.

“Ang dali mong magpalit ng crush,” komento pa niya.

Napahinto naman kami nang makita naming sinalin na ni Tita yung mga cookie sa isang lalagyan. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang may naisip akong gawin.

“Tita, pwede ko bang bigyan yung mga bisita ng cookies?” I flashed a smile.

“Sasabihin ko pa nga lang sana na para sa kanila ito. Come here, son. Tulungan mo itong si Darlene na ibigay ito sa mga kaklase mo,” utos naman ni Tita sabay abot sa amin ng mga cookie na ginawa namin.

“Hindi na po. Kaya na ni Darlene iyan,” Nathan playfully said.

I raised an eyebrow. Mukhang nakuha niya rin ang gusto kong iparating kaya kinuha ko na yung mga cookie para ibigay sa mga kaklase ni Nathan. Una namang naglakad si Nathan kaya sumunod ako sa kaniya.

“Guys, kain muna kayo. My cousin baked something for us,” pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti nang marinig ko kung paano pinagdiinan ni Nathan na ako ang gumawa ng cookies na ito.

Dumako ang tingin ko kay Simon na nakatingin sa cookies na hawak ko. Sinubukan ko naman siyang ngitian pero nanatiling seryoso ang mukha niya. Nag-iwas siya ng tingin kaya nawala rin ang ngiti sa labi ko.

Ano iyon? Bakit parang ang sungit niya naman? Sa stage lang ba siya mukhang friendly?!

Ngayon ko lang napansin na medyo may karamihan ang kasama ni Nathan. Kung isasama siya sa bilang sa tingin ko nasa walo silang lahat. May limang lalaki at tatlong babae sa group nila.

“Ang galing naman. Marunong ka palang magbake, Darlene?” nakangiting tanong sa akin ni Clark.

My lips formed into a thin line. “Yup. Gusto mo ba?”

I gently placed the cookies on a round table in front of them. My breath hitched when I glanced at Simon once more. He was still wearing his school uniform, and I couldn’t believe how good it looked on him. His hair was tied in a half ponytail, his brows furrowed, and his lips in a thin line. He looked bothered and... angry?

“Anong gagawin niyo ngayon?” tanong ko kay Clark na umupo sa tabi ko.

“Magde-design kami ng stall namin para sa trade fair sa school. Punta ka kapag may time ka,” he said.

I nodded. “Anong stall?” tanong ko, ang tingin ko na naka-focus pa rin kay Simon na sa wakas kumuha na rin sa cookies na ginawa ko!

Nakakunot pa rin ang noo niya habang nginunguya niya yung cookies na ginawa ko. Hindi man lang nagpakita ng reaksyon kung masarap ba o hindi yung ginawa ko. Mas lalo nga lang lumaki ang ngiti ko nang makita kong kumuha pa siya ng isa. Ibig sabihin nasarapan siya sa cookies ko!

“Stationary, customized notebook, and keychains,” Clark said.

“I see. That’s a good business pero marami ring kalaban if ever.”

“Gusto mo ba manood sa amin?” Nilingon ko naman si Clark. “May 2 weeks kaming preparation kaya mapapadalas ako dito kina Nathan.”

Bumuntong hininga naman ako. “Sige... panonoorin ko na lang kayong gumawa.”

Sumunod naman ako kay Clark na nag-uumpisa nang maglabas ng iba’t ibang mga construction paper. Mukhang nag-usap na sila ng mga gagawin dahil may kaniya kaniya na rin silang ginagawa. Sinulyapan ko naman si Simon na may kung anong ginugupit kaya binalik ko na lang ang tingin ko kay Clark.

“Anong gagawin mo?” I asked him.

“Here.” Nilabas niya naman yung kulay blue na construction paper. “Gagawa lang ako ng borders para sa poster namin.”

“Pwede ko bang subukan gawin?”

Clark nodded. “Sure!” Inabot niya naman sa akin yung gunting at mga papel. “Kung may better design ka para sa border mas ayos na rin.”

Natuwa naman ako nang hayaan lang ako ni Clark na maggupit ng mga gusto kong disenyo. Tahimik din sila dahil busy rin sila sa mga ginagawa nila kaya sure naman ako na wala namang epekto sa kanila itong pagtulong ko. Baka nga mas mapadali at mas mapansin ako ni Simon kapag nakita niyang maganda ang gawa ko!

Pagkatapos kong gupitin ang ilang mga construction paper, nilapag ko naman iyon sa lamesa para mailagay na nila sa poster.

“Sinong gumawa nito?” Nag-angat naman ako ng tingin nang makita kong kinuha ni Simon yung mga papel na ginupit ko.

Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. “Ako gumawa niyan. Ayos lang ba? I figured out na mas okay ang design na iyan kasi bagay din sa theme niyo tapos dinagdagan ko na ri—”

“Sinabi ko bang baguhin mo?” iritado niyang tanong.

Naramdaman ko bigla ang hiya dahil sa tono ng pananalita niya. Masyadong mabigat ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakakunot ang noo at halos magsalubong na rin ang kilay.

“Uh kasi ano... s-sabi ni Clark p-pwede raw ako maglagay ng d-design kung may trip ako,” I fucking stuttered because of too much nervousness!

I sense that everyone’s attention is on me at the moment, and Simon’s reaction is making me even more nervous. He looks upset while showing me the piece of paper I cut awhile ago.

Simon arched an eyebrow. “Kung hindi ka naman kasi namin ka-grupo dapat hindi ka na nangialam,” aniya sabay lingon kay Clark. “At ikaw naman, sino may sabing pwede mong baguhin ang design na napag-usapan natin kanina?”

“S-sorry...” sambit ko sa maliit na tinig.

“Thank you for trying, but we don't need your help,” he said coldly before turning his back on me.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

10.4K 486 35
When Rian transferred to public school, she was already interested in Zamiro, the snob, smart, and mysterious President of their school. She asked fo...
51.6K 3.3K 45
Band Series #1 || Kaye Serenity Saavedra desperately came back to Philippines after being forced to study abroad. She gets involved with Cyrus Louis...
99.9K 3.5K 33
4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why...
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...