Her Asset

De Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 21

29 10 0
De Unnie_Corn0

Habang tulala akong nakatingin sa labas ay naramdam kong nakatingin si Julianna at Fatima sa akin.

Naririnig ko rin ang bulungan nila at alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Nang lumingon ako sa kanila ay parang nagulat pa ang dalawa.

"Bakit niyo 'ko pinag-uusapan?"

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila.

"Ayos ka lang ba, Amery?"

"Ilang araw ka na kasing ganyan."

"Don't worry. Ayos na ayos lang ako." Tumatawa pa na sabi ko para hindi sila mag-alala sa akin.

"Stop it, Amery. Alam kong hindi ka okay, obvious naman kasi sa mukha mo."

"Tama si Julianna, Amery. Ilang araw kang tulala. Simula nung galing ka sa library para kausapin si Ivan ay para kang lutang palagi."

"Hindi ka na rin masyadong lumalabas ng room."

"Umamin ka nga, Amery. Anong pinag-usapan niyo ni Ivan at nag-kaganyan ka?"

Umiling ako sa kanila.

"Wala kaming pinag-usapan."

"At...hindi naman kami nag-usap." Dagdag kong sabi.

"Huh?!" 

"Hindi kami nakapag-usap dahil kasama niya yung girlfriend niya. Okay na?" Mapait na sabi ko sa kanila.

Nanlaki ang mata nung dalawa.

"Girlfriend?!" Sabay pa na sigaw nila.

"Hinaan niyo yung boses niyo, baka mamaya ay marinig pa kayo ni Migs tsaka ni Keith."

"Anong girlfriend ang sinasabi mo, Amery?"

"Sigurado ka bang may girlfriend na si Ivan, Amery?"

Tumango ako. "Nakita ng dalawa kong mata kung paano sila magyakapan sa harap ko."

Bumuntong hininga ako at malungkot na tinignan sila.

"Tinanong mo ba si Ivan kung girlfriend niya yung babae?" Tanong ni Fatima.

"Hindi ko siya tinanong, pero ang obvious naman kasi nila. Bakit niya yayakapin kung hindi niya girlfriend?" Sagot ko kay Fatima.

"Kilala mo ba yung babae." Tanong ni Julianna.

"Hindi ko alam ang pangalan niya, pero...ABM student siya, nakita ko na siya sa building natin." Sagot ko Julianna.

"Naalala niyo ba na may gusto si Ivan na ABM student?" Dugtong na tanong ko.

Tumango silang dalawa.

"Siya na siguro ang tinutukoy niya. Ang sabi ni Ivan ay may chance na ligawan niya si Ms. ABM." Sabi ko.

Natahimik ang dalawa kong kaibigan.

"Amery." Seryosong sabi ni Fatima.

Tumingin ako sa mata niya. "Bakit?" Tugon ko sa kaniya.

"May gusto ka ba kay Ivan?" Tanong niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. 

"Wal-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.

"Hindi… hindi ko na dapat tinanong 'yon. Obvious naman na gusto mo siya, hindi ka maapektuhan nang ganito kung wala kang gusto sa kaniya, Amery." Sabi ni Fatima.

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at tumango sa sinabi niya. Totoo naman kasi iyon.

"Kailan pa, Amery?" Tanong sa akin ni Julianna.

Ikinuwento ko sa kanila kung paano ko siya nagustuhan at paano ko siya nakita sa orientation.

"Ang tagal na pala. Bakit hindi mo sinabi sa amin?!" Hinampas ako ni Fatima pero mahina lang.

"Aasarin niyo lang ako kapag sinabi ko."

Totoo naman kasi, kapag sinabi ko sa kanila na gusto ko si Ivan ay malamang sa malamang na buko na ako dahil aasarin lang ako ng mga ito.

"Pero kahit naman gusto ko siya ay wala namang mangyayari, may girlfriend na siya at wala akong magagawa roon." 

Hindi na sila nagsalita at tumango na lang sa sinabi ko.

Lunch na ngayon kaya pumunta kami sa cafeteria. Ayoko talagang sumama dahil baka makita ko siya. Pinilit lang ako ni Fatima at Julianna kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama.

Nasa cafeteria na kami at parang gusto kong mag back-out dahil nakita ko si Ivan na kasama na naman yung babae.

Pero...natural lang naman na kasama niya 'yon kasi girlfriend niya yung babae.

Nang umupo kami ay nagtanong agad sina Fatima sa akin.

"Yung kasama ni Ivan, siya ba ang tinutukoy mo, Amery?"

Tumango ako sa kaniya at sumubo na lang ng pagkain ko. Habang kumakain kami ay naramdaman kong umupo na rin ang iba naming kasama pero hindi ko sila pinansin.

Nagpatuloy lang akong kumain para makaalis na ako rito agad.

"Hello! Pwede ba kaming maki-upo sa inyo?" 

Nilingon ko ang nagsalita at nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang girlfriend ni Ivan.

"Ah, sige. Okay lang, kasama mo naman si Ivan."

Bakit ngayon pa? Ayoko nga silang makita tapos uupo pa sila sa harap ko.

Nakita ko kung paano alalayan ni Ivan si Ms. ABM. 

Sa harap ko pa talaga, ah!

"Hi, I'm Mila. It's nice to meet you all!" 

"Nice to meet you, too, Mila."

"Hello."

"ABM student ka, noh? Nakita ka kasi namin lagi sa ABM building"

"Yes, nakikita ko rin kayo sa building natin!"

"Kayo pala ang mga kaibigan ni Ivan. Sobrang saya ko na makita kayong lahat!"

"Bihira lang kasi si Ivan na
makipag-interact sa ibang tao, eh."

Wow! Kilalang kilala niya si Ivan.

"Sobra! Haha. I-ilan lang talaga ang kaibigan nitong si Ivan, Mila. At swerte ka kapag naging kaibigan mo siya dahil ma-pili siya sa tao, haha!"

Tumatawang sagot ni Laurence sa kaniya.

Tama si Laurence, ma-pili sa tao si Ivan kaya kapag kinausap ka niya ay isang karangalan na iyon.

Hindi naman siya masungit. Ilang lang talaga siya sa mga taong hindi niya kakilala.

Swerte pala namin ay naging kaibigan namin siya kahit biglaan lang ang pagkikita namin.

"Lagi kasi kayong nababanggit ni Ivan sa akin. Matagal ko na rin kayong gustong makilala!"

Ibig sabihin ba niyon ay matagal na rin silang magkakilala ni Ivan?

Hindi naman malabo iyon.

Ang energic pala niya, hindi ko alam pero hindi ako naiinis sa kaniya. Mabait siyang tao.

"Hi!" Masayang sabi niya.

"Hello." Mahinang sabi ko sa kaniya at nginitian siya.

"Amery ang pangalan mo, 'di ba?" 

Paano niya nalaman?

"A-ah, yes, bakit mo nalaman?" 

Nagtataka talaga ako kung bakit niya alam ang pangalan ko.

"Palagi ka kasing kinukwento ni I-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang subuan ni Ivan ng fries ang bibig nito.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Mila pero hindi natinag si Ivan at kumain na lang.

Kumain na lang din ako para makaalis na sa cafeteria. Nasasaktan lang ako sa nakikita ko.

"Pwede ko ba kayong maging kaibigan?"

Umangat ang ulo ko kay Mila nang magtanong ito.

"Oo naman."

"Sure."

"Pwedeng-pwede"

"Omg! Thank you guys!"

Maganda ring kaibigan si Mila dahil hindi ka mabo-bored 'pag siya ang kasama mo.

Nang tapos na akong kumain ay nagpaalam agad ako. "Mauna na ako sa inyo. May gagawin pa kasi ako. Bye." Mabilis na sabi ko at umalis na sa cafeteria para pumunta sa garden.

Favorite spot ko ito sa aming campus, may fountain dito at sobrang peaceful tignan. Kinuha ko ang headset ko para mag-music at kinuha ko rin ang libro ko.

Music and book therapy are the best.

Habang abala ako sa pagbabasa ay may umupo sa tabi ko. Hindi ko ito tinignan at patuloy lang ako sa pagbabasa. 

"Amery."

Inangat ko agad ang ulo ko para makita kung sino ang tumawag sa akin.

Dalawang beses akong pumikit para masiguro kong tama ang nakikita ko.
Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko.

Pero bakit nandito siya? 

Ilang araw niya na akong hindi pinapansin tapos lilitaw siya rito na parang kabute?

Ano ba talaga ang gusto niya sa akin? Naguguluhan na ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

"Ivan." 

Continue lendo

Você também vai gostar

1.1M 61.7K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
21.4K 134 10
Lyla Mitchell is just your typical hockey player, except that she is a child prodigy playing for one of the best teams in Minnesota, the hawks. She i...
kilian [21+] De Angelangel

Ficção Adolescente

160K 959 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
My baby girl De sugarmy187

Ficção Adolescente

516K 14.8K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?