Casanova's Cinderella

prismkatx tarafından

74.9K 1.6K 42

"Hanggang sa hindi na lamang laro ang lahat." - Zeke Zerinllo Daha Fazla

Casanova's Cinderella
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29 (Ending)
AUTHOR'S NOTE

Chapter 11

1.8K 54 0
prismkatx tarafından

~Zeke's POV~
"So this project should be blah blah blah blah . ....." I'm currently at my Architechtural Interiors class. Mr. Sedal is explaining how our project should be done. Tahimik kaming nakikinig sa kanya ng biglang may tumunog na cellphone.

Tumingin naman sya ng masama sakin, alam nyang ako lang ang hindi nagpapatay ng cellphone kaya ako agad ang pinaghinalaan nya. Tama naman sya, akin nga yun. Nagsalute ako sa kanya at tinuro ang cellphone ko at tumayo indicating na lalabas ako ng room para sagutin ang tumatawag sakin. Tumango naman sya pero nakasimangot padin.

Tinignan ko kung sino natawag habang palabas ako ng room. It reads Xed. Sinagot ko naman agad paglabas pero di ako nagsalita, nakakatamad e.

"Hello, hello!" Bungad nya

"Oh?"

"Pumunta ka ngayun na dito sa IceNest" it's a bar

"Why?" Bored parin na sagot ko

"Si Justin nanggugulo dito. Di maawat, ang dami ng nagagalit na custo................" Biglang umingay naman sa kabilang linya

"Ayan nakikipagsuntukan na, bilisan mo." sigaw nya sabay baba ng tawag

Pababa na ako ng elevator ng maalala kong nasa bag ko pala ang susi ng car ko kaya naman bumalik pa ko sa classroom at kinuha ang bag ko.

"And where do you think you're going Mr. Zeke?" Pagpigil na tanong ng professor ko

"Justin got into a fight, I need to go"

"Mr. Alehandre? Okay go." Pagpayag nya, hindi ako binibigyan ng special treatment dito sa school pero alam nila kung kaylan sila hindi pedeng makiaalam sakin, at isa na ito sa mga sitwasyon na yon.

Sumakay na ko kay 'L' at nagdrive papunta sa IceNest.

(A/N: L, name of Zeke's camaro . Picture sa side.)

Dumating ako sa bar makalipas ang 15mins, malapit lang naman e tsaka binilisan ko din ang patakbo kay L. Pagpasok ko nagkakagulo na nga.

May lumapit naman sakin agad na babae "Zeke!" Tawag nya

"Asan sina Xed?" Tanung ko

"Andun, bugbugan na hindi naman maawat ng mga bouncer kasi andami nila." Sabi nya habang malamyang nakahawak sa braso ko. Inalis ko ang pagkakahawak nya at pumunta dun sa kaguluhan.

Nakitang kong may nakahawak sa kwelyo ni Justin habang sinunsuntok sya ng ibang tao sa tagiliran. Agad ko namang sinunggaban yung nakahawak sa kanya at napasali na nga ako sa gulo.

Makalipas ang matagal na bakbakan biglang may nagpaputok ng baril. Napatigil naman ang rambol pero syempre sumuntok muna ako ng isa bago ako tumigil din.

Dumating si Tristan, tropa ni Xed na leader naman ng isang gang. Alam na ng mga kaaway namin yun kaya umalis na sila sa takot. Hindi kami kasali sa gang. Hindi din kami nakikipag-away ng ganto ni Xed at Justin, ngayon lang. Hindi naman pedeng pabayaan nalang namin si Justin.

Hinigit ni Xed si Justin papunta sa VIP room, sumunod naman ako at inilock ang pinto nang makapasok kami. Ibinalya nya si Justin sa couch.

"Ano bang problema mo ha Justin?" Galit na tanong ni Xed, nakaupo lang ako dito sa isang sulok.

"Wala ka na don!" Sigaw ni Justin, halatang lasibg ang loko

"Anong wala e napasama na nga kami ni Zeke sa gulo mo eh, kelangan ko pang tawagan si Tristan para matapos lang ang bakbakan!"

"Zeke? Hahaha si Zeke oo si Zeke ang problema ko" natatawang sagot ni Justin

Napatingin naman sakin si Xedric, nag shrug lang ako. Wala naman talaga kong alam e.

"Ano si Zeke? Anong problema mo sa kanya?"

"Haha hahahahahahhahahaha binusted ako ni Sam hahahahhahahahah" tuloy lang sya sa pagtawa, nagkatinginan naman kami ni Xed. Pareho kaming nagulat sa sinabi nya.

Busted sya kay Jill? Akala ko ba may gusto sa kanya yun?

"Anong nangyari?" Tanong ko habang papalapit sa kanya

"E g@go ka pala eh!" Susuntukin nya sana ko pero hangin ang tinamaan nya. Masyado na syang lasing para matamaan ako.

"Anong nangyari?" Pag-uulit ko ng tanong at nagkwento na nga sya.

Tinawagan sya ni Jill para magkita dahil may importante daw na sasabihin. Akala daw nya sasagutin na sya, nagdala pa daw sya ng bouquet ng white roses. Tapos pagkaabot daw nya nung rose ibinalik lang din ni Jill at sinabi sa kanya ang bagay na ayaw nyang mangyari.

From there hanggang sa pagpunta nya dito sa bar at dun sa gulo. Kinwento nya lahat. Dapat akong malungkot dahil brokenhearted ang kaibigan ko diba? Pero bakit ang saya ko?

~Sam's POV~

"I heard hinindian mo na daw si Tin." bulong ni Zeke na ikinataas naman ng balahibo ko.

Andito ako sa library ngayon kasi vacant ko tapos eto, bigla nalang syang dumating at tumabi sakin. Hindi ako sumagot sa kanya.

"Sabi ko naman sayo okay lang sakin diba? Sa birthday ko pa naman hinihintay ang sagot mo e pero parang gusto mo na yatang ibigay sakin ang 'YES' mo kaya binusted mo na sya."

Hinarapan ko sya at babarahin ko na sana ang napakataas nyang ego pero nagsalita nanaman sya.

"Eager much?" sabay kindat

"monster!" bigla nalang lumabas sa bibig ko at tinuloy ko na ang pagbabasa ko pero hindi ako makapagfocus dahil ang lapit-lapit nya sakin, yung labi nya nadait na sa tenga ko.

"Yes, monster. Soon I'll eat your heart then your brain. You'll fall for me hard enough to the point that you can't stop thinking about me" namula naman ako sa sinabi nya. Dahil ba sa galit o kilig? Nako imposible namang dahil sa kilig. Wala naman akong gusto sa kanya eh.

"No, you'll break it." matigas kong sabi, yung puso ko ang tinutukoy ko. Panigurado.

"Let me have your heart and I'll show you that you won't regret giving it to me." sinabi nya yun at akmang hahalikan ako pero tinakpan ko yung bibig nya.

"Not so quick playboy." I teased

"ow" nakangiting respond nya "can I ask you to go out with me tonight?"

"Nope"

"Please Jill" nagpacute pa sya

"hindi tatalab sakin yan. Still no for the date."

"hindi naman date eh. Gala lang." hinawakan nanaman nya ako sa kamay, namimihasa ah

"wag mo ko hawakan, okay sunduin mo ko ng 6p.m sa CoffeeCorner." coffee corner yung name ng pinagtatrabahuhan ko

"okay. Walang bawian yan ha." paninigurado nya

"oo na" kunwari naiinis na sagot ko pero hindi naman talaga ko naiinis. Dati lagi akong naiinis sa ginagwa at sinasabi nya ngayun ewan ko ba. Feeling ko nga ang cute nya pag nangungulit eh.

"promise?" tuloy parin sya sa pangungulit

"oo na nga. Promise."

"Yon. Sige punta nako sa klase ko ah, hintayin mo ko dun mamaya sa coffee shop" sabay halik nya sa pisngi ko at tumayo na

Nakatingin naman ako sa kanya ng masama habang palabas sya, magnanakaw talaga ng halik. Bago sya lumabas ng library ay tumigil muna sya at humarap sakin.

"Promise yun ah. Nga pala date yon." sigaw nya sabay kindat at labas ng library

"ayyyyyyiieeeee" biro sakin ng mga tao sa library, malamang narinig nila yun isinigaw ba naman ni loko

"ang kyut naman" nagblush nanaman ako sa panunukso ng mga tao dito. Tuloy pa rin sila sa pagbibiro sakin pero napatigil sila ng sinamaan sila ng tingin ng librarian.

Nakakahiya talaga, si Zeke Zerinllo kasi eh.

********************
"Samuel andyan na ang boyfriend mo sa labas hinihintay ka. Sige na mag-out ka na, hayaan mo ng iba ang gumawa nyan." Manager namin yan, san ka nakakita ng manager na imbis na pagtagalin ang empleyado nya e pinapaalis na. Ngayun lang yan. Hindi naman yan talaga ganyan eh. Baka kung anong nakain.

"Sige po sir, salamat po." Nagpaalam na ko sa kanya at nagwave ng goodbye sa mga katrabaho ko.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse ni Zeke, wow gentleman? Pumunta na din sya sa driver's seat at bago pa sya makapagcomment tungkol sa suot ko ay inunahan ko na sya.

"Hindi ako magpapalit, dito ako komportable."

"Whatever you say babes" with matching shinning shimmering smile.

"San tayo punta?"

"Kain muna tayo sa french restaurant around the corner then magdecide from there."

"Okay" maikli kong sagot

Pagdating namin sa 'manger pieuse', name ng french restaurant na pinuntahan namin. Dalwang word yan na hindi ko tinry na ipronounce.

"We have a reservation under the name Andrew Mendez" Sambit ni Zeke bago pa man makapagsalita ang waitress

"This way sir" sinundan naman namin yung waitress at dinala nya kami sa 2nd floor sa may tabi ng bintana. Ang ganda ng view grabe, considering na mataas talaga tong location ng restaurant tapos nasa 2nd floor pa kami.

"Ang ganda" hindi ko napigilang sabihin, dahil narin sa pagka-amaze ko

"Oo, ang ganda mo nga" napatingin naman ako sa kanya at nakita ko syang nakatitig sakin

"Ha?"

Bigla syang tumingin sa labas ng mapansin nyang nakatingin na ako sa kanya "sabi ko ang ganda nga ng view"

"Tama ka dyan" nakangiting pagsang-ayon ko

"Sobra" matamis nyang sabi habang nakatulala nanaman sakin, napansin ko naman sya kaya tumingin ako sa likuran para tignan kung may tinititigan sya don, pero wala namang tao. iilan nga lang kami na customer na nandito sa 2nd floor e.

Baka hindi talaga sya nakatingin sakin, namamalikmata lang siguro ako.

"Bakit nga pala Andrew Mendez ang ginamit mong reservation name?" Nagtatakang tanong ko

"Cause I'm Zeke Andrew Mendez Zerinllo."

Nagkatinginan kami sa mata at wala sino man samin ang nagsasalita at wala ding nagaalis ng tingin. Yung mga lamang loob ko nagru-rumble na sa kilig. Kilig? did I just said that?

"Excuse me sir, ma'am." at sinerve na nga ng waitress ang mga pagkain, epal naman. Habang nagseserve sya ay titig na titig naman sa kanya si Zeke. Sinipa ko nga sa ilalim ng table.

"Aray!"

"Bakit may langgam ba?" inis na tanong ko

"Langgam? ah Ou, selosang langgam. Thanks." sabay kindat nya sa waitress, namula naman ng sobra yung babae at umalis na din. Sino ba kasama nya dito ha?

Nakamangot lang ako ng sobra at hinawakan nya naman ang kamay ko "Wag ka ng magselos. Kahit sino mang babae ang titigan ko, sayo pa rin ang puso ko." malambing nyang sabi pero inismiran ko pa rin sya.

"Alam mo Zeke kung serious ka talaga at gusto mo talaga ako, sa tingin ko pede kitang bigyan ng chance" seryoso kong sabi sa kanya

"Ibig sabihin hindi ka na napipilitan?"

"Hindi. Pero hindi mo pede saking gawin yung katulad sa iba. Ayoko ng may iba ka, hindi dahil sa selosa ako kundi dahil ayoko ng lokohan na relasyon."

"Promise Jill." Parehas naman kaming napangiti

"So tayo na?" pagdurog nya sa katahimikan

"Asa ka. Tara kain na tayo." Napapangiting sabi ko.

"tsk."

**********

"San na tayo ngayon, hindi naman natin pinagusapan sa restaurant kung san tayo pupunta eh." nasa camaro na ulit nya kami. Sabi nya nakaisip na daw sya kung san kami pupunta. May surprise siguro dya dakin, naeexcite naman tuloy ako.

"Wala akong surprise." nabasa nya yata yung iniisip ko, napamangot naman ako.

"Hindi kita dadalin sa puno na nasa may gilid ng cliff tapos sasabihin ko na secret place ko yun at ikaw palang ang dinadala ko don, hindi tayo pupunta sa tabing dagat at hihiga sa buhangin para magstar gazing, at lalong hindi tayo susuot sa gubat para makapunta lang sa isang magandang lawa na may falls. Masyadong cliche." dagdag pa nya

"Wow lang ha, what a way to impress a girl." hindi yun tanong kundi pahayag, ang sweet naman kasi e diba *insert sarcasm here*

"Tsk. Smile, hindi ko alam kung magugustuhan mo sa pupuntahan natin pero madalas ako don." please lang, sana wag sa bar. Dun ko kasi alam na madalas sya napunta eh.

Makalipas ang 30mins "Andito na tayo." Tumingin ako sa labas ng sasakyan at nasa tapat kami ng isang napaka gandang condominium. Nagpark na sya. Napalunok ako ng malalim, wag mo sabihing....

"Tara na." at lumabas na nga sya ng sasakyan

"Bakit tayo nandito?" ano bang gagawin namin dito, akala ba nya papayag nalang ako basta sa iniisip nya.

"Diba sabi ko sayo may pupuntahan tayo?" taas kilay na sabi nya, halatang nabubugnot na din sya kasi hindi pa din ako nalabas ng sasakyan.

"E bat dito mo ko dinala? anong binabalak mo ha?"

Binuksan nya ang pinto sa side ko at hinila ako palabas ng sasakyan "Kung ano man yang iniisip mo, nagkakamali ka." biglang pitik sa noo ko.

Hinila na nya ko papasok ng elevator, mula sa parking lot ay pinindot nya yung 13th floor. "Bakit ba kasi dito mo ko dinala?"

*TING*

Hinila nya ko papunta sa tapat ng isang room doon, 4 lang ang kwarto dito sa floor na to. Pinindot nya ang passcode para mabuksan ang pinto atsaka kami pumasok. Malamang, alangan namang pumasok kami ng hindi pa bukas yung pinto diba?

Andami nyang pinindot na switch at nagliwanag yung buong kwarto. Studio type yung room. May kama, table, etc. At may mga musical instrument din dito, drum set, bass guitar, piano, etc.

"Dito ako madalas natambay, syempre maliban sa bar." napapailing nyang sabi "upo ka"

Umupo naman nga ako sa may gilid ng kama, wala naman kasi syang upuan dito maliban dun sa upuan na ginagamit pag natugtog ng instruments.

"Hmm.. bat mo ko dinala dito?" nagrataka kong tanong pero di na ako kinakabahan ngayun.

"Hindi ko kasi alam kung san kita pedeng dalhin na place e, first time ko kasing...alam mo na." makipagdate?

"Ah... naggi-gitara ka rin ba?" wala na ko maisip itanong e, alam ko kasi drummer talaga sya.

"Oo pati piano"

'meron ba syang hindi alam tugtugin?' tanong ko sa sarili ko.

"Ikaw, anong instrument ang alam mong gamitin?"

"Wala." plain na sabi ko

"Tara dito" at tinapik nya yung space sa tabi nya, lumapit naman nga ako. Nasa harap kami ng piano ngayon.

"Tuturuan kita magpiano." tumayo sya at pumwesto sa likuran ko at hinawakan ang magkabilang kamay ko, bale parang nakayakap sya sakin ngayon.

***********

"Ayoko na, ang hirap talaga!" naiinis na sabi ko, pano ba naman ang hirap pagsabayin nung dalwang kamay habang magkaiba ang pinipindot.

"Lambutan mo kasi yang mga daliri mo" sigaw nya, halos dalwang oras na yata nya ko tinuturuan pero wala parin ako natututunan

"Alis nga dyan, panoorin mo ng maigi ha." at tumugtog na nga sya "Ganon!"

"E bat mo ko sinisigawan?! Anong magagawa ko kung hindi ko magets." maiyak-iyak na sabi ko

"Simpleng-simple lang hindi mo pa magawa. Si Louise nga kahit hindi nakatingin kayang-kaya tumugtog ng mahirap na chords e." nabigla naman kaming pareho sa sinabi nya "Ibig kong sabihin...."

"Aalis na ko." Kinuha ko na ang bag ko na nakalapag sa kama nya at lumakad na papuntang pinto pero pinigilan nya ko bago pa ko makalabas

"I didn't mean to say that. Sorry." nakatungo lang sya, pilit kong inaalis ang pagkakahawak nya pero ang higpit talaga.

"Please....stay?" this time tumingin na sya sa mara ko

"Sure, in ine condition."

"What condition?" nakahawak padin sya sa wrist ko

"Sing for me while playing the guitar."

-----------------------
Long chapter, pangbawi dun sa huli. Heheheh. Guys wag kalimutang magvote.

I'm inlove with my characters.

Super hot afternoon to all of you!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

20.4K 903 64
Kambal, magkapatid na dikit at hindi napaghihiwalay. Magkasundong magkasundo sa ano mang bagay at nagmamahalan ng tunay. Pero paano kung may isang ka...
406K 12.1K 80
Would you still love a boy who's everyone telling you to be careful of? He's a demon--- they say.
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
19K 1.1K 67
Kilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang...