Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻�...

xvii_xxiv tarafından

71.6K 3.1K 418

A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her. Daha Fazla

Prologue
Introduction of Main Characters
Synopsis
Chapter 1: Again
Chapter 2: Marriage Certificate
Chapter 3: First Disaster
Chapter 5: New Target
Chapter 6: Stress
Chapter 7: Bago yun
Chapter 8: Knowing you
Chapter 9: Fiance
Chapter 10: Date
Chapter 11: The Post
Chapter 12: Ideal Girl
Chapter 13: Campus Princess
Chapter 14: Campus Sweetheart
Chapter 15: Ice Queen
Chapter 16: The bet
Chapter 17: Positive

Chapter 4: Four Deity

3.5K 171 10
xvii_xxiv tarafından

Tala Amara's POV

Natapos ung klase ko ng morning ng hindi mapakali kase sa lahat ng pinasukan kong subject sa morning na to, nandun ung apat. Hindi naman ako aware na iisa lang ung sched namin.

"Tala" napapikit ako ko nung marinig kong tawagin ako ni Rhya.

Hindi pwede, hangga't maari lalayo ako kay Manyak feel ko kase gagantihan niya ako katapos ko siyang sampalin eh.

"Tala, teka lang" tawag ulet ni Rhya saken.

Nag patuloy lang ako sa pag lalakad kunyare hindi ko siya naririnig hanggang maramdan akong kamay na humawak sa balikat ko kaya napatingin nako sakaniya.

"Rhya" kunwaring nagulat pako na nakita ko siya.

"How come you didn't tell me na dito ka nag aaral?" Tanong niya saken.

Napatingin ako sa tatlong dyosa sa likod niya na nakatingin din saken. Tinignan kk ulet si Rhya.

"Ahh h-hindi pako nakatanggap ng email nun eh" sabi ko at napakati pa sa may batok ko.

"Scholar ka dito?" Napatingin ako kay Noelle at tumango.

"Ahh o-oo" nahihiyang sagot ko.

"How come you two know her?" Tanong ni Manyak.

"Oo nga Noelle, bakit kilala mo siya?" Tanong ni Rhya sakaniya.

"Remember the day I told you guys na may nahuli akong mag nanakaw?" Nakukunig lang si Yelo habang ung dalawa tumango "Nag kataon na siya ung ninakawan" biglang natawa si Manyak.

"Mahirap kana nananakawan kapa?" Natatawang tanong niya.

"Maeve" may bantang tawag sakaniya ni Noelle kaya nanahimik siya pero nag pipigil parin siya ng tawa.

"Cheap" bulong ni Yelo.

"Kalli" gaya ng tawag niya kay Manyak may banta din.

"Sabay ka samin mag lunch" napatingin ako kay Rhya.

Nakuha ng atensyon ko ung mga nasa paligid namin na nag bubulungan. Parang pinag uusapan nila ako.

"Ahhh h-hindi na" sabi ko at ngumiti ng tipid.

"Uyy friend, nandyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap" takang napatingin ako sa isang babae tapos may sinesenyas siya pero hindi ko maintindihan kaya hinila nalang niya ako.

Napatingin ako sa apat, si Rhya parang batang nanakawan ng kendi habang si Noelle naman nakangiti lang saken tapos ung isa nakangisi tas ung isa walang emosyon ung mukha blanko lang.

Nag pahila nalang ako dito sa babaeng hindi ko kilala, alam ko siya ung katabi ko kanina eh.

Nakapunta kami sa cafeteria at pinaupo niya ako tyaka siya umupo sa harap ko.

Ngayon ko lang napansin na ang gaganda pala ng mga student dito lalo na all-girls school to. Actually hindi naman talaga, dati namang may boys dito pero pinaalis katapos mangyare nung rape incident sa loob ng school kaya ung mga lalaki inalis dito bali nasa kabilang school sila.

Morena siya at talagang bagay niya pagiging morena niya. Naka messy bun hair siya at talagang bahay niya din kung ako siguro mag gaganyang ayos iisipin nila nadedepress nako eh. Light brown ung kulay ng mata niya then sexy din siya. Mukha siyang maarte pero parang opposite naman.

"Do I know you?" Tanong ko sakaniya.

"Ow, sorry.. I'm Willa." pakilala niya at nilahad niya ung kamay niya, tinaggap ko naman un at ngumiti.

"Tala." ngumiti din siya.

"Yeah, I know. " Napakunot ung noo ko sa sinabi niya.

"Paano?" Takang tanong ko.

"Part ako ng student council at kilala ko yung mga transferee and scholars." sabi niya pa.

May pinindot siya sa may tabi ng table namin parang mini tablet.

"What do you want for lunch? My treat." nakangiting sabi niya.

"May bayad pala yung lunch ko." sabi ko kaya tinignan niya ako.

"Oh yeah right full scholarship yung inoffer sayo.. Okay." nakangiti niya nanamang sabi.

Parang si Noelle ang isang to palangiti "So what do you want?" Tanong niya.

"Kahit ano nalang." sabi ko at tumango tango naman siya.

"Okay.. Let's just wait for the orders." sabi niya halukipkip siya ng kamay sa taas ng mesa.

"Pwedeng mag tanong?"

"Yeah, go."

"Bakit mo 'ko hinila?" Tanong ko.

"Oh about that.. Don't mess with the Deities." napakunot noo ko.

"Ha?"

"Sila kase yung binansagang Four Deity sa school na 'to" sabi niya "Don't try'na fight back because they will make your life here in Oxford, miserable." seryosong sabi niya.

"Sino ba sila?" Tanong ko.

"Anak sila ng may-ari ng school na 'to kaya kahit anong gawin mo, kahit na isumbong mo sila sa Dean's Office. Walang mangyayare." sabi niya.

Hindi na ako magugulat ko sobrang yaman ng apat na un, mukha banamang expensive eh.

"Yung dalawa lang naman sakanila yung matino." Sabi ko. "Okay naman siguro kung yung dalawa yung lapitan ko no?"  Tanong ko pa at umiling siya.

"Laging mag kakasama mga yan, bihira lang silang nag kakahiwalay." Sabi niya. May sasabihin pa sana siya pero hindi na natuloy nung mag tilian yung mga tao sa paligid namin.

Pinag kakaguluhan nila yung apat na kakapasok lang sa entrance ng cafeteria.

"Grand entrance." bulong ni Willa. Dumating na yung order namin at ako na din yung nag thank you doon sa nag hatid.

Kala ko kami pa o-order doon, yaman talaga ng school. Sineserve pa yung pagkain hay.

"That's the Ideal Girl." Tinignan ko yung babaeng tumabi saken "She's the campus girl crush and Ideal Girlfriend." Sinong tinutukoy nito? "The one and only Ida Noelle Willson" sabi niya at para pa siyang hihimatayin sa kilig.

Maganda din siya pero mukha siyang nerd, naka tirintas yung buhok niya parang yung buhok ni elsa. Naka nerdy glasses din siya tapos naka jacket na dark green. Mistisa naman ang isang to at maganda din naman. Ako lang nga talaga ang naligaw.

"The Campus Sweetheart ang gustong maging kapatid ng lahat." sabi naman ni Willa habang nakatingin sa apat na papasok na ng Cafeteria. "Rhya Rue Masuda."

"And the chick magnet. The Campus Princess" sino sa dalawa? "Yung Bitch na habulin ng lahat kahit sobrang play girl niya." ayy parang kilala ko na. "Maeve Nova Bellamino."

"Hey don't forget our Ice Queen." Nag apir pa ang dalawa. "The coldest and heartless queen." ahh si Yelo.

"She's mean and rude, iba din tabas ng dila niya. A heartbreaker indeed." sabi ng babaeng tumabi saken na hanggang ngayon hindi ko alam ang panaglan.

"Kallista Leigh Evans." sabay nilang sabi at natawa ng mahina.

Weird.

Sinundan ko ng tingin yung apat na umupo sa katapat naming table kaya nag taka naman ako.

"Tala!" Masiglang tawag saken ni Rhya tapos kumakaway kaway pa nginitian ko lang siya.

Kapansin pansin naman yung tingin ng dalawang kasama ko pati na din yung bulungan ng iba.

"Kilala mo na sila?" Tanong nung babaeng kabuhok ni Elsa.

"Ahhh nag kataon lang na nakita ko sila sa kung saan ako nag tatrabaho." sabi ko naman.

"Oh by the way, She's Paige." pakilala ni Willa sa kasama namin ngayon.

"Tala." nakangiting sabi ko naman at nilahad yung kamay ko, tinanggap niya naman 'yon.

"Hello, nice to meet you Scholar." masiglang sabi niya.

"I don't want to startle you pero pinsan niya yung isa sa mga Deities." napakunot ung noo ko sa sinabi ni Willa.

"Si Rhya no?" Tanong ko, nag katinginan naman sila tapos natawa kaya nag taka ako.

"No." sabi ni Paige.

"I'm Paige Evans, by the way." Evans? Nanlaki yung mata ko nung marealize ko yung sinabi niya.

"Si Yelo yung pinsan mo?!" Gulat kong tanong.

"Yelo?" Natatawang patanong ni Willa.

"Ang lamig niya eh tapos nakakainis pa." sabi ko.

"Well ganyan talaga yan." sabi naman ni Paige.

Naputol yung pag uusap namin nung lumapit si Rhya sa pwesto namin.

"Tala." nakangiting sabi niya "Can I join?" Tanong niya.

Tinignan ko yung dalawa na halos malaglag yung panga at tumatango na nakatingin kay Rhya.

"Thankyou!" Sabi niya at tumabi siya saken.

Nilapag niya ung tray niya at nakangiting tumingin saken. Ang cute talaga ng isang to.

"Here pala" binigay niya saken ung isang yakult niya. "For you" sabi niya at ngumiti.

Napangiti tuloy ako, naalala ko si Tarah. "Thankyou" nakangiting sabi ko.

"Hindi ba magagalit ung tatlo mong kasama?" Tanong ko nung mapansin kong nakatingin sila samin.

"Nope, sanay na sila saken" sabi niya. At kumain na, ung dalawang medyo shock pa nakatingin paren kay Rhya.

Sinipa ko ng mahina si Willa at Paige sa paa nila medyo nagulat pa sila kaya natawa ako.

"Kumain na kayo" sabi ko at nataranta naman sila at kumain na.

Habang kumakain kami tahimik lang ung dalawa tapos si Rhya naman ang daldal.

"Tala, here oh" binigay niya ung ampalaya sa plato ko.

"Hindi mo kinakain to?" Tanong ko sakaniya at umiling naman siya.

"Bakit mo pa inorder?" Tanong ko.

"I only want the shrimps eh" napailing ako. "There's no fried shrimps on the menu and only this" sabi niya pa "Isususmbong ko talaga sila kay Dad" natawa ako sa pagiging childish niya.

"Ang cute mo talaga no" sabi ko kaya napatingin siya saken. Para siyang namula sa sinabi ko kaya nakangiting napailing ako.

Nung natapos kaming kumain panay lang kaming kwentuhan ni Rhya tapos ung dalawa nakatingin lang samin.

"Tala, where do you live pala?" Biglang tanong niya.

"Sa Brgy. Malaya" sabi ko sakaniya.

"I thought you live in a subdivision" sabi niya pa kaya natawa ako.

"Hindi ah, hindi naman kami mayaman" sabi ko sakaniya.

"Sorry" nahihiyang sabi niya tapos napakamot pa siya sa likod ng ulo niya.

"Don't be" sabi ko naman at ngumiti.

Maya maya lumapit samin ung tatlo at saken talaga sila nakatingin.

"Rhya let's go" malamig na sabi ni Yelo.

"I wanna walk with her to our next class eh" pag papacute ni Rhya. Napairapa naman si Manyak sakaniya.

Actually hanggang last subject kaklase ko si Rhya pati na din ata tong tatlong to. Yung iba kase naming kaklase hindi namin kaklase sa ibang subject.

"Don't waste your time with that trash" napaawang ung bibig ko sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?!" Inis kong sabi.

"Trash" ngising sabi niya.

Susugurin ko sana siya pero pinigilan ako ni Willa at Paige. "Don't" bulong ni Willa saken.

Pinakalma ko ung sarili ko at inirapan sila.

"She's not trash kaya" pagtatanggol ni Rhya.

"Oh come on Rhya, she's just beautiful but she's poor" napakunot ung noo ko sa sinabi ni Manyak.

"At least maganda" sabi ko sakaniya.

"Gross" malamig na sabi ni Yelo.

"Pakealam niyo ba kung mahirap ako?" Sabi ko at tinaasan sila ng kilay. Ngumisi lang si Manyak tapos si Yelo naman parang bored lang siyang nakatingin saken.

"You don't belong here" sabi ni Manyak

Kung si Manyak magagalit saken maiintindihan ko pa eh pero itong si Yelo? Ano bang ginawa ko sa babaeng yan nung isang araw pa siya.

"Pero nandito ako" sabi ko sakanila.

"Idiot"

"Anong sabi mo Yelo?" Kunot noong tanong ko pero mas kumunot ung noo niya.

"What did you j—"

"Both of you" mag sasalita pa sana si Manyak pero pinigilan sila ni Noelle. "Stop, para kayong mga elementary" sabi niya sa dalawa at tumingin saken "I'm sorry about—"

"Bakit ka nag sosorry dyan? Haven't I told you before? She's the one who slapped me!" May inis na sabi ni Manyak sabay tingin saken. "siya dapat mag sorry saken for slapping my beautiful face!"

"She won't slap you for no reason Maeve" sabi ni Noelle at tumingin saken ulet "I'm sorry Tala" sabi niya at ngumiti, nginitian ko din siya.

"Okay lang" sabi ko at inirapan si Manyak.

"Tch. Cheap" sinamaan ko ng tingin si Yelo pero napaawang lang bibig ko nung irapan niya ako.

Siraulong to. "No, She have to fucking pay!" Sigaw ni Manyak.

Ayy talaga ba? Dinibdib niya pala un.

"Hindi mo lang matanggap na nasampal ka" pigil tawang sabi ni Noelle. "Did she ruin your image just by slapping the shit out of you?" Tanong ni Noelle sakaniya.

"Aghrr! Whatever, Noelle. Superhero ka nanaman" inis niyang sabi tapos tumingin saken "You'll pay" she mouthed tas inirapan ako.

Umalis na siya at sumunod naman si Yelo sakaniya katapos akong ngisian.

"Tala" napatingin ako kay Rhya "Hatid kita mamaya ha?" Napangiti ako.

"Wag na—"

"Sige na" tumingin siya kay Noelle "Ate Noelle, hatid natin siya please" napangiti ako sa tinawag niya kay Noelle.

Ang cute niya talaga. "Pumayag ka na, hindi ka titigilan nito" sabi niya.

Napakamot nalang ako sa gilid ng kilay ko at napatango nalang.

"Sige na nga" nag liwanag ung mukha ni Rhya.

"Yey!" Pumalakpak pa ang gaga.

Sabay na kaming lima pumasok humiwalay lang samin si Paige tyaka si Willa. Sadyang kasama ko lang sa lahat ng subject ung apat.

Nakakainis naman parang gusto kong lumipat ng school.

Pag pasok namin sa room agad na nakita ng mga mata ko ung dalawang nasa likod na ngising ngisi. Napunta naman ung atensyon ko sa buong klase nung nag pipigil sila ng tawa tapos ung iba naman nag bubulungan tas ung iba may pinipicturan sa harap kaya napatingin ako sa board.

'TALA THE TRASH'

"Let's all welcome Tala the Trash!" Sigaw ni Manyak.

"Wow ahh nag effort kapa talaga, diko naman alam na ganyan ka pala kaeffort.. Sweet mo naman" sabi ko at nginitian siya ng pag katamis tamis na lalong kinainis niya kaya napangisi ako.

Ung iba naman natawa sa sinabi ko pero pinipigilan nila.

"Stop laughing!" Sigaw niya "What's funny ha?!" May gigil niyang tanong kaya napatigil ung iba.

Sinamaan niya ako ng tingin pero nag kibit balikat lang ako.

"I'll wait for you later ha?" Sabi ni Rhya na kinatango ko naman at ngumiti. Nag paalam na sila saken para puntahan ung dalawa nilang kaibigan na hanggang ngayon hindi ko alam paano nilang naging kaibigan ung dalawang un.

Nag simula na ung afternoon class namin at dahil first day palang puro introduce kineme lang naganap tyaka konting discussion about sa mga lesson na tatalakayin namin sa buong semester.

"Class Dismissed" pag kasabi nun agad ding lumabas ung prof namin sa huling subject. Niligpit ko na ung mga gamit ko ng makauwi na ako.

"Aray!" Inis kong sabi habang nakahawak sa ilong kong tinamaan ng papel na binato nila saken.

Pinulot ko un at tinignan. "Tala The Trash, I'll make your life miserable" napataas kilay ko sa nabasa ko.

Hinanap ko yung nag bato at di naman ako nahirapan mag hanap kase masama na ung tingin niya saken.

"Miserable na nga buhay ko nung nakita't nakilala kita eh.. May mas lalala paba don?" Tanong ko sakaniya. Susugod sana siya pero pinigilan na siya Yelo kaya wala siyang nagawa kundi irapan ako.

Tuwang tuwa naman ako nung mapikon siya.

"Tala" napatingin ako kay Rhya.

"Oh?"

"Uwi na tayo" sabi niya.

"May trabaho pako eh" sabi ko sakaniya, dun ako sa coffee shop ngayong gabi.

"Oo nga pala, hatid ka namin ni Ate Noelle" maligalig na sabi niya "Diba Ate?" Tanong niya kay Noelle na nasa likod niya lang.

"Sure" nakangiting sabi naman niya.

Tinotoo nga nila na ihahatid nila ako, hinatid nila ako sa work ko yung pang gabi. Yun nalang din kase yung pwede kong pasukan. Dapat sa coffee shop pero nag text yung isa sa mga katrabaho ko sabi sa bukas nalang daw ako pumasok kaya kay Tito muna ako hehe.

"Hey Tala" tawag sakin ni Noelle pag kababa namin sa kotse niya.

"Hmmm?"

"About earlier, pag pasensyahan mo na yung dalawa" ang swerte nung dalawang mokong na yun kay Noelle.

"Nah, wala yun" sabi ko at ngumiti.

"Tala, I'm hungry" napatingin ako Kay Rhya.

She's being cute nanaman. Naka pout pa siya at parang batang nag sasabi sa mommy niya na nagugutom siya.

"Anong gusto mo?" Tanong ko.

"That one" turo niya dun sa barbeque na niluluto ni tito.

Ako na sana mag oorder pero nag insist si Noelle na siya nalang daw tutal kasama niya naman si Rhya. Hindi na ako nakipag talo kase una palang talo na agad ako, paano kaya nag bayad na siya bago pa mag order. Si tito tuwang tuwa kase 10k yung binigay ni Noelle and keep the change pa.

"Sige na, kaya ko na to. Samahan mo na yung mga yun kumain" sabi ni Tito nung susuotin ko na yung apron.

"Sure ka talaga tito?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Sige po"

Lumapit na ako sa dalawa at agad namang umusog si Rhya at tinap yung sa tabi niya.

"Sit here, Tala" napangiti ako sakaniya. Ang cute niya talaga.

Nung dumating na yung order nila agad na din silang kumain. Pinakain na din nila ako, well actually pinag bantaan. Hindi daw sila aalis dito hangga't hindi ako kumakain at isusumbong nila ako kay Tito. Hindi naman ako natatakot eh pero nag pacute tong si Rhya kaya kumain nalang ako, gutom na din ako.

Kailangan ko pang mag uwi ng pagkain para sa mga kasama ko sa bahay.

Habang kumakain puro lang kami kwentuhan at tawanan. Ang saya pala nilang kasama. Bilib din ako sakanila kase kahit mayaman sila, kumakain parin talaga sila ng barbecue take note si Rhya nag kakamay. Si Noelle naman wala ding kaarte arte eh pero yung dalawa nilang kaibigan mukhang maarte.

"Ang layo ng personality niyo dun sa dalawa, paano kayong naging mag kakaibigan?" Takang tanong ko.

"Do you believe in opposite attraction?" Tanong ni Noelle.

"Medyo" sabi ko. Hindi pa kase ako nag kagusto sa hindi ko ka-vibe eh.

"Well that's the thing between us four. We don't need to like the same thing para lang mag kasundo kaming apat" she said.

"Ang cool pala, matagal na ba kayong mag kakaibigan?" Tanong ko.

"Yeah, since grade school" pero parang impusible naman ata na hindi sila nag kakasundo sa kahit isang bagay lang?

"Sa online games and arcades lang kami nag kakasundo" biglang sabat ni Rhya.

"Yeah actually, before we became friends we used to challenge one another" sabi niya.

"Masyado silang competitive, every game sa arcade nilaro nila even sa online games." Ang cute ng batang to. Kahit kumakain siya na parang may sariling mundo nakikinig din pala siya samin.

"Sinong laging panalo?" Tanong ko.

"Si Kalli and yung loser si Maeve" natawa ako ng mahina.

Ang yabang yabang tapos talunan naman lagi.

"But she's really good ang kaso lang mas magaling si Kalli. Rhya and I were always on the middle" napatango ako sa sinabi ni Noelle.

Ang angas lang ng friendship nila kase iba iba sila ng gusto pero mag kakaibigan sila. Sa isnag bagay lang sila nag kakasundo pero mukhang ang solid ng samahan nila.

"Nag sheshare ba kayo—"

"No" sabay nilang sagot.

"We don't like sharing.. Mag a-away talaga kami" sabi ni Noelle.

Akala ko talaga nung unang kita ko dito hindi siya marunong mag tagalog, may accent kase siya eh.

"Once we know na gusto ng isa yung isang bagay we will stop liking that thing and find another one" sabi ni Rhya.

"Ayaw niyo talagang nag sheshare no?" Sabi ko.

"Nope, one time may isang bagong labas na toy and it's the rarest one. Nakakuha nun si Kalli, we want it so badly and we even fight over it hanggang sa narealize namin na it's nonsense and we tried to share it pero hindi din nag work kaya nung araw na yun we decided to not share or fight over something" kwento ni Noelle.

"So, pag gusto ng isa dapat meron din yung iba?" Tanong ko.

"Yup, we'll make a duplicate or find something else" napatango ako.

"Minsan iba iba din kase yung gusto namin kaya madalang lang yung nag aaway kami sa isang bagay" napatango ako sa sinabi ni Rhya.

Nag tuloy tuloy lang kwentuhan namin hanggang sa gumabi na kaya naisipan na nilang umuwi. Gusto pa nga nila akong ihatid sa bahay pero hindi ako pumayag.

"Mag iingat kayo" nakangiti kong sabi sakanila.

"You sure you don't want to—"

"Oo na alis na" tinulak ko na sila papaalis. Ang kukulit pa eh. "Byee!" Kumaway ako sakanila at nag lakad na pauwi ng bahay.

Walking distance nalang naman eh kaya ayaw ko ng mag pahatid.

Ang saya nilang kasama pero yung dalawa? Hindi ko nalang alam.

Dito na ata mag sisimula ang delubyo ng buhay ko.

________________

A/N: Di ako makakapag UD sa 25 and 30 hehe, prelims kasi huhu. So ayon baka sa 5 na next UD ko ahh? Please bare with me. Anyways takecare y'all!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.6M 102K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
674K 3.8K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
139K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...
99.8K 4.8K 31
"I am a vampire." Mula sa papel na hawak ko ay nilipat ko ang tingin ko sa babaeng naka puti at nakaposas ang isang kamay sa kama nya. Sa sobrang put...