𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | �...

Par Keitesbrute_

15.6K 1.1K 50

UNDER REVISION [ᴄʜᴀꜱᴇ ᴍᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2] There was an almost perfect friendship between Maria Alexis Penelope and... Plus

ᴅ ɪ ꜱ ᴄ ʟ ᴀ ɪ ᴍ ᴇ ʀ
PROLOGUE
𝑪𝑯𝑨𝑹𝑨𝑪𝑻𝑬𝑹𝑺
FOOLISH HEART 01
FOOLISH HEART 02
FOOLISH HEART 03
FOOLISH HEART 05
FOOLISH HEART 06
FOOLISH HEART 07
FOOLISH HEART 08
SHARE KO LUNGS
FOOLISH HEART 09
FOOLISH HEART 10
FOOLISH HEART 11
FOOLISH HEART 12
FOOLISH HEART 13
FOOLISH HEART 14
FOOLISH HEART 15
FOOLISH HEART 16
FOOLISH HEART 17
FOOLISH HEART 18
FOOLISH HEART 19
FOOLISH HEART 20
FOOLISH HEART 21
FOOLISH HEART 22
FOOLISH HEART 23
FOOLISH HEART 24
FOOLISH HEART 25
FOOLISH HEART 26
FOOLISH HEART 27
FOOLISH HEART 28
FOOLISH HEART 29
FOOLISH HEART 30
FOOLISH HEART 31
FOOLISH HEART 32
FOOLISH HEART 33
FOOLISH HEART 34
FOOLISH HEART 35
FOOLISH HEART 36
FOOLISH HEART 37
FOOLISH HEART 38
EPILOGUE
New Story Alert!

FOOLISH HEART 04

304 33 3
Par Keitesbrute_

MA. ALEXIS PENELOPE

Takbo lang ako nang takbo para hindi ako maabutan ni Astrid, liningon ko ito pisti ang bilis nya tumakbo!


Ano ba kasing klaseng paa meron siya at bakit ganiyan siya kabilis tumakbo? Ang bilis niya humabol!


Pero in reality ako ang laging humahabol sakaniya.


So mabalik tayo sa usapan…



Nakikipag competensiya kasi ito saakin.



Kapag nanalo raw siya ililibre ko raw siya. May pera naman siya, eh!



Sinundo ko lang naman siya sa kanila nachallenge niya pa ako.



Ako naman itong si tanga napapayag kaagad!



Basta kapag siya nagsabi oo ako kaagad, eh! Wala nang paligoy-ligoy pa!


Hinihingal na ako pero lumalaban parin ako, ayaw kong maunahan ako nito sa classroom!



Mabilis parin talaga siya tumakbo, walang pinag bago!




Malalaki ang hakbang ko paakyat sa hagdan, nasa third floor kase ang room naming mga 12 STEM.



May elevator naman pero sa dakilang tanga kaming dalawa, ito kami’t tinataya ang buhay sa mataas na hagdan.




Bilis! Bilisan mo pa tumakbo malapit ka na, Alexis!



Labrador, takbo, sige, takbo sa tabi ng karagatan
Habang tumatalsik ang tubi--



potek, nakuha ko pang kantahin sa isip ko ang Labrador Retriever ng MNL48.




Bilisan mo tumakboooo!



Pagchicheer ko sa aking sarili, natatanaw ko na ang classroom namin, liningon kong muli si Astrid. Tangina malapit na naman siya pumantay saakin!



Nakaka pikon pa ang itsura niya, naka ngisi pa ito saakin na animo'y hindi nakaka pagod itong naisip niyang kalokohan!



Ayaw kong matalo kaya mas lalo kong linakihan ang hakbang ko nang...



Nang biglang bumagsak ako sa sahig, shit ang sakit ng pwet at ulo ko!



"Arayyy!" Naiiyak na sigaw ng bata?



Nag angat naman ako ng tingin, habang hawak ang aking noo. Ang lakas kase ng pagkakauntog ko sa nakabangga ko.



Kulang nalang at umikot na ang aking paligid sahil sa lakas  ng impact.



Pagkaangat ko ng tingin ay sumalubong sa paningin ko si Keizel na nakaupo sa sahig habang sapo-sapo ang kanyang noo.



Kaya pala nahihilo ako, sa ulo ako ni Keizel nauntog. Matigas kasi ang ulo ng batang ito.



"Nauna ako!" Masiglang sigaw ni Astrid, hinihingal pa ito at pawisan.




Ang duga naman nito, siguro kinausap nya si Keizel na banggain ako para sya ang mauna. Hmm




Knowing Keizel mahilig sa hamburger.




Iyon kasi ang napiling prize ni Astrid.



Suspicious ha. Baka nga pinagusapan nila ito.



"Ang tanga-tanga mo!" Singhal ni Keizel saakin at tumayo na.



A--abat... Sakalin ko kaya ang batang 'to?



"Ikaw nga d'yan, alam mong may nagtatakbuhan hindi ka gumilid!" Sigaw na pabalik ko rito.



"Ako pa magaadjust ganun?!" Naiiyak na wika nito habang hinihimas nito ang noo.



Baka magsumbong to sa pinsan niyang shonget!



Pero wapakels.



Kasalanan niya naman.




"Dapat lang! Building namin ito eh, bakit ka ba nandito sa building ng G12 ha?!" Paiyakin ko kaya lalo ito, ganda pag tripan eh.



"Pake mo! Tandaan mo ang araw na ito! April 28, 2023. 9:43 AM! At tandaan mo rin na hindi na kita tuturuan mag gitara. NEVER AGAIN!" Singhal nito at nilagpasan na kami.



Sira ulo talaga siya. May pa date and time pa talaga siya!



At saka… gagi, hindi na raw ako tuturuan? Kasalanan ito ni Astrid!



Narinig kong tumatawa ang isa kaya napanguso ako.




"A-aba! Tinalikuran ako.. Astrid tinalikuran ako ng kaibigan mo! Linapagan pa ako ng date and time!" Pagsumbong ko rito




"Ang OA mo, nauna ako sa'yo kaya ikaw ang mag libre mamayang break time! Loser!" Natatawang saad nito at pumasok na sa room




Napabusangot naman ako at sumunod sakanya, napakadaya! Malas naman!




"Hamburger lang ah! Nagtitipid ako ngayon kasi may pinapakain akong anak" madramang saad ko habang nilalapag ang bag sa gilid ng upuan ko.




"Baliw ka ba?" Nakataas na kilay na sambit nya.




"Uy mamaya pala may General Meeting daw sa Gymnasium kasama ang College Students, bawal ang hindi pumasok doon kasi may attendance. Wala naman sana akong pake kaso gagi si President Zyreign ang mag ch-check" mahabang lintaya nya.




"Huh? Para saan na namang meeting yun? Jusko palaging meeting" reklamo ko.




"Tungkol daw sa Tree Planting dun sa likod ng library. Mabuti nga at naisipan nila eh, at alam mo? Bawat estudyante daw dapat magtanim ng isang puno" andaming puno naman yun??




Eh halos ilang daan kaming Senior High idagdag mo pa ang college students at Juniors




"Maraming puno yun, pero sabagay. Malawak naman anng likuran ng library, magandang gawing forest ganun tambayan, mapresko" nakangiti kong sambit, excited na tuloy ako!




"nakakatamad mag tanim eh! Wala akong alam sa mga ganyan, ako nalang siguro magdidilig" natatawag wika ni Astrid




"Edi wag ka pumunta para pagalitan ka ni Pres."




"Hmp! Basta libre mo ako mamaya-- at tsaka mamayang hapon ah? Turuan mo ako sa sayaw, kung hindi ibabalibag kita." Mandong saad nito




Kung hindi ko lang mahal 'to baka sinampal ko na to eh.



"Yes mahal. Pero hayaan mo paalam nalang ako kay Zyreign na hindi tayo makaka attend." pairap kong sagot dito.




"Bakit naman hindi tayo aattend?"




"Para mapilay kita mamaya sa gymnasium." Pabalang kong sagot.



Tumawa lang ito, sumabdal ako sa upuan at ini stretch ang aking paa. Ang sakit dahil sa pag takbo ko kanina eh, tapos matatalo lang pala. Hmp!



Napalingon naman ako kay Astrid dahil kinalabit ako nito.




"Yes mahal ko?" Malambing kong tanong.



"Nagtataka parin talaga ako, bakit ka nag STEM? Eh bobo ka naman sa Math" wow grabe sya.



Grabe ang discrimination ng taong ito.



Itong tao na ‘to!



"Maka bobo ka naman d'yan! Perfect ko nga lahat ng mga ano sa Math eh" mayabang na saad ko.



"Perfect zero" nakangiwing saad nito




"Duh! At least may nabanggit na PERFECT"




"shesh corny mo, corny ka na nga talunan ka pa" pang aasar nito saakin.



"Hindi ka nga marunong mag divide ng fraction, eh." Wika ko habang hinihilot ang aking paa.



"Hoy-"



Hindi ko ito pinatapos at nagsalita akong muli.



"Hindi ka siguro naturuan mag divide ng fraction kasi hindi ka marunong mag reciprocate ng feelings."  Sinadya kong hinaan ang dulo na sinabi ko.


Thankfully hindi niya narinig.



"Reciprocal iyon." Irap nito at sumandal sa kaniyang upuan.



"Siya rin iyon!"


"Hindi kaya, magkaib-"



"Kapag hindi ka nanahimik jan sasaksakin kita, makikita mo talaga" galit-galitang wika ko, tumawa lang ito saakin.




"Whatever!" Saad nito inirapan ako.





"Sige ipagpatuloy mo lang, hindi kita ililibre bahala ka d'yan." Pananakot ko rito




"Namaaaan! Alam mo naman na labs kita ang kyut mo pag nagagalit ka, halika ka iha-hug kita wag ka nang magtatampo" pagkanta nito at yumakap pa sa braso ko amp.




Itigil mo yan Astrid baka masipa kita sa kilig, enebe!



Lah, si ante kinikilig kaagad sa ganiyan?



"sus kilig pwet ni Alexis!" Sigaw nya at tumayo bago gumiling-giling na parang uod na sinabuyanbng asin.




Minsan talaga kapag tinamaan to ng katarantadohan, hindi mo na mapipigil pa.




"Hoy magtigil ka nga!" Natatawa kong pigil sakanya. "Nakaka--"




"Good Morning Class" Hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Ms. Guanzon.




"Good Morning po, Miss G!" Sabay-sabay naming wika.




"I'm sure, that you guys are reading and studying your notes right?" Panigurado nya. No ma'am!



"Yes po, Ms." Sambit namin, maniwala tanga!




Miss Guanzon is our Basic Calculus Teacher. Basic daw pero nakakamatay.


Basic mamatay.



"Okay, That's Great! So let's have recitation." Seryosong sabi nito dahilan para makarinig ako ng mahihinang reklamo




Ayan na nga ba sinasabi ko! Naman eh! Di ako nakapag basa. Iyak kana Ma. Alexis Penelope.




"Give me an example of General Differentation, anyone?" Taas kilay nyang nilibot ang pangin nya at kinuha ang Index Card.




Jusko po! Ito na naman tayo sa pa raffle ng mga katanungan.




"Looks like you're all shy huh? Okay let's Draw Lots. Para hindi na kayo mahirapang mag hands up, Stand up once you heared your Last name." Gusto ko ng tumakbo palabas! Alam ko naman ang mga General Differentation pero puñeta kahinaan ko ang Recitation!




Minsan kasi nabubulol ako, tapos ang nakakahiya pa nagpupiyok pa!




"Okay. Ms. Tuazon?"



Tumayo naman si Hannah mula sa upuan nya namumutla pa ito na tumingin kay Ms. G, Kaya mo yan beh! Hehe.



"A-ah..D-derivative of a-a Constant M-miss" utal nyang sagot.



"Very good. Sit down" nakangiting sambit nya bago nagsukatsa Index card at pumili ulit. My ghad!



"Mr. Sevilla?" Nilibot nito ang paningin at huminto ang mata nito sa lalaking halos maiyak na.



"M-miss..u-uh Power Rule M-miss?" Kinakabahan at tila hindi nya siguradong sagot.




"Very good, sitdown."



Nagpatuloy pa ang recitation at halos lahat ng sunod na natawag ay mali ang mga sagot at nakatayo sila ngayon. Swerte ko ata at naunang tawagin si Astrid kesa sa akin.



"Okay Ms. Jones, give me the remaining four General Differentation, save your classmates" yes babe save them!




"The remaining General Differentatiton are Derivativate of a Constant multiplied with Function, Sum Rule, Product Rule, and Qoutient Rule" She answered surely. Talino talaga nito eh.



"Very Good!" Napangiti ito at nagsulat sa index Card.



Natapos ang recitation ng hindi ako tinatawag kaya tuwang tuwa ako.




"Ang galing mo, mahal" bulong ko kay Astrid.



"Small thing, deserve ko ng burger" She giggled. Cute talaga nitong mahal ko, eh.




"Mas deserve mo ako, mahal." I smiled and hug her.



I'm happy because she hugged me back and caressed my hair gently.



I slowly closed my eyes.



Nakaka antok talaga kapag siya na ang humahaplos sa buhok ko.



Sana ganito nalang kami palagi.



You know what? Astrid is actually a sweet person.



Talagang kadalasan mahilig ito makipag bardagulan saakin na gusto ko rin naman.



"Mahal, Can I sleep and lean on your shoulder? " Tiningala ko ito.



Inaantok kasi talaga ako. At saka vacant na rin namin kaya matutulog muna siguro ako.



"Yah sure, mahal. I'll wake you up nalang kapag may biglaang klase." I told you, sweet siya hindi niya lang ma express minsan.




She's not expressive. Lalo noon? Hirap niyan iexpress ang nararamdaman niya.




Fortunately, ngayon nasasabi niya na saakin kung ano ba ang nararamdaman niya, kung ano ang bumabagabag sakaniya.




I'm happy dahil comfortable siya saakin.



Hindi siya nagdadalawang isip na magsabi saakin ng mga problems niya.




Nailalabas niya rin saakin iyong side niya na hindi alam ng iba.



Tingin ng iba kay Astrid ay mean girl.



Masungit kasi ito, intimating siya.




"Sleep now, mahal." Sinandal ako nito sa kaniyang braso kaya napangiti ako.



"Para may lakas kang ilibre ako mamaya." Dagdag nito kaya natawa ako ng mahina.



"Anything for you, mahal" nakangiti kong tugon at pumikit.




I Will Do Anything for You, mahal.




Yan ang katagang nasabi ko sa aking isipan.



Kahit ano pa iyan, basta para sayo gagawin ko.



Basta nagpapasaya iyon sayo, I will do anything just to make you happy.




Ganiyan kita kamahal, Astrid.



Akala mo siguro as a friend lang ang binibigay kong pagmamahal saiyo, pero nagkakamali ka.



Sobra pa sa pagkakaibigan ang binubuhos kong love ngayon saiyo.



Kung may lakas lang akong umamin, gagawin ko talaga.



Kaso natatakot ako na layuan mo ako bigla.





Baka pag gising ko sa umaga malayo na ang loob mo saakin dahil sa pag amin ko saiyo.




I know na suportado ka sa pagiging baliko ko. Pero hindi ko nasisiguro kung mari reciprocate mo ba ang love na meron ako ngayon.



Alam ko na gusto mo ang normal na buhay. Normal na pamilya.



Kasi noon pa man iyan na ang sinasabi mo saakin na labis na pag sikip ng aking dibdib noong narinig ko iyan mula saiyo.




Pero anong magagawa ko kung iyang nararamdaman mo na ang kalaban ko?




Wala naman akong karapatan para diktahan ang kagustohan mo.




I remember those days. I can see it in your eyes—the happiness in your eyes while you said those words.


•••

We are now sitting here at the park while eating these foods in front of us.



Me and Astrid are peacefully talking about some random stuff.



I looked in front…



I see many children playing at the playground with their parents.



They're cute, though.



I looked at Astrid. I automatically smiled because of her cuteness.



She's so cute eating and staring at nothing, like she's thinking deeply.



She's always like that when she's eating; she's always tulala.




I took my phone and snapped her a picture. Cute!



"Mahal?" She called me.




Lagi ko iyang tinatawag sakaniya kaya ayan na adapt niya na.



"Hmm?"



"They're cute, right? "She pointed something out, so I looked at what she pointed out.




I saw two children playing together with their parents.



She's right. My mahal was right; they're cute.



"Yah, they are," I responded.




"I want that kind of family. I want to experience those with my daughter or son. I hope someday the man I marry will take care of our child like that."




Namumula pa ang pisngi nito at halos mapunit ang labi nito sa pag ngiti.



She's daydreaming, I guess.




"Look at them. Para silang walang problema, ang ganda nila panoorin."




"You? Gusto mo rin ganyan?"  She asked and sipped her drink.



I shrugs



"I don't like marrying a man," I answered.




"Why? You want to marry a woman?" She asked, so I nodded.




I want to marry you, Astrid. My mind is saying.




"You are only saying that because we are still young. Soon you will change your mind too," she said.



I want to complain, but I keep my mouth shut.




Baka nga tama siya bata pa kasi ako kaya nasasabi ko ang mga bagay na ito.



Baka tama siya na naa attract lang ako sa babae pero lalaki parin ang mapipili kong pakasalan.

•••


Akala ko noon tama siya, hindi pala.



Akala ko naman mawawala rin ang feelings ko sakaniya, hindi rin pala. Sa katunayan nga ay lalo pa iyon lumalim nang lumalim.



Siya talaga ang gusto kong pakasalan wala nang iba pa.



Iisipin ko palang ang kasalang yan ay talo na ako.



Kung ako gusto ko siyang pakasalan, siya gusto niya ng normal na buhay.




Gusto niyang magpakasal sa lalaki at magkaroon ng masaya at normal na buhay.




Iyon ang hindi ko kayang maibigay sakaniya, iyon ay ang magkaroon kami ng anak.




Anong laban ko sa lalaki, hindi ba?




Kung siraulo lang ako baka ginayuma ko na siya.



Charizz!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1M 39.7K 92
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...
1.2M 54.3K 100
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
663K 24.2K 99
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
120K 4.2K 95
'How I obsessively adore you' ˏˋ°•*⁀➷ started➛30/03/2024 finished➛ ˏˋ°•*⁀➷ cover by me x