Wild Heart (Eastwood Universi...

Door waurdltsj

396K 11.9K 2.2K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... Meer

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 3

9.5K 341 29
Door waurdltsj

"Dione, anak?" 

Naalimpungatan ako ng marinig ang malumanay na boses ni Manang Fely na gumigising sa akin. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang malambot na ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa akin.

Napaupo ako sa aking higaan at napatingin sa paligid.

"Yes po, Manang?" Wala pa sa wisyong tanong ko dito habang kinukusot ang mata. 

Nakatulog pala ako kanina matapos na umiyak sa hapag at kaharap pa ang mga pagkain. 'Yung mga pagkain pa talaga naka-witness ng mga luha ko, nakakahiya lang. 

"Tawag ka ng parents mo," marahan muli ang boses nito. 'Di ko naman maiwasan na magulat sa sinabi nito at halos mabali ang aking leeg sa mabilis kong paglingon ko dito. 

"They're here?" Gulat kong tanong at nanlalaki ang mata na tumingin dito. Nakita ko ang bahagyang pag ngiti nito sa akin bago tumango. 

Hindi ko naman kasi talaga maiiwasan na magulat dahil akala ko ay hindi uuwi ang mga ito considering what happened last night. Akala ko ay magpapakalulong na naman sila sa pagta-trabaho at babalik dito na para bang wala nangyari while doing damage on me again. That's how it works on them.

"Oo, kanina pa," saad nito bago ako ngitian, "Bumangon ka na diyan at hanap ka na nila kanina pa," pag udyok nito sa akin kaya tumango na ako at agad na kinuha ang aking cellphone para tingnan kung sino ang nagt-text sa akin.

Kanina pa kasi 'yon nailaw at medyo naiirita na ako dahil sa liwanag na nanggagaling doon. 

Once I open it, I squint my eyes because of the light coming from it before reading Adira's text messages.

Oh, right. I forgot. In-invite nga pala ako nito pati na rin ang mga pinsan nito na pumunta sa birthday party ng tatay nila Ate Sid. 

Naalala ko na naman ang sinabi nito na invited rin si Papa sa birthday party nito kaya siguro nandito ito ngayon at isasama pa ako. 

Tss, kahit naman hindi nila ako imbitahan ay pupunta ako. Duh! Maraming pagkain doon, pupunta talaga ako.

Napagdesisyon ko na bumaba muna para kausapin ang aking mga magulang na kanina pa daw nasa baba. Hindi ko na inabala na ayusin ang aking buhok dahil magugulo rin naman iyon dahil maliligo pa ako. 

Lumabas na ako ng kwarto at mabagal na naglalakad papuntang baba. Medyo nahihilo pa kasi ako after ng ilang oras na pagtulog kaya ganan. 

Nang makababa ay naabutan ko ang aking dalawang magulang na nasa sofa habang nakatingin sa kani-kanilang gadgets. Napabuntong hininga ako at napailing. It's better na ganiyan na lang sila dahil nakakarindi na talaga na pag gigising ako ay mga bunganga kaagad nila ang naririnig ko

Naramdaman siguro ni Mama na may bumababa na sa hagdan kaya bumaling ito sa aking pwesto bago ngumiti ng alanganin sa akin.

Walang emosyon ko lang naman silang tiningnan habang nababa. Dahil sa ginawang pagbaling sa akin ni Mama ay lumingon na rin sa akin si Papa at hindi ko na ikinagulat ang blangko nitong mukha. 

Immune na ata ako.

"'Nak. I'm sorry for disturbing your sleep but Mr. Tuazon invited---"

Nang mapagtanto ang sasabihin ni Mom sa akin ay agad ko na itong pinutol habang wala pa ring emosyon na makikita sa aking mukha. 

"Adira already invited me. I don't think I can come, though," Flat ang boses na sabi ko dito at agad na iniwas ang tingin sa mga ito at ibinaling sa baba. 

They started to look at me but I don't like to meet their gazes, scared that I will cry like earlier that I don't really wanna show them. Last na 'yung pag iyak ko kagabi, masyadong mahal ang aking luha para makita nila. 

"Oh, why not?" Malambot ang boses ni Mama nang sinabi niya iyon pero hindi ko pa rin ito binabalingan ng tingin. 

"Your best friend is expecting you there."

"I'm dead tired, I just wanna sleep." I uttered and started to be interested while looking at the floor.

Woah, the floor is shiny as hell. Bakit parang mas mukhang clear pa ito sa skin ko? Goodness!

"No, you'll come with us, Dione. They are expecting you there." 

Napaangat ang aking tingin kay Papa ng marinig ang baritono at ma-awtoridad na boses nito habang nakakunot ang noo.

He just looked at me, dead in the eyes so I sigh before nodding my head. I will not act like a brat today dahil nga pagod na ako, wala na akong time para diyan. 

Nagpatinaod na akong tumaas papunta sa aking kwarto para maligo at magbihis. Ghad, tinatamad talaga ako. What if gumawa na lang ako ng doppelganger ko at siya ang pumunta doon? Or not, it would be definitely look creepy as hell. 

I sighed for the nth time today and started to look for my outfit tonight. This is what I hate the most; looking for clothes that I'm going to wear. E kung mag pantalon na lang ako saka shirt para ako 'yung bukod tangi doon? 

Sa huli ay pumili na lang ako ng brown off shoulder, long sleeves bodycon dress. Above the knee rin siya kaya nagdala na ako ng brown na blazer pang terno sa aking suot.

Agad kong sinuot ang aking hindi kataasan na heels bago bumaba na dahil mukhang male-late na kami. Ayaw pa naman nung dalawa na 'yon na-late sila, pocha. 

Nang makababa ay naabutan ko sila na bihis na rin at mukhang hinihintay na lang nila ako dahil nakatutok na naman sila sa kanilang mga gadgets habang magkalayo ang upo sa sofa. Napairap ako sa kawalan before clearing my throat, that made them looked at my direction. 

"Let's g-go." I stutter because of nervousness.

My parents are looking at me seriously while looking through my outfit. I got conscious so I stood up straight. Napatingin ako kay Papa at nakita naman na hindi ito nakakunot ang noo. There is no sign of disapproval on his eyes that made me sigh in relief.

Oh, God, akala ko ay ipapapaltan pa nila itong suot ko. 

"You look exquisite, my daughter." Mama squealed while approaching my way and when she did, she held both of my shoulders and looked through my whole outfit. "You're really my daughter." Mahina nitong saad bago ako pakawalan ng may ngiti sa labi.

I just smiled at her before thanking her. I looked at my Papa and saw that he have a small smile on her face while looking at me, "You look beautiful, Dione." He said, stiffly while walking towards me and awkwardly kissed my head.

Natigilan ako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mata na bumaling dito. 

Okay, this is awkward. He never, like ever, does that to me. Seriously, kanina pa ako naninibago sa kanilang dalawa. Mom is all smiles while Dad is acting weird, like really weird. Just what the hell is happening?

"You look beautiful, daughter." Papa said once again kaya halos mabulunan ako sa sariling laway.

Wtf?! They are really acting weird, no joke! 

Kahit gulat, nagawa ko pa rin ngumisi sa mga ito before flicking my hair, "I know." sabi ko na lang at nagpaunang naglakad para mauna na sa kotse.

This is getting weird and really shocking!

"Conceited." I heard him utter and they started to follow me to the car. Napairap ako sa sinabi niya habang naglalakad pa rin sa kotse.

"Do not take off your blazer, Dione. Boys are still not allowed to hit on you." My mother told me sternly so I unconsciously rolled my eyes and walked faster to get to the car. 

Boys are really not allowed to hit on me but girls are!

"Yeah, yeah." Labas sa ilong kong saad at pumasok na sa kotse. 

I knew it. They're going to act like nothing happened.














Loud conversations from the visitors is the first thing that I heard as soon as I stepped off the car. Akala ko pa naman malakas na music ang maririnig ko kaso naalala ko na matanda na nga pala 'yung Tito ni Adira. 

Habang naglalakad ay maraming tao ang napunta sa amin ang tingin pero taas noo lang akong naglalakad papunta sa mga pagkain dahil gutom na ako. Hindi ko na nga pinansin sila Papa na nauna sila para puntahan 'yung may birthday dahil gutom na talaga ako. 

Abot kamay ko na ang mga pagkain ng may humawak sa aking blazer sa likod at hinila iyon pataas kaya napatigil ako sa aking paglalakad at kunot noo ng tumingin sa humila noon. 

Napabuntong hininga naman ako ng makita na si Kale 'yon na naka black long sleeves and slacks habang may hawak na champagne. Bored akong tumingin dito, waiting for him to say something. 

"Kakarating mo lang tapos pagkain agad ang papansinin mo?" Sabi nito at namewang na nakatingin sa akin. Nako ha, malapit ko na talagang maisip na barbie 'to kung hindi ko lang alam na may gusto ito kay Adira. Jusko!

"O e, bakit ba? Sinong gusto mong pansinin ko? 'Yung halaman? Aba, ano ba ang unang ginagawa pag nasa party, 'di ba kumain?" Mahaba kong litanya at umirap dito.

Tumalikod na ako at magsisimula na sanang kumuha ng pagkain ng maramdaman ko ang hawak nito sa aking tenga. 

Napangiwi ako at nagsimula ng tanggalin ang hawak nito, "Araayyy!!! Ano ba naman 'yan, Kale!" Sabi ko ng tagumpay na natanggal ang hawak nito sa aking habang himas ang aking tainga, na ngayon ay namumula na.

Ang gago naman, Kale!

"Inaano ka ba?" Inis kong tanong habang himas pa rin ang tenga.

Gago, nakakaiyak! Ang sakit ng pingot niya! 

"Gaga, hanap ka na ni Adira kanina pa!" Sabi nito in a hushed tone kaya nagtataka akong tumingin dito at lumapit din sa tainga nito. Lumapit kasi ito para sabihin sa akin 'yon ng mahina. 

"Bakit daw?" Tanong ko ng bumubulong din dito.

He just looked at me with a creased forehead before shaking his head, "I don't know." Sagot nito at kumuha ng kinakain kong nachos. Nakahanda na kasi ito doon sa isang plato kaya kumuha na ako. 

Kunot noo akong lumayo dito at naguguluhan na tumingin dito, "Why are we talking like this?" Tukoy ko sa mga bulong bulong namin at tumayo na ng ayos. 

"I don't know, you started it." Kibit balikat na saad nito habang nanguya na ng nachos. Napatigil ako sa pagnguya at tumingin dito ng nakakunot ang noo.

"What? You started it." Maang kong saad at nilayo na ang nachos ng kumuha ulit ito doon. Nakakarami na siya, ha? Kumuha siya ng kaniya!

"No, you started it." Sabi nito at bahagyang nailing iling pa habang pinipilit na kumukuha ng nachos sa aking, nilalayo ko lang din naman ito. 

Sinamaan ko ito ng tingin, "Stop eating my nachos, Kale Rivero." I grumbled while glaring at him.

Seriously, pwede naman siya kumuha doon at kailangan pa humingi sa akin. 

"Pahingi lang!" He whined, still getting my nachos in my hands but I didn't let him. Marami na ang tao na nakatingin sa aming direksyon pero hindi pa rin ako nagpatinag dahil pagkain 'to. Bakit naman kasi hindi na lang siya kumuha doon e!

"Kumuha ka na lang kasi doon!" Naiinis kong sabi habang nilalayo dito ang pagkain. Tingnan mo 'to, pag hindi 'to tumigil, ipapakain ko sa kaniya lahat 'to. 

"Napaka---!"

"Dione?" 

Napatigil kami sa pag aagawan ng may marinig kaming boses sa aking likod kaya nagkatinginan kami ni Kale ng nakakunot ang noo, using our eyes in asking who the hell is that. Hindi kasi pamilyar 'yon kaya hindi ko ma-pinpoint kung sino 'yon. 

"Hey." Kulbit nito sa akin kaya lumingon na ako dito bago nanlalaki ang mata na tumingin dito. Shock and disbelief can be seen on my face before chuckling. 

Lumingon ako kay Kale at nakita na may nakakaasar na ngisi na ito habang nakatingin sa akin kaya pa simple kong sinuntok ang tiyan nito. Nakita ko na dumaing ito sa aking tabi habang hawak ang tiyan at nagsimula na maglakad papaalis. Hinawakan ko ito sa braso. 

"Aalis ka na?" I ask through gritted teeth at pinanlakihan pa ito ng mata.

He nodded his head at nagpupumiglas sa aking hawak bago tumakbo papaalis. Napapikit ako sa inis bago bumaling sa kaninang tumawag sa akin at ngumiti ng alanganin dito. 

It's Third Romualdez Jr. Pangatlong anak ni Mr. Third Romualdez Sr., na naging kliyente ni Papa last year. Sinama kasi ako last time ni Papa dahil nakasalubong kami sa mall noon minsan, napag desisyonan niya na isama na lang ako dahil wala daw siyang kasama. See, mga walang kwenta ang mga dahilan ni Papa.

He's really annoying nung nagkita na kami noon kasama ang tatay niya. He tried to show off by shouting at those waitress, na lalo lamang nagpa turn off sa akin. Sa huli ay tinakasan ko na lang ito pagkatapos mag apologize sa waitress na sinigawan nito bago umalis. Naging alibi ko na lang noon ay may projects and assignments pa akong gagawin kaya nakaalis ako. Kita rin naman ni Papa na naiirita na ako kaya hinayaan niya na lang ako na umalis.

Nginitian ko ang lalaki, "Alis na din ako. It's nice to see you again." Nakangiwi kong saad at nagsimula ng maglakad papaalis ng hawakan nito ang aking siko.

Oh, God. 

"Wait, can I have a conversation with you?" Straightforward na tanong nito at bahagyang nagkakamot ng ulo kaya napairap ako sa kawalan. That doesn't make you cute, asshole! 

Tatanggi na sana ako sa alok nito pero nang mapadako ang aking tingin kay Dad ay nagpalabas ako ng naiirita na hininga bago ngumiti ng pilit sa lalaking nasa aking harap. Argh!!! 

"Yeah, sure." Labas sa ilong kong saad at bumalik na sa pagkain. Tatango tango lang ako at ngingiti pag natawa ito. 

Nang matapos sa isang plato ay kumuha muli ako habang natango pa rin sa sinasabi nito. God, anong klaseng sauce ba 'to at napaka sarap? Nasaan ang chef at nang matanong ito tungkol sa recipe nito. Mukha kasing sariling recipe ang gawa dito dahil iba ito sa nakakain kong nachos. 

Natango tango pa rin ako hanggang sa matigilan ako ng sumigaw ito. 

"Really? You'll have a date with me?" Excited nitong tanong habang nakangiti ng malawak. Nanlalaki ang mata na tumingin ako dito bago umiling dito ng mabilis. Nilapag ko ang nachos sa lamesa at tumingin dito. My ghad, bakit kasi hindi ako nakikinig?! 

"No, I am not going to date you----!" Nagulat ako when I saw his crestfallen face and I can't but feel guilty.

"I mean, I can't have a date with you because y-you know, I have a lot of t-things to do? You know, like acads, hehe." Nauutal kong sabi at ngumiti ng pilit dito. 

Kinuha kong muli ang nachos sa lamesa habang kinakabahan na kinakain 'yon. Jusko, bakit ba kasi hindi ako nakikinig!?

Tangina. Date?! Ayoko non!

"Oh. But you said yes, though?" Sabi nito at bahagyang lumapit sa akin pero umiling lang ako at naglakad paatras. 

"No! I mean, no. I am really busy besides---" 

Naputol ang aking sasabihin nang matanawan ko si Ate Sid na papunta sa aming direksyon na sobrang dilim ng mukha. Balak ko sana magpatulong dito ang kaso mukhang bad mood e.

"Besides what?" Saad pa ng nasa harap ko pero hindi ko ito pinansin as I am contemplating if I'm going to call Ate Sid or not. 

"Dione?"

Shit. Malapit na siya dito. What to do? Pinangungunahan kasi talaga ako ng hiya. Nakakainis naman e.

Nang maramdaman na lumagpas na si Ate Sid sa aming pwesto ay pigil ang hininga na sumunod ako dito at agad na pinigilan ito sa braso.

"Ate Sid..." I breathed out as she stared at me with her cold gaze that's why I put her hand down. 

"What?"

"Help me, please." Parang nagmamakaawa kong saad habang nakatingin dito ng nagmakakaawa. I'm desperate, yes.

"At what?" She asks icily that made me gulp at nervousness.

Napatingin siya sa likod ko kaya wala sa sariling napatingin din ako doon at nakita na papalapit na din sa amin si Third.

Natataranta na tumingin ako dito pero blangko niya lang tiningnan ang aking nasa likod.

"Is he bothering you?" She said using her cold yet soft tone. Napatango ako pero mukhang hindi niya iyon nakita dahil nakatingin pa rin siya doon kay Third, na papunta pa rin sa aming direksyon.

"Is he?"

"Y-Yes."

Maya maya lamang ay naramdaman ko ang paghigit nito sa aking wrist para sana dalhin ako kung saan nang hinawakan din ni Third ang aking kaliwang braso, dahilan ng pagtigil namin sa paglalakad. 

Ate Sid look at my arm that he's holding before clenching her jaw and looked at the guy's eye, deadly. 

"Hands off." Malamig na wika nito, na siyang dahilan ng pagbaba ng kamay ng isa. Nakita ko pa kung paano ito lumunok ng ilang beses bago ako bahagian ng tingin.

"D-Dione. We're still not done talking. About the date---"

"Who are you?" Sabat ng isang may hawak sa aking wrist. Napaangat ang aking tingin dito at nakita pa rin ang umiigting nitong panga. 

"I'm Third---" 

"Yeah, and your girlfriend is coming after me like a dog. You might want to put a leash on her." Putol nito bago ako hilahin papunta sa second floor kung saan madilim at wala nang masyadong tao. 

"The audacity to flirt with someone when they are already committed." Inis na bulong nito habang hinihila ako pataas. 

Nagpapatinaod na lang ako dito dahil hindi pa rin maipinta ang mukha nito hanggang ngayon. Madamay pa ako diyan. 

Nang mapansin na medyo nakatakas na kami sa poncio pilato na 'yon ay tinanggal ko na ang hawak nito sa akin dahilan ng pagtigil nito at pagkunot ng noo nang bumaling sa akin.

"What now?"

"Okay na po." Sabi ko ng nakayuko. She tilt her head.

"Anong okay na?" Tanong ulit nito habang mariin pa rin na nakatingin sa akin. Napakagat ako ng labi.

"Thank you po sa help kanina. Okay na po ako dito." Nakayuko ko pa rin na saad dahilan na naman ng pag igting ng panga nito. 

She takes a step forward, her domineering aura is showing, that's why I took a step backwards. 

"No, it's not." Sabi nito habang patuloy pa rin ang paglapit sa akin. "Why the hell are you laughing with him?" Napasandal na ako sa railings sa second floor kaya wala na akong choice kundi sumandal at manatili doon. 

She put both of her hands on my side kaya wala na akong kawala kung aalis man ako. I have no choice but to put my head down as my cheeks started to turn crimson. 

Gayunpaman, napaisip ako sa tanong nito. I'm not laughing with him earlier! I was smiling at those plate of nachos kasi masarap! God, ni makita nga 'yon lalaki na 'yon ay para akong masusuka. 

Dahil sa naisip ay matapang ko din siyang tiningnan ng nakakunot ang noo. 

She is staring at me, intently with her eyes still screaming frustration sa hindi malaman na dahilan.  

"Answer."

"I'm not laughing with him." Mabilis kong sagot. She squints her eyes, not believing me. Aba!

"I'm telling the truth! I'm smiling at those nachos." Pahayag ko pero lalo lamang naningkit ang mata nito. 

"Who the fvck is that nachos?"

The f? Sino nga ba 'yon? Ang gulo ng babaeng 'to.

"They're food!" Medyo inis kong sigaw, na nagpapitlag dito at nanlalaki ang mata na tumingin sa akin bago iyon mapaltan ng inis. 

"Don't shout at me." Maarte nitong saad bago ipanghagod ang kamay sa buhok. She seems restless habang nakatingin sa akin e hindi ko naman siya inaano.

Maya maya ay napatigil ito sa ginagawa at inis na napabulong sa sarili. She scratch her head before whispering some profanities that I can't comprehend. 

She look at me with her cheeks reddened, "You're smiling at those plate of n-nachos?" Namumula nitong saad kaya napatango ako habang nakakunot ang noo.

Why is she blushing?

"Goddammit." She hissed before turning her back on me.

"Ayos ka lang?" Paglapit ko dito at ibinaba ang mukha para makita ito. Iniwas niya lang naman ang mukha, unable for me to see her face. 

Parang tanga. 

"Let's go." Maya maya ay ani nito bago ako iwanan para pumunta na kung saan maraming tao. 

Weirdo ko lang siya tiningnan bago sumunod pababa.

Again, para siyang tanga.








"Hey--- I told you to stop giving her shots." Rinig kong saad ng katabi ko bago kunin ang baso sa aking kamay. 

I pouted nang mawala ito sa kamay bago mapasubsob na sa lamesa dahil sa sobrang kalasingan. 

Well, 'yung wine na kinuha namin kanina--- ko pala, ay ubos na kaya ngayon ang nandito na lang ay ang mga hard drinks, na ang kumuha ay si Soleil dahil nag aya na ito noong umalis na sila Adira. 

Hindi kasi nila hinahayaan na lasingin pa lalo si Adira ngayon na nalaman nila na mababa ang alcohol tolerance nito. 

Well, ako naman kaya ko pa hehe. 

"Stop giving her shots, for the love of God! Soleil!" Saway muli nito ng makita na aabutan na naman ako nito ng isa pang shot.

Sinimangutan ko ito bago kunin ang glass sa kamay nito, "Ano ba? Kaya ko pa." Sabi ko bago ngumiti ng lasing dito. 

"Really?" Mapanghamon na tanong nito kaya tumango ako.

"Yes! Look," sabi ko at sinubukan tumayo pero agad din napaupo nang maramdaman at sobrang pagkahilo. 

"See? You can't even fvcking stand." Madiin na ani nito bago ako hinawakan sa braso, "Let's go." 

Nagpupumiglas naman ako ng simulan na nito akong hilahin pero mas malakas siya kaya ang ending ay nakaladka ako. Lalo lang ata akong nahilo.

"Damn it." I heard someone utter before I felt myself floating and a pair of arms encircled around my waist. I unconsciously encircled my arms on the person's neck and put my head on it before sighing in comfort. 

She smells so good.

"Stop... sniffing my neck." Nahihirapan na usal nito pero hindi nilalayo ang leeg sa aking mukha. 

"Ang artshe mo!" Sigaw ko malapit lang sa kaniyang tenga dahilan ng paigtad nito, "Buti nga inaamoy ka pa e!" Nakanguso kong saad at mas lalong siniksik ang mukha sa leeg ng babae. 

"Did you know that a lot of guys want to have this kind of... opportunity then you're just going to shtop me like... are you kidding me?!"

"A lot? Guys?" May kalamigan na saad nito dahilan ng paghagikhik ko.

"Yeah but," suminok ako, "I don't let them kasi..."

Nakita ko ang paglingon nito saglit sa akin at paglunok nito nang makita na nakangiti ako ng malawak sa kaniya.

"Someone will be angry."

"Who might that be?"

"Tatay ko. Kainis, ayaw pa ako pag jowa-in." Mabilis kong usal hanggang sa narinig ko ang saglit na pagtawa niya.

"Gosh, I better not let you consume that much alcohol. You're so talkative." She uttered when I felt myself being settled on a car seat and that person fixing my seatbelt. 

Naupo lang naman ako at hinayaan na pagpahingahin ang sarili. Gosh, I'm so tired na rin. 

Nang may naalala ay pagod kong minulat ang aking mata pero nakatingin sa bintana at nakasandal.

"Where's my parents?" I uttered before making myself more comfortable. Medyo inaantok na rin kasi ako. "They're not looking for me, right?" Dagdag ko bago mapabuntong hininga at mapanguso, "I hate them."

"Nauna na 'yung parents mo since may---"

"Work." Matipid kong putol dito at natawa ng pagak. I move my head to see Ate Sid's side view of her face. She really looks beautiful. 

"They have work... again." Sabi ko once I avert my eyes on her. Naramdaman ko naman ang panaka-naka nitong tingin sa akin pero hindi naman siya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa pagr-rant dito. 

"It's really funny how they just went about their day, smoothly, forgetting about the last dinner we had last night." Natawa ako ng pagak sa aking sinabi bago mapayuko.

It feels like thousands of knives have started to stab my chest in a very painful way. I'm starting to feel numb. 

Gosh, this is just the alcohol talking.

"Parang hindi sila nagsigawan sa harap ko," saad ko and started to play with my fingers, "Arguing about those things, shouting at each other and so on." 

"They could've at least talk to me, right?" Nangingilid ang luha na bumaling ako sa katabi. She just gave me a look of sympathy before sighing.

"I-I don't know, Dione. I don't know..." She hopelessly said before tightening her grip on the steering wheel.

Natawa ako bago mapailing. Right...

"Oo nga pala. You don't know. Silly me." I said na lang bago mapasandal na sa kinauupuan at pumikit dahil sa kalasingan. Nakakapagod.

Before I closed my eyes, I heard her utter something that made my heart flutter. By how she said those words, I feel like I'm holding onto something.

"I didn't know what's happening to you, Dione but I'm willing to be your human diary so that you have someone you can rant on and someone you can rely on." She paused when we're already at the front of our house. 

She gave me a determined look before showing me her soft smile and that caused something on my stomach to flip. I unconsciously bit my lower lip because of that. 

"I care about you, Dione. You just didn't know how much." 

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

311K 9.5K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
888K 28.4K 59
[STATUS: COMPLETED] Apollo to Icarus. "Golden child, Lion boy; Tell me what's like to conquer. Fearless child, Broken boy; Tell me what's like to bur...
233K 5K 21
Ex ko ay isang senador. Pero bakit ganito? May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Hindi ko siya binoto dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Sa maraming...