Kuya Sam
08:00 PM
Samuel:
Oh anong nangyari sayo?
Lindsay:
Wala kaya
Samuel:
Nasabi na sakin ni Ranford
Lindsay:
Eh bakit ka pa nagtatanong
Samuel:
Baka kasi gusto ko sayo magmula
Problemado ka na pala hindi ko manlang alam, pwede ka naman magsabi
Lindsay:
Kasalanan ko naman yon, okay lang
Nagsorry na ako! Swear
Tapos maayos pagkakasorry ko
Samuel:
Mabuti
Nagsorry na rin naman siya, edi pwede mo na uli ichat. Alam ko naman hindi ka mapapakali dyan eh
Lindsay:
Nag-sorry?
Samuel:
Si Silas. Hindi ba?
Lindsay:
Teka, nagdelete ako ng acc
Samuel:
Edi baka hindi nga nagsorry
Paano ka ichachat
Lindsay:
Hala e nakalimutan ko na agad
password ko sa tg
Bawal na ba yon irecover, yung account?
Samuel:
Hindi ko alam
Pag deleted account na ata, hindi na pwede
Lindsay:
Eh kanino yon nagsorry?
Samuel:
Baka nga hindi nagsorry
Lindsay:
Grabe naman yon
Samuel:
Hayaan mo na
Lindsay:
Sabagay
Malapit na midterms. Midterms
muna bago jowa diba?
Samuel:
Ang feeling mo naman, hindi
mo naman jowa
Lindsay:
</33