HER HALF (COMPLETED)

Od arisxixey

11.1K 178 9

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... Více

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY

CHAPTER 5

401 6 0
Od arisxixey

Author's Note: Hi! If ever na mas nauna itong chapter 5 pagkatapos ng chapter 3, kindly skip this one and continue sa next chapter. I don't know why ayaw ma rearrange ng chapter 4&5 kahit na inaayos ko pero talagang mas nauuna ang chapter 5 sa akin. Thank you and enjoy reading!

CHAPTER 5

Warning: Sexual scene ahead!

Months had passed and I became more comfortable with Sir around. Mas naging close din kami. Lagi nga kaming nag-aaway kasi pa'no ba 'yan, lagi na lang nakikialam. Tapos gusto pa siya magtali sa buhok ko.

Naalala ko tuloy no'ng gabing nakita ko siyang may kasamang lalaki pagkapasok ko tapos naging pormal ulit sila nang maupo na ako sa mesa ko. Medyo malayo naman ang pwesto ko sa kanila pero nagbubulungan pa din sila.

At magyakapan sila ng ilang segundo bago umalis ang lalaking kausap niya, hindi ko na napigilang lumapit sa kaniya at umupo sa swivel chair sa harap ng mesa niya at ipinatong ang baba sa mesa at tumingin sa kaniya sabay sabing.

"Lalaki mo 'yon no." Napakunot naman ang noo niya at sinamaan ako ng tingin na siyang hindi ako nagpatalo.

"Ano na naman bang iniisip mo? Baka nakakalimutan mo iyong panyo ko na nagunting mo para ipangtali sa may sugat ko," saad niya at parang nangongonsensya. Pero matatag ako.

"E kung hindi ko ginawa 'yun edi nawalan ka ng malay? Napakaarte mo pa naman. Parang sa dugo lang e, namumutla agad. Ang sabihin mo, hindi ka maingat. Lagi ka na lang nagsusugat. Heh! D'yan ka na nga!" Tumayo ako sa pagkakataong iyon at naglakad palapit sa aking mesa at nang makaupo ako ay napunta ang tingin ko sa kaniya at nahuli kong nakatingin din siya sa'kin na may kunting ngiti sa mga labi na siyang sinagot ko sa pagtaas ng isa kong kilay at pag-irap sa kaniya.

Pagkatapos nun ay kinukulit niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Ngunit inutusan niya ako ng kape kaya wala akong magawa kundi ang pansinin siya nang mailagay ko sa mesa ang tasa.

"Sorry na kasi."

"Inaano ba kita?" mataray kong saad.

"Okay look, it's my fault why that 15 thousand handkerchief was torn apart because I'm a very clumsy boss." Imbes na mapangiti ako ay mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

Nagsosorry siya o mas nangongonsensya?

"Ewan ko sa'yo, Sir. Bahala ka na d'yan."

Weeks after that, a girl came to visit. Nang makapasok ito ay tinaasan pa ako ng kilay pero matapos ko siyang matingnan ng halos dalawang segundo ay bumalik na ako sa pagkakaupo at mas inatupag ang sinusulat sa notebook na ibibigay ko kila MJ.

Nagsusulat ako ng numbers ay letters para may mabasa sila kapag hindi sila nanlilimos o nangangalakal, lalo na kay Caly.

"Mama, Papa, Baka, Baboy, Halaman, Damit, Zigzag, Kuya, Ate," pagbabasa ko sa mga nasulat ko.

Itong notebook na 'to ang magsisilbing basahan ni Caly since hindi ko pa natatanggap ang pangatlong sahod ko para malabili ng mga makakatulong sa pag-aaral sa pagbabasa o pagsusulat. Sa kanila ko halos nauubos dahil binibilhan ko sila ng damit na mumurahin lang din, bumabayad din kami sa may poso para makaligo silang magkakapatid. Tinuruan ko din ang panganay ng mga basic na math na alam ko din para kahit papaano e may nalalaman silang bago. At masasabing kong matalino si Rehan dahil mabilis niyang naka-catch up ang nga naituturo ko. Dahil na din siguro na natigil ang pag-aaral niya ng grade eleven.

Masaya nga ako at mabilis matuto ang panganay sa kanila. Natutuwa din ako kasi kahit papaano ay sumasabay ang iba pa niyang kapatid kapag nagtuturo ako ng plus and minus. Kahit pinagtitinginan kami sa parke ay wala kaming pakialam dahil wala naman kaming ginagawang masama sa halip ay sinisikapan nilang matuto.

"We need privacy?" Rinig kong maarteng patanong ng babae.

"It's already private, Vix. What do we need to talk anyway?" Sa pagkakasagot ni Sir ay parang ayaw niyang nandito iyong babae.

Tiningnan ko iyong babae, nakatagilid ito dahil nasa may gilid ito ng mesa nakatayo habang si Sir Achie ay nakaupo ay nagsa-sign ng mga papeles niya.

"Why di you sound like you don't want me here? Didn't you remember how fun it was last time when I visited here?" Hindi ko alam kung nasosobrahan ako o sadyang iyong tono ng babaeng nagngangalang Vix e medyo may kalandian?

Tsaka anong fun kaya ang ginawa nila? Akala ko ba bakla si Sir? Ano 'yun, napatol siya both gender?

"Come on, Vix. I have no time for this. Look, I'm busy signing these papers and if you have nothing important to say, you may now leave." Grabe si Sir, hindi man lang tiningnan si Vix. Allergy na ba siya sa mga tulad ni Vix?

"Hmp! You always do this, Achie! Don't you want me the way I want you?"

Hindi ba siya nahihiya? O baka nakalimutan niyang may ibang tao dito sa office?

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko na lang ang atensyon ko sa sinusulat ko at hindi ko na pinansin ang dalawa. Buhay naman nila 'yan, wala akong karapatang makisali o makialam. I'll mind my own business kumbaga.

Matapos ang halos limang minutong pangungulit ni Vix ayun sa naririnig ko kasi hindi na'ko tumitingin sa kanila, ay pinaupo na siya Sir at nag-usap na sila.

Nang itinaas ko ang tingin sa gawi nila ay nahuli kong nakatingin din si Sir sa akin at agad niyang ibinalik kay Vix ang tingin niya kaya naman ako'y binalik din ang tingin sa notebook.

After almost an hour na pag-uusap nila tungkol sa company ni Vix, sa pagplano nito na isama si Sir Achie sa family outing na siyang hinindian ni Sir dahil daw may importanteng gagawin, sa pagplano ulit ni Vix ng petsa kung kailan pwede bumawi si Sir Achie ay siyang sinang-ayunan na lang ni Sir. Nalaman ko ding ex girlfriend pala siya ni Sir Achie.

Kaya naman ganito umakto. May past pala silang dalawa.

After spending the whole day sa office ni Sir Achie ay nagpaalam ako na uuwi na muna tutal alas sais na. Hanggang five lang naman ako sa trabaho. Nag-insist pa siyang ihatid ako pero hindi ako pumayag kahit anong pagpipilot niya.

Habang naglalakad ako ay bigla akong kinabahan. Bakit kaya? Ipinagsawalang bahala ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad. Unti unti na ding dumidilim kaya in-on ko na iyong lighter ko para ilawan ang dadaanan ko.

Minsan ay may dumadaang sasakyan o hindi kaya'y truck o motor, at naglalakad ako ng mabilis para sa malakas na ilaw meron ang kanilang mga sasakyan. 

Pagkarating ko sa bahay ay bubuksan ko na sana nang mapansin kong bukas ang pinto. Naisip ko agad si Ate, siya lang naman iyong may dala ng isa pang suse na hiniram ko sa may-ari ng limang maliit na bahay na 'to.

At nang pihitin ko ang pinto pabukas, bumungad sa akin ang ungol ng isang babae at lalaki.

"Hmm! Ah! Ah! Ah! B-Bilisan mo pa—Ah! Ganiyan nga!"

Hindi ako makapaniwala sa naririnig. May katalik na naman si Ate! Pangatlong beses ko na itong naririnig ngunit nabibigla pa din ako. Hindi ako sanay.

Napatingin ako sa sahig, nagkalat ang mga damit at jeans na suot nilang dalawa. Ang bra ni ate at panty ay nasa sahig, gano'n din ang brief ng lalaki.

May butas pa, jusko.

Hindi na ba sila nakahintay at talagang nagtalik pagkapasok? Hindi ba nila—ni Ate naisip na sa mga ganitong oras ay pauwi na'ko? Pailing-iling akong nagpatuloy sa paglalakad. Pinulot ko na lang din ang mga salawal nila at inilagay ito sa tapat ng pinto ng kwartong kinaroroonan nila.

"Ang sarap mo," aniya ng lalaki.

Gustuhin ko mang mawalan ng pandinig sa mga oras na 'to nang sa gano'y hindi ko marinig ang mga kababalaghan ng Ate ko at ng katalik niya, ay wala na akong magagawa.

Dahan dahan kong pinihit ang pinto ng aking kwarto. Katabi lang ng kwarto na ito ang kwarto kung saan sila gumagawa ng makamundong gawain. Sigurado din ako na hindi nila ako maririnig dahil busy sila kakadama sa init ng mga katawan nila hanggang sa maabot nila ang rurok ng kanilang pagtatalik.

"Bilisan mo pa," paos na saad ni Ate.

Naririnig ko pa ang tunog ng pagsasalpukan ng kanilang mga pribadong katawan at sa marahil, sa bawat pagsagad ng lalaki ay napapahiyaw si Ate.

Ate Rose hindi ko alam na ganito ka ka-wild sa kama!

"Malapit na'ko."

Mahina kong inalis ang pagkakasukbit ng bag ko at inilagay ito sa may ibabaw, sa may unan ko at naghubad para palitan ang damit na suot ko pati na din ang jeans. Nang hubo't hubad na ako, tinupi ko ang pang loob ko at inilagay sa gilid, lalabhan ko iyon mamaya. Ang damit at jeans ko naman ay isinukbit ko sa hook ng aking pinto at nahiga.

Habang papikit-pikit ako ay naririnig kong parang masisira na ang kama sa kabila. Jusko hindi pa sila tapos. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko muli at hindi ko namalayang nakaidlip ako.

Nakaidlip ako kahit may background music na mga ungol at halinghing!

Nang mamulat ko ang mata ko ay mas nainis ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa din sila tapos! Nakakunot noo kong tiningnan ang orasan sa pulsuhan ko.

8:02

Isang oras? Isang oras na ang lumipas pero hindi pa din sila tapos magtalik? Hindi ba sila napapagod? Napahinga ako ng malalim nang hanggang ngayon ay rinig ko pa din ang ungol at daing ni Ate sa bawat paglalabas-masok ng katalik niya. Inig kong ginulo ang buhok ko at lumabas sa kwarto ko at walang sabing kinatok ang pinto ng kinaroroonan ng dalawa.

"Ate, magpahinga na po kayo, please,"saad ko at idinikit ang noo sa pinto.

Ramdam kong natahimik sila saglit at natigil ang pagsasalpukan ng kanilang mga ari pero nagpatuloy ito matapos ang ilang segundo. Hindi ko alam na nabibingi pala ang isang tao kapag nakikipagtalik, dahil ayun sa nasasaksihan ko ay para lang akong hangin na hindi nila pinansin.

"M-Maya, saglit lang-ah! Ah! Ah! Bilisan mo pa!"

Bagsak ang balikat ko na humakbang muli sa harap ng pinto ng aking kwarto at hinayaan ko na lang sila sa gusto nilang gawin. Pakamot-kamot kong binuksan ang pinto at lumapit sa may higaan ko at kinuha ang bra at panty ko na nakatupi. Maglalaba na lang ako kesa makinig sa mga halinghing ng nasa kabilang kwarto.

Nang marating ko ang may kusina na lupa lang ang sahig, kinuha ko kaagad ang planggana na maliit na nakahilig sa may dingding na kahoy at kumuha na din ako ng isang baldeng tubig galing sa lumang drum ng bahay na 'to. 

Habang sinasampay ko ang bra at panty ko sa iisang hanger ay bumukas ang pinto at iniluwa roon ang lalaking walang pang-itaas na damit pero may short na hanggang tuhod ang suot. Tumingin pa ito sa gawi ko at napansin kong napatitig siya sa suot ko na daster at sa panty at bra na hawak ko.

Ngumisi pa ito na ikinangiwi ko. Yuck. 

Sumunod dito si Ate ko na tanging kumot lang ang nagtatago sa kaniyang hubad na katawan at ang buhok nito na parang tinirahan ng mga langgam sa gulo ng pagkakatali. Namumula din ang mga labi nito. May namumulang pantal sa pisngi nito.

Ano 'yun sinampal siya ng lalaki? 

Napailing ako sa naisip. Grabe naman kung sinampal. Baka sinipsip? Napatingin ako sa mga leeg ni Ate, namumula ito at parang may mga marka. Alam na alam ko kung saan galing iyon dahil nangyari naman na sa akin iyon. Ang mga markang iyon ay galing sa pagkakasakal. May mga pulang puntik puntik din o kung tawagin nila ay love bite.

Muling dumapo ang tingin ko sa lalaki. May mga kalmot ito na paniguradong nagmula kay Ate. Nag-uusap sila pero hindi ko na pinakinggan ng tuluyan dahil  bumalik na ako sa pagsasampay. Iniayos ko muna ito gaya ng pagkakaayos ko noong nilabhan ko din ang panyo ni Sir Achie na sobrang mahal. Naibalik ko na pala iyon, panay pa nga tawa dahil amoy downy. Sinabi ko na lang na ginamit ko iyong downy na nakita niya noon. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang nasobrahan na siyang tumawa. Buti nga ay tumigil siya.

"Oh Maya, napakaepal mo talaga kahit kailan," napatingin ako sa nagsalita.

"Hi, Ate. Pasensiya na sa pag-abala." Inikot niya ang mga mata niya bago bumalik sa kuwarto. Ako naman ay bumalik na din sa aking higaan at nahiga. Kailangan ko pang gumising ng maaga.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa isa na namang masamang panaginip. Iyon ang panaginip kung saan ay pinapagalitan at pinaparusahan ako ni Mama nang malamang ginastos ko ang pera niya na siyang isang napakalaking kasinungalingan.

Alam kong si Ate ang may pakana at sa akin niya ipinasa ang parusang dapat ay sa kaniya. Akala ko pa man din na talang pera niya ang ginamit niya para bilhin ang mga damit at kung anu ano pang mga galing sa mall.

Hindi ba ay ako ang may bitbit ng lahat dahil isinama lang naman ako ni Ate para may tagabitbit siya sa mga bibilhin niya. Nauna siyang pumasok noon sa bahay dahil ako pa ang nagbayad ng pamasahe na dapat ay pambaon ko sa buong linggo. Pagkapasok ko ay ang umiiyak na Ate Rose ang nadatnat ko at si Mama na inaalo siya sa may sofa. Nasa may paanan din iyong dalawang hawak niya na pinamili din niya.

"Ang kapal ng mukha mong babae ka! Ikaw na nga itong pinapakain at pinapatulog sa pamamahay ko ay ikaw pa itong may ganang magnakaw ng pera ko?" Iyon ang natatandaan kong unang sinabi ni Mama.

Nakatayo lang ako doon dahil talagang nabigla ako sa tinuran ni Mama. Ako? Nanakawin ang pera niya? Ni hindi nga ako pinapapasok sa kwarto niya dahil baka daw pati doon ay kapitan ng malas na siyang naiintindihan ko sa mga panahong iyon. Tanggap ko na din noon na ayaw nila sa akin bilang parte ng pamilya nila. Dahil sa pagkakaalam ko sa itinuturo sa eskwela, walang magkakapamilya na ganito ang trato gaya ng sa akin.

Sinabi ko iyon kay Mama na hindi nga ako makapasok sa kwarto nila pero nangatwiran pa din si Ate na ako ang kumuha. Binaliktad niya ang pangyayari. Lahat ay pusong kasinungalingan.

Ako daw ang nagsama sa kaniya para may alalay ako. Kapatid ko daw siya pero dalawang piraso lang ang binili para sa kaniya. Na siya daw ang na-stuck sa elevator dahil sa pagiging makasarili ko na maunang lumabas. Nahimatay daw siya at naging esperito dahilan para makita niya ang kaniyang sarili na nakahandusay doon sa sahig at walang malay dahil sa kapabayaan ko.

Gusto kong isigaw sa mga oras na iyon na hindi totoo ang mga binitawang akusa ni ate. Pero saan nga ba ang lugar ko sa pamilya na ito? Sinampal ako ni Mama nun bago hinablot ang mga paper bags na hawak ko at nilait pa.

"Masyado kang ambisyosa, Maya. Kahit kailan hindi babagay sa iyo ang mga ganitong damit dahil isa kang mala, pangit at sampid na babae. Mas bagay ito kay Rose na sobrang ganda at sexy pa at may class." 

Iyon ang huli niyang sinabi bago niya ako sinabihang umakyat sa taas at sa kwarto dahil may parusang magaganap mamaya. Nang lingunin ko si Ate ay nakangisi ito sa akin kahit may bahid pa ng luha ang mga mata nito.

"Aalis ka na?" Napalingon ako kay Ate na nag-aayos ng make-up niya. Tinanguan ko siya bago isinukbit ang bag sa balikat ko. 

"Baka sa susunod na linggo ulit ako makakauwi. May trabaho ako sa club ngayon at isasama ako ni Ran sa kung saan. Magdadala na lang ako ng damit para sa'yo kung sakaling meron doon sa pupuntahan ko.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa tinuran ni Ate. Matapos ang ilang taon na umuuwi siya dito ay kahit papaano ay nagbago ang pagtrato niya sa akin. Minsan ay nagmamaldita pero naiintindihan ko naman.

"Ate?" panimula ko.

"Bakit? Akala ko ba aalis ka na." Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya lapitan at yakapin ng mahigpit.

"Salamat po."

Napa-tss naman siya na ikinatawa ko. Bago ako tuluyang lumabas ay niyakap kong muli siya na siyang dahilan para duruin ang noo ko at ilayo sa kaniya.

"Masisira ang make up ko, Maya. Umalis ka na."

"Tigil ka na kasi sa trabaho mo Ate, baka kung ano pang mangyari doon sa loob ng club. Maraming manyak doon. Maghanap ka na lang po ng trabaho o 'di kaya'y sama ka na lang sa akin," ani ko.

Inirapan niya muna ako bago siya nagsalita.

"Puke lang na pagrarausan ang kailangan nila. Pera nila ang kailangan ko. Hayaan mo na lang ako, Maya. May bouncer naman doon na malalaki ang katawan kaya hindi nila ako masasaktan. Sige na, alis na."

Hindi ko na lang pinilit si Ate sa kagustuhan ko dahil labag iyon sa kagustuhan niya. Buhay niya pa din iyon at siya ang may hawak nun, wala akong karapatan na makialam ng sobra maliban sa pagpapaalala sa kaniya na andito lang ang kapatid niya na mag-aalala sa kaniya kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Nang marating ko ang office ay nagsimula na akong linisin ang babasaging dingding at nang matapos ko ay ibinababa ko sa kasunod na floor ang pinanglinis ko dahil may janitor doon. Iyon na ang gawain ko, medyo nagiging magkasundo na nga kami ng janitor doon dahil sa bawat pagbaba ko sa pamamagitan ng hagdan ay naroon siya sa may dulo at nakatayo lang habang binabati ng magandang umaga o araw ang mga dumadaan doon kasabay ng paghihintay na makababa ako.

Minsan nga ay nahihiya ako kapag medyo natagalan ako sa pagbaba kasi pa'no ba naman, nakikipag- away pa sa akin si Sir na parang bata. Kapag nangyayari ang gano'n ay tinatawanan pa ako ng janitor. At sa halip na magalit sa akin ay nagpapasalamat pa ito dahil kung hindi sa akin, hindi tataas ang sweldo niya na pangtustos niya sa araw-araw nilang magpamilya at sa anak nitong sekandarya.

Alas dyes na ng umaga pero wala pa din ang bulto ni Sir Achie. Panay tingin nga ako sa orasan dahil karaniwan sa mga ganitong oras ay tutok na ito sa kaniyang trabaho o hindi kaya ay nasa conference room para sa isang meeting.

May time nga isinama niya ako doon na siyang ikinagulat ko. Kasi wala naman ako masyadong alam. Nakakapag-english ako pero hindi tulad ng mga seretarya ng mga taong naroon. Napaka-sexy pa ng iba dahil nga, puro mga lalaki ang naroon. Kumbaga puro lalaki ang mga boss namin, ang nagpe-present ng kung anong tawag doon ay lalaki din. Talagang napapaisip ako na totoong bakla si Sir Achie dahil puro lalaki ang mga nakaka-meeting niya.

Kung wala kami doong mga assistant o sekretarya, ano kaya ang gagawin nilang puro mga lalaki? Kawawa naman si Sir Achie kapag gano'n.

Hindi niya din ako pinansin buong araw noong napansin niyang nakatitig ako sa isang kasamahan doon ni Sir. Paano ba naman kasi, napaka-pogi. Kung lalaki si Sir, siya ang pinak-gwapo sa silid na iyon, pero dahil nga bakla siya, iyong lalaki na tinititigan ko ang  pinaka-gwapo. Actually, lahat naman ng lalaking naroon ay mga nagisigwapuhan, may kaniya-kaniyang mga dating at awra.

Basta buong araw kaming hindi nagpapansinan nun. Not until kinabukasan, imbes na asukal na puti ang ilalagay ko sa kape niya ay asin ang inilagay ko. Yes, ayoko na hindi ako kinakausap ni Sir.

Hindi sa nagagalit ako o naiinis kapag gano'n. May kung ano kasi sa loob ko na hindi sanay sa ganoong pakikitungo niya lalo na at lagi kaming nag-aaway sa pinakamaliit na bagay o hindi kaya'y nagsisigawan dahil walang nagpapatalo. Buti na lang at sound proof ang buong silid. 

After niya maibuga ang kapeng sa tingin niya ay matamis, masama siyang tumingin sa akin. Hindi ko siya gaanong pinansin para maging fair. Para kaming hindi mag-boss 'di ba. Sinabi kong ginawa ko ang nakasanayang timpla niya.

"But this thing is salty!" he blurted out.

Pigil ang tawa ko sa mga oras na 'yun dahil kapag tumawa ako, mas mapapabilis ang paghihiganti ko. Pero ang Sir! Galit na naglakad palabas sa office na siyang agad kong hindi pinansin. Ngunit matapos ang ilang segundo ay hindi na ako nakatiis at sinundan ko siya.

Naanuban ko si Sir na humihiyaw sa mga parang kusina ng buong floor. He's yelling like there's no tomorrow.

"Who fucking change the white sugar into salt?! If no one will tell the truth, this whole damn floor will gonna be fucked up."

Tila nabahala ang lahat sa sinabi. Nakatayo lang si Sir doon malapit sa dispenser habang hawak ang lalagyan ng puting asukal.

"Im warning all of you. If no one will bring the lies to light, you all will gonna be so damn fucked up... ONE!"

Kung sila kinakabahan para sa tranaho nila, ako kinakabahan para sa buhay ko.

Gaga ka kasi Maya eh! May pa-higanti ka pang nalalaman, tingnan mo kung saan na 'to napunta.

"TWO! TRUST ME WHEN I SAY Y'ALL WILL GONNA BE FUCKING FUCKED UP."

"Hoy, ano ba! Sino ba kasi ang maglipat?"

"Ayoko mawalan ng trabaho guys, huhu."

"Please, maawa naman kayo."

"Ang anak ko, wala akong mapapakain sa kaniya kapag nawala ang trabahong 'to."

Marami bang bulungan ang naririnig ko. Nagsimula na ding manginig ang mga kamay ko dahil sa pinaghalong pagsisisi, kaba at takot. Gaya nila ay ayaw ko ding mawala ang trabahong ito gayong ito lang ang bumubuhay sa akin.

"No one, huh? THR---"

"I did it, Sir," bulong ko at rinig kong nagsinhapan at bulungan ang halos buong tao sa floor na 'yun.

"YOU DID THIS." Tumango ako. The way he said it, he's not questioning me, he's stating a fact.

"All of you, go back to your respective works...and you, you have some explaining to do."

Nagsibalikan ang lahat pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagtawag nila sa akin ng baliw, papansin, ksp at kung anu ano pa.

Nakasunod ako sa galit na Sir Achie. Natatakot para sa aking bukas. Paano na lang kapag wala na akong trabaho kinabukasan, paano ako makakahanap ng panibagong trabaho, paano ako makakatulong sa magkakapatid kung ako mismo sa sarili ko ay walang wala na.

Nang makarating kami sa loob ay ini-lock niya ng buong office at walang emosyon na tumingin sa akin.

"Why did you do that, hmm," panimula niya.

Hindi ako makapagsalita. Tipong may bumara sa lalamuna ko dahilan para hindi ako makabuo ng salita. Nakayuko lang ako at nakatingin sa flat shoes ko na bili ko sa palengke sa murang halaga lan---.

"Im asking you, Maya."

"Ikaw itong may kasalanan sa akin. Pinaglaruan mo ako, Maya...I trusted you. So  don't cry on me, that will never work on me."

Ilang minuto pa ang lumipas at nagimula na akong humikbi ng kaunti. Iisipin niyo siguro na masyado akomg mababaw o maarte dahil sa pag-iyak ko. Ngunit hindi ko maipagkakailang sobrang takot ako kay Sir ngayon. Gone the jolly aura of him, he is cold as ice right now and I understand him completely because it's my fault. But I didn't expect that this prank of mine will turn my world around.

"MAYA---!"

"'Cause you are not talking to me!" There, i finally said it.

I thought na magiging maayos na after nun but i heard him laugh. Not a happy laugh.

"Sino ka ba para kausapin kita? You are just my PERSONAL ASSISTANT. Nothing more...you don't even know me that much. You just know my name, my age, some of my personality but never my whole existence," he paused. 

"Know your place."

Doon na ako natawa sa sarili ko. Oo nga naman, sino nga ba ako sa buhay niya 'di ba? Bakit nga ba ako nagkaganito simula noong hindi nya ako pinansin at kinausap? Wala. Isa lamang akong impleyado na nagtatrabaho sa kaniya dahil kailangan ng pera. According nga to him, 'nothing more' and I should know my place.

"Para ka naman kung sino para gawin ang bagay na ' yon e hindi naman kita girlfriend o ano. Tsk. Masyadong nagfe-feeling close."

Para ko ulit naranasan ang nangyayari sa bahay namin noon. Kahit kailan ay hindi ako naging belong doon.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako bago ko siya hinarap at nagsalita. 

"Oo, SIR. Hindi kita masyadong kilala, oo wala ako masyadong alam sa 'yo maliban sa pangalan, edad at ibang pagkatao mo, oo feeling close ako, oo naging komportable ako sa 'yo PERO. Hindi iyon lahat mangyayari kung hindi mo ako inilipat dito, kung hindi mo ako ginawang P.A. mo, kung hindi ka nakikipagsagutan sa akin na para bang matagal na tayong magkakilala at magkaibigan. Oo nainis ako dahil hindi mo ako pinansin buong araw sa isiping may nagawa ako na siyang hindi ko alam kung ano kasi hindi mo sinasabi. Kaya no'ng naging malamig ang pagtrato mo sa akin, gumawa ako ng paraan para mapansin ako muli dahil Sir," tumigil ako sa pagsasalita dahil patagal ng patagal ay mas lumalakas ang buhos ng luha ko.

"Kasi Sir, sa tanang buhay ko walang nagtrato sa akin ng gano'n. Iyong pagtrato na pinahahalagahan at tinuring na kaibigan. Hindi ko iyon naranasan sa sarili kong pamilya. Hindi sa eskwela dahil lahat ng tingin ng iba sa akin ay hindi ako nababagay sa circle of friends nila. Lumaki akong teddy bear na bigay ni Papa ang nayayakap ko, mga daga na kinakusap ko."

Natawa ako. Bakit nagkikwento na ako? Haha.

"Kaya pagpasensiyahan mo na ang ginawa ko. Hindi na iyon mauulit kahit kailan dahil ako na mismo ang aalis sa trabaho bago mo ako sesantehin," saad ko at naglakad sa mesa ko bago kinuha ang notebook at ballpen at inilagay sa bag ko.

"Salamat sa lahat, Sir Achie." Aalis na sana ako nang magsalita siya.

"That pen, it's mine." Peke akong tumawa at bumalik sa harap ng mesa niya bago kinuha ang ballpen at inilagay sa mesa niya.

"My apology."




The telephone rang. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi lalo na at pag-aari ito ni Sir. Ngunit napagdesisyonan ko pa ding sagutin at nang sinagot ko ito, isang boses ang narinig ko sa kabilang linya.

"Sir Vasco wants you in his home...today."

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

3.5K 596 11
هي لم ترتدي الأسود مُطلقًا... بدأت: ١٢/١/٢٠١٩ انتهت : ٦/٩/٢٠٢٠ مُترجم من deanrvng@ © جميع حقوق الكتابة تعود للكاتبة الأصلية وحقوق الترجمة لي.
1.8M 115K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
5.8K 356 36
- L O N G D A L E S E R I E S # 1 - Chris did not expect the changes in her life right away until she met Val, a very mysterious boy at first who is...
257K 9K 67
** COMPLETED ** Transferring to Beacon Hills High from Davenford Prep, Avalon Dunbar knew life wasn't gonna be the same. But she never expected her l...