The Forest Dweller

Por BlackMiere

1.9K 911 13

Following an incident involving Cairo Velasco, he sent to his mother's hometown of Sekwel. On his first night... Más

The Forest Dweller
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Epilogue

Chapter 3

101 67 2
Por BlackMiere

“Where are you right now? You are nowhere to be found. I came from Quezon to Makati only to find you. I tried to look for you in any place that we often visited.” Paghihimutok ni Ardel Ybañez mula sa kabilang linya.

Hindi niya in-open sa kanyang mga kaibigan ang tungkol sa pag-alis niya. Hindi rin siya nag-paalam sa mga ito. Biglaan naman kasi ang flight niya. Now, he was in the province of South Cotabato. Kanina pa sumidhi ang inis niya maliban sa kadahilanang hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ‘yon ay bihira naman ang sasakyan na dumaan.

From General Santos City, he took a yellow bus to Koronadal City, where an elderly guy he met in the public terminal informed him that he should be boarded a van bound for Lake Sebu South Cotabato.

Habang patuloy na pinunasan niya ang napapawisang noo ay tumingin siya sa kanyang paligid. Although it was his second visit, his first was when he was ten years old, the place had now completely lost its familiarity for him.

What a ten-year-old boy recalls of his mother’s hometown after having grown to love cities?

He had no recollection of the place. His being accustomed to city life made that place rather different for him. While he was looking around, images of tall buildings, shopping centers, fast food joints, billboards, neon lights, trains, multi-lane roads, and street lights flashed through his thoughts. Now, what met his eyes are enormous trees, talahib, corn, palayan, at ang mga luntiang damo.

How on earth did he manage to survive there for a month? Ang perang ibinigay sa kanya ng Daddy niya ay sapat lang sa three weeks allowance. Kinuha kasi ng mga ito ang mga ATM niya. His Mom promised him that he only stays in his grandparents’ hometown for one month.

“Wala ka bang balak kausapin ako, Cairo?”

Napapitlag siya sa malakas na boses nito mula sa kabilang linya. Akala niya nagbaba na ito ng cellphone.

“Kung hindi lang ako pumunta sa bahay n’yo at tanungin si Mino ay hindi ko alam na pumunta ka ng South Cotabato. That province wasn’t familiar to me.” Ardel exclaimed.

Neither him. Inaamin niya na hindi siya malapit sa kamag-anak ng Mommy niya. Kasi wala siyang komunikasyon sa mga ito. Mayro’n nga pero parang once in a month lang makipag-usap ang Mommy niya sa nanay nito.

Kung si Mino ay excited na excited sa tuwing tumatawag ang lola nila ay taliwas naman iyon kay Cairo. Ayon sa Mommy niya ay wala raw signal sa Sitio Sekwel ang hometown nina Lola Tanya at Lolo Elmo ang magulang ng Mommy niya.

Bago ang flight niya ay idinitalye ng Mommy niya sa kanya ang buhay sa probinsiya lalo na sa Sitio Sekwel. Malayo raw ito sa bayan. Dapat sa paglalarawan na ng Mommy niya tungkol sa buhay sa isang Sitio ay umayaw na siya. Nagulat nga siya nang bumaba na siya ng eroplano kung bakit pumayag siya sa gusto ng Mommy niya.

Alam niyang mahihirapan siya dahil sa tanang buhay niya ay hindi siya marunong mag-adjust. Pero babalik at babalik pa rin sa isip niya ang sabi ng Mommy niya na isang buwan lang siya ro’n. This time susubukan niya ang tinatawag nilang ‘pagtitiis’ after all pagbalik niya ng Makati ay malaking reward ang naghihintay sa kanya. He was forced, and when he returned he’ll be more demanding.

“Ardel, si Tristan, kamusta?” he asked to change the subject. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kay Tristan kung nakalabas na ito sa hospital. It’s been one week. Gusto niyang tawagin ito noong paalis na siya ng Makati pero sa huli ay desido siyang huwag abalahin ito.

Ang natanggap niyang impormasyon mula sa kanyang Mommy ay kahit hindi naman kritikal ang kalagayan ni Tristan ay hindi raw ito gumising. Nakatulog ito nang buong araw.

“Nasa hospital pa rin. Don’t worry lalabas din ‘yon ‘pag okay na ang nabaling kamay nito.”

He heaved. “Sana nga, ‘eh.”

“Pupunta ako ngayon sa hospital. Bibisitahin ko siya. I’ll end up the call muna hah.”

“Balitaan mo ako tungkol kay Tristan mamaya.”

“Roger that, Cairo. Take care riyan. Tandaan mo iba riyan sa Makati. Hampaslupa’t sutil ka pa naman. Bye.”

Huminga siya nang malalim. Ang problema niya ngayon ay ang tricycle na kung saan pwedi siyang sumakay at ihatid siya sa Sitio Sekwel—sa mismong bahay ng Lolo’t Lola niya. Kanina pa siya ro’n at wala man lang dumaang tricycle. Kung mayro’n man ay mga motor iyon at hindi man lang siya napansin ng driver.

Ang sabi kasi ng mommy niya ay kapag nasa bayan na siya ng Lake Sebu ay magpapahatid siya sa tricycle patungo sa Sitio Sekwel. He’s been waiting for darn two hours. Nakatayo siya sa ilalim ng malaking puno ng acacia. He checked his wristwatch. Napagtanto niyang malapit nang mag-alas kuwatro ng hapon.

Damn mahinang mura niya. Napansin niya ang impong na naglalakad at may dalang tiklis na may lamang sariwang talbos ng maberdeng gulay na hindi pamilyar sa kanya. Sinulpayan siya ng matanda. Nais niyang itanong kung nasaan ang Sitio Sekwel subalit dahil sa isiping baka hindi siya naintindihan nito ay binawi niya ang nais niyang itanong.

Kagyat na nahahabag si Cairo nang makitang walang suot na tsinelas ang matanda. May galis ang paa nito at may mga maliit na sugat. Nilapitan niya ang matanda.

“Lola, saan po kayo uuwi?” magalang na tanong niya. Tila iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagiging magalang siya.

Tumingin ito sa mukha niya at eksakto rin namang tumingin siya sa mata ng matanda. Hindi niya alam at bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng awa. He never felt that before. Dahil nga sa pagiging suwail niya ay wala siyang oras upang bigyan ng sariling kahulugan ang salitang ‘simpatiya’. Ni minsan ay hindi siya nakinig sa kanyang parents.

“Saan po kayo uuwi, Lola?” he asked again. Pakiramdam niya kasi ay parang nahihiya ang matanda kaya muli niya itong tinanong. 

May sinambit ang matanda sa mahinang boses nito na kasabay ng pag-angat nito ng bakol na may lamang gulay.

Umiling si Cairo. “Pasensya na Lola, hindi ko po batid ang winika n’yo.” Napatingin siya sa basket kaya nagkaroon siya ng ideya. “Iyo bang ilalako ang mga gulay na iyan?”

Ngiti lang ang sagot ng matanda sa sinabi niya. Halatang hindi pa rin nito batid ang sabi niya.

Tumingin siya sa paligid at nagbabasakaling may dumaan na maaring magsalin ng mga sinabi niya sa matanda. Fortunately, a man about thirty years old driving a motorcycle stopped beside them.

“Sir, may problema? Pwedi taka buligan.”

Now, Cairo is more confused. But that dialect and tone seem familiar to him. Hiligaynon? Maybe because her mother occasionally speaks in that dialect. He almost overlooked the fact that her mother is Tboli and can speak Hiligaynon. Cairo, however, is not able to speak nor understand any Hiligaynon or Tboli words.

Tinanong siya nito kung may problema. Iyon lang ang naintindihan niya. Cairo Velasco asked him if he could speak Tagalog. The man nodded and that was a relief.

He smiled. “Si Lola kasi, eh, di ako naiintindihan. Pweding pasalin ng mga sinabi ni Lola, Kuya.”

Ngumiti itong bumaling sa matanda at tinanong ito sa diyalekto nila. Sigurado siyang Tboli ‘yon. Pamilyar kasi sa kanya pero hindi naman niya naiintindihan. Muli siya nitong hinarap.

“Maglako raw ng gulay, sir.”

Hinarap niya ang matanda. “Lola magkano po lahat ‘yan?”

Isinalin iyon ng lalaki sa diyalekto ng matanda. “Sampung piso raw ang isang putos, sir,” iyon ang salin ng winika ng matanda. “Bibili pa po ba kayo?” dagdag na tanong nito.

“Ah, hindi kuya.” Hinarap ni Cairo ang matanda. “Lola, ito po limandaang piso. Bigay ko po ‘to at nang sa mailako n’yo sa iba ang gulay na ‘yan, para malaki ang kita n’yo.” Ngiting sambit niya.

Masigla ang ngiti ng matanda nang magkasalubong ang mga mata nila. At nagpapahiwatig ng pagsasalamat ang buong mukha nito.

“Maraming salamat daw sir.”

Tumango siya. “Walang anuman po. At malapit na mag-alas singko Lola at baka uulan mamaya kaya siguro ay mas mabuting umuwi na po kayo.”

Walang katapusan ang ginagawang pagpasalamat ng matanda. He gave her a bear embrace. Being new to it, it felt odd to him. He never hugs his parents. He never hugs anyone at his age. When he was a paslit, perhaps, was the last time his parents hugged him.

She whispered something. He was confused and unable to understand what the old woman was saying in her hushed tones. Papalayo na ang matanda ay minamasdan pa rin niya ito. Nang wala na ito sa kanyang paningin ay hinarap niya ang lalaki. Nagpasalamat siya sa lalaki.

“Taga rito ka ba sir?”

He shook his head. “Makati po. Pero hometown ni mommy rito. Pweding magtanong, Kuya? Kanina pa ako rito at wala pa ring tricycle.” Napakamot siya sa ulo. “Hmm... saan po ang Sitio Sekwel?”

Ngumiti ang lalaki. “Ah, hindi naman talaga lokal na transportasyon dito ang tricycle, sir. Motor po rito. At Habal-bal driver po ako. Kung gusto n’yo ihatid ko kita sa Sitio Sekwel. Mga Ten minutes po ang biyahe.”

“Talaga Kuya?” That was a relief.

“Oo naman. Pero hindi kita maihatid doon mismo sa Sitio. Hindi po maganda ang daan patungo roon. Kaya kailangan mo maglakad ng dalawang minuto bago makarating doon.”

“Okay po. Siya, ako si Cairo. Ano po ang ‘yong pangalan?” kanina pa kasi nag-uusap at hindi man lang niya naitanong kung ano ang pangalan nito.

“Tadeo po, sir.”

Tumangong ngumiti siya. Mabait nga ang mga taga-roon. Hindi niya alam kung makita nito sa mga mata niya ang isang pagkukunwari. His eyes never lie. Bakit ba niya iniisip na babasahin siya ng Habal-habal driver na si Tadeo? Mukhang nahihiya nga itong nakikipag-ugnayan sa kanya.

Maingat niyang iangat ang isang paa at kasabay nang pag-upo niya sa likuran ng motor nito. Naninibago siya. He never rides on a motorcycle. Napakapit pa siya sa balikat ni Tadeo nang muling pinaandar nito ang motor nito at umalis na sila sa lugar na iyon.

Hindi sementado ang daan bagay na sa tingin niya ay normal doon dahil na rin siguro sa panahon at hindi pa masyadong moderno hindi katulad ng lungsod. Lubak-lubak din ang daang iyon. Minsa’y patay ang makina ng motor ni Tadeo pero kumalma’t ngumiti lamang siya sa tuwing humihingi ito ng paumanhin.

Masukal ang lugar na iyon sapagkat wala siyang nakikita kundi mga talahib at mga malalaking punong kahoy. Sa madaling salita ang kulay na sumalubong sa kanyang mga mata ay berde. Saan man siya lumingon ay luntian ang nakikita niya.

Huminto ang motor sa ilalim ng malaking balete. Marami rin ang mga punong kahoy sa lugar na iyon. Dinig na dinig niya ang huni ng mga ibon na papalipat sa bawat sanga ng balete. He looked up. The leaves of the balete were serene and calm. It looks lovely somehow. Pero ang malaking katawan ng balete ay puno ng baging.

“Hanggang dito na lang tayo, sir. Hindi na kasi kaya ang daan papasok sa Sitio. May kalaliman na kasi ang putik.”

“It’s okay, Kuya Tadeo.” Mahinahon na sambit niya habang maingat na bumaba. “Hindi naman siguro malayo rito ang Sitio Sekwel?”

“Humigit kumulang dalawang minutong paglalakad, sir. At baka palarin ka na may dumaang taga roon na sumakay ng kabayo maari kang sumakay.”

He smiled. He would love it. Nabanggit din iyon ng Mommy niya na lokal transportasyon din doon ang mga kabayo lalo na sa pagluluwas ng mga taga-roon ng kanilang produkto tulad ng mais, gulay, palay, at iba pang ani ng kanilang pananim.

He gave the driver five hundred pesos pero nang maalala ang lubak-lubak na daan kanina at ang mga malalim na putikan na dapat sana ay ipinababa siya nito pero mas pinili nitong tawirin iyon kaysa ipababa siya ay dinagdagan niya ang limandaang iyon.

Nahiyang tinanggap iyon ni Tadeo. Pagkatapos nagpasalamat sa ikasampung beses ay nagpaalam na ito. Palayo nang palayo si Tadeo ay minamasdan pa rin niya ito. When Tadeo’s motor had vanished from view, all of a sudden, he noticed an elderly woman’s silhouette slowly leaving the road and entering the talahiban. Hindi niya alam kung saan ito galing. Basta-basta na lang niya nakita ang matandang iyon.

Alam niyang tao iyon. Matandang babae. Malabo lang kasi ang mga mata niya dahil siguro sa biyahe at pagod. Kaya parang sliweta na lang ito sa paningin niya.

Hindi siya naniniwala sa mga usapang sa iba ay nakapanindig balahibo. Katulad ng mga kababalaghan sa dating pinapasukang High School sa Makati. Paanong may multo? Kaya nga sinakmal ng lagim ang kanilang utak sanhi ng kanilang malikot na pag-iisip. Ang sindak o pagkatakot ay likha ng bahagi ng utak dulot ng kung anumang iniisip o napanood.

He ruefully smiled. Pagod lang siguro siya at dahil na rin hindi niya maalis ang matandang niyakap niya kanina. Hanggang
yaong oras ay tila bumubulong pa rin ang boses nito at ang ibinulong nito sa kanya. Kahit man hindi niya naiintindihan iyon ay palagay niya ay wikang pagpasasalamat iyon.

Hindi na niya iniisip iyon at tumalikod na siya. Muli siyang tumingala sa mga sanga at dahon ng balete. Nang ibinaba niya ang tingin niya ay dahan-dahan siyang humakbang sa puno ng balete upang umihi roon. Kanina pa niya pinipigil ang ihi niya. He loosen his belt, close his eyes, and whistled as he peed. Maya maya ay may narinig siyang kililing. Nagdilat siya ng mga mata at eksaktong tapos na rin siya sa pag-iihi.

Napatingin siya sa lupa at may nakita siyang lumang metal na pulseras at may palawit na t’loyong (hawkbell). Iyon marahil ang lumikha ng kililing kanina. Yumuko siya nang bahagya at pinulot iyon at umalis na roon.

Wala man siyang nakasalubong na mga tao ay dire-diretso ang kanyang paglalakad. He was panting when he reached the spot where he sight houses—that was the Sitio Sekwel.

He leaned himself against the body of the dead tree. He gave a profound sigh. From the first home, he could see smoke billowing. Cairo questioned whether or not his mother had told his grandparents that he was coming.

Pagkatapos ng halos limang minutong pagpahinga ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Ang problema niya ngayon ay kung paano hanapin ang bahay ni Lolo Elmo at ni Lola Tanya.

“Sabel!” sigaw na tawag ng aleng nakasalubong niya. “Gehelu mulek ne. Deng ne yo kehampang ye. Mungu dou motok tangkung bo busung Teme ‘em Elmo.” (Sabel, tama na ‘yang paglalaro, samahan mo ako at pumitas tayo ng kangkong sa palaisdaan ni Lolo Elmo mo.)

Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang pangalang nabanggit ng Ale. Ang pangalang Sabel at Elmo lang ang naiintindihan niya sa sinabi nito. Huminga siya nang malalim at harapin ang Ale. Marahil ay anak nito ang tinawag nito.

“Magandang hapon po. Maari bang magtanaong?”

Napatigil ang ale at bumaling ito sa kanya. “Moem dú nga?” (bakit anak?) anito sa tila mabagsik na tono.

Napakamot siya sa ulo. “Paumanhin hindi ko po naiintindihan.” Nang wala siyang natanggap na sagot mula sa Ale ay muli niyang kinausap ito. “Si Lolo Elmo... ‘yong nabanggit n’yo po. Si Elmo Faan po ba?”

Tumango ang babae.

“Ako po si Cairo ang apo ni Lolo Elmo at Lola Tanya Faan po,” sambit niyang sabay turo sa sarili niya. “Hindi ko po alam kung nasaan ang bahay nila. Maari po bang ituro n’yo sa akin ang kanilang bahay?”

Ngumiti ang babae. “Anak ka ba ni Cecilia?”

Huminga siya nang malalim nang nagsasalita na sa Tagalog ang Ale. “Opo ako nga po. Ako ang bunso ni Mommy.”

“Kaibigan ko ang ‘yong inay. Nasaan ba ang iyong inay?” sambit at tanong nito sa masiglang tono.

“Nasa Makati po abala sa trabaho. Naisipan kasi ni Mommy na ibabakasyon ako rito.” He lied. Vacation wasn’t the reason why he was there, but it was the incident that happened a week ago. Kung ano pa ang ibang rason ay hindi na niya alam pa.

“Mabuti naman kung gano’n. Halos hindi na rin nagbabakasyon dito ang iyong ina.” Parang nagtatampo ang boses nito. “Matalik kong kaibigan si Cecilia. Akala ko nga ng bumalik sila rito ng Tatay mo noong sampung taong nakalipas ay hindi na sila babalik sa Makati.” Tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa. “Kung hindi lang dahil sa masamang nangyari sayo sa panahong ‘yon—”

“Nangyari? Masama?” Napakamot sa ulong usisa niya. He knew that he was born in that Sitio. But because his Dad has work on Makati at taga-roon ang ito ay napilitan ang parents niya na lisanin ang Sitio at naninirahan sa Makati. Doon na rin tinapos ng Mommy niya ang pag-aaral nito.

The woman shrugged. “Sa tingin ko hindi ‘yon nabanggit ni Cecilia sayo. Ang yaong karanasan ay nabaon na sa limot. Ang batang nawala... Ang butong natagpuan.”

He smirked. “Ale, paumanhin po. Hindi ko po ang alam mga sinasabi n’yo.”

Ngumiti ito. “Halika na, samahan kita. Sigurado ako na matutuwa ang Lolo at Lola mo.” Masayang sambit ng ale.

Ngumiting sumunod siya sa ale. Parang mas excited ito kaysa kanya sa muling pagkikita nila ng kanyang Lola at Lolo.

Seguir leyendo

También te gustarán

1.3M 7K 10
Book One: Rae Wilder has problems. Supernatural creatures swarm earth, and humanity is on the brink of extinction. Stalked by a handsome fairy who cl...
4.9K 735 32
A congressional candidate is murdered, and the next target is his political rival. Police Detective Homer Almendares races against the clock to appre...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
4.1K 173 43
We all know how the story goes... A group of 6 highschool students on a fieldtrip that led to a disaster... Which also led them to cross realms betwe...