A White Warrior

Door jeicelfajardo

265 69 0

Si Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na... Meer

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24

CHAPTER 15

9 4 0
Door jeicelfajardo

Ilang segundos lang ay nasa kwarto na kami. Marahan niya akong nilapag sa kama. Hindi ako gumalaw. Hindi ko siya tiningnan. Naalala ko na naman kasi iyong babaeng kayakapan niya.

"Huh? Bakit mo ako iniiwasan?" Pangunguna niyang salita.

Wow! Ako pa ang umiiwas?

"Sino ba itong may kaharutang ibang babae?" Walang emosyon ko siyang tiningnan. "Sino itong piniling makipag yakapan sa ibang babae at kinalimutang may akong naghihintay doon sa parking area?" Walang gana akong tumayo habang siya ay natitigilan sa kanyang kinatatayuan.

"At heto ka ngayon? Umaaktong kasalanan ko ang lahat? Nag galit galitan? Para saan yan? Para ipalabas na ako ang may kasalanan sa hindi pagpapakita ko sayo?" Tila tinatamad kong sabi sa kanya.

"Kung ganon naman ay magaling kang lalaki para mapaniwalang......" I sighed "I'm your mate? I'm too dumb to believe it." Saka ko siya tinalikuran at pumunta sa banyo.

Tumulo ang luha ko. Ang lahat ng poot ay tila nag kakaisang bumugso sa akin ngayon. Simula sa pagiging lobo ko, sa lungkot para sa mga magulang ko, sa mga hangal na pinuno at ngayon ito.

Pinilig ko ang aking ulo. Anak ako ng mandirigma, kaya dapat hindi ako nagpapatinag sa ganito kababaw na bagay.

Hinubad ko ang aking damit at lumusog sa bathtub. Kumalat ang masarap na pakiramdam dala ng katamtamang init ng tubig sa aking katawan. Napapikit ako sa dala nitong kapayapaan sa akin.

Hindi ko kayang pigilan ang sarili na hindi isipin ang buhay ko sa malaking bahay noon. Kahit mag isa ako sa malaki kong kwarto ay hindi ko kailanman nararamdaman ang pag iisa. Tila ba may nakabantay sa akin sa malayo. Pati ang init ng kape tuwing pinagtitimpla ako ni Manang Anny ay namiss ko.

Kahit iyong sa paaralan. Wala man akong naging malapit ma kaklase ay namimiss ko ngayon. Iilang araw pa nga lang ako dito at ganon na ang kagustuhan kong bumalik doon. Tama ang kanilang sinabi. Hindi madaling waksiin ang bagay na nakasanayan mo na.

Ngunit gaano man ang kagustuhan kong bumalik doon, narito ang katotohanan ko. Narito ang buhay ko. Dito ako nagmula.

Pumikit ako saka bumuga ng hangin. Pagod ang mga talukap ko ngunit naramdaman ko na lamang na naging aktibo ito sa kadahilanang may tao sa labas ng banyo. I can hear his footsteps!

Lumubog ako lalo nang narinig ang katok ni Levi sa pinto. Napakurap kurap ako nang nakitang pinihit niya ang siradura at walang ano ano'y binuksan ito.

"What the hell?" Sigaw ko sa kanya.

Ang inaasahan ko ay iinisin niya ako gamit ang kanyang ngiti ngunit ang bumungad sa akin ay ang malungkot na mga mata.

Suminghot singhot siya at pinahid ang luha sa kanyang mata.

Bakla ampota! Anong iniyak iyak niya!?

"I'm sorry" he mouthed and pouted. Yumuko siya at nilalaro ang kanyang kuko sa kanyang mga daliri.

Kumunot ang noo ko. Para siyang batang nanghihingi ng lollipop. Damn ang cute naman. Natawa ako sa aking isipan. Tinikhim ko na lamang imbis na itawa.

"What?" Kunwari kong sabi. Inosente akong nag angat ng tingin sa kanya. Nasa baba ko lang ang tubig at nakababad ang katawan ko sa ilalim.

Nag iinit parin ang mukha ko. Bakit ba kasi siya pumasok.

"I said I'm sorry" hindi siya nag angat ng tingin sa akin kaya malaya akong napangiti sa tuwa. Nakakatawa siya tingnan.

Natahimik ako. Ganon din siya. Hindi niya makuhang tumingin sa akin. Alam kong nag sisisi siya. Kaya nga hinayaan ko siya kanina nang sa ganon ay malaman laman niya ang kanyang nagawa.

"What are you doing here? Alam mo naman sigurong naliligo ako?"

Umawang ang bibig niya para bang may sasabihin siya pero walang lumalabas sa kanyang bunganga.

Nang nakabawi siya ay muli siyang yumuko. Saka nagsalita. "Hinintay kita sa kwarto mo pero antagal mo. Hindi ko na kayang hindi ka makita at makausap" ngumuso siya at kinutkot ang kuko.

"Okay..." Tanging nasabi ko. Really, gusto ko ng tumawa. Ang cute cute niya.

"Am I forgiven?"

Nagkibit balikat ako. Sino muna yung babaeng yun.

"She's my.....uh...exfling"

Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi. Wow. Really. Ex daw pero parang sila pa ngayon.

"Sige" tipid kong sabi. Iniwas ko ang tingin sa kanya at umawang ang kanyang bibig.

"Look, that was before and......" Napamura siya ng mahina. "Damn....wala na kami non. He's just in the past"

"Okay"

"Damn it, Zaf. I'm sorry. Please look at me. I promise I won't talk to her again" puno ng sakit ang boses niya. Nakalapit na siya sa akin, hinahawakan ang mukha ko at marahan na pinaharap sa kanya.

Sadyang matigas ako at hindi ko siya tiningnan.

"Exfling daw e, pero nagyakapan at nagngitian. Edi wow, sige kayo na. Doon ka na. Takteng yan"
Nangingilid ang luha sa aking mata. Hindi ko siya kayang matingnan.

"That was nothing, you know"

"Don't touch me you gross" inis kong sabi sa kanya.

Dumaan ang sakit sa kanyang mata. Lumaylay ang braso at nagtiim bagang.

"I'm sorry"

Bago pa ako makasagot ay sinakop na ng kanyang labi ang labi ko. Napapikit ako sa diin ng kanyang mga halik. Hanggang sa naging malambot at marahan iyon.

"I won't do it again" bulong niya sa gitna ng paghahalikan namin.

Tumagal ang halikan namin at napayakap na ako sa kanyang leeg. Halos makalimutan kong nakahubad ako.

Nagkatinginan kaming dalawa ng tumambad ang dibdib ko sa harap namin. Napadila siya at tumingin sa akin.

Damn it!

"You're naked, damn it. Temptation!" Suminghap siya at tumayo saka diretsong umalis.

Mabilis akong nagbihis doon at lumabas. Naabutan ko pa siyang namumula.

"Uh..hi" bungad ko sa kanya.

"Zafira... don't tease me like that again. You know how hard to fight the temptations. Lalo na pag ikaw"

"I'm sorry... I mean, ikaw naman kasi bakit ka ba pumasok doon at naliligo ako!" Inis kong sigaw sa kanya. Pumula ang pisngi ko.

Tiningnan niya lang ako saka bumuntong hininga siya. "Come here" nilahad niya ang dalawa niyang braso.

Dahan dahan akong naglakad tungo sa kanya. Hindi pa nga ako tuluyang nakalapit ay hinila na niya ako saka mahigpit na yumakap.

"Hmm, I miss you" saka hinalikan ang aking noo.

"Makipag yakapan ka pa don"

He growl at mas lalo lang hinigpitan ang kanyang yakap sa akin.

"Hindi na mauulit."

Nanatili kaming ganon nang nagsalita ulet siya. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Bahagya siyang kumalas sa akin para matingnan ako.

"Ano naman?"

Tiningnan niya ako ng matagal tila binabasa ang aking expression.

"Wala?"

"Ha? Ano naman ang dapat kong sasabihin sayo?"

Umiling siya. "I just feel it. There's something wrong"

"With me?"

"Uh....no,"

Natahimik siya at madilim ang tingin sa kung saan. Matigas ang kanyang tingin. "I don't like it when someone trying to talk with you"

Lumobo ang pisngi ko para pigilan ang ngiti. Para akong kinikiliti niyon.

"Pero pag ikaw okay lang?" I probed.

"No, baby. Let's not talk about it. I already said sorry"

"You think you're forgiven, huh?" Lumayo ako sa kanya. Umangat ang gilid ng labi ko. Too confident.

"What? Hindi pa pala? But you kissed me already!" Naguguluhan niyang sabi.

"Biro lang. Nagagalit ka naman agad"

Tinawanan ko siya saka siya kunwaring nagtampo.

Nawala ang ngiti ko nang nahagip ng tingin ko ang ibon.

Reynard

Nagdilim ang paningin ko.

"What's wrong?"

Ningitian ko siya. "Nothing"

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

396K 8.4K 48
He was gigantic. The 7'0 monster of a man towered over her, even though he was sitting. Bright cyan eyes gazed down at her unreadably. He gestured w...
6.2M 148K 41
Ariana Belle was the typical quiet girl. She was the weak link in the ferocious Crimson Pack. She was shunned by everyone except for two people, her...
43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
13.5M 422K 110
Malia Pierce at the age of nineteen was alone, constantly moving in fear she would be hunted down and found by her tormentors. She is the Alpha's dau...