My Husband is Gay

By Jejelobsss

98.3K 4.3K 414

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 32

1.5K 75 0
By Jejelobsss

Chapter 32: Kumprontahin

“Hindi ka na ba nilalagnat? Ayos ka na ba talaga?” pang ilang tanong na ito ni Ay-Ay.

Kanina pa siya tanong ng tanong ‘e, paulit ulit lang. Tiningnan ko siya at kumain ng pancake. Nandito kami ngayon sa dining area, kumakain ng breakfast. Ihahatid niya daw ako at susunduin pagkatapos ng klase ko na hindi ko naman pinaniwalaan. Hindi naman niya iyun gagawin tulad nung isang araw.

“Kung hindi ako ok, hindi ako papasok.” inirapan ko siya at yumuko nalang sa pagkain ko.

Napabuga siya ng hangin at nagitla naman ako ng hawakan niya ang kamay ko. May kuryente kasing dumaloy ‘e. Kahit na nasasaktan ako ngayon ay mas nananaig ang pagmamahal ko sa’kanya.

“Galit ka pa rin ba?” paglalambing niya habang hinahalikan ang kamay ko.

Hindi, kasi nasasaktan ako pero hindi ko magawang magalit.

“Hindi.” malamig kong sabi at inalis ko ang kamay ko pero mahigpit niya iyong hawak.

“Sorry na.” nagpapacute ba siya?

Nag-iwas ako ng tingin sa mga mata niya. Nag puppy eyes kasi, hindi ko matagalan na tingnan baka bumigay ako.

“Busy kasi ako nung mga araw na iyun, kaya hindi kita nasundo. At kaya ako galit sayo ay dahil nakita ko kayo ni Calvin na magkayakap. Galit at nagseselos ako. Ako lang dapat ang yumakap sayo dahil akin ka lang.” hinaplos haplos pa niya ang kamay ko sa pisngi niya.

Napatunganga naman ako. Gusto kong matawa at umiyak sa sinabi niya. Gago, ang sakit na!

“Oo na, bitawan mo na ngayon ang kamay ko. Male-late na ako.” napangiti naman siya sa sinabi ko at hinalikan pa ang kamay ko bago ko bawiin.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na niya ako. Pinagbuksan naman niya ako ng kotse ng nasa harap na kami ng gate ng school.

“Susunduin kita mamaya ‘a.” bakit ba ang lambing lambing niya ngayon?

“G.” simpleng sabi ko at aalis na sana pero hinila niya ang ako.

“G? Yun lang, wala bang kiss at Iloveyou?” natawa naman ako ng sumimangot siya.

Para hindi niya mahalata na nasasaktan ako ngayon ay lumapit ako sa’kanya at tumingala. Yumuko naman siya sa’kin sa pag-aakalang bibigyan ko siya ng kiss. Kinurot ko ang pisngi niya na ikinabusangot niya. Ngumiti ako at mabilis siyang hinalikan sa tungki ng ilong.

“I love you, bakla.”

Mahal na mahal kita, kahit ang sakit sakit na.

“I love you too, wife!” rinig kong sigaw niya dahilan para tumingin sa’kin at sa’kanya ang mga estudyante na kinikilig.

Naglalakad ako sa corridor ng biglang may sumabay sa’king tao. Napatingala naman ako at ang nakangiting si Calvin ang nakita ko. Gulat at nagtataka naman akong tumingin sa’kanya.

“I transfer here. Katulad mo ay med student din ako.” ngiting ngiti na sabi niya.

Kailan pa ito nag transfer dito? Gusto ko sana siyang layuan pero magtataka siya kung bakit ko iyun ginagawa. Mabait naman siya sa’kin at parang wala naman na namamagitan sa’kanila ni Ay-Ay.

“Tinatanong?” masungit kong sabi, gusto ko siyang suntukin.

Bakit kasi bumalik pa siya?! Masaya na kami ‘e.

“Ayos na ba kayo ni Eron?” maya mayang tanong niya.

Taka ko naman siyang tiningnan, “Sinong Eron?”

Napakamot siya ng pisngi, “I mean  Aywayne. Ayos na ba kayong dalawa?”

Tumango tango naman ako, “Oo, bati na kaming dalawa. Humingi na siya ng sorry.” ngumiti ako ng pilit.

Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya pero panandalian lang.

“Good to know.” at nauna na siyang naglakad papalayo.

Nakatingin lang ako sa’kanya habang papalayo at nagkibit balikat nalang sa inasta niya kanina.

Pagkapasok ko sa room namin ay hindi ko naman nakita si Calvin, baka iba ang year naming dalawa. Halata naman na mas matanda siya sa’kin, mukhang mag kaedad lang sila ni Ay-Ay.

Nang matapos ang lunch namin ay hindi muna ako pumunta sa room dahil vacant pa naman kami. Sila Danreb ay hindi ko naman mahanap, palagi nalang silang dalawa na magkasama. Nakalimutan na nila ako.

Naglalakad ako papunta sa garden na lagi kong tinatambayan ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag, si Ay-Ay. Imbis na sagutin ko ay pinatay ko nalang ang phone.

Nakatingin lang ako sa phone ko na patay na at huminga ng malalim dahil parang maiiyak na naman ako.

Hindi ko na siya maintindihan. Hindi ko na alam ang nangyayari sa’min.

Nakatingin lang ako sa malawak na garden ng biglang may tumikhim kaya napabaling ako dun. Nagtaka na naman ako kung bakit na naman nandito si Calvin.

“Bakit?” tanong ko.

Ngumiti siya at naupo sa tabi ko.

“Gusto lang sana kitang i-invite sa birthday party ng kapatid ko mamaya.”

Gulat naman akong napatingin sa’kanya, “Bakit mo naman ako i-invite?” takang tanong ko dahil hindi ko naman alam kung bakit i-invite niya ako.

Ilang araw pa lang kaming magkakilala ‘e.

“Of course, your my friend.”

Napakunot ang noo ko, “Kailan pa tayo naging friend?”

Natigilan siya pero natawa din, “Simula ng magpakilala ako sayo.”

Napairap ako. Ibang klase din itong ex ni Ay-Ay ‘e.

“Sige na, please. Sama ka sa’kin mamaya, ihahatid din kita. Inaasahan pa naman ng kapatid ko na ipapakilala kita. Magtatampo yun kapag hindi ko ginawa.” pagpapa-awa niya.

Napaiwas naman ako tingin. Madali akong maawa ‘e baka bumigay ako.

“Ayoko nga, 'di tayo close.” umirap ako pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

“Please, please.” nag puppy eyes pa siya.

Napakagat nalang ako ng labi dahil tumatalab ang pagpapa-awa niya ‘e. Wala na akong magagawa, ang kulit ‘e.

“Fine!” inalis ko ang kamay ko sa kamay niya.

Napasigaw naman siya ng yes na ikinagulat ko. Ang OA naman nito.

“Sa’kin ka na sasabay mamaya para mapaayusan kita.” at tumakbo siya kaya hindi na ako nakapag salita pa.

Madilim na ng matapos ang klase namin at iyong dalawa na si Danreb at Erin ay biglang nawala. Ang bilis bilis talaga nilang mawala sa paningin ko, mukhang gusto talaga nilang solong solo ang isa’t isa.

Papalabas na ako ng gate nang biglang may humawak sa braso ko kaya napaigta ako. Natawa naman si Calvin at pinalo ko siya ng bag ko sa inis.

“Sorry kong nagulat kita. 'Lika na.” bigla nalang niya akong hinila kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa’kanya.

Isinakay niya ako sa kotse niya at huminto ito sa mall. Pinaayos niya ako sa isang parlor dito at pumunta din kami sa boutique para makapag palit ako ng damit. Napalunok naman ako ng makita ko ang itsura ko.

Kulay red ito at ang ikli din. Kitang kita ang maputi kong legs at nakikita din ang leeg ko. Seryoso, damit ba ito? Pagkatapos ng ilang oras na pag aayos ay lumabas na ako at mangha naman na napatingin sa’kin si Calvin. Kahit nakatakong na ako ay ang tangkad pa din niya, pareho sila ni Ay-Ay.

“You’re so gorgeous.” napairap naman ako.

Ang totoo niyan ay ayaw ko itong kasama si Calvin, napipilitan lang ako. Hindi ko alam pero masama ang parati kong nararamdaman kapag nandyan siya.

Inalalayan naman niya akong makasakay sa kotse. Tahimik lang kaming dalawa sa kotse habang bumabyahe.

Hindi ko na hinintay pa siyang pagbuksan ako ng huminto na ang kotse. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingala sa isang... bar?

“Bakit tayo nandito?” bumaling ako sa'kanya.

Naalala ko itong bar na ito ‘e. Ito yung Red Bar na palaging pinag iinuman ni Ay-Ay. Bakit nandito kami? Dito ba gaganapin ang party?

“Dito ang party ng kapatid ko. Let’s go.”

Napabuntong hininga nalang ako at kumapit sa braso niya. May ipinakita si Calvin sa isang guards dito bago kami makapasok. Pagkapasok namin ay malakas na tunog, naghalohalong alak at sigarilyo ang naamoy ko. Maraming sumasayaw sa dance floor at sa unahan ng dance floor ay may dalawang babaeng naka bikini ang sumasayaw. Napalunok ako, wala ganyan nung unang punta ko dito ‘a.

Naglakad kami sa gilid at mula sa malayo ay may tumayong tao at kumaway sa’min. Napatingin naman ako kay Calvin na nakangiti dun sa lalakeng tumayo.

Pagkarating namin sa pwesto ng lalake ay gulat at natigilan ako ng makilala ko ang lalakeng tumayo.

“Noel!” sigaw ko dahil baka hindi niya marinig dahil sa lakas ng tunog.

Kumunot naman ang noo niya at tiningnan ako ng mabuti bago nanlaki ang mga mata. Hinawakan niya ang balikat ko.

“Oh shit, Miracle! Why are here?!” gulat niyang sigaw.

Hindi naman ako makasagot dahil natulala lang ako sa gulat. Bakit nandito ang isang doctor sa lugar na ito?

“Kuya, kilala mo si Miracle?” napatingin ako kay Calvin.

“Magkapatid kayo?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango tango naman siya, “Yeah, Castillo’s brother.” ngumiti siya at umakbay kay Noel.

Calvin Castillo at Noel Castillo! Magkapatid nga sila! Bakit hindi man sumagi sa isip ko iyun? Nagpakilala naman sila sa’kin sa buong pangalan nila pero hindi ko man napansin.

Naupo muna kami at napatingin naman ako sa tatlong lalake at isang babae na nakatingin sa'kin. Ngumiti naman ako at ganun din ang tatlong lalake maliban lang sa isang babae na inirapan ako. Binalewala ko nalang iyun.

“Tss, bakit mo dinala si Miracle dito? Malalagot tayo niyan kay Aywayne ‘e, mainit pa naman ang dugo sa’kin ng baklang yun ‘e.” naiinis na sabi ni Noel na katabi ni Calvin.

“Pake ko, wala namang ibubuga sa’kin ang ex kong yun.”

Nangunot at nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Calvin. Kahit gusto ko siyang sigaw sigawan dahil sa pang lalait niya sa asawa ko ay hindi ko magawa. Paano niya nasasabi iyun kay Ay-Ay, kahapon lang ay ang saya saya nila ‘a.

“Uhm, sino pa lang may birthday?” sumingit na ako sa dalawa.

Nagsalubong ang kilay ni Noel, “Ha? Birthday? Wala namang birthday sa’min.”

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin ako kay Calvin na nagtatanong.

“Meron. Kuya, diba birthday mo ngayon?” bumaling siya kay Noel na ang sama sama na ng tingin kay Calvin.

“Fuck you, Calvin. Huwag mong gawin kong ano man ang nasa isip mo. Para ko ng kapatid itong si Miracle kaya ako talaga ang makakalaban mo kapag may ginawa kang masama.” sabi ni Noel na hindi ko naman maintindihan.

“Fuck you too, Kuya.” lumagok ng wine si Calvin.

Napabuntong hininga nalang ako pero napatigil ako ng biglang ilahad ni Calvin ang isang basong alak sa’kin.

“Calvin.” maotoridad na sabi ni Noel pero hindi siya pinansin nito.

“Please.” pakikiusap niya at inilalapit pa sa’kin ang alak.

Wala naman akong magawa kundi ang kunin at inumin iyun. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko at muntik ko ng maibuga, buti nalang napigilan ko. Ang pait!

Lalapit na sana sa’kin si Noel ng hinila siya ng babaeng inirapan ako kanina. Hinila siya nito sa dance floor. Hindi ko na siya masundan ng tingin dahil marami ng taong nag sasayaw ang nakaharang.

“Here. Don’t worry, masasanay ka ding uminom nito.” inabot naman niya sa’kin ang isang baso pang alak na kinuha ko naman.

Nag cheers kaming lima sabay inom ng alak. Kumuha ako ng kalamansi ata ito at napangiwi ako dahil sa asim. Hindi ko naman namalayang marami na ang nainom kong alak at sumasayaw na din kaming lima dito hanggang sa naramdaman kong hinila ako ni Calvin papunta sa dancefloor. Nakataas ang dalawang kamay ko habang tumatalon talon at gumigiling giling. Nawala na ako sa sarili dahil sa alak.

Napatigil ako at napakapit sa balikat ni Calvin ng makaramdam ako ng hilo.

“You ok?” bulong niya sa tenga ko.

Tumango tango naman ako, “Yeah, punta muna ako sa cr.” hindi ko na siya pinag salita.

Umalis na ako dun sa dancefloor at pagiwang giwang akong naglalakad papunta sa cr dito. Nalaman ko naman kung nasaan ang cr dahil may karatula naman sa taas ng isang pinto.

Naghugas ako ng kamay at naghilamos din. Buti nalang ay wala akong make-up, hindi kasi ako nagpalagay ‘e. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero nag-iinit ako ngayon. Nahihilo at sumasakit na din ang ulo ko.

Hinilot ko ang sentido ko at napasandal sa dingding. Napatalon ako sa gulat ng biglang malakas na bumukas ang pinto. Gulat akong napatingin kay Ay-Ay na ngayon ay galit na galit na nakatingin sa’kin. Paano niya nalaman na nandito ako?!

Napadaing ako ng bigla niyang hawakan ng madiin ang braso ko at kinaladkad ako. Halos madapa na ako dahil sa lalaki ng hakbang niya. Napatingin ako sa gitna ng dancefloor dahil nakatayo lang ang mga tao dun at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Calvin na dahan dahang tumatayo habang nakahawak sa labi niya. Napatingin siya sa’kin at ngumisi na ikinatindig ng balahibo ko.

Nang makalabas kami sa bar ay huminto kami sa isang medyo madilim na parking lot. Binitawan niya ako. Napapikit pikit naman ako dahil sa hilong nararamdaman ko.

“Alam mong galit ako sa Calvin na iyun tapos sasama kapa rin sa'kanya!” galit niyang sigaw sa’kin.

Napahawak ako sa sentido ko, “Magsisimula na naman ba tayo? Pag-aawayan na naman ba natin ang pagsama ko kay Calvin?”

“Dahil hindi mo ako sinusunod!” napatingin ako sa’kanya.

“Ayaw mo akong lumapit lapit sa'kanya dahil natatakot ka na magustuhan ako ni Calvin?! Kasi ang gusto mo ay ikaw lang ang mahal niya! Diba?! Kasi hanggang ngayon may nararamdaman pa rin kayo sa isa’t isa!” umiyak na ako habang sumisigaw.

Hindi ko alam kung saan ko napulot ang tapang na iyun, siguro epekto ng alak.

“Nakita ko kayo kahapon. Masaya, masayang masaya. Parang tayo din noon. A-Alam mo ba na tinatawagan kita? P-Pero anong ginawa mo? Pinatayan mo lang ako dahil ayaw mo ng istorbo, diba?” natigilan siya at hindi makapag salita.

Napatingin ako sa'kanya habang lumuluha pa rin.

“Sabihin mo nga sa'kin ang totoo, Ay-Ay.” huminga ako ng malalim, “M-Mahal mo pa rin ba siya? Mahal mo pa rin ba si Calvin? D-Dahil kung oo, handa kitang palayain.”

Continue Reading

You'll Also Like

48.9K 1.2K 8
Jungkook Killed his family for unknown reason no one ever knew, Even the polices. He is a bad boy everyone is afraid of at the Jail and In the world...
2K 51 28
She's a happy girl and a lovable person. She always think of her family. He's such a rude man. His time is precious so don't waste it.
114K 2.8K 58
Well, the title says it all, that My Boyfriend is a Gay