The Rejected Amore✓

Par AKAMIGEN

162K 3K 835

Marriage is a sacred testament that two people in love are blessed from above. Who wouldn't want to get marri... Plus

The Rejected Amore
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Epilogue
Special Chapter #1

Chapter Sixteen

5.2K 92 9
Par AKAMIGEN

Kendal's POV

Sa madilim na daan ay palaging may liwanag kang matatanaw. Pero paano kung ang liwanag na iyon ay unti-unting mapundi, hanggang sa tuluyan itong mawala. Ano ang gagawin mo para matanaw ang dulo ng daan?

Para patuloy kang makapaglayag ay kailangan mong maghanap ng paraan o maghanap ka ng kakampi. Sabi nga sa math, lahat ng problema ay may solusyon. Parte ng buhay ang sumabak sa mga balakid.

Isinara ko ang libro na aking binabasa ng makita si tito Kendrick na papalapit saakin; si tito ay kapatid ni mama. Sa ilang araw na walang namamahala sa kompanya, gawa ng namatay sina mama at papa. Siya ang pansamantalang nag-handle nito.

"I'm sorry if hindi kita nadamayan nung namatay ang mga magulang mo. Alam mo namang may sakit ang anak ko at hindi ko ito pwedeng iwanan," bungad ni tito bago umupo sa harapan ko. Narito kami ngayon sa coffee shop na malapit sa bahay nina Arturo.

Nginitian ko lang ito. "No, it's okay. Naging maayos naman po ako after non," pagsisinungaling ko.

Hindi ako naging ayos pagkatapos non. Sunod-sunod na pasakit at problema ang dumating saakin matapos ilibing sina mama: nahuli ko ang bestfriend at asawa ko na may ginagawang kataksilan. Nagahasa ako. Nawalan ako ng anak. Namatayan ako ng bestfriend. No. I'm not okay. But I need to lie. Ayaw ko ng dagdagan pa ang problema ni tito. May sakit ang anak niya at naka-confine ngayon, but still, hindi niya parin pinapabayaan ang business na naiwan nina mama at papa. I'm so grateful to him.

Kinuha ko ang envelope sa aking tabi at binigay sakanya. Nagtaka pa ito dahil doon subalit kinuha niya rin naman. Binuksan niya iyon at kinuha ang papel na naroon.

"Ano to?" tanong niya.

"Kayo na umalam, tito. You deserve that," I reply.

Nanlaki ang mga mata nito nang mabasa ang mga nakasulat sa papel. Tinignan ako nito nang hindi makapaniwala.

"Is this true? Nilipat mo ang pangalan ng kompanya sa pangalan ko?"

I smiled at him. "Yes. You deserve that. Simula nung una ay ikaw na ang kasa-kasama nina mama at papa sa pagpapatakbo ng kompanya and I think, sa ating dalawa. Mas nararapat na saiyo mapunta ang mga business na naiwan nila."

Naluluha nitong hinawakan ang aking mga kamay. Pilit niyang binabalik ang mga papel saakin subalit pinanatili kong sarado ang mga kamay ko.

"I don't deserve this. Ikaw ang anak kaya dapat ay sayo mapunta yan."

"No, tito. Ikaw ang nagpalago sa business namin kaya deserve mo yan. Mas makakahinga ako ng maluwag kung alam kong nasa magandang kamay ang naiwan na nagesyo nina mama at papa. Beside, wala naman akong alam sa mga business-business na yan. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkalugi niyan," tugon ko.

"Pero paano ka?"

"Paano ako? Well, balak kong magtayo ng isang maliit na bakery shop. Ayun naman talaga ang pangarap ko dati pa."

Bata palang ako ay mahilig na talaga akong mag-bake. Natutunan ko iyon kay mama. Hindi ko na natuloy ang pangarap ko dati na magpatayo ng bakery shop dahil mas nag-focus ako kay Hermes. Dahil sa paghahabol ko sakanya ay nakalimutan kong gawin ang pangarap ko. Nakalimutan kong gawin ang bagay na tunay na nagpapasaya saakin.

"Kung may kailangan ka, huwag kang mahihiya na lapitan ako," wika ni tito.

Tumango lang ako rito at nakipagkamay bago umalis.

Sa lahat ng mga balakid na nangyari saaking buhay. Dapat lang siguro na unahin ko muna ang sarili ko bago ang iba. Dahil sa kagustuhan kong maging masaya ang iba ay nakalimutan kong pasayahin ang sarili ko. Nakalimutan kong mahalin ang sarili ko. Need ko ngayon ng self love.

Nakita ko si Arturo na nakasandal sa kawayan nilang gate at mukhang hinihintay ako. Ngumiti ito ng malaki nang makita ako. Kinaway-kaway niya pa ang kanyang kamay na parang bata.

Tumakbo ito papalapit saakin. Nang tuluyan na itong makalapit saakin ay agad ako nitong hinigit at hinalikan sa ulo.

"Hindi pa nga kita sinasagot, may paganyan kana," kunwareng inis na sabi ko.

Ngumuso ito saakin. "Ayaw mo iyon? Gentlemen ang future husband mo."

"Asa ka," natatawa kong sagot.

Sabay kaming pumasok sa loob ng kanilang munting bahay. Alam ko na marami sainyo ang nagtataka kung bakit dito parin ako nakatira, gayong mayaman naman ako at kayang-kaya ko bumili ng mamahaling bahay. Well, aanhin ko ang malaking bahay kung mag-isa lang ako roon. Mas mabuti ng narito ako ngayon sa maliit at hindi kagandahan na bahay, kasama ang mga taong bumuo saakin nung winasak ako ng tadhana. Mga taong tumanggap saakin nung mga panahon na kahit ako ay umaayaw na sa sarili ko.

They are now my home.

Umupo ako sa kawayang upuan at masayang pinanood ang kapatid ni Arturo na si Estela habang naglalaro ng barbie. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang ipukpok ang barbie sa pader at umakto na binabaril ito.

Dyusko, anong nangyayari sa batang ito?

"Ganyan talaga yan. Idol niya kase ang gwapo niyang kuya. Pangarap din maging pulis," wika ni Arturo bago ibigay saakin ang basong may laman na tubig.

"Really? Kasama ba sa pagiging pulis yon?" Takang tanong ko rito bago inguso ang ginagawa ngayon ni Estela.

Nagulat si Arturo nang makita niya ang kanyang kapatid na hinahalikan ang barbie. Mabilis niya itong nilapitan at marahas na hinablot ang barbie.

"Saan mo natutunan yan?" May bahid na galit na sabi ni Arturo.

"K-kuya s-sorry. Nakita ko kase iyon na g-ginagawa niyo ni Ate Kendal nung isang araw. K-kuya nag-kiss kayo," natatakot na sagot nito. Iyon siguro yung araw na pumunta kami ni Arturo sa lugar na kung ituring ko ay paraiso.

"T-talaga b--" Walang makapa na kahit anong salita si Arturo dahil maging siya ay gulat. Hindi niya inakala na may nakasaksi pala roon at ang mas worst pa ay kapatid niya.

"Kuya are you mad at me?"

"No, I'm not. Hindi ako galit, disappointed lang ako sa ginawa mo. Hindi mo dapat ginagaya ang lahat ng nakikita mo. Hindi mo dapat ginagawa yon, bata ka pa," paliwanag ni Arturo.

Yumuko si Estela at pasimpleng pinunasan ang mga luhang nakatakas na bumagsak sa kanyang mukha.

"Kuya, galit kaba dahil ginaya ko ang nakita kong ginagawa niyo ni Ate Kendal, o galit ka dahil kiniss ko ang barbie?"

Naguguluhan naman na tumingin si Arturo sa kanyang kapatid. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan."

"K-kuya, sabi ng mga kalaro ko ay mali raw na mag-kiss ng babae kapag babae ka. Masama raw yon. Siguro kuya galit ka dahil babae si barbie tapos babae rin ako."

Mabilis na umiling si Arturo matapos marinig ang mga iyon. Nakita ko rin ang paglabas ni Inang mula sa kusina, mukhang narinig nito ang sinabi ng kanyang anak. Tibo ba si Estela?

Umiyak ng malakas si Estela at lumuhod ito sa harap namin.

"Kuya, mama, ate, sorry po kung babae ang gusto ko. Hindi ko po sinasadya na magkagusto sa kapwa ko babae. I'm sorry po. Hindi na po mauulit. Magpapagamot po ako sa doctor para mawala po ito." litanya ni Estela habang umiiyak.

Napatakip naman ng bibig si Inang dahil sa gulat. Napanganga naman ako. Kahit gulat si Arturo ay pinilit niyang tinago ito. Lumuhod siya para mapantayan ang kapatid.

"Estela, hindi mo kaylangan mag-sorry. Walang mali kung gusto mo ng babae kesa sa lalake. Walang mali roon. Hindi mo kaylangan pumunta sa doctor para magpagamot dahil hindi yan sakit. Walang mali sa nararamdaman mo," wika ni Arturo bago yakapin ng sobrang higpit si Estela.

Lumapit sakanila si Inang na umiiyak na rin ngayon. "Oh, my dear Estela. Tanggap ka namin. Tanggap ka namin kung sino ka man. Hindi kita ikakahiya dahil walang mali sa nararamdaman mo kaya huwag na huwag mong iisipin na may mali saiyo." Yinakap niya ng mahigpit ang dalawang anak.

Nakangiti ako habang tinatanaw ang mag-anak na umiiyak habang nakayakap sa isa't isa. Ito ang dahilan kung bakit napaka-importante na dapat ay bukas ang komunikasyon sa isang pamilya. Sa oras na ang komunikasyon ay maayos sa isang pamilya, ang mga issue katulad nito ay paniguradong mareresolba agad. Nawa'y lahat ng pamilya ay handa sa mga usapin katulad nito.

Natigil silang lahat ng may kung sino ang tumawag saaking pangalan.

"Dito po ba nakatira si, Ma'am Kendal Varley? May sulat po para sakanya!"

Lumabas ako para puntahan iyon. Nakita ko ang isang mail man na nasa harap ng bahay. Inabot nito saakin ang isang sulat.

"Kanino galing to?" tanong ko.

"Kayo nalang po ang umalam, ma'am," sagot nito bago umalis.

Pumasok ako sa loob ng may pagtataka sa mukha. Nakita ko si Inang at Estela na nag-uusap sa gilid, hindi pa rin tapos umiyak si Estela at pinapatahan naman ito ni Inang.

"Kanino galing yan?" Tanong ni Arturo.

"Hindi ko rin alam," sagot ko.

Umupo ako sa kawayang upuan at binuklat ang sobre na naglalaman ng sulat. Umupo sa tabi ko si Arturo at mukhang balak nitong maki-basa.

Pagbukas ko palang ng sobre ay umalingasaw agad ang mabangong halimuyak ng papel. Tumutok ako sa may ilaw para makita ng mas malinaw ang mga nakasulat. Lumapit naman si Arturo at sinamahan akong magbasa.

To My Beloved Wife:

Paano ko ba 'to sisimulan? Uhm, siguro ay sisimulan ko siya sa thank you. Maraming salamat sa walang sawang pag-intindi saakin dati. Maraming salamat dahil hindi mo ako sinukuan. Sobrang dami kong dapat na ipasalamat saiyo subalit baka mangalay ang kamay ko kung iisa-isahin ko ang lahat ng 'yon. Kendal, gusto kong sabihin na hindi ko ginusto ang mga nangyari saiyo. Kung may nasabi man akong hindi maganda at nagawang hindi maganda, hindi ko 'yon ginusto pero kahit na gan'on ay taos puso akong humihingi ng kapatawaran saiyo. Alam kong makapal ang mukha ko para magsulat ng ganito kahit na ilang ulit na kitang sinaktan. Hindi ko nga alam kung binabasa mo ba 'to o baka pinunit mo na at tinapon. I hope na mabasa mo 'to dahil kaylangan mong malaman ang katotohanan.

Kendal, may dissociative identity disorder ako. Nakuha ko ang sakit na ito dahil sa naranasan kong rape na ginawa ng sarili kong tita at mga kakilala niya. Paulit-ulit nila akong binaboy, minolestiya at pinagpasa-pasahan. Dahil doon ay nabuo ang isa kong katauhan. But don't worry, ayos na ako ngayon. Nakakulong na ang lahat ng mga nangmolestiya saakin at si tita ay nasa mental na ngayon. Gusto ko man silang patayin dahil walang kapatawaran ang ginawa nila saakin subalit labag sa utos ng Panginoon 'yon. Hindi ako masamang tao kaya hindi ko magagawang pumatay. Kahit masakit ay pinatawad ko sila.

Noong una kitang makita, nabighani mo ako. Totoo iyon. Love at first sight ata ang tawag doon. Para bang may koneksyon na tayong dalawa kahit first time palang kita nakita no'n. Pero kahit may nararamdaman ako saiyo ay kailangan kong ipagtabuyan ka. Natatakot akong umatake ang isa kong katauhan. Brutal kasi ito at walang sinasanto kaya nakatatakot ako na baka saktan ka niya. Kahit masakit sa part ko na makita kang umiiyak dahil saakin, tiniis ko. Gusto kitang protektahan dahil ayaw kitang masaktan pero hindi ko na-realize na, matagal na pala kitang nasasaktan.

Nung oras na nakita mo kami ni Dianne na may ginagawang kataksilan, hindi namin 'yon ginusto. Umatake ang isa kong katauhan no'ng mga oras na 'yon. Tinakot niya si Dianne kaya wala itong nagawa kung hindi ang sumunod. I swear, walang may gusto na mangyari iyon. Naroon si Dianne para bisitahin ka at hindi ang pagtaksilan. Nabalitaan kong namatay na pala si Dianne. Nakikiramay ako saiyo dahil sa pagkawala ng bestfriend mo. Sana kapag nabasa mo ito ay mapatawad mo na siya para tuluyan ng matahimik ang kaluluwa niya. Kendal, wala siyang kasalanan. Ayos lang kung saakin mo isisi ang lahat, tatanggapin ko.

Ang lahat ng ginawa kong mali saiyo. Mula sa pag-victim blaming hanggang sa pagpatay ko sa anak mo ay hindi ko sinasadya. Hindi ko kase kontrolado ang utak at katawan ko no'n kaya wala akong magawa. Huwag kang mag-alala dahil habang binabasa mo ito ay nasa Amerika na ako at kasalukuyang nagpapagamot para mawala na ang isa kong katauhan. At para makasama ka narin ng walang pangamba.

Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako. Ang nais ko lang ay malaman mo ang katotohanan. Mahal kita. Sobrang mahal. Hindi na muna ako magpa-file ng divorce dahil gusto kong hintayin mo ako. Alam kong demanding ako pero please, hintayin mo ako. Gusto kong bumawi. Kahit three months lang. Bigyan mo ako ng three months para makapag-pagamot tapos babalik ako. Babalikan kita kahit hindi ako sigurado kung may babalikan pa ba ako.

Kung sakali man na mahuli ako ng dating at ma-realize mong si Arturo pala talaga ang mahal mo, tatanggapin ko. Subalit hangga't hindi mo pa siya sinasagot. Hangga't hindi pa nawawalan ng bisa ang kasal natin. Hindi ako mawawalan ng pag-asa at hindi ako susuko. Patuloy kitang mamahalin hanggang sa dulo ng mundo.

Mahal na mahal kita, Kendal.

From Hermes Davidson

Nag-init ang dulo ng aking mga mata matapos mabasa ang liham. Hindi ko inakala na habang nasasaktan ako ay nasasaktan din pala siya. Hindi ko alam. Kung alam ko lang sana ay baka nakagawa ako ng paraan. Kung hinayaan ko lang sana non mag-explain si Dianne ay baka hindi siya nag-suicide. Bakit ba palagi nalang ako gumagawa ng katangahan? Bakit ba ang tanga-tanga ko!

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Kendal. You're feeling is valid. Karapatan mong masaktan nung mga panahon na iyon. Lahat kayo ay biktima ng mapaglarong tadhana. Ano man ang nangyari sainyong dalawa ay hindi niyo kasalanan. Pareho kayong biktima," wika ni Arturo.

Tinignan ko ito at nakita kong umiiyak na rin siya katulad ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ang mga ito. Diba dapat ay magsalita siya ng masama kay Hermes dahil gusto niya ako. Hindi ba siya natatakot na baka balikan ko si Hermes dahil dito? Hindi ba siya natatakot na baka iwan ko siya? Karibal niya ito pero bakit ganito? Nakakainis! Bakit napaka-selfless mo, Arturo?

"Arturo, hindi kaba natatak--"

He cut me off. "Kung gusto mo siyang hintayin, tatanggapin ko. Kung one day ma-realize mong mahal mo pa pala siya, hahayaan kita. Ang pagmamahal ay mapagparaya. Basta ito lang ang tatandaan mo. Ano man ang maging desisyon mo ay susuportahan kita. Ganyan kita kamahal, Kendal. Handa ako magparaya para sa ikakasaya mo," wika nito bago kuhanin ang aking kamay at halikan.

Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat maramdaman. Ngayong alam ko na ang katotohanan ay nawala na parang bula ang lahat ng galit ko kay Hermes. Sa relasyon naming dalawa ay pareho pala kaming nasasaktan. Gusto kong balikan si Hermes dahil gusto kong ayusin ang nawasak naming relasyon subalit ayaw kong iwanan si Arturo dahil ito ang naging sandalan ko ng wala na akong masandalan.

Hindi ko na alam kung sino ba dapat ang piliin ko sa dalawa.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
12.2K 499 51
COMPLETED Meet Leslie Magtrano, a victim of school bullying, but she's a resilient woman. She spends her time mostly in school and helping her parent...
1.9M 33.6K 75
"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-mani...