Falling for the Billionairess...

Autorstwa elisestrella

3.1M 82.3K 16.1K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... Więcej

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 22
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 21

53.6K 1.3K 168
Autorstwa elisestrella

 DI AKO nakatulog nang matino. Hindi talaga. Pagising-gising ako sa tuwing kikilos si Meredith. Hindi naman siya magulo matulog pero talaga lang sensitive yata ako sa kanya. Lalo na n'ung tumaas 'yung hita niya sa hita ko at nasagi si Taho Boy, ay sos.

Pero nang magmulat ako ulit at mataas na ang araw sa labas, para 'kong nakatulog nang buong 8 hours sa sarap ng gising ko. Nakasiksik pa rin sa 'kin si Meredith, nakapatong ang pisngi sa dibdib ko at Lowrd, nasa ilalim ng T-shirt ko ang braso niya, nakalapat sa wide, sexy chest ko ang isang palad.

Ba't nasa loob ng T-shirt ko ang kamay niya? Baket? Sana sa loob na lang ng shorts...

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanigas na parang estatwa pero kapag hinagod niya ang dibdib ko, lulundag na talaga ako palabas ng balat ko, hindi ko na kaya 'to!

Maya-maya, narinig kong bumuntong-hininga siya, and moaned sexily. Hindi ko napigilan ang ngumiti. Masaya pa rin ako. Pero hinila niya palabas ng T-shirt ko 'yung braso niya, tumalikod sa 'kin—bakit siya tumalikod sa 'kin?—at hinila ang kumot. Hinablot ko 'yun at hinawakan para hindi 'yun maalis sa ibabaw ko.

"Kumot," antok na antok niyang bulong bago hinila ulit 'yung kumot. Gumulong ako kasama ng kumot at dumagan sa kanya. Napatili siya at napabalikwas sa gulat. Nanatili ako sa ibabaw niya, masayang nakangisi sa kanya. "Good morning!"

"Good morning," natatawa niyang sagot bago yumakap sa 'kin. Maingat kong ibinaba ang katawan ko sa kanya para dumagan sa kanya. Muntik na 'kong umungol sa sarap ng pakiramdam. Isiniksik niya ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. I hugged her tighter and she snuggled closer. At sininghot niya ako.

She sighed. "God, you smell delicious."

Nagulat ako. "Gising ka na ba?"

Tumango siya at sininghot ako ulit. "Ang bango-bango. Mabango ba lahat ng lalaki pagkagising sa umaga?"

"Hindi ko alam. Si Marlon pa lang ang lalaking nakakatabi ko sa kama eh. Mabaho siya. " 

Bumunghalit siya ng tawa. Mukhang maganda rin ang gising niya. Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo at hinila siya nang gumulong ako. I love being on top of her pero gusto ko rin namang nakakahinga siya. "Ano'ng gusto mong breakfast?"

"Magluluto ka?"

"Hindi." Ngumisi ako nang tingalain niya ako. "Pero may koleksyon kami ng cereals ni Kuya. Pwede kang mamili."

"Hmm." Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o magwawala nang mag-inat siya habang nakadikit ang buong katawan sa harapan ko. Soft body... soft skin... soft... breasts...

Mandadakma na sana ako ng di pa pwedeng dakmain pero nag-ring ang phone niya sa sidetable. Inirapan ko 'yun pero inabot 'yun ni Meredith at tiningan ang screen niya.

"Oh, my God! Alas-diez na pala." Nag-swipe siya sa screen at sinagot ang tawag. "Hello? Hi, Alessa!"

Lumapit ako. At dahil naka-upo siya sa gilid ng kama, niyakap ko ang baywang niya at ibinaon ang mukha ko sa gilid ng balakang niya. I smiled against her hip when she started stroking my hair.

"Wala ako sa bahay," patuloy niya. "Nasa bahay ako ng boyfriend ko."

Napangiti na naman ako bago natawa nang ilayo niya ang phone sa tenga niya. Narinig ko rin ang tili ng kausap niya sa phone. Ipinagpatuloy niya ang paghaplos sa buhok ko habang nakikipag-usap. Di na 'ko nahiya. Nakinig na ako sa usapan.

"Oo, kahapon ko lang siya sinagot. Pictures? Anong pictures? May pictures kami? Ah, may reporters kasi kahapon so baka sila 'yung kumuha... Eh, no, I don't mind. Kasi at least ngayon, totoo 'yung ibinalita nila." Natahimik siya, nakikinig. Napa-angat ako ng mukha nang marinig ang susunod niyang sinabi sa kaibigan niya. "Yes, Alessa, I love him."

Nagtama ang mga paningin namin. Hindi kami nag-iwas ng tingin ng mabagal akong naupo sa likuran niya, ipinuwesto ang mga binti sa magkabilang banda ng mga balakang niya at hinila siya palikod para sumandal sa 'kin. Niyakap ko lang siya habang kausap niya ang kaibigan niya. Hindi na ko nakikinig. Tama na 'yung narinig ko 'yung "I love him".

She leaned her head against my arm while holding the hand that I had on her shoulder. Tumungo ako para halikan ang kurba ng leeg at balikat niya.

"Oo naman pero pwedeng 'wag ngayon? Sinosolo ko pa siya eh... Sige, I'll set up a date... Ha? Next week kaagad?... 'Wag weekend kasi may lakad na kami n'un. Mid-week?... Sige, Wednesday. Oo na! Sabihin mo sa kanila. Yes, Alessa. Bye. Oo na! Bye!" Tumawa siya. "I'm putting the phone down now, Alessa. Bye."

Ibinaba niya sa kama ang phone at nilingon ako. Di pa rin ako nakaka-recover d'un sa "I love him" niya.

"Mahal mo talaga 'ko 'no?" nakangisi kong tukso.

Tumirik ang mga mata niya pero sumandal siya sa 'kin. I love that she lets me hold her as long as I wanted. Hindi pa niya alam na gusto ko nang gawin 'yun nang forever.

NAKARATING din naman kami sa kusina pero lunch na 'yun. Napilitan akong pumayag na magluto si Meredith imbis na mag-relax na lang sana siya kasi bisita siya. Mag-o-order na lang sana ako ng pizza kasi. Pero mukha namang masaya siya sa kusina kaya okay na rin.  

Nakaligo na kami pareho. Sadly, di kami sabay sa banyo. Pero nakalista naman 'yun sa to-do list ko kaya malapit na rin 'yung matupad, itaga mo sa bato!

Nakasuot na naman siya ng isa sa mga T-shirts ko at isinusumpa ko, it really was the sexiest thing. Hindi ko alam talaga kung paano ko nakakayanang tiisin ito. Mas mabilis pa akong magiging santo kay St./Pope John Paul II sa takbo ng weekend ko.

Dahil gutom na gutom ako, kumain na ako ng cornflakes. Nagpapasubo siya sa 'kin habang nagluluto siya ng adobo. Since magluluto naman na rin siya, nag-request na ako ng gusto ko di ba? Adobo ang gusto ko na may available ingredients sa kusina ni Kuya Lex.

Na-upo siya sa tabi ko pagkatapos niyang i-check 'yung ulam. Ang bango na sa kusina. Sinubuan ko siya ulit ng cornflakes at pinunasan 'yung tumulong gatas sa baba niya.

"Ano'ng gagawin natin ngayong araw?"

Nagkibit-balikat ako. "Kain tayo, then balik tayo sa kama," sabi ko na nakangisi.

Napa-iling siya. "Ikaw talaga, masokista."

'Yun, 'yun mismo ang description para sa 'kin. Masokista ako. Tinotorture ko ang sarili ko. Pero ngayon lang naman kasi naging ganito kasarap ang torture. I chucked her under the chin. "It's worth it," I told her quietly.

Ngumiti siya at lumapit sa 'kin para halikan ako sa mga labi. "I love you."

Pati kaluluwa ko bumuntong-hininga. "I love you, too."

Kinuha niya 'yung kutsara ko at kumuha ng cornflakes mula sa bowl. "Bukas nga pala pupunta ako ng HR sa umaga."

"Bakit?"

Sumubo siya ng pagkain. "Kailangan kong i-declare sa kanila na tayo na." Tumaas ang mga kilay ko. "S.O.P. kasi sa office," sabi niya na namumula ang mga pisngi. "You have to tell your supervisor when you're dating a co-worker. Para masigurong hindi 'yun makaka-apekto sa trabaho saka para maiwasan ang sexual harassment issues."

Nagpangalumbaba ako sa kanya at nag-beautiful eyes. Tiningnan niya ako at natawa siya. Ngumisi ako. "So hindi mo ako i-si-secret sa office?"

Kumuha siya ulit ng cornflakes. "Gusto ko sana kaso hindi ka naman kasya sa drawer ko eh. Paano kita itatago?"

"Well, pwedeng d'un ako sa ilalim ng mesa mo. 'Tapos lagi kang magpapalda ha. Para mas madali kitang ma—"

Tumatawa niyang isinaksak sa bibig ko 'yung kutsarang puno ng cornflakes. Muntik akong mabilaukan sa sabay na paglunok at pagtawa.

"Ito talaga!" reklamo niya, namumula pa rin.

"Wala pa 'kong sinasabi ah!" biro ko.

Itinuro niya ako gamit ang kutsara. "Nakikita ko sa mukha mo eh."

Kinuha ko ang kutsara na 'yun at kumuha ng isa pang subo ng cornflakes. "Eh di ba ang daddy mo ang boss mo? Kelan mo sasabihin sa kanya?"

She shrugged. "Mamaya, pag-uwi ko."

Tsk. Napurnada ang pangarap kong late na siya iuwi mamayang gabi.

"Sama ako."

Tiningnan niya ako. "Sa HR bukas?"

Nilunok ko ang cornflakes. "Mamaya, sa bahay ninyo. Sasamahan kitang magsabi sa daddy mo."

Halatang hindi inaasahan ni Meredith ang sinabi ko. "Gusto mo 'kong samahan mamaya para sabihin sa daddy ko na tayo na?" mabagal niyang tanong.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng tapang para mag-offer na gawin 'yun. Pumasok na rin kaya ako sa PMA habang matapang pa ako?

"Baka kasi mapagalitan ka mamaya. Nag-overnight ka sa 'kin. Gusto ko naman na nand'un ako para suportahan ka kung sakaling hindi magustuhan ng daddy mo ang nangyari sa 'tin."

"Ash, I'm twenty-five years old. Hindi na ako papaluin ng daddy ko kung ma-late ako sa curfew. In fact, wala akong curfew."

I shrugged. "I'd just feel better kung nand'un ako."

Nagtama ang mga paningin namin and she smiled. Tumayo siya at hinila ang braso ko. Nagulat ako nang maupo siya sa kandungan ko at hinalikan ako sa mga labi.

"You're the sweetest, sweetest boyfriend, you know that?" she whispered against my lips.

I kissed her back. "Yeah, I know," I whispered back, making her laugh before she hugged me again.

I swear, I love being her boyfriend.

MAGHAPON lang kami ni Meredith sa condo ni Kuya. Nakatulog siyang naka-unan sa kandungan ko habang nagma-marathon kami ng Game of Thrones. Sinabi na nga niyang hindi siya mahilig manood ng TV pero sa kagustuhang ma-convert siya, pinapanood ko siya ng series. Kaya ito, knockout si Boss.

Mga 6PM kami pupunta sa bahay nila para sa Ash Goes to Dinner with the Balajadias Part II na ngayon ay Craig-free. Kinausap na kasi ni Meredith ang mommy niya at sinabing makikikain na naman ako sa kanila. Kinausap din ako ni Tita at ipinangako niyang kahit nasa gate na raw si Craig, sasabihin daw niya sa guard na 'wag papasukin 'yung ungas.

And you're wondering why I may also be in love with Meredith's mom?

Ginising ko siya ng 4:00 para may sapat pa kaming oras na maglandian sa sofa. Bibilhin ko na talaga 'tong sofang 'to kay Kuya. Well, kapag may sarili na akong condo saka ko bibilhin. Komportable siya at marami nang memories.

Then nag-shower kami ulit (na hindi pa rin magkasabay, tsk), nagbihis, and a little before 6, papasok na kami sa subdivision nila.

"You okay?" tanong ni Merdith sa 'kin nang patayin ko ang makina ng kotse ko. "Namumutla ka yata."

"Nasusuka nga ako eh."

Tumawa siya at inabot ang binili kong bribe—ice cream cake na favorite daw ni Tita—mula sa backseat. "Okay lang 'yun. Walang baril si Daddy... as far as I know. At nakausap mo naman si Mommy kanina. Hindi naman siya galit, di ba?"

"Oo nga, pero iba pa rin 'yung nasa phone."

She kissed my cheek. "They love you. It's going to be all right. Isa pa, nagdala ka ng ice cream cake. Baka agawin ka pa ni Mommy sa 'kin."

"Pwede rin. Sure kang walang baril ang daddy mo ha."

Meredith laughed.

Bumaba kami ng sasakyan at nagtungo sa gate na binuksan na ng guard para sa 'min. Mukhang itinawag na rin niya ang pagdating namin sa bahay kasi nasa front door na ang mommy ni Meredith. Nakangiti siya, mukhang hindi galit, at sinalubong pa kami ng halik sa cheeks.

"Oh, my God!" bulalas ni Tita Marianne nang ipagmalaki dito ni Meredith ang ice cream cake. "Oh, my God!" I couldn't help but smile. Proud na proud na naman ako sa sarili ko. Kinuha ng mommy ni Meredith 'yung paperbag at niyakap 'yun. "I'm sorry. I love ice cream cakes. Pasok kayo. Kakain na tayo para makapag-dessert na kaagad."

Ang cute lang ni Tita Marianne.

Pababa ng hagdan si Tito Eman at lumapit si Meredith sa daddy niya para humalik. He stroked her hair bago nagtungo sa 'kin ang mga mata. Hindi ko na-realize na hindi pala ako humihinga hanggang sa ngumiti rin sa 'kin ang daddy ni Meredith.

"Aba, kaya pala may naririnig akong nagtititili, may nagdala ng ice cream cake," sabi ni Tito.

Tumatawa siyang hinampas sa braso ng asawa bago nauna sa dining room.

Sumunod kami sa kanya at naupo sa dati naming mga puwesto. Katabi ko ulit si Meredith sa mesa and thank the Lord, wala na si Craig sa tapat ko.

"Mom, Dad," simula ni Meredith at kinuha ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Sinulyapan niya ako at pinisil ang mga daliri ko bago binalingan ang parents niya. "Mag-boyfriend na po kasi kami ni Ash."

Kinakabahang nagpabalik-balik ang mga mata ko mula kay Tito Eman at kay Tita Marianne. Nakita kong nagpalitan sila ng tingin at inabot ni Tita ang kamay ni Tito bago siya ngumiti.

Tumikhim si Tito Eman. "Ah, well," simula niya, parang hindi alam ang sasabihin. Nakatingin lang siya sa 'min ni Meredith bago niya biglang inabot 'yung serving plate ng fried chicken. "Kumakain ka ba ng manok, Ash?"

"Dad!" Meredith laughingly said at hinampas na naman ni Tita Marianne ang braso ng asawa.

"Eh hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko eh!" natatawa na ring sabi ni Tito. "Congratulations ba? Best wishes?"

Inabot ni Meredith ang braso ng daddy niya. "Sa kasal 'yun, Dad. Wala pa kami d'un ni Ash."

Ngumiti na rin si Tito Eman at tinapik-tapik ang kamay ni Meredith bago tumingin sa 'kin. "Napag-usapan na natin 'to, hijo," paalala niya sa 'kin.

"Yes, Sir," sabi ko, tumatango.

"Ano'ng napag-usapan n'yo?" curious na tanong ni Tita Marianne habang kunot ang noong nakatingin sa asawa.

"Hindi ko nga rin alam, Mommy. Ayaw ikwento," nakalabing sagot ni Meredith.

Kamay naman ng asawa ang tinapik-tapik ni Tito Eman. "Basta alam ninyo na nag-usap na kami ni Ash. Okay na 'yun." Tumango siya sa 'kin at tumango na rin ako. Naiintindihan naming pareho na matinong usapan 'yun. No need to elaborate.

MAS nakakain ako ngayon. Siguro kasi wala nga si Craig. Walang bastos sa mesa. Komportable naman kasi talaga ako sa parents ni Meredith at ngayon, kabiruan ko na rin talaga ang daddy niya. Ang daming kwento ni Tito Eman, nakow! At kung saan-saan na rin niya ako inaya. Ang biro ni Tita Marianne, maghanda na raw ako kasi bibitbitin daw talaga ako ni Tito Eman kasi pumayag akong sumama. Ang sabi ko na lang, basta hindi naman sa golf course, okay lang akong magpabitbit. Hindi ko lang talaga kayang mag-golf.

Kumain kami ng ice cream cake habang nagkukwentuhan. Nalaman ko na rin ang love story nilang dalawa, 'yung isang linggo plus isang araw nilang ligawan.

Ang sweet nilang dalawa, daig pa kami ni Meredith.

Nainggit nga ako kasi hindi ko nakitang ganito ang mga magulang ko. Kaya ito, dysfunctional kami ni Kuya Lex. Pareho kaming babaerong hindi naniniwala na marunong pala kaming magmahal. Well, at least ako marunong pala. Ewan ko lang si Kuya. Saka na natin malalaman kapag may kwento na rin siya.

Habang pinapanood ko ang parents ni Meredith, naisip kong sila ang relationship goal ko. Gusto ko talaga ng relasyon na tulad ng sa kanila. And I was determined to have that with their daughter.

Mga 10PM na nang magpaalam ako. May pasok pa kami bukas eh. First day namin sa trabaho bilang couple. Excited ako na kinakabahan. Siyempre kasi boss ko si Meredith at sasabihin namin sa HR bukas na may relasyon kami. 'Yun na ang work place equivalent ng pagpapalit namin ng relationship status sa Facebook.

She walked me to my car, her hand in mine.

"Well, I think that was a success," sabi niya nang marating namin ang kotse ko.

Bumuga ako ng hangin.

Nagtitigan kami bago kami nagtawanan. She pressed her face to my shoulder and I held her close to me. Para 'kong nabunutan ng tinik. Nakikita ko nang konti na lang, pwede ko nang tawaging "daddy" ang daddy ni Mere.

"I love you," sabi ko. "And I love your family."

"I love you, and my family loves you, too," sabi niya habang nakatingin sa 'kin. "I can't wait for Ate Mari to meet you. I'm sure magugustuhan ka rin niya."

Napangiwi ako. "Okay lang ba 'yun? Di ba scientist siya? Eh muntik ko nang ibagsak ang lahat ng science subjects ko n'ung high school at college."

"Pfft. Magkakasundo kayo n'un! Game of Thrones pa lang, pasado ka na sa kanya."

Tumango ako. Okay, okay. Good.

"So, HR tayo bukas ng umaga?" tanong niya.

"Pwede bang unahin nating sabihin kay Ninong Ernest bago mo sabihan 'yung kung sino mang kailangan mong sabihan? Kung may dapat kasunod na maka-alam sa opisina, siya 'yun."

"All right. Siya na muna ang puntahan natin."

I bent down to kiss her. "I wish you were staying at the house again," bulong ko. "Mami-miss kita mamaya."

"I know. Mami-miss din kita. Sanay na yata ako kaagad na katabi ka."

"Next week, ituloy na natin 'yung Laguna ha."

Tumango si Meredith. "Titingnan ko kung may naka-schedule na ako ng Friday. Kung wala pa, gusto mo mag-leave na tayo para long weekend?"

Ang bilis kong tumango. "Kung wala nga ng Thursday, gusto mo umalis na tayo n'un eh."

She laughed. "May 10 to 11 ako ng Thursday, if I remember correctly. Pero kung wala nga, sige. Thursday pa lang, tumakas na tayo."

Di ko alam kung ba't bigla akong nagdalawang-isip. Gusto ko naman talaga. Kung pwede lang, ngayon pa lang itatakas ko na siya eh. Kaya lang hindi kasi si Meredith 'yung tipo ng office worker na bigla-bigla na lang hindi papasok para makipag-date. Ako, oo, pero siya hindi. "Bad influence yata ako sa 'yo eh," sabi ko, kunot ang noo.

She kissed me again. "No, you're not," sabi niya. "Isa pa, kung bad ito, I like being bad with you."

Tumawa ako at hinalikan siya ulit. "Love you. I'll see you tomorrow."

"Love you, too. Ingat sa pagda-drive and text me when you get home."

"Yes, Miss Balajadia."

One last kiss at pinakawalan na niya ako nang makapasok ako sa kotse ko. Bumusina ako at pumasok na ng gate si Meredith bago ko sinimulang paandarin ang kotse ko.

Hinga nang malalim. Bukas, first day namin ni Meredith sa opisina na kaming dalawa na. Pakiramdam ko first day of the rest of my life.  

Napangisi akong mag-isa sa sasakyan. Exciting! 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

570K 8.9K 52
Sapphira Villamoral was just a normal mathematics major student migrated in the city where Hudson River meets the Atlantic Ocean; the big apple, New...
17.2M 236K 71
WARNING Jejemon alert! I wrote this way back 2015; many typos. Ang mapaglarong tadhana ay pina-tagpo ang dalawang taong magkaiba. Pero sila'y pinag-h...
745K 26.5K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.8M 44.5K 50
C O M P L E T E D --- "Falling for the Billionairess" as told from the POV of Meredith Balajadia. --- My name is Meredith Balajadia, EVP ng Balajadi...