The Devil's Ice Queen ('d G...

By ljArci

21.9K 1.1K 345

The Garcia's "taong bato", " the devil on heels" and famous "Ice Queen" made a deal with the devil. Trey Buen... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 10
chapter 11
chapter 12

chapter 9

1.4K 93 39
By ljArci

UNEDITED!

ERRORS AHEAD!

JUSKI, NANDIYAN PA BA KAYO? PASENSIYA NA AT TALAGANG MATAGAL UPDATE RITO.



Di pa man tuluyang nakalapit ang sinasakyan naming golf buggy ni Trey sa isang modernong tatlong palapag na bahay na halos gawa sa salamin ang buong dingding ay tanaw ko na kung gaano karangya ang buong lugar.

Naka-landscape design ang buong front yard ng bahay at agaw pansin ang artificial waterfall sa sa isang bahagi ng bakuran.

The place is simply magnificent, with a combination of nature and modern architecture.

So, this is how a villa in the famous Isla Buencamino looks like.

Mula sa bahay ni Trey ay ilang metro pa bago ang susunod na villa at tulad nitong nasa harapan namin ay nagsusumigaw rin ito ng karangyaan at di matatawarang galing ng sinumang nag-design nito.

"D*mn," mahinang mura ni Trey na kumuha sa atensiyon ko mula sa mga paghanga sa mga natatanaw ko.

Nang sulyapan ko siya ay nakatuon ang atensiyon nito sa partikular na direksiyon sa mismong bahay niya.

Nang tingnan ko ang tinitingnan ay gusto ko ring mapamura dahil parang reyna na nakatunghay sa'min mula sa ikalawang palapag ng bahay ang Lola niya at di ito nag-iisa, may kasama itong ilang mga kababaihan.

"Well, it seems that she has access to your own villa," walang gana kong komento.

"I didn't find anything wrong about giving it to her until now," paungol na sagot ni Trey bago tuluyang pinarada ang  minamanehong golf buggy.

"Let's go, it's time for some acting," nangingislap ang mga matang pahayag ni Trey.

Binalewala ko na lang ang kakaiba niyang inakto na para bang excited siya na pakitaan ng acting skills namin ang kanyang Lola.

Kahit di naman kailangan ay inilalayan niya akong makababa ng sasakyan at lumingkis agad sa baywang ko ang isa niyang braso pagkababa ko.

"Akala ko talaga ay masolo kita ngayon," bulong niya sa'kin.

Gusto ko sana siyang pagsabihan sa kakaiba niyang kinikilos pero may mga salubong na sa amin.

"Trey, oh my gosh! Long time no see," masayang salubong sa'min ng isang mestisang babae.

She's beautiful, a fairy like beauty  with a body of a porn star, not bad! Just perfect for the likes of Buencamino , who is a total womanizer deep down his cold exterior and reputation.

Mukhang magkakilala sila ni dahil bumitiw sa'kin si Trey upang salubungin ng yakap ang babae.

"Oh my God, Letecia! It's so nice to see you here," tuwang-tuwang pahatag ni Trey.

Hindi ako nagpakita ng kahit bta anong ekspresyon sa'king mukha. Effortless sa'kin ang ganitong bagay pero di ko maiwasang makaramdam ng neglegence mula kay Trey bilang girlfriend niya... sa mga mata ng ibang tao.

Nang makita ko ang pagsungaw ng Lola niya mula sa loob ng bahay kasunod ang ilang mga babae ay isang aral na ngiti ang ibinigay ko rito.

Isang makahugang ngiti ang naging tugon nito sa'kin bago dumako ang tingin kay Trey at sa tinatawag na Letecia.

"Trey, do you know that Letecia prepared all your favorite foods?" magiliw na anunsiyo ng matandang Buencamino.

Pinilit kong huwag itong ikutan ng mga mata. Akala niya ba ay magkaroon ako ng reaksiyon dahil sa ipinagluto ng iba si Trey?

Well, nagkamali siya sa part na ito dahil una, I don't even cook, at pangalawa... I'm hungry so I badly needed something to eat so I must be thankful to Letecia.

"Really, that's nice of you, Letecia," masayang kausap ni Trey sa babae.
"By the way, this is my girlfriend, Evie. Babe, this is my childhood friend Letecia," pakilala ni Trey sa aming dalawa ni Letecia.

Hindi ko ginantihan ang halatang pekeng pagkakangiti sa'kin ni Letecia.

"Are you connected to the Garcias?" maya-maya ay tanong nito.

"I am one of them," malamig kong sagot.

Di nakaligtas sa'kin ang saglit niyang pagkatigil at pagbuway ng plastic niyang mga ngiti.

A childhood friend, huh?

"Everybody, let's go inside... nakahanda na ang mga pagkain," basag ng matandang Buencamino sa namumuong tensiyon sa side ni Letecia.

Sa side niya lang dahil chill na chill lang naman ako habang di hinihiwalayan ng tingin ang di mapakali niyang disposisyon .

What with this girl? Bakit kung najatingin sa'kin ay parang may ginawa akong masama sa kanya?

"Stop scaring her," bulong sa'kin ni Trey nang naunang tumalikod ang mga kasamahan namin upang sumunod sa Lola niya.

"I'm not," kunot-noo kong sagot.

Wala naman talaga akong ginagawang gano'n. Para tiningnan ko lang naman ito!

Bahagyang tumawa si Trey bago ako kinabig palapit sa kanya at kinintalan ng halik sa noon.

Sisikuhin ko sana siya pero nahagip ng mga mata ko ang paglingon ng Lola niya sa pwesto namin kaya nagpaubaya na lang ako.

"Buencamino, let go...," nagtatagis ang bagang kong utos sa kanya habang nakaplaster sa mukha ang isang ngiti.

"It's Trey, remember?" nakakaloko niyang paalala sa'kin.

"At kung hindi mo ko lulubayan within 5 seconds ay babalian kita ng tadyang," puno ng pagbabanta kong bulong sa kanya nang maramdaman ang pagpisil ng kamay niya sa balakang ko.

Napakurap-kurap ako nang bigla ay malakas siyang bumunghalit ng tawa.

Nababaliw na ang lintik na Buencamino!

"Fierce, I like it," kumindat niyang pahayag sabay taas ng dalawang kamay bilang pagsuko mula sa nambabanta kong titig.

"Trey, halika na."

Hindi ko binigyang pansin ang makambing na pagtawag ni Letecia rito sa kasama ko.

Bahagya kong tinaasan ng kilay si Trey habang pinag-aralan ang reaksiyon sa kanyang mukha.

"I just hope that you'll not do anything that will compromise me. Ayokong magmukhang kawawa sa mata ng kahit sino. Kung bigla kang katihin ay pakikiskis na lang iyan sa pader dahil habang nandito ako at kilalang girlfriend mo ay hindi ko hahayaang magmukhang tanga," madiin kong sabi.

"Don't worry, girlfriend. Wala akong planong ikiskis 'to sa iba at lalong hindi sa pader. I have you, remember?" naaaliw niyang tugon.

Naningkit ang mga mata ko at naikuyom ang mga kamao. 

"Ooops! Kalma lang, Lola is watching us," nakangiti niyang paalala sa'kin.

"Not everytime so watch out. I am a Garcia and as what your Lola said...we are criminals. Ayaw mo naman sigurong malaman ang katotohan sa likod ng sinabi niyang iyon first hand," walang emosyon kong wika.

Kumiling ang ulo niya at pailalim akong tinitigan.

"What will be the worst thing that you can do to me? You may look so tough and everything but still you seem so fragile to me," kibit-balikat niyang pahayag. "I don't know why and how but you wake up the protectiveness in me."

Sigurado akong walang ekspresyong nakalantad sa blangko kung mukha pero talagang nawindang ako sa narinig mula sa kanya.

Never in my life that I heard those words from anyone.

Lahat ng mga taong nakapaligid sa'kin ay buo ang paniniwalang matatag ako at di nangangailangan ng proteksiyon mula sa kahit na sino. Tanging si Trey Buencamino lamang ang nakasilip ng kahinaang pilit kong tinatakpan ng pagiging malamig.

I am not going to be like my young and powerless self, never again!

I am Evie Les, and I don't need protection from anyone! I will never be powerless and vulnerable again!

"Save your valiance, Buencamino. I'm not a princess in distress who needs saving from a prince... I am the ice queen," nang-uuyam kong sabi.

Naninimbang ang ibinigay niyang titig sa'kin pero wala na akong nakuhang sagot kaya pinili kong tumalikod at sumunod ba sa mga naunang pumasok.

Agad nagsalubong ang mhay mata namin ng Lola ni Trey. Mapanuri ang pagkakatitig nito sa'kin na para bang naririnig niya ang pinag-usapan namin ng kanyang apo na imposible naman dahil siniguro baming hindi aabot sa kinatatayuan niya ang sagutan namin ni Trey.

I maybe the ice queen but right now I'm going to face the devil's monster grandmother.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko rito na alam kong ikakainis nito lalo sa'kin.

Gusto kong matawa nang isang irap ang isinukli nito sa ngiti ko bago tuluyang tumalikod.

One point to me, zero to Lola.

This will be fun!













Continue Reading

You'll Also Like

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
139K 2.7K 21
Duke & Izza
1.4M 33.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...