SERIES 2: Trapped In Sadness

By ever_minah

20.8K 533 186

SERIES 2 Captain Vaughn Vestager, was forced to leave the Air Force for some ulterior matters. Serving his co... More

TRAPPED IN SADNESS
PROLOGUE
TIS Chapter 1
TIS Chapter 2
TIS Chapter 3
TIS Chapter 4
TIS Chapter 5
TIS Chapter 6
TIS Chapter 7
TIS Chapter 9
TIS Chapter 8
TIS Chapter 10
TIS Chapter 11
TIS Chapter 12
TIS Chapter 13
TIS Chapter 14
TIS Chapter 15
TIS Chapter 16
TIS Chapter 17
TIS Chapter 18
TIS Chapter 20
TIS Chapter 21
TIS Chapter 22
TIS Chapter 23
TIS Chapter 24
TIS Chapter 25
TIS Chapter 26
TIS Chapter 27
TIS Chapter 28
TIS Chapter 29
❗❗❗

TIS Chapter 19

398 15 5
By ever_minah

"Whenever I see this baby I always feel love and connection" — Leticia Vestager
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















"SABI ko naman sa'yo mabait talaga 'yang si Señora Luscinia Marchetty."

Illyza couldn't contain much of her happiness as her employer allow her to bring Amarah at work. Okay lang rito, ito pa nga ang gustong mag-alaga sa anak niya. A kind of employer like her is so rare especially here in abroad.

"Mahilig pala siya sa mga bata..."

"Oo, kapag nakakita talaga 'yang si Señora ng bata nako! Ang laki-laki ng ngiti, kita mo naman siguro kanina... wala kasi 'yang anak." Pabulong na sabi ni Mihira lalo na sa huling mga salita.

Napalingon rito si Illyza habang naglalakad sila papuntang locker room. "Ha? Talaga? Pero pwede pa siguro siyang magkaanak."

"Anong pwede? E malapit na nga 'yang tumuntong ng sesenta."

"Sure ka? Binibiro mo lang ako, ang bata pa kaya ng itsura ng Señora."

"Naman, dalawang taon na ako dito! At saka, ganyan talaga lalo na kapag mix."

Kumunot ang noo ni Illyza sa sinabi nito at napa-isip. "Teka nga, ano bang lahi nitong si Señora? Mukha kasi siyang, hindi purong Amerikana?"

Mihira snapped her fingers. "Half-Argentinian 'yang si Señora kaya sobrang ganda. 'Pag nakita mo lang ang kapatid niya, nganga ka! Sobra talagang ganda. Parang hindi sila tumatanda, nakakainggit." Anang Mihira.

Napailing at napangiti si Illyza. Grabeng papuri nito sa amo at sa kapatid nito. Nacucurious tuloy siya, parang gusto niyang makita ang kapatid ng Señora.

"Pero tama na, magbihis na tayo dahil oras na ng trabaho." Anang Mihira nang nasa locker room na sila. Nilingon siya nito at nginitian, she patted her shoulder lightly. "Ito ang unang araw mo Illyza, sana makayanan mo. Pero alam ko naman na kaya mo, ikaw pa!"

Kinabahan si Illyza sa sinabi nito. Unang araw niya sa trabaho ngayon, inaamin niyang hindi siya sanay sa ganitong trabaho but she will do everything para sa anak niya at sa sarili niya.

This is the beginning of her new life. From one of the famous Filipino actress to a waitress, wala namang masama. Isa itong marangal na trabaho and she's proud of it.

"Pero okay lang kaya na nasa opisina ng Señora ang anak ko? Baka disturbo lang iyon do'n. Pwede lang naman dito sa locker room ang bata, dala ko naman ang stroller niya, titignan-tignan ko lang paminsan-minsan. Para kasing nakakahiya, unang araw ko pa naman dito."

Nakangising nilingon siya ni Mihira. "Ano kaba! Ayaw mo no'n? Instant yaya ng anak mo ang amo natin! Cool kaya..."

"Ano namang cool do'n? Ang sabihin mo nakakahiya!"

"Aysos! Wala lang 'yon, siguradong hindi na mabobored si Señora do'n."

"Pero—" tinaas ng babae ang isang kamay telling her to stop.

"Wala ng pero-pero Illyza. Sa ngayon kailangan mong kapalan ang mukha mo, walang mangyayari kung puro ka nalang hiya. At saka, sigurado ako okay lang kay Señora 'yon. Siya pa nga ang nag-insist na bantayan ang anak mo..." Hinila siya nito at tinulak sa restroom. "Magbihis kana dahil sigurado ako hinahanap ka na ng manager."

















-----

"WHOSE baby is that?"

Tanong ng may katandaang babae sa kapatid nang makapasok ito sa opisina ng restaurant nito.

The woman stare at her with a vivid smile on her face. She was happy that finally she can look over a child again. It was long ago that she did the thing on her nephews and she missed doing it. Ever since she's fond of babies. How ironic, she loves babies but she can't have babies on her own.

"From one of my employees..." Tumayo ito sa kanyang upuan to welcome her.

"Are you sure you're gonna babysit that child?" The woman was raising her brows while staring at her.

"Of course, you know I love babies! I'm not gonna be at home or shopping or going on a vacation anymore. There's baby here, this make me happy!"

Napangiti ang may katandaang babae sa sinabi ng kapatid, her sister is not blessed to have a child but still she has a good heart and she's proud of it. From a carefree woman to instant babysitter, I think that's good. She'll never be bored anymore. Nakikita niya sa mukha ng kapatid ang labis na kasiyahan na minsan lang niyang makita rito. She mentally noted to thank the parent of the child soon when they get a chance to see each other.

"How are you feeling now Leticia? You just got out from the hospital, right? I'm sorry I didn't visit you since I'm in Argentina that time."

"Oh, it was last week. I'm feeling better now..."

"Did the doctor permit you to go out already?" Nakataas kilay na anang babae.

"Oh Luscinia, you know how hardheaded I am. Don't worry, I know my body."

"Why did you go here? Did someone told you?"

"Oh that! I called the Marchetty mansion and one of the maids told me that you are here. Now it wonders me since you rarely visit in your restaurant," mabilis nitong nilahad ang kamay sa direksyon niya. "Now I knew the answer."

Luscinia lightly tapped the back of the baby while swaying it. "Have a sit..." Aniya at sabay silang umupo sa sofa. "By the way, mom asked when will you visit them in Buenos Aires?"

Ngumiti si Leticia. "I'm still plan—" Nahinto siya sa sanay sasabihin nang humarap sa kanya ang bata. Kanina ay nakatalikod ito sa direksyon niya pero ngayon ay kita na niya ang mukha nito. Her eyes widen, this baby!

She felt this strange feeling again like what she felt the day she saw the baby in the AVENUEWORLD.

"Oh my!" Napatakip siya sa bibig. "Is this coincidence?"

Nangunot ang kilay ni Luscinia. "Coincidence?"

"I knew this baby!" Leticia took the child from Luscinia with a wide smile. "Her mother works in here?"

"Obviously?" Naningkit ang mga matang sagot ni Luscinia. "How did you know them?"

"I met them at the AVENUEWORLD! Wow! What a small world!... Whenever I see this baby I always feel love and connection." Di parin mawala-wala ang malawak nitong ngiti habang karga-karga sa kandungan ang bata. Sobra talaga siyang nasiyahan nang makita itong muli. "Oh, I cannot wait to have a grandchildren."

















-----

"ILLYZA! Nakita mo ang kapatid ni Señora?"

Nagulat si Illyza nang biglang sumulpot sa tabi niya si Mihira habang nakangiti ng malawak. Tinignan niya ito. Kakatapos lamang niyang linisin ang isang lamesa.

"Andaming pumasok dito. 'Di ko alam kung sino sa kanila."

"Ano ka ba! Makikilala mo siya dahil Señora din ang tawag namin sa kanya. Hindi mo ba narinig ang bati kanina? Akala ko ba lumingon ka? Ang lapit-lapit mo lang kaya do'n sa waiter na bumati rito."

Umiling-iling siya. "Hindi eh, hindi ko narinig. Hindi ko nga alam na nandito."

Umikot ang mga mata ni Mihira. "Hayy, nako! Dumaan pa nga siya sa likuran mo!"

Illyza smiled tightly. "Ikaw! Maya na tayo mag-usap mapapagalitan tayo rito sa ginagawa mo."
















----

"MOM,"

Sagot ni Vaughn sa tawag ng ina nang hapong 'yon.

(Vaughn, son. I forgot my phone at Grande Amore, it's in your aunt's office. Will you get it for me, please?)

Napapikit si Vaughn sa sinabi ng ina.

(Please son, I have something important in there and I can't wait for another hour or so. I want to have my phone right now.)

He breathed out and leaned on his swivel chair.

"Mom, I'm up to my neck. Just ask someone to get it."

(And who?)

"I don't know. Just ask the maid or whoever in the house."

(Ugh! Go get it, I'm waiting Vaughn it's in your aunt's table!) Ani Leticia pagkatapos ay binaba ang tawag.

Napahilot siya sa kanyang sentido. Sakit talaga sa ulo ang kanyang ina, marami siyang ginagawa pero heto ito at nang-iisturbo. Binaba niya ang telepono at inayos ang suit.

This gonna be his first time going to Grande Amore. It was three years ago since the restaurant were build, pero simula noon hindi pa talaga siya nakakatapak doon sa kadahilanang minsan lang siya umuwi sa Colorado at sa tuwing makakauwi man ay sa penthouse niya sa AVENUEWORLD siya namamalagi.








"Grande Amore"

Basa ni Vaughn sa pangalan ng restaurant. Bigla tuloy siyang natakam, gusto niyang kumain ng Argentinian food.

Nang makapasok sa loob ng restaurant ay agad siyang nilapitan ng isang waiter.

"Buenos tardes, Señorito!" Bati nito sa kanya.

He nodded. "Would you accompany me to the office of Aunt Luscinia?" Diretso niyang sabi.

Tumango ang waiter. "Alright sir, may I know your name please?"

"Vaughn," he said excluded his last name.

The waiter didn't leave, gusto nitong marinig ang apilyedo niya para makasiguro bago umalis.

He sighed. "Just tell her, her nephew is here." Tanging nasabi nalang niya para umalis ito.

"Alright, sir. I'll be back in a moment, excuse me..."










"Vaughn! My nephew, long time no see!"

Nakangiting salubong sa kanya ni Luscinia nang makapasok siya sa opisina nito.

She kissed his cheek. "How have you been darling?"

"All good aunt Luscinia. How are things?" He smiled and was about to take a step to the sofa when his eyes darted on a stroller just beside the center table. "Whose baby is that?" Nakatalikod ito sa pwesto niya kaya naglakad siya papunta sa harapan nito.

But he was shocked seeing the same child he met in the AVENUEWORLD.

"Everything's great Vaughn," he ignored her and focused on the baby. His heart is pumping so fast.

Kahit nakapikit ito sigurado siyang ito ang batang nakilala niya. The memory of her still vivid in his mind. He is sure this is, "Amarah?"

Luscinia was shocked. "How did you know the baby?"

"AVENUEWORLD," he whispered out of shock.

"Ah, how can I forget that! You were with Leticia that time, right? Haha, your aunt is really getting older now." Natatawang sabi nito.

Naningkit ang mga mata ni Vaughn sa narinig. Kasama niya ang ina sa oras na 'yon??

"I'm sorry? I didn't hear it clearly..."

"Oh my nephew!" Mahina siya nitong tinapik sa balikat. "You were with your mom when you met them."

His forehead creased. What? He's not with his mom that time. Does that mean, his mom already met them?

He shook his head and started talking.
















-----

"ILLYZA! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!"

Naningkit ang mga mata ni Illyza sa sinabi nito. Kakalabas lang niya ng banyo nang sugurin siya nito. She seemed very happy and excited. Ang lawak-lawak ng ngiti nito.

"Bakit? Ano bang sasabihin mo?"

"Naalala mo 'yong sa AVENUEWORLD? 'Yong lalaking hindi man lang tayo pinabayad sa nasira ni Amarah? 'Yong boss? Nandito siya! Nakita mo?" Halos tumili na ito sa sinabi.

Umikot ang mga mata ni Illyza, akala niya kung ano na, 'yon lang pala! Tinuro niya ang banyo. "Kakalabas ko lang ng banyo diba? Syempre hindi ko nakita."

Nagsimula na silang maglakad.

Kinamot ni Mihira ang ulo. "Akalain mo, pamangkin pala siya ni Señora?"

Illyza stopped and look at her. "Talaga? Kanino mo naman nalaman?"

"Narinig ko kanina, ang lapit-lapit lang kaya nila sa 'kin!"

Napangisi siya. "Ikaw chismosa ka, bawas-bawasan mo wala tayo sa Pilipinas."

"Sos! Puntahan mo do'n sa office ni Señora, pagkakataon mo na 'to para magpasalamat!"

"Haha, dalawang taon ka dito pero hindi mo alam 'to? Binibiro mo lang yata ako." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Hindi naman dito palaging namamalagi si Señora. Once in a blue moon nga lang 'yan mapadpad dito! At hoy, bawal kaya makichismis sa mga personal information ng Señora. At saka, hindi din naman napunta dito 'yong lalaking 'yon. Ngayon ngalang..."

Tumango nalang siya. "Okay, bumalik kana do'n titignan ko lang sandali ang anak ko."

Sinundot ni Mihira ang tagiliran niya. "Sos, kunwari ka pa! Gusto mo lang makita ang pamangkin ng Señora. Ikaw ha..."

Naningkit ang kanyang mga mata. "Pinagsasabi mo? Anak ko ang gusto kong makita hindi ang lalaking 'yon!"

"Magpasalamat ka ha? Dahil hindi tayo pinabayad sa nasirang halaman ni Amarah. Gwapo 'yon, baka matipuhan ka no'n! Sa wakas may instant daddy na din si Amarah."

Umiling-iling nalang siya sa sinabi nito.




Nang makarating siya sa opisina ng Señora ay agad siyang pumasok matapos kumatok. As she opened the door, inasahan niyang nando'n ang pamangkin nito pero wala man lang siyang ibang taong makita maliban sa anak niya.

She smiled as her sight landed on Amarah sleeping on her stroller. Nakaharap na ito sa gawi niya.

"Oh Illyza!" Anang Luscinia at nginitian siya. She bowed her head and smiled back.

"Good afternoon, Señora. I just want to check on my daughter if she isn't making trouble in here..." Tinignan niya ang anak. "Good thing she's asleep."

"She finished her feeding bottle before she fell asleep. How adorable..."

Nilapitan niya ang bata at hinagkan ito sa pisngi. She looked back at the woman and bow her head.

"Thank you, Señora." She smiled tightly. "Excuse me..."

















-----

PAGSARA ng pinto ang naabutan ni Vaughn nang makalabas siya sa banyo ng opisina ng kanyang tiyahin.

"Can I stay here for hours?" Aniya nang makaupo sa sofa. Hindi niya alam basta nasisiyahan siyang makita ang bata kahit na tulog ito.

"You're busy, aren't you?"

"Oh, that can wait. And besides, I missed eating Argentinian food."

Bumalik sa table niya si Luscinia. "What about your mom? She needs her phone asap."

"Oh, that can also wait. My cravings, cannot." He said excusing the last part.

"Alright, what do you want to eat?"

He shrugged his shoulder. "Anything that is Argentinian,"

Ngumiti si Luscinia. "I'll serve your favorites..."

He was about to utter words when his phone rang. His dad is on the screen but he doubts if this is really his dad.

"Yes?"

(Vaughn, where are you now?) Right, this is his mom!

"Grande Amore?" He said in a question.

"Did you get my phone?"

"Oh yeah mom, it's on the sofa." He said sarcastically dahil sabi nito kanina nasa table ito pero sa sofa niya ito natagpuan.

(Oh, hahaha. I'm really getting older son, I forgot things sometimes you know. Anyway, thank you.)

Binaba niya agad ang tawag matapos silang mag-usap ng kanyang ina. Muli niyang tinignan ang bata sa pag-aakalang tulog pa ito.

His heart is full just by the sight of the baby.

The smile on the child's face is so adorable. The sound of her giggles tingling his entire being. How can a baby made this impact on him? Unang beses na nangyari ito sa kanya and it shocked him. Kinuha niya ito sa stroller at pinaupo sa kanyang kandungan.

Bigla tuloy niyang naalala si Illyza. The woman told him they have a child pero hindi niya ito nagawang panindigan. Konsensya na ba itong nararamdaman niya ngayon? Bakit pakiramdam niya nangungulila din siya? How can he be like this to other child hindi man lang niya nagawa ang ganito sa sariling anak. He's so cruel! Naiinis siya sa sarili, if only he could turn back time. At least makita man lang niya ang anak at makarga ito, it was his chance in the AVENUEWORLD pero hindi niya pinayagan ang sarili. He didn't let himself, siguro ay nabigla siya sa nalaman samahan pa na ikakasal na siya sa kanyang kababata. Ayaw na niyang makadagdag pa ng bagong disappointment sa pamilya niya. But still, he disappoints them all pati na ang babae at ang sariling anak. How could he think that way? He's smart pero hindi niya nagamit nang araw na 'yon. Padalus-dalos siyang nag-isip at nagsalita, wala siyang pakialam sa nararamdaman ng babae.

"Vaughn, I already told my staffs. Please wait for minutes, alright?" Anang Luscinia nang makapasok sa opisina.

Tumango lang siya pero hindi man lang niya magawang tignan ito. His eyes still focused on the child. The woman shrugged and walk her way to her table.

"Hi," nakangiti niyang sabi sa bata.

Ngumiti ito. "Low po," malambing na sagot ni Amarah pagkatapos ay hinawakan ang mukha ng lalaki.

Vaughn's heart is overflowing with happiness. How can a child made him feel this way?

"She seemed like your daughter Vaughn,"
















-----

ALMOST two hours had passed and the twilight fell. Pagkatapos kausapin si Illyza ng manager ay agad siyang bumalik sa trabaho.

Nasa counter siya nang sinundot siya sa likod ni Mihira. Hinarap niya ito at pinanlakihan ng mata.

"Bakit?" Bulong niya.

"Nakita mo?" Bulong din nito.

Kumunot ang noo niya.

"Anong nakita?? Kakagaling ko lang sa opisina ng manager."

Inikutan siya nito ng mata. "Hindi mo na naman nakita?? Kakalabas lang niya!"

"Huh? Nino ba?"

"Yung pamangkin ni Señora!" Hinila siya nito.

"Hoy ano ba!" She whispers scream.

They stopped in the glass wall just in the corner nearer the parking area.

"Yun!" Ani Mihira at ngumuso.

Illyza let out a long sigh nang tignan ang nginuso nito.

"Maliban sa mga sasakyan, wala na akong iba pang makita."




To be continued...
✴ever_minah✴

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...